Mga istratehiya safilipino

66
MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SHS

Transcript of Mga istratehiya safilipino

Page 1: Mga istratehiya safilipino

MGA MUNGKAHING

ISTRATEHIYA SA

PAGTUTURO NG

FILIPINO SA SHS

Page 2: Mga istratehiya safilipino

ANG GURO

Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloyng pagkatuto ay may malinaw na layunin sa

pagtuturo. Tatlong batayang layunin angiminumungkahi ni Hendricks (1998).

Page 3: Mga istratehiya safilipino

ANG KONDISYON NG PAGKATUTO

KAUGNAY NG PAGTUTURO NAPABIBILIS

ANG PAGKATUTO NG MAG-AARAL KAPAG

nagaganyak ang kaniyang mga pandama;

kasangkot siya sa pagpaplano ng mga gawain;

nagaganyak siyang matuto;

nahihikayat siyang mag-isip; at

nahihikayat na magsuri.

Page 4: Mga istratehiya safilipino

MGA GAWAIN SA LOOB NG KLASRUM

INTEGRATIVE INTERACTIVE COLLABORATIVE

Page 5: Mga istratehiya safilipino

1. INTEGRATIVE

• Ang mga paksang – aralin sa Filipino ay naiuugnay sa iba pang mga disiplina at sa tunay na buhay. Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakatuon sa mag-aaral at ang integrasyon ng mga makrong kasanayan. Ang mga estratehiyangparticipative, facilitative, at consultative ay mga katangian ng pag-aaral naintegrative. Dito, ang guro ay tagapagpadaloy lamang ng pagkatutosamantalang tagagawa ang mga mag-aaral. Ang guro ay tagagawa lamang ngiskrip ng pagkatuto, konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ngpag-aaral ng isang aralin, ang mag-aaral ang sentro at bida. Siya ay aktibongtagapagsalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng mag-aaral ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkataktibong gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip.

Page 6: Mga istratehiya safilipino

2. INTERACTIVE

Makikita ang prinsipyong ito kung ang silid-aralan ng Filipino ay nagbibigaydaan sa mga mag-aaral upang sila mismo ang magtalakay ng mga paksa at nagbabahaginan ng maraming kaalaman na umiikot dito. Mahalaga anginteraksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayagng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensahengipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ang interaksyon sa klaseay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagahatid ng mensahe, tagatanggap nito at ng konteksto ng sitwasyon, pasulat man o pasalita (Wells, 1987).

Sa loob ng silid-aralan, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring lahukanang mga mag-aaral: interaksyon sa guro, sa kapwa mag-aaral at sa teksto o kagamitang pampag-aaral

Page 7: Mga istratehiya safilipino

3. COLLABORATIVE

Sa prinsipyong ito natututunan ng mga mag-aaral ang paggalang sa sakakayahan at opinyon ng iba. Natututo rin silang magtulungan, magbahaginanng mga kaalaman, at natututong tumulong sa mga kamag-aral sa oras ngpangangailangan. Nagkakaisa at nagtutulungan ang guro at mga mag-aaralupang matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong mabawasan angkompetisyon at madagdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral. Nahuhubogang magagandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga mag-aaral, napatataas ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sarilingkakayahan, napatataas ang pagsulong sa pagkatuto, nalilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip, nagkakaroon ng positibong pag-uugali sa pag-aaral at mataas na motibasyon, at higit sa lahat, napalalalim ang mabuting relasyon ngguro at mag-aaral, at ng mag-aaral sa kapuwa mag-aaral.

Page 8: Mga istratehiya safilipino

MGA MUNGKAHING

ESTRATEHIYA AT GAWAIN

SA PAGTUTURO NG

FILIPINO

Page 9: Mga istratehiya safilipino

A. GRAPHIC ORGANIZER

• Ang mga grapiko ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipansa paraang maayos, malinaw, at maikli ngunit malaman at buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mgasalita upang linawin at ilantad ang mga kaisipan, kosepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay. May iba’t ibang uri ang grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y ginagamit napambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may teknikng pagkakatitik, paglalarawan, paggamit ng kulay, at lay-out at itoay para sa epektibong komunikasyong biswal.

