Matanglawin tomo31_blg2

60
Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin SECTION HEADER 1 Matanglawin Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila Hunyo-Agosto 2006 Kwentong Singapore Tomo XXXI Bilang 2 Randy David Ang pananaw ng mga Atenista sa Charter Change Isang taon matapos ang “Hello, Garci?” Pinoy Dream Academy at Philippine Idol Sa labas ng mga pader ng akademya

description

Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila

Transcript of Matanglawin tomo31_blg2

Page 1: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin

SECTION HEADER

1

MatanglawinOpisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila

Hunyo-Agosto 2006

Kwentong Singapore

Tomo XXXI Bilang 2

Randy David

Ang pananaw ng mga Atenista sa Charter Change

Isang taon matapos ang “Hello, Garci?”

Pinoy Dream Academy at Philippine Idol

Sa labas ng mga pader ng akademya

Page 2: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 20062

SECTION HEADER

Matanglawin | Hunyo - Agosto 20062

SECTION HEADER

Page 3: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 3

Joseph Edward B. Alegado, AB COM ‘07Punong Patnugot

James Patrick G. Alonzo, BS ME ‘07Katuwang na Patnugot

Charmaine Avena, AB PoS ‘08Nangangasiwang Patnugot

Adeline Claire A. Seastres, AB Eu ’09Tagapamahala ng Pandayan

Renette C. Alcopra, BS Mgt ‘07Tagapamahala ng Pananalastas

James Patrick G. Alonzo, BS ME ‘07Patnugot ng Sulatin at Saliksikan

Karlo Paolo P. Layug, BS CS ‘07Patnugot ng Sining

Mara Melanie D. Perez, BFA ID ‘07Patnugot ng Lapatan Oliver L. Rivera, BS Ch-CE ‘08 Karlo Paolo P. Layug, BS CS ‘07Patnugot ng Web

Kris Diane Domingo, AB ECO-H ‘07Pangkalahatang Kalihim/Ingat-Yaman

SULATIN AT SALIKSIKAN Katuwang na Patnugot: Daphne Domingo, Maki Lim, Chan Mamforte, Hermund Rosales,

Mga Kasapi: Kalil Almonte, JP Alonzo, Jerome Alvero, Ryan Caidic, Abby Castro, Gena Chua, Dianne Galinato, Cid Garcia, Sunshine Indias, Tracie Lorenzo, Albee Ricio, Leontine Sarmiento, Chai Villafranca, Alan Teh, Lester Yee

SINING AT PANANALASTAS Katuwang na Patnugot: Earl Diaz, Mga Kasapi: Chito Esguerra, DJ Famarin, Omar Gabito, Scott Kho, Hub Pacheco, Marc Santos, Joanna Tapar

Lapatan

Katuwang na Patnugot: Ekai Ticong, Hub Pacheco Mga Kasapi: Czek Vinluan, Louie Zamora

WebChe Abelinde, Galilee Semblante

Tagapamagitan Dr. Agustin Martin Rodriguez, Kagawaran ng Pilosopiya

Lupon ng mga TagapagpayoChristine Bellen, Kagawaran ng FilipinoGary Devilles, Kagawaran ng FilipinoMichael-Ali Figueroa, Programa ng Fine Arts Dr. Francis Gealogo, Kagawaran ng Kasaysayan Chay Florentino Hofi leña, Kagawaran ng KomunikasyonCynthia Nograles Lumbera, Kagawaran ng InglesAlvin Yapan, Kagawaran ng Filipino

MatanglawinOpisyal na Pahayagang Pangmag-aaral

ng Pamantasang Ateneo de Manila

HABANG nasa panahon ng produksyon ang isyung ito ng Matanglawin, samu’t saring mga balita at usapin ang patuloy pa ring kinahaharap ng sambayanang Pilipino. Nariyan pa rin ang hindi matapus-tapos na usapin ukol sa pandaraya diumano ni

Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa halalan noong 2004. Para sa administrasyon, tapos na ang usaping ito. “Let’s move on!”, ang kanilang linya sa tuwing uungkatin ng oposisyon at mga kritiko ang kontrobersiyang dulot ng “Hello Garci!” wiretapped tapes. Dahil sa ginagawang pagtatakip sa katotohanan ng administrasyon, ilang polisiya at institusyon ang naaapektuhan dulot ng kanilang hangarin na maisalba ang sarili hanggang 2010. Sa isyung ito, sinuri namin ang biglaang pagbasura ng batas ukol sa death penalty ilang araw bago tumulak ang Pangulong Arroyo sa Vatican City at makipagpulong kay Papa Benito XVI. Nariyan din ang usapin ukol sa sunud-sunod na pagpatay sa mga aktibista at ang kaugnayan nito sa desisyon ng Pangulong Arroyo na maglaan ng 1-B pondo para pulbusin ang mga komunista. Nakalulungkot isiping sa ngalan ng pagsasalba sa sarili at sa pagnanais na makalimutan ng publiko ang kontrobersiya sa halalan, gumagamit ang pamahalaan ng dahas upang patahimikin ang mga naglalakas loob na magsalita. Dagdag pa rito, hindi sinasagot kung ano nga ba talaga ang katotohanan sa likod ng dayaan sa halalan habang binubusog naman ang publiko sa mga pa- ngako at plano na makapag-aangat diumano ng kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan tulad na lang ng mga binanggit ng pangulo sa nakaraang SONA. Ngunit sa kabila ng mga nakawawalang ganang tema ilang artikulo sa isyung ito, nakatutuwang isiping mayroon pa ring mga indibidwal sa loob o labas man ng pamantasan ang nagtataya at nakikisangkot sa kani-kaniyang pamamaraan. Nagpapaalala sila sa ating sa kabila ng lahat ng mga hindi magandang pangyayari sa bansa, mayroon pa ring natitirang pag-asa para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng mga indibidwal na tulad nila. Ilan lamang dito ang kolumnista at UP Prof. Randy David, ang mag-aaral-aktibistang si Atom Araullo, at ang ilang Atenistang tinalikdan ang malalaking sahod sa mga korporasyon at naglilingkod ngayon kasama ng mga kabataan at maralita. Amin ding tinalakay ang iba’t ibang mga organisasyon na nabuo kamakailan sa loob ng pamantasan na naglalayong pumusisyon sa mga usaping sosyo-pulitikal at paigtingin ang pakikisangkot ng mga Atenista. Sa isyung ito, kinamusta rin ng aming katuwang na patnugot na si JP Alonzo ang kalagayan ng mga kababaihang migrante sa Singapore. Nagagalak ang pamahalaan sa mga migrante sapagkat nakapagbibigay sila ng mga dolyar na remittances sa bansa ngunit hindi man lang iniisip ng pamahalaan ang kinahaharap ng mga Pilipinong nangingibang-bansa. Sa huli, sinisimulan din namin sa isyung ito ang mga kaunting pagbabago sa aming pahayagan. Sininop namin ang disenyo at pagkakalapat ng mga artikulo. Nagkaroon ng bahagi kung saan makapagpapahayag ng opinyon at kuru-kuro kaming mga kasapi ng pamunuan ng Matanglawin. Mas gagawin din naming madalas at kaiga-igaya ang pagkakasulat ng mga artikulo ukol sa mga personalidad na aming ipakikila sa Mata sa Mata. At mula sa isyung ito, ilalathala na namin ang aming Tanawin-Tunguhin upang magsilbing paalala sa amin at sa inyo rin, aming mga mambabasa, sa landas na gusto naming tahakin ng Matanglawin sa ikatatlumpu’t isang taon nito ng pagmumulat. Pagkatapos ninyong gugulin ang inyong oras sa pagbabasa ng isyung ito, nawa’y hindi ninyo makaligtaang magbigay ng sarili ninyong mungkahi, opinyon, at kuru-kuro ukol dito: [email protected].

Hihintayin namin kayo! M

Joseph Edward B.Alegado Punong Patnugot, 2006-2007

Pamumulitika at Pagtataya

MULA SA PATNUGOT

Page 4: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 20064

Tanawin ng Matanglawin

Mapanghamon ang ating panahon.

Kailangan ang mga matang nangangahas tumitig at magsuri sa paligid. Kailangan ang isang tanglaw ng katotohanan sa gitna ng dilim na laganap na pambubulag at pagbubulag-bulagan. Kailangan ang mga kuko ng lawing daragit sa mga dagang ngumangatngat sa yaman ng bansa at ahas na lumilingkis sa dangal at karapatan ng mga maralita.Kaya’t ang Matanglawin ay bumabangon upang tumugon.

Tumutugon ang Matanglawin, una, bilang pahayagan ng malaya at mapagpalayang pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mahahalagang usaping pampaaralan at panlipunan; at ikalawa, bilang isang kapatiran ng mga mag-aaral na may malalim na pananagutan sa Diyos at sa Kanyang bayan. Ang Matanglawin ay hindi nagsisimula sa wala. Saksi ito sa nakatanim nang binhi ng pagtataya at pagkilos ng ilang Atenista. Subalit hindi rin ito nagtatapos sa simula. Hangad nitong diligin at payabungin ang dati nang supling, at maghasik pa ng gayong diwa sa higit na maraming mag-aaral. Hangad din nitong ikalat ang gayong diwa sa iba pang mga manghahasik ng diwa at sa iba pang mga pamayanang kinasasangkutan ng mga Atenistang kumikilos palabas ng kampus.________________________________________

Tunguhin ng Matanglawin

Sa adhikaing ito, isinasabalikat ng Matanglawin ang mga sumusunod na sandigang simulain:1. MAGING matapat at matapang sa paghahanap at paglalahad ng katotohanan - katotohanan lalo na ng mga walang tinig. 2. BIGYANG-DAAN ang malaya, mapanuri, at malikhaing pagtatalakayan - kabilang na ang kritisismo - ng mga mag-aaral hinggil sa mga usaping pangkampus at panlipunan. 3. HUBUGIN ang mga kasapi sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga tao lalo na sa mga anakpawis, pandayin sila sa masinop na pananaliksik at pagpapahayag, at hasain sa malalim na pagninilay upang maging mabisang tagapagpairal ng pagbabago ng mga di-makatarungang balangkas ng lipunan. 4. TUMAYO bilang isang aktibong kinatawan ng Pamantasan [ara sa ibang paaralan at sektor ng lipunan. 5. ITAGUYOD ang diwa at damdaming makabansa lalo na sa pagpapalaganap at pagpapayaman ng sariling wika.

6. PAIGTINGIN ang kamalayang pampulitika sa Ateneo sa paraang mapayapa subalit mapaghamon, may kiling sa mga dukha bagaman walang isang ideolohiyang ibinabandila.

7. IBATAY ang lahat ng gawain sa papasulong na pananaw ng panananampalatayang Kristiyano na sumasamba sa Diyos na gumagalaw sa kasaysayan, kumakampi sa katotohanan, at may pag-ibig na napapatupad ng katarungan.

Tungkol sa Pabalat

Si Propesor Randy David sa UP Faculty Center.

Matanglawin

www.matanglawin.org

TANAWIN AT TUNGUHIN/TUNGKOL SA PABALAT

Pagmamay-ari ng mga lumikha ang lahat ng nilalaman ng pahayagang ito. Pinahihintulutan ang lahat ng pagsipi sa mga nilalaman basta hindi nito sinasaklaw ang buong akda at may karampatang pagkilala sa mga lumikha.

Bukas ang Matanglawin sa lahat (Atenista man o hindi) sa pakikipag-ugnayan: pagbibigay o pagsasaliksik ng impormasyon, pagtatalakay ng mga isyu, o pagpapaalam ng mga puna at mungkahi ukol sa aming pahayagan.

Sa lahat ng interesado, mangyari lamang na tumawag sa (632) 426-6001 lokal 5074, magpadala ng text message sa (63919) 557-5471, o sumulat sa pamunuan ng Matanglawin, Council of Publications Room (Gonzaga 206), Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City 1108. Maaari ring bumisita sa www.matanglawin.org o magpadala ng email sa [email protected].

Kasapi ang Matanglawin ng Council of Publications ng Pamantasang Ateneo de Manila at College Editors Guild of the Philippines.

Hub

Pac

heco

Page 5: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 5

Ekonomiya 2006 Suriin ang pang-ekonomikong landas na tinahak at tinatahak ng Pilipinas. Saan tayo nagkamali?

Pakikipagsapalaran sa Lupang Dayuhan

Ang buhay ng mga OFW sa Singapore ay hindi isang biro. Basahin ang ilang kuwento ng pighati at saya ng ating mga kababayan sa lupain ng Merlion at Esplanade.

Alyansang Atenista: Tungo sa Pagkakaisa Tunghayan ang mga alyansang nabuo sa Ateneo at ang

kanilang mga mithiin para sa komunidad.

Silang naibaMay mga tao pa rin sa kasalukuyan ang naniniwalang hindi pagkita ng malaking salapi ang pinakamahalaga

kung nagtapos ka sa Ateneo, lalo’t higit pa sa JG-SOM.

Atenista, sasayaw ka ba sa Cha-Cha?

Silipin sa artikulong ito ang pananaw ng mga Atenista sa Cha-Cha. Pagkatapos nito, hanggang dito na lamang ba?

ASCC: Takbuhan para sa mga Katanungan

Kung nag-aalinlangan, magtanong. Ano nga ba ang ASCC? Alamin kung paano ito nakatutulong sa mga estudyante ng mga Paaralang Loyola at iba pang kawani ng ating pamantasan.

e-pagtalaIsang malaking lundag ang pagpapatupad ng isang

online registration para sa ating pamantasan. Handa na ba ang administrasyon pati na ang mga Atenista?

MGA NILALAMAN

Liku-likong Pangangatwiran Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang sumambulat

ang isyu sa “Garci tapes”. May paglilinaw na bang naganap ukol dito o patuloy ang pag-iwas ng administrasyon sa isyu?

Kalapating de susi Dito nga ba maihahambing ang mga aktibista sa Pilipinas?

Pagkakabuklod sa PagkakahiwalaySa iminumungkahing pagbubuo ng super regions,

maraming saloobin ang ipinahayag. Tingnan kung papaanong magbabago ang pagkakapangkat-pangkat ng mga rehiyon sa bansa.

Pangakong Napako, Pangakong Mapapako?

Suriin ang dalawang huling mga SONA ng Pangulo. May pagbabago bang nagaganap?

RA 9346: Ang Pagpatay sa Batas ng Pagpatay

Kahina-hinala ang pagkakababasura ng parusang kamatayan. Ano nga ba ang magiging epekto ng hakbanging ito?

Sigaw ng Bayan

8

1215

18

21

Pulsong Atenista

32

34

38

41

42

45Ekonomiya 2006

administrasyon pati na ang mga Atenista?

45

Pitik-Putak

Mga Inangkat na PatimpalakMabilis na inaangkat at pinalalabas ng lokal na industriya

ng telebisyon ang dayuhang reality talent search. Mahalagang salik marahil dito ang tingin ng Pilipino sa kanyang sarili.

Sa ulo ng mga balita: KRIMEN!Patayan, saksakan, nakawan. Pulos karahasan na lamang

ba ang laman ng mga balita’t palabas?

48

Kilatista

50

52

Ibang BahagiMata sa Mata: Dugong Bughaw

GabayPaterno Esmaquel, IIDr. Agustin Martin Rodriguez

24 Randy David

28 Atom Araullo 545657

Opinyon: Oliver RiveraJoseph Edward Alegado

6 7

Talim ng Balintataw

Bagwis

’Tenista Nga

305960

Page 6: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 20066

UNANG PAGKAKATAON kong makilahok sa isang malawakang rally sa Makati noong kasagsagan ng iskandalo hinggil sa pagtawag ni Pangulong Arroyo kay dating COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano. Tulad ng iba pang mga bagay na naranasan sa unang pagkakataon, naroroon ang pagkasabik at takot sa mga maaaring mangyari at maidulot ng pagsali ko sa gayong gawain.

Nakatutuwa ang mga inihandang jingle ng mga nakilahok na mga organisasyon, na bagama’t punong puno ng mga pambabatikos sa kasalukuyang administrasyon, hindi nawawala ang mahusay na pagkakatugma ng mga salita at porma. Marami akong nakilalang mga mag-aaral mula sa ibang mga pamantasan tulad ng UP at nakisalamuha sa mga tao mula sa iba’t ibang katayuan ng buhay. Masasabi kong naging masaya ang karanasang iyon, dahil higit sa lahat, nagkaroon ako ng pagkakataong tuwirang maipahayag ang mga saloobin hinggil sa kalagayang pulitikal ng bansa.

Sinundan ito ng isa pang rally na nagsimula sa FEU patungong Rotonda, bilang panawagan sa pagbaba sa puwesto ni Gng. Arroyo. Ito na rin ang aking naging huli, dahil bukod sa naiipon na ang mga nakamamatay na gawain sa kurso, nagkaroon ako ng biglaang pag-aagam-agam ukol sa makabayang gawaing ito. Sa kabila ng hindi mapabubulaanang mabuting hangarin para sa bansa, may saysay pa nga ba ang aktibismo sa lansangan sa kasalukuyang panahon? Hindi mahirap isipin na maaaring gumagalaw lamang tayo sa isang `di matapos-tapos na siklo sa tuwing nagkakaroon ng mga demonstrasyon sa lansangan. Makailang-ulit na ring isinisiwalat sa marahil bingi nang publiko ang mga napupunang kahinaan at katiwalian sa pamahalaan.

Sa tuwing bubuksan ko ang aking telebisyon sa gabi, hindi maaaring mawala ang mga balitang nagsasalarawan ng mga magugulong pagtitipon ng tao sa Plaza Miranda o di kaya’y sa Mendiola. Paulit-ulit lamang ang mga idinudulog na hinaing—paghingi ng dagdag na pasahod, reporma sa agrikultura, pagbibitiw sa panguluhan, paggalang sa karapatang-pantao, at iba pang mga suliranin na marahil nag-uugat lahat sa lumalalang kahirapan. Ngunit sa huli, nananatili pa ring nakabitin ang mga katanungan hinggil sa nagiging epekto ng mga demonstrasyon sa pamumuhay ng isang Pilipino. May pinatutunguhan ba talaga ang pakikilahok sa mga pagkilos sa lansangan at nakatutulong ba ang mga ito upang maibsan ang mga suliranin at paghihirap ng bansa?

At kung ang mga bagay na ito ang lumalabas sa telebisyon at sa midya, marahil madali kong mapaniniwala ang aking sarili na may ganap na katwiran ang pananaw ng pangulo hinggil sa ganitong mga pagkilos. Lumilikha ang mga sunod-sunod na rally ng masamang imahen para sa bansa sa paningin ng pandaigdigang komunidad at sa mga mamumuhunan.

Bilang resulta, nadadala sa alanganin ang ekonomiya ng bansa, na nangangahulugan ng mas matindi pang kalbaryo para kay Juan de la Cruz sa kanyang lumalalang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ngunit kung sasangguni ako sa aking mga moral na pamantayan, matatanto na hindi makatuwiran ang ganitong pananaw. Kailangan bang itago ang mga sentimyentong mapambatikos upang lumikha ng ilusyon na walang nagaganap na kapuna-puna sa bansa alang-alang sa inaasahang pag-unlad ng ekonomiya? Naniniwala akong walang magaganap na pagsulong kung nananatili ang ating lipunan sa dati nang nakalalasong kalagayan. Upang ganap na maipatupad ang anumang pagbabago, kailangang ayusin ang istrukturang nagpapalakad sa bayan, ilabas ang mga anomalyang pilit na ikinukubli, at hilumin ang bansa mula sa kaloob-looban nito na tuluyang naaagnas bunsod ng katiwalian at karahasan. Sa isang bansang may pamahalaang madalas magbingi-bingihan, kinakailangan ang patuloy na pagkatok at pagkagambala upang maipahayag nang mainam ang pangangailangan sa kalutasan at paghilom.

Madalas makita ang mga pagkilos sa lansangan bilang mga pag-iingay lamang—pag-iingay na hindi naman epektibong nakatutugon sa paglutas ng krisis pulitikal ng bansa. Bagama’t puno na ng ingay at gulo ang ating lipunan, hindi isang opsyon ang pananahimik ng publiko. Higit pa rito, hindi tumatayo ang pagkilos na ito sa sarili bilang isang paggalaw na magdudulot ng ganap na pagkalunas. Nagmumula ang kawalan ng pagbabago sa kakulangan ng mga namamahala na pakinggan ang mga suliranin ng bansa at magbunsod ng mga solusyon.

Ipinta natin ang larawan ng Pilipinas sa kasalukuyan nitong katayuan: walang mga taong nagbabandera ng mga plakard, walang matiyagang nagmamartsa sa Mendiola, at walang sumisigaw upang maiparating ang mga naisin ng mga mamamayan. Sa gitna ng huwad na katahimikan, maaaring magkaroon ng ganap na pagpapasailalim sa mga kapangyarihang nagbabaon sa ating mga karapatang-pantao. Magiging lehitimo ang mga istruktura ng lipunan na kinakailangang baguhin o buwagin. Hindi man tuwirang naiaahon ng aktibismo ang mga Pilipino sa kahirapan, nananatili itong bantay laban sa tuluyang pagkagapi ng sibilyan.

Bilang Atenista, hindi ko maiwasan na paminsan-minsang tingnan ang paglahok sa rally bilang isang baluktot na pagtugon sa pagsusulong ng pagbabago. Nagkakaroon ako ng matinding pagkiling sa gawaing intelektwal, at isiping nakaaangat ito sa ibang pamamaraan. Ngunit sa pagsasagawa nito, pinalalala ko lamang ang kultura ng elitismo sa akademikong tagpuan. Maaaring walang kakayahan ang mga nagtitipon sa lansangang gamutin ang lipunan nang lubusan, subalit matiyaga nilang hinihintay ang mga tulad nating may pag-asang magsakatuparan ng mga malawakang pagbabago. M

May Saysay pa ba ang mga Rally?

Oliver Rivera Landasin

OPINYON

Page 7: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 7

MAKAILANG ULIT ko na itong tinanong sa aking sarili, apatetiko nga ba talaga ang mga Atenista? Sa aking paminsan-minsang pagsubok na sagutin ito, nabubuo din sa aking isipan ang mas mararami pang tanong. Halimbawa na sa mga tanong na ito ay, baka naman wala kasing pamamaraan sa loob ng pamantasan upang makisangkot ang mga Atenista sa mga usapin sa bansa. Ngunit sa aking pagsusuri sa mga pangyayari noong mga nakaraaang buwan, napansin kong iba’t ibang organisasyon ang nagsulputan sa pamantasan na naglalayong tugunan ang kasalukuyang krisis pulitikal ng bansa. Nariyan ang PUGAD-LAWIN sa ilalim ni Dr. Benjamin Tolosa, Jr. ng Kagawaran ng Agham Pulitikal. Nilalayon nitong palakasin ang mga demokratikong institusyon sa bansa sapagkat magpalit nga naman ng liderato tuwing eleksiyon, ang mga institusyon sa ating pamahalaan ay pangmatagalan at kailangang lubos na maging matatag at pinagkakatiwalaan ng sambayanan. Nariyan din ang One Voice na maaring sabihing pinakamalaking organisasyon sa bansa na tumututol sa kasalukuyang isinusulong na people’s initiative. Bagama’t hindi masasabing isang inisyatibo lamang ng Ateneo ang One Voice, malaking bahagi naman ng kabuuang bilang ng mga naunang pumirma sa paid advetisement nito sa Philippine Daily Inquirer noong ika-22 ng Hunyo ay ang mga administrador sa pamantasan. Sa katunayan, ang unang pangkalahatang pagpupulong ng One Voice ay isinigawa sa roofdeck ng bago pa lamang katatayong student center sa Ateneo. Sa hanay ng mga estudyante, nariyan din ang MARCH o Movement Against Arroyo’s Charter Change na naglalayong tutulan din ang kasalukuyang charter change na isinusulong ni GMA. Mula naman sa Sanggunian at sa pamumuno ng kasalukuyang pangulo nito na si Luis Abad ang ideya ng pagtatatag ng SIN o Student Involvement Now. Kasama ang ilang organisasyong pangmag-aaral sa Ateneo kabilang na ang Matanglawin, nilalayon ng samahang ito na paigtingin ang pakikisangkot ng mga Atenista. Mapapansing sa nakaraang taon, tila nagsarili ang mga organisasyong pangmag-aaral sa pagpapakita ng kanilang pagkilos sa krisis ng bansa bunsod ng alegasyon kay Gng. Arroyo ukol sa pandaraya niya sa halalan noong 2004. Sa pagsusuri sa mga organisasyong nabuo sa pamantasan, masasabing hindi naman kulang ang mga pamamaraan sa pamantasan upang hindi paiwan ang isang Atenista sa mga krisis ng bansa. Ngunit muli, ano nga ba talaga ang problema? Sa isa sa mga pakikipag-usap ng inyong likod kay Luis Abad, sinabi niyang hindi totoong laging nasa gimikan ang mga karaniwang Atenista at ito ang dahilan ng tila kawalang pakialam nila sa mga isyu sa bansa. Para sa kanya, wala lang talagang panahon ang mga Atenista upang makilahok sa mga usapin sa kanyang bansa dahil subsob ang mga ito sa pag-aaral. Sa halip na pumunta sa mga forum

at national situationers, mas nanaisin pa nilang mag-aral na lamang. Dumadalo lamang sila sa mga ganitong uri ng kaganapan kung ito ay may karagdagang puntos sa ilang asignatura. Sa ganitong pagtingin, maaring sabihing mayroon namang mga pagkilos ang ilang sektor sa pamantasan upang paigtingin ang sosyo-pulitikal na pakikisangkot ng mga Atenista. Nakatutuwang isiping hindi lamang puro mga proyekto para sa mga maralita at kapus-palad ang maaring galawan ng isang Atenista tulad halimbawa ng mga isinasagawang proyekto ng Gawad Kalinga, Pathways at ACED. Kailangan din kasing makita ng isang Atenista na ang mga proyektong naglalayong iangat ang mga kalagayan ng mahihirap ay hindi sapat kung walang pagbabago sa larangang pambansa. Ikinatutuwa ng Atenista ang pagkakatulong niya sa pagpapatayo ng isang bahay para sa isang pamilyang maralita sa kanayunan at sa ilang bahagi ng kalunsuran ngunit magiging mas epektibo rin ito kung susubukan din niyang yanigin at gisingin mula sa pagtutulug-tulugan ang mga lider sa itaas sa pamamagitan ng pakikisama minsan sa mga rally at sa picket line. Maaring tingnan dito ay ang papel ng pamantasan sa pagpapaigting ng pagkilos ng mga Atenista. Nakita naman natin ito sa mga organisasyong naitatag sa pamantasan nitong mga nakaraang buwan. Oo nga’t masasabing hindi na lamang proyekto para sa mahihirap ang tuon ngayon ng pamantasan ngunit maari ring sabihing hindi lamang ito ang mga tanging paraan o maaring gawin. Hindi ba’t nakapagtataka at walang asignatura ukol kay Karl Marx sa Kagawaran ng Pilosopiya? Tulad ng obserbasyon ng isang kaibigan na nagtapos ng Pilosopiya nitong Marso, wala nga raw asignatura ukol kay Marx sa kanyang departamento o kung nagkaroon man ay masyadong konserbatibo ang tuon. Hindi gaanong pinagtuunan nang pansin ang mas progresibong pilosopiya at mga akda ni Marx. Iilan lamang ba sa mga guro sa pamantasan ang gumagamit ng ilang akdang progresibo sa pagtuturo hangga’t ito ay angkop sa kanilang asignatura may pagkiling man sila sa ganitong mga paniniwala. Sa huli, ito ang nais kong ipunto: mainam siguro kung magkakaroon ng mas malayang diskurso sa pamantasan. Ipinangangalandakan ng ating pamantasan ang pagiging Level 4 sa PAASCU ngunit bilang isang pamantasan kung saan kasalukuyan kang humuhubog ng mga magiging “pantas” sa iba’t ibang larangan sa hinaharap, nararapat lamang sigurong hayaan ang mga Atenista na matuklasan ang lahat ng dapat nilang kaalamang matunghayan bilang kabahagi ng isang pamantasang mayroong liberal na edukasyon. Wala sanang pagsasalang ginagawa ang pamantasan sa kung ano ang dapat o hindi dapat malaman ng mga estudyante. Hayaan mo silang matuklasan kahit pa progresibo iyon o konserbatibo ang oryentasyon. Sa huli, sila na ang bahalang magpasya sa kung ano ang landas na kanilang tatahakin – pabor man iyon sa pagkiling ng pamantasan o hindi. M

Liberal na edukasyon nga ba sa Ateneo?

PumapagitnaJoseph Edward Alegado

OPINYON

Page 8: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 20068

Liku-likong Pangangatwiran

MAHIGIT ISANG TAON na ang nakalilipas

magmula nang lumabas ang isyung “Hello Garci” kung saan naisapubliko ang mga kopya ng audio tapes na naglalaman ng diumano’y pagsasabwatan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at isang opisyal ng COMELEC o Commission on Elections upang manipulahin ang resulta ng eleksyon. Sa unang pakiwari, dalawa lamang ang maaaring kahinatnan ng isyung ito.

Isang taon pagkatapos ng kontrobersiya sa “Hello, Garci!”

Una rito ay ang boluntaryong pagbibitiw sa puwesto ng pangulo o ang pagpapatalsik sa kanya sa luklukan ng pagkapangulo sa pamamagitan ng konstitusyunal na proseso, ang impeachment. Sumunod dito ang posibilidad na mapawalang-sala sa anumang alegasyon ang pangulo at malinis niya at ng iba pang mga nasangkot sa isyu ang kanilang mga pangalan. Wala sa anumang mga posibilidad na nabanggit ang naganap dahilan upang lalong mapuyos sa galit ang mamamayang Pilipino na nagnanais ng paglilinaw ukol sa

isyu. Dahil din dito, nalagay sa matinding alinlangan ang pagkalehitimo ni Gng. Arroyo bilang pangulo. Mailalagom ang isyung ito sa nakalipas na isang taon sa mga sumusunod na kaganapan: nagkaroon ng isang eleksyong pampanguluhan, nagkaroon ng mga usap-usapan hinggil sa mga pandarayang naganap

sa halalan, natapos ang eleksyon at dagliang idineklara si Gng. Arroyo bilang pangulo habang mainit pa rin ang diskusyon sa isyu ng pandaraya, ang pagputok ng isyung “Hello Garci”, ang pagtanggi ni Garcillano sa paratang na pandaraya sa eleksyon at mga pagpapakawala ng retorika ni Gng. Arroyo ukol sa kaso, ang pagkawala ni Garcillano at

SIGAW NG BAYAN

ni HERMUND ROSALESlikhang-sining nina Scott Kho at Pol Layuglapat ni Jed Alegado

Hunyo 5Ipinaalam ni Press Secretary Ignacio Bunye sa publiko na mayroong rekord ng wiretapped con-versation sa pagitan ni Pangulong Gloria Maca-pagal Arroyo at ng isang hindi kilalang opisyal ng COMELEC o Commission on Elections na nagsasabing nagsabwatan ang dalawa upang manipulahin ang resulta ng eleksyon. Aniya, ang nasabing rekord ay ilalabas ng oposisyon.

Hunyo 6Inilantad sa media ni Bunye ang dalawang CD na naglalaman ng sinasabi niyang wiretapped conversation. Ang isa sa mga CD ay orihinal diumano samantalang ang isa ay dinoktor lamang. Kinilala niya ang boses ng babae sa rekord bilang boses ni Gng. Arroyo. Nilinaw niya rito na hindi si Virgilio Garcillano ang nasa kabi-lang linya. Binigyang-diin niya ang ilegalidad ng pagsasarekord ng ganitong pag-uusap.

Hunyo 7Itinanggi ni Virgilio Garcillano na boses niya ang maririnig sa nasabing CD.

Hunyo 9Kung sa unang pagkakataon, 100 porsiyentong sigurado si Bunye na boses nga ng pangulo ang nasa tapes; sa pagkakataong ito, binago niya ang kumpirmasyon at sinabing 80 porsiyento na lamang ang kanyang kasiguraduhan.

Hunyo 10Ipinahayag ni dating NBI Deputy Director Samuel Ong sa publiko na hawak niya ang mother of all tapes na kumakalat na sa bansa. Ang nasabing tape ay naglalaman diumano ng pag-uusap ni GMA at ni Virgilio Garcillano, opisyal ng COMELEC. Aniya, sa pamamagitan ng tapes na ito, walang dudang mapatutunayang nagkasala sa batas ang pangulo. Sinamahan si Ong ni Military Intelligence Agent T/Sgt. Vidal Doble sa seminaryo ng San Carlos. Makaraan ang tatlong araw, umalis ang dalawa ng seminaryo.

Hunyo 12 Ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng bansa. Sa kanyang pananalita sa araw na iyon, pinahapyawan ni Gloria ang mga akusasyon sa kanya bilang bunga lamang ng “maruming pamumulitika.”Ipinahayag ng NTC o National Telecommunication Commission ang kanilang pagbabawal sa media na isapubliko ang laman ng tapes ni Ong. Binalaan ang mga ito na ipasasara ang anumang istasyon ng radyo at telebisyon kapag lumabag ang mga ito sa kanilang kagustuhan. Hindi naman ito sinang-ayunan ng mga propesyonal sa media sapagkat labag diumano ito sa press freedom.

