Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

10
PANGANGALAGA NG SANGGOL

Transcript of Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

Page 1: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

PANGANGALAGA NG SANGGOL

Page 2: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

MGA DAPAT TANDAAN SA WASTONG PAG-AALAGA NG

SANGGOL

Mahalagang maging handa ang pamilya sa pagdating ng bagong silang na sanggol. Maraming mga pangangailangan ang mga sanggol na dapat matugunan. Mahalagang alamin ang iba’t ibang mga gawain tulad ng pagbabakuna, pagpapasuso, pagpapaligo at iba pa upang maalagaan ang isang sanggol at lumaking malusog.

Page 3: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

Ang skin-to-skin contact sa pagitan ng ina at sanggol ay mahalaga upang sila ay mapalapit sa isa’t isa. Ito ay nakakatulong din upang maramdaman ng sanggol ang init ng ina at hindi siya malamigan. Mahalagang pasusuhin ang sanggol ng gatas ng ina sapagkat ito ay nagbibigay – proteksyon laban sa anumang uri ng sakit.Ang kabuuang pag-unlad ng isang sanggol ay nakasalalay sa wastong pag-aalaga ng kanyang mga magulang.

Page 4: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

Ang mga magulang ang magtataguyod sa pag-unlad ng kanilang mga anak sa tulong na rin ng iba’t-ibang mga serbisyo na matatagpuan sa kanilang komunidad. Karapatan ng bawat sanggol na mapangalagaan at lumaki ng malusog.

Page 5: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

PAGPAPASUSO NG GATAS NG INA

Page 6: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGPAPASUSO NG GATAS NG

INA

Ang pagpapasuso ay maraming mabuting nadudulot hindi lamang para sa mga sanggol kundi pati narin sa mga ina. Ang mga sanggol na nakaranas ng pagpapasuso sa unang anim na buwan ay mas malusog at hindi sakitin. Para sa mga ina, nababawasan ang posibilidad na sila ay magkaroon ng sakit at ang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng kanser sa suso at bahay-bata o matres.

Page 7: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

Sa ilang pag-aaral na ginawa, napatunayan din na ang pagpapasuso ng anak ay nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng osteoporosis o pagkarupok ng buto habang tumatanda ang isang babae. Ang pagpapasuso ng ina sa kanyang sanggol ay isa na paraan para mas maging malapit ang ina sa kanyang anak bilang resulta sa palagiang ugnayan nito (skin contact).

Page 8: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

EARLY CHILDHOOD SCREENING TOOL

Page 9: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

MGA DAPAT TANDAAN SA EARLY CHILDHOOD SCREENING

TOOLMahalaga na ang mga miyembro ng pamilya ay maging mapanuri sa pag-unlad ng kanilang mga anak upang kung may napansin na iba sa pangkaraniwang pag-unlad ng isang lumalaking bata, maaaring magtungo sa mga health center o ospital upang masuri ang anak. Mahalagang matiyak habang maaga kung ang isang bata ay may kapansnan nang gayon ay maagapan ito at mabigyan ng agarang lunas upang maagapan ang problema at hindi lumala.

Page 10: Modyul 2. sub modyul 2.2 paksa 3 sesyon 1 3 pangangalaga ng sanggol

Mayroong simpleng pamamaraan upang maobserbahan kung ang isang lumalaking anak ay may suliranin o mabagal sa ibang aspeto. Maaari itong gawin ng mga taong nakapaligid sa isang lumalaking bata.Ang mga batang may kapansanan ay may mga espesyal na pangangailangan. Kailangan nila ng ibayong pag-aalaga mula sa kanyang mga magulang at sa mga taong nakapaligid sa kanya upang matugunan ang mga pangangailangan na ito ay maramdaman nilang sila ay mahalaga