Page 10: Mga istratehiya safilipino

ANG KAHALAGAHAN NG GRAPHIC

ORGANIZER

• Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din ito upang ibigay ang kategorya ngkonsepto ng mga pangyayari, biswal ng mgalarawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upangmahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.

Page 11: Mga istratehiya safilipino

Mga Benepisyo /Kabutihang Dulot ng mga

Graphic Organizer

Ang mga GO ay…

Nakakatulong sa pagsasanib ng dati nang kaalamansa bagong kaalaman.

Nakakapagpapadali sa pagdebelop ng konsepto.

Napapahusay ang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat at pagsusuri.

Nakakatulong sa pagsulat kaugnay ng pagplaplanoat pagrerebisa.

Naghihikayat ng diskursong “focused” o nakatuon saisang paksa.

Maaaring instrument ng ebalwasyon.

Nakakatulong sa pagplaplanong instruksyonal.

Page 12: Mga istratehiya safilipino

MGA URI NG GRAPHIC ORGANIZER

Ang graphic organizers ay nagagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at pangyayari sa binasa. Tinatawag din itong biswalna larawan ng mga kaalaman.

Page 13: Mga istratehiya safilipino

K-W –L TECHNIQUE (KNOW-WANT-LEARN)

Ito ang teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay sa mgabagong kaalaman. Nakabatay ito sa paniniwalang mas nananatili at nagigingmakahulugan ang bagong kaalaman kung iniuugnay sa dati ng nalalaman.

Know: Ano ang inyong nalalaman tungkol sa bagong paksang pag-aaralan? Isulat ang sagot sa unang kolum.

Want: Ano ang gusto ninyong matutunan o matalakay sa bagong paksa? Isulatang sagot sa ikalawang kolum.

Learn: Ano ang natutunan ninyo sa paksang tinalakay? Isulat ang sagot saikatlong kolum.

Page 14: Mga istratehiya safilipino

CONCEPT MAP

Ang Concept Map ang nag-uugnay ngmga konsepto hanggang sa makabuo ngmalaking ideya o katuturan.

Page 15: Mga istratehiya safilipino

CONCEPT CLUSTER

Ito ay ginagamit upang madaling maisa-isa at mabigyang-kahulugan ang klasterng mga salita, konsepto o pangyayari.

Page 16: Mga istratehiya safilipino

VENN DIAGRAM

Ang Venn Diagram ay ginagamit sapaghahambing ng mga katangian ngdalawang paksa upang makita angpagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

Page 17: Mga istratehiya safilipino

HIRARKIKAL NA DAYAGRAM

Ito ay lapit na linyar at kabilangdito ang pangunahing konseptoat mga sub-konsepto na nasailalim nito.

Page 18: Mga istratehiya safilipino

FACT STORMING WEB

Malawak ang saklaw ng factstorming web sapagkatmakikita rito ang lahat ng masasaklaw na detalye. Nasa sentro ang pangunahing konsepto at nakapaligid dito ang mga kaugnay na konsepto. Nakapaligid naman sa kaugnay na konsepto ang ibapang mga detalye.

Page 19: Mga istratehiya safilipino

SPIDER WEB

Sa spider web, karaniwang mahahati ang aralinsa apat at bawat isa ay tumutukoy sa isa sa apatna paa ng gagamba. Binubuo ng pangunahingkonspeto at sumusuportang datos ang bawatpangkat.

Page 20: Mga istratehiya safilipino

SEMANTIC WEB

May apat na elemento ang semantic web:

a) Ang core question na paksa ng aralin

b) Ang web strand na sagot sa core question na nakasulat saapat na kahon

c) Ang strand support na sumusuporta sa web strand

d) Ang strand tie na linyang nagdurugtong sa lahat ng web strand.

Page 21: Mga istratehiya safilipino

DISCUSSION WEB

Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na halos magkatimbang o balanseng masasagot ng OO o HINDI. Naoorganisarito ang mga argumento o ebidensya tungkol sa isyung tinatalakay. Gabay sa pagtalakay:

Umisip ng tanong na halos magkatimbang o balanseng masasagotng OO o HINDI at isulat sa loob ng isang maliit na kahon.

Isulat ang sagot sa tanong sa ilalim ng OO o HINDI

Suriin ang bawat sagot.