Page 9: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 9

SIGAW NG BAYAN

Liku-likong Pangangatwiran

matagal na pananahimik ng pangulo tungkol sa isyu na nakapagpaligalig sa taumbayan at oposisyon dahilan upang manawagan ang mga ito sa kanyang pagbibitiw sa puwesto o dili kaya nama’y ang pagpapahayag ng mga ito ng kanilang kagustuhang patalsikin si Gng. Arroyo, ang paghingi ng paumanhin ni Gng. Arroyo dahil sa kanyang nagawang

pagkakamali dulot ng tinatawag niyang lapse of judgment, ang pagbabalik ni Garcillano, at sa huli hanggang sa kasulukuyan, ang pagdinig sa kaso ng pandaraya sa eleksyon at ang sinasabing “paglilinaw” sa isyu.

Subalit isa nga bang “paglilinaw” ang nakikita ng taumbayan?

Kung susuriin ang sinasabing pagdinig sa kaso at sa pagbibigay-linaw sa isyu, walang pinatutunguhan at lalong lumalabo lamang ang sitwasyon. Sa halip na masagot ang laksa-laksang katanungan ng mga Pilipino ukol sa isyu, naisantabi at nabigyang-kalituhan pang lubos ito ng administrasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pag-iwas sa mismong usapin. Sa masusing pag-aanalisa ng isyu, mahalagang tumbukin ang mga bagay tulad ng diumano’y pandaraya sa eleksyon, ang pagkalehitimo ni Gng. Arroyo bilang siyang pangulo ng bansa, ang naging at nagiging implikasyon nito sa pulitikal na kalagayan ng bansa at ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa isyung ito makalipas ang mahigit isang taon. Ayon sa panayam ng Matanglawin kay G. Gary Devilles, isang propesor mula sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila, pinagtibay lamang ng isyung ito ang mga usap-usapan tungkol sa sinasabing pandaraya ng administrasyon sa nakaraang eleksyon. Aniya, pinatingkad pa nito ang umiiral na katiwalian at karumihan sa pulitikal na sistema ng bansa. Hindi na mahalaga umano kung naganap nga ba o hindi ang pandaraya ayon sa pagkakasalaysay sa pinakawalang ebidensya ni dating National Bureau of Investigation Deputy Director Samuel Ong. Ang katotohanang humingi siya ng paumanhin ay sapat na upang tukuyin ang manipestasyon ng kanyang pagkakasala at kawalang katapatan sa kanyang sinumpaang tungkulin. Dagdag pa ni Devilles na ang pagkalehitimo ng isang pangulo para sa kanya ay tumutukoy sa kaganapan ng kanyang mga tungkulin sa bansa at sa

Kung susuriin ang sinasabing

ni HERMUND ROSALESlikhang-sining nina Scott Kho at Pol Layuglapat ni Jed Alegado

Hunyo 13Opisyal na ipinahayag ng gobyerno ang kanilang saloobin sa isyu; peke ang mga ebidensya at hindi nandaya si Gloria. Hinamon ng KBP o Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas ang NTC ukol sa kanilang pagbabawal na isahimpapawid ng media ang mga audio tapes mula kay Ong. Hunyo 15Sinimulan ng Kongreso ang pag-iimb-estiga sa tapes sa pamamagitan ng ehekutibong sesyon.

Hunyo 27Nagsalita sa unang pagkakataon si Gloria sa harap ng pamban-sang telebisyon tungkol sa kinasasangkutang isyu. Inamin niyang siya nga ang tinig na naririnig sa kumakalat na tapes. Ipinaliwanag niyang nagtatanong lamang siya tungkol sa bilang ng botong kan-yang nakuha sa Mindanao. Ang pag-aming ito’y sinusugan niya ng paghingi ng paumanhin sa publiko na ang mga nangyari’y pawang lapse in judgement lamang.

Hunyo 19Naiulat na nakita si Virgillo Garcillano sa Zamboanga na nagbabalak nang lumikas patungong ibang bansa. Lalo pang kumalat ang mga rekord na nilalaman ng CD sa bawat sulok ng bansa. Maraming pulitiko at opisyal ng gobyerno ang nadawit sa nasabing rekord.

Naghain naman ng kasong impeachment sa Kongreso ang abogadong si Oliver Lizano at pinaratangan nito si Gloria ng pagkakasalang pagtataksil sa bayan. Hindi ito pinatulan at sinuportahan ng nakararaming miyembro ng oposisyon sapagkat naniniwala silang pakana lamang ito ng administrasyon at bahagi ng kanilang pagmamaniobra sa sitwasyon.

Hunyo 29Nagpahayag naman ng hinagpis at galit si Susan Roces at nagwikang, “She (Arroyo), stole the presidency, not once but twice.”

Hulyo 1. Dumagsa ang mga kilos-protesta sa mga lansangan lalo na sa mga lugar sa Maynila. Nagpahayag na ng kanyang saloobin si Arsobispo Gaudencio Rosales at nagwikang, “Genuine forgiveness de-mands more than an apology, and those who seek forgiveness should be ready to be called to accountability.”

Hulyo 7Nagpahayag si Gng. Arroyo na hindi siya bibitiw sa puwesto nang matunugan ang pag-bibitiw ng ilang miyembro ng gabinete kinabu-kasan. Sa halip, iminungkahi niya ang pagbaba sa puwesto ng lahat ng miyembro ng kanyang opisyal ng pamilya. Kanya ring isinulong ang Charter change o ang kagustuhan niyang palitan ang Saligang Batas ng Pilipinas.

Hulyo 8Sampung miyembro ng gabinete ni Gloria ang bumaba sa puwesto sa pangunguna ng Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi na si Cesar Purisima. Kinilala ang mga ito bilang Hyatt 10. Maging si Corazon Aquino, dating Pangulo ng Pilipinas, Makati Business Club at Partido Liberal ay nagpahayag sa publiko ng kanilang pagna-nais na magbitiw na sa kanyang katungkulan si Gng. Arroyo. Sa kabilang banda, sa pamumuno naman ni Eduardo Ermita kasama ang ilang mga alkalde at Ispiker ng Kamara Jose de Venecia, idi-naos ang isang press conference sa palasyo upang suportahan ang pangulo.

Page 10: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200610

katuparan ng kanyang mga pangakong binitiwan sa taumbayang nagluluklok sa kanya sa puwesto. “Kung tataluntunin ang mga pangyayari, malinaw na wala pa rin siyang nagagawang pagbabago para sa bansa. Pinaiiral pa rin niya ang tinatawag na bourgeoisie politics na kinakikitaan ng kanyang katapatan sa mga Amerikano, pagkiling sa mga dayuhang institusyon at pagbibigay ng aids at grants sa mga dayuhang negosyante. Dito pa lamang, hindi na siya isang lehitimong pangulo,” wika ni Devilles. Sa pananaw ni Dr. Francis Gealogo, propesor mula sa Kagawaran ng Kasaysayan ng Pamantasang Ateneo de Manila, isang kumpirmasyon o pagpapatotoo sa pagkakaroon ng tendensiyang manatili sa katungkulan ang isang pulitiko sa anumang kaparaanan ang ipinapahiwatig ng isyung ito. Aniya, ang pandarayang pinaniniwalaan niyang tunay na naganap sa eleksyon ay isang malawakan, sistematiko at organisadong plano. Bahagi na ito ng ploy ng administrasyon sa simula’t sapul pa lamang ng kandidatura ni Gloria. Ayon pa sa kanya, kung gugunitain ang mga nakaraang pangyayari, may mga mapapansing balakin ang administrasyon upang mailuklok muli sa puwesto si Gloria. Isa na rito ang pagpapahayag niya ng hindi pagtakbo sa susunod na halalan na kanya rin namang binawi. Sinusugan pa ni Gealogo ang kanyang mga naunang sinabi sa pamamagitan ng paghahalintulad niya ng sitwasyon sa kasulukuyan sa sitwasyon

noong nakaraang taon. “Kung tutuusin, hindi na ito usapin ng pandaraya lamang, kaiba na ang sitwasyon sa kasalukuyan kung ikukumpara noong isang taon. Higit na malala pa sa ngayon sapagkat nariyan na ang pananakot, karahasan at represyon. Higit pang umigting ang problema sa pamunuan, katangian ng pamunuan at sistema ng pamumuno,” wika niya. Sa pagsabog ng isyung ito, masasabing napakalaking dagok nito sa elektoral na sistema sa Pilipinas at sa pangalan ng iba’t ibang institusyon sa bansa na kasangkot sa isyu. Ayon kay Gealogo, naaagnas na ang integridad hindi lamang

ng pangulo sa ganitong uri ng isyu kundi pati na rin ang kredibilidad ng tanggapan ng pangulo, COMELEC, at ng tatlong sangay ng pamahalaan na kinabibilangan ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura. Ang ganitong uri umano ng institusyunal na mekanismo ng pamamalakad ay institusyon ng represyon, pandaraya at panlilinlang. Binigyang-diin din ni Gealogo na ang ganitong uri ng mekanismo ang nagdudulot ng pagkaligalig ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Mayroong pagtatangka ang mga ito na baguhin

ang umiiral na sistema ng pamamahala. Kabilang na rito ang pagbibitiw sa puwesto ng sampung miyembro ng gabinete ni Gng. Arroyo o ang Hyatt 10 at ang naganap na kaguluhan noong ika-24 ng Pebrero kung saan nagkaroon diumano ng pagtatangka ng ilang militar na magsagawa ng kudeta. “Sumasalamin ang ganitong mga pangyayari sa hindi solido at hating pamamahala dulot na rin ng mga suliraning hindi natutugunan at nabibigyang kasagutan,” wika ni Gealogo. Nagpapahiwatig din ang ganitong mga isyu at kaganapan na sagad na sa kaibuturan ang krisis sa pulitika ng Pilipinas. Laging dumarating sa punto ng

pandaraya, pagsisiraan at pagpapasahan ng mga alegasyon. Taumbayan ang naiipit sa ganitong sitwasyon at silang pumapasan sa hindi magandang epekto nito sa ekonomiya at lipunan. Bumoto sila at umasa para sa magandang resulta at pagbabago subalit mauuwi lamang pala sa wala ang lahat at aagusin ang kanilang mga pag-asa

dahil sa posibilidad ng pagkakaroon ng pandaraya at manipulasyon sa eleksyon. Ang kasabihan sa Ingles na every vote counts ay mapapawalang-saysay na lamang at mapapalitan ng kasabihang every vote counts… at fi rst and then manipulated. Sa una, bibilangin ang boto ng taumbayan subalit sa bandang huli, para baga itong magiging isang bula na maaaring mawala na lamang kasama pa ang ibang boto ng kapwa Pilipino o kaya nama’y maaaring maparami pa ang bilang depende sa

SIGAW NG BAYAN

Hulyo 10Nagpahayag ang CBCP na hindi sila manan-awagan ng pagbibitiw sa puwesto ni Gloria. Nais lamang nilang magkaroon ng isang Truth Commission. Hulyo 13Tatlumpung libo katao ang naiulat na nagpro-testa sa Makati. Naglabas ng isang artikulo si Sheila Coronel ng PCIJ o Philippine Center for Investigative Journalism na nagsasabing may pandarayang naganap sa eleksyon na kinasasangkutan ni Gloria, ng COMELEC at maging ng Namfrel.

Hulyo 14Naiulat ang pagtakas diumano ni Garcillano patungong Singapore at pagtuloy sa London.

Hulyo 16Nagkaroon ng demonstrasyon ang mga taga-suporta ni Gng. Arroyo sa Quirino Grandstand.

Hulyo 18Sinagot ng legal na tagapayo ng Pangulo na si Atty. Pedro Fer-rer ang inihaing reklamo ni Lozano laban kay Gng. Arroyo. Hulyo 19Sumang-ayon si Gng. Arroyo sa pagtatatag ng isang Truth Commission na bubuuin ng mga hindi kaalyado ng admin-istrasyon at ng mga hindi opisyales ng pamahalaan upang imbestigahan ang sinasabing dayaan sa eleksyon.Hulyo 25 Idinaos ang State of the Nation Address o SONA ni Gloria at nangako ng pagbabagong institusyunal. Bago ang nasabing SONA, naghain ang punong oposisyon ng kasong impeach-ment laban kay Gloria.Agosto 1Nagpakilala sa publiko si Michael Angelo Zuce.

Agosto 12Nagdaos ng isang press conference si DENR o Department of Environment and Natural Resources Secretary Mike Defen-sor upang patunayang walang katotohanan ang Garci tapes.

Agosto 30Nagkaroon ng pagpupulong sa kongreso para sa kasong impeachment. Gayunpaman, ang regular na sesyong ito sa Mababang Kapulungan ay na-suspinde dahilan upang mapigil ang paglabas ng isang saksi na sinasabing dating miyembro ng gabinete, upang patunayan ang pagsasabwatan ng mga pinuno ng administrasyon. Higit na marami ang bilang ng bumotong ipagpaliban ang nasabing sesyon. Binubuo ng mga kaalyado ng pangulo ang mga karamihan sa Mababang Kapulungan. Setyembre 5Inihain ng mga tagasulong ng kaso ng impeachment ang mga ebidensya ng ginawang pandaraya sa eleksyon ni Gng. Arroyo at iba pang dahilan kung bakit dapat matuloy ang kaso. Setyembre 6Idinaos ang botohan sa Mababang Kongreso upang mabigyang-bisa ang Justice Committee Report 1012 na siyang hahadlang sa inihaing kasong im-peachment laban kay Gng. Arroyo. Ang sesyong ito na ginanap sa Mababang Kapulungan ang siyang pinakamahabang pulong ng Kongreso sa kasaysayan ng Pilipinas. Tumagal ito ng 23 oras at 35 minuto. Nanalo ang mga bumoto ng “oo” sa bilang na 158 mula sa mga bumoto ng “hindi” sa bilang na 51. Anim naman ang abstain. Dahil dito, tuluyang ibinasura ang kasong impeachment kay Gloria.

Sa pagsabog ng isyung ito, masasabing napakalaking dagok nito sa elektoral na sistema sa Pilipinas at sa pangalan ng iba’t ibang institusyon sa bansa na kasangkot sa isyu.

Page 11: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 11

anumang pagkanlaw ng taong may kontrol. Sa madaling sabi, ang eleksyon pala rito sa bansa ay dumaraan sa karagdagang proseso maliban pa sa pagboto at pagbibilang. Ito ang pagmamanipula sa bilang ng boto hanggang sa manalo ang mga mga pulitiko na nasa likod ng pandaraya. Isa itong nakasusuklam na kaganapan at maaaring maging mapait na katotohanan kung saka-sakaling mapatunayan ang isyu sa pamamagitan ng ibayong paglilinaw dito. Lumipas ang mahigit isang taon buhat nang sumambulat sa publiko ang isyung ito. Magpasahanggang ngayon, hindi pa rin ito naisasara at ang ginagawang paglilinaw rito ay wala pang namang kinahahantungan. Itinuturong dahilan dito ni Devilles ang istratehiyang ginagamit ng pamahalaan upang maisantabi at hindi mabigyang-linaw ang isyu. Ito ang paraang stalemate o ang paglihis sa tunay na isyu sa pamamagitan ng paggawa ng panibagong usapin upang ikubli ang naunang pinag-uusapan. Kabilang na rito ang pagmamaniobra ng mga dapat na mangyari at pagmamalabis sa mga sitwasyong nagaganap gamit ang taglay na kapangyarihan. Sadya nga bang dinikta lamang ng pagkakataon ang pagpapalabas ng Presidential Proclamatiopn 1017 o ang pagsasailalim sa buong bansa sa isang state of national emergency? O kaya naman, sadya nga bang udyok lamang ng pangangailangan upang mapaunlad ang bansa ang pagsusulong ng Charter change o ang pag-amyenda sa konstitusyon? Paano naman maipaliliwanag ang pagpapabisa ng gobyerno sa Executive Order 464 o ang pagbabawal sa mga mamamayan na magpahayag ng anumang bagay tungkol

sa pangulo at ibang opisyal ng gobyerno hangga’t hindi ito dumadaan sa kanila, maging ang mga nagaganap sa kasalukuyan na pagkawala ng mga estudyante at mga pagkitil sa buhay ng mga mamahayag? Masasabing ang mga pangyayaring nabanggit ay pawang mga bahagi ng nasabing istratehiya ayon kay Devilles. Ang naunang dalawa’y para sa paggamit ng kapangyarihan at pagpapalakas pa ng saklaw nito. Nang sa gayon, magagawa ng nasa posisyon na kontrolin ang mga pangyayari. Ang dalawang nahuli nama’y tatalunton sa tahasang pagsupil sa karapatang pantao tulad ng press freedom at ang paggamit ng iba pang sitwasyon upang mailihis ang atensyon ng publiko tungo sa iba namang usapin. Sa pamamagitan nito, malalayo ang mga nasa kapangyarihan sa anumang uri ng pagbatikos.

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pagsasara sa isyung ito? Noong nakaraang Hulyo 24, naganap ang State of the Nation Address (SONA) ni Gloria para sa taong 2006. Nabanggit niya sa kanyang pananalita ang mga sumusunod na kataga: For those who want to pick up old fi ghts, we’re game but what a waste of time. Why not join hands instead? Join hands in the biggest challenge of all, where we all win or we all lose: the battle for the survival and progress of our one and only country. Isang pag-aaksaya lamang daw ng oras ang pagtalakay sa isyung “Hello Garci” at paghalungkat muli sa mga bagay na may kinalaman dito ang punto ni Gloria sa kanyang sinabi. Taliwas naman ito sa paniniwala ni Gealogo. Aniya, hindi pa

tapos na usapin ang “Hello Garci” at hindi dapat ito isawalang-bahala na lamang. “Para sa ‘kanila’ tapos na ito at pagsasayang lamang ng oras ang pagbalik dito. Iyon ay para lamang sa ‘kanila’,” pagbibigay-diin ni Gealogo. Dagdag pa niya, mahalagang magkaroon ng paglilinaw ang isyung ito sapagkat dito lamang makasusulong ang bansa. Kailangang mabigyan ito ng resolusyon at pagtatapos sapagkat nakabatay at nakasaalang-alang dito ang integridad at moralidad na karapat-dapat pairalin sa lipunan. “Nais nating sumulong sapagkat ayaw natin ng pandaraya. Isa pa, magkakaroon ng panlipunang dilemma kung hindi malilinaw ang isyung ito. Napakaalanganin ang magturo ka ng katapatan sa iba, kung sa realidad naman, ay makikitang hindi tama ang ginagawa ng siyang nakatataas at mismong nasa luklukan,” wika ni Gealogo. Hindi magagawang makuha ng pamunuan ni Gloria ang kooperasyon at katapatan ng ibang mga Pilipino na nananawagan ng kanyang pagbibitiw sa pagkapangulo sapagkat siya mismo at ang kanyang administrasyon ay hindi nagpapakita ng katapatan sa publiko. Hindi pa rin nila inilalabas ang katotohanan sa likod ng mga pag-uusap na iyon na nakapaloob sa mga ikinalat na CD ni Ong. Mananatiling isang puwang sa kasaysayan ng bansa ang kawalan ng pagtatapos at kalinawan sa isyung “Hello Garci.” Kaya naman nararapat at mahalaga itong bigyang-kasagutan at katugunan. Hindi nararapat pairalin dito ang liku-likong mga pangangatwiran sapagkat tiyak na wala itong kahihinatnan. M

SIGAW NG BAYAN

Setyembre 7Nagtuluy-tuloy ang mga pagpoprotesta sa iba’t ibang lugar sa kapital ng bansa, kasama na ang EDSA.Nobyembre 26Nagpakitang muli sa publiko si Virgilio Garcil-lano matapos ang limang buwang hindi pagpapakita. Ipinaliwanag niya sa media ang dahilan ng kanyang pagkawala. Inamin niyang nakipag-usap nga siya kay Gng. Arroyo noong eleksyon subalit pinabulaanan naman niya ang isyung pandaraya nila ng pangulo.

Nobyembre 27Nagpahayag sa isang panayam si Garcillano ng kanyang kagustuhang lumitaw muli sa midya bago ang congressional inquiry sa imporma-syong pampubliko.Sa pamamagitan ng kanyang legal na tagapayo, nagpahayag si Samuel Ong na magpapakita rin siyang muli kung dadalo sa inquiry si Garcillano.

Enero 16Muling naghain ng kasong impeachment si Lozano. Sinalungat naman ito ni House Minority Floor Leader Francis Escudero sapagkat ang nasabing pagsasampa ng kaso ay nagpapakita ng kawalan ng etika at legalidad.

Pebrero 24Isang malawakang demonstrasyon ang naganap sa EDSA para sa pagdiriwang ng ikadalawampung anibersaryo ng People Power Revolution. Kaalinsabay ng pagdiriwang na ito ang paghingi ng pagbabago sa gobyerno. Nagkaroon ng pahayag ang gobyerno sa publiko na isang tangkang kudeta ang kanilang napigilan sa kapital ng bansa. Matapos ang panawagang ito, idineklara na ni Gng. Arroyo ang State of National Emergency na nakapaloob sa Presidential Proclamation 1017. Pinawalang-saysay ng proklamasyong ito ang anumang pahintulot sa pagpoprotesta. Inaresto ng kinauukulan ang kilalang personalidad na si UP Propesor Randy David na pinakawalan din sa araw na iyon.

Hunyo 6 Isang taon ang nakalipas mula nang pumutok ang isyung “Hello Garci.”

Hulyo 24 Idinaos ang taunang SONA ni Gloria. Ipina-hayag niya ang kanyang pagtuon sa pagbabago ng ekonomiya at pagsasantabi sa usapang pampulitika. Ipinaliwanag niya ang pagbuo ng super regions.

Page 12: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200612

SECTION HEADER

Kalapating

nina TRACY LORENZO at CASS TEODOSIO likhang-sining nina Chito Esguerra at Omar Gabito lapat ni Mozart Peña

Ganito nga ba mailalarawan ang mga aktibista sa Pilipinas?

KalapatingKalapatingde-susi

Page 13: Matanglawin tomo31_blg2

Kalapating

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 13

HINIHIPAN NG ULAP ang kulay gintong mga butil sa palayan habang maririnig ang lagaslas ng malakristal na tubig sa talon nang biglang, BANG! BANG! BOOM! Titigil ang katahimikang kinaingat-ingatan ng sambayanan. Mangingibabaw ang takot at mana-

naig ang huwad na kapayapaan. Ang mga taniman ang babahay sa mga metal. Mapupuno ang himpapawid ng mga nagliliparang tanso, na kagaya ng uwak, naghihintay na masisilo. Malal-agasan ng daho’t buhay ang malalagong punong pinamumugaran ng mga nagsisiawitang ibon sa rami ng pulborang nakikisakay sa hangin. Mawawala ang halakhak at mamumutawi ang pan-gamba sa bawat mukha ng mga batang dati-rati, naglalaro sa ilalim ng bughaw na kalangitan.

Ang grupo Taon at dekada na ang nakararaan at kahit magpahanggang ngayon, isang grupo ang nananatiling sakit sa ulo ng gobyerno simula pa sa pamamahala ni Magsaysay. Sa tagal ng panahon, nakaliligtas ang grupo sa mga programang panupil, pabuya, at kahit digmaang idineklara ng bawat pangulong naupo sa Malakanyang kagaya ng: Oplan Katatagan, Oplan Mamamayan at Oplan Lambat Bitag. Subalit wala ni isa sa mga ito ang naisakatuparan ang layuning talunin ang kilalang grupong New People’s Army, o NPA.

Bantay Laya Ngayon, nababalita na ang panibagog plano ng kasalukyang naluluklok sa Mal-akanyang: ang Oplan Bantay Laya. Binigyan ng isang bilyong piso ang AFP para sigu-raduhing mabura ang NPA sa loob lamang dalawang taon. Ngunit, isang realistikong plano ba ito? Magagawa ba talaga ng AFP at PNP na sugpuin sa loob ng dalawang taon ang isang grupong tila bahagi na ng buhay-Pilipino? Sa kabilang banda, binibigyan ba nito ng karapatan ang AFP at PNP na tugisin na rin ang mga kasapi ng mga ligal na grupong militante? At kung saka- sakaling mapatumba ng bala ang pinakahuling re-belde, matatapos na nga ba ang problema sa pag- aalsa? Ito na ba ang pinakamagandang solusyon?

P1B Hati ang opinyon ng mga mamamayan at mga may katungkulan sa biglang paglabas ng anunsyo si Gng. Arroyo na magbibigay siya ng isang bilyong piso sa AFP-PNP para tugisin ang NPA sa loob ng dalawang taon. Ayon sa Pangulo, ang pakikipagdigma sa NPA, ang “glue that binds us together,” ang pinakakailangan upang maisulong at umun-

lad ang mga programa ng pamahalaan sa probinsya. Idinagdag pa niyang ang NPA ang sagabal sa mga programang pangkaunlaran ng kasalukuyang pamumuno. Ilalaan ang pera sa mga gamit pang-digmang makatutu-long sa kanilang kampanyang militar laban sa NPA, katulad ng mga Hueys at mga attack helicopters. Ayon kay Chief of Staff Mike De-fensor, manggagaling ang P1B mula sa per-ang naimpok mula sa 2005 badyet. Bukod pa ito sa taun-taong P5B na “modernization fee” na ibinibigay sa AFP. Ngunit marami ang nagprotesta nang ianunsyo ito ng Pangulo, kahit ang matataas na opisyal sa kanyang pamahalaan. Nag-pahayag ng agam-agam, maging si Vidal Querol, hepe ng NCRPO, tungkol sa ibinigay na takdang oras ng Pangulo upang sugpuin ang NPA, ayon sa isang artikulo sa Philippine Daily Inquirer (PDI) na isinulat ni Christine Avenzado. Hindi rin siya sigurado kung ang simpleng pagbigay ng isang bilyong piso sa AFP ang nararapat na solusyon sa problema. Aniya, hindi makatutulong ang operasyong pangmilitar sa kabuuang pagsugpo sa NPA. “If you take out the armed component and the government does nothing to improve livelihood, at the end of the day people are still poor. If your stomach rumbles, then your mind succumbs to propaganda.” Kai-langang magkaroon ng pang-ekonomikong pag-unlad at reporma sapagkat hindi malay-ong mamundok ulit ang mga taong suko na sa kahirapan.

Ang pag- uusig Sa pagdedeklarang ito ng pangulo, mayroong mga alingasngas ng “harassment” at malawakang pagpatay sa mga kasapi ng mga grupong militante na nasa hitlist ‘di-umano ng AFP . Ibinalita sa isang artikulo sa Pinoy Weekly Online na akda ni Kenneth

Guda ang diumanong pagdukot ng militar sa mga kasapi ng mga kinikilalang grupong makakaliwa sa mga probinsya. Sa Barangay San Jose, San Fernan-do City, Pampanga, nagtayo ng detachment ang militar sa ilalim ng isang Kol. Bisaya, na pumapailalim naman kay Hen. Jovito Palparan, ang tinaguriang “berdugo” ng mga militante. Nagbabahay-bahay ang militar at tinatanong ang pangalan ng mga nakatira at kung ano ang mga trabaho nila. Sa ganitong paraan nila hinahanap ang mga lider ng grupong Bayan Muna roon. Nagpatudad din ng curfew simula ika-10 ng gabi ang mga militar doon para sa mga menor de edad, at nagbabala kahit sa mga nakatatanda na huwag lumabas sa mga oras na ito dahil baka mapagkamalan silang NPA. Nagpapalabas din diumano ang mga sundalo ng mga nakuhang video mula sa mga rally na ginanap sa harap ng Hacienda Luisita, at tinatanong sa taumbayan kung sino ang may kilala sa nakikitang ‘lider’ sa video. Kinausap din ng militar ang mga kapitan ng mga ilang barangay, pati na ang mga lider ng unyon sa mga pagawaan, at sinabihan na huwag nang makipag-ugnayan sa mga militanteng grupo. Simula noong idineklara ang pagbi-gay ng isang bilyon para sa mga operasyong pangmilitar at pagkatapos ipinahayag ng Pangulo na dapat tuluyan nang masupil ang NPA sa loob ng dalawang taon, pansin na pansin ang dumaraming kaso ng pagdukot at walang habas na pagpatay sa mga kasapi ng mga organisasyong pinaniniwalang tumutu-long sa rebeldeng grupo. Halos pare-pareho lamang ang modus operandi: may mga taong naka-motorsiklo, nakasuot ng hood sa ulo, na biglang pagbababarilin ang biktima o di kaya ang sasakyan nito. Ito ang isa sa pinakanakakatakot

SIGAW NG BAYAN

Page 14: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200614

na direktang epekto ng pagbigay ng P1B: ang mistulang paggamit nito ng militar bilang katwiran para hulihin ang miyembro ng kahit na mga lehitimong militanteng grupo na walang direktang ugnayan sa NPA. Sa kagustuhang malikwida ang kaaway, nadada-may maging mga sibilyan, pari, guro, at mga human rights advocate sa gulong ito. Noong Hunyo 14, diumano, dinampot ang isang lider ng mga tricycle driver at isang dating pangulo ng Marisol Pampang Association. Isang matagal na interogasyon ang naganap, na tinanong raw ng paulit-ulit kung paano sila napasali sa mga grupong kinabibilangan. Pinalaya sila pagkatapos ng dalawang oras nang sapilitan silang nangako na mag-uulat ng regular sa detachment ng mga militar. Nabalitaan din ang pagdukot ng dalawang estudyante ng Pamantasan ng Pilipinas na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empaño noong ika29 ng Hunyo 2006, mga volunteers na tumutulong lang sa komuni-dad at hindi nagdadala ng armas. Mula noon, wala nang narining na balita ang mga pami-lya ng dalawa ukol sa kanila at walang nakakaalam kung nasaan sila sa kasaluku-yan. Ayon sa isang tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS), ang grupo kung saang kasapi ang dalawang nadukot, mariin nilang kinokondena ang pagdukot sa dalawa, pati na rin ang pagpatay ng militar sa iba pang mga kasapi ng mga lehitimong militan-teng grupo. Dagdag pa nila, walang katoto-hanan ang paratang ng militar na mga “front organizations” ng NPA ang mga grupong katulad nila . Ayon sa ibang mga lider ng mili-tanteng grupo, sinasabi ng militar na may karapatan silang patayin at dukutin ang kanilang mga kasapi dahil ‘front’ lang sila para sa NPA, mga legal na mukha. Dahil dito, kasama pa rin sila sa saklaw ng isang bilyong pisong ibinigay. Nagpahayag ang Malacañang na kinokondema nila ang mga pagpatay at gumawa nga ng isang task force para imb-estigahan ang mga pagpatay: ang tinatawag na Task Force Usig. Pero hanggang ngayon kakarampot lamang ang mga bikitma na nabigyan ng hustisya.

Hindi murder fund Ayon sa isang artikulo galing sa GMANews.tv, ipinahayag ni Justice Secre-tary Raul Gonazales na hindi totoo ang mga

paratang na isang “murder fund” ang isang bilyong pisong ibinayad sa AFP para tugisin ang mga kasapi ng mga maka-kaliwang gru-po. Aniya, “Why would that be a murder if there is a war against insurgency?” Gonza-lez said. “Why would that be murder fund? It’s just like saying that all the Americans are murderers in Iraq and Afghanistan, the al-Qaeda are murderers when they, there is a legitimate combat operations, there would be no murderers. Even the Catholic Church accepted that.” Ayon pa kay Press Secretary Ignacio Bunye, isa lang sa mga “prongs” ng istrate-hiya ng pamahalaan laban sa NPA ang pagbi-gay ng P1B sa AFP. Bukod pa sa P1B, naroon rin ang pangako ng Pangulo na magbibigay ng P25 B bawat taon, sa loob ng tatlong taon, sa Gitnang Luzon, ang lugar kung saan sina-sabing pinakamarami ang mga NPA. Ayon sa isa pang aritikulong inilabas sa PDI na isinulat ni Luige del Puerto, tingin ni Vidal Querol, dapat isang aspeto lamang sa pangkabuuang solusyon ang operasyong pang-militar . Pagkatapos talunin ang mga rebelde, kailangang mag-lunsad ng mga epektibong programang pang-ekonomiko para sa mga taong naapektuhan ng digmaan. Ayon rin kay Querol, ang susi sa tuluyang pagkitil sa NPA ay hindi mga kampanyang pangmilitar lamang kundi ang pag- “trickle down” ng kayamanang nasa lungsod patun-gong mga malalayong lugar sa kanayunan. Ganito rin ang nakikitang saloobin ng CHR (Commission on Human Rights). Ayon sa kanila, ang dahilan kung bakit hindi ma-talo-talo ng pamahalaan ang NPA ay dahil walang ginagawa ang pamahalaan tungkol sa mga karaptang pantao. Mungkahi rin nila na sana’y ginamit na lang ang isang bilyong piso sa pagpapaunlad ng mga malalayong lugar kesa sa gamitin daw ito na pambili ng helicopter para sa militar.

