Lesson Plan for Straight 031512

31

Click here to load reader

description

EDr 169 Lesson Plan for Straight by Sunshine Mandac

Transcript of Lesson Plan for Straight 031512

Page 1: Lesson Plan for Straight 031512

Lesson Plan for Straight

: Si Tembong Mandarambong

Teacher : Sunshine Mandac

Date : 15 March 2012

Section : ICLiP Beginners, 2:00-3:30 pmSubject : Filipino

Prong 1 & 2: Genuine Love for Reading -Critical Thinking 

I. Mga Layunin

Ang araling ito ay naglalayong matulungan ang mag-aaral na :

A. Pagwawari at Pagpapahalaga (Expressive)1. Maunawaan ang kahalagahan ng pagtutulungan at

pagkakaisa.2. Maramdaman ang sayang dulot ng pagbabahagi ng talento

o kung anumang meron ka para sa kabutihan ng iba.3. Mabigyang-pansin ang kapana-panabik na takbo ng mga

pangyayari sa kuwento.

B. Paglilinang ng Kasanayan (Instructional)

1. Maibigay ang mahahalagang detalye sa kuwento sa pamamagitan ng pagbuo ng isang balangkas para dito.

2. Bumuo ng character profile para mailarawan ang pangunahing tauhan sa kuwento.

3. Ilista ang mga pagbabagong naganap sa pangunahing tauhan at ipakita ito sa pamamagitan ng isang pag-uulat.

4. Tukuyin ang mga nararamdaman ng ibang taga-Baryo kay Tembong at sumulat ng isang liham pangkaibigan at gumawa ng regalo para ipakita ito.

II. Paksang Aralin

Kuwento: “Si Tembong Mandarambong: Mahilig sa Walis pero Tamad Maglinis”

Akda at Guhit ni Susan AragonInilathala (1980) ng Children’s Communication Center

III. Mga KagamitanA. Para sa GLR

visual aids para sa mga salita at kahulugan larawan ng :

o baryoo palasyo

bigote shades

Page 2: Lesson Plan for Straight 031512

bonnet mga relo maliit na walis tingting mga basura

Page 3: Lesson Plan for Straight 031512

maliit na kaleidoscopeB. Para sa CT

Engagement Activitieso Na Kanino Ang Mga Walis? (story map)

pamagat at may akda malaking larawan ng Baryo Walis Tembong ibang taga-baryo kalabaw at kariton 3 walis

o Sino si Tembong? mga bahagi ng katawan ni Tembong 5 magnifying glass mga gamit

bola walis gulong bulaklak

mga whiteboard markero Pangarap Kong Palasyo

maliliit na piraso ng karton mga bandera mga sticker whiteboard marker costume:

3 pala 2 martilyo

o Aaaaah! Wala nang Walis! larawan ng Baryo Walis mga whiteboard marker mga ididikit na peste mga pangalan ng bagay paint 5 paintbrush

o Balitang Baryo TV remote control mic na may label headline at larawan ni Tembong noon at ngayon notepad bilang gabay costume:

Tembong: polo o magandang pantaas mga reporter: vest (2)

mga whiteboard marker Enrichment Activity

- maraming mga stick na gawa sa karton- goma at tali- mga ribbon- mga letra ng pangalan nila

III. Pamamaraan para sa Pagkuwento at Pag-unawa

A. Bago Magbasa

1. Paghahawan ng Balakid

Page 4: Lesson Plan for Straight 031512

Mga Salita Kahulugan Paraan ng Paghawan ng Balakid

baryo bayan o nayonMayroon akong gustung-gustong puntahan na lugar. Sa isang malayong-malayong baryo.Magpapakita ng larawan ng baryo. Ano ang nakikita niyo sa baryo? Ganito rin ba ang itsura kung saan kayo nakatira? Ano ang isang baryo?Bumisita ako sa Baryo Malamig. Nandoon kasi ‘yung gusto kong puntahan – ‘yung pinakamagandang palasyo. (Magpapakita ng larawan ng palasyo.) sa buong Pilipinas. Ano kayang ibig sabihin ng palasyo? Anong itsura ng palasyo? Nang makarating ako sa palengke, naisipan kong magtanong-tanong. Lumapit ako sa tindera ng relo na noon ay nagwawalis sa harap ng tindahan niya. Habang kausap ko ang tindera, may biglang dumaan na mama. Tapos, walang anu-ano, tatlo na lang ang natira sa mga relo! Wala na ang ibang mga relo mula sa estante! Nanakaw ang lahat ng iyon ng mabilis na mama. Ang bilis naman niya. Ano kayang ibig sabihin ng walang anu-ano? Paano kinuha ng mama ang mga relo? Mabagal ba o mabilis?