Magbigay ng konklusyon batay sa mga datos na nasa ilalim ng OO, gayon din sa mga datos na nasa ilalim ng HINDI.

Page 22: Mga istratehiya safilipino

ANG SAYKLIKAL NA TSART

Ang sayklikal na tsart ay magagamit sapagpapakita ng daloy ng mga gawain, pangyayari o proseso mula sa simulahanggang katapusan.

Page 23: Mga istratehiya safilipino

DATA RETRIEVAL CHART

Ginagamit ang data retrieval chart sapagsasaayos ng mga datos mula sa isinagawangdiskusyon sa klase o mula sa tekstong binasa. Magagamit ito sa pag-uulat o sa pagbubuod ngleksyon.

Page 24: Mga istratehiya safilipino

SENSORY DETAILS CHART

Ginagamit ang sensory details chart upang mangalap ng mga datos o impormasyon sa paggamit ng mga pandama.

Page 25: Mga istratehiya safilipino

CIRCLE DIAGRAM

Sa pamamagitan ng circle diagram, maaaring masuri ng mga mag-aaral angmga pangyayari o isyu. Sa tulong ngdiagram, mahahanap ng mga mag-aaralang pinakasanhi ng isang pangyayarihanggang sa bunga.

Page 26: Mga istratehiya safilipino

MAIN IDEA AND DETAILS CHART

Ginagamit ang chart na itotuwing may pinag-aaralangpangunahing kaisipan at pag-iisa-isa sa mga detalye.

Page 27: Mga istratehiya safilipino

RANK ORDER CHART

Natuturuan ang mga mag-aaral na mag-analisa ng mga paksa sa pamamagitan rank order chart. Ito ang pagbibigay ng ranggokung alin sa mga datos na ibinigay angdapat na mauna at naipaliliwanag ito ngmga mag-aaral.

Page 28: Mga istratehiya safilipino

COMPARISON-CONTRAST CHART

Sa tulong ng comparison contrast chart, naipaliliwanag ng mga mag-aaral angpagkakatulad at pagkakaiba ngdalawang paksa. Naisasagawa ito sapamamagitan ng pag-aasimila.

Page 29: Mga istratehiya safilipino

ANG CAUSE AND EFFECT CHART

Ang chart na ito ang magbubuod sasanhi at bunga ng isang pangyayario penomena.

Page 30: Mga istratehiya safilipino

WHAT IF? CHART

Ito ang chart na susubok sakahusayan ng mga mag-aaral sapagbibigay ng mga kasagutangmaaaring itugon sa mgapangyayaring susuriin.

Page 31: Mga istratehiya safilipino

PROCESS OR CYCLE DIAGRAM

Sa pamamagitan ng diagram na ito, maaaring pag-aralan ng mga mag-aaral ang proseso ng isangpangyayari o bagay.

Page 32: Mga istratehiya safilipino

EVENT MAP

Ginagamit ang event map sa pag-aanalisa sa isang paksa o kuwento. Ito ang madalas gamitin sapagtalakay sa mga akdangpampanitikan.

Page 33: Mga istratehiya safilipino

EVALUATION PYRAMID

Sa tulong ng ganitong istilo ng graphic organizer, natututuhang hanapin ngmga mag-aaral ang tamang antas ngisang bagay o pangyayari. Nagagawa itosa pamamagitan ng masusing pag-aanalisa.

Page 34: Mga istratehiya safilipino

POSITIVE-NEGATIVE CHART

Itong chart ay nakatutulong sapagkilatis ng mga mag-aaral ng mgapositibo at negatibong epekto ngisang isyu.

Page 35: Mga istratehiya safilipino

DECISION CHART

Sa pamamagitan ng decision chart, nahahasaang kaisipan ng mga mag-aaral namagpaliwanag at magtimbang-timbang ngmga isyu. Nakatutulong din ito sa mabisangpagpapasimula ng makahulugan at matalinong pagdedebate.

Page 36: Mga istratehiya safilipino

PERSUASIVE PLANNER

Nagagamit ang persuasive planner upangmasanay ang mga mag-aaral na manghikayatsa pamamagitan ng matalinongpangangatwiran at obhetibong pagbibigay ngmga patunay tungkol sa isyung pinag-uusapan.