Walang Lunas Sa ngayon, patuloy ang paggamit ng patay-guhit na ibinigay ng Pangulo, pati ang P1B, na katwiran ng militar para mandukot ng mga kasapi ng mga militante at progresi-bong grupo sa kanayunan. Ginagamit pa ring katwiran upang magtayo ng detachments, magpatupad ng curfews, magsagawa ng malawakang manhunt, at maghasik ng takot sa mga mamamayang nasa probinsya. Ito ba talaga ang solusyon ng pamahalaan para

sugpuin ang NPA? Iniisip ba ng pamahalaan na kung huhulihin at papatayin ang lahat ng mga lehitimong aktibista na wala sa sak-law ng NPA ay maaayos din ang problema tungkol sa armadong grupo? Kung pinagi-sipan, mukhang masasayang lamang ang isang bilyong piso. Bago ang lahat, kailangan munang pagbutihin at paunlarin ang buhay sa mga malalayong lugar na mahihirap. Sapagkat may dahilan ang bawat pag-aaklas. Kung ipagpapatuloy ng pamahalaang Arroyo ang kanilang plano, maaari lamang itong makahikayat ng higit na maalab na tugon mula sa mga aktibista. Kung ganon nga ang mangyari, mananatili pa rin ang problema ng pamahalaan sa NPA.

John o Juan? Kapag nagutom si Juan, kakapitan niya kahit patalim. Ang dagok na ito sa buhay ni Juan ang nag- uudyok sa kanyang usigin ang inaasahan niyang tutulong sa kanyang naghihingalong pamumuhay. Toto-ong kapag wala nang lugaw na mailalagay sa sikmura at wala na ring asin na madidikdik, hayo na sa kabundukan ang isisigaw ni Juan. Hindi ang pag- aalsa ang problema kundi ang ugat nito. Ano nga ba ang nag- uudyok kay Juan na kalabanin ang kinikilala niyang ina? Kahirapan, korupsyon, at pagbibin-gibingihan ng mga institusyong kanyang sinasandalan.. maaaring gumamit ng dahas, ngunit uulan ng bala at dadanak ng dugo. Maaaring lunasan ang ugat ng pag- aalsa, tahimik, payapa. Sa ating lipunan, marami ang Juan na napipipi at namumundok sa kalaunan. Ang iba naman, nagpupumilit maging John at nagbibingi-bingihan. Sa panahong nag- aalsa ang mga Juan, nararapat ba silang supilin at patayin o panahon na upang bumababa sa pedestal ang mga John upang pakinggan ang mga mapait na hinagpis ni Juan? Ikaw? Sino ka? Si Juan? O si John? M

SIGAW NG BAYAN

Page 15: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 15

“Taga-Maynila?” ang agad na tanong ng mga taong ibig makipagkwen-tuhan ngunit napupuna ang aking hindi agarang pagsagot. Sa tuwing may lakad, kay bilis ng tibok ng aking puso dahil sa takot na hindi ko kayang makihalubilo sa maraming tao. Anong takot ko na lamang na maloko sa taas ng presyong maaaring ibigay nila sa mga taong hindi marunong mag-Cebuano. Bumabalik sa aking isip ang sinabi ng aking ama: sa ibang bayan, nakikita ang mga dayu-han bilang mga taong may sapat na salaping maigagasta. Marahil, takot ako dahil hindi ko sila kauri, kumbaga, hindi kauri ng species ngunit mula sa iisang genus. Iibang dila at kultura ang aming kinalakihan. Ang ganitong

LAKING GULAT ko nang lumapit sa akin ang isang ser-bidor sa Café Laguna sa Ayala Center Cebu, isa sa mga araw ng aking bakasyon doon nitong Hunyo. “Asa gi-

kasal?” narining ko ang kanyang mabilis na tinig at pinaki-wari kong ako ang kanyang pinatutungkulan. Tila malala pa sa wikang banyaga ang dating ng mga tunog na iyon. Martian language ‘ika nga at ang pinakamasaklap, ako ang Martian sa kanilang paningin. Hindi ako taga-roon at lalong higit na hindi ko lubusang nauunawaaan ag kanilang pananalita. Sapagkat taga-Iloilo, isang Bisaya rin ang aking ina, may kaunting pahiwatig upang kayang mahulaan na ibang diyalekto ang kanyang gamit.

PAGKAKABUKLODPAG-KAKA-HIWA-LAY?Ilang kuru-kuro sa implikasyon ng ipinanunukalang super regions.

SIGAW NG BAYAN

SA

ni CHAI VILLAFRANCAlikhang-sining ni Pol Layuglapat nina Jed Alegado at Mara Perez

Page 16: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200616

kalagayan, mismong lipunan din ang higit na nagpapatingkad.

Bahagi lamang ng iisang pirasong donut “Donut bai!” “Waray waray!” at “Su-portahan taka!”. Ano ba ang unang pumapa-sok sa ating isipan sa tuwing maririnig ang mga katagang ito? Hindi ba’t ang rehiyong pinagmulan ng mga katagang ito? Isa lamang itong halimbawa sa tunay na pagkakaiba ng kultura dito mismo sa loob ng ating bansa. Iisang Pilipinas, ngunit may labing-anim na rehiyon, humigit 200 distrito at napakarami pang mga baranggay.Minsan pa, masaklap ang bunga ng gani-tong pag-iisip. Mga tatlong buwan na ang nakalilipas nang sa lugar ng Punta, Sta. Ana, Maynila, may napabalitang patayan sa pagitan ng mga grupo ng kabataan. Paulit-ulit silang nagsaksakan matapos malamang ang isa’y taga Daguisonan samantalang ang biktima’y taga-Tenement o Marahil sa Bario Puso. Hindi lamang sa antas ng barang-gay nagaganap ang ganitong pagkakawatak-watak. Kahit ang kasulukyang sistemang bicameral, sadyang halata ang hiwalay na pagkilos ng Kamara at Senado. Higit pa rito, nabanggit din sa klase sa PolSci na

bawat kasapi ng Kamara, ipinaglalaban ang kanyang distrito upang makuha ang malak-ing bahagi ng pananalapi nang makagawa ng proyekto sa sarling sinasakupan. Bawat mambabatas, nakikigulo makuha lamang ang bahaging inaakala niyang pinakamalak-ing bahagdan kung ikukumpara sa kabuuang badyet. Dahil dito, mahigit 200 tao ang nagdidiskurso kaya’t higit na humahaba ang mga diskusyon bawat sesyon. Samakatuwid, nagiging isa itong napakabagal na sistema na nagpapabagal pang lubos sa pagpasa ng mga batas. Sa pisikal na nibel, mahihinuhang may kinalaman ang anyo ng ating bansa sa ganitong isyu. Napalilibutan ng malalaking anyong tubig ang mahigit pitong libong pulo ng ating bansa. Marahil, hindi nabibigyan ng pagkakataong ang ibang taong makapunta sa ibang dako dahil na rin sa pangangailangang pinansyal o pamasahe. Sa kasaysayan naman, itong kalagayang ito ang ginamit upang higit na mapabilis ang pagkakasakop sa atin. Mahigit sa tatlong daang taon tayong napasailalim sa kapangyarihan ng Espanya dahil sa polisi-yang divide and rule. Kung ating uulitin itong bahagi ng kasaysayan (sapagkat hindi naniniwala ang aming guro sa History 165 na hindi sadyang umuulit ang kasaysayan sa

kanyang ganang sarili bagkus tayong mga tao ang umuulit nito), nakikita ng ilan nating mga pinuno na higit na maka-bubuti itong pagkawatak-watak. Kung sakaling may mga pag-aaklas, agarang masusupil ito dahil madaling tukuyin ang pook ng nakaambang na kagu-luhan. Maaari ring gamitin ang isang pangkat laban sa isa pang pangkat at lumikha ng gulo.

Maliit na, hahatiin pa Sa kasulukuyan, ipinanu-nukala ng ilang mga lehislador sa kongreso na hatiin pa ang isa sa mga pinakamauunlad na lugar sa ating bansa: ang Cebu. Sa katunayan, ang isang malaking pulong ito’y balak hatiin sa tila pa-Luzon, Vi-sayas at Mindanao na paraan. Ayon sa isang panayam kay

Ben Fredrick Rodriguez, legal consultant sa kongreso, tatlong house bills na ang naka-latag para sa binabalak na hatian ng nasa-bing probinsya: Cebu del Norte (House Bill No. 3657 ni Cong. Clavel Martinez), Cebu del Sur (House Bill No. 3733 ni Cong. Simeon L. Kintanar), at Cebu del Occidental (House Bill No. 3632 ni Con. Antonio P. Yapha, Jr., MD). Nakagugulat ang balitang ito sapag-kat sa karera ng kaunlaran, hindi nahuhuli ang lugar na ito sa Maynila, Makati, at lung-sod Quezon. Sa paglilibot sa ilang siyudad at bayan, halos hindi na masabi ang kaibahan ng mga nabanggit na lugar sa mga katulad nito sa NCR maliban na lamang sa mga kurba ng daan at higit na pagiging malapit sa kalikasan ng lalawigan. Ngunit ayon sa isang babasahing ipinakalap sa bayan ng Bogo, ang pinaka-malaking bayan sa hilagang Cebu, maraming dahilan kung bakit dapat suportahan ang ganitong panukala: kakulangan sa badyet para sa agrikultura, turismo at aquacul-ture. Hindi sapat ang naibibigay ng lokal na gobyerno kung ikukumpara sa kontribusyon ng kinikita ng bayan. Dahil dito, kulang-ku-lang ang mga gamit sa pandistritong ospital at hindi na naaalagaan pa ang mga koral sa paligid ng Kapitan Cillo. Maaari pa naman sanang gawing pang-akit ng mga turista ito

SIGAW NG BAYANS

cott

Kho

Ang super regions nga ba ang sagot sa tumitinding kahirapan sa bansa?

Page 17: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 17

bukod pa sa mapangangalagaan ang mga isdang namamahay rito. Sa artikulong sinisipi, malaki pa rin ang Cebu upang mabuting mapangal-agaan ang lahat ng mga residente rito. Iisa ang hinaing ng Cebu at Abra sa lagay na ito. Sa dokumentaryo ng I-Witness, ipinakita na mababa ang kabuuang kita ng kanilang bayan dahil sa kakulangan sa imprastrak-tura. Dahil din sa liit ng bahagi ng badyet na nagmumula sa gobyerno (IRA o Internal Revenue Alllotment) ang kanilang inaasa-han, tila matatagalan pa bago marating ang kanilang inaasam-asam na kaunlaran. Idag-dag pa ang laganap na katiwalian at pagbu-bulsa kahit sa maliit na halagang inaasahan ng Abra.

Kung ano talaga ang kailangan Higit na pinaniniwalaan ng naka-panayam na maaaring mabawasan ang mga kumakalaban sa gobyerno sakaling mapatu-pad ang higit na pagkakahati-hati. Inaaasa-han din ang pag-unlad sapagkat ang ugat ng mga rally at pag-aaklas ay ang kawalang-tiwala at kawalang pag-asa ng mga tao sa pamahalaan. Ang kanilang mga kumakalam na tiyan ang nag-uudyok sa kanilang ma-sisidhing emosyon. Ngunit isang halimbawa ang naibigay sa panayam: kung ibibigay mo ang pangangailangan ng isang gutom na mag-nanakaw, marahil susunod ang taong iyon sa iyo. Huwag nating kalimutan ang mga insi-dente ng pag-aaklas ng Oakwood mutineers at Scout Rangers dahil sa mga benipisyong hindi nila natatanggap. Huwag ring isantabi ang pagkadismaya sa kasalukuyang pamaha-laan. Hindi ba’t maaaring gamitin sa masa-mang paraan ang ganito? Maaaring manipu-lahin ng iilang pulitiko ang pag-iisip ng masa pagdating sa eleksyon. Masakit mang isipin, akala ng maraming botante na kung kayang magbigay ng isang kandidato ng salapi sa eleksyon, higit silang matutulungan ng mga ito kung makaupo sila sa puwesto. Nasaksihan nating muli ang ganitong prinsipyo sa katatapos lamang na SONA. Higit na pinagtuunan ng pansin ng pangulo ang mga repormang pang-ekonomi-ya upang “maghilom na diumano ang sugat na hatid ng pagkakahati-hati ng bayan at ang kawalan ng hustisya”, ayon din sa panulat ni Nelson Bagaforo ng Sun Star Davao. Sa kabilang banda, ang tinutukoy na pagka-

kahati-hati ng pangulo ay ang pagkampi o pagtiwalag sa gobyerno. Isa na naman itong pamamaraan ng pamumulitika. Tila domino effect ang nangyayari. Dahil sa pag-unlad, “dadami ang mga tra-baho, tataas ang pasweldo at aangat din ang kalidad ng ating kabuhayan.” At pinatunayan ni Lyn, isang baguhang call center agent na ipinagyabang sa SONA, na isa siya sa mga Pilipinong hindi na mag-iisip pang man-gibang bayan kung may magandang kinabu-kasan na sa Pilipinas. Muling maalala ang mga babaeng nakaharap sa salamin, ineensayo ang pagn-giti habang suot ang dilaw na bestidang may apron na nakasabit sa baywang. “Sir, pang-abroad po,” wika ng tagakuha ng litrato. Sayang ang kagandahan at husay ng mga Pilipina, ang nasa aking isip - nakikilala la-mang sila dahil sa pangingibang bansa. Ang masakit pa, upang maging utusan ng ibang lahi. Ala-superman Nakagugulat marahil ang SONA para sa iba. Hinati ang bansa sa “super regions” o mga lupon ng mga rehiyong may sariling “galing” na maaaring linangin. Ang mga sumusunod ang sinasabing hatian at mga bansag na ikinakabit sa kanila: Hilagang Luzon: Rehiyon 1, 2 at Cordillera Administrative Region kasama ang Aurora at Nueva Ecija - agri-business quadrangle; Metro Luzon: Rehiyon 3 (bukod ang Aurora at Nueva Ecija), 4-A, at National Capital Re-gion o Metro Manila. Ang Gitnang Pilipinas ay kinabibilangan naman ng Rehiyon 4-B, 5, 6, 7, at 8 - urban beltway at balwarte ng turismo. Ang Mindanao: Rehiyon 9, 10, 11, 12, 13 at ang ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao - agri-business at cyber-corridor. Ito ang mga planong higit na pinagtuunan ng pansin ng pangulo bago ang mismong SONA na, ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesperson Ignacio Bunye, bahagi lamang ng P100 bilyong pisong gaga-mitin ng pamahalaan sa ilalim ng Medium-Term Public Investment Program. Ipagdasal na lamang marahil ng mga mamamayan na tila mag-ala-superman ang super regions na ito upang kahit papaano’y mailigtas naman ang ating bansa mula sa pagkalugmok ng ekonomiya.

SIGAW NG BAYAN

Pederalismong nagbabalatkayo? Sa sistemang pederalismo, tulad ng sa Estados Unidos, itinutulak na tumayo sa sariling nitong paa ang isang estado. Sa kon-septo ng super regions, sisikaping maibenta ang mga bagay kung saan ito nagawa. Dahil dito, inaasahang bababa ang presyo ng mga bilihin sapagkat hindi na kailangan pang singilin ang gastos sa transportasyon ng mga bilihin at mababawasan ang byurokrasyang nakasentro lamang sa Maynila. Sa kabilang dako, maaaring hindi lamang bilang paghahanda sa ChaCha ang tila-pederalismong konseptong ito kundi isang pamamaraan upang “pasalamatan” ang mga taong tumutulong sa pangulong manatili sa kapangyarihan. Dahil mukhang desentralisado na ang pamahalaan at tila binibigyang kalayaan ang mga opisyal sa bawat pook, maaaring mga kalapit niyang kaibigan at kakilala ang maluluklok sa pu-westo. Kung iisipin, maaaring mauwi muli ito sa kroniyismo na laganap noong panahon ni Marcos. “Walang dudang hindi mahihira-pan ang pangulo sa pangungumbinsi sa mga lider sa kanyang ideya,” winika ni Lorenzana, marahil dahil sila rin mismo ang makaku-kuha ng pangunahing benepisyo mula rito. “Super regions = pederalismo” para sa nakararami ang nagaganap. Subalit para kay Konsehal Peter Lavina ng lungsod ng Davao, ilang beses nang inuna sa listahan ng dapat pahalagahan ang Mindanao ngunit nabibigo lamang lagi ang pamahalaan sa kabila ng pagtatatag ng Mindanao Develop-ment Authority (1960s) at Southern Phil-ippines Development Authority (SPDA). Ngunit dahil ang mga “desisyon at ang pananalapi ay nagmumula sa Malacañang,” bigo ang pag-unlad sa Timog. Sa pag-aaral ng mga pangyayari, tila naitapon na ang pederalismo dahil sa tunay na pakay ng Malacañang: ang solidong pa-glipat sa parlyamentaryong anyo ng gobyer-no. At tinapos ng konsehal ang kanyang isinulat sa blog na hindi naging maluwag sa Malacañang bagkus higit pang napaigting nito ang hawak niya sa bansa. M

Page 18: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200618

Ang pangakong pagbabago ng Saligang Batas, na ayon kay Gloria ang siyang hadlang sa pag-unlad ng bansa, ay naging sapilitang pirmahan din diumano ng mga masang nagreklamo na hindi naman nila naintindihan ang pinapapirmahang People’s Initiative. Dahil dito, nag-usbungan na rin ang mga kilusang punding-pundi na sa talamak na dayaan: ang One Voice ngayon ang isa sa pinakalitaw na kumakalaban sa pagpapasulong nina Atty. Raul Lambino at Jose de Venecia ng Charter Change o Cha-Cha. Maging ang pinagmamalaking programa na dapat raw ay magsasaayos ng edukasyon ng mga public schools, ang dagdag na 30,000 na silid-arala’y naglaho lamang sa ere. Pagdating ng tag-ulan, basa pa rin ang mga nagsisiksikang mga batang nakaupo sa sahig sa paaralan. Nairita rin lamang si Gng. Arroyo nang magreklamo si DepEd OIC Fe Hidalgo na kulang pa rin ang mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan. Kapansin-pansin rin na hindi pa

ipinapatupad ang EO 358 na nilagdaan na ni Gloria upang ang mga oras na ginugugol sa bokasyonal na pagsasanay ay magsilbing units para makamit ang diploma. At hindi pa sapat ang naglalakihang bayarin ng mga Pilipino, pinatupad rin ang Expanded Value Added Tax law para di-umano’y magkaroon ng pondo ang pamahalaan upang mapatupad ang mga panukala nito. Nanlumo naman ang Kawanihan ng Rentas Internas nang amining bagama’t may E-VAT na’y bumaba pa rin ang koleksyon nila ng buwis. Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ng sambayanan ang ipinangakong tulong na maidudulot ng binabayarang buwis. Ngayong 2006, isang panibagong SONA ang nangangako ng kung anu-anong panukala na makakatulong raw sa pag-unlad ng bansa. Ang tanong: mapatupad naman kaya ang mga ito?

Sa dami ng isyung kinakaharap ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo,

mapapansin sa nakalipas na SONA ang pagiging kimi at pikit-bulag ni GMA sa mga tunay na hinaing ng mga maralita. Imbis na tumugon sa mga maigting na pangangailangan ng nakararami, mas binigyang pansin ng pangulo ang mga panukalang pabor sa burgesya komprador ng bansa, at iba pang naghaharing-uri; mga highway na hindi magpapaaral sa mga batang nagugutom.

Kapansin-pansin rin ang hindi niya pagtalakay sa mga hinaharap na problema ng mga mamamayan: population growth, krisis pampulitika, ang mga paglabag sa karapatang pantao, ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Kakatwang isipin na bagama’t inulit-ulit ni Gloria na mayroon sapat na laman ang kaban ng bayan upang matustusan ang mga panukala niya, karamihan ng mga Pilipino ay nagdududa kung tunay nga bang naroon ang pondo. Diyata’t isa na namang pangakong mapapako ang SONA ni GMA. Isang utopia na hindi

ISANG TAON na ang nakaraan, wala pa rin ang pagbabagong kinakailangan ng bansa. Ang maralita ay patuloy na pinahihirapan ng gobyernong nangakong protektahan ito. Hindi na itinatago mga tiwaling opisyal ang winawaldas na pondo mula sa kaban ng

bayan: nagiging isang karera ang pagpapatayo ng mga heneral at mga lokal na opisyal ng mga nagkakalakihang mansyon na magpapakain sana sa libo-libong mga taumbayan ng isang taon.

SIGAW NG BAYAN

May saysay pa nga ba ang mga pangako at binitiwang salita ni GMA noon at ngayon?

nina KRISTEL PUJANES, GBOY RADAZA at LESTER YEElikhang-sining ni Pol Layuglapat ni Hub Pacheco

Pangakong Napako, Pangakong Mapapako?

Page 19: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 19

kailanmang makakamit ng Pilipinas.

Bakit?Naging malaking

kakulangan ni Gloria ang pagkakaroon ng isang salita. Paano maniniwala ang karaniwang Pilipino sa kanyang SONA kung ang karaniwang Pilipino ay tuloy ang gutom at hirap sa isang sistemang pumabor sa mga naghaharing uri? Nakakatuwang isipin na paiigtingin diumano ni Gng. Arroyo ang mga batas laban sa human traffi cking subalit patuloy pa rin ang pasismo ng kanyang administrasyon laban sa mga mamayan.

Binanggit rin niya na kikitilin ang korupsyon, pipigilan ang political killings at patitibayin ang mistulang inaanay na gobyerno, ngunit mukhang nakalimutan na niyang banggitin kung paano niya gagawin ito?

Isa pang pangako ni Gloria na ang SONA ngayon ay hindi mamumulitika, ngunit sa kaniyang buong talumpati, tila kaniyang hinahamon ang mga kaaway sa pulitikang “Sige, subukan niyo ko,” matapos ay babawiin at sasabihing pagsasayang lamang ito ng oras.

Nagmistulang gabi ng parangal ng FAMAS rin ang kanyang SONA nang isa-isang patayuin ang nagkandarapang mga tagapakinig na isa-isa ring pinalakpakan ang kanilang mga sarili. Sa huli, maitanong lamang: Para kanino ba talaga ang SONA?

Katuparan ng mga nakaraang pangakoNoong nakaraang taong 2005,

matatandaang hinayag ng pangulong Arroyo ang kanyang SONA sa kapaligirang balot ng matinding pagkuwestiyon sa lehitimasyon ng kanyang administrasyon dulot ng naisiwalat na kontrobersya ng ‘Garci Tapes’. Dagdag pa rito, nanatili ang pagkakawatak-watak ng lipunan sa mga paksyong patuloy na

umuusig at pumupuna sa pamahalaan na pinaigting hindi lamang ng isyu tungkol sa maanomalyang pagkakahalal di-umano ng pangulo noong nakaraang eleksyong 2004 kundi maging ng patuloy na usapin ng terorismo at korupsyon sa pamahalaan kabilang na ang kanyang kabiyak na si Unang Ginoo Mike Arroyo at ang kwestiyonableng usapin ng Cha-Cha o Charter Change. Sa kabila nito, inihayag ng pangulo ang kanyang SONA 2005 na higit na maikli, pangkalahatan at hindi ambisyoso kumpara sa SONA ngayong taon. Matatapos na naman ang isang taon. Parehong mga tanong ang nananatili sa mamamayang Pilipino. Natupad ba ang mga pangako? Ano ang mga naging pagbabago? Meron nga bang nagbago? At higit sa lahat, ano ang katotohanan sa likod

ng implementasyon sa nakalipas na taon? Ating silipin ang mga ‘pagbabago’ sa pagtingin sa 10-puntong adhikaing inihain ng pangulo noong nakaraang taon. Sa pangkalahatan, naabot ng pamahalaang Arroyo ang anim sa 10-puntong ito: pagbalanse sa badyet, paglikha ng isang milyong trabaho, pagpapaluwag sa lansangan ng Metro Manila, pagpapaunlad sa Subic at Clark, pagbibigay ng edukasyon para sa lahat at desentralisasyon ng pag-unlad gamit ang imprastraktura ng transportasyon. Sa huling apat na punto naman: kompyuterisasyon ng prosesong elecktoral, pagbibigay ng kuryente sa mga barangay sa buong bansa, pagsulong ng nararapat na pagtatapos sa prosesong pangkapayapaan at paghilom ng mga sugat ng EDSA 1, 2 at 3; kinakailangan pa ng masusi at matinding reporma upang maabot ang mga mithiing ito. Sa pagbalanse ng Badyet Sa kabila ng pagtaas ng kita ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng EVAT at iba pang piskal na reporma, dapat pa ring paigtingin ng pamahalaan ang tama at mabilis na pangogolekta ng buwis. Dapat ding bawasan ang mga tax incentives dahil nagpapababa ito

ng koleksyon. Bukod pa rito, dapat ding palawigin ng pamahalaan ang pamamahala sa pangogolekta ng buwis sa pamamagitan ng pagpapadali ng pagsuplong sa mga kasong may kaugnayan sa mandaraya sa buwis. Dagdag pa rito, dapat ring masusing pag-aralan ang mga polisiya ng gobyerno sa paggasta at salain maigi ang mga proyektong dapat lamang paglaanan ng badyet upang magkaroon ng balanse. Sa pagpaparami ng trabaho Marahil, nakapagbigay nga ang pamahalaan ng mga trabaho sa mamamayan. Ang mas mahalagang tanong na dapat sagutin: Mayroon bang epekto ito sa kabuuang kalagayan ng mga Pilipinong walang trabaho? Nadagdagan nga marahil ang mga trabaho, ngunit naibigay ba ito at

SIGAW NG BAYAN

Luis

Liw

anag

(New

sbre

ak)

ww

w.c

ongr

ess.

gov.

ph

Page 20: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200620

nailaan sa mga higit na nangangailangan? Edukasyon para sa lahat

Hindi pa rin nakikita ang epekto ng paglalagay ng mga dagdag na pasilidad gaya ng mga kompyuter sa mga silid-aralan. Nananatili pa ring mababa at di katanggap-tanggap ang bilang ng mga computer sa estudyante sa 1:72. Ganoon pa rin ang pangkalahatang imahe ng sistemang edukasyon sa Pilipinas. Marami pa rin ang salat sa silid-aralan at kulang sa mga aklat. Mababa pa rin ang estado ng mag-aaral na Pilipino sa larangan ng Agham, Matematika at Ingles. Marami pa ring guro ang nagrereklamo dahil sa napakaraming bilang ng estudyante na kanilang tinuturuan. Pagpapaluwag ng Metro Manila Kung tutuusin napakaliit ng 53 proyektong pabahay para sa mahigit isang taon na panahon dahil sa napakaraming batang lansangan, at pamilyang walang matirahan ang nagkalat pa rin sa kabuuan ng lungsod. Sari-sari ang mga demolisyon, gayong wala namang konkretong plano ng relokasyon para sa mga naaapektuhang mag-anak. Mabuti na lamang at mayroong mga organisasyong gaya ng Gawad Kalinga na handang magbigay tulong at higit na mas maraming naipamamahaging tirahan sa nangangailangan kaysa sa pamahalaan. Pagpapaunlad ng Subic at Clark Noon pa ma’y maunlad na ang Subic at Clark. Maganda sana kung maipapasa ang kaunlarang ito sa iba pang lugar o maging pinagkukunan ito ng pondo para sa pagpapaunlad ng iba pang pook sa bansa na mas nangangailangan ng atensyon. Desentralisasyon ng pag-unlad gamit ang imprastraktura ng transportasyon Ang gastusin at panahon ng pagsasagawa ng mga proyekto ang tanging nagiging problema. Sa kasalukuyan, nahuhuli ang ilang proyekto. Nangangahulugang dagdag gastusin ang pagkahuli. Sa napakalaking perang inilaan na at ginugugol sa mga ito, Saan kukunin ang pantustos sa mga gastusing dulot ng

pagkahuli? Dagdag pa rito, matatapos pa kaya ang mga proyektong ito sa takdang oras sa kabila ng sunod-sunod na pagkahuli? Huling apat na punto

Nangangailangan pa ng pagpapalawig at dagdag na paggalaw mula sa pamahalaan upang matupad ang huling apat na punto. Nakaantala pa rin ang pag-uusap na pangkapayapaan sa pagitan ng NDF at RPM. Mababa ang natamong pag-usad ng Mainstreaming Program sa usaping pangkapayapaan. Nadagdagan pa ng kasalukuyang problema ng mga pagpatay na pulitikal na nakadagdag sa suliranin ng hustisya at kapayapaang panlipunan. Sa

kasalukuyan din, nasa Phase I pa lamang ang kompyuterisasyon ng prosesong elektoral ng bansa. Nakabinbin pa rin sa Korte Suprema ang dalawang yugto: Phase II: Kompyuterisasyon ng pagbilang at pangongolekta ng boto at Phase III: Elektronikong paglipat ng mga resulta ng eleksyon. Sa kaso ng kuryente at tubig, 2500 na barangay pa ang wala pa ring kuryente hanggang sa kasalukuyan at marami pa ring pook ang walang suplay ng malinis na tubig. Panghuli, hindi pa rin tuluyang nahihilom ang mga sugat ng mga iba’t ibang grupo ng EDSA 1,2,3. Patuloy pa ring hati ang ating lipunan. Marami pa rin sa oposisyon at sambayanang Pilipino ang hindi naniniwala sa kredibilidad ng kasalukuyang administrasyon. Panibagong mga Pangako

Sa SONA 2006 ng pangulo, 166 na palakpak ang kanyang natanggap. Marahil sobra ito para sa isang SONA na puno ng panibagong pangako o patuloy na pangako ng mga hindi natupad noong nakaraang SONA. Masyadong ambisyoso ang kasalukuyang SONA sa kanyang pagtalakay

sa malalaking proyektong pang-ekonomiya at pagmamalaki sa pondong sinasabi ng pangulong mayroon daw.

Kung tutuusin, isang pagpapatuloy lamang ang SONA 2006 ng mga nakalimutan, napabayaan o ng mga ninanais pang matamo ng kasalukuyang administrasyon. Nandyan pa rin ang pagsulong ng Cha-Cha, ng bagong sistemang pulitikal. Ginamit na rason ng pangulo ang mga pangangailangang pang-ekonomiya upang patuloy na isulong ang Cha-Cha at pederal na sistemang pulitikal.

Magandang pakinggan ang mga matatamis na plano ng pamahalaan sa bansa na kanyang inihayag sa isang makabago at

high-tech na talumpati. Subalit, ito ba ang tunay na kalagayan ng bayang balot pa rin ng kadiliman at paghihikahos? Saan kukunin ang mga pantustos sa mga proyektong inihain o nakahain na at kasalukuyang tinatapos?

Marami ring nakaligtaang talakayin ang pangulo gaya ng problema sa populasyon, at kung paano isasakatuparan ang paglaban sa korupsyon. Wala ring

nabanggit tungkol sa edukasyon. Lalong walang naipaliwanag sa mga tanong na bumabagapag pa rin sa lipunan ukol sa mga iskandalong kinakaharap ng kasalukuyang administrasyon. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapabango ng imahe, ang pagbibigay ng bagong enerhiya sa mamamayan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga papuri’t karangalan. Isang optimistikong pangulo ang nagtalumpati ng kanyang SONA 2006. May ilang nadala at naniwala sa kabanguhan ng kasalukuyang SONA. Subalit, ano ang pulso ng nakararami?

Sa pinakapayak na pagtingin: maganda ang katayuang tutunguhin ayon sa mga inilahad sa SONA 2006 subalit nananatiling isang malaking palaisipan at balakid kung paano natin ito aabutin? Isang pagpapatunay lamang ito na malayo pa ang dapat nating tahakin at hindi madali ang daan tungo rito. M

SIGAW NG BAYAN

Isang optimistikong pangulo ang nagtalumpati ng kanyang SONA 2006. May ilang nadala at nani-wala sa kabanguhan ng kasalu-kuyang SONA. Subalit, ano ang pulso ng nakararami?

Page 21: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin

SECTION HEADER

21

R.A. 9346: Ang Pagpatay sa Batas ng Pagpatay

Nangangamoy pulitika ang biglaang pagkabasura nito.

nina KRISTOFFER PAOLO CRUZ at ALAN RAY TEH likhang-sining nina Chito Esguerra at Omar Gabito lapat ni Hub Pacheco

Page 22: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200622

IKAS NA sa ating mga Pilipino ang kumiling sa pagsusunog ng mga basura upang ubusin ang mga ito kaysa sa pagtatapon at pagtatambak nito sa mga basurahan. Kilala natin ang prosesong ito bilang pagsisiga. Ang pagkiling na ito ay umuugat sa likas

nating pag-uugaling tahakin ang pinakamabilis na daan patungo sa kung anuman. Hindi naman maikakailang ito rin ang ugaling namayani sa mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas na nagtulak sa kanilang piliin ang pinakamadaling paraan upang ibasura ang sinumang lumabag sa kanilang hustisya. Ang paraang ito ay ang kilala natin bilang Parusang Kamatayan. Subalit, noong ika-24 ng Hunyo, dalawang araw bago ang kanyang pagtungo sa Vatican, pinirmahan ng Pangulong Arroyo ang isang panukalang tuluyang pumatay sa labindalawang taong pagpatay, sa labindalawang taong sigang sumunog sa mga naturingang basura ng bayan. Isang panukalang nagpawalang-bisa sa lahat ng uri ng Parusang Kamatayan bilang punong kaparusahan ng Pilipinas. Ang Republic Act 9346. Matatandaan natin ang bangungot dulot ng parusang kamatayan na iniukit sa ating nakaraan. Simula 1994, nang isulong muli ang nasabing parusa matapos tanggalin noong 1987, pitong buhay ang ninakawan ng pag-asa pang magbago at muling makapagpatuloy. Pitong buhay na marahil naipit lamang sa gitna ng sistemang mapaniil, ng hustisyang pinatatakbo ng nakapangingibabaw.