“Mandarambong! Mandarambong! Kinuha ang mga paninda ko!” sigaw ng babae. Ano kaya ang ibig sabihin ng mandarambong? Ano ang ginawa ng mama? Agad nagsitakbuhan ang mga tao at hinuli ang mandarambong. Nakuha ng tindera ang mga relo, tapos ay bumalik na siya sa pagwawalis.

palasyomalaking-malaki at magandang-magandang bahay

walang anu-ano bigla

mandarambong magnanakaw

Babasahing muli nang sabay-sabay ang mga salita at irerebyu.

2. Activating Prior Knowledge

Tignan nga natin ‘tong walis ng tindera. Alam niyo ba kung anong klaseng walis ito?Narinig niyo na ba ‘yung kasabihan tungkol sa walis tingting?

Page 5: Lesson Plan for Straight 031512

“Kapag nag-iisa lamang ang tingting, hindi mo ito magagamit na pangwalis at hindi mo ito matatawag na walis. Pero kapag ang dalawang daang piraso ng tingting ay pinagsama at itinali, ito ay matatawag ng walis at magagamit na sa itinakda niyang gamitKapag nag-iisa lamang ito.”

Totoo ba ‘yun? Tignan nga natin. Gagamiting pangwalis ang tingting na hiwa-hiwalay at tingting na sama-sama. Ganito rin ba pagdating sa mga tao? Mas marami bang nagagawa kapag mag-isa lang o kapag sama-sama?

Kaya ako, lagi kaming sama-sama ng mga kaibigan ko kahit saan. Dati nga magkasama kaming sumali sa isang laro at napanalunan namin ito. Ipapakita ang maliit na kaleidoscope. Ito ang pinakapaborito kong gamit.

3. Pagsusulong ng Dahilan sa Pagbabasa

a. Motivation QuestionKayo, ano ang pinakapaborito ninyong bagay o laruan?

b. Motive QuestionSa kuwento natin, ano kayang pinakapaboritong bagay ng bida?

B. Habang Nagbabasa

During Reading Device: Story Map (Na Kanino Ang Mga Walis?)

Si Tembong MandarambongMAHILIG SA WALIS PERO TAMAD MAGLINIS

Akda at Guhit ni Susan AragonInilimbag (1980) ng Children’s Communication Center

Ilalagay ang pamagat at may akda sa pisara.

Pahina Kuwento Mga Tanong & Gawain

1-2

Sa isang malayong lugar,May isang baryo na ubod ng linis.Masisipag at masasaya ang mga tao rito.Lahat sila ay laging naglilinis.Lahat sila ay laging nagwawalis.Kaya tinawag nila itong Baryo Walis.

Ilalagay ng guro ang larawan ng Baryo Walis sa pisara.Ididikit sa larawan ang tatlong taong nagwawalis.

3-4

Si Tembong ay taga-Baryo Walis.Pero kaiba siya sa mga tao rito.Tamad na tamad si Tembong.Ayaw na ayaw niyang maglinis.Pero gustung-gusto niya ng walis.Kaya lagi siyang naiinggitsa mga taong may hawak na walis.

Ididikit sa larawan si Tembong.

Ano na nga ang paboritong bagay ni Tembong? Pero na kanino ang mga walis?

5-6

Page 6: Lesson Plan for Straight 031512

Isang araw, may naisip si Tembong.“Kapag kinuha kong lahat ang kanilang walis,makapagtatayo na ako ng isang palasyona yari sa walis,” sabi ni Tembong.“Isang magandang-magandang palasyoang aking gagawin.”

7-8Kaya isang araw, naghanda si Tembong.Hinintay niyang makatulogang lahat ng tao sa Baryo Walis.