Page 37: Mga istratehiya safilipino

FISHBONE PLANNER

Ang fishbone planner ay ginagamitsa pagtitimbang-timbang samaganda at hindi magandangepekto ng isang isyu o paksangpinag-uusapan.

Page 38: Mga istratehiya safilipino

WORD MAP

Nagagamit sa pagpapalawak ngisang salita ang word map. Ginagamit din ito upang bigyang-kahulugan ang isang isang termino.

Page 39: Mga istratehiya safilipino

STORYBOARD

Ginagamit ang story board upang ipakitaang mahahalagang pangyayari sakuwento. Iguguhit ang mahahalagangpangyayari sa kahong inihanda ayon sawastong pagkakasunud-sunod.

Page 40: Mga istratehiya safilipino

IBA PANG

ESTRATEHIYA NA

MAGAGAMIT SA

AKTIBONG

PAGTUTURO

Page 41: Mga istratehiya safilipino

INFORMATION CHART

Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guroang nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng pangkat angimpormasyong inaakalang alam nila tungkol sa bawattanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posiblengsanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapagnahanap na ng pangkat ang sagot sa bawat tanong, isusulatnila ito sa ilalim ng angkop na kolum pati na angsanggunian. Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng“Iba Pang Kawili-wiling Kaalaman” at “Mga Bagong Tanong”.

Page 42: Mga istratehiya safilipino

I –SEARCH

Mula sa isang teksto (naratibo o ekspositori) na nabasa, pipili ang mgaestudyante ng isang tanong o tema nagusto pa nilang mapag-aralan o masuri. Isasagawa ang imbestigasyon / pag-aaralsa labas ng klase at isusulat ang resulta / mga konklusyon sa I-Search sheet.

Page 43: Mga istratehiya safilipino

JIGSAW

Isang kolaboratibong estratehiya na ang isang pangkat ngmag-aaral ay nagiging eksperto sa isang bahagi ng teksto(karaniwang tekstong impormasyonal) at pagkatapos ay ibinabahagi at pinag-uusapan ang kanilang mga kaalamansa kanilang “home group”. Maaari ring magpangkat angmga mag-aaral at ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang“expertise” sa ibang pangkat. Epektibo ito sa pagtalakay ngisang mahabang aralin na kailangang matapos sa loob ngmaikling panahon.

Page 44: Mga istratehiya safilipino

LIST-GROUP-LABEL

Nabuo upang mapalawak ang bokabularyo sa Agham at Araling Panlipunan. Mula sa guro, may isang “stimulus topic” na hinango sa karanasan ng mga estudyante o samga materyales na pinag-aaralan.

Nagbibigay naman ang mga estudyante ng iba’t ibangsalitang iniuugnay nila sa paksa. Kapag umabot na sa 25-30 salita ang listahan, kinakategorya at binibigyan ng label ang mga salita.

Page 45: Mga istratehiya safilipino

THINK-PAIR-SHARE

Isang kooperatibong pagkatuto kung saannakikinig muna ang estudyante sa ilangtanong, nag-iisip tungkol sa kaniyang isasagot, nakikipares upang makipagtalakayan sa isa o higit pang kaklase at nagbabahagi rin kaniyangmga sagot sa buong klase.

Page 46: Mga istratehiya safilipino

DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO

Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ngguro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaralang magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isaang kaniyang bahagi, hahawakan niya angkamay ng katabi bilang tanda na siya ay taposna.

Page 47: Mga istratehiya safilipino

WHAT CAN YOU SAY?

Gumagamit ng mga larawan ang guroat gagabayan ang mga mag-aaral naipaliwanag ang nilalaman nito. Maaaring gamitin ang mga larawan sadyaryo.

Page 48: Mga istratehiya safilipino

MOCK TRIAL

Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isangpangyayari sa kuwento na nais bigyan ng pagsusuri. Halimbawa: Dapat bang patawarin si Senyora Mamengdahil sa hindi makataong pagtrato niya sa mga katulong? Papangkatin ang klase sa a) HUKOM, b) TAGA-USIG, c) TAGAPAGTANGGOL, d) NAGHABLA, e) MGA SAKSI.

