Mapanuring Mambabasa
-
Upload
peter-louise-garnace -
Category
Education
-
view
923 -
download
6
Transcript of Mapanuring Mambabasa
Ang pagbabasa ay
pagtatanong sa
nakatalang teksto at ang
pag-unawa sa teksto ay
ang pagkuha ng sagot sa
kaniyang tanong.
-Frank Smith(Reading Without Non Sense, 1997)
Ang pagbasa ay isang
psycholinguistic guessing game,
sapagkat ito ay nagdudulot ng
interaksyon sa pagitan ng wika at
pag-iisip: ang kakayahang
manghula, bumuo ng hinuha o
prediksyon kaugnay ng tekstong
binabasa.
-Kenneth Goodman( Journal of the Reading Specialist, 1967)
Mapanuring
Mambabasa
Mapanuring Mambabasa
Anomang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang mambabasa
pa rin ang gagawa ng pagsusuri at pagdedesisyon kung ito ay
mahalaga, may ibubuga, kapani-paniwala, kasiya-siya, dapat
basahin at balik-balikan, dapat pag-aralan ng malaliman o ang
kabaliktaran nito. Gayunman, mahalagang basahin ang teksto sa
sarili nitong merito. Ang mga dating kaalaman, karanasan,
nabasa, napanood, napakinggan, at iba pa ay gamiting gabay lang
upang unawain ang teksto. Tandaan, hindi kinakailangan at huwag
ipilit ang sariling opinion at paniniwala sa teksto. Huwag
puwersahin ang may-akda na palitan ang paniniwala niya at ipalit
ang sa iyo.
Mga Estratehiya
sa Mapanuring
Pagbabasa
Mga Estratihiya ng Mapanuring Mambabasa
Hindi natin malulutas ang mga suliranin sa
pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng sentido
komun lamang. Kailangan natin ng ilang estratehiya
upang malutas natin ang ganitong suliranin gaya ng
doktor na kailangan din ng ilang instrumento upang
makapanggamot nang maayos at epektibo. Totoo rin
ito para sa mga mambabasa. Kailangan nila ng mga
estratehiya at kakayahan upang malutas nila ang
kanilang mga suliranin sa pagbabasa.
1. Pagbasa sa
pagitan ng mga linya
“
”
Ito ay isang talinghaga na
nangangahulugang pag-intindi
sa tunay na mensahe sa likod
ng kung ano ang tahasang
nakasulat o nabanggit.
Ang sumusunod na pangungusap ay isang
halimbawa:
Sa ngayon, walang anumang pahayag ang pamahalaan
hinggil sa kontrobersiya.
Kung babasahin mo ang pagitan ng mga linya, mahihinuha
mo na ang mga opisyales ng pamahalaan ay hindi pa
handang magbigay ng pahayag, marahil dahil:
▸1. Nag-iingat sila.
▸2. Hindi pa nila alam kung ano ang sasabihin nila.
▸3. Ang impormasyong alam nila hinggil sa kontrobersiya ay
hindi pa kompleto.
2. Pagbasa nang
malakas
“
”
Ito ay makatutulong upang higit na
maintindihan ang isinasaad ng
manunulat. Sa paraang ito,
magtatanong ka, magkokomento,
at iisip ng sarili mong mga ideya at
konklusyon habang nagbabasa ka.
Ang sumusunod na kakayahan ang makatutulong
upang maging isang mapanuring mambabasa:
♦ paghinuha sa layunin, punto de bista, idea, at damdamin
ng manunulat o ng mga tauhan;
♦ pagtukoy sa mga detalye upang mapangatwiran ang
konklusiyon;
♦ paggawa ng sariling konklusyon bilang isang
mambabasa;
♦ paghinuha sa kalalabasan ng mga sunud-sunod na
pangyayari; at
♦ paggawa ng konklusyon mula sa isang grupong mga
detalye, halimbawa, at ebidensiya o patunay
Mga Halimbawa
ng mga Batayan
ng Mapanuring
Pagbabasa
1. Ano ang masasabi mo sa layunin ng
manunulat?
2. Para kanino ba ang tekstong
binasa?(Sa mga bata, matatanda,
guro, mag-aaral o sa mga
propesyonal at iba pa)
3. Ano ang nais ipabatid ng manunulat?
Mga Halimbawa ng mga Batayan ng Mapanuring
Pagbabasa
Mga Halimbawa ng mga Batayan ng Mapanuring
Pagbabasa
4. Ano-ano ang mga detalyeng
sumusuporta na totoo ang kaniyang
sinabi?
5. Paano ipinaliwanag ang mga termino
o konsepto?
6. Paano sinimulan ang teksto? Paano
ito nagtapos?
Mga
Responsibilidad at
Gawain ng
Mapanuring
Mambabasa
Kaugnay nito, mahalagang tiyakin ang responsibilidad at
Gawain ng isang mapanuring mambabasa:
Kaugnay nito, mahalagang tiyakin ang responsibilidad at
Gawain ng isang mapanuring mambabasa:
Kaugnay nito, mahalagang tiyakin ang responsibilidad at
Gawain ng isang mapanuring mambabasa:
Kaugnay nito, mahalagang tiyakin ang responsibilidad at
Gawain ng isang mapanuring mambabasa:
Salamat!
Abayon, Alvarez,
Arguelles, De Pedro,
Onayan