Itatago ang mga walis sa mga bahay.

9-10Nang tulog nang lahat ang mga tao,Ninakaw ni Tembong ang lahat ng walissa lahat ng bahay sa buong baryo.

Kukunin ni Tembong lahat ng walis sa mga bahay, pagkatapos ay kukunin rin ng guro lahat ng mga walis sa name tag ng mga bata.

11-12At mabilis siyang umalis. Na Kanino Ang Mga Walis?

13-14

Umakyat si Tembong sa tuktok ng bundok.“Doon ko itatayo ang aking palasyo,”sabi ni Tembong.“Doon makikita ng lahatang aking palasyo na gawa sa walis.”

Aakyat si Tembong sa bundok gamit ang kariton.

15-16

Sinimulan niyang itayoang maganda niyang palasyo.Pero walang anu-ano,biglang lumakas ang hanginat tinangay ang palasyong ginagawa niya.Nilipad sa malayo ang mga walis niya.Naubos ang lahat ng walisna ninakaw niya sa mga tao sa baryo. Na Kanino Ang Mga Walis?

17-18

Masamang-masama ang loob ni Tembong.Umiyak pa siya nang umiyak.Hindi na siya makapagtatayo ng palasyo.Pero biglang may naisip na naman siya.“Babalik uli ako at magnanakaw sa baryo,”sabi ni Tembong.

19-20

Nagulat si Tembong pagbalik sa baryo.Napakarumi na ng paligid.Bigla siyang nalungkot sa kanyang nakita.Bigla siyang nagsisi sa kanyang ginawa.

Bakit naging marumi ang paligid?

Ano kayang gagawin niya?

21-22Gumawa agad siya ng maraming walis!Kay ganda ng ginawa niyang mga walis!

Page 7: Lesson Plan for Straight 031512

At ipinamigay niya ang mga walis na ginawasa lahat ng tao sa buong baryo. Isasauli ng guro ang mga walis sa mga

batang sasagot.Na Kanino Ang Mga Walis?

23-24

‘Di nagtagal, napakarami na niyang walis.Nagkaroon na rin siya ng maraming kaibigan.Nabalita maging sa ibang baryoang magagandang walis ni Tembong.Marami tuloy gustong bumiling ginawa niyang walis.Kaya isang araw, ang itinayo ni Tembongay hindi na isang palasyo kundi Ano kayang itinayo niya?

25-26 tindahan ng walis!

C. Pagkatapos Magbasa

1. Engagement Activities

Pre-Engagement Questions and Directions

1. Ano ulit ang pamagat ng ating kwento?

2. Tungkol kanino ang ating kuwento?Mas kilalanin pa natin siya sa gawaing ito:

Sino si Tembong? Magpanggap na kayo ay mga detektib. Buuin ang “Tembong paper doll” at kumpletuhin ang mga detalye. Pagkatapos ay piliin ang paboritong bagay ni Tembong at idikit ito sa kanyang kamay.

Pangalan: ___________________

Kasarian: Lalake Babae

Naglilinis ba siya? Oo Hindi

Tirahan: Baryo Walis Baryo Alikabok

Edad: ________

masipag mabaitmatalino

masayahin

Page 8: Lesson Plan for Straight 031512

3. Ano ang gustung-gusto ni Tembong? Bakit niya ito gusto? Ano bang gagawin niya dito?

4. Anong itsura ng gusto niyang itayong palasyo? Kayo, ano ang gusto niyong maging itsura ng palasyo niya?

Pangarap Kong Palasyo

Gamit ang mga gamit sa loob ng bag (card gawa sa karton, mga bandera at sticker), bumuo ng pangarap niyang palasyo. Pagkatapos ay bigyan ito ng pangalan.

5. Nabuo ba ang palasyo ni Tembong? Bakit o bakit hindi?

6. Anong nangyari pagbalik niya sa baryo?Ipapakita ito ng susunod na grupo sa:

Aaaaah! Wala nang Walis!

Bilang mga pintor, gawing obra maestro ang larawan ng Baryo Walis para ipakita ang nangyari sa baryo. Bumunot ng mga salita at iguhit ito kung dapat ba itong ilagay sa Baryo Walis noong wala nang walis.