Sa kahit anong relihiyong kumikilala sa Diyos ng sangkatauhan, matutunghayan ang pagpapahalaga at pagsasaalang-alang sa buhay ng tao at sa karapatan ng tao sa kanyang buhay. Ang Pangulong Arroyo, sa kanyang pagpapamalas ng sarili bilang isang debotong Katoliko, ay pinapurihan ng kapwa niyang mga Katoliko sa pagpapasyang bigyang-wakas ang pagpatay sa ngalan ng buhay at ng hustisya ng Panginoon. Ayon sa pahayag ni Arsobispo Angel Lagdameo Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), naniniwala ang Simbahan na ang buhay at ang karapatang mabuhay ay mas naipagtatanggol sa pamamagitan ng pinagsamang kilos na ito ng Pangulo at ng pagpapaigting ng pagpapatupad ng batas at pagsasaayos ng sistema ng paghuhukom. Buong-loob namang ipinahayag ng Pangulo na ang pagwawakas niya sa naturang

kaparusahan, matapos aprubahan ng Senado at ng Kamara ang nasabing panukala noong ika-7 ng Hunyo, ang isa sa pinaka-ipagmamalaki niya sa kanyang pagbisita sa Santo Papa bilang isang pagkilos sa ngalan ng buhay. Mahihinuha sa mga kahina-hinalang hakbang na isinagawa niya ang isa sa maaaring nakatagong hangarin ng Pangulo. Kung may isa kasi siyang katatakutan bilang pinuno ng bayan, ito ay ang pinakamaimpluwensiyang institusyon sa Pilipinas: ang Simbahan. Ito ay sapagkat kabilang sa Simbahang Katoliko ang pinakamalaking bahagdan ng mga mamamayan sa Pilipinas. nong kanyang pinamamahalaan. Bukod dito, maaaring ipagpalagay na taglay rin ng lokal na Simbahan ang hiram na kapangyarihan ng Vatican, kung kaya’t masasabi nating sa puntong mahuli niya ang kiliti ng Simbahan sa Pilipinas, matatanggap na rin niya ang biyaya ng Ina ng lahat ng Simbahan sa buong mundo. Hindi lamang iyan. Sa parehong panig ng mga relihiyoso, ipinaglalaban din ng mga tagapaglunsad ng karapatang pantao ang karapatan ng tao sa kanyang buhay. Mula nang ibalik ang parusang kamatayan sa sistema, matatag na silang nagpahayag ng pagsalungat dito. Ayon sa kanila, sa pagbibitay, ang parating nadedehado at madalas na napagbibintangan ay ang mga mahihirap, ang mga maliliit sa lipunan. Ilan din sa kanila, ang naniniwalang lumilikha lamang ito ng isang ilusyong may ginagawa ang pamahalaan sa lumalalang kriminalidad sa bansa, gayong pakitang-gilas lamang ito. Sapagkat sa sistema, kung sino ang may kapangyarihan at nakaaangat, siya ang napapawalang-sala. Kung sino nga naman ang dapat nasa kulungan, siya ang malaya. Maaalala natin ang kauna-unahang ibinitay na si Leo Echegaray na hinatulan

L

Isang balintuna na si Pangulong Arroyo na noo’y bise presidente pa lamang ay lumahok sa isang rally para sa death penalty.

SIGAW NG BAYAN

Inqu

irer N

ews

Serv

ice

Page 23: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 23

noong Pebrero 5, 1999 ng parusang kamatayan sa salang panggagahasa ng kanyang anak-anakan o stepdaughter. Mauulinigan naman sa kasalukuyan ang ilang haka-haka at pagpapatunay na mali ang pagpapataw na parusa kay Leo Echegaray. Sa pangkabuuan, hindi maitatangging may kalokohan sa sistemang dapat nang baguhin. Paano kung ang pagpatay ng Pangulo sa batas na ito ay upang makalikom lamang ng simpatiya mula sa taumbayan? Kung susuriin ang panahong ipinamalagi ni Gng. Arroyo sa puwesto, wala ni isa sa mga nagbitbit ng parusang kamatayan ang naparusahan. Kaya’t ngayon, sa bingit ng kanilang paglaho, ang 1200 pang bilanggong napatawan ng kaparusahan, pati ang kanilang mga minamahal, ay muling nakahinga at nabuhayan. Ibababa na lamang ang kanilang sentensiya mula sa dating kamatayan sa ngayong habambuhay na pagkakakulong, na sa loob lamang ng tatlumpung taon ay maaari nang bigyang kalayaan sa pamamagitan ng parola. Para sa kanila, hindi pa rin huli ang lahat. Subalit para sa karamihan ng mga nabiktima ng mga halimaw na kasamaan, higit pa sa dating matinding pagdurusa ang kanilang kahaharapin. Ayon kay Dante Jimenez ng samahang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kapansin-pansin ang pagiging pulitikal na hakbangin ang paglipol ni GMA sa parusang kamatayan. Ang kanilang pag-alma ay dulot ng hindi man lamang pagsali at pag-imbita ng Pangulo sa VACC at sa iba pang grupong laban sa krimen sa mga pagpupulong na naganap sa Kongreso kung saan pinagusapan ang magiging hakbangin ng pamahalaan sa isyu ng parusang kamatayan. Ipaglalaban sana nila ang kawalang-katarungan para sa mga

maliliit na boses ng mga nabiktima ng mga matitinding krimen na tila hindi naman pinakikinggan ng pamahalaan. Dagdag pa rito, sa kanilang opinyon, ang pagpapahina ng batas ay magpapalakas lamang ng mga masasamang-loob na magkamit ng krimen—ang paglala lamang ng pinupuntiryang suliranin.

Subalit ano nga ba ang hustisya para sa isang biktima? Kung iisiping mabuti, ang tuluyang pagbitay sa isang napatunayang may sala sa ilalim ng paghuhukom ay hindi naman talaga nangangahulugang makakamtan na ng biktima at ng kanyang pamilya, gayon din ng pamilya ng nasasakdal ang hustiya nang ganoon na lamang. Kung ibabatay lamang natin ang katarungan sa panandaliang gaan ng loob na madarama matapos makitang hindi na humihinga ang sumira ng iyong pagkatao, masasabi pa rin bang nakamtan mo na nga ang hustisya? Kapag sinindihan ko ang isang tambak ng basura sa gitna ng isang komunidad upang sa pagsisiga nito’y tuluyan na itong maglaho, masasabi ko bang magtatagumpay ako? Hindi, sapagkat ang makapal na usok na lilikhain nito’y walang hanggang mananalatay, kukupas, at magpapahina sa mga baga, sa dugo at sa pangangatawan ng mga makalalanghap, lalung-lalo na ang mga

kauna-unahang maaabot nito. Gayundin sa parusang kamatayan: ang mga alaalang manggagaling sa pagkitil ng buhay ng bawat isang nasasakdal ay magiging paulit-ulit na alaalang walang hanggang tatatak sa puso’t isipan ng kanyang pamilya, ng pamilya ng kanyang nabiktima, at ng kanyang biktima. Isang pagsisiga lamang ito na wala rin

namang naidulot sa Pilipinas kundi makapal na usok na dumurog at nag-iwan ng mapanglaw na lamat sa moralidad ng kanyang naapektuhan. Kaya lang, kibit-balikat ka namang magtataka: ngayong lalo lamang naging talamak ang krimen sa pagsulpot ng mas malalakas na loob na terorista, holdaper, kidnaper, carnaper at iba pa, ano pa kaya ang silbi ng pag-alis ng parusang kamatayan? Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at Bayan Muna, patuloy pa rin ang pagpatay ng mapangalipustang

sistema sa mga aktibista, mga mamamahayag, mga mahihirap, sa mga inaapi’t walang labang Pilipino. Waring binigyan lamang ng opisyal na katapusan ang kuwento ng ilang taong paglalaro sa buhay at kamatayan ng mga inosenteng tao. Huwad na paghuhukom, huwad na paghahatol, huwad na katarungan. Walang katiyakan na ang lahat ng napatawan ng parusa ang may sala sa mga krimeng inilatag sa kanilang mga pangalan. Ngunit isa lamang ang sigurado, na walang hustisyang nakakamit sa pagpatay ng isang tao kahit na gaano pa kabigat ang nagawa niyang pinsala, lalung-lalo na kung sa katotohana’y napagbintangan lamang ito. Sapagkat walang karapatan ang tao na kumitil ng buhay ng kapwa niyang tao, at lalong walang kapangyarihan ang tao na lumikha ng sarili niyang katarungan. M

Kung iisiping mabuti, ang tuluyang pagbitay sa isang napatunayang

may sala sa ilalim ng paghuhukom ay hindi naman talaga

nangangahulugang makakamtan na ng biktima at ng kanyang

pamilya, gayon din ng pamilya ng nasasakdal ang hustiya nang

ganoon na lamang.

SIGAW NG BAYAN

Page 24: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200624

SECTION HEADER

Page 25: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 25

Ang buhay, paninindigan at pagtataya ng isang propesor, kolumnista at isang padre de pamilya

Randy David: Sa labas ng mga pader ng Akademya KA-24 NG PEBRERO ng taong ito, ikadalawampung

taong anibersaryo ng EDSA People Power I na nagpatalsik sa diktaduryang Marcos. Habang nasa mga

kaniya-kaniyang tahanan ang taumbayan at matamang nanonood ng mga kaganapan sa telebisyon ukol sa diumano’y banta ng kudeta noong araw na iyon ayon sa Palasyo. Nabalita ang pagkakaaresto sa ilang raliyistang nagmamartsa

I

patungong EDSA Shrine. Kabilang si Propesor Randy David sa mga inaresto. Kadedeklara lamang noong ng Presidential Proclamation 1017 o State of National Emergency. Dahil sa epekto ng deklarasyon, dinakip si David at iba pang raliyista kahit may pahintulot man sila. Marami ang nagulat. Ano ang ginagawa ni Randy David sa isang rally? Bakit siya hinuli? Bilang isang batikang kolumnista sa Philippine Daily Inquirer at halos napanood sa limang himpilan sa telebisyon sa Pilipinas, masasabing isa si David sa mga respetado at tinitingalang komentarista na madalas

hinihingan ng pahayag kapag may mainit na usapin sa bansa. Kaya’t noong dinakip siya, marami ang nagulat at nagtaka. “Hindi naman ako lider roon. Sumama lamang ako as an individual citizen, sabi nila lider ka ng rally saka bakit noong 2001 ba tatlong araw kaming nagmamartsa mula sa Diliman hanggang sa EDSA Shrine upang iprotesta ang nangyari sa impeachment trial ni G. Estrada dahil doon, nailuklok bilang presidente si Gng. Arroyo. Ironically, you march on the same streets siya na ang presidente siya pa ang mag-aaresto sa iyo”, wika ni David.

Ngunit sa kabila ng mga ito, sa likod ng mga pahina ng pahayagan at ilaw ng telebisyon na kanya ring naging tahanan sa loob ng ilang taon, sino nga ba si Randy David? Isinilang si Randolf “Randy” David sa San Fernando, Pampanga ngunit lumaki siya sa isang bayan sa Pampanga, ang Betis. “Ang aking ama, isang abogado na naging piskal. Una, sa Pampanga pagkatapos sa Maynila. Ang aking ina, magaling na negosyante sana ngunit kung sunud-sunod na dumating ang labingtatlong anak wala nang ibang magagawa kundi mag-alaga at mag-aruga ng mga bata.” Ipinagmamalaki ni David ang kanyang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan mula sa mababang paaralan hanggang sa magtapos siya ng kolehiyo sa UP. “Doon ako nag-aral sa mga public schools sa Betis. Pagdating ng test, mayroon kaming mga tinapay na may kondensada na pinapakain sa amin, mayroon kaming lugaw, masustansya. It’s not very tasty pero masustansya. Meron kaming free dental

ni JED ALEGADO mga kuha at lapat ni Hub Pacheco

Ang buhay, paninindigan at pagtataya MATA SA MATA

Page 26: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200626

checkup and every month, you go to the dentist.” Una niyang ninais na maging isang abogado tulad ng kanyang ama. Dahil dito, kinuha niya ang kursong AB Journalism sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit ayon sa kanya noong mga panahon na iyon, hindi pa kumpleto ang kurikulum ng Journalism sa UP kaya’t noong siya ay nasa ikatlong taon napilitan siyang lumipat sa kursong AB Sociology. Dito niya nakilala si Karina Constantino, anak ng historyador na si Renato Constantino. “Magkaklase kami sa sociology. Nauna ako ng isang taon pero may mga klase na magkaklase kami. Maliit ang departamento namin noong mga panahong iyon. Noong nagtapos ako noong 1965, apat lamang kami sa batch namin. Pagkatapos namin noon sa kolehiyo, nagturo rin siya (Karina). Bago ako umalis para sa England, naging mag-asawa kami para makapag-aral rin siya. Sabay kaming instructors dito sa UP”. Ang pagsasamahang ito na tumagal hanggang ngayon ay nakapagbigay sa kanila ng apat na supling. Magkakaiba man ng larangan ang mga ito, masasabing naging matagumpay ang mga ito tulad ng kanilang mga magulang. “Si KP ‘yung panganay. Siya lang yung lalake, Geology sa UP tapos nag-masteral ng Environmental Geology sa Standord at ngayon nagtuturo rin dito sa UP. Yung pangalawa si Kara. Siya yung magtuloy ng pangarap kong maging mamamahayag. Naging broadcast journalist siya. Tapos si Nadiya, nagtuturo ng Digital Design sa La Salle at kasabay nito, isa ring designer at artist. At ang bunso si Jika, nagtapos ng Accountancy sa UP pagkatapos magtrabaho sa Unilever sa loob ng limang taon at bandang huli nagdesisyong mag-volunteer work. Kabilang siya sa pang-ikadalawampu’t limang batch ng JVP (Jesuit Volunteers of the Philippines) at nagtuturo ng Matematika sa mga second year high school students.” Sa kasagsagan ng Batas Militar,

isa si David sa mga mapalad na hindi kinailangang magtago o mag-underground hindi katulad ng kanyang asawang si Karina, biyenang si Renato at bayaw na si Renato Constantino, Jr. Ayon sa kanya, ito ay sa dahilang “wala naman akong records sa militar dahil tatlong taon akong nawala sa Pilipinas upang mag-aral ng doktorado sa Sosyolohiya sa University of Manchester.” Umuwi sana sa Pilipinas si David upang isagawa ang kanyang dissertation sa pag-aaral ng pagiging doktorado sa Sosyolohiya ngunit inabutan na siya ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972. Aniya, noong panahong iyon, tila nawala ang pagiging magkaribal ng mga pamantasan sa Pilipinas tulad ng UP at Ateneo sapagkat nagkaroon ng ugnayan sa dalawang pamantasan sa pagsasagawa ng mga protesta

at gawain upang tutulan ang Batas Militar. “Tila naisip ng mga paaralan na ang dapat nating tutukan ang mga problema ng bayan at kung ano ang magagawa ng mga kabataan at mga guro sa pamantasan sapagkat hindi lamang tayo manatili lamang sa apat na sulok ng eskuwelahan. Tayo’y bahagi ng lipunan at tayo’y hinuhubog ng lipunan. Kailangan nating makialam sa daloy ng buhay sa labas ng pamantasan.” Naging kasapi si David ng isang fraternity, ang Alpha Sigma. Isa sa kanyang naging kasama roon ay si Billy Begg, nagtapos sa Ateneo at nagtago rin noong panahon ng Batas Militar. “Siya ay naging student ko at naging fraternity brod ko rin sa Alpha Sigma. Siguro kalahati ng mga naging ka-brod ko sa Alpha sigma ay nagtago rin.” Matapos mapatalsik si Marcos sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon, isa si David sa libu-libong Pilipinong nagkaroon muli ng pag-asa sa bansa. Dagdag pa ni David, maraming Pilipinong nangibang-bansa ang nagsibalik na may tinatanaw

na pag-asa at kinabukasan para sa bansa sa bagong liderato. At noon ngang 1987, naging Chairman siya ng BISIG o Bukluran sa Ikauunlad ng Sosyalistang Isip at Gawa . Isang organisasyong naglalayong isakonkreto ang sosyalismo sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng mga gawaing adbokasiya sa pamamagitan ng elektoral at hindi elektoral na pagkilos. Si Francisco “Dodong” Nemenzo ang isa sa naging tagapagtatag ng BISIG. Hanggang ngayon, nakikita pa rin ni David ang kanyang sarili sa ganitong oryentasyon ng pagkilos. Kabilang ngayon si David sa AKBAYAN Citizen’s Party na binubuo ng ilang kasapi ng Pandayan (Pandayan sa Sosyalistang Paggawa), BISIG, at yaong mga tinatawag na ‘rejectionist’ o RJ na paksyon

MATA SA MATA

Page 27: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 27

ang dapat nating tutukan, ang mga problema ng bayan at kung

ano ang magagawa ng mga kabataan at mga guro sa pamantasan sapagkat hindi lamang tayo manatili lamang sa apat na sulok ng eskuwelahan tayo’y bahagi ng lipunan at tayo’y hinuhubog ng lipunan. Kailangan nating makialam sa daloy ng buhay sa labas ng pamantasan.

ng Communist Party of the Philippines. Tinatawag niya ang ganitong ideolohiya bilang “democrat socialist” dahil para kay David, mas naangkop ito sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Naniniwala siya sa hindi armadong pakikibaka ngunit kanya namang pinabulaanan na siya ay isang anti-komunista. “I’m not an anti-communist”, wika niya. Kasabay ng pagiging pinuno ng BISIG, naging aktibo rin si David sa telebisyon. Una siyang nagkaroon ng programa sa IBC- 13 na pinamagatang Public Forum. Matapos ang apat na taon, nagpaalam siya sa istasyong ito ng pamahalaan sapagkat ayon sa kanya taun-taon nagbabago ang pamunuan nito. Pagkatapos ng anim na buwan, kinuha siya ng ABC-5 sa pamamagitan ni Tina Monzon-Palma upang maging TV host ng Public Lives with Randy David. Naniniwala siyang maganda sana ang hangarin ng ABC-5 na subukang baguhin ang telebisyong Pilipino ngunit ayon kay David, di-naglaon nagsimulang magpalabas ng mga inangkat na programa mula sa ibang bansa ang ABC-5 at para sa kanya hindi iyon ang istasyon una niyang kinabilangan. Pagkatapos ng limang taon, namaalam ang programa niya sa himpapawid noong 1995. Wala pang isang taon, kinausap naman siya ng GMA-7 para ipagpatuloy ang kanyang programa sa ABC-5. Nagkaroon ng kaunting pagbabago sa programa sa pamamagitan ng paglalagay ng maikli ngunit malamang dokumentaryo. Matapos ang dalawang taon, namaalam muli si David sa telebisyon dahil hindi niya nagustuhan ang paglipat ng mga programang tulad ng sa kanya sa pang-hatinggabing oras. Napagdesisyunan na sana niyang bumalik at mas ituon ang oras sa pagtuturo sa UP. Ngunit bunsod ng mga pangyayari sa bansa noong 2000 sa admininistrasyon ni Dating Pangulong Estrada, inimbitahan

siya ng ABS-CBN upang makapagbigay ng bagong perspektibo sa mga usapin sa bansa. Dagdag pa niya, gusto niyang mas magkaroon ng oras sa pagtuturo at pagsusulat kaya’t kanyang hiniling na bigyan siya ng kapareha sa programa. Kanya namang inirekomenda ang abogadong si

Katrina Legarda. Maganda sana ang naging takbo ng programa maging ng kanilang tambalan. Ngunit nang napagdesisyunan ng pamunuan ng ABS-CBN na ilipat ang lahat ng news and current affairs shows ng himpilan sa ABS-CBN News Channel, ang himpilan sa cable TV ng ABS-CBN, hindi pumayag si David. Aniya, kanyang prayoridad ang mapanood at marinig sana nang mas maraming mamamayan lalo na ang masa. Kadalasan kasi, mga mayayaman lamang ang may cable television. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsusulat ni David ng kolum sa Philippine Daily Inquirer sa loob ng halos labindalawang taon na. Bilang isang kolumnista, ano nga kaya ang pananaw ni David sa kasalukuyang krisis pampulitikal ng bansa bunsod ng Hello Garci wiretapped tapes. Para sa kanya, kailangan pa ring sagutin ng Pangulong Arroyo ang mga paratang ng pandaraya sa halalan. “Mahalaga ang tutukan at iresolba ang krisis ng legitimacy ni Gng. Arroyo sapagkat iyan ang buod ng demokrasya,

kapag sinalaula mo ang eleksiyon para mo na ring pinagsasampal-sampal ang iyong mga mamamayan.” Bunsod nito, nakikita ni David ang impeachment na isang mabisang paraan upang makita ang katotohanan. Katunayan dito, isa siya sa mga naunang pumirma

sa unang impeachment complaint na isinampa noong Hunyo 26. Kung sakaling ibasura muli ng Mababang Kapulungan ang impeachment complaint, naniniwala si David na walang sinayang na pagkakataon sa pagsampa ng kasong impeachment. “At least we tried because it’s the only avenue left prescribed by the constitution. Mag-iisip tayo ng panibagong paraan.” Para kay David, hindi na magkakaroon ng malinis na halalan hangga’t nakaupo si Pangulong Arroyo sa puwesto. Matatandaang isinusulong ng ilan ang pagtutuloy sa halalan sa 2007 upang magsilbing indirect referendum sa kasalukuyang problema sa pagiging lehitimo ng

pamahalaan. Sa huli, nakikita ni David ang Pilipinas bilang demoralisado lalo na sa pagdami ng mga nangingibang-bansa na tila nawawalan na ng pag-asa sa sariling bayan. Ngunit ayon kay David, “Marami sa henerasyon namin ang namatay, hindi na nakapagpatuloy ng personal careers, inalay nila sa sambayanan. Pero ganun talaga eh, some generations has sacrifi ced and maybe another generation is needed hanggang makamit natin ang pangarap ni Rizal para sa sambayanang Pilipino.” At para sa mga kabataang Pilipino ngayon ito ang kanyang mensahe, “Ah, tayo ay nangangamba na parang unti-unti na namang bumabalik ang ganung mga panahon (Batas Militar). Hindi na natin maaaring payagan yun. Hangga’t maaga, kailangang sagkalin ang anumang pagtatangka ng estado na muli na namang supilin ang ating mga batayang karapatan lalung-lalo na sa pamantasan sapagkat ang pamantasan ay kaluluwa ng kalayaan.” M

MATA SA MATA

Page 28: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200628

Atom Araullo:

MATA SA MATA

sa marami-rami na rin niyang napagda-anang programang pantelebisyon --- mula sa pinakauna, ang 5 and Up, hanggang sa mga kasalukuyan: Breakfast at Kabataan News Network. Ngunit para sa mga nakaantabay sa pulitikal na pakikibaka sa bansa, kilala at kinikilala si Atom Araullo bilang lider ng kabataan at isa sa mga litaw na puwersa ng aktibismo. Hinangaan siya sa kanyang pa-mumuno ng Student Council ng Unibersidad ng Pilipinas, at patuloy na hinahangaan sa kanyang kasalukuyang pakikisangkot sa mga usaping pulitikal, panlipunan at pangka-likasan bilang kasapi ng Student Alliance for Advancement of Democratic Rights o Stand

UP at Center for Environmental Concerns (CEC).

Kung titingnang mabuti, tila kakaiba ang landas na tinatahak ni Atom Araullo. Hindi na nga naman tahasang popular ang pulitikal na aktibismo ng kabataan sa kasalukuyan kumpara noong panahon ng Batas Militar, bagaman mas delikado. Mas delikado, dahil sinisigurado ng mga maka-pangyarihan na nananatiling walang alam o walang pakialam ang mga mamamayan sa mga tunay na isyu sa pamamagitan ng propaganda, partikular na sa midya. Ngunit hindi lamang nakisangkot si Atom sa akti-

bismo, kung hindi buong pagmamalaki pang isinasahimpapawid ang ipinaglalaban sa mundo gamit rin mismo ang midya. Kung mayroon mang maituturing na “bituin” ang mga kabataang aktibista, siya na siguro iyon. Sinasadya man o hindi, inako ni Atom Araullo ang napakalaking responsibilidad bilang mukha ng kabataang nakikibaka sa magulo at kapitalistang mundo ng kulturang popular at midya Dahil na rin sa mga nabanggit, mis-tulang misteryo si Atom Araullo sa kabila ng mga nalalaman natin tungkol sa kanya. Dala ng kagustuhang basagin ang kung ano mang mga mito na bumubuo sa pampublikong persepsyon sa kanya, napagpasiyahang ng Matanglawin na imbitahan si Atom na makipagkuwentuhan isang maulang hapon ng Lunes. Kayo naman ang inaanyayahan ko ngayon na sumilip hindi sa likod ng kamera

MAS KILALA marahil ng karamihan si Alfonso Tomas Araullo o Atom bilang umuusbong na personalidad sa telebisyon. Napanood na marahil

ng marami sa ating mga Pilipino ang kahit isa man lang

Sa Likod ng Mito

Atom Araullo:Atom Araullo:

Kilalanin ang isang mag-aaral-aktibista sa likod ng kinang ng telebisyon

ni CHARM AVENAkuha at lapat ni Hub Pacheco

Page 29: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 29

MATA SA MATA

kundi sa lente ng katotohanan at subukang matagpuan ang tao sa likod ng mito. “Pagod. Basa. At tsaka siyempre malungkot.” Ito ang sagot ni Atom nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya noong sandaling iyon. Ayon sa kanya, dahil ito sa sunod-sunod na insidente ng pagpatay at pagdukot sa mga aktibista. Partikular na nalungkot si Atom sa pagkawala ng dalawa niyang kaibigang sina She at Karen, mga mag-aaral din mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Napagpasyahan kong dumako sa personal na aspeto ng buhay ni Atom upang mapagaan ang takbo ng usapan. Nag-uumpisa ang araw ni Atom sa mga ritwal ng paglilinis tulad ng paliligo at pagsisipilyo. Subalit wala na siyang oras sa iba pang mga bagay bukod dito dahil sa maa-gang call time para sa pang-umagang pala-bas na kinabibilangan niya, ang Breakfast. Kung may oras siya pagkatapos ng programa, nagbabasa siya ng mga peryodiko. Hindi lang umiiral sa pulitika at usap-ing panlipunan ang interes ni Atom. Ayon sa kanya, kinahihiligan niya rin ang musika, partikular na ang Classical, Rock, Reggae, Ska, at Jazz. Kasalukuyan niyang hinah-angaan ang mga musikero ng Jazz na sina Mann at Coltrane. Kabilang naman ang mga banda sa ilalim ng Terno Records sa mga lokal na musikerong hinahangaan niya. Ayon kay Atom, napupukaw ang interes niya ng kahit anong musika na bago sa pandinig. Ang “Taxi Driver” ni Martin Scorcese ang huling pelikulang napanood ni Atom nang magkuwentuhan kami. Gusto niya raw ang mga pelikula ni Akira Kurosawa, lalo na ang “Ran”. Pagdating naman sa paniti-kan, ilan lamang sina Nick Joaquin, Ernest Hemingway at ang progresibong Indyano na si Salmon Rushdie sa mga manunulat na hinahangaan niya. Dagdag pa ni Atom, binalak niya talagang magbasa ng mga fi c-tion na libro pagkatapos mag-aral dahil mas nagbabasa siya noon ng non-fi ction. Bahagya akong nagulat nang sabihin ni Atom ang isa niya pang kinahihiligan: ang mga larong pangkompyuter tulad ng Dota, Star Craft at Quake. Sang-ayon pa sa kanya, ito na raw siguro ang maituturing niyang bisyo dahil hindi siya naninigarilyo at paminsan-minsan lamang umiinom. Nanood din si Atom ng mga laro ng soccer at mga himpilan sa cable tulad ng

National Geographic at Discovery Channel upang magpahinga. Natawa pa ako nang sabihin niyang kumakain naman siya ng cheeseburger, fries at umiinom ng softdrinks kapag nalulungkot. Pagkatapos ng nakaaaliw na bahag-ing ito ng aming kuwentuhan, dumako naman kami sa mga mas seryosong usapin, partikular na ang kanyang panlipunang oryentasyon, aktibismo, at pagiging bahagi ng midya. Kuwento ni Atom, nagsimula ang kanyang sosyo-pulitikal na pagkamulat sa loob mismo ng kanyang pamilya. Aktibo sa pulitikal na pakikibaka ang pareho niyang magulang, partikular na noong panahon ng Batas Militar. Kasalukuyang isa sa mga lider ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kanyang inang si Dr. Carol Araullo. Ngunit ayon na rin kay Atom, hindi niya lubusang naintindihan ang ipinaglalaban ng kanyang mga magulang hanggang sa pu-masok siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Dito umano nag-umpisa ang personal niyang pag-tatanong ukol sa mundong ginagalawan niya hanggang sa tuluyan nang maging bukas sa mga ideya ng mga kapwa niyang mag-aaral na aktibo sa mga ganoong klase ng gawain. Nang maging punong patnugot siya ng pahayagan ng College of Science, nagbasa si Atom ng iba’t ibang libro at naging kritikal sa mga kasalukuyang pangyayari. Naging kasapi siya ng Stand UP, isang malawakang alyansa ng iba’t ibang organisasyong pangka-bataan sa UP. Binasag ni Atom ang kung ano mang nosyon na dumedepende ang kanyang paniniwala sa oryentasyon ng kanyang mga magulang sa mga katagang ito: “Kahit hindi ako ipinanganak sa pamilyang Araullo, ganoon pa rin naman ang lipunan. I would have asked the same questions.” Nang tanungin ko si Atom sa kung ano ang pakahulugan niya sa salitang “aktibista,” sinabi ni Atom na “Hindi ikaw ang magta-tawag sa sarili mo noon.” Sang-ayon kay Atom, isang indibidwal na may kapasyahang maghandog ng talento at panahon sa mga usaping panlipunan ang aktibista. Dagdag pa niya, may matibay na paniniwala ang isang aktibista sa militanteng tradisyon ng pakiki-baka at sa importansya ng mga makamasang organisasyon. Dumako ang usapan sa negatibong pananaw ng ilan sa aktibismo. Ayon kay

Atom, taktika lamang ng estado ang pagdikit sa mga ligal na organisasyon sa mga iligal na grupo para magkaroon ng layang tugisin ang mga pinuno at miyembro nito. “Mas magan-dang pagdebatehan ang mga punto ng mga organisasyon,”dagdag pa niya. Nagbigay ng apat na pinakalayunin ng pakikibaka si Atom. Una, ang pagiging malaya ng Pilipinas mula sa neo-kolonyal na pamumuno ng Estados Unidos. Ikalawa, ang mas malawakang pag-unlad sa pamamagitan ng Pambansang Industriyalisasyon at tuluy-ang pag-alis sa pananamantala ng dayuhan at iilang makapangyarihan sa likas na yaman at lakas-paggawa. Ikatlo, ang pagkakaroon ng tunay na repormang pang-agraryo at pagwasak sa ‘di makatarungang relasyon ng pesante-panginoong may lupa. Panghuli, ang pagkamit ng totoong katarungang panlipu-nan sa pamamagitan ng pagkapantay-pantay ng pulitikal at pangkabuhayang katayuan ng mga mamamayan. Isa sa mga paraan ni Atom upang maipahayag ang kanyang mga progresibong pananaw tungkol sa lipunan ang pagiging aktibo sa midya. “Media is neither good nor bad, it is a tool,”. Dagdag niya pa, bagaman pinamumugaran ang midya ng makikitid at konserbatibong kaisipan, mabisa rin itong instrumento sa pagbibigay-alam sa publiko ng mga hinaing ng masa. Inaasam ni Atom ang isang “Mass-oriented mass media.” Sa kasalukuyan, nasa gitna si Atom ng isang transisyon mula sa pag-iwan ng kan-yang mga responsibilidad sa mga bagong ka-bataang lider at paghahanap ng mga bagong pamamaraan ng pakikisangkot sa lipunan, tulad ng pagiging aktibo sa mga usaping pan-gkalikasan na kung susuriin, isyung pulitikal din naman. Bagaman hindi pa alam ni Atom kung nasaan siya lima hanggang sampung taon mula ngayon, gusto niyang manatili sa midya at maging mahalagang bahagi nito. Ngunit wala nang hihigit pa sa pinakamataas na pangarap niya: ang totoo at makatarungang kapayapaan. Nang matapos ang aming kuwentu-han at naghiwalay na kami ng landas, may bagong imaheng naiwan si Atom Araullo sa aking isipan. Nagsimula akong tingnan siya hindi bilang isang mito kung hindi isang ordinaryong taong may kakaibang tatag ng puso at isipan. M

Page 30: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 2006

◄Huwag sanang mayurakan ang nahulmang bilog ng pagsasamahan...na siyang sumisimbolo sa ‘di-nasusulukang pagkakapatiran.

titik ni Hermund Rosales

mga kuha ni Mara Perez

lapat ni Mara Perez

TALIM NG BALINTATAW

◄Anumang ‘di pagkakaunawaa’y dapat iwaksi...’pagkat magdudulot lamang ng kaguluhan. Bigyan ng walang puwang sa bawat kalooban.