Page 49: Mga istratehiya safilipino

MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI

NENENG

Ipapasa ang isang maliit na bakya habang may tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng bakya ang siyang sasagot sa bugtong. Kung ang sagot sa bugtong ay gunting, kukunin ngmag-aaral ang gunting sa loob ng paper bag. Sasagutin ng mag-aaral na ito ang tanong nanakadikit sa gunting.

Page 50: Mga istratehiya safilipino

PARADE OF COSTUME

Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa isangpartikular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral angisang panahon na kaugnay sa kanilang mga naging kasuutan. Maganda itong gawin sa panahon ng Buwan ng Wika, sa Pagdiriwangng mga Nagkakaisang Bansa at mga piling maiikling kuwento na angtuon ay sa kasaysayan ng bansa. Maaari rin naman na gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalangtao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mgapinuno ng bayan o kahit sinong kilalang tao na maaari naman nakaugnay sa paksang tinatalakay.

Page 51: Mga istratehiya safilipino

PAGTIBAYIN ANG PALAGAY

Batay sa larawan, dugtungan ang mga pahayag s aspeechballoon ng iyong nabuong konsepto o pananaw gamit angmga ekspresiyon ng pagpapahayag.

Halimbawa:

Sa aking pananaw, _______

Sa kabilang dako, _____

Ang Pagtuturo ng Filipino

Ayon kay, ______

Sang-ayon sa, _______

Page 52: Mga istratehiya safilipino

CLASH OF CLASS

Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipiliang bawat pangkat ng isang tauhan o character sa Clash of Clans na magiging pangalan ng kanilang pangkat at doon ibabatay ang kanilang “kapangyarihan” namagagamit nila sa gagawing gawain. Ang bawat pangkatay gagawa ng mga tanong batay sa paksang tatalakayin. Kung sakaling nasagot ng isang pangkat ang tanongmula sa katunggaling pangkat ay kukuha ito ng isa sakanilang miyembro—hanggang maubos ang mga ito at ang matitira lamang ay ang isang pangkat.

Page 53: Mga istratehiya safilipino

Mga Halimbawa:

1. Umalis kami, kasama ng aming ama, patungong Makati.

2. Ibinili niya ako ng isang dyaket sa mall.

3. Ibinili niya ng blusa ang aking kapatid na babae.

4. Sumakay kami sa isang siksikang elevator.

5. Umuwi kaming sakay ng isang bus.

6. Nagtungo kami pagkatapos sa isang sanitarium sakay ng aming lumangkotse,dala ang damit para saming ina.

7. Biglang bumuhos ang ulan naghintau na lamang kami ng aking kapatid sakotse.

8. Umuwi kami sa gitna ng lumalaganap nang ulan at dilim.

ANG ORASAN. TULAD NG PAG-IKOT NG KAMAY NG ORASAN, ANG PADRONG ITO

AY NAGSISIMULA MULA SA UNAHAN NG MAGKAKAWING NA MGA PANGYAYARI HANGGANG SAKAHULI-HULIHANG PANGYAYARI. MAAARI DING MAGSIMULA SA HULIHAN AT MAG- FLASH BACK, OMAARING MAGSIMULA AT GUMALAWMUNANG PAUNA O PAHULI.

Page 54: Mga istratehiya safilipino

ANG REBENTADOR . SA ISTRUKTURANG ITO, ANG ISANG PANGYAYARI ANG SIYANG

SANHI NG MGA NALIKHA PANG MGA IBA PANG PANGYAYARI. KUNG WALANG PANGYAYARI, MAARING HINDINAGANAP ANG MGA SUMUSUNOD DITONG PANGYAYARI.

Nagkasakit ang aking ina

Kinakailangang ang aming ama ang tumingin sa aming kapatid.

Ibig ng aming ama na makauwi na ang aming ina.

Bumalik ang sakit ng aking ina.

Hindi sinabi ng aking ama kung ako ang nararamdaman niya, ngunit nakikita iyon sa kanyang pagkilos.

Page 55: Mga istratehiya safilipino

ANG SAYAW. Sa istrukturang ito, ang mga nagaganap ay pabalik-balik sakanikanilan mga panahong may kani-kaniyang tagpuan.

