MAIIKLING californiasos KATOTOHANAN · 2020-01-15 · maaaring pumunta nang personal sa isang...

2
californiasos californiasos_ casosvote californiasos MAIIKLING KATOTOHANAN Paano ako dapat magparehistro para makaboto? Upang magparehistro para makaboto sa California, ikaw ay dapat na: Isang mamamayan ng Estados Unidos at isang residente ng California; 18 taong gulang o mas matanda sa Araw ng Halalan; Kasalukuyang hindi nakabilanggo sa isang pang-estado o pederal na bilangguan o parolado para sa isang napatunayang peloni; at • Kasalukuyang hindi ipinasiya ng isang hukuman bilang walang kakayahan ang isipan. Kung ikaw ay karapat-dapat, maaari kang magparehistro para makaboto o maaari mong isapanahon ang iyong pagpaparehistro online sa registertovote.ca.gov. Kung gusto mong sagutan ang isang pisikal na porma, ang mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante ay matatagpuan sa mga tanggapan ng koreo at aklatan. Dapat kang muling magparehistro para makaboto kung ikaw ay lumipat, nagpalit ng pangalan o kinakatigang partidong pampulitika. Maaari ba akong maagang magparehistro para makaboto sa California? Oo, upang maagang magparehistro para makaboto sa California, ikaw ay dapat na: 16 o 17 taong gulang; at Nakatutugon sa lahat ng ibang mga iniaatas sa pagiging karapat- dapat bumoto. Sa sandaling maagang narehistro, ikaw ay awtomatikong irerehistro para makaboto sa iyong ika-18 kaarawan. Pumunta sa registertovote.ca.gov upang maagang magparehistro para makaboto. Paano kung kailangan kong tingnan ang aking katayuan sa pagpaparehistro bilang botante? Upang tingnan ang iyong katayuan sa pagpaparehistro bilang botante,- kabilang ang partidong pampulitika - magagamit mo ang kasangkapan na “Aking Katayuan Bilang Botante” sa voterstatus.sos.ca.gov. Matatawagan mo rin ang aming Nakahandang Linya ng Botante sa (800) 339-2957 para sa iyong katayuan. Paano kung hindi ako umabot sa huling araw ng pagpaparehistro ng botante? Kung hindi ka umabot sa huling araw ng pagpaparehistro para makaboto 15 araw bago ang isang halalan, may pagkakataon ka pa ring magparehistro at bumoto. Maari kang pumunta sa opisina sa mga halalan ng iyong county, sentro ng pagboto, o lugar ng botohan sa o bago ang Araw ng Halalan upang kumpletuhin ang proseso ng may-kondisyong pagpaparehistro (madalas na tinutukoy na "Kaparehong Araw ng Pagpaparehistro ng Botante"). Kakailanganin mong sagutan ang isang kard ng pagpaparehistro ng botante at isang balota. Sa sandaling makumpleto ng mga opisyal sa mga halalan ng county ang proseso ng beripikasyon ng pagpaparehistro ng botante, ang iyong balota ay ipoproseso at ang iyong boto ay isasama sa pagbilang. Kontakin ang opisyal sa mga halalan ng iyong county para sa karagdagang impormasyon o bisitahin ang vote.ca.gov. Paano ako dapat bumoto para presidente? Kung pumili ka ng isang partidong pampulitika nang magparehistro para makaboto, maaari ka lamang bumoto para sa mga kandidato ng iyong partido para Presidente ng U.S. sa Ika-3 ng Marso, 2020 na Pampanguluhang Primaryang Halalan. Kung nagparehistro ka para makaboto nang walang Kinakatigang Partido, kakailanganin mong humiling ng isang balota ng primaryang halalan na may mga kandidato sa pagkapresidente. Ilang partidong pampulitika lamang ang nagpapahintulot sa mga botanteng Walang Kinakatigang Partido na bumoto para sa kanilang mga kandidato sa pagkapresidente sa isang primaryang halalan. Upang makakuha ng karagdagang kaalaman bisitahin ang howtovoteforpresident.sos.ca.gov. Paano kung kailangan ko ng impormasyon para sa botante sa ibang wika? Ang impormasyon para sa botante ay makukuha sa 10 wika. Bisitahin ang www.sos.ca.gov/elections/voting-california. Kailan ko matatanggap ang aking balota o patnubay para sa botante? Ang mga nakarehistrong botante ay tatanggap, sa pamamagitan ng koreo, ng kanilang di-partidistang Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng Estado mula sa opisina ng Kalihim ng Estado ilang linggo bago ang Araw ng Halalan.. Ang Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng Estado ay makukuha rin online sa voterguide.sos.ca.gov. Ang mga opisina sa mga halalan ng county ay nagpapakoreo rin ng isang patnubay na impormasyon para sa botante ng county. Isasama sa mga patnubay para sa botante ang impormasyon tungkol sa mga panukala sa balota, mga kandidato, mga karapatan sa pagboto at iba pa. HALALAN 2020 BUMOTO CALIFORNIA

