Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo (FILIPINO SECONDARY)

12
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino I I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. nakapagbabahagi ng matatalinong hula at mga ideya tungkol sa mahalagang kaisipan sa akda; B. natutukoy at naiuugnay sa tunay na buhay ang mga aral na masasalamin sa teksto; C. nakabubuo ng isang salawikaing naglalahad sa mensahe ng Parabula; at D. masiglang nakalalahok sa talakayan at mga gawain. II. Paksang-Aralin: A. Paksa: “Ang Panaginip” halaw mula sa Bibliya B. Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino pp.156-157 C. Kagamitan: Sipi ng Parabula at Flat Screen TV III. Pamaraan: (DRTA) Gawaing-Guro A. Panimulang –Gawain 1. Pagganyak Klas, anu-ano ang mga napanaginipan ninyo kagabi? Tiyak kong maraming kinilig sa panaginip na iyon ni Adelyn. Ngayon,ikaw naman Kathlyn,ibahagi mo nga sa amin ang iyong napanaginipan? Okey! Wika nga sa wikang English “With God, nothing is impossible,” ang mahalaga patuloy ka lamang mangarap, magsikap at gumawa ng naaayon sa kagustuhan ng Panginoon para makamtan mo ang panaginip na iyon. Ang lahat ng inyong ibinahagi Gawaing-Mag-aaral Sir napanaginipan ko pong sinulatan ako ng crush ko. Napanaginipan ko pong ako na ang bagong halal na pangulo ng Pilipinas Sir.

description

DRTA Type of Lesson Plan ng Filipino Major

Transcript of Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo (FILIPINO SECONDARY)

Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturong Pagbasa sa Filipino II. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:A. nakapagbabahagi ng matatalinong hula at mga ideya tungkol sa mahalagang kaisipan sa akda;B. natutukoy at naiuugnay sa tunay na buhay ang mga aral na masasalamin sa teksto;C. nakabubuo ng isang salawikaing naglalahad sa mensahe ng Parabula; atD. masiglang nakalalahok sa talakayan at mga gawain.

II. Paksang-Aralin:A. Paksa: Ang Panaginip halaw mula sa BibliyaB. Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino pp.156-157C. Kagamitan: Sipi ng Parabula at Flat Screen TV

III. Pamaraan: (DRTA)Gawaing-Guro

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

Klas, anu-ano ang mga napanaginipan ninyo kagabi?

Tiyak kong maraming kinilig sa panaginip na iyon ni Adelyn. Ngayon,ikaw naman Kathlyn,ibahagi mo nga sa amin ang iyong napanaginipan?

Okey! Wika nga sa wikang English With God, nothing is impossible, ang mahalaga patuloy ka lamang mangarap, magsikap at gumawa ng naaayon sa kagustuhan ng Panginoon para makamtan mo ang panaginip na iyon.

Ang lahat ng inyong ibinahagi ay may kaugnayan sa ating aralin sa hapong ito.

B. Paglalahad

Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang isang Parabula. Ito ay hinati ko sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may kalakip na katanungan na inyong sasagutin o huhulaan bago basahin ang bahaging may kaugnayan sa tanong na ibinigay. Ang proseso ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang pagtalakay sa teksto.

Naunawaan ba klas?

C. Pagtalakay

Klas base sa katanungan at mga sagot ninyo kanina, ano sa tingin ninyo ang pamagat ng parabula na ating tatalakayin?

Okey, alamin natin kung tama ang inyong hula. Basahin nga ng malakas ang nasa slide, Marlon.

Tama ba ang inyong hula klas?

Mahusay!

Batay sa pamagat, ano sa palagay ninyo ang nilalaman o pinapaksa ng parabula, Lickrish?

Okey! Maliban sa sinabi ni Lickrish, ano pa sa tingin mo Sherrel?

Napakagaling ng inyong ibinahagi! Okey, masasagot natin mamaya kung tama ang inyong mga hula pagkatapos nating matalakay ang buong akda.

Ngayon klas, kilala niyo ba kung sino ang panlabing-isang anak ni Jacob na taga-Canaan??