ANG BUHAY NG AKING AMA

40 63 5

19 15

Namatay ang aming ama sa sakit sa puso(hindi siya napamanahan ng kanyang ama--ng aming lolo—ngunit hidi siya tumutol.) Lalatiguhin ang aking ama

ng kanyang ama ngunitang kanyang asawa (siLola) na noon aykagampanan ayhumadlang Siya aynahagip ng. latigo,nabuwal. Nabagok angulo, dinugo at namatay

Nag-asawang muli si Lolo. At nagkaroon ng isang anak na lalaki. Hindi tumutol ang aming ama.

Nag pakasal ang akingama at ang aking ina, nanoo’y 19 na taonggulang. Ang kanilangmga magulang ayparehong tutol sapagpapakasal na iyon.Ako ang bunso sadalawang anak ngpagsasamang iyon.

Ang aking ama ay pinapag-aralsa isang tradisyunal na paaralanggumagamit ng hagupit sapangdi-disiplina. Tiniis ang mgaiyon ng aking ama sa buongpanahong nag-aaral siya roon

Page 56: Mga istratehiya safilipino

ANG ANALISIS. Sa istrukturang ito, inihaharap ang lahat ng mgadatos, susuriin ang mga ito, saka sasabihin ang isang lohikal nakongklusyon.

Sanhi 1 Sanhi 2

Nahubog ang aking lolo sa isangpaaralang mahigpit ang pagdidisiplina.Hindi niya idinaing ioyn sa iba pagkatiyon ang inakala niyang tamangpaghubog sa tao

Hindi sinabi ng aming ama ang mgadamdamin niya sapagkat ayaw niyangdumaing o tumutol dahil yaw niyangmabahala pa kami o masaktan.

Bunga 1

Ang mga bagay at pangyayaring magbbibigay-kalungkutan sa akin ay tinututulan ko at sinasabi ko saaking pamilya.

Page 57: Mga istratehiya safilipino

PAGGAWA NG SILO(LOOP) Sa paggamit ng ganitongteknik, mangangailangan ng tatlong silo o loop. Sa ganitongteknik- ang mag-aaral ay malayang makakasulat tungkol saisang paksa, sitwasyon O kalagayan. Ang panghili niyangpangungusap sa unang loop ay kailangang maging buod ng mgabinangit niya.

Sa pangalawang silo, magpapatuloy ang estudyante sapaglalahad ng kanyang mga ideya tungkol sa unang buod napahayag. Katulad ng ginawa sa unang silo, magbibigay nanaman siya ng kanyang pangalawang buod na pahayag. Angganitong pagsulat O hakbang ay uulitin sa ikatlong siglo.

Page 58: Mga istratehiya safilipino

CUBING Ang paraang ito, O teknik, ay nagtataglay ng hakbang. Sa

bawat hakbang ay kinakailangan ang patuloy na pagsusulat. Paano itoginagawa? Una, kailangang pumili sa mga salitang nakasulat sa pisara. Angmga ito’y pangngalang tiyak(concrete nouns): kung gustong orasan, mabibigyan ang mag-aaral ng tig lilimang minuto bawat cube O baytang.

Unang baitang: ilarawan ang piniling bagay. Ano ang anyo? Isulat angmga pisikal na katangian.

Ika-2 baytang: paghahambing. Ano ang katulad nito? Ano ang kinaibanito?

Ika-3 baytang: suriin. Ano ang mga sangkap nito(materyales)? Ano angmga bahagi? Paano nabuo O naayos?

Page 59: Mga istratehiya safilipino

Ika-4 na baytang: iugnay sa iba. Ano ang nagpapagunitasa iyo tungkol dit? Sa ano ito maiuugnay? Anong istorya, pangyayari, O sitwasyon ang maiisip mo kapag napag-ukulan mo ang mga ito?

Ika-5 baitang: i-aplay mo ito. Ano ang mapaggagamitanmo rito? Ano ang magagawa mo rito? Anong mga di-pangkaraniwang gamit ang maiisip mo tungko dito?

Ika-6 baitang: magmatwid ng pabor O laban sa bagay naito. Manindigan ka. Magbigay ka ng anumang mga dahilangmaiisip, gaanuman katawa-tawa O kabaliwan ang katuwiranmo.