Transcript of MAIIKLING californiasos KATOTOHANAN · 2020-01-15 · maaaring pumunta nang personal sa isang...

californiasos

californiasos_

casosvote

californiasos

MAIIKLING KATOTOHANAN

Paano ako dapat magparehistro para makaboto?

Upang magparehistro para makaboto sa California, ikaw ay dapat na:

• Isang mamamayan ng Estados Unidos at isang residente ng California;• 18 taong gulang o mas matanda sa Araw ng Halalan;• Kasalukuyang hindi nakabilanggo sa isang pang-estado o pederal na

bilangguan o parolado para sa isang napatunayang peloni; at• Kasalukuyang hindi ipinasiya ng isang hukuman bilang walang

kakayahan ang isipan.

Kung ikaw ay karapat-dapat, maaari kang magparehistro para makaboto o maaari mong isapanahon ang iyong pagpaparehistro online sa registertovote.ca.gov. Kung gusto mong sagutan ang isang pisikal na porma, ang mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante ay matatagpuan sa mga tanggapan ng koreo at aklatan.

Dapat kang muling magparehistro para makaboto kung ikaw ay lumipat, nagpalit ng pangalan o kinakatigang partidong pampulitika.

Maaari ba akong maagang magparehistro para makaboto sa California?

Oo, upang maagang magparehistro para makaboto sa California, ikaw ay dapat na:

• 16 o 17 taong gulang; at• Nakatutugon sa lahat ng ibang mga iniaatas sa pagiging karapat-

dapat bumoto.

Sa sandaling maagang narehistro, ikaw ay awtomatikong irerehistro para makaboto sa iyong ika-18 kaarawan. Pumunta sa registertovote.ca.gov upang maagang magparehistro para makaboto.

Paano kung kailangan kong tingnan ang aking katayuan sa pagpaparehistro bilang botante?

Upang tingnan ang iyong katayuan sa pagpaparehistro bilang botante,- kabilang ang partidong pampulitika - magagamit mo ang kasangkapan na “Aking Katayuan Bilang Botante” sa voterstatus.sos.ca.gov. Matatawagan mo rin ang aming Nakahandang Linya ng Botante sa (800) 339-2957 para sa iyong katayuan.

Paano kung hindi ako umabot sa huling araw ng pagpaparehistro ng botante?

Kung hindi ka umabot sa huling araw ng pagpaparehistro para makaboto 15 araw bago ang isang halalan, may pagkakataon ka pa ring magparehistro at bumoto. Maari kang pumunta sa opisina sa mga halalan ng iyong county, sentro ng pagboto, o lugar ng botohan sa o bago ang Araw ng Halalan upang kumpletuhin ang proseso ng may-kondisyong pagpaparehistro (madalas na tinutukoy na "Kaparehong Araw ng Pagpaparehistro ng Botante"). Kakailanganin mong sagutan ang isang kard ng pagpaparehistro ng botante at isang balota. Sa sandaling makumpleto ng mga opisyal sa mga halalan ng county ang proseso ng beripikasyon ng pagpaparehistro ng botante, ang iyong balota ay ipoproseso at ang iyong boto ay isasama sa pagbilang. Kontakin ang opisyal sa mga halalan ng iyong county para sa karagdagang impormasyon o bisitahin ang vote.ca.gov.