Tama! Ano sa palagay ninyo ang napanaginipan ni Joseph, Laila?

Maliban doon, ano pa kaya Kathlyn?

Okey! Para malaman natin kung tama ang inyong mga hula, tumayo nga lahat ang mga nasa unang hanay at basahin ng malinaw at malakas ang unang bahagi ayon sa aking pagkakahati?

Base sa inyong binasa , tama ba ang mga hulang naibigay klas?

Bakit mo nasabing mali ang kanilang mga hula, Jessica?

Tumpak! Klas, malinaw na nakasaad sa akda na hindi siya pinaniwalaan ng kanyang ama. Kung kayo ang nasa sitwasyon, sasalungatin ba ninyo ang ama ni Joseph at paniwalaang maaring magkatotoo ang panaginip ng binata, Adelyn?

Sa pahayag na iyon ni Adelyn,kung ikaw si Joseph ano ang mararamdaman mo,Bernadeth?

Hindi natin maiiwasan ang mga ganoong bagay bunga na rin ng ibat ibang pananaw at prinsipyo ng mga tao, ang mainam na gawin ay magsumikap sa buhay dahil sa mundong ginagalawan ay walang imposible sa Kanya.

Ipinahayag sa unang bahagi na si Joseph ay mahal na mahal ng kanyang ama at dahil doon ay nagbunga ng pagkaiinggit sa panig ng kanyang mga kapatid. Tama ba klas?

Ano sa tingin ninyo ang ginawa ng kanyang mga kapatid sa kanya?

Okey! Ano pa kaya sa akala ninyo ang ginawa sa kanya klas?

Ibahagi mo nga rin yang iniisip mo, Jimlen?

Magagaling ang inyong mga hula. Ngayon,alamin natin kung tama ang ang inyong mga sagot. Klas, basahin nga ng sabay-sabay ang ikalawang bahagi.

Base sa binasa, tama ba ang inyong mga hula klas?

Magaling! Si Joseph ay pinagtagkaang ihulog sa balon at patayin subalit sa bandang huli ay ipinagbili na lamang siya sa halagang dalawampung piraso ng pilak. Sa anong dahilan, Shella?

Sa ginawang iyon ng kanyang mga kapatid, sa tingin niyo bay wala silang nagawang kasalanan.

Tama! Kaya huwag na huwag ninyong tutularan ang ginawa nila sa halip mahalin at alagaan ninyo ang inyong mga kapatid at ituring silang mga kayamanan.Maliwanag ba klas?

Base sa banal na kasulatan, ano kaya ang sumunod na nangyari kay Joseph matapos ipagbili sa isang mangangalakal, Debbie?

Magaling! Patunay lamang na nagbabasa kayo ng Bibliya.

Okey, hulaan nga kung ano ang naging panaginip ng hari at ang pagpapakahulugan ni Joseph dito?

Dagdagan nga ang pahayag ng iyong kamag-aral,Iana?

Mahusay! Tumayo nga ang lahat ng nasa ikalawang hanay at basahin nga ang bahaging may kaugnayan sa inyong mga hula.

Tama ba ang hula ninyo klas?

Magaling!Ang napanaginipan ng hari ay may kaugnayansa inyong mga sagot kanina, Ang pitong matatabang baka ay sumisimbolo ng pitong taon ng kasaganaan samantalang ang pitong payat na baka ay pitong taon ng taggutom at tagtuyot at pagkawala ng pagkain sa darating na panahon.

Sa bahaging binasa ng inyong mga kaklase, ano ang naging pabuya ng hari kay Joseph, Ana?

Tama! Dahil nalugod ang hari sa ipinamalas ni Joseph ay binigyan niya ng posisyon ang binata.

Hindi nagtagal ay dumating ang panahon ng taggutom. Ano sa akala ninyo ang ginawa ng kanyang mga kapatid?

Marahil, ano naman yang pinag-uusapan ninyo Jimlen at Noime, maaari bang ibahagi niyo naman sa amin.