►O dili kaya nama’y mapatid ang nahabing haba ng mga

paglalakbay...upang walang dudang

makarating sa patutunguhan.

►Hanggang sa matanaw ang tagumpay... kapara ng pagkahawi ng dag-im sa alapaap, susulyap

ang liwanag na sasalamin sa pagsasamahang walang

makapapantay.

30

Page 31: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin

titik ni Hermund Rosales

mga kuha ni Mara Perez

lapat ni Mara Perez

TALIM NG BALINTATAW

◄Sa kadiliman, walang sigwa, walang iwanan...magpapatuloy ang kasiyahan, ngingitian lamang pawang mga kabiguan.

►Ganyan ang tunay na pagkakaibigan at pagsasamahan...

Sa hirap laging nagdadamayan...sala sa init, sala sa lamig man ang

maging labanan.

►Hanggang sa matanaw ang tagumpay... kapara ng pagkahawi ng dag-im sa alapaap, susulyap

ang liwanag na sasalamin sa pagsasamahang walang

makapapantay.

31

mga kuha ni MARA PEREZ titik ni Hermund Rosales lapat ni Mara Perez

Page 32: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200632

Ngunit ngayon, sa harap ng usapin ng pagbabago ng Saligang Batas, isa-isang umusbong ang mga grupo mula sa iba’t ibang sektor na may kaugnayan sa Ateneo upang isulong ang mga pulitikal na layunin. Anu-ano ang mga alyansang ito, at epektibo ba ang ganitong mga samahan? Tunay bang nasasalamin sa mga alyansa ang higit na pakikisangkot ng mga Atenista sa mga isyung pulitikal?

SIN: Pagtataguyod ng Impormasyon Binuo ang Student Involvement Now o SIN sa Mga Paaralang Loyola upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na maging mulat sa mga nagaganap sa lipunan. Nagsimula ang grupo sa pagninilay ng mga karanasan noong isang taon dahilan sa paglabas ng mga maiinit na isyu tulad ng Garci tapes, kaso ng impeachment at Presidential Proclamation 1017. Para sa lahat ng mga mag-aaral sa Ateneo ang alyansa, at lalago pa kalaunan upang marating ang mas marami pang potensyal na tutugon sa panawagan. Layunin ng SIN na magkaroon ng mga grupo ng pag-uusap sa tuwing may mga mahahalagang isyu na kailangang suriin. Bagama’t hindi makasasama ang buong Ateneo rito, mayroong kasaping “signifi cant minority” na malaki ang maitutulong upang makahimok din ng iba at upang maibahagi ang kanilang mga nalalaman. Ayon kay Luis Abad ng SIN, “Ang importante ay mailagay sa tama ang mga nakukuha mula sa silid-aralan dahil kapag hindi natin naiugnay sa ating buhay, bale-

wala ang mga matataas na marka, nasayang lang ang Jesuit education.” Isinusulong din ng SIN ang “Education for Justice” na iginigiit na may responsibilidad tayo upang makamit ang hustisya sa lipunan. Kung noon, mga tarpaulins at iba pang mga promo materials lamang ang ginagamit upang makapagpalaganap ng kaalaman sa mga sosyo-pulitikal na isyu, sa mga silid-aralan na ginaganap ang mga pag-uusap upang maging personal ang pakikiugnay at masagot nang agaran ang mga katanungan ng mga mag-aaral. Dahil kabilang ang mga Atenista sa mga intelektwal ng ating bayan, hindi maikakailang may potensyal tayong higit na makaunawa sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Kaya naman ayon kay Abad, “tayo ang inaasahang tutugon at pupuna.”

MARCH: Atenista Laban sa Cha-Cha Isa sa mga kontrobersyal na isyu sa kasalukuyang panahon ang pagsusulong ng mga pagbabago sa ating Saligang Batas. Inihahain ang panukalang ito bilang sagot sa mga suliranin ng ating bansa sa pulitika at sa ekonomiya. Muli, nahahati ang mga mamamayan hinggil sa usaping ito na magdudulot ng malaking epekto sa bayan. Kaya’t tumatayo ang MARCH o Movement Against Arroyo’s Charter Change upang ipagbigay-alam sa mga mag-aaral at sa buong komunidad ang pananaw nito ukol sa usapin ng Cha-Cha. Ayon sa MARCH, sa gitna ng mga makasariling interes na kumukulay sa pagsusulong ng mga pagbabago sa ating Saligang Batas, hindi pa

napapanahon upang itaguyod ang Cha-Cha at maaari lamang magdulot ng matitinding mga suliranin. Naniniwala ang MARCH na nararapat hadlangan ang Cha-Cha bunsod ng paggamit sa people’s initiative sa kabila ng di pa nalilinaw na kondisyon sa Konstitusyon, maling pagturing sa Saligang Batas bilang sanhi ng mga kasalukuyang suliranin, at mga probisyong maaaring makasama sa bansa. Itinatag ang MARCH noong ika-22 ng Hunyo at bukas para sa lahat ng mga grupo sa loob ng Ateneo habang pinananatili ang ugnayan sa mga panlabas na samahan. Nahahati sa tatlong komite ang alyansa na binubuo ng mga grupo para sa edukasyon, kasapian at propaganda. Nagdaraos ang MARCH ng mga diskusyon ukol sa Cha-Cha at iba pang mga gawaing propaganda.

One Voice: Tinig ng Nagkakaisa Katulad ng ibang mga alyansa, layunin ng One Voice ang kalutasan ng mga suliraning pulitikal. Nakatuon ang grupong ito sa isyung paggamit ng “people’s initiative” upang baguhin ang sistema ng gobyerno patungong parlyamentaryo na may lehislatibong unikameral. Idinidiin ng One Voice na hindi ang pagpapalit ng Konstitusyon ang paraan upang umunlad ng bayan. Sa halip, kinakailangan ang malawakang reporma sa lipunan, lalung-lalo na sa proseso ng halalan, ang haligi ng demokrasya. Hindi ganap na mapagkakatiwalaan ang mga may kapangyarihan. Upang maibalik ang integridad at paniniwala ng masa sa demokrasya, nanawagan ang One Voice sa lahat ng mga pulitiko at iba pang lider na makinig sa mga hinaing ng kanilang mga pinamumunuan at pagkatapos, gumawa ng mga naangkop na aksyon. Binubuo ang One Voice ng mga indibidwal na nagmumula sa iba’t ibang sektor tulad ng simbahan, akademya, kalakalan, agrikultura, kabataan at iba pa. Sa kasalukuyan, gumagalaw ang

MATAGAL nang hinihintay ang paglahok ng mga Atenista bilang isang kolektibo sa pagsagot sa mga isyung pulitikal. Bagama’t masasabing nakibahagi ang

Ateneo sa mga malawakang pagkilos noong mga nakaraang EDSA, hindi pa rin maalis ang paratang na apatetiko ang ating komunidad. Tila ba wala tayong pagkukusa na tumugon sa mga usaping bumabagabag sa bansa.

lyansang PULSONG ATENISTA

tenista Tungo sa PagkakaisaA :Mga alyansang nabuo sa Ateneo at ang kanilang mga mithiin

nina MARA PEREZ at OLIVER RIVERAmga kuha nina Hub Pacheco at Mara Perez lapat ni Jed Alegado, Hub Pacheco at Mara Perez

Page 33: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 33

mga miyembro sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kanilang mga ideya sa iba’t ibang midya. Mayroon na rin silang grupo ng mga abogado na handang bumatikos sa people’s initiative kung ito man ay makarating sa COMELEC at Korte Suprema.

PUGAD-LAWIN: Panawagan tungo sa Demokrasya Sa gitna ng krisis sa pulitika na kinahaharap ng bansa, higit na inaantabayanan ang magiging reaksyon ng mga akademikong institusyon kabilang na ang ating pamantasan. Upang magkaroon ng ganap at malinaw na pagtugon ang Ateneo patungkol sa mga isyung tulad ng sinasabing dayaan sa halalan at pagbabago sa Saligang Batas, itinatag ang Pwersa para sa Ganap na Demokrasya Labang Wagas para sa Inang Bayan o PUGAD-LAWIN. Pangunahing layunin ng PUGAD-LAWIN ang pagtataguyod ng tunay na demokrasya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa pulitikal na institusyon ng bansa, pangangalaga sa mga adhikain ng EDSA 1 at 2, at pagtugon sa mga mahahalagang isyung pulitikal na kailangang suriin. Kabilang sa mga inaasam na tunguhin ng PUGAD-LAWIN ang pagsusulong ng mga pagbabago tungo sa isang mapagkakatiwalaang halalan sa taong 2007, paglahok sa mga repormang panlipunan upang malunasan ang kahirapan, at pigilan ang napipintong pagbabago sa ating Saligang Batas. Sa pamamagitan ng PUGAD-LAWIN, inaasahan ang mas agaran at konkretong pagtugon ng komunidad ng Ateneo sa mga kasalukuyang suliranin ng bansa.

Epektibo ba? Sa tindi ng krisis-pulitikal ng bansa, tila mahirap magsakatuparan ng mga pagkilos at pamamaraan na epektibong makatutulong sa pagsasaayos ng ating lipunan. Sa pagbubuo ng sinasabing mga alyansa, nalalagay sa katanungan ang maaaring maidulot ng mga ito para sa ikalulutas ng mga suliraning ating kinakaharap. May pinatutunguhan ba ang paghahatid ng mga impormasyon

o mananatiling sarado ang karamihan sa panawagang makibahagi sa masalimuot na proseso ng paglutas? Ayon kay Hyra Dela Cruz ng MARCH, higit na epektibo ang paggamit ng mga alyansa sa paglahok sa mga pambansang usapin. “Sa pamamagitan

ng isang alyansa o sama-samang pagkilos, nagkakaroon ng isang maayos at organisadong lakas ang isang grupo para maparating sa mga kinauukulan ang kanilang mga kahilingan,” giit ni Dela Cruz. Nakatutulong ang diwa ng pagkakaisa na sinasalamin ng mga alyansa upang kahit papaano’y mapakilos ang mga Atenista tungo sa pakikibahagi. Bagama’t may posibilidad na magkaroon ng oposisyon sa mga ipinaglalaban ng kanilang alyansa, ani Dela Cruz, mas mahalaga na magkaroon ng kalagayan kung saan may pagkakataon ang mga Atenista na makialam. Sa huli, makatutulong ang mga alyansa upang makabuo ang mga mag-aaral ng kanilang sariling mga paninindigan.

Tungo sa Pagkakaisa

Hindi maiwasan kung minsan na ihambing ang gawaing tumutuon sa pulitikal sa mga alternatibong pamamaraan tulad ng kawanggawa. Ngunit sa halip na magdulot ng pagkakahati, mas mainam na itaguyod ang pagkakaisa at kumilos nang sabay upang makapaghatid ng kalutasan sa ating mga krisis. Sa pananaw ni Dr. Benjamin Tolosa ng PUGAD-LAWIN, maaaring makipag-ugnayan ang kanilang alyansa sa mga grupong tulad ng Gawad Kalinga at Pathways sa pagsusulong ng mga layunin nito. Ngunit ayon sa kaniya, kinakailangang ibahagi sa mga grupong ito na maaaring mahadlangan ang mga pagsisikap sa lokal na antas kung hindi magkakaroon ng mga pagbabagong panlipunan sa pambansang perspektibo. Hindi isang madaling gawain ang magpatupad ng mga pagbabago sa tulong

ng mga alyansang tulad ng SIN, MARCH, One Voice at PUGAD-LAWIN. Ayon nga kay Tolosa, hindi niya inaasahang magkakaroon ng matinding epekto ang PUGAD-LAWIN sa komunidad. “…We’re hopeful. We know that we can contribute but we must also realized that we are part of a larger history [Umaasa kami. Alam naming makapagbabahagi kami ngunit kailangan din naming maunawaan na sakop kami ng higit na malawak na kasaysayan]”, ani Tolosa.

Sa huli, huwag sanang masayang ang mga ganitong pagsusumikap na maabot ang mga Atenista upang makilahok sa mga isyung bumabalot sa ating lipunan. Hari nawa’y maging tuntungan ang mga ito upang maalis ang apatetikong imahe ng Atenista at maitulak siyang ganap na makialam sa kaniyang kapaligiran. M

Ang SIN sa isang pagpupulong

PULSONG ATENISTA

Page 34: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200634

SECTION HEADERSilangMga Atenistang pinili ang landas na karaniwang hindi tinatahak...

NaibaAyon kay Mark Gotidoc,

“Kung nasa corporate ako tapos mabilis lahat, sa-

sabay ako doon at baka hindi ko na siya mapag-

isipan. Sabi ko, I need an environment where I could

actually stop, pray and think.”

A LOOB NG APAT NA TAON, hinuhubog ang mga mag-aaral ng JG-SOM upang maging magaling na tagapamahala ng negosyo, malalaking kumpanya, at iba pang institusyong may kinalaman sa mabisang

pagbenta at pagpapalago ng pera. Kung meron mang dala-wang salita na akmang-akmang iugnay sa JG-SOM, ito ay ang corporate world. Kaya naman, nakapagtatakang isipin kung bakit sa likod ng naghihintay na mga oportunidad at mabilis na pag-asenso sa ganitong uri ng trabaho, mayroon pa ring ilang lumihis at sumabak sa mga propesyong hindi tuwirang kaugnay sa kanilang piniling larangan na apat na taong binuno sa Ateneo.

S

Sinu-sino nga ba sila? Ano ang nagtulak sa kanilang desisyon na isantabi muna ang pagiging isang tagapamahala ng negosyo o kumpanya kapalit ng isang naiibang propesyon? Sila ang mga taong matiyaga at buong-pusong gumagabay sa atin tuwing

Sabado pagtungo sa mga area. Sila ang mga tumutulong upang lumago ang ating potensyal bilang magagaling na pinuno, ang mga naghahandog ng walang sawang serbisyo upang mapalapit tayo sa Diyos. Nagsipagtapos ang mga taong ito sa mga kurso ng School of Management. Ngunit, sa

kasalukuyan, hindi sila matatagpuan sa mga korporasyon, kundi sa loob ng mga opisina ng OSCI, OSA, at CMO.

Sino ba sila? Sa OSCI o Offi ce of Social Concern and Involvement, kabilang sa 22 formators sina Carlos Granados, Jr. (BS Management ‘02) at Abigail Victoria (BS Management of Communications Technology ‘04). Sa OSA naman o Offi ce of Student Affairs matatagpuan si Caroline Mae Ramirez (BS Management with Applied Chemistry ‘05). Isa pang nagtapos sa JG-SOM ay si Mark Gotidoc (BS Management with Applied Chemistry ’00) na kasalukuyang isang campus minister ng CMO o Campus Ministry Offi ce. Hindi sila dumiretso sa mga kumpanya pagkatapos ng kanilang pagtatapos. Pumasok kaagad sina Granados at Victoria sa OSCI. Samantala, nagtrabaho muna si Gotidoc bilang guro at pumasok sa

ni LEONTINE SARMIENTO mga kuha at lapat ni Hub Pacheco

Page 35: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 35

seminaryo bago tuluyang napunta sa CMO. Gayundin, naging isang volunteer si Ramirez sa Samar bago nakapagsimula sa OSA.

Bakit nga ba? Para kay Granados, pinili niya ang BS Managament sapagkat naisip niyang balang araw, magagamit niya ito sa pamamamahala ng negosyo ng kanyang pamilya. Subalit, dahil sa maaga niyang pagkamulat nang nasa mataas na paaralan pa lamang, sa tulong na rin ng mga gawaing tungo sa social awareness at community development na ipinagpatuloy niya hanggang kolehiyo, napagpasyahan niyang magtrabaho sa OSCI. Dito, nagsilbi siyang formator na namumuno sa mga nasa ika-apat na antas sa kanilang mga immersion sa iba’t ibang lugar dito sa Maynila. Para sa kanya, “Swak ito sa gusto ko talagang gawin. Mas magiging buo – mas magiging tao ako sa trabahong ito [dahil] nakikisalamuha ako sa mga totoong tao pati sa mga estudyante na pinakikilala ko sa mga taong ito. Sa akin, `yun ang mas mahalaga.” Magkaganoon pa man, naniniwala pa rin naman si Granados na isang bokasyon ang kursong pangangasiwa. Bukas siya sa posibilidad na sa susunod na lima o sampung taon, maaaring magtrabaho siya sa isang korporasyon. “Siguro kung makapasok man ako doon, mas kakayanin ko, mas kaya ko kasi buo [ako]. Alam [ko] kung saan [ako] tatayo, saan [ako] nakapanig, kung ano ang mahal [ko] at gusto [ko],” paliwanag niya. Subalit, kung “sa ngayon” ang pag-uusapan, walang duda na higit na matimbang pa rin para sa kanya ang paninilbihan sa OSCI. Dagdag pa rito, naniniwala siyang mayroong ugnayan ang tinapos na kurso sa kanyang naging trabaho dahil nagagamit niya ang kanyang managerial skills sa pormasyon ng mga

Atenista. Para sa kanya, “Formation is a service. Being in management is how you would make and deliver it better.” Tulad ng pagpapatakbo ng negosyo, madaming kailangang lampasan dito upang maging matagumpay. Maaaring magkamali sa paghugog sa mga estudyante. Mayroon ding puwang upang maiwasto ang mga pagkakamali at mapunan ang anumang pagkukulang. “Para ka ring nagbebenta ng produkto na maaaring hindi kagatin ng mga estudyante,” paliwanag ni Granados. Para sa kanya, isang malaking hamon na ipakita

ang kahalagahan ng serbisyong ito para sa ikabubuti ng mga Atenista bilang tao. Gaya ni Granados, naging impluwensya kay Victoria ang pagkakaroon ng negosyo ng kanyang pamilya sa kanyang desisyon na kumuha ng kursong may kaugnayan sa pagnenegosyo. “Hindi ko masasabi na malaking talon ito [mula ComTech tungong OSCI] dahil namulat ako nang maaga,” pahayag niya. Habang nasa kolehiyo pa, naging aktibong kasapi siya ng Tugon, Alay ni Ignacio, at ilang NGOs gaya ng Philippine National Red Cross at Kilusan para sa Kinabukasan, isang pangkat ng storytellers na nakabase dito sa Maynila. Ang matagal na panahong iginugol niya sa mga gawaing ito ay lubos na nagpatindi sa kanyang hangaring makisalamuha at gumabay sa mga kabataan. Ito ang nagsilbing inspirasyon niya sa pagpasok sa OSCI ngayon. Aminado si Victoria na

kabilang sa malalaking kumpanya ang lahat ng kanyang kapatid. Kung sumunod man siya sa kanilang yapak, ito ang kanyang masasabi, “Wala sa ‘king problema. Kakayanin ko. Lalo na sa kurso ko, we were taught to be versatile. You can be good at anything.” Ngunit mas malakas pa rin ang tawag ng pagseserbisyo

sa komunidad at hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili na susunod sa landas na tinahak ng kanyang mga kaanak. “Mas gusto kong nagiging totoo. Malinaw sa akin ang mga pinahahalagahan ko: compassion, magis, excellence in work.” Maaaring isagawa ang lahat ng ito sa isang corporate scene, subalit para kay Victoria, higit na may talab sa kanya ang mga ito kung nasa larangan siya ng akademiya at pakikisangkot sa kaunlarang panlipunan. Hindi rin siya mapili sa trabaho basta’t kinakailangan lamang na masaya siya at magiging higit na

“Hindi ako kuntento na mag-benta lang ako ng isang bagay para sa pera. I want to see people improve.” –Caroline Mae Ramirez

PULSONG ATENISTA

Page 36: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200636

produktibo sa kanyang pipiliin. At sa ngayon, ang pinili niya ay ang OSCI. Kaya naman patuloy ang kanyang hangarin, bilang formator ng NSTP-LTS, na magmulat ng mga mag-aaral at magsilbing gabay nila sa pakikiharap at pagtulong sa mga taong higit na nangangailangan. Tunay nga namang hindi biro ang humawak ng 150-200 na mag-aaral kada taon. Kaya naman, patuloy ang pagsusumikap ni Victoria na siguraduhin ang pagbibigay ng tamang pormasyon sa mga estudyanteng may iba’t ibang personalidad. Cura personalis, o ang pag-aaruga sa tao: ito ang prinsipyong isinasabuhay niya sa kanyang patuloy na pagtatrabaho kasama ng mga Atenista. “Ang hirap Lord, pero alam kong ito pa rin.” Ito naman ang sambit ni Ramirez, isang leader formator sa OSA, matapos mapagpasyahang sumali sa Jesuit Volunteers Philippines o JVP noong 2005. Hindi biglaan ang kanyang desisyon na sumali sa JVP dahil naging malaking bahagi ng kanyang buhay-kolehiyo ang paglilingkod sa pagsali sa ACLC at CLC noong hayskul pa lamang siya. Naging isang Assistant Campus Minister siya sa JVP. Nang makatapos sa kolehiyo, sampung buwan siyang nagserbisyo sa Hilagang Samar (Abril hanggang Pebrero) kasama ang iba pang volunteers. Desidido na sana siyang maging pangmatagalan sa JVP ngunit naisip niyang magkaroon muna ng panahong makasama ang kanyang pamilya. Hindi inaasahang dumating ang alok mula sa OSA noong panahong ito. Tinanggap niya ang paanyaya at nagsimula siya noong Mayo ngayong taon. Alam niyang higit

siya pero baka hindi ko mahanap ang ganung level of joy, happiness, at drive na nandito sa pakikisalamuha ko sa mga estudyante sa OSA.” Mariin pa niyang sinabi, “Hindi ako kuntento na magbenta lang ako ng isang bagay para sa pera. I want to see people improve.” At kung magkakaroon siya ng iba pang trabaho, nais sana niyang maging isang consultant ng mga organisasyon na naglalayong paunlarin ang mga kasapi at makita ang mga pagbabago sa kanila

upang makamit ang anumang mithiin. Sa isang banda, kinuha ni Gotidoc ang kanyang kurso sa kagustuhang yumaman. Dahil bago pa lamang ang kursong ito noong pumasok siya sa Ateneo, napatunayan niyang madami ngang naghihintay na oportunidad para sa mga nagsipagtapos ng MAC. Subalit, aniya, “I was thinking of a

different life during the time when the opportunities came.” Ito ang naghatid sa kanya pagkatapos ng sa mataas na paaralan ng Ateneo bilang isang guro ng relihiyon. Dalawang taon siyang nagturo saka pumasok sa isang seminaryo ng mga Heswita (2002-2003). Pagkatapos, muli siyang bumalik sa pagtuturo sa mataas na paaralan ng Ateneo hanggang taong 2005. “Mahirap para sa akin ang malaman ang tunay na bokasyon ko sa isang corporate setting kasi it’s a very fast paced world and discernment needs a lot of stopping, pausing. Ako yung tipo ng tao na kapag trabaho, talagang trabaho. Kung nasa corporate ako tapos mabilis lahat, sasabay ako doon at baka hindi ko na siya mapag-isipan. Sabi ko, I need an environment where I could actually stop, pray and think. Kaya ako napunta sa hayskul.” Noong hinuhubog na siya para sa

na may kakayahan siyang maghubog ng potensyal ng mga mag-aaral batay na rin sa mga nakaraang karanasan. “Ito ang klase ng trabaho na gusto kong gawin — working with young people, honing their skills, empowering them.” Sa praktikum pa lamang ni Ramirez, ninais na niyang mapunta sa USAID o US Agency for International Development. Ngunit, hindi siya pinayagan kaya napunta na lamang siya sa marketing division ng New Zealand Milk kung saan kompyuter at ang boss na lamang ang kanyang nakikita buong araw. Para kay Ramirez, gusto niyang tulungang matuto at magbago ang mga mag-aaral higit kaysa mamuno ng isang kumpanya. Masaya naman siya sa naging pasya. “Siguro I wasn’t just made to sell products or just compare this butter against the other. Kakayanin ko naman

PULSONG ATENISTA

“Mas magiging buo – mas magiging tao ako sa trabahong ito [dahil] nakikisalamuha ako sa mga totoong tao pati sa mga estudyante na pinakikilala ko sa mga taong ito. Sa akin, `yun ang mas mahalaga.” -Carlos Granados Jr.

Page 37: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 37

“Natutuwa ako na nasasaksihan ang mga pagkakataon na may narerealize mga estudyante ko. Masaya sa pakiramdam, nagbibigay sayo ng kapanatagan ng loob... Ituloy mo lang.” –Abigail Victoria

pagpapari, doon niya nalaman na ang gusto pala niyang gawin ay magbigay ng recollections at retreats. Nang timbangin niya ang mga oportunidad ng isang nagtapos sa kursong MAC kumpara sa pagtataguyod ng ispiritwal na pormasyon ng mga estudyante, higit na nanaig ang huli. Ngayon, isa na siyang campus minister na naglalayong bumuo ng “culture of prayer” sa mga Atenista. Naniniwala siyang mas mabisa kung isasagawa niya ang kanyang layunin para sa mga mag-aaral habang nasa eskwela pa lamang sila. Ayon sa kanya, magagawa nila itong baunin at maisabuhay kung papasok na sila sa trabaho. Nais niyang ipahatid sa mga estudyante, lalo na sa mga kumukuha ng kurso ukol sa pananalapi at pagnenegosyo, na ang pagiging manager, sales rep, o presidente ng kumpanya ay isa ring misyon na dapat pagsikapang tuparin at bigyang-kahulugan. Kung ikukumpara nga naman ang suweldo sa pamamasukan sa mga malalaking korporasyon sa kinikita ng isang empleyado ng CMO, higit na malaki ang nakukuha ng una. Subalit para kay Gotidoc, “That’s the price you have to pay and it’s a price I’m willing to pay for.” Kung magtrabaho man siya sa isang korporasyon, gusto niya pa ring maging isang psycho-spiritual formator ng isang human resource department at doon magtaguyod ng isang kultura ng pananalangin.

Pagninilay Para kay Granados, “Each year, you grow a lot in terms of handling students. Alam mong nagbago ka dahil sa iba’t bang karanasan. Sa pag-aalaga sa kanila, alam mo na may mga lumalago.” “Hindi mo masusukat sa istatistika ang iyong maaaring kitain. Damang-dama mo na meron. Ang nakatutuwa pa, unibersal siya. Niyakap ako nang mahigpit ng isang

bata at pinasalamatan ko siya. Mauunawaan ito ng kahit sino. Maiintindihan nila na dapat ka ngang nariyan. Nalilinang ko ang values ko dito. Wala akong pinagsisisihan. Natutuwa ako na nasasaksihan ang mga pagkakataon na may natatanto ang mga estudyante ko. Masaya sa pakiramdam, nagbibigay sa iyo ng kapanatagan ng loob na tama ang ginagawa ko,” pahayag naman ni Victoria. Pagtatapos naman ni Ramirez, “At minsan, nakakalimutan natin

kung bakit natin ginagawa ang mga bagay na ating ginagawa. Okay lang naman maging career-oriented. Tama lang naman na pangalagaan ang kapakanan ng ating pamilya basta’t hindi natin nalilimutan ang mga pagpapahalagang tunay na mahalaga. Bakit ka nagtratrabaho? Sometimes, we equate living a comfortable life, prestige and fame to happiness. At the very end, basta maging masaya ka at maibahagi mo ang saya at pagmamahal sa iba, `yun pa rin ang mahalaga.” “Being with the students is the most fulfi lling. Mahalaga ang pakikisangkot ko sa paghubog sa mga taong magiging susunod na pinuno ng bansa at malalaking kumpanya. Given a life with lots of options, I think the most important thing to learn is discernment, refl ected decision making,” maalab na pahayag ni Gotidoc

Kaya naman... Ano ang mapapala mo dyan? Saan ka patungo pagkatapos? Pinag-aral ka sa Ateneo tapos Campus Minister ka lang?

Ilan lamang ang mga ito sa mga tanong na kinaharap nilang apat— tanong ng pagtataka mula sa ibang tao, pagkalito, pagkilatis – tanong na hindi pumigil sa kanilang sundin ang nais ng kanilang puso. Sa kabila ng lahat ng ito, buo pa rin ang kasagutan dito nila Granados, Victoria, Ramirez, at Gotidoc. Malinaw na ang

kanilang pagseserbisyo sa Diyos, sa kapwa, at sa lipunan ay hindi sa pagsabak sa corporate world. Lahat sila ay may tapang na sundin ang tawag ng pagbabahagi ng kanilang sarili sa ibang paraan. Buo ang kanilang mga puso at masaya sila sa kanilang ginagawa. Masaya sila na tumulong sa paghubog at paggabay tungo sa pagbabago ng ibang tao. M

PULSONG ATENISTA

Page 38: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200638

Cha-Cha?

Maingay na maingay na ang usaping Cha-Cha. Iba’t ibang pangkat na sa ating lipunan ang nagpahayag ng pagtutol o di kaya nama’y pagsuporta sa hakbanging itong isinusulong sa pamamagitan ng people’s initiative. Subalit tila hindi pa inabot ng lakas ng tugtugin ang pamantasang Ateneo de Manila. Kataka-takang nananatiling tikom ang bibig ng karamihan sa mga mag-aaral sa pamantasan ukol sa nabanggit na usapin. Bagama’t may ilang grupo nang nagsisimulang palawakin ang pag-unawa sa pamantasan ukol sa Cha-Cha, wala pang malinaw na panig ang mayorya ng populasyon ng mga mag-aaral ukol sa usapin. Maraming bagay ang maaaring maisip na dahilan sa kawalan ng tinig ukol

sa isyu. Hindi nga naman biro ang mga pangangailangang pang-akademiko na kailangang harapin. Maraming oras na ang ginugugol dito kaya naman nawawalan na ng oras sa ibang bagay. Ngunit hindi ba’t kabahagi ng pagiging Atenista ang pakikisangkot muli sa lipunan? Hindi nga lamang daw sa apat na sulok ng silid-aralan natututo ang isang tao. Isang malawak na paaralan ang lipunan. At bahagi ng pagiging Atenista natin ang pagsulong sa paaralang iyon - ang pagbaba mula sa ating burol. Sadya nga raw apatetiko ang mga Atenista. Palibhasa, sanay sa masaganang buhay kaya naman hindi na nag-aabala pang makibahagi sa pangaraw-araw na pakikipaglaban ng mayorya ng sambayanang nakasadlak sa kahirapan. Sa kasalukuyan,

habang ginagawa ang isyung ito, wala pang tiyak na paninindigan ang Sanggunian ukol sa Chacha. Subalit taliwas ito sa Heswitang edukasyong tinatamasa. Alin nga ba ang totoo? Ang Atenista ba ay apatetiko o isang tao-para-sa-kapwa? Nasaan nga ba ang tinig ng Atenista sa kasalukuyang suliranin ng bansa? Tumatakbo na umano ang tren ng Cha-Cha. Naisalang na ang lumang plaka at nakabibingi na ang tugtugin. O, ikaw Atenista, sasayaw ka ba sa saliw ng chacha?

Lumang tugtugin, panibagong usapinBago pa man umusbong ang

iskandalo hinggil sa “Garci tapes,” naging usap-usapan na ng administrasyong Arroyo ang pagpapatupad sa Cha-Cha. Naging matunog ito lalo na sa Kamara at naging

WALANG SINUMAN sa Pilipinas ang hindi naghahangad ng pagbabago. Nangangarap ang lahat na

makapamuhay sa isang bansang mayaman at sagana, kung saan tapat na naninilbihan ang pamahalaan sa mamamayan, at kung saan tunay na malaya at mayroong pantay-pantay na karapatan ang bawat Pilipino – isang bansang kaiba sa bansang kasalukuyang tinitirhan. Ganitong pagbabago, ayon sa pamahalaang Arroyo, ang maidudulot ng Charter Change o Cha-Cha.

nina DAPHNE DOMINGO at MAKI LIMkuha nina Scott Kho at Hub Pachecolapat nina Jed Alegado at Mara Perez

Atenista,sasayaw ka ba sa

Ang pananaw ng mga Atenista sa usapin ng charter change.