Paano ako dapat bumoto para presidente?

Kung pumili ka ng isang partidong pampulitika nang magparehistro para makaboto, maaari ka lamang bumoto para sa mga kandidato ng iyong partido para Presidente ng U.S. sa Ika-3 ng Marso, 2020 na Pampanguluhang Primaryang Halalan. Kung nagparehistro ka para makaboto nang walang Kinakatigang Partido, kakailanganin mong humiling ng isang balota ng primaryang halalan na may mga kandidato sa pagkapresidente. Ilang partidong pampulitika lamang ang nagpapahintulot sa mga botanteng Walang Kinakatigang Partido na bumoto para sa kanilang mga kandidato sa pagkapresidente sa isang primaryang halalan. Upang makakuha ng karagdagang kaalaman bisitahin ang howtovoteforpresident.sos.ca.gov.

Paano kung kailangan ko ng impormasyon para sa botante sa ibang wika?

Ang impormasyon para sa botante ay makukuha sa 10 wika.Bisitahin ang www.sos.ca.gov/elections/voting-california.

Kailan ko matatanggap ang aking balota o patnubay para sa botante?

Ang mga nakarehistrong botante ay tatanggap, sa pamamagitan ng koreo, ng kanilang di-partidistang Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng Estado mula sa opisina ng Kalihim ng Estado ilang linggo bago ang Araw ng Halalan.. Ang Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng Estado ay makukuha rin online sa voterguide.sos.ca.gov. Ang mga opisina sa mga halalan ng county ay nagpapakoreo rin ng isang patnubay na impormasyon para sa botante ng county. Isasama sa mga patnubay para sa botante ang impormasyon tungkol sa mga panukala sa balota, mga kandidato, mga karapatan sa pagboto at iba pa.

HALALAN2020

BUMOTOCALIFORNIA

Makakaboto ba ako sa pamamagitan ng koreo?

Sinumang nakarehistrong botante ay makakaboto sa pamamagitan ng koreo sa California. Magagawa mong magparehistro para makaboto sa pamamagitan ng koreo sa pamamagitan ng:

• Muling pagpaparehistro para makaboto sa registertovote.ca.gov;• Pagkumpleto ng aplikasyon para sa balota ng pagboto sa

pamamagitan ng koreo sa Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng iyong county;

• Pagpunta sa www.sos.ca.gov/elections/voter-registration/vote-mail/; o

• Pagkontak sa opisina sa mga halalan ng iyong county.

Ang iyong kinumpletong aplikasyon ay dapat dumating sa opisina sa mga halalan ng iyong county nang hindi bababa sa pitong araw bago ang Araw ng Halalan.

Gaano kaaga na makakaboto ako?

Ang iyong county ay maaaring mag-alay ng mga lokasyon ng maagang pagboto bago ang Araw ng Halalan. Para sa isang listahan pumunta sa caearlyvoting.sos.ca.gov. Sinumang nakarehistrong botante ay maaaring pumunta nang personal sa isang opisina sa mga halalan ng county upang humiling at tumanggap ng isang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo. Ang mga balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay makukuha 29 na araw bago ang bawat Araw ng Halalan. Upang matiyak na ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay isinama sa pagbilang, ito ay dapat magkaroon ng tatak ng koreo sa o bago ang Araw ng Halalan at matanggap ng opisina sa mga halalan ng iyong county nang hindi mas huli sa tatlong araw pagkaraan ng Araw ng Halalan.

Ano ang Batas sa Pagpili ng Botante?

Ginagawa nitong isinamodernong modelo ng halalan na mas madali ang pagboto sa pamamagitan ng pagpapadala sa bawat nakarehistrong botante ng kanilang balota sa pamamagitan ng koreo at saka binibigyan sila ng opsyon na ibalik ang kanilang balota sa pamamagitan ng koreo, sa alinmang kahong hulugan ng balota sa county, o sa alinmang sentro ng pagboto sa county na maginhawa para sa kanila para sa hindi bababa sa 11 araw hanggang sa at kabilang ang Araw ng Halalan. Upang malaman kung gagamitin ng iyong county ang Batas sa Pagpili ng Botante sa 2020 maaari mong bisitahin ang voterschoice.sos.ca.gov.