Okey, para malinawan ang inyong mga hula, tumayo nga ang mga nasa huling hanay at basahin ng may damdamin ang huling bagahi ng parabula.

Batay sa binasa, nagkatotoo ba ang panaginip noon ni Joseph, Begie?

Patunayan nga ang iyong sagot.

Magaling! nagkatotoo nga ang panaginip noon ni Joseph at kung babalikan natin ang ikalawang bahagi ay mababasa natin na maraming pagkakataong siya ay nagbibigay ng pakahulugan sa mga panaginip at pawang nagkatotoo. Dahil sa tapat na pananalig ni Joseph ay nangyari nga ang imposibleng mangyari at iyon ay bunga ng kanyang kabutihan at pagsisikap.

Kung kayo si Joseph,mapapatawad ba ninyo ang inyong mga kapatid?

Ikaw naman Reyshel anong masasabi mo kung ikaw ang nasa lugar.

Klas hindi tama na magtanim kayo ng galit sa inyong mga kapatid.Matuto kayong magpatawad dahil mas masarap mabuhay ng walang kinikimkim na sama ng loob. Kung ano man yung naging kasalanan nila sa inyo, hayaan ninyong ang Diyos na ang bahalang humatol sa kanila. Ipanalangin niyo na lang sila na sanay magbago na sila ng tuluyan katulad ng ginawang pagpapatawad at muling pagtanggap ni Joseph sa kanyang mga kapatid.

Okey, klas kanina ay tinanong ko kayo kung ano ang nilalaman o pinapaksa ng kwento at ang sagot ninyo ay Sa palagay ko po ay tungkol sa panaginip ng isang tao na nagkatotoo sa bandang huli at Siguro po ay tungkol sa panaginip na tumatak sa pusot isipan ng tauhan sa kwento.

Tama ba ang inyong mga hula kanina klas?

Magaling! at kaninong panaginip ang natupad, Haijee?

Tumpak! Ilarawan mo nga si Joseph matapos nating matalakay ang parabula, Divina.

Marunong! Naunawaan na ba ang parabula klas?

D. Muling Pagbasa

Upang higit na maunawaan ang ipinababatid ng akda, muli itong basahin sa pamamagitan ng dugtungang pagbasa.

Alam ba ninyo kung paano isagawa ito klas?

E. Pagpapahalaga

Batay sa ating binasa, anu-ano ang mga aral na inyong napulot na makakatulong upang lalong mahubog ang iyong pagkatao.

Tama klas, dahil kung ano ang gusto mong gawin ng iba saiyo ay gawin mo rin sa kanila sa magandang paraan para maganda rin ang bumalik saiyo.

Maliban doon, ano pa Emelyn?

Tama na nga naman klas, sabi nga ni Barbie Forteza sa teleseryeng Half Sisters, ang pagmamahal ay pagpapatawad at pagtanggap. Nangangahulugan lamang na kung mahal mo ang isang tao, ano man ang pagkakamali niya o nila ay magagawa mo siyang tanggapin at patawarin muli.

Marami pang mga aral ang mapupulot sa parabula at inaasahan kong lahat ng iyon ay inyong isasapusot isabuhay.Gawaing-Mag-aaral

Sir napanaginipan ko pong sinulatan ako ng crush ko.

Napanaginipan ko pong ako na ang bagong halal na pangulo ng Pilipinas Sir.

Opo!

Ang Panaginip po!

(Babasahin)

Opo Sir!

Sa palagay ko poito ay tungkol sa panaginip ng isang tao na nagkatotoo sa bandang huli.

Siguro po ay tungkol sa panaginip na tumatak sa pusot isipan ng tauhan sa kwento.

Si Joseph po Sir!

Marahil po ay tungkol sa kanyang mahabang paglalakbay kasama ang Panginoon.

Tungkol po siguro sa darating na kaarawan niya Sir, kung gaano kagarbo ang pagdiriwang na inihanda sapagkat hindi po lingid sa lahat kung gaano siya kamahal ng ama.

(Babasahin)

Mali po Sir

Dahil ang napanaginipan po niya ay ang araw na yuyukod sa kanyang harapan ang kanyang mga kapatid pati na ang buwan at mga bituin.

