Ligaw

26
Ligaw! Ang “bihasang” karanasan ng isang Pilipino para sa mga may balak manligaw ng isang Maria Clara! Presentasyong Ihinahandog ni: Ginoong Krislam Junsay UCLA Larawan ni binibining Kathyrn Bernardo. Isang ihemplo ng gandang Pilipina. 1

Transcript of Ligaw

Page 1: Ligaw

Ligaw!Ang “bihasang” karanasan ng isang Pilipino para sa mga may balak manligaw ng isang Maria Clara!

Presentasyong Ihinahandog ni:

Ginoong Krislam JunsayUCLA

Larawan ni binibining Kathyrn Bernardo. Isang ihemplo ng gandang Pilipina.

1

Page 2: Ligaw

AbstractMarami ang mga naeengganyo sa taglay na

kagandahan ng mga dalagang Pilipina. Ang kagandahang ito ay binubuo ng isang busilak na puso at malinis na kalooban na walang katulad. Bago makuha ng kung sino man ang matamis na “oo” ng isang Pilipina ay may mga mabusising proseso ang kinakailangang pagdaanan ng isang nanunuyo. Itong prosesong ito ay tinatawag na panliligaw. Sa pagtatangahal na ito ilalahad ko sa inyo kung ano ang panliligaw at kung ano ang mga pamamaraan sa mga nasabing proseso.

Page 3: Ligaw

Mga kailangang alamin!Bago magsimula sa panliligaw, may mga

mahahalagang bagay na kailangang alamin sa kulturang Pilipino: Malapit ang mga Pilipino sa kanilang pamilya. Ang karamihan sa mga Pilipina ay mahinhin. Ang Pilipina ay tapat Ang Pilipina ay kinakailangang igalang.

Page 4: Ligaw

Mga kailangang alamin Malapit ang mga Pilipino sa kanilang pamilya.

Kung inyong mapapansin, ‘di tulad dito sa Estados Unidos, karamihan ng mga Pilipino sa Pilipinas ay nananatili pa ring nakatira sa tahanan ng kanilang magulang hanggang sa sila ay mag-asawa Hindi dahil sa hindi nila kayang tumayo sa

kanilang sariling mga paa, kundi dahil sa malapit na ugnayan sa isa’t isa ng pamilyang Pilipino. ‘Ika nga nila ay “white-on-rice”.

Nangangahulugan lang ito na mahalaga ang payo ng isang myembro ng pamilya para sa isang Pilipino, lalung-lalo na sa isang dalagang Pilipina.

Page 5: Ligaw

2

Ang Pamilyang Pilipino

Page 6: Ligaw

Mga kailangang alaminAng karamihan sa mga Pilipina ay mahinhin.

Kung inyong nabasa ang librong isinulat ni Gat Jose Rizal na Noli me Tangere, inyong mapapansin ang pagiging mahinhin ni Maria Clara. Tandaan ang reaksyon ni Maria Clara noong

unang niyang nakita si Crisostomo Ibarra galing Europa.

Sa pangkalahatan, hindi nalalayo ang mga Pilipina sa pag-uugali ni Maria Clara Sa madaling salita, kahit gaano na kasabik ang

isang Pilipina, hindi niya ito ipinapakita kaagad kung kahit na kanino lang.

Page 7: Ligaw

Mga kailangang alaminAng Pilipina ay tapat

Ating balikan ang Noli, kung matatandaan ang relasyon ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Silang dalawa ay sadyang pinaghihiwalay ng tadhana. Ngunit noong nagtagumpay ang paghihiwalay sa kanila, dalawa lang ang naging sagot ni Maria Clara sa kapalaran:

kamatayan o kumbento!

Page 8: Ligaw

3

Page 9: Ligaw

Mga kailangang alaminAng mga Pilipina ay kailangang igalang.

Kung marunong gumalang ang isang tao sa kapwa, matutunan din siyang igalang ng mga tao sa paligid niya. Gayundin sa panliligaw ng isang Pilipina. Kailangang maging magalang. 12

Page 10: Ligaw

Ngayong alam na!Ano ba ang panliligaw?

Ito ay ang proseso

upang mahulog

ang kalooban ng isang dalaga

sa lalaking nanunuyo.

6

Page 11: Ligaw

Mga hakbang

Pagkakaibigan

Pagiging matalik na kaibigan

Tuksuhan

Totohanan

Aminan

4

Page 12: Ligaw

PagkakaibiganDito nagsisimula ang lahat.

Dito nagkakakilala ang mga potensyal na maging magkasintahan.

Sa yugtong ito, dito nakikita ng dalawang potensyal na magsing-irog kung silang dalawa ay tugma.

Page 13: Ligaw

Pagiging matalik na kaibiganSa panahong naging tugma ang pagiging

pagkakaibigan ng dalawang potensyal na magsing-irog, maglalaan sila ng mas mahabang panahon para sa isa’t isa.

Sa panahon na mapapansin na ng mga nakapalibot sa kanila ang mas mahabang panahon na ginugugol nila sa isa’t isa, dito na magsisimula ang panunukso sa kanilang dalawa

Page 14: Ligaw

Tuksuhan Ito ang pinakakritikal na yugto sa lahat. ‘Ika

nga nila, ito ang “make or break” dahil sa yugtong ito napapaisip ang dalaga.

Napapaisip ang dalaga dahil sa panunukso sa kanya ng kanyang mga kaibigan, at sa kanyang pag-iisip na ito malalaman niya ang kanyang tunay na nadarama.