PULSONG ATENISTA

Page 39: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 39

bukambibig ng ilan sa mga pangunahing opisyal ng Gabinete. Ngunit nang sumapit ang Hulyo 2005, nang tumindi na ang protesta laban sa pananatili ni Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkapangulo, lalong pinaigting ng administrasyon ang hangarin nitong mapatupad ang Cha-Cha.

Iminungkahi ng ConCom o Consultative Commision on Charter Change na nilikha ni Gng. Arroyo na kinakailangan nang gawing isang unicameral na parliyamento ang pamahalaan at sa huli, maging pederal na rin. Ipinapanukala rin ng ConCom ang malayang pagpasok ng mga mamumuhunang dayuhan, ang pag-alis ng kontrol at pangangasiwa ng pamahalaan sa pang-ekonomikong aktibidad, at ang pagtanggal sa mga karapatang nagsusulong sa mga industriyang lokal. Isinama na rin nito ang mga reporma sa eleksyon, sa hudikatura at sa mga partidong politikal. Sinuportahan naman ng mga tagapagtaguyod ng Cha-Cha sa Kongreso ang mga panukalang ito. Ngunit maraming sektor ng lipunan ang tumutol dito sapagkat hindi ang masang Pilipino ang makikinabang. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng CODAL o Counsels for the Defense of Liberties at ng Ibon Foundation, ang makikinabang lamang ay si GMA, ang mga naghaharing pamilya sa pulitika at mga mamumuhunang dayuhan. Mayroong mga nagsabing papalitan ang uri ng pamahalaan upang masigurado na mananatiling pangulo si GMA hanggang 2010, bagaman pinagduduhan na ng sambayanan ang kanyang pagkapanalo. Ayon din sa kanila, higit na mawawalan ng

kapangyarihan at boses ang masa at lalawak naman ang saklaw ng kay Gng. Arroyo sapagkat sabay na niyang mapanghahawakan ang ehekutibo at lehislatura. Tutol naman ang iba sapagkat sa mga probisyon at panukalang nilikha, para bang dayuhan ang magpapatakbo sa ekonomiya ng bansa at mapapahamak ang mga industriyang lokal gayon din ang mga manggagawa. Walang kalaban-laban ang mga industriyang lokal kapag inalisan sila ng “protection rights” at walang habas na ang pagpasok ng mga mamumuhunang dayuhan. Bukod pa rito, ayon sa mga probisyon, bagaman wala pa ring sariling lupa ang 70% ng mga magsasaka, mababa ang pasahod sa mga manggagawa, at walang pambayad sa mataas na matrikula ang mga mag-aaral, pahihintulutan ang 100% na pagmamay-ari ng dayuhan sa mga likas na yaman ng bansa - sa lupa nito, sa negosyo, sa pampublikong kagamitan at maging sa mga institusyong pang-edukasyon. Pati ang paraan ng administrasyon na ipatupad ang Cha-Cha, ang people’s initiative ay kinikwestyon din ng iba’t ibang

sektor. Inilunsad ng administrasyon ang people’s initiative bagaman ayon sa sarbey ng SWS noong Mayo 2005, 73% ng mga Pilipino ay wala o kakaunti ang nalalaman sa konstitusyon. Nagkaroon din ng mga isyu ng pananakot at pagbabanta sa mga mamamayan upang mapapirma lamang sila.

Mula sa lente ng isang AtenistaGumawa ang Matanglawin ng

isang sarbey upang malaman ang pulso ng mga Atenista ukol sa usaping Cha-Cha. Kabilang sa mga nais alamin ay kung malay nga ba ang pangkaraniwang mag-aaral ng pamantasan sa mga nagaganap sa lipunan. Bahagi ng pag-unawa sa usaping Cha-Cha ang pagkakaroon ng paunang kaalaman ukol sa ating Saligang Batas. Sa 234 na mag-aaral na tinanong, 47% o higit kumulang 112 mag-aaral ang nagsabing pamilyar sila sa nilalaman ng ating Saligang Batas. Samantala, 48% naman ang nagsabing hindi sila pamilyar dito. Mahalaga ang paunang pag-unawa sa kasaalukyang nilalaman ng ating Saligang Batas upang higit na mabigyang-linaw ang mga

Si Manuel Quezon III at ilang kasapi ng One Voice sa isang pagpupulong sa Ateneo.

PULSONG ATENISTA

Page 40: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200640

pagbabagong nais isulong sa kasalukuyang nais ipatupad na Charter Change. Sinasabing mababa ang kamalayan ng mga Atenista sa mga nangyayari sa lipunan. Nagsisilbing burol ang pamantasan kung saan inihihiwalay ng komportableng pamumuhay ang Atenista sa lipunang kanyang ginagalawan. Bahagi rin kaya ng kawalang tinig ngayon ang kawalang kamalayan ng mga mag-aaral sa pamantasan ukol sa Cha-Cha? Walumpu’t siyam na porsyento (89 %) ng mga mag-aaral na aming tinanong ang nagsabing may narinig o nabasa na sila ukol sa people’s initiative na tunay nga namang mainit na usapin ngayon. Dagdag pa rito, malaking bahagi, sa katunaya’y 71% ang nagsabing nauunawaan nila ang usapin ng people’s initiative na isinusulong ng Sigaw ng Bayan. Samantala, 27 % naman ang hindi nakaaalam sa nabanggit na usapin at 3% ang nagpahayag ng kawalang pakialam. Sinasabing maraming Atenista ang magiging pinuno ng bansa sa hinaharap. Kaya naman, mahalagang mabigyan ang mga Atenista ng karampatang panahon at dedikasyon sa pakikisangkot sa mga usapin ng lipunan. Bahagi ito ng paghubog sa kanilang daraanan upang sa gayo’y higit nilang mabigyang kasagutan ang mga problema ng bansa sa panahong sila na ang mamumuno rito. Ukol naman sa mismong usapin ng pagbabago ng Saligang Batas, 40% lamang ng mga nakapanayam ang nakauunawa sa paraan ng pagbabago ng konstitusyon. Bagama’t mababa ang bilang na nabanggit, 60% naman ang nagsasabing nauunawaan nila ang mga pagbabagong nais gawin ng kasalukuyang isinusulong na Cha-Cha. Ayon sa mga nagsusulong sa Cha-Cha, makatutulong umano ito upang bumuti ang kalagayan ng bansa. Subalit, taliwas dito ang pananaw ng mga nakapanayam. Animnapu’t anim na porsyenyto o 66% ng mga tinanong ang nagsabing hindi sila

naniniwalang maiaayos ng Cha-Cha ang kalagayan ng bansa. Sa kabilang dako, 26% lamang ang nagpahayag ng paniniwala. Hindi rin sinang-ayunan ng 60% ng mga kinapanayam na nag-uugat ang mga suliranin ng bansa sa istruktura ng gobyerno. Naniniwala ang iba na maraming salik ang dapat kilalanin upang maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng bansa. Kaya naman, nang aming tanungin kung umaayon sila kung higit na makabubuti sa bansa ang pamahalaang parlyamentaryo,

33% ang nagbigay ng pag-ayon samantalang 53% naman ang nagsabing hindi. Bilang pagpapalawig ng usapin, tinanong ang mga Atenista kung pabor sila sa kasalukuyang Cha-Cha na isinusulong ng Sigaw ng Bayan sa pamamagitan ng people’s initiative. Limampu’t limang porsyento (55%) ng mga nakapanayam ang nagsabing hindi sila pabor dito. Nakapagtatakang bagama’t malaki ang bilang ng mga hindi pumapabor, patuloy pa rin ang pananahimik ng marami ukol sa nabanggit na usapin. Ang higit pang nakapanlulumo, 32% ng mga nakapanayam ang nagsabing wala silang pakialam sa nasabing usapin. Lubhang napakalaking bilang kung tutuusin. Makikita sa kasaysayan ang malaking papel na ginagampanan ng mga Atenista sa mga desisyong kinahaharap ng bansa. Ngayong nahaharap tayo sa isang posibleng napakalaking pagbabago, lubhang nakadidismaya na hindi marinig ang tinig na nagmumula sa mga taong binansagang “tao-para-sa-kapwa.” Kung bibigyan ng pagkakataon, 20% ng mga Atenistang tinanong ang nais pumirma sa people’s initiative. Taliwas naman dito, 66% ang nagsabing hindi sila pipirma. Sapat na ba ang maging malay?

Sinasabing maraming Atenista ang magiging

pinuno ng bansa sa hinaharap. Kaya naman,

mahalagang mabigyan ang mga Atenista

ng karampatang panahon at dedikasyon sa

pakikisangkot sa mga usapin ng lipunan.

Kung kamalayan rin lamang naman, hindi nahuhuli ang Atenista. Makikita ito sa resultang nakalap. Subalit hindi dito nagtatapos ang tawag ng ating panahon. Hindi sapat ang malaman. Ano nga ba ang saysay ng kaalaman kung hindi ito lalapatan ng karampatang pagkilos? Kaya naman patuloy na hinahamon ang ating henerasyon ng mga Atenista - tayong mga buhay na bantayog ng Heswitang edukasyon. Hindi nahihinto ang lahat sa pagtuklas. Paulit-ulit tayong tinatawag

upang kumilos. Sa katanuyan nga, mayroong iilang mag-aaral na sumusubok bumuo ng alyansang tumututol sa Cha-Cha. Ayon kay Kristine (hindi totoong pangalan), isang miyembro ng alyansa, binuo nila ang MARCH o Movement in Ateneo Against

Arroyo’s Charter Change upang ipaalam sa komunidad ng Ateneo ang tunay na kulay ng Cha-Cha na isinusulong ng administrasyong Arroyo. Naglulunsad sila ng mga information campaign at educational discussion, at kung sakali, nagbabalak silang magkaroon ng mobilisasyon upang makisama sa pagkilos ng kabataan laban sa Chacha. Umuusad na raw ang tren ng Cha-Cha. Ikaw, Atenista, nasaan ka? Manonood ka na lamang ba at tutunganga? Hahayaan mo bang lunurin ng kawalang pagkilos ang tinig mong hinihintay ng sambayanan? Walang sinuman sa Pilipinas ang hindi naghahangad ng pagbabago. Ngunit paano kung ang pagbabagong inihahandog ay hindi nagpapalaya sa mga mamamayan, kundi higit na nagsasadlak pa sa kanila sa kahirapan? Paano kung isa lamang itong hakbang ng mga may-kapangyarihan upang mapanatili sila sa puwesto at makapagkamal pa ng higit na kapangyarihan? Paano kung ang pagbabagong ito ay hindi talaga pagbabago, kundi isa lamang instrumento upang ipagpatuloy at gawing sukdulan ang pang-aapak at pang-aapi sa masang Pilipino? Paano na ang masang naghihirap? Paano na ang mga mamamayang nangangarap? M

PULSONG ATENISTA

Page 41: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 41

MARAMI TAYONG mga hinaing na hindi natin alam kung paano lulutasin o kanino sasabihin.

Marami rin tayong mga bagay na hindi pa alam tungkol sa Ateneo at sa pagiging Atenista. Upang pangalagaan at isulong ang pangkalahatang kalagayan ng mga mag-aaral ng Ateneo, nilikha ang ASCC o Ateneo Student Concerns Center ng Sanggunian ng mga Mag-aaral ng Ateneo upang hingan ng tulong o pagsabihan ng mga hinaing na maaaring pang-akademiko o kaya naman iba pang bagay. Maari ring magbigay dito ng suhestiyon para sa kahit anong opisina sa pamantasan, gayundin ang mga katanungan para sa iba pang impormasyon.

Hindi pang-akademikong katanungan Naniningil diumano ang Aegis nang walang ibinibigay na resibo at hindi pa nila ipinaliliwanag kung saan ito mapupunta. Nagsulat naman ang Aegis ng liham bilang tugon sa estudyante at sinabi na sa umpisa pa lang talaga, nagkasundo na sila ni G. San Andres na gagamitin para sa scholarship ang nakalektang pera. May isa namang hinaing na lubos na marami raw suliraning idinulot ang pagsasara ng daan-tawiran sa Gate 3. Sinagot ng Ateneo na hindi nila kontrolado ang mga ginagawa ng MMDA ngunit gumagawa

na rin ng paraan upang maresolba ang problema. Malaki ring problema ang labis na paniningil sa traysikel dahil na rin sa hindi talaga nila nilalagay ang listahan ng presyo kung magkano ang dapat na ibayad. Ang mga umaabusong drayber ng traysikel ay isinasangguni kay G. Enriquez ng Physical Plant Offi ce at pinalagyan na ng naturang listahan ng presyo. May isa namang nagsabi na hindi raw inaprubahan na ipagamit ang isang silid nang walang dahilan. At inaprubahan na rin ng Offi ce of Administrative Services. May hinaing na hindi raw ayos ang ilang upuan sa lecture halls kaya nakumpuni na ang mga ito. May nagsabi namang sarado raw ang infi rmary noong isang misa ni San Ignacio kaya ngayon, bukas na parati ito tuwing oras ng trabaho. Isang mag-aaral naman ang nagsumbong na napaka-teritoryal daw ng ibang mga tao sa campus benches kaya kinausap sila ng pangulo ng Sanggunian. Meron din namang mga problemang idinudulog sa ASCC na may kaugnayan sa mga organisasyon, sa pagkain sa caf, sa garahe, sa kung saan makikita ang isang lugar o silid at marami pang iba.

Pang-akademikong katanungan Pinahahalagahan din ng ASCC ang anumang bagay na may kinalaman sa pag-aaral at ang mga sumusunod ang ilan

sa natanggap na hinaing o katungan: May isang guro na inanunsyo ang patay-guhit ng proyekto sa Biyernes ng parehong linggo. Ayon sa Department of Administrative Rights and Services, isang linggo o higit pa dapat ang ilaan na panahon sa pagbibigay ng guro ng proyekto o pagsusulit. Kaya

naman iniusog ang patay-guhit sa naakmang panahon. May hinaing din na may isang mahabang pagsusulit daw kung saan malaking bahagi nito ang hindi pa tinatalakay sa klase. May mga pang-akademikong gawain naman na iniskedyul ng guro sa araw na walang pasok (Agosto 19, Araw ng Lungsod ng Quezon). May suhestiyon naman na magbigay ng kursong Koreano ang Department of Modern Languages kaya nagbigay nga sila. May isang estudyante ang hindi nakaabot sa patay-guhit sa pagpapabago ng kurso at nabigyan naman siya ng pagkakataon na pumili ng mas maagang klase.

Madali lang pumunta dito at magtanong Ayon kay Joseph Francis Mangubat, administrador ng ASCC, “Ikinagagalak namin na makatulong sa lahat ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulong ng kanilang karapatan na siyang nagiging basehan ng progresibong Mga Paaralang Loyola. Bukas parati ang pintuan ng ASCC, Lunes hanggang Biyernes, 9:30 ng maga hanggang 3:00 ng hapon.” Sabi nga, “walang maloloko kung walang magpapaloko.” Kung may nakita nang mali, dapat na agad ipagbigay-alam upang agaran ding mabigyang solusyon. M

Para sa iba pang mga katanungan, maaring makipagsanggunian kay Peter Imbong, ASCC Deputy sa 0915-851-0286 o sa [email protected].

PULSONG ATENISTA

Malugod na tatanggapin ng ASCC ang inyong mga katanungan.

Takbuhan para sa mga Katanungan

Mar

a Pe

rez

ASCC: ni MARA PEREZlikhang-sining ni Myko Marcillalapat ni RA Angeles

Page 42: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200642

SECTION HEADER

Mayroon nang iilang mga paaralan sa bansang gumagamit ng ganitong paraan ng pagpaparehistro. Sa mga nakalipas na taon, naging bulung-bulungan ang pagpapatupad ng nasabing proseso sa pamantasang Ateneo de Manila. Bagama’t matagal na itong inaasam ng mga estudyante, hindi pa rin ito

naisasakatuparan hanggang sa kasalukuyan. Kung kaya, balak na ng administrasyong pasinayaan ang pilot ng online registration kung hindi man sa susunod na semestre o sa unang semestre ng susunod na taon. Ngunit may pangangailangan nga ba sa ganitong uri ng pagbabago?

Kasalukuyan: One-stop-shop Taong 2003 nang unang isinagawa sa Ateneo ang one-stop-shop na istilo ng pagpaparehistro na sinusunod pa rin hanggang ngayon. Sa prosesong ito, kinakailangang pumila ng estudyante sa nakatalagang gusali batay sa kanyang random number. Alinsunod sa nakatakdang oras, magpapalista ang mag-aaral sa mga asignaturang kukunin sa semestre sa tulong ng tagapagtala na siya lamang may pahintulot na gamitin ang AISIS o Ateneo Integrated Student Information System. Matapos ang assessment ng kabuuang bayarin, maaari nang magtungo sa kahera o dili kaya’y magbayad sa pamamagitan ng online payment. Nagtatapos ang prosesong ito sa ID validation sa ADSA, at kung walang anumang suliraning makahaharap, maaaring matapos ito sa loob lamang ng tatlumpung minuto. Ngunit bago maipatupad ito, inaabot ng isa hanggang dalawang araw ang buong proseso ng pagpaparehistro. Kinakailangang

Napapanahon na bang

ipatupad sa pamantasan

ang online registration?

ni RYAN CAIDIC at AINAH LAGRIMAS likhang-sining ni Faye Zarate lapat nina Mozart Peña at Ekai Ticong

LAHAT NA marahil ng bagay sa mundo ay nasa dulo na lamang ng ating mga daliri dulot ng progresibong teknolohiya, lalo na’t taglay na ng nakararami

ang kapangyarihang saklaw ng internet. Halos walang hangganan ang mga posibleng gawin sa isang klik lamang ng mouse. Sa katunayan, maaari nang gawin sa pamamagitan nito maging ang pagpaparehistro ng mga estudyante. Ibig sabihin, hindi na kailangan pang pumunta sa paaralan, pumila, at maghintay upang makapagpalista sa mga asignaturang nais kunin. Sa halip, kailangan lamang ang internet access at maaari nang maisagawa ang prosesong. Ilang minuto lang ang aabutin nito.

Page 43: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 43

pumila ang mag-aaral nang maraming beses sa mga kagawarang kukuhanan niya ng klase at doon pipili ng nais na iskedyul. At dahil purong mano-mano pa noon ang pagproseso sa mga papeles, babalikan ito ng estudyante sa mga susunod pang araw. Sa ganitong sistema, hindi lamang ang mga estudyante ang naaabala. Apektado din ng kahirapang naidurulot nito ang iba’t ibang kagawaran ng pamantasan, lalo na ang mga gurong mismong nangangasiwa sa pagpapalista ng bawat estudyante sa kani-kanilang klase. Kung tutuusin, napakalayo na rin ang narating ng pamantasan sa usapin ng sistema ng pagpaparehistro, kahit na masasabing nasa gitnang hakbang pa lamang ang sistema sa ngayon tungo sa pagkakaroon ng internet registration. Hindi na kailangang lumubog muna ang araw at maghintay nang magdamagan bago lubusang makapagparehistro ang isang Atenista. Ayon kay Joaquin Julian Agtarap, ang direktor ng Registrar’s Offi ce, maituturing nang napakabilis ang kasalukuyang pagpaparehistro. “Ateneo’s registration system is… probably number 3 or 4 in terms of speed already in the whole NCR… you can fi nish registration in 30 minutes, that’s up from 2 days a couple of years ago,” pahayag niya. Samakatuwid, masasabing sapat naman ang kasalukuyang proseso upang maitaguyod ang pangunahing layunin nito – ang makapagparehistro ang lahat ng estudyante at makapagpalista sa mga klaseng kailangang kuhanin. Subalit tila hindi pa rin kuntento ang marami sa ganitong antas ng pamamalakad, kung kaya’t ninanais ng mga mag-aaral at maging ng pamantasan, ang pagpapalit sa kasalukuyang one-stop-shop sa makabagong online registration. Anu-ano nga ba ang salik na nagtutulak sa ganitong uri ng pagbabago?

Mga suliranin ngayon Hindi maitatatwang may mga suliranin ding lumilitaw sa kasalukuyang takbo ng pagpaparehistro. Kamakailan lamang, nagkaroon ng dalawang oras na pagkaantala ang pagpaparehistro ng mga nasa ika-apat na antas noong ika-8 ng Hunyo. Ayon sa artikulong inilathala sa The GUIDON, ang naging sanhi ng problemang ito ay ang pagkasira di umano ng lumang switch na nag-uugnay sa server ng Loyola

Schools Management Information System. Subalit, madali namang nabigyang lunas ng Campus Network Group ang problemang ito sa pamamagitan ng agarang pagsasaayos ng nasabing pagkasira. Marahil ang ibang mga paulit-ulit na suliraning nakahaharap ng pagpaparehistro ngayon ay walang ipinagkaiba sa mga problema hinggil sa pagkaubos ng mga klaseng nais makuha, sa nais na guro, at sa iskedyul na nais. Ayon sa Registrar’s Offi ce, noong unang ipinatupad ang one-stop-shop na sistema, malimit magkaroon ng

matinding kakulangan sa mga asignaturang ibinibigay ng mga kagawaran sa unibersidad. Subalit sa ngayon, nasanay na ang mga departamento na magbigay ng tamang bilang ng mga asignaturang sapat para sa mga mag-aaral. Aniya, “It’s much better nowadays, the demand is matched by supply… we have about an excess of 2,000 classes offered every semester.” Maliban sa nasabing pagkaantala ay wala namang ibang gaanong mga suliraning nakaharap ang kasalukuyang pamamalakad ng pagpaparehistro. Kung gayon, kailangang mapuna ang katuturan sa likod ng nalalapit na paglipat sa online registration. Natatanging susi nga ba ito sa kaunlaran ng pamantasan, o hindi kaya’y pagbabagong magbubunga lamang ng iba pang mga suliranin?

Kailangan nga ba? Ayon kay Gng. Rosario Banzon, direktor ng opisina ng MIS, napapahon na ang pagpapatupad ng online registration sa antas ng teknolohiyang taglay ngayon ng Ateneo. “Napapanahon na, at palagay ko naman ay napagdaanan na natin ang

malalaking pagbabago. Tayo ay nandito na sa panahong maaari na nating matupad ang pagpapatala sa gamit ng internet, at ang kailangan na lamang ay maging self-service na ito (ang pagpaparehistro).” Gayunpaman, hindi itinuturing ng administrasyon ang nasabing hakbangin bilang isang matinding pangangailangan. Sa kanilang palagay, maayos naman ang paraan ng pagpaparehistrong ginagamit sa ngayon. Ngunit may matinding panininindigan ang paaralan na nakaangkla ang ganitong uri ng pagbabago sa matagal nang naisin na maging

world-class na unibersidad ang Ateneo. At ang pagtahak sa landas ng pagkakaroon ng tila lubos na naaangkop na prosesong ito ay isang pagtugon sa hangaring ito, na siya namang naaayon sa pangmatagalang adhikain ng pamantasan.

Napapanahong pagbabago: para kanino? Lumilitaw na ang pagkaroon ng lubos na makabagong pamamaraan ng pagpapatala ay bunga ng pagnanasa ng pamantasang manguna sa ibang paaralan sa anumang makabagong pagpapatakbo sa mga proseso nito. Sa totoo lang, sadyang nakatuon ang pagbabagong ito sa kapakanan ng mga estudyante. Ayon kay Gng. Banzon, sa matagal na pag-aasam ng mga mag-aaral sa pagbabagong ito, nais lamang ng paaralang maitupad ito para sa kanila. Susog pa niya, “Hindi naman tayo tumitigil sa pagsasaayos ng serbisyong ating ipinagkakaloob sa mga mag-aaral. Kailangan pa rin nating maghanap ng mas angkop na paraan at sistema upang lubos na mapaganda ang ating serbisyo.” Kung tutuusin, lubos na

PULSONG ATENISTA

Napapanahon na, at palagay ko naman ay napagdaanan na natin ang malalaking pagbabago. Tayo ay nandito na sa panahong maaari na nating matupad ang pagpapatala sa gamit ng internet, at ang kailangan na lamang ay maging self-service na ito (ang pagpaparehistro). - Rosario Banzon

Page 44: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200644

makikinabang ang mga estudyanteng sasabak sa nalalapit ng online registration ng Ateneo. Kabilang sa mga benepisyong kalakip ng pagbabagong ito ay ang kaginhawaang hindi na kinakailangan pang maantala ang bakasyon ng mga mag-aaral upang magpunta sa paaralan upang makapagpatala. Malaking tulong ito para sa malaking bahagdan ng mga estudyante sa unibersidad na hindi naninirahan sa Maynila. Malaki rin ang matitipid ng isang mag-aral galing sa probinsya na kanyang iginugugol sa pambayad ng upa para sa isang linggo para lamang makapagparehistro. Sa bagong pamamalakad, sa unang araw na lamang ng pasukan kailangang bumalik ang mag-aaral. Kakambal din ng pagbabagong ito

ang pagiging lubos na mabilis ng proseso ng pagpatala sa mga klase. Hindi na kailangang pumila pa sa nakatakdang mga lugar at maghintay nang matagal upang makapagparehistro. Sa ganitong pamamaraan, ang estudyante na mismo ang makikiangkop sa sistema ng pagpapatala sa Ateneo gamit ang isang kompyuter at pipili ng kanyang mga klase. Hindi na rin kinakailangan pa ng napakaraming encoder upang gawin ito.

Handa na ba tayo? Hindi basta-basta ang pagpapatupad ng ganitong uri ng pagbabago. Kinakailangan muna ng katiyakan, paghahanda, at kaukulang pag-aaaral sa kakayahan

ng pamantasan upang maglunsad ng malawakang pagpapalit sa sistema. Ayon kay Gng. Banzon, talagang handa na ang Ateneo kung pag-uusapan lamang ang teknolohiya. Kasalukuyan na ring ihinahanda at pinagtitibay ng Kagawaran ng MIS ang lahat ng kakailanganin upang maayos itong tumakbo kagaya ng pagtitiyak na kakayanin na mga server ang pangangailangan ng lahat ng estudyanteng sabay-sabay magpapatala. Aniya, “Tinitiyak natin ang lahat ng mga proseso, mga mag-aaral, departamento, at ating mga sistema sa kompyuter na handa na para sa internet registration… I cannot say that we are completely ready, but it doesn’t mean to say that we are not ready. We just have to fi ne-tune all the process.” Ayon naman kay Agtarap, nagiging

mahirap ang usaping ito kung saklaw ng anumang uri ng pagbabago ang pagbabago rin ng mga nakagawiang pamamaraan ng mga kawani sa pamantasan. Isa na rito ang pagpapalabas ng listahan ng mga klase sa simula ng semestre. Sa kasalukuyang pamamalakad, nararapat na sila’y maglabas ng pinal

at kumpletong listahan ng mga asignaturang maaaring kunin isang linggo bago ang petsa ng pagpapatala. At sakaling ipatutupad ang online registration, kinakailangang matapos na ang listahang ito nang mas maaga upang magbigay-daan sa pre-enlistment at iba pang usapin sa pagitan ng mag-aaral. Nakikita rin ng administrasyon na ang suliraning maaaring makaharap ng mga estudyanteng magpaparehistro sa makabagong sistema ay maaaring lumitaw sa kanilang “hindi pagiging handa”. Maaaring pumunta lamang sila sa website na hindi niya alam kung ano mismong mga klase ang kailangan niyang kuhanin o anong mga kinakailangan para makuha ito. Nagiging komplikado ito lalo na kung hindi batid ng estudyante ang

mga patakaran ukol sa overload at iba pang alituntunin. Ayon kay Gng. Banzon, “Maaaring magreklamo siya na hindi naman maayos ang sistema, pero sa katunayan ang lahat ng iyon ay computerized at nakasama na doon sa online system.” Pulso ng mag-aaral Ayon sa iilang mag-aaral na nakapanayam, mainam ang pagkakaroon ng pagpapatala sa pamamagitan ng internet, lalo na’t hindi na maaantala ang kani-kanilang bakasyon. Ayon kay Lester Lofranco (IV BS ECE), makatitipid sa gastos ang hindi na pagpunta sa paaralan upang makapagpatala at bumalik muli sa probinsya bago magsimula ang pasukan. “Hindi ko na kailangan pang lumipad mula Catbalogan papuntang Maynila para lang magpatala, lalo na’t ngayon, mahal ang tiket sa eroplano,” dagdag pa niya. Subalit sa gitna ng kaigihang maidudulot nito, hindi maikakailang mayroon pa ring mga suliraning maaaring makaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng internet-based na sistema. Nangangamba si Clarisse Sabulao (IV BS ChCE) na wala ng sinumang maaaring tumulong o gumabay sa isang mag-aaral tuwing magkakaroon ng anumang problema o katanungan. Para sa kanya, “Mas mainam na ngayong may Regcom (Registration Commission) at mga gurong maaaring lapitan kung magkaroon ng anumang problema tulad na lang ng pagkapuno ng mga kursong nakasaad sa advisement.” Sa kabilang banda, bagama’t laganap na ang internet access sa buong bansa, mayroon pa ring mga lugar na hindi mulat sa teknolohiyang ito. Ayon kay Corinne Flores (IV BS MAC), kakailanganin pa niyang magtungo sa kabilang bayan sa Biliran upang makagamit lamang ng internet. Kung ipatutupad na ang bagong sistema, paano na lamang ang iilang Atenistang walang internet lalo na sa kani-kanilang lalawigan? Ang online registration ay isang hakbangin ng pamantasan upang sumabay sa mabilis at patuloy pang bumibilis na takbo ng buhay. Ngunit bago itong ipatupad, nararapat na pag-isipang mabuti ang mga hakbangin at bigyang kasagutan ang mga maaaring maging suliranin nang sa pamamagitan nito, tuluyan nang maging tunay na world-class ang pamantasan ng Ateneo. M

PULSONG ATENISTA

Page 45: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 45

Ang artikulong ito ay para sa mga Atenistang hindi nagbabasa ng business section o ng diyaryo man lang. Nawa’y sa paglalagom na ito, mamulat ka sa tunay na kalagayan ng Pilipinas, higit pa ng ekonomiya sa mata ng mga Pilipino.

Figure 1Mula sa kompilasyon ng NEDA

Ekonomiya: Isang Pagbabalik-Tanaw Batay sa Figure 1, lumago ang

ekonomiya sa panahon matapos ang giyera, kung saan muling itinayo ang mga imprastrakturang nasira dahil sa labanan. Ito ang panahon kung saan naging polisiya ng pamahalaan ang import-substitution – tumutukoy ito sa pagmamanupaktura o paggawa ng mga produktong dati-rati ay iniimport mula sa ibang bansa; nagkaroon ng kontrol sa importasyon at sa foreign exchange; umangkat ng mga produktong semi-fi nished at industrial parts para sa pag-asembliyang lokal at distribusyon; binigyang-proteksyon ang mga industriyang domestiko. Dahil sa polisiyang ito, nauwi sa krisis sa balance of payments noong 1950s. Ito ay sa kadahilanang kinailangan ng mga industriya na umangkat ng mga raw materials, intermediate goods at mga kagamitan para sa produksyon, ngunit humirap ang pagkumpitensya sa export market. Dahil dito, mas malaki ang imports kaysa sa exports ng bansa. Pumasok ang IMF o International Monetary Fund upang bigyang “solusyon” ang krisis sa pamamagitan ng stabilization program na naglagay sa Pilipinas sa ikalawang pangkalakalang polisiya na export–oriented. Kaakibat nito ang pag-alis sa mga kontrol sa importasyon at foreign exchange. Kinailangan ding magkaroon ng

debalwasyon ng piso na nangangahulugang magiging mahal ang halaga ng mga imports, at mumura naman ang exports. Ang polisiyang export-oriented ay tumutukoy sa pagtangkangkilik ng mga gawang lokal sa pandaigdigang merkado. Nais nitong bigyan ng bentahe ang Pilipinas dahil sa malayang kalakalan na nagaganap. Lumaki rin ang ineeksport ng mga bansang kabilang sa Third World: noong 1950, 6% lamang ang share ng Third World exports samantalang lumago ito ng 64% noong 2000. Sa porsyentong ito, malaking kontribusyon ang mula sa mga Asian tigers (South Korea, Singapore, Taiwan at Hong Kong). Noong 1957, itinuring ng World Bank ang Pilipinas bilang pinakamagaling na bansa sa larangan ng ekonomiya sa buong Asya. Naging mabilis ang paglago ng ekonomiya matapos ang panahon ng gera, at naging ikalawa sa bansang Hapon sa larangan ng literacy at per capita production capacity. Matataas din ang nibel ng savings at investment sa bansa – mga datos na hindi na makikita sa kasalukuyang estado ng ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit nang bandang dekada sitenta, lumaki ang pagkakautang ng bansa, bumaba ang kita ng bawat Pilipinong manggagawa, at naging kumplikado ang lagay ng pulitika. Sinasabing isa sa malaking epekto ng polisiyang export-oriented ang pagtaas ng employer power sa Pilipinas. Humina ang boses ng mga mangggagawa nang ipinagbawal ang mga protesta, at pagkonsentra ng kapangyarihan sa pamahalaan sa mga usapin sa paggawa at paglabag sa mga karapatang pantao.

