Bakasyon sa bahay ni Lola - imageless · na may ligaw na hayup. Binilang nila ang mga sasakyang...

22
Bakasyon sa bahay ni Bakasyon sa bahay ni Lola Lola Violet Otieno Catherine Groenewald Arlene Avila Tagalog Level 4 (imageless edition)

Transcript of Bakasyon sa bahay ni Lola - imageless · na may ligaw na hayup. Binilang nila ang mga sasakyang...

  • Bakasyon sa bahay niBakasyon sa bahay niLolaLola

    Violet Otieno Catherine Groenewald Arlene Avila Tagalog Level 4

    (imageless edition)

  • Nakatira si Odongo at Apiyo sa lungsodkasama ang kanilang tatay. Gustonggusto nila ang bakasyon hindi langdahil walang pasok, pero dahildinadalaw nila ang kanilang lola nanakatira sa palaisdaan malapit doon samalaking lawa.

    2

  • Masaya sina Odongo at Apiyo namalapit na nila makasama si lola. Sagabi pa lang, naka-impake na ang mgadamit at nakahanda na ang lahat parasa biyahe. Hindi sila makatulog sa tuwakaya buong gabi silangnagkuwentuhan.

    3

  • Kinaumagahan, hinatid sila ng kanilangtatay papunta sa lola. Dumaan sila samga taniman ng tsaa at mga bundokna may ligaw na hayup. Binilang nilaang mga sasakyang dumaan atnagkantahan din sila.

    4

  • Di nagtagal, napagod ang dalawa atnakatulog ng mahimbing.

    5

  • Ginising sila ng tatay nung makaratingsila sa nayon. Nakita nila si Lola Nyar-Kanyada na nagpapahinga sa ilalim ngpuno. Sa Luo, ang ibig sabihin ng Nyar-Kanyada ay “anak ng mga tiga-Kanyada.” Maganda at matatag nababae ang lola ni Odongo at Apiyo.

    6

  • Sumayaw at kumanta sa tuwa si Nyar-Kanyada nang dumating ang mga apo.Nag-uunahan sa pagbigay ngpasalubong sina Odongo at Apiyo.“Buksan po ninyo, bilis,” sabi niOdongo. “Akin muna unahin ninyo,”sabi ni Apiyo.

    7

  • Pagkatapos mabuksan ang mgapasalubong, pinagmano ni Nyar-Kanyada ang mga apo.

    8

  • Naglaro agad sa labas sina Odongo atApiyo. Nakipaghabulan sila sa mgaparu-paru at mga ibon.

    9

  • Inakyat nila ang mga puno atnagtampisaw sa lawa.

    10

  • Bumalik lang sila sa bahay ng lola nungmalapit na maghapunan. Hindi pa mannatatapos kumain, nakatulog na sila!

    11

  • Kinaumagahan, bumalik sa lungsodang tatay at naiwan sina Odongo atApiyo kay Nyar-Kanyada.

    12

  • Tumulong sila sa mga gawaing-bahayng lola. Nag-igib sila ng tubig at nag-hanap ng panggatong. Inipon nila angmga itlog sa manukan at nanguha nggulay sa gulayan.

    13

  • Tinuruan din sila ni Nyar-Kanyada kungpaano magluto ng stew. Pinakita pa nglola kung paano gumawa ng ginataangkanin at inihaw na isda.

    14

  • Isang araw, dinala ni Odongo ang mgabaka sa bukid ng kapitbahay. Kinain ngmga baka ang damo at nagalit angmay-ari. Nagbanta siyang kukunin angmga baka bilang kabayaran peronangako si Odongo na hindi na uulit.

    15

  • Isang beses, sumama ang magkapatidsa palengke. May tindahan pala nggulay, asukal at sabon si lola. Si Apiyoang tigasabi ng presyo at si Odongonaman ang tigabalot ng mga binili.

    16

  • Nang maubos lahat, uminum silangtatlo ng tsaa at binilang ang perangkinita.

    17

  • Di nagtagal, natapos ang bakasyon.Nag-impake ng gamit ang magkapatid.Binigyan ni Nyar-Kanyada si Odongo ngsombrero at pangginaw naman angpara kay Apiyo. Naghanda rin siya ngmakakain nila sa biyahe.

    18

  • Dumating ang tatay para sunduin silapero ayaw sumama ng magkapatid.Nagmakaawa sila kay Nyar-Kanyada natumira na lang sa lungsod. “Matandana ako. Hindi ko na kaya ang buhay salungsod. Hihintayin ko na lang kayo sasunod na bakasyon.”

    19

  • Mahigpit na niyakap ni Odongo atApiyo ang lola.

    20

  • Kinuwento nina Odongo at Apiyo sakanilang mga kaibigan ang lahat. Sabing iba mas gusto pa rin nila ang buhaysa lungsod. Sabi naman ng iba, masmaganda talaga sa nayon. Pero lahatsila sang-ayon na walang hihigit pa kayLola Nyar-Kanyada!

    21

  • Storybooks CanadaStorybooks Canadastorybookscanada.ca

    Bakasyon sa bahay ni LolaBakasyon sa bahay ni LolaWritten by: Violet Otieno

    Illustrated by: Catherine GroenewaldTranslated by: Arlene Avila

    This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) andis brought to you by Storybooks Canada in an effort to provide children’sstories in Canada’s many languages.

    This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.

    22

    https://storybookscanada.cahttps://africanstorybook.orghttps://storybookscanada.cahttps://creativecommons.org/licenses/by/4.0/https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/