Page 15: Ligaw

AminanMatapos ang napakainit na panunukso mula sa

mga kaibigan, dito na napapaamin ang lalaki sa kanyang nararamdaman sa kanyang sinisinta.

Ang dalaga naman, kung napipisilan ang nanunuyo, hahayaan na niya itong manligaw.

Kung hindi, busted ang tawag doon.

‘Wag mabahala! Kung busted ka puwede pa rin namang manligaw. ‘Wag na magpaalam sa dalaga. Kapalan mo na lang nang konte ang iyong pagmumukha at sundin ang mga sumusunod na gabay.

Page 16: Ligaw

5

Page 17: Ligaw

PanliligawTandaan na malapit ang Pilipino sa kanyang

pamilya, kaya mainam na magpalakas sa mga magulang ng dalaga. Puwede kang magpalakas sa kanyang magulang

sa pamamagitan ng pagdadala ng masasarap na pagkain tuwing bumibisita sa dalaga.

Kung maykapatid si ate, kaibiganin mo. Kung nakakabatang lalaki alamin ang hilig niya. Makipag basketbol ka o makipaglaro ng mga video games.

Sa oras na mapalapit ang puso ng kanyang pamilya sa iyo, tiyak ang tagumpay sa pagkuha ng matamis na “oo” kahit masagwa ang pagmumukha mo.

Page 18: Ligaw

PanliligawTandaan na kailangang panatilihing kinikilig

ang iniirog. Isang sikat na paraan upang mapapanatili ito ay sa pamamagitan ng paghaharana 7

Page 19: Ligaw

Panliligaw Ang paghaharana ay ang pag-awit ng lalaki sa dalaga

upang mahulog ang loob nito. Sa isang tipikal na paghaharana, dinadala ng lalaki ang kanyang mga kaibigan upang tulungan siya sa pag-awit sa dalaga.

Ang paghaharana ay ang pagtapat sa bintana ng bahay ng dalaga.

Sa magandang boses ng lalaki nabibighani ang dalaga.

Kung hindi kaakit-akit ang boses ng lalaki, puwede siyang tapunan ng ihi mula sa arinola. Kaya kung hindi maganda ang boses, kumuha na lang ng

ibang taga-awit.

Page 20: Ligaw

PanliligawTandaan na mahinhin ang dalagang Pilipina,

kaya kailangan kang maging pursigido.

Kulang ang isang harana para makuha ang loob ng dalaga. Isang hakbang lamang iyon.

Kailangang maging matiyaga ka sa paggawa ng mga nakakabighaning bagay sa dalaga.

Maging malikhain!

Page 21: Ligaw

PanliligawKailangang samahan ang dalaga saan man siya

pumunta at alagaan.

Sa pagpupursige ng isang lalaki, ang pagiging mahinhin ng Pilipina ay kayang mapaamin nang lubusan. Parang isang bukong nabuksano ika-nga walang matimtimang birhen sa lalaking taimtim manalangin. Ibig sabihin, “babagsak din ang Bataan.”

Sa panahong mapaamin na nang lubusan ang dalaga, dito pa lamang markakamtan ang kanyang matamis na “oo.”

Page 22: Ligaw

PanliligawDahil tapat ang mga Pilipina, asahang ang puso

nila ay sa iyo lamang.

Igalang ang mga Pilipina, dahil sa oras na mawala ang paggalang ng mga kapamilya ng dalaga sa iyo, magiging mapait ang inyong pagsasama sa hinaharap.

Ang pamilyang unang tumulong sa iyo ang siya ring sisira ng pinaghirapan mo. (‘Wag hayaan mangyari) Kaya kailangang maging magalang!

Page 23: Ligaw

Sa Pagtatapos!Kasalan na!!! Mahabang dulang na!

Kung masusunod lamang nang mainam ang mga gabay na inihandog sa presentasyong ito, kahit sinong dalaga ang kayang mapasabi ng matamis na “oo” at “I do.”

Page 24: Ligaw

Kahit si “_____” pa iyan ay kayang mapa oo

8

9

10

Page 25: Ligaw

Wakas11

Page 26: Ligaw

References sa mga larawan. 1. http://fc06.deviantart.net/fs71/f/2013/183/d/0/kathryn_bernardo_png_by_nikkilean-

d6bm0wc.png

2. http://s2.hubimg.com/u/2125149_f260.jpg

3. http://th00.deviantart.net/fs49/PRE/i/2009/222/1/9/Noli_Me_Tangere_Book_Cover_by_Jepoykalboh.jpg

4. http://www.bruinwalk.com/site_media/media/uploads/img/2011/Sep/13/JanssStepsStraightOn_1.JPG

5. http://media.tumblr.com/tumblr_m0zcvejUaB1qco6ct.jpg

6. http://fc01.deviantart.net/fs71/f/2013/136/2/c/kathryn_bernardo_png_3_by_dyan21-d65g3q0.png

7. http://haranathemovie.com/images/haranapainting_cover.jpg

8. http://fc09.deviantart.net/fs70/f/2013/097/c/e/kathryn_bernardo_png_by_lovebackinblack-d60qm0n.png

9. http://normannorman.files.wordpress.com/2011/09/shamcey11.png

10. http://www.listal.com/viewimage/2408588

11. https://www.youtube.com/watch?v=zgselUm89YA

12. http://memecrunch.com/meme/18S8X/oh-anak-alam-mo-na/image.png