LAYUNIN NG artikulong ito na mapag-aralan ang mga kaganapan na nakaaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas sa nakalipas na maraming taon at sa kasalukuyan.

Dagdag pa, nilalayon ng artikulong ito na bigyang-diin ang mga implikasyon ng mga polisiyang kinakailangan ng bansa tungo sa kaunlaran.

PITIK-PUTAK

ni YAY DOMINGOlikhang-sining ni Omar Gabitolapat ni Jed Alegado

Page 46: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200646

Itinuturing namang karagdagang puntos ng bansa ang pagiging mababa ng antas ng suweldo at pagsasalita sa Ingles ng mga manggagawang Pilipino. Dahil dito, nananatiling paborable ang mga industriyang gumagamit ng intensibong paggawa sa produksyon dahil na rin sa kakayahan ng mga Pilipino, kakayahang makapagsalita ng Ingles, at nibel ng edukasyong nakamit. Nakita natin ang pag-usbong ng mga kumpanyang nakatuon sa assembly work, parts manufacturing at data encoding. Idagdag pa ang mabilis na pagdating ng mga call centers, medical transcription at iba pang serbisyo na kumuha ng konsiderableng dami ng mga manggagawa. Sa kasalukuyan masasabing nasa estado ng export-oriented ang polisiya ng bansa, kasabay ng trade liberalization, kung saan tinatanggal ang proteksyon sa mga industriya sa pamamagitan ng pagbaba ng taripa. Ngunit, isang mahalagang punto ng diskusyon ay kung bakit nananatili ang Pilipinas sa unang bahagi ng polisiyang export-oriented, samantalang ang mga bansa sa Asya tulad ng Korea, Singapore at Malaysia, ay nasa mas mataas na nibel ng polisiyang ito, at sa kasalukuya’y nakikinabang nang husto mula sa estratehiyang nabanggit.

Ayon din sa teorya ng Heckscher-Ohlin model, ang mga bansang mayaman sa paggawa na may industriyang intensibo rin sa paggawa ay dapat na makinabang ang sektor ng paggawa mula sa pakikipagkalakalan. Kung ang bansa ay maging matagumpay sa pag-angat patungo sa antas ng mas maigting na export-oriented na polisiya, mapupunta ang dati-rati’y tuon sa mababang pasahod bilang importanteng bentahe hanggang sa mawawala ang ganitong bentahe sakaling tumuntong ang bansa sa ikalawang estado.

Figure 2Mula sa Asian Development Outlook

Mga Datos Makikita sa Figure 2 ang malaking agwat ng savings rate ng Pilipinas kumpara sa ibang Asyanong bansa. Kung ang limang Asyanong bansa (Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore at Korea) ay may humigit – kumulang 36.80 na savings rate, ang Pilipinas sa loob ng 12 taon ay mayroon lamang 16. 56 na savings rate – humigit dalawang beses na mas mababa sa kabuuang savings rate ng limang bansa.

Kailangang maging maingat sa pagtrato sa datos na nabanggit. Una sa lahat, maraming dahilan ang mababanggit kung bakit mababa ang savings rate ng mga Pilipino kumpara sa ibang Asyano. Sa unang tingin, masasabing wala sa kultura ng Pilipino ang magtipid. Ngunit, sa isang pag-aaral, sinasabi na ang mga Pilipino, maging ang mga mahihirap, ay nagtitipid. Ang tanong na nga lamang ay: saan napupunta at gaano tatagal ang natipid ng isang mahirap na Pinoy?

Saan nag-iimbak ang urban low-income na Pilipino?

sa bahay 63.5 %

rural bank 9.7 %

Kooperatiba 9.4 % Paluwagan 6.7 % commercial bank 2.2 % sa iba pa 2.3 %

Table 1Mula sa pag-aaral ni Karlan, et. al. 2004

Bakit nagtitipid ang Pilipino?Emergency 42 %Edukasyon 34 %Pagkain, atbp. 6.6 %Retirement 6 %Negosyo 3 %Bahay 2.3 %iba pang dahilan 5.8 %

Table 2Mula sa pag-aaral ni Karlan, et. al. 2004

Ngunit, mula sa Table 1, malaking porsyento ng mga tinanong sa sarbey ang nagsasabing iniipon lamang nila sa bahay

ang kanilang pera. Ibig sabihin, malaking porsyento ng pera sa sirkulasyon ay hindi nakapapasok sa sistemang pampinansya sa bansa, higit pa sa mga institusyong pampinansya tulad ng mga bangko. Kung titignan din ang mga dahilan kung bakit nagtitipid ang Pilipino, (tignan ang Table 2) 3% lamang ang maaaring ilaan ng Pilipino para sa pagnenegosyo. Ibig sabihin, maliit na porsyento lamang ang maaaring gamitin sa pagsisimula o pagpapaikot ng kapital para sa negosyo o anumang pinagkakakitaan ng Pinoy. Kung iisipin, malaking potensya ang madadala sana ng savings sa mga Small and Medium enterprises (SMEs) sa bansa. Pinakamalaking sektor ng bansa ang Services’ Wholesale and Retail Trade, na ayon sa Kagawaran ng Paggawa ay lumago ng 2.4 % noong Abril ng 2006 ( 15.991 milyon nang Abril 2005 sa 16.369 milyon nang Abril 2006) sa larangan ng pagkuha ng mga empleyado. Ayon kay Cielito Habito sa kanyang artikulong “Show Me the Money,” nakapanghihinayang na sa kabila ng pagbibigay-tuon sa SMEs at ang maaaring malaking kontribusyon nito sa paggawa at paglago ng ekonomiya, naging tuon ng polisiya sa kasalukuyang administrasyon ang mga malalaking negosyo sa bansa.

Figure 3Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas Kumpara sa mga bansang nakatungo sa mas mataas na nibel ng export-oriented na polisiya, mababa ang Gross Democratic Product (GDP) growth rate ng Pilipinas. Ibig sabihin, lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamababang antas kumpara sa mga bansang ito. Noong 2001 ay halos magkasabay ang antas ng

PITIK-PUTAK

Page 47: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 47

paglago ng apat na Asyanong bansa, ngunit mabilis na nakabawi ang mga bansa maliban ang Pilipinas.

Figure 4Mula sa Asian Development Outlook Ang kita ng bawat Pilipino o sa Ingles ay per capita income ay isa sa mga pansukat ng nibel ng pamumuhay ng mga tao. Isang pagpapalagay ng pansukat na ito na ang patas ang nakukuha ng mahirap at mayaman sa distribusyon ng pambansang kita – sa katotohanan, ang mayaman ang nakakakuha ng mas malaking porsyento. Maliwanag mula sa Figure 4 na naging mababa ang kita ng isang Pilipino kumpara sa ibang Asyanong namumuhay sa mga bansang kalapit. Kung iyon ngang mga karaniwang bakang inaalagaan sa alinman sa 15 kasapi ng European Union ay may tiyak na sustento na $2 bawat araw. Higit pa ito sa kinikita ng kalahati ng populasyon ng buong daigdig (Student Agenda). Sinasabi sa mga pag-aaral nina Aldaba at Medalla na matuturo bilang dahilan ang hindi matagumpay na paggamit ng pamahalaan sa domestiko at foreign investments. Dahil dito, napabayaan ang pag-unlad ng imprastraktura at skills development ng mga manggagawa, kung kaya’t nananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa samantalang may labor surplus pa rin ang bansa, na ang ibig sabihin ay sa kabila ng mga programa ng pamahalaan upang lumikha ng trabaho, hindi pa rin ito sapat. Kung iisipin pa, ano nga ba ang kalidad ng mga trabahong nalilikha ng pamahalaan? Masasabi ba na may kaakibat na programa para sa skills development ang paglalaan ng trabaho sa mga street sweepers at kamineros? Sila ba ay may inaasahang

pagtaas ng suweldo? Sa kabilang banda, itong mga trabahong ito ang madali nating makita bilang mga ordinaryong mamamayan – sinasabi kasi ng pamahalaan na hindi lamang ito ang mga trabahong maaaring ipagmalaki ng kasalukuyang administrasyon. Gayunpaman, marapat na tignan ng ibayong pansin ang kalidad at panghinaharap na kalagayan ng mga trabahong ito. At paano pa kaya matutugunan ng pamahalaan ang labor surplus na ito kung halos nahihigitan ng dami ng pagpasok ng mga bagong empleyado ang dami ng mga trabahong nalilikha (tignan ang Figure 5).

Figure 5Mula sa Bureau of Labor & Employment Statistics

Kung gayon, masasabing hindi pa rin sapat ang nagaganap na polisiya ng trade liberalization upang matugunan ang pangangailangan ng bansa tulad ng trabaho.

Rekomendasyon atbp. Potensyal na pinagkukunan ng pondo ang mga remittances na nagmumula sa mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa. Dahil dito, kailangang bigyan ng sapat na training o programang pampinansya ang mga OFWs o mga pamilya nito upang mailagak sa sistemang pampinansya ang remittances. Sa paraang iyon, matutulungan ang mga OFWs na kumita sa pamamagitan ng pag-iimbak sa bangko o pagsisimula ng negosyo rito sa Pilipinas. Pag-iibayuhin nila ang kanilang pagtatrabaho. Kasabay nito, pahahalagahan ng kani-kanilang pamilya ang perang ipinapadala. Makabubuti rin kung ang fi nancial literacy ay ituon hindi lamang sa mga OFWs

kundi pati sa mga Pilipino sa urban at rural na bahagi ng bansa, bata man o matanda. Kung iisipin, mahirap kung itutuon ang pansin sa savings lamang. Paano mo makukumbinsi ang mahirap na magtipid at mamaluktot pa sa kasalukuyang antas ng kahirapan at patuloy na pagtaas na presyo ng mga bilihin? Sa usapin ng pag-unlad ng pisikal na imprastraktura at skills development sa mga manggagawa, malaki pa ring tanong kung sasapat ba ang pondo ng bansa upang mapinansyahan ang gastos nito. Mataas ang interest rate sa dolyar na paghiram ng bansa; mataas ang presyo ng mga bilihin, malaki ang budget defi cit ng bansa; malaki ang ibinabayad sa interest ng utang ng bansa. Kung sisisihin natin ang pagmahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, maaaring hindi ito makatwiran dahil mukhang hindi naman tumaas nang katulad sa pagtaas ng lokal na presyo ang presyo ng mga kalapit-bansa natin sa Asya, lalung-lalo na ang mga bansang nasa mas maigting na estado ng polisiyang export–oriented. Sinasabi ni Cielito Habito sa kanyang artikulong “Economy: Rising Prices, Few Jobs, Shallow Growth” na maaaring may kakaibang kalagayan sa Pilipinas kung kaya’t tumaas nang gayon na lamang ang ating infl ation rate (sa kasalukuyan ay halos 6 - 7%) kumpara sa ibang mga Asyanong bansa.Bagama’t itinuring na best performing currency ang piso noong 2005, dahil na rin sa OFW remittances at implementasyon ng E-Vat, hindi kaagad masasabi kung hanggang kailan tatagal ang paglakas ng piso. Maaaring dahil lamang ito sa mga pana-panahong mga pangyayari tulad ng SONA ng Pangulo, paparating na pagpasok ng OFW remittances bago mag-Pasko, at kung magiging matagumpay ang bagong panukala sa pagbubuwis. Paano nga ba matutugunan ng bansa ang mga inilatag nitong mga estratehiya noong nakaraang SONA? Dadagdag nga kayang muli ang pasanin ng mga tapat na nagbabayad ng buwis, samantalang marami ang nakatatakas mula sa pagbabayad nito? M

kundi pati sa mga Pilipino sa urban at rural

PITIK-PUTAK

Page 48: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200648

Lalong mahirap kung kinailangan mong pumunta sa ibang bansa upang mag-trabaho at magtiis sa mapangmatang mga amo, kumita lamang ng salapi nang maita-guyod ang naiwang pamilya sa Inang Bayan.Ito ang napagtanto ko sa pakikisalamuha sa ilang mga Pilipino sa kalapit-bansa nating Singapore. Unang araw ko sa siyudad ng Merlion at Esplanade. Hindi ko alam kung anu-anong pook-panturista ang pupuntahan ko. Basta’t ang iniisip ko, kailangan kong malibot ang Singapore at malasap ang kul-turang kaiba sa aking kinalakhan. Pagdating ko at ng aking mga kasa-mahan sa Kovan District, dalawa sa apat na kababaihang tumutulong sa tagapamahala ng aming tutuluyan ay pawang mga Pilipina. Nabuhayan ako ng loob – mga Pinoy din pala ang mag-aasikaso sa amin sa isang lupang banyaga. Kitang-kita sa mukha ng dala-

wang Pilipina ang tuwa na makakita sila ng kanilang mga kababayan. Napag-alaman kong naroon lamang sila pansamantala sa institusyong iyon habang inaayos ang karampatang hakbangin sa kanilang mga suliranin. Ilang linggo lang ang nakaraan, tinulungan silang makatakas ng punong tagapamahala na si Sister Bridget Lew, pangulo ng HOME o Humanitarian Organisation for Migration Economics, mula sa mapang-api nilang mga amo. Na-kararanas sila ng hindi tamang pasweldo at kung minsan pa, hindi makatwirang pagpa-parusa. May kaunting pagkakamali lamang, sinasaktan na sila kaagad. Naging mailap ang dalawang Pilipina sa ilang sensitibong ka-tanungan na aking ibinato sa aming usapan ngunit damang-dama ko pa rin ang init ng kanilang pagtanggap sa aming mga Pilipino. Habang naroon, tumutulong muna sila sa pagpapatakbo ng tuluyan para sa mga

turista. Inaasahan nilang maayos ang kani-kanilang kaso at mabigyan sila ng pagkakat-aon na ipagtanggol ang kanilang karapatan para sa sarili at sa kanilang pamilya. Dito, unang namulat ang ak-ing kamalayan, na tunay ngang may mga kababayang minamaltrato ng mga dayuhan. Iba kapag nababasa sa pahayagan at napapa-nood lamang sa balita. Iba rin kung talagang makakausap mo na sila. Isa sa maraming tea breaks na napuntahan ko sa halos isang linggong pamamalagi ko sa Singapore, nakilala ko si Ate Ritz, isang tubong-Bacolod na makailang buwan nang namamasukan sa isa sa mga pinakamalaki at kilalang catering company sa Singapore. Sa katanuyan, napagsilbihan na ng ilan sa kanyang mga kasamahan ang ilang kilalang pulitiko sa Asya, mga kilalang personalidad sa musika at pag-aartista, at ang iba pang dumadalaw sa Singapore. “Iba talaga nang una akong dumat-ing dito. Siyempre, hindi mo maaalis ang homesick. Pero may mga kasama naman ako na dati ko nang kilala, kaya mas naging madali,” salaysay sa akin ni Ate Ritz. Nakikipag-usap lang kaming mga Pilipino sa kanya pagkatapos ng mery-

HINDI MADALING MAMUHAY sa lupang hindi mo sinilangan. Hindi madaling makipagsapalaran sa isang bayang hindi ka hiyang sa kultura, kaiba ang

kulay ng iyong balat sa nakararami, at may mga pag-uuga- ling hindi mo kinagisnan.

Isang pagsilip sa buhay ng mgaPilipinong migrante sa Singapore

ni JAMES PATRICK ALONZO likhang-sining ni Pol Layug lapat ni Jed Alegado

Pakikipagsapalaran Lupang sa

Dayuhan

PITIK-PUTAK

Page 49: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 49

dayuhang lupain. Halos 77.1% dito ang namamalagi at namamasukan sa mga bansa sa Asya kung saan pinakamalaking bahagdan ang nasa Saudi Arabia sunod ang Hong Kong at ang bansang Hapon. Bagamat maliit na bahagdan lamang ang nasa Singapore kung ikukumpara sa mga nasabing bansa, masasa-bing pawang magkakahawig ang karamihan sa mga suliranin at hinaing nila. Ilan na rito ang pangmamaltrato ng amo, panloloko ng kanilang recruitment agency, hindi tamang pasahod, at pagpapahirap sa pisikal at kahit emosyonal na antas. Upang mabigyan ng tulong ang mga Pilipino sa ibang bansa, nabuo ang maram-ing NGO o Non-Government Organizations at iba pang di-pormal na samahan ng mga manggagawang migrante na may iba’t ibang krusada. Isa na rito ay ang Migrant Voices na isa sa mga nakasalamuha ko tatlong araw matapos ako makalapag ng paliparan ng Changi. May mga kasapi itong taga-Indonesia at Thailand. May mga Pilipino ding kabilang dito – ang Tinig Pinoy, na kinabibilangan ni Ruby Cana at ng walo pang kasamahan. Ginagamit nila ang kanilang husay sa pagkanta upang makalikom ng pondong pantulong sa mga nangangailan-gang kababayang pinagsasamantalahan o inaabuso ng kanilang mga amo. Tapos na ang halos isang linggong pagbisita ko sa Singapore. Nais pa sana kam-ing ihatid nina Ate Ritz sa paliparan subalit hindi na kami nagpang-abot.Bago ako umalis, nakausap ko ang isang dalagang nagngangalang Melody. Kasing-edad ko lang, disinwebe, at kakarating lang sa Singapore limang araw pagkatapos nam-ing dumating. Puno ng pangamba ang tinig. Kwento pa nina Ate Ritz, iyak daw siya ng iyak tuwing gabi simula nang dumating siya doon. Namamasukan din siya sa kumpa-nya ng catering. Walang kasiguruhan kung magiging maayos ang kanyang pamamalagi roon. Walang nakaaalam kung magiging ma-palad ba siya sa pakikipagsapalaran o kaya naman sasawiin tulad ng marami sa OFWs na ating naririnig sa balita. Iba kapag narinig mo ang kwento mula mismo sa kanilang labi. Ang isang linggo ko sa lupain ng Merlion at Esplanade ay isang linggo rin ng pakikiisa sa hirap at sarap ng isang OFW sa Singapore. M

enda dahil kailangan niyang magtrabaho at maghain ng pagkain para sa mga gutom nang mga tao.Ayon sa kanya, sa Singapore, ang trabaho ay trabaho. Hindi kagaya ng mga Pilipino sa Pi-lipinas na masiyahin at nakakaya pang mag-biro habang may gawain, sadyang seryoso ang mga tao roon. “Ang nagiging problema lang naman, madali ka nilang husgahan dito,” pahabol pa niya. Dama din niya ang diskriminasyon sa kakayahan ng isang Pilipino doon. Kahit pa sabihing isa ang Singapore sa pinakapro-gresibong bansa na nagsusulong sa multi-racial rights at pagkakapantay-pantay ng bawat lahi (Intsik, Bumbay, Malay, at iba pa), laganap pa din ang pangmamaliit sa mga OFW doon. Minsan nga raw, nakaupo lang siya dahil tapos na sa pagsasalansan ng mga kubyertos na gagamitin, pinagalitan siya ng namamahala at sinabihang tinatamad siya. Noong isa namang beses kung kailan sinusubukan niyang paganahin ang lap-top ng isang kasamahan, kinutya siya ng kanyang mga among Singaporean at binalaang baka masira pa niya ito dahil paniguradong hindi naman siya marun-ong gumamit nito. Subalit taliwas ang pang-aaping ito sa nakita kong kasipagan ni Ate Ritz sa pagsisilbi sa mga tao sa halos limang araw naming pagkikita tuwing tea breaks. Kung tutuusin, isa siya sa mga nakaisip na ibigay nang naka-plato ang mga pagkain upang maiwasan na maubusan ang ilang taong nahuhuli sa pagpunta sa kainan. Sasabihing maliit at tila hindi naman nakabibilib ang kanyang naiambag, subalit nakita ko at ng mga kasama kong Pinoy na pagpapatunay na iyon na hindi maaaring matahin ang mga Pilipino, lalo na ang OFWs, dahil sa kanilang tiyaga at dedikasyon sa trabaho. Nang mapadmad naman ako sa Orchard Road at mapagpasyahang mamili sa Lucky Plaza, nakapanayam ko si Ate Maria at dalawa pang hindi na nagpakilalang Pinoy dahil sa mabilis lamang naming pakikipag-usap. Matagal-tagal na si Ate Maria sa Singapore. Dati siyang nagtrabaho sa isang pamilihan doon at ngayo’y nagkakahera na

sa isang bilihan ng damit sa Lucky Plaza. “Miss ko na din ang pamilya ko, lalo na ang mga anak ko. Siyempre kailangan kumayod para makapagpadala ng pera sa Pilipinas. Hindi naman kasi uusad ang buhay namin kung walang magla-lakas-loob na man-gibang-bansa,” susog pa niya. Gayundin, galing sa Batangas ang dalawa pang Pilipinong nakasalamuha namin. Nag-aasam sila ng mas maginhawang buhay sa Singapore at sa kalaunan, sa Aus-tralia kaya’t nakikipagsapalaran sila. Ang isa, nais pag-aralin ang mga anak sa magagan-dang paaralan sa Maynila para naman “sila’y magkaroon ng mas maraming oportunidad upang makapagtrabaho nang maayos”. Ang isa naman, bagamat binata, nag-iipon at nagpupundar para sa panahong pakakasalan na ang kasintahang namamasukan bilang caregiver sa Amerika, upang masiguradong walang aberya ang pamumuhay nila. Sa gitna ng pagkarami-raming

tindahan sa para bagang “Diviso-ria” ng Orchard Road, nakatutu-

wang isipin na maraming mga Pilipino ang nagsasama-sama tuwing gabi, kumakain nang sabay, at tila hindi iniinda na wala sila sa sariling bansa. Bagama’t milya milya ang distansya nila sa kani-kanilang pamilya, matatag naman nilang hinaharap ang hamon sa Singapore sa pamamagitan ng suporta mula sa sariling kababayan na naninirahan doon. Ayon sa pag-aaral ng NSO o Natio-nal Statistics Offi ce, pataas talaga ang bilang ng OFWs na nagtratrabaho sa ibang bansa. Noong Abril hanggang Setyembre lang ng taong 2004, mayroon nang 1.06 milyon nat-ing kababayan ang nakipagsapalaran sa mga

PITIK-PUTAK

Page 50: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200650

Malawakang PagtangkilikIsa si Mark sa libu-libong nagbaka-sakali. Kasama sa bilang na ito ang mga beteranong mang-aawit na sanay na sanay na sa mga patimpalak. Ngunit, ayon mismo sa huradong si Ryan Cayabyab sa isang panayam sa midya, mayroon ding mga nakilahok na hindi malimit matatagpuan sa mga singing contest, tulad ng mga negosyante, doktor, pinuno ng kompanya at iba pang propesyunal. Sa dami ng mga sumali, kapansin-pansin ang mainit na pagsuporta ng mga Pilipino sa Philippine Idol. Gaya ng mga naunang franchised shows na Pinoy Big Brother, Kapamilya Deal or No Deal at iba pa, maaaring maging tanyag din ang naturang palabas. Hindi na rin siguro magiging kagulat-gulat kung sisikat nga ang Philippine Idol sa bansa. Nagsimula ang seryeng Idol sa Pop Idol, isang palabas sa United Kingdom

na naglalayong matagpuan ang mga may talento sa pag-awit. Mula dito, tumubo ang mga Idol spin-offs. Pinakatanyag na siguro ang American Idol na isinahimpapawid sa halos buong mundo. Ang sistema ng serye, na kasalukuyang ginagamit din ng Philippine Idol, ay pag-aari ng FremantleMedia. Sa ngayon, higit 30 bansa na ang may prangkisa ng palabas na ito. Kabilang sa mga bansang ito ang Iceland, South Africa, Indonesia, Brazil, at Australia. Kasabay ng pagdating sa bansa ng Philippine Idol ay ang paghahanda ng ABS-CBN sa pantapat nilang Pinoy Dream Academy. Tulad ng Pinoy Big Brother na ipinalabas din ng nasabing istasyon, unang naisakonsepto ng kumpanyang Endemol ang palabas na ito sa pangalang Star Academy. Pumapangalawa ang Star Academy sa Pinoy Big Brother sa pagiging reality show na may pinakamalaking distribusyon sa buong

mundo. Saklaw nito ang ibang bansa sa Europa, Gitnang Silangang Asya, at maging Hilagang Aprika. Sa puntong ito, maitatanong kung ano nga ba ang dahilan ng mainit nating pagsalubong sa Philippine Idol at Pinoy Dream Academy gayong hindi na naman bago sa atin ang mga talent contest. Sanay na rin ang panlasang Pinoy sa samu’t saring uri ng reality show. Gaya-gaya nga ba talaga? Sa opinyon ng karamihan, hindi na bago sa mga Pilipino ang panggagaya. Madalas tayong manghiram ng mga dayuhang elementong maiaangkop sa sariling kultura. Minsan pa nga, gumagawa tayo ng tuwirang imitasyon. Bunsod daw ang mga kilos na ito ng kagustuhang makipagsabayan at makiuso sa ibang bansa. Muli, umaalingawngaw ang mga isyu ng kaisipang kolonyal at epekto ng globalisasyon. Ngunit, ganito na lamang ba? Tila parati na lamang binabahiran ng kaisipang kolonyal ang mga dayuhang bagay o gawi na kinahuhumalingan ng Pilipino. Mayroon pa kaya tayong ibang perspektibong maaaring pagbalingan? Maraming Pilipino ang naniniwala na likas na mahusay ang ating lahi sa larangan

nina CHE ABELINDE at GALILEE SEMBLANTElikhang-sining ni Earl Diaz lapat ni Mara Perez

BAGAMA’T MARAMING pagsusulit at papel na ipapasa sa mga susunod na araw, pinili ni Mark, isang mag-aaral ng Ateneo, na sumali sa audition ng

Philippine Idol ng himpilang ABC-5. Hindi niya inindang igugol ang buong araw sa pagpila at paghihintay sa halip na sa pag-aaral. Gusto lamang niyang sumubok; malay ba niya, baka siya ang mahirang na bagong idolo ng bansa.

Mga Isang pagsusuri kung

bakit nahumaling ang Pilipino sa mga

banyagang talent search

PatimpalakInangkat

na

KILATISTA

Page 51: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 51

ng musika at galaw. Higit pa sa magaling, parati nating sinasabi na kakaiba tayo - katangi-tangi. Subalit, tila hindi sapat ang paniniwalang ito — kailangan ng pagsanga-ayon mula sa pandaigdigang komunidad upang mapatunayan ang pananaw tungkol sa sariling kakayahan. Paggalang sa Kakayahang Pilipino Ngunit saan ba nanggagaling itong kagustuhang makilala ng mga dayuhang bansa? Ayon kay Fernando Nakpil Zialcita sa librong Authentic though Not Exotic, “One reason for this angst (in attempting to defi ne they’re cultural identity) may be that internationally there seems little respect for lowland Christian Filipino culture. We should take note of this because self-confi dence and respect by others reinforce each other.“ [Marahil isang dahilan sa pagkabagabag na ito (sa pagsubok na ilatag ang kanilang kultural na pagkakakilanlan) ang mistulang kakaunting paggalang sa Kristiyanong Pilipinong kultura mula sa pandaigdigang komunidad. Kailangan natin itong isaalang-alang dahil ang tiwala sa sarili at paggalang mula sa iba ay nagsusulong sa isa’t isa. Kung gayon, maaaring sabihin na usapin ng paggalang para sa ating lahi ang hinahangad na pagkilala sa galing ng Pilipino sa pandaidigang larangan. Hindi maikakailang kahit pa inihahanay ang Pilipinas sa mga bansang umuunlad,

nakakabit pa rin sa mga Pilipino ang pagiging mamamayang third world. Halimbawa na lamang ang pag-iisip ng ibang dayuhan na purong rural lamang ang mga pamayanan sa Pilipinas. Bagamat napakaliit ng saklaw ng mga palabas na tulad ng Philippine Idol at Pinoy Dream Academy upang sabihing isinasalamin nito ang saloobin ng sambayanan, hindi talagang maihihiwalay ang pagtangkilik natin sa mga palabas na ito bilang indikasyon ng hangarin nating makuha ang respeto ng ibang bansa.

Sa kabila nito, may panganib na masyado tayong malulong sa iisang batayan sa paghahangad ng respeto ng pandaigdigang komunidad. Maaaring sa puntong ito gagalaw na lamang tayo sa loob ng pamantayang inihain ng mga dayuhang hurado; na hindi na natin magagawang kumalas pa at maging orihinal. Magiging hilaw ang diwang Pilipino. Kaugnay ng negatibong aspetong ito ang paglalagay ng limitasyon sa pagkamalikhain ng ating lokal na industriya. Sa pag-asa natin sa mga dayuhang elemento, hindi na ginagawang pangunahing layunin ang pagbuo ng mga palabas na orihinal na gawang Pilipino. Isinasalamin ng pahayag ng GMA-7 ang pagsuporta sa kaisipang ito. Ayon sa mga opisyal ng istasyon, hindi nila kailangan na umangkat pa ng mga dayuhang ideya upang tumaas ang kanilang ratings. Sa panahon ngayon, hindi na maiiwasan ang pagtatalaban ng mga kultura. Dahil dito, hindi na rin mabubura ang mga katangian ng ating bayan na mayroong dayuhang pinag-ugatan. Maaari nating ituring ang mga ito bilang balakid sa pag-unlad ng diwang Pilipino. Subalit, kung may kolektibong pagkilos upang mapanatili ang diwang ito sa harap ng mga dayuhang elemento, mapaninindigan natin ang ating pagka-Pilipino. M

KILATISTA

Page 52: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200652

Sa ulo ng mga balita:

KRIMEN Ang pagdami ng mga balitang kri-men sa mga balitaang pantelebisyon at ang kaugnayan nito sa TV ratings

PAGSAPIT NG ALAS-SYETE ng gabi, kasabay ng pagkalansing ng kubyertos at pinggan, sabay-sabay na nagbabaga ang bawat pinilakang salamin sa bawat bahay at ang pag-arangkada ng mga balitang sing-init ng kanin. Kasabay ng bawat pagsubo

ng kaning nakapapaso ay ang mga tikhim at “excuse me po!” ni Mike Enriquez at ang pagsambulat ng mga maiinit pang dugo ng mga bagong biktima ng rambol sa Tondo. Sa paghigop ng manamis-namis na sabaw ng adobo ay ang umaalingasaw na paa o ulo ng isang bagong chop-chop na adik o ang kalat-kalat na kawasakan ng lasing na nasagasaan ng tren. Habang nginunguya ng mga batang pagod at gutom dahil sa pag-aaral (o paglalaro) ang kanilang masarap na ulam, sumasambulat ang balita ukol sa pagkatusok sa bakal ng isang obrerong nahulog sa isang ginagawang condominium. Nagiging karagdagang mga putahe na nga sa hapag-kainang Pilipino ang samu’t saring krimen sa bawat hapunan.

nina DIANE GALINATO at JJ GEPANAGA likhang-sining ni Marc Santos lapat ni Hub Pacheco

Sa bawat lulon ay nakapako ang ating mga mata sa balita ng bagong rambulan sa kanto, o sa ginahasang pamangkin, sa mga ulong duguan ng mga away-lasing, at mga ekslusi-bong kuha ng pot session ng mga menor-de edad na tambay sa kanto. Sa limang beses sa isang linggong pag-tutok sa 24 oras ng GMA 7, TV Patrol World ng ABS CBN 2, at Sentro ng ABC 5, mapa-pansing hindi lamang ang mga balita tungkol sa iringan ng mga pulitiko o ng bangayan ng administrasyon at oposisyon ang laman ng telebisyon. Hindi lamang ang nakalululang pagtaas ng presyo ng langis at gulay, o ng away-bati na ng ilang kilalang artista ang

panghimagas sa hapunan ng masa. Kaa-bang-abang din ang malaking bahagi ng mga balitang tungkol sa away kanto at mga madu-dugong aksidente at krimen ng bawat araw.

Dominasyon ng Telebisyon Ayon sa pagsasaliksik, may 3.7 mily-ong telebisyon sa Pilipinas noong taong 1997. Maaaring higit sa doble na ang bilang nito ngayong lubhang malawak na ang implu-wensya ng telebisyon bilang pangunahing pinanangga- galingan ng impormasyon ng publiko. Ayon sa NSO, mabilis umakyat ng bahagdan ang mga may telebisyon sa Pilipi-nas, at unti-unti nang lumiliit ang agwat ng

popularidad ng telebisyon sa dating nangun-gunang radyo. Kahit nagsulputan na ang iba pang uri ng midya (i-pod, internet, limewire, wi-fi , atbp) at kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, sa huli’t huli’y ang telebisyon pa rin ang “sandigan ng bayan”, ayon nga sa isang patalastas. At dahil sa isa sa mga bukal ng mahahalagang impormasyon ang balita, hindi nakapagtatakang maging kakambal na ng bawat hapunan ang pagtutok sa balita tuwing primetime: oras kung saan malak-ing porsyento ng publiko ay nakatutok sa telebisyon. Sa pinakahuling datos ng AGB Nielsen Media Research, isang pribadong kum-

KILATISTA

!