Page 9: Lesson Plan for Straight 031512

langaw

papel

bote ipis

daga bulaklak bola alikabok

Page 10: Lesson Plan for Straight 031512

7. Ano bang ginawa ni Tembong nang makita niyang marumi ang baryo?Alamin natin sa ating mga reporter sa ating:

 Balitang Baryo

Dalawa sa inyo ang magiging reporter, isa ang gaganap bilang Tembong, at isa ang gaganap bilang kapitbahay ni Tembong. Tignang maigi ang dalawang larawan para makumpleto ang script. Magsanay at iulat ito sa klase.

  2. GPU DiscussionPag-usapan pa nating muli ang ating kuwento.

Mga Tanong Posibleng Isagot

1. Anong pamagat ng ating kuwento? Si Tembong Mandarambong.

2. Sino ang bida sa kuwento natin? Si Tembong.

3. Ano ang paboritong bagay ni Tembong? (Motive Question)

Kilalanin pa natin nang husto si Tembong sa tulong ng unang grupo.

Activity 1: Sino si Tembong?

walis

4. Bakit gustung-gusto ni Tembong ng walis? kasi maganda; gusto niya lang na

Si Tembong noong

nangunguha ng walis

Si Tembong noong

namimigay ng walis

Dati, Mandarambong, Ngayon Tindero na ng

Walis si Tembong

NOON NGAYON

Script

Reporter1 (________): Tembong, bakit ka nagtayo ng tindahan ng walis?

Tembong (________): Naging ________ (marumi) kasi dito mula nung kinuha ko ang mga walis. Naging ________ (malungkot) lahat ng tao.Reporter2 (________): Ikaw, anong masasabi mo ngayong tindero na si Tembong?

Taga-baryo (________): Masaya ako kasi mahalaga ang ________ (walis) sa amin. Salamat, Tembong!

Page 11: Lesson Plan for Straight 031512

Anong balak niyang gawin sa mga walis?Tignan natin kung anong itsura ng Pangarap na Palasyo ni Tembong ayon sa ikalawang grupo.Activity 2: Pangarap Kong Palasyo

itago; gusto niyang gawing palasyo

5. Ano kayang pakiramdam ni Tembong tuwing iniisip niya ang pangarap niyang palasyo?

masaya, sabik, hindi mapakali

6. Anong ginawa ni Tembong para matupad ang pangarap niya?Balikan natin ang mga nangyari sa:During Reading Activity: Na Kanino Ang

Mga Walis?

Ninakaw niya lahat ng walis sa baryo.

7. Ano kayang naramdaman ng mga tao nung mawala ang mga walis nila? Bakit?

nalungkot, nagalit, nanghinayang

8. Kayo, anong mararamdaman ninyo kapag may kumuha sa bagay na importante sa inyo?

malulungkot, matatakot, maiinis

9. Anong nangyari sa Baryo Walis pagbalik ni Tembong?Tignan nga nating sa obra maestra ng

ikatlong grupo na pinamagatang:Activity 3: Aaaaah! Wala nang Walis!

Nagging madumi.

10. Nang makita niya ito, anong naramdaman ni Tembong? Anong ginawa niya?

nalungkot; nagsisi. Gumawa siya ng maraming walis.

11. Sang-ayon ka ba sa ginawa niya? Bakit o bakit hindi?Alamin natin kung sang-ayon rin ba dito ang ibang taga-Baryo Walis. Pakinggan natin ang

Activity 4: Balitang Baryo

Hindi, dapat hinayaan na lang niyang marumi ang baryo;Oo, magandang tumulong sa baryo at sa ibang tao.

12. Kung ikaw si Tembong, ano ang gagawin mo?

Lilipat ng bahay; gagawa rin ng walis; hahanap ng ibang panlinis; bibili ng ibang walis

13. Kung hindi gumawa ng mga walis si Tembong, ano kaya ang nangyari?

Sobrang dumi na siguro ng Baryo Walis; tinamad nang maglinis ang mga tao.

14. Bakit mahalaga na magtulungan at magbigayan?

Dahil lahat kailangan ng tulong; dahil mas maraming nagagawa ‘pag tulung-tulong.