Paano ko mahahanap ang aking lugar ng botohan o sentro ng pagboto?

• Tingnan ang likod ng iyong patnubay na impormasyon para sa botante ng county para sa iyong lugar ng botohan, mga sentro ng pagboto, o mga lokasyon ng hulugan ng balota

• Kontakin ang opisina sa mga halalan ng iyong county• Tawagan ang Nakahandang Linya ng Botante ng Kalihim ng Estado -

(800) 339-2957 o bisitahin ang voterstatus.sos.ca.gov• I-text ang ‘VOTE’ sa ‘GOVOTE’ (468-683)

May karapatan ba akong bumoto kung ang aking pangalan ay wala sa listahan ng botante sa lugar ng botohan?

Kahit na ang iyong pangalan ay wala sa listahan ng botante sa lugar ng botohan, ikaw ay may karapatang botohan ang isang pansamantalang balota. Kung ikaw ay hindi nakarehistro o kailangang isapanahon ang iyong pagpaparehistro bilang botante maaari mong kumpletuhin ang proseso ng "Kaparehong Araw na Pagpaparehistro ng Botante" sa lugar ng botohan. Ang iyong pansamantalang balota ay ibibilang lamang pagkatapos kumpirmahin ng opisyal sa mga hahalan na ikaw ay isang nakarehistrong botante at hindi ka pa nakaboto sa halalang iyon. Malalaman mo kung ang iyong pansamantalang balota ay ibinilang at, kung ito ay hindi ibinilang, ang dahilan kung bakit sa voterstatus.sos.ca.gov.

Maaari ko bang masubaybayan ang katayuan ng aking balota pagkatapos kong bumoto?

Oo! Maaari kang pumunta sa “Aking Katayuan Bilang Botante” upang masubaybayan ang katayuan ng iyong balota sa voterstatus.sos.ca.gov.

Ligtas ba ang aking boto?

Oo, nahihigitan ng California ang mga Pederal na iniaatas para sa seguridad sa halalan. Ang bawat boto ay dapat ipatala sa isang papel na balota o may isang beripikado ng botante na papel na landas para sa pagsusuri. Ang kagamitan sa pagboto na ginagamit upang ipatala at bilangin ang mga balota ay dapat sertipikahan para magamit sa California at panatilihing offline. Ang mga opisyal sa halalan ay nagsasagawa ng mga pagsusuri pagkatapos ng halalan kabilang ang isang manwal na pagbilang ng mga halimbawang balota, pagkatapos ng bawat halalan upang matiyak ang katumpakan at integridad ng pagbilang ng boto. Ang mga botante ay makakahanap ng opisyal, pinagkakatiwalaang impormasyon sa halalan at makakakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa aming pananggalang sa seguridad sa halalan, at mga pagsisikap para sa seguridad ng cyber sa vote.ca.gov.

Paano ako makakakuha ng pinakahuling resulta ng halalan?

• Ang mga pambuong-estadong pagbilang ng boto ay mahahanap sa electionresults.sos.ca.gov

• Sundan kami sa Twitter @CASOSvote• Magpatala para sa E-updates sa https://goo.gl/BB7zb4

IKA-3 NA MARSO | NA PAMPANGULUHANG PRIMARYANG HALALAN

Magparehistro para Makaboto ........................................................................... Peb 18May-kondisyong Pagpaparehistro ng Botante.....................................Peb 19-Mar 3Humiling ng isang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo .............. Peb 25Ibalik ang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ............................... Mar 3

IKA-3 NG NOBYEMBRE | NA PANGKALAHATANG HALALAN

Magparehistro para Makaboto ............................................................................Okt 19May-kondisyong Pagpaparehistro ng Botante.................................... Okt 20-Nob 3Humiling ng isang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ...............Okt 27Ibalik ang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ...............................Nob 3

* Ang mga botohan ay bukas mula 7:00 AM hanggang 8:00 PM sa Araw ng Halalan

UPANG MAHANAP ANG IYONG LUGAR NG BOTOHAN I-TEXT ANG 'VOTE' SA 'GOVOTE'