Page 53: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 53

panyang nagsusuri sa ratings para sa mga kumpanya sa midya, nagunguna ang 24 Oras (GMA7) sa labanan , na may 25.6% aver-age viewer’s share para sa buwan ng Abril, habang ang pangunahin nitong kakumpeten-sya, ang TV Patrol World (ABS-CBN2) ay may 20.4%. (Manila Bulletin Online), para sa Mega Manila. At kung pagmamas-dan, mula apat hanggang anim na balita tungkol sa rambulan sa kanto, patayan, at iba pang kagimbal-gimbal na balita ang ipinalabas sa 24 Oras. Lima hang-gang pito ang naman ang tampok sa TV Patrol, sa loob ng isang linggo. Sumasahimpapawid ang 24 Oras at ang TV patrol sa loob ng isang oras bawat araw, kung kaya’t ang bilang ng balitang krimen ay masasabing kumakain ng malaki-laking bahagi ng mga programang ito. Natatabunan lamang ang ganitong klase ng mga balita sa tuwing nagkakaroon ng mga mas nakayayanig ng mga pangyayari tulad na lamang ng pagkahuli sa ilang mga miyem-bro ng Magdalo at ng pagdating ng malakas na bagyong si Florita. Kapansin-pansin din naman na karamihan sa mga balitang ito ay hindi na muling ipinalalabas sa mga balitang programa sa hating-gabi. Higit na malalaking isyu at pangyayari lamang ang tinatalakay sa maiksing oras na ito.

Katotohanan O Sensasyonalismo? Ayon sa datos ng PNP o Philip-pine National Police, pataas ang bilang ng kriminalidad sa NCR. Sa unang kapat ng taong ito, mula sa 1327 kaso noong Enero, ay umakyat ito sa 1510 sa Pebrero at 1616 noong Marso. Nagkaroon ng halos 18% pagtaas sa kriminalidad. Kung gayon, hindi masisisi ang mga tagapagbalita na purgahin ng balitang tabloyd ang masa, kung tunay ngang maram-ing insidente ng krimen sa lipunan. Subalit ito lamang ba ang dahilan sa madalas din na pagpapalabas ng mga balitang krimen sa telebisyon? Hindi ba’t hindi mangyayari ang ganito kung walang namumuong pagtangki-lik mula sa mga manonood ang mga tagapag-

balita? Uhaw nga ba sa balitang karahasan at kakila-kilabot na mga pangyayari ang mga mamamayan?

Ang Masaklap na Balita Katotohanan. Ito ang laging ipina-pangako ng bawat istasyon sa kanilang mga tagasubaybay. Sa katunayan, sa ilang manonood na nakapanayam, tila ba higit na kinakagat ng masa ang mga patayan at rambulan dahil ito ang mga “katotohanag umiiral sa kanilang komunidad.” Ayon sa isang nakapanayam, hindi nangangahulugang ang ganitong uri lamang ng paksa ang nais nilang piliin. Sapat na ang patuloy na hagupit ng kahirapan at korupsyon para dagdagan pa ang kanilang araw-araw na dusa. Masasabing ang na-kararami sa mga manonoood ng 24 Oras, TV patrol, at Sentro ay kabilang sa masa. Para bang hindi tumutugma sa mga katoto-hanan ng masa ang pagtaas ng GNP o Gross

National Product, pagdami ng oportunidad sa trabaho o ang banta ng komunismo. Ang ganitong mga klaseng balita ay hindi naman lubusang nauunawaan lalo ng hindi tuwirang “nakararamdam” nito - sapat upang ang mga balitang ito’y hindi umiral sa kanilang mga katotohanan. Malimit ay para bang kasi-nungalingan ang mga balita ng pag-unlad, lalo na’t balot pa rin sa matinding kasalatan ang hapag ng Pilipino. Bakit mo nga naman tatangkilikin pa ang mga balitang pakiram-dam mo ay binibilog lamang ang iyong ulo? Ngunit ang mga patayan, droga, kaguluhan sa lansangan, ang pagdanak ng dugo, at pagkawasak ng pamilya ay konkretong-konkreto at damang-dama. Kadalasan, ang mga ito ay kanila pa

mismong nararanasan, kaya’t huling huli nito ang panlasa ng masang manonood. Lumalabas na ang pagtangkilik ng masa sa mga ganitong uri ng balita ay pagpapa-totoo lamang sa kaguluhan at kahirapang kasalukuyang umiiral sa lipunan. Ito para sa kanila ang mas totoo kumpara sa mga usaping naririnig nila sa kanang tenga at lumalabas lang sa kaliwa dahil hindi naman tuwirang nauunawaan. Isang salik na rin dito ay ang kakulangan ng sapat na edukasyon. Ayon nga sa 2003 sarbey ng NSO, 84% ang functional literacy sa bansa. Idagdag pa rito ang kakulangan ng mga kinauukulan na ipaunawa sa mga mamamayan ang mga ganito

kahalagang isyu na madalas ay lumulu-tang-lutang lamang sa kaisipan – mga konseptong tulad ng infl ation rate at world market. Huling Hapunan Hindi ba’t mas mabenta sa marami ang ulam na ‘mura’ bagama’t may pait at lansa kumpara sa mga pagkaing ‘mamaha-lin’ ngunit hindi naman kaya ng bulsa at `di naman hiyang sa panlasa? Ganito rin yata ang pagtangkilik sa mga balita. Mas ma-benta ang mga balitang krimen - kay daling abutin ng pag-iintindi, bagama’t madalas na nakakikilabot at nakasusuka, kaysa mga balitang sangkap ang mga eleganteng salita na hindi naman tarok ng pang-unawa.

Ano pa nga ba ang ihahanda sa hapunan ng masa kung hindi iyong mas malasa. M

KILATISTA

Page 54: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200654

Gabay: organisasyong para kay Kristo at sa kapwa Ang Gabay ay isang organisasyong nabibilang sa SOA o Socially Oriented Orga-nizations of the Ateneo. Nais nitong bumuo ng komunidad ng mga tao-para-sa-kapwang kumikilala kay Kristo bilang ganap na tao-para-kapwa at sumusunod sa Kanyang mga aral. Layunin nitong itaguyod ang pangka-buuang pagkahubog ng pagkatao ng mga kasapi nito. Upang magampanan ang mga tungkulin ng pagiging tao-para-sa-kapwa at maabot ang pangkabuuang pagkahubog ng mga kasapi, tumutulong ito sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Pumupunta ang mga kasapi sa mabababang paaralan ng Project 3 at Balanti at tinuturuan ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang na makapasa sa entrance exam ng matataas na paaralang pang-agham. Tahanang organisasyon din ng mga iskolar ang Gabay, bagaman hinihikayat din nitong sumali ang mga hindi iskolar. Hangad nitong matulungan sila sa kanilang pag-aaral sa Ateneo. Mayroong mga di-pormal na pag-

tuturo, tulong sa pagsusulit, pagpapahiram ng mga aklat, seminar at formation session, e-group ng iskolar, pahayagan at Scholar Awareness Day. Gabay rin ang nangan-gasiwa ng discount coupon ng mga iskolar sa AMPC. Bukod dito, isa ang Gabay sa mga inaasahan ng ilang mga tanggapan sa kole-hiyo tulad ng Sanggunian ng mga Mag-aaral, Offi ce of Student Activities, College Guid-ance Offi ce, at iba pa pagdating sa pakiki-sangkot sa mga problema ng lipunan at pag-tulong sa ilang mga mag-aaral sa kolehiyo. Naturingan mang naiiba ang kultura nito sa iba, ginagamit itong lunsaran ng orga-nisasyon upang maipakita ang kaugalian at kahalagahan nito sa komunidad ng Ateneo. Sa maalab na pagtataya nito, mara-mi na ring naaning tagumpay at pagkilala ang organisasyon. Kinilala na ito bilang Best Org, Best Project of the Year, Best SOA Org, atbp. Noong Mayo ng taong 2004, hinirang ng National Youth Commission ang Gabay bilang isa sa mga sampung natatanging organisasyon sa NCR para sa proyekto ni-

tong “Gabay Tutoring Program” at “Gabay Scholarship Program.”

Gabay: tatlong dekada ng pagtataya Sa katunayan nga, tatlong dekada nang nagtataya at naninilbihan sa lipunan ang Gabay. Isa ito sa mga pinakamatandang organisasyon sa Ateneo na nananatiling aktibo. Itinatag noong 1976 ni Gng. Chit Concepcion kasama ang ilan pang mga mag-aaral, unti-unting lumaki at nakilala ang orga-nisasyong ito sa buong komunidad ng Ateneo. Bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga iskolar na nagsimulang makapasok sa Ateneo, nakipagpulong si Fr. Bienvenido Nebres, dekano noon na ngayo’y pangulo na ng pamantasang Ateneo de Manila, kina Gng. Concepcion at hinikayat silang magtayo ng isang organisasyong tutugon sa pangan-gailangan ng mga unang iskolar ng Ateneo. Tila sila ang nagsisilbing “tahanan” ng mga mag-aaral na mga ito. Tinipon nila ang mga iskolar at nabuo ang Gabay na noon ay may layuning tumugon sa mga pangangailan-gang pang-akademiko ng mga iskolar. Ito rin ang tumulong sa pag-angkop ng nasa-bing estudyante sa naiibang komunidad ng Ateneo. Isinagawa nila ito sa pamamagitan ng sistema ng pakikipagkapatiran kung saan may ate o kuya ang bawat iskolar na maaari nilang lapitan at hingan ng tulong. Mula sa pagtugon sa mga pan-gangailangan ng mga kasapi nito, nakita ng Gabay ang panga-ngailangang tumugon naman sa tawag ng lipunan - ang pakiki-sangkot at pagtulong sa mga taong naaapi na ng iba. Nagsimulang dumalaw at tumulong ang Gabay sa mga institusyon at ospital na

Ayon sa kasabihang tanyag, ang Atenista ay, higit sa lahat, tao-para-sa-kapwa. Ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang matugunan ang tawag

ng lipunan. Sinusubukan niyang makisali sa paglutas ng mga suliraning pambansa – sa edukasyon, sa kalusugan, sa pabahay, atbp. Nakikihalubilo siya sa mga maralita at naaapi at sinisikap na matulungan sa kanilang pasanin. Na-kikiisa siya sa kanila. Sapagkat sa simula’t sapul pa lamang, isa na siya sa kanila. Ganito ang isang Gabayano.

ni MAKI LIMlikhang-sining ni Ekai Ticonglapat ni Hub Pacheco

Gabay: ni MAKI LIM

abay:Sa Ikatatlumpung Taon Nito ng Pagtataya

Paano ba naglakbay at maglalakbay pa ang organisasyong ito?

DUGONG BUGHAW

G

Page 55: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 55

naglilingkod sa mga mahihirap at may-sakit o kaya naman’y may kapansanan tulad ng National Orthopedic Hospital, Cribs at iba pa noong mga unang taon ng dekada otsenta. Pagkaraan ng ilang taon, nagbago ang erya o lugar ng pinagliling-kuran ng Gabay at nakita nitong higit na makatutulong ang organisasyon sa sulira-ning panlipunan kung tutulong ito sa paghubog at pagbibigay-kaalaman sa mga batang nag-aaral sa mga pam-publikong paaralan. Sa pagtatapos ng dekada otsenta, nagsimulang magpalit ng erya at nagturo ang Gabay dala-dala ang edukasyong Heswita sa mga paaralan tulad ng Mababang Paaralan ng Barangka, Belarmino at T. Alonzo. Sa paglipas ng taon, ang paglaki ng samahan at ang patuloy na pagtubo nito sa ginagawang pagtataya ang nag-ing daan upang higit na maging maisaay-os at mapagtibay ang organisasyon.

Yabag: pagdiriwang sa ika-30 taon Ngayong ika-30 taon ng Gabay, nais nitong paigtingin pang lubos ang pagli-lingkod nito sa komunidad ng mga kasa-lukuyang Gabayano, Gabay alumni, mga mag-aaral na tinuturuan nito, iskolar, at ang buong pamantasan.Neofi ght: Upang mapabuti ang kakayahan sa klase at buhay pang-akademiko ng mga iskolar, lalo na ng mga nasa unang taon, nag-karoon ang Gabay ng Neofi ght noong ika-22 ng Hulyo, 2006 na nagbigay ng iba’t ibang istratehiya at diskarte sa buhay kolehiyo. Gabay Student Congress: Inihahandog ng Gabay ang proyek-tong ito sa buong Ateneo upang maitaguyod ang kamalayang panlipunan ng mga Atenista sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at maiinit na talakayan ukol sa mga paraan kung paano magiging tao-para-sa-kapwa ang mga Atenista. Nauukol ang taong ito sa pagbibigay ng panahon para sa mga mag-aaral na magsagawa ng pananaliksik na siyang pagpipilian, tatalakayin, at ilalathala sa pangalawang semestre.Area Alternative Class Program (ACP): Hindi humihinto ang pagkahubog ng isang tao sa loob ng silid-aralan. Hindi makakamit ang pang-kabuuang paghubog kung makukulong lamang sa mga asigna-turang pinag-aaralan sa paaralan. Dahil sa pagnanais ng Gabay na mabigyan ang mga batang mag-aaral ng pagkakataong mahasa ang iba pa nilang kakayahan, inihahandog g Gabay ang Alternative Class Program. Sa loob ng isang Sabado, magkakaroon ng iba’t ibang pang-ensayo sa nakatagong kakaya-han (katulad ng dance workshop, acting

workshop, atbp.) para lamang sa mga batang mag-aaral. Magbibigay ang araw na ito ng pagkakataon sa mga Gabayano, lalo na sa mga hindi nakapagtuturo upang makalapit ang mga batang mag-aaral.Gabay Alumni Homecoming: Hindi dapat makaligtaan ang Gabay Alumni sa pagdiriwang ng ikatlong dekada sapagkat kasama sila sa pagtataguyod at pag-papatibay ng organisasyon. Sa pamamagitan ng isang gabi ng salu-salo at kasiyahan, gugunitain ang mga alaala at karanasan ng mga kasapi ng Gabay sa loob ng 30 taon. Imbitado ang lahat ng Gabayano – noon at ngayon.

Memorabilia for Sale: Maglalaan ang Gabay ng dalawang linggo para sa pagbebenta ng mga memora-bilia item na may temang: Gabay sa Ikatat-lumpung Taon Nito. Ipagbibili ang mga damit, tasa, pin, ID lace at istiker. Ipagbibili ito sa presyong sulit. Idadagdag sa pondo ng Gabay ang kikitaing pera.

Patuloy na pagtataya Hindi natatapos sa tatlumpung taon ang pagtataya ng Gabay. Patuloy nitong pinagsisilbihan ang lipunan. Upang maipag-patuloy ang pagiging tao-para-sa-kapwa at maitaguyod ang pangkabuuang paghubog ng mga kasapi, nagtayo ang Gabay ng limang komite.Academics Committee Ang mga Academe ang nagtataguy-od ng mga programa upang matulungan ang mga kasapi sa kanilang pang-akademkong pangangailagan. Ginagawa nila ito sa pama-magitan ng pangangasiwa sa Acad Session,

BBB Challenge, Book Lending, Sample Exams Lending at Acad Trivia.Education Formation Committee Naglalayon ang komiteng EdForm na palawakin ang kamalayan ng mga Gabayano. Hinuhubog nila ang mga kaisipan ng mga kasapi upang maging malay at aktibo sa mga usaping pampu-litika at panlipunan. Minumulat nila ang mga kasapi sa pamamagitan ng Coffee Session, Baliktanaw, Wall of Jericho at Takure.Education Operations Committee Ang komiteng ito ang nangangasiwa sa apat na erya ng Gabay: ang Tutor-ing, Modules, Scouting, Documenta-tion and Guidance, at Marketing. Sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng Prepare, Home Visit, Take Kids Out at Area Processing, sinisikap ng EdOp na tulungan ang mga Gabayano na maging handa para sa pag-eerya, mapalapit sa mga bata, at lubusang maunawan ang kahalagahan ng pag-eerya.Social Adjustment Committee

Ang SA ang nangangasiwa sa mga gawaing tumutulong sa mga kasaping maiangkop ang sarili sa buhay-Atenista at buhay-Gabayano sa pamamagitan ng mga piging at bonding session. Pangunahing proyekto ng SA ang Angel-Soul Scheme kung saan pinapareha ang mga bagong miyembro (soul) sa mga lumang miyembro (angel) upang magabayan sila nang mabuti at ma-padali ang pakikiangkop sa bagong kapaligi-ran.

Spiritual Formation CommitteeAng SF ang nangangalaga sa ispiritwal na kalagayan ng bawat Gabayano. Tumutulong silang palaguin ang relasyon ng bawat kasapi kay Hesus. Ipinapalaganap nila ang Kanyang salita upang tapat na sumunod ang mga kasapi sa mga utos Niya. Inilalapit nila ang mga kasapi sa Panginoon sa pamamagitan ng Date with Kuya Jess, Cell Meeting, Retreat at Banal na Misa sa ilang okasyon.

Patungo sa kinabukasan Sa bawat Gabayanong nagtapos sa kolehiyo at lumilisan sa organisasyon, na-katatak ang mga alaala ng pagtataya kasama ang isang pamilyang kumalinga sa kanila. Sa kanilang paglisan, nag-iiwan sila ng mga bakas ng kanilang pagtataya na siyang nagsisilbing gabay ng mga nakababata nilang kapatid sa samahan upang ipagpatuloy ang mga simulain ng organisasyon. Sa bawat kasapi ng pamilyang ito, buhay pa rin ang pagsisikap na maging Gabayano habambu-hay at maging isang tao-para-sa-kapwa tulad ni Kristo.

DUGONG BUGHAWBBB Challenge, Book Lending, Sample

Page 56: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200656

FFBinigyan niya ng tig-isang sampaloc ang mga bata. “Kids, taste the sampaloc (Mga bata, tikman n’yo ang sampalok),” utos ng guro. Sumunod ang mga bata, at, napangiwi sila. “Ma’am, ang asim!” Nagpamigay pa ang guro ng ibang mga pagkain, at nagpatuloy ang eksperi-mento. Ilang linggo ang lumipas, nagbigay ng maikling pagsusulit ang guro ukol sa eksperimento.

“Identify the taste of sampaloc (Tukuyin ang lasa ng sampaloc),” unang tanong ng guro.

“Ma’am, in English po ba?”

“Yes, in English (Oo, sa Ingles),” sabi ng guro. At umasim ang mukha ng mga estudy-ante, dahil hindi nila alam na ang Ingles pala ng “maasim” ay sour. Tulad sa nabanggit na halimbawa ang nangyayari sa mga paaralan sa Pilipi-nas ngayon. Likas na matalino ang Pilipino, alam ang sagot sa mara-ming bagay. Subalit napipilitan silang salain muna sa Ingles ang kanilang mga ideya, sa halip na hayaang palaguin ang mga ideya sa natural na paraan gamit ang kanilang wika. Habang pinipilit isa-Ingles ang mga leksyon sa paaralan, dahil daw higit na pangmatalino kahit pili-pili-pit naman, napipigilan ang pagyabong ng kanilang katalinuhan. Sang-ayon ang maraming Pilipino, o marahil sa paraang di-hayagan, na higit na “pangmatalino” ang Ingles kaysa Filipino.

Halimbawa, minsan akong sinabihan ng kaibigan ko na kapag may kausap daw ako sa telepono lalo na’t hindi ko kilala nang per-sonal, kailangan ko raw kausapin sa Ingles, upang tunog-matalino ako. Kailangan daw bigkas-Amerikano pa. At hindi lamang sa sit-wasyong ganito ito makikita. Para sa mara- ming Pilipino, kung magaling kang mag-Ingles, matalino ka o dili kaya’y kabilang sa mayamang pamilya. Kung ihahambing nga ang mga Ingliserong baluktot mag-Filipino, at ang mga magaling mag-Filipino pero pili-pit ang Ingles, tiyak higit na katanggap-tang-gap ang nauna. Para sa mara- ming Pilipino, katawa-tawa ang hindi marunong mag-Ingles, maski para sa kanilang hindi mismo marurunong. Tatak daw kasi ng edukasyon ang kahusayan mag-Ingles. Masusukat ba sa wika ang pagiging edukado ng isang tao? Hindi - sa parehong dahilan na hindi sukatan ng talino ang lahi o relihiyon. Walang magaling na wika, dahil may sariling kakanyahan ang bawat wika bilang bahagi ng identidad ng bayan. Hindi tanong kung mas malakas o mas mahina ang Filipino sa Ingles. Ang tanong ay: sino ba tayo? Kahit anong pagpilit ang gawin natin sa ating dila, Pilipino tayo. Taglay ng wika ang mga impluwensya ng kultura at kaisi-pang mula pa sa ating mga ninuno. Sa gayon, taglay ng Filipino ang ating pagka-Pilipino. Kung may wika mang lubos na makapagpa-paunawa sa Pilipino ng karunungan, dahil sa kanya ito, ito ay Filipino. Bakit kailangang salain sa Ingles ang karunungan? Bigkasin natin ang dunong gamit ang wikang alam natin!

Nakaiinsulto at nakapanggigil ang dahilan kung bakit atat ang mga Inglisero at ang tuta nitong gobyerno — ang gobyerno — na papaghusayin ang Ingles ng mga Pilipino. Sipi ang mga sumusunod mula sa website ng PEP o Promoting English Profi ciency:Manpower has always been considered as the Philippines’ competitive advantage. The Filipino worker is considered an asset in organizations worldwide because of his/her creativity, diligence, adaptability, and ability to communicate in English. The global consultancy fi rm Frost and Sullivan observes, “The Philippines is set to be among the largest markets for contact centers in Asia Pacifi c in the next fi ve to seven years… due to high English literacy rate and low labor costs. Samakatuwid, kailangan daw nating mag-Ingles upang makapagtrabaho sa ibang bansa. O kung babaliktarin natin ang simuno ng pangungusap, kailangan daw nila tayong mag-Ingles upang makapagtrabaho—sa ma-daling sabi, maging utusan—sa mga bansang Inglisero. Ano pa raw ang hahanapin nila sa Pilipino? Bukod daw sa magaling nang mag-Ingles (o madaling turuan ng Ingles?), mura pang humingi ng suweldo. Para saan ba ang edukasyon, kung kaya’t pilit tayong sinasanay mag-Ingles sa paaralan? Pangunahing layunin sa pag-aaral ang pagkamit ng karunungan; hindi pagkatu-to ng anumang wika, bagaman instrumento ang wika sa pag-aaral. Nakalulungkot ang dahilan kung bakit tayo pilit na hinahasa sa pagsasalita sa Ingles: hindi lamang upang matuto tayo, ngunit upang maging call cen-ter agent dito, o nars, caregiver, o titser sa ibang bayan. Nauunawaan ko na mahalaga ang mga trabahong ito para sa marami, ngayong napakahirap kumita ng pera sa Pilipinas. Subalit hindi natin dapat kalimutan na hindi tayo nag-aaral para lamang sa hangaring makapunta sa ibang bayan. Para saan ang edukasyon? Para ito matutong tumayong mag-isa ang isang tao, nang sa gayo’y mabu-hay siya nang masagana. Para ito sa pag-gamit niya ng karunungan para sa kanyang sarili at para sa kanyang bayan. Hindi nari-yan ang edukasyon para magsilbi ng dayu-han, kaya bakit kinakailangang mag-Ingles? Kailangan ito kapag nakipag-usap na sa dayuhan, ngunit para sa pagkatuto sa paaralan, mainam pa rin marahil ang Fili-pino. Kung kaya’t Filipino pa rin!

Si Paterno Esmaquel II (III-AB Communica-tions) ay kasalukuyang Inquiry Editor ng The GUIDON.

Sa pag-aaral,

MINSAN, may gurong nagturo sa Unang Baitang tungkol sa apat na uri ng lasa: matamis, maalat, maasim, mapait. May dala siyang mga pagkain

upang pag-eksperimentuhan ng mga bata.

pa rin ni PATERNO R. ESMAQUEL IIlapat ni Hub Pacheco

ilipinoDUGONG BUGHAWDUGONG BUGHAW

FFFSaF

Page 57: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin 57

Salamat na rin sa pangingilatis ni Padre Ben Nebres, nakita natin na ang isang ugat ng ka-hirapan na maaaring supilin ay ang kawalang kakayahang makibahagi sa mga produkti-bong proseso ng lipunan ng mga api. Ang isa sa pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng mga naisantabi ng lipunan ay ang kanilang kawalang kakayahang maunawaan ang mga sistemang panlipunan at makibahagi dito sa isang paraang mabunga para sa kanilang hangaring makamit ang makataong buhay. Ngayon na nauunawaan natin ang suliraning ito, tinutukan ng unibersidad ang pagbibigay sa mga aping komunidad ang pagkakataong maging produktibo at ma-likhain sa pamamagitan ng pagbubukas ng pinto ng malikhaing pakikibahagi sa ating mundo. Nakita natin na ang pagbubukas ng produktibong pakikibahagi ay nagsisimula sa pagkamit ng mabuting edukasyon (sa ACED at Pathways), pananatiling malusog, at pag-tayo ng tahanan at maayos na pamayanan (sa Gawad Kalinga). Ang mga programang ito ay bahagi ng kilos na nagpapatibay ng kakayahan ng mga api na lumikha ng mabut-ing buhay para sa kanilang sarili. Produktibo at malikhain ang taong malusog. Mapayapa at may pag-asa ang taong may tahanan at komunidad na tahimik. May kakayahang makisangkot sa mga proseso ng produksyon at pag-unlad ang taong nakapag-aral. Tunay ngang kahanga-hanga ang ginagawa ng unibersidad para sa mga naisantabi, at hindi mapagdududahan ang halaga nito. Tiyak na may mga buhay na makakaahon mula sa karahasan ng kahi-rapan tungo sa buhay na may dignidad at kapayapaan. Subalit, bagama’t tinutulungan na natin ang mga mahirap na magkaroon ng kapangyarihang baguhin ang kanilang

buhay, masasabi pa rin natin na may isang mahalagang tanong na tila hindi na masya-dong binibigkas: bakit walang kakayahan ang mahihirap makamit ang mabuting buhay? Totoong tinutulungan natin ang mga mahihi-rap na makamtan ang kanilang kapayapaan, kakayahan at kalusugan, subalit tila hindi na natin inuusisa ang ugat ng kanilang kawa-lan ng kakayahan. Bakit nga ba kailangang tulungan ang nakararami na magkaroon ng hanap-buhay? Bakit nga ba kailangan ang ating tulong para makapagpatayo ng bahay at makapag-aral? Hindi natin kinailangan ng kanilang tulong para makamit ang ating pa-mumuhay. Anong wala sila at anong meron tayo? Sabi ng isang slogan na “Hindi Makakarating sa Himpapawid ang Atenista nang Wala ang Mahirap.” Ang nais nitong ipahiwatig ay hindi tayo makakalipad sa tuktok ng ating kadakilaan kung hindi natin tinutugunan ang pagdurusa ng mga api. Subalit may ibang maaaring kahulugan ito. Maaari nitong sabihin na hindi tayo makakalipad sa ating tagumpay kung hindi manatili ang mga api sa anino ng ating mga pakpak. Hindi ito ang intensyon ng slogan subalit may katotohanan ang ganitong pagbasa. Kung tutuusin, ang balikat na tinutungtungan ng katanyagan ng Atenista ay ang balikat ng nakararaming mahihirap. Buntong-hininga ng pagdurusa ang hangin na nagdadala sa atin sa asul na himpapawid. Bakit? Simpleng matematika lang ito. Para mapaaral ang isang Atenista, kinakailangan ng kanyang mga magulang na kumita ng Php 100,000 para sa matrikula, Php 4,000 kada buwan para sa baon, at ilang libo pa para sa pagbili ng kotse, damit, at libro. Minsan may Php 5,000 renta pa. Para kitahin ito, kinakailangang taasan ang presyo ng langis at panatilihing mababa ang pamasahe; taas-an ang presyo ng bilihin para mapataas ang suweldo at benepisyo ng mga nagpapatakbo ng kompanya habang pinapanatiling mababa ang suweldo ng manggagawa at pinalalaga-nap ang kawalan ng seguridad sa trabaho sa kontraktwalisasyon; at taasan ang presyo ng mga pataba at kagamitan sa sakahan habang pinabababa ang presyo ng mga bilihin. May nagbabayad sa magandang buhay at edu-kasyon ng Atenista, at ito ang mga anak ng mga naisantabi ng lipunan. Kaya hindi sila nakakapagpatayo ng bahay, at nakakapaga-ral, at nakakaalaga ng kanilang kalusugan ay dahil nagbabayad sila para sa ating kasa-

ganahan na ginagawang posible ang ating katanyagan. Sinasabi ko ito hindi upang malunod tayo sa kahihiyan o pagsisisi. Paalala lang ito na ang sagot sa kahirapan ay nakaugat sa pagpapatupad ng katarungan sabay sa pagkakawang-gawa. Totoo, kakaiba ang pagkakawang-gawang isinasatupad natin dahil kasabay nito, bumubuo tayo ng mga kapasidad sa mga taong inagawan ng kakayahan ng lipunan. Subalit, ano mang pagkakawang-gawa ang isinasagawa natin, kung wala itong kaakibat na kata-rungang panlipunan, hindi rin natin ganap na matutugunan ang pagpapalaya ng mga nakakulong sa kahirapan. Kasabay ng ating kilos ng pagtubos ng mga mahihirap mula sa mga epekto ng kawalang katarungan sa mga sistemang pampolitika at pang-ekonomiya, kailangan nating hamunin ang mga insti-tusyong panlipunan na maging makatarun-gan sa mga naisantabi. Sabay sa paghamon sa kanila na mamahagi mula sa kanilang kalabisan sa mga programang panlipunan, kailangan nating hamunin ang mga korpora-syong ito na maging makatarungan sa mga taong pinakikinabangan nila. Hindi sapat ang ating pagsisikap patatagin ang kakayahan ng mga naisantabi kung ang mga strukturang kababahagian nila ay hindi magiging makatarungan sa kanila bilang mga kasapi at kapwa manggagawa sa paglikha ng pag-unlad. Hangga’t walang katarungan sa mga sistemang ito, gaano man tayo maging mapagkawang-gawa, ang maaasahan lang ng mga naisantabi ay limos at mananatili silang nakasalalay sa atin para sa kanilang pag-unlad—sa kanilang kalusu-gan, tahanan at dignidad. Alam kong may maraming magsas-abi na lumang usapan na ito. Usapang mark-sista marahil ang makikita nila dito. Subalit mas luma pa ang pinagkukunan ng ganitong pag-iisip dahil sabi nga ng pinakaradikal na rebolusyonaryo: hindi sapat magbigay lamang mula sa ating kalabisan, kailangang magbigay mula sa ating kakulangan. Ang pag-aalay sa naisantabi ay hindi lamang isang paglimos mula sa ating kalabisan kundi pagbabalik ng utang ni Zachaeus. Si Dr. Agustin Martin Rodriguez ay ang kasalukuyang Faculty Development Coordi-nator ng Loyola Schools. Siya rin ang kasalukuyang Tagapamagitan ng Matanglawin.

NAKAKATUWANG maging Atenista sa panahong ito. Bagama’t hindi kailanman namamatay sa diwa’t kilos ng Atenista ang kanyang pagkakawang gawa, sa mga nakaraang taon tila nakatuk-las tayo ng isang malinaw na direksyon sa ating pagling-kod sa bayan.

Pagbalik sa Katarunganni Dr. Agustin Martin Rodriguez, Kagawaran ng Pilosopiya

DUGONG BUGHAWDUGONG BUGHAW

Pagbalik sa Katarungan

Page 58: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200658

Sigaw ng Katotohananni Lester Yee

Saanman ako bumalingIka’y naroroonIlaw ng tahanang nananatiling bukas,Bumabasag sa kadiliman ng gabiBakanteng upuan sa hapagkainanUlilang sanggol at biyudaPlumang naubusan ng tintaKanang tsinelas na naiwan sa Mendiola

Nawawalang tinig sa sigaw ng madla,Himig ng katotohanang dala-dala…

Tanda na pumanaw ka na.Panlilinlang, pagkagutom, pagpatay,Kasinungalingan…Susundin ko ang naiwan mong landas.Mabubuhay ka sa akin

Piglasni Ekai Ticong

Dadalhin ng pusong nag-aalab ang mga paa sa lansanganKakawala sa tanikala ng katahimikan…Lalabas at sisigaw mula sa kawalang pag-asaIpaglalaban ang karapatan

Ngunit…Dudustain at pahihirapan ang walang kalaban-labang katawanKikitlin ang pinanghahawakang munting identidadSasagarin hanggang maubos ang dignidadBubulagin ang mulat nang mga mataPatatahimikin.

Subalit…Ito ang magiging hudyat ng isang malaking pagkagisingng Bayang nahihimbing

BAGWIS

likhang-sining ni Marc Santos

Page 59: Matanglawin tomo31_blg2

Hunyo - Agosto 2006 | Matanglawin

SECTION HEADER

59

Page 60: Matanglawin tomo31_blg2

Matanglawin | Hunyo - Agosto 200660

SECTION HEADER

www.matanglawin.org