Kung ako po ang tatanungin ay hindi ko po sasalungatin ang kanyang ama dahil napakaimposible namang po kasi na pati buwan at mga bituin ay yuyukod sa kanya.

Syempre masakit po Sir kasi kung sino pa yung inaasahan mong dapat maniwala saiyo, sila pa pala yung walang tiwala sa mga sinasabi ko.

Opo !

Siguro po ay pinagtangkaang ihulog sa balon o bangin Sir.

Marahil po ay pinatay siya.

Baka po ipinagbili nila Sir.

(Babasahin)

Opo!

Dahil ayaw po nilang magkasala at naisip po nilang masama ang pumatay ng kapwa.

Nagkasala pa rin po sila dahil hindi po makatarungan na ibenta ang isang tao lalot kapatid po nila at isa pay nagsinungaling din po sila sa kanilang ama na kinain si Joseph ng mababangis na hayop.

Opo Sir!

Ipinagbili po sa isang kapitan ng hari.

Marahil ay tungkol po sa mga hayop na nagsidatingan sa kanyang kaharian at ang pagpapakahulugan po dito ay kasaganaan.

Siguro po ay tungkol sa matatabang baka na pumunta sa dagat at mga payat na baka na kumain sa mga nauna. Marahil ang pakahulugan niya sa matatabang baka ay kasagaan at ang mga payat ay taggutom at tagtuyot at pagkawala ng mga pagkain.

(Babasahin)

Opo.

Itinalaga po siyang gobernador ng nasabing lugar at ginawang tagapamahala ng mga pagkain.

Para po sa akin, baka po napadpad sila sa kinaroroonan ng kapatid nilang naipagbili.

Baka kay Joseph din po ang bagsak nila at sa lagay baka hindi pa nga nila makilala ang sariling kapatid dahil sa malaking pagbabagong nangyari sa kanya.

Opo Sir.

Sapagkat sa huliy buong galang po silang yumukod sa kanyang harapan bago sinabi ang pakay sa gobernador na si Joseph.

Kung ako lang po siya, hindi ko na patatawarin ang aking mga kapatid dahil hindi po tama ang ginawa nila sa akin at wala pong kapatawaran ang ganoon.

Kung ang Diyos nga po nagawa tayong patawarin sa kabila ng napakaraming kasalanan natin, ako pa kaya na tao lang. Para sa akin magagawa ko po silang patawarin pero yung buong tiwala lang po siguro ay hindi na magiging katulad ng dati.

Opo!

Kay Joseph po.

Si Joseph,bukod sa may matipunong pangangatawan ay mayroon din siyang busilak na kalooban, maunawain,mapagpatawad at higit sa lahat may pagpapahalaga at pagmamahal siya sa kanyang kapwa at mga ginagawa kaya siya pinagpapala.

Opo!

Opo Sir.

Mahalin at pahalagahan po natin ang ating kapwa at huwag po tayong magpaalipin sa inggit at selos dahil ito po ay nakasisira ng magandang samahan .

Matuto pong magpatawad katulad ng ginawa ni Joseph.

IV. Pagtataya

Panuto: Sa isang kalahating papel, bumuo ng isang salawikain na naglalahad sa mensahe ng tekstong binasa.

V. Kasunduan

1. Bumuo ng isang angkop na islogan na may kaugnayan sa akdang tinalakay. 2. Magsaliksik tungkol sa ibat ibang kahulugan ng talumpati.3. Magbigay ng limang napapanahong paksa na maaaring gawan ng talumpati.

Sanggunian: Sibol pp.97-98

Inihanda ni:

MILLER B. LIBORIO BSEDIV-FILIPINO

Pinuna ni:

PENINA A. FRADELA Propesor

Ang Panaginip(Halaw mula sa Bibliya)

Si Joseph ay may labimpitong taong gulang, matipuno ang katawan at tagapag-alaga ng mga tupa at kambing. Marami siyang mga kapatid. Mahal na mahal siya ng kanyang ama. Nang makita ito ng ibang kapatid ay nagkaroon sila ng pagkainggit sa kanya.

