LESSON PLAN IN ICT V

3
Division of Rizal District of San Mateo GUITNANGBAYAN ELEMENTARY SCHOOL BANGHAY ARALIN SA ICT 5 I. Layunin 1. Nakagagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool. II.Paksang Aralin Paksa: Nakagagawa Ng Diagram ng Proseso Gamit Ang Word Processing Tool Sanggunian: EPP 5 Curriculum Guide sa ICT Code: EPP5IE-0f-15 Kagamitan: powerpoint presentation, mga computer, internet III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Ano - ano ang mga hugis na ginagamit sa paggawa ng flowchart o diagram ng isang proseso? 2.Pagganyak a. Gamit ang powerpoint presentation, ipababasa ang kuwento nina Rona at Joy. b. Ipasagot ang mga panggabay na tanong sa batayang aklat ng mga bata. Sa tingin mo ba ay makatutulong kina Rona at Joy ang paggawa ng diagram ng proseso sa paglutas ng suliranin o pagpapakita ng isang gawain? Sa paanong paraan makatutulong sa kanila ang diagram ng proseso na ito? c. Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral. d. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang tatalakayin: Paggawa ng Diagram ng Isang Proseso Gamit ang Word Processing Tool B. Panlinang na Gawain A. Paglalahad 1. Nasubukan mo na bang gumawa ng isang diagram ng proseso gamit ang Word Processing Tool? 2. Ano nga ba ang diagram? Ano naman ang alam mong word processing tool? 3. Ipakita ang halimbawa ng isang diagram ng isang proseso. Pagpapahalaga: Pagtulong sa gawaing bahay

description

PAGGAWA NG DIAGRAM NG ISANG PROSESO

Transcript of LESSON PLAN IN ICT V

Page 1: LESSON PLAN IN ICT V

Division of RizalDistrict of San Mateo

GUITNANGBAYAN ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ICT 5I. Layunin

1. Nakagagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool.

II.Paksang AralinPaksa: Nakagagawa Ng Diagram ng Proseso Gamit Ang Word Processing ToolSanggunian: EPP 5 Curriculum Guide sa ICTCode: EPP5IE-0f-15Kagamitan: powerpoint presentation, mga computer, internet

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAno - ano ang mga hugis na ginagamit sa paggawa ng flowchart o diagram ng isang proseso?

2.Pagganyak a. Gamit ang powerpoint presentation, ipababasa ang kuwento nina Rona at Joy.

b. Ipasagot ang mga panggabay na tanong sa batayang aklat ng mga bata. Sa tingin mo ba ay makatutulong kina Rona at Joy ang paggawa ng diagram ng

proseso sa paglutas ng suliranin o pagpapakita ng isang gawain? Sa paanong paraan makatutulong sa kanila ang diagram ng proseso na ito?

c. Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral.d. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang tatalakayin: Paggawa ng Diagram ng Isang

Proseso Gamit ang Word Processing ToolB. Panlinang na Gawain

A. Paglalahad1. Nasubukan mo na bang gumawa ng isang diagram ng proseso gamit ang Word Processing

Tool?2. Ano nga ba ang diagram? Ano naman ang alam mong word processing tool?3. Ipakita ang halimbawa ng isang diagram ng isang proseso.

Pagpapahalaga: Pagtulong sa gawaing bahay

Page 2: LESSON PLAN IN ICT V

4. Talakayin ang gamit ng diagram ng proseso sa pagsasaayos at pagsusunod-sunod ng tekstuwal na impormasyon.

B. Pagtatalakay 1. Ipagawa ang sumusunod na gawain. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng diagram ng

proseso gamit ang word processing tool.2. Ipagawa ang Gawin Natin: Pagplano ng mga Gastusin para sa Negosyo sa LM.3. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Natin sa LM.

C. PaglalahatPaano isinasagawa ang diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool?

D. PaglalapatTumawag ng 15 na bata at pangkatin ito tatlo. Ang bawat pangkat ay magpapakita ng paggwa ng isang diagram ng proseso batay sa paksang kanilang napili.

Batay sa inyong paksang napili, paano nakatutulong ang diagram ng isang proseso sa pasasagawa ninyo ng inyong gawaing bahay?

Mahalaga ba ang pagtulong sa mga gawaing bahay? Bakit

IV. PagtatayaIpasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod. Piliin ang sagot sa loob nag kahon at isulat ang sagot sa patlang.

1. Ito ay hugis na naglalaman ng impormasyon hinggil sa isang bagay o proseso. __________2. Ito ang ginagamit upang magdagdag o magbago ng kulay o text, outline at kulay ng diagram

kung ang diagram ay ginagamitan ng Smart Art. ___________3. Ito ay isang pina-popular na word processing tool. __________4. Ano ang pipindutin kapag nais magdagdag ng shape o box kung sakaling ang mga box na

kakailanganin ay kulang para sa diagram? ___________5. Dito maaaring isulat ang proseso sa isang diagram, ito ay matatagpuan sa kaliwang bahagi

ng page. ___________

V. Pagpapayaman ng Gawain: Pangkatang Gawain

Gumawa ng diagram ng isang proseso batay sa mga sumusunod:Pangkat Google: Proseso ng PaglalabaPangkat Mozilla: Proseso ng Pagsasaing ng KaninPangkat Safari: Proseso ng Paghuhugas ng PlatoPangkat Explorer: Proseso ng Pagsusulsi ng Tuwid na Punit

Inihanda ni:JESUSA A. SANTOSGroup 3 Class 1

GraphDiagramFormat Toolbar

Add ShapeText PaneMicrosoft

Word