Page 60: Mga istratehiya safilipino

MAGKAKAMBAL

Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral na makapagbigay ngiba’t ibang salita na kasingkahulugan o kabaligtaran ng isang salita. Mapapayaman din nitoang bokabularyo ng mga mag-aaral na mahalaga sa pagsulat ng tula sa sanaysay.

Halimbawa:

A. Ibibigay ng guro ang isang salita. Magbibigay ang mga mag-aaral ng mgasalitang kasingkahulugan nito.

Tingin – tanaw, masid, masdan, titig, matyag, silip, subaybay, tiktik, sulyap, sipat.

B. Ibibigay ng guro ang isang konsepto. Magbibigay ang mga mag-aral ng mgaideyang naiuugnay nila sa konseptong ibinigay ng guro.

EDUKASYON – tagumapay, pera, kotse, trabaho, respeto, diploma, medalya,katanyagan, prinsipal, kaba, puyat, pagsusulit, medyas, sapatos, crush, uniform, ginik,bestfriend, bato.

Page 61: Mga istratehiya safilipino

KWINTASAN

Istratehiya na maaring dedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap. Mula sa maliliit na detalyeng ibibigay ng guro, magagawa na mag-aral nabumuo ng isang paglalahad na may kumpletong kaisipan, natatangi, at malikhain.

T A M N

Halimbawa:

A. Bubuo ng isang malikhaing kwento ang mga mag-aaralgamit ang mga salitang ibibigay ng guro.

langgam tubig kama

Umiinom ng tubig si Jun habang nakaupo sa kama nanood ng tv nang biglasiyang napasigaw. Nang tingnan niya ang kanyang binti, nakita niya ang malakinglanggam na pula na kumagat pala sa kanya. Dali- daling niyang pinitik ang langgam, kinamot ang nangangating binti at nagpatuloy sa panood ng tv.

Page 62: Mga istratehiya safilipino

B. Maaaring magparinig ang guro ng isangawit. Susulat ang mga mag-aaral ng isangsanaysay o tula na may kaugnayan sanilalaman nito.

C. Magpaparinig ang guro ng isanginstrumental na tugtugin. Lalapatan ito ng liriko ng mga mag-aaral.

Page 63: Mga istratehiya safilipino

BAGONG MATA

Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa bagong pagtingin sa mga bagay at bagong gamit samga bagay. Makakatulong ito sa pagdedevelop ng mapanuri at malawak na pag-iisip.

Halimbawa: Ibibigay ng guro ang isang salita. Iisipin ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang gamit nitomaliban sa karaniwan nitong gamit.

basketbol

pambato ng prutas sa puno

pangkilala sa crush

pamporma

pang-ehersisyo

unan

patungan ng paa

displey

salbabida

blackboard

sandalan ng titser, bubong, dingding

Page 64: Mga istratehiya safilipino

NUMBERED HEADS

Isa itong cooperative learning strategy na kung saan ang bawatpangkat ay nagbibigay ng tuon sa isang tanging paksa upangmatukoy ang solusyon o sagot na dapat ilaan para dito. Ang bawatpangkat ay hahatiin sa pare-parehong bilang. Bawat miyembro aybibigyan ng kani-kanyang bilang. Papangkatin ang mga miyembrong iba’t ibang pangkat sa bagong pangkat ayon sa kanilang bilang.Bibigyan sila ng sapat na panahon upang magtalakayan hinggil saisang paksang maaaring ibigay ng guro batay na pinag-aralan saklase.

Page 65: Mga istratehiya safilipino

CORNERS

Isa pa ring cooperative learning strategy na nagbibigay ngpagkakataon sa mga mag-aaral na makilala nang lubusanang kanyang sarili at mga taong nakapaligid sa kanya.Dito, bibigyan ng pangalan ng guro ang apat na sulok sasilid aralan. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng laya napumunta sa sulok na nais niya. Pagkatapos, ibibigay ngguro ang mga tanong na nakalaan sa bawat sulok. Itongayon ang bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral nasa talakayan.

Page 66: Mga istratehiya safilipino

RIGHT ANGLE

Ito ay isang graphic organizer na tumutulong sa mga

mag-aaral upang makita ang implikasyon ng mga ideya at

mailapat ang mga ito sa kanilang sariling buhay.

1

3

2

4