Modyul 1 kabutihang panlahat
-
Upload
jo-marie-nel-garcia -
Category
Education
-
view
442 -
download
18
Transcript of Modyul 1 kabutihang panlahat
Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Bb. Jo Marie Nel C. Garcia
Unang Gawain Ano ang larawan ng isang matiwasay na
lipunan para sa iyo? Ano-ano ang mga katangian nito? Maaari mo itong sagutin sa pamamagitan ng:Pagsulat ng isang kantaPaglalapat ng sayaw sa isang awit na
naglalarawan sa isang matiwasay na lipunanEssay (Pasulat) /Speech (Pasalaysay)Diorama/poster/blueprint
Kailangang maging malikhain sa gagawing paglalarawan.
Ang buhay ng TAO ay PANLIPUNAN Dr. Manuel Dy Jr.
“Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao.”
LIPUNAN Nagmula sa salitang ugat na “lipon” ay
nangangahulugang pangkat Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi na
may iisang layunin.
Komunidad Mula sa Latin “communis” ay
nangangahulugang nagkakapareho Ang isang komunidad ay binubuo ng mga
indibidwal na nagkakapareho ng interes ngunit mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi.
Bakit likas sa atin ang mamuhay sa lipunan?Jacques Maritain: The Person and the Common Good (1966) Dahil sa katotohanang hindi tayo nilikhang
perpekto at likas sa ating magbahagi sa kapwa ng kaalaman at pagmamahal.
Dahil sa ating pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan.
“Hindi makakamit ng tao ang kanyang kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan ang kanyang mga pangangailangan.”
“Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha.”
“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN.Binubuo ng LIPUNAN ang TAO.”
Dr. Manuel Dy Jr.Philosophy Professor Ateneo de Manila University
Kabutihang Panlahat Kabutihan para sa bawat indibidwal na
kasapi ng lipunan. Ang tunguhin ay hindi ang kabutihan para
lamang sa isa o iilang komunidad kundi ang kabutihan ng buong lipunan.
Kabutihan ng LAHAT, hindi ng NAKARARAMI.
“Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Makakamit ng tao ang kanyang personal na kabutihan sa pagiging bahagi nya ng lipunan.”
- Santo Thomas Aquinas
“Ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.”
– John Rawls
“Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kundi ang panlipunan at sibil na pagkakapatiran na palaging nangangailangan ng KATARUNGAN.”
3 Elemento ng Kabutihang Panlahat Ang paggalang sa indibidwal na tao.
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
Ang kapayaan.
3 Hadlang sa Pagkamit ng KP Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid
ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin.
Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag nya kaysa sa nagagawa ng iba.
3 Kondisyon sa Pagkamit sa KP Ang lahat ng tao ay dapat
na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.
Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan.
Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit mo sa iyong kapwa.”
“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
- Pres. John F. Kennedy
Paano ka tutugon sa hamon ng kabutihang panlahat?