15. May pagkakataon na bang may ibinahagi kayo sa iba? Anong ibinahagi niyo?

Opo, nagbigay ako ng pagkain sa nanlilimos; naghati kami ng kaklase ko sa baon ko; naghati kami ng kapatid ko sa kumot – hindi kami nag-away.

16. Kung ikaw ang magkakaroon ng tindahan, ano ang gusto niyong itinda?

sabon, tsokolate, bulaklak, gulay

17. Kung ikaw ang masusunod, paano mo gustong matapos ang kuwento?

Gagawa na lang si Tembong ng walis at ipapamigay niya ang walis;Magtatayo pa ng ibang tindahan ng walis ang ibang tao.

Page 12: Lesson Plan for Straight 031512

3. Enrichment Activity

Wonder Walis

Tara, tulungan nating gumawa ng walis si Tembong! Kukuha ng mga tingting at pantali ang guro at ipapakita ang pagbuo sa Wonder Walis. Bibigyan ang bawat bata ng nabuo nang walis. Lagyan ito ng mga palamuti at ilagay ang unang letra ng pangalan ninyo dito.

 Prong 3: Grammar and Oral Language Development 

I. Paksang Aralin : Marami at Kaunti

II. Mga Layunin

Ang araling ito ay naglalayong matulungan ang mag-aaral na :

1. Kilalanin ang mga salitang tumutukoy sa dami ng mga bagay, tao o hayop.2. Magamit ang mga salitang tumutukoy sa dami upang ilarawan ang mga bagay,

tao o hayop.3. Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga salitang tumutukoy sa dami.

III. Mga Kagamitan mga larawan ng:

o maruming Baryo Walis (mula sa Aaaaah! Wala nang Walis!)o maraming punoo prutaso ibono bulaklako para sa GP at IP

salitang marami at kaunti + larawan signboard na marami at kaunti 4 magnifying glass tindahan ng mga bata maliliit na tindahan na ididikit sa worksheet worksheet mga whiteboard marker

IV. Pamamaraan

A. Introduction

Mabuti na lang talaga gumawa ng maraming walis si Tembong. Kundi ganito na ang itsura ng Baryo Walis habangbuhay. Ipapakita ang larawan ng Baryo Walis na napakarumi.

1. Maraming basura sa Baryo Walis.2. Kaunti ang halaman sa Baryo Walis.3. Maraming alikabok sa Baryo Walis.4. Maraming langaw sa Baryo Walis.5. Maraming ipis sa Baryo Walis.

May napapansin ba kayo sa mga salitang ginamit natin?

Page 13: Lesson Plan for Straight 031512

B. Presentation & Modeling

Dahil kay Tembong, naging maganda at malinis ulit ang Baryo Walis. Marami nang halaman, kagaya sa pinuntahan ko. Minsan, nagpunta ako sa gubat. Ipapakita ng guro ang larawan para sa bawat pangungusap.

1. Nagbaon ako ng maraming prutas.2. Maraming puno sa gubat.3. May kaunting ibon sa mga puno.4. Maraming bulaklak sa paligid.5. Pumitas ako ng kaunting bulaklak.6. Kumain ako ng kaunting prutas.7. Maraming mga bato sa tabing ilog. 8. Namulot ako ng kaunting bato.

Ano ang napansin ninyo? Paano natin inilarawan ang dami ng mga bagay na nakita ko? Ano ang mga salitangginamit natin?

Generalization:

Maaari nating ilarawan ang dami ng bagay, tao hayop gamit ang salitang marami at kaunti.

Ilalagay ang mga salita sa pisara. Pagkatapos, magbibigay pa ng ibang halimbawa ang mga bata sa tulong ng guro.

C. Guided Practice

Lahat ay tatayo sa isang hilera sa likod. May ipapakitang larawan ang guro, pagkatapos ay may itatanong. Pipila ang mga bata sa kanilang sagot: marami o kaunti. Makakakuha sila ng sticker para sa bawat tamang sagot.

Mga larawan: maraming gusali, kaunti ang puno, maraming tao, kaunti lang ang dyip,

maraming nakapayong. maraming libro marami at kaunting barya sa garapon maraming paalala o papel

D. Independent Practice

Hahatiin sa apat na grupo ang klase. Ang bawat grupo ay bibigyan ng mga clue para mahanap ang kanilang larawan sa loob ng silid.

Hanapin sa lugar kung saan maraming aklat na malaki.Larawan: bag na may lamang iba’t ibang gamit

Hanapin sa lugar kung saan may kaunting prutas.Larawan: aquarium

Hanapin sa lugar kung saan maraming upuan. Larawan: sampayan

Page 14: Lesson Plan for Straight 031512

Hanapin sa lugar kung saan may kaunting letter b at maraming letter h. Larawan: hapagkainan na may iba’t ibang pagkain

Kapag nahanap na nila ang larawan, kailangan nilang isigaw ang pangalan ng grupo nila. Lalapitan sila ng guro at ang bawat isa ay ilalarawan ito gamit ang mga salitang “marami” at “kaunti”.

E. Evaluation

Bubuo ang mga bata ng sarili nilang tindahan at susulatan nila ito ng pangalan nila. May iba’t ibang bagay sa bawat tindahan. Ipapaskil ito lahat sa pisara.

Dala-dalawang pupunta ang mga bata sa harap. Pipiliin nila ang tindahang maraming tinda at kaunti ang tinda. At ididikit sa tamang hanay sa worksheet nila.

Pangalan: _________________________________________

Pumili ng tindahan na may marami at kaunting tinda at idikit sa tamang hanya.

marami kaunti

Prong 4: Transfer Stage

I. Paksang Aralin: Titik H

II. Mga Kagamitan

pangalan ng mga daliri hipon halimaw mga hugis halo-halo

Page 15: Lesson Plan for Straight 031512

hikaw hiyas Oral Work

o Basic Higanteng game board Dice Mga titik h

o Average Commands sa halaman Props para sa commands Garden background

o Fast caps music copy of song

flash cards sulatan ng letra - B-R-B lines whiteboard marker mga worksheet mga writing folder mga lapis mga pangkulay

III. Pamamaraan

A. Introduction

Nasaan si Hinlalaki?

Teacher: Nasaan si hinlalaki? Nasaan si hinlalaki?Students: Nandito. Nandito.Teacher: Kumusta ka ngayon?Students: Mabuti po naman.Lahat: Laro na tayo! Laro na tayo!

o hintuturoo hinlalatoo palasingsingano hinliliito mga daliri

Ididikit ang pangalan ng mga daliri sa kamay ng guro.

Natuklasan ko, mayroon palang madyik itong hintuturo ko! Bago ako umalis ng bahay kanina. Hindi sinasadyang naituro ko ang hikaw, at bigla itong naging hiyas. Tapos, itinuro ko ang mga hugis sa dingding, at biglang naging halo-halo ang mga ito! Itinuro ko naman ang ulam kong hipon. Naging halimaw ito at bigla niyang kinuha ang hikaw at ang halo-halo ko. Tapos, bumaba siya sa hagdan.

May katabing litrato ang mga salitang nagsisimula sa h.

Saang tunog nagsisimula ang mga salitang ito? Ang mga salitang ‘to ay nagsisimula sa /h/. Nagsisimula sila sa titik H. Ilalagay ang larawan ng hagdan sa tabi ng titik H.

Page 16: Lesson Plan for Straight 031512

Hh

Tignan natin ang iba pang salitang nagsisimula sa h. bigkas, H-hari/hipon-/h/.

Page 17: Lesson Plan for Straight 031512

o hawlao hario haliko hiwa

o hukayo hitao hangino hikab

o halamano hardin

Page 18: Lesson Plan for Straight 031512

B. Mga bugtongo Isa, dalawa, tatlong sangkap.

Anong lamig! Anong sarap! (halo-halo)

o Gamit ang kutsilyoHatiin sa pira-piraso (hiwa)

o Malaki ang ngangaKapag inaantok na (hikab)

Isusulat ng guro ang mga letra sa red-blue-red na linya sa pisara habang sinasabi ito: H, hagdan, /h/. Ipapakita ang itsura ng bibig kapag binibigkas ang tunog at magbibigay ng mga tip para matandaan ang itsura ng titik h. Sabay-sabay na isusulat ng guro at ng klase ang maliit at malaking titik h sa ere habang sinasabi ito: H, hagdan, /h/. Pagkatapos ay isusulat nila ito sa kanilang papel.

Ipapakita ng guro ang listahan ng mga kailangan nilang gawin para mabawi ang halo-halo at hiyas mula sa halimaw.

C. Practice & Evaluation

BASIC AVERAGE FAST

OW

I. Objectives

1. Matukoy ang tunog at letrang h sa mga salita.

2. Mabigkas nang tama ang mga salitang nagsisimula sa h.

3. Makilala ang kaibahan ng tunog ng h sa ibang tunog.

II. Directions

Ito ang daan papunta sa bahay ng halimaw.

Pumwesto sa simula ng higanteng game board. Ang bawat isa ay maghahagis ng dice at hahakbang ayon sa nakuhang numero.

SW1

I. Objectives1. Matukoy ang mga

salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

2. Makilala ang kaibahan ng tunog ng h sa ibang tunog.

II. DirectionsSaang hardin kaya nakatira ang halimaw? (Nakatira siya kung saan maraming gamit.)

Ilagay ang mga larawan sa loob ng letra kung saan sila nagsisimula. Pagkatapos, isulat ang mga salita sa tabi ng mga larawang nagsisimula sa h.

III. Sample Items halaman halik

SW1

I. Objectives1. Matukoy ang mga

salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

2. Mabasa nang tama ang mga salitang nagsisimula sa titik h sa pangungusap.

3. Makumpleto ang mga pangungusap gamit ang mga salitang nagsisimula sa h.

II. DirectionsMagtanong sa ibang halimaw tungkol sa halimaw na hinahanap.

Sa tulong ng larawan, kulayan ang wastong salita para makumpleto ang pangungusap.

III. Sample

Page 19: Lesson Plan for Straight 031512

Kapag natapat sa larawang nagsisimula sa H, lagyan ito ng H at umusad pa ng isang hakbang. Kapag napunta naman sa hindi nagsisimula sa H, manatili lang sa puwesto. Ang unang makarating sa dulo ang panalo.

III. Sample Items

hangin mais hari

hari Items

Si Hani Halimaw ay mahilig: kumain ng hita (hita,

hugis) ng manok. maghukay sa hardin

(hipon, hardin) magtanim ng halaman

(hangin, halaman). umupo sa hagdan

(hagdan, hikaw). Makinig sa radyo (hangin,

radyo) habang nakahiga.

SW1

I. Objectives

1. Matukoy ang mga salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

2. Makilala ang kaibahan ng tunog ng h sa ibang tunog.

3. Maisulat nang tama ang maliit na letrang h.

II. Directions

Anong mga gamit ang magsisilbing sandata sa paglalakbay?

Kulayan ang mga larawan na nagsisimula sa h. Tignang mabuti ang nabuong titik at isulat ito sa patlang. (maliit na titik h ang mabubuo)

III. Sample Items halik hukay hiwa

OW

I. Objectives1. Matukoy ang mga

salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

2. Maunawaan ang ibig sabihin ng mga pangungusap na may mga salitang nagsisimula sa h.

3. Mabigkas nang tama ang mga salitang nagsisimula sa h.

II. DirectionsSa harding ito nakatira ang halimaw.Pumili ng isang halaman at basahin ang pangungusap. Gawin ang sinasabi sa pangungusap at ibalik ang halaman sa hardin.

III. Sample Items Pakawalan sa hawla

ang hari. Hulihin ang lahat ng

hipon. Tumapat sa hangin

ng bintilador.

SW2

I. Objectives1. Matukoy ang mga

salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

2. Mabasa at maintindihan ang mga pangungusap na may mga salitang nagsisimula sa h.

II. Directions

Nahanap mo na si Hani Halimaw! Kausapin mo na siya para makuha mo ang hiyas at halo-halo.

Kulayan ang tamang salita na kukumpleto ang mga pangungusap.

III. Sample Items

Ikaw: Bakit mo kinuha ang (halo-halo) at (hiyas)?

Hani Halimaw: Hindi ko matiis ang hapdi ng sugat ko.Ikaw: Hala! Ang laki ng hiwa sa (hita) mo!

Hani Halimaw: Oo, mahirap

Page 20: Lesson Plan for Straight 031512

Hanapin ang hikaw sa

loob ng hukay. Humalakhak nang

malakas. Ilagay sa kahon ang

asul na hikaw.

humakbang kapag naglalakad.

Gagaling lang ito ‘pag nahanap ko ang hiyas at nakakain ako ng halo-halo. Kaso, nahulog ko ang mga ito sa (hukay).

Ikaw: Hayaan mo, hanapin na lang natin sa (hardin).

SW2

I. Objectives

1. Matukoy ang tunog at titik h sa mga salita.

2. Mabasa nang tama ang mga salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

II. DirectionsHanapin ang mga gamit na gagawing sandata. Basahin ang mga salita sa hagdan. Kunin sa basket ang tamang larawan at idikit ito sa tabi ng salita. III. Sample

Items hugis halaman regalo hiyas

SW2

I. Objectives1. Matukoy ang tunog

at titik h sa mga salita.2. Mabasa nang tama

ang mga salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

3. Maisulat nang wasto ang mga salitang nagsisimula sa h.

II. DirectionsItanong sa hari kung nakita niya ang halimaw.

Kulayan ang tamang salita para mailarawan ang halimaw.

III. Sample Items

Ang halimaw ay: may hawak na halo-halo. malaki ang hita. may dalang hiyas. nakatira sa hardin na

hugis h. mahilig sa halaman.

OW

I. Objectives1. Matukoy

ang tunog at letrang h sa mga salita.

2. Mabasa nang tama ang mga salitang nagsisimula sa h sa tulong ng mga larawan.

3. Mabigkas nang tama ang mga salitang nagsisimula sa h.

II. Directions1. Basahin ang

kanta at i-present ito sa pamamagitan ng isang rap.

2. Sagutin ang mga tanong ng guro tungkol sa kanta. Hanapin sa hukay ang tamang sagot.

III. Sample Items

Kanta:

Hanapin nang hanapin Nang hanapin ang hiyas. ‘Pag ‘di natin nahanap Puwede pa naman bukas. Hayaan mo at Huwebes, Huwebes pa lang. Mamaya halo-halo’y ating gagawin Para ang sugat mo sa

Page 21: Lesson Plan for Straight 031512

hita’y gumaling. Haning Halimaw, bago kong kaibigan, ‘Wag kang mag-alala hindi kita iiwanan.

Mga Tanong:

Sino ang bago ninyong kaibigan? (Haning Halimaw)

Ano ang kailangan ninyong hanapin? (hiyas)

Bakit kailangang hanapin ang hiyas? (para gumaling ang hiwa sa hita)

Anong araw ninyo sinimulang hanapin ang hiyas? (Huwebes)

Ano ang mga kailangan para gumaling ang sugat ni Hani?

(hiyas at halo-halo)

Saan nila hinanap ang hiyas? (hardin)

Page 22: Lesson Plan for Straight 031512

Pangalan:________________________________________________

Anong mga gamit ang magsisilbing sandata sa paglalakbay?Kulayan ang mga larawan na nagsisimula sa h. Tignang mabuti ang nabuong titik at isulat ito sa patlang

______

Page 23: Lesson Plan for Straight 031512

Pangalan:___________________________________________

Saang hardin kaya nakatira ang halimaw? (Nakatira siya kung saan maraming gamit.)Ilagay ang mga larawan sa loob ng letra kung saan sila nagsisimula. Pagkatapos, isulat ang mga salita sa tabi ng mga larawang nagsisimula sa h.

Pangalan:___________________________________________

Hanapin ang mga gamit na gagawing sandata. Basahin ang mga salita sa hagdan. Kunin sa basket ang tamang larawan at idikit ito sa tabi ng salita.

hikab

halik

hipon hugis hikaw

Page 24: Lesson Plan for Straight 031512

Pangalan:___________________________________________

Itanong sa hari kung nakita niya ang halimaw. Kulayan ang tamang salita para mailarawan ang halimaw.