Isang araw ay ikinuwento niya ang kanyang panaginip sa mga kapatid. Sinabi niya na darating ang arawna silang lahat ay yuyukod sa kanya. Sinabi pa niya na ang buwan at mga bituin ay yuyukod din sa kanya. Hindi ito pinaniwalaan ng kanyang ama.

Ano sa palagay ninyo ang napanaginipan ni Joseph?

Dumating ang isang pagkakataon na inutusan siya ng kanyang ama na tumungo sa isang malayong lugar na naroon din ang kanyang mga kapatid na nagbabantay ng mga tupa. Nang dumating siya doon ay nag-isip ng masama ang kanyang mga kapatid.

Heto na siya,kailangang patayin natin siya, anang isa.

Ihulog natin siya sa balon at sabihing siya ay kinain ng mga mababangis na hayop,ang sabi ng isang kapatid.

Masama ang pumatay ng kapwa lalo na ang kapatid, ang mabuti pay ipagbili natin siya sa mga mangangalakal ang payi ng isa pang kapatid.

Mabuti pa at nang tayo ay hindi magkasala,siya ay ating dugo at laman din, ang sabi ng isa pang kapatid.

Ipagbili natin si Joseph sa halagang dalawang piraso ng pilak.Sinabi ng magkakapatid na si Joseph ay pinatay ng mga mababangis na hayop.Ipinakita sa ama ang damit nitong nilagyan nila ng dugo ng kambing.Lungkot na lungkot ang kanilang ama.

Samantala si Joseph ay ipinagbili rin ng nakabili nito sa isang kapitan ng hari. Maraming pagkakataong siya ay nagbigay pakahulugan sa mga panaginip at pawang nagkakatotoo. Ito ay nakaabot sa hari ng kanilang lugar.

Ano sa tingin ninyo ang ginawa ng kanyang mga kapatid sa kanya?

Ipinatawag siya ng hari at sinabi ang panaginip.Siya ay nakatayo sa harap ng isang dagat at may pitong matatabang baka na pumunta sa dagat at pagkatapos ay dumating ang pitong mga payat nab aka at kinain ang matatabang baka.

Ibigay mo ang kahulugan nito,ang sabi ng hari.

Sumagot si Joseph.

Ang pitong matatabang baka ay pitong taon ng kasaganaan,ang pitong payat na baka ay pitong taon ng taggutom at tagtuyot at pagkawala ng pagkain sa darating na panahon.

Nalugod ang hari at noon ay iniutos niya na si Joseph ang mamahala ng pag-iipon ng mga pagkain para sa panahon ng taggutom. Itinalaga ng hari na gobernador sa lugar na iyonn si Joseph at ang kanyang utos ay masusunod.

Hulaan nga kung ano ang naging panaginip ng hari at ang pagpapakahulugan ni Joseph dito?

Dumating ang panahon ng taggutom at ang kanyang ama ay nababahala kung saan kukuha ng pagkain. Pinalakad niya ang kanyang mga anak hanggang sa nakarating sa lugar na nasasakupan ni Joseph. Tumungo sila sa gobernador at yumukod nang buong galang at sinabi ang kanilang pakay. Hindi nakilala si Joseph.

Punuin ang mga sako nila ng pagkain at papuntahin sa aking bahay,ang utos no Joseph.

Buong pagtataka ng mga kapatid sa narinig.Tinanong ni Joseph,Saang angkan kayo nanggaling at sino ang inyong ama? tanong niya.

Kami po ang mga anak ni Jacob, sabi ng isang kapatid.

Mga kapatid, kayo ang aking mga kapatid, ako si Joseph, sabi niya.

Patawarin mo kami sa aming ginawa saiyo,sabi nila.

Pinatawad ni Joseph ang mga kapatid at sila ay isinama sa kanyang bahay. Binigyan sila ng maraming pagkain at isinalo pa sa kanyang hapag.

Sa huling bahagi , ano sa akala ninyo ang ginawa ng kanyang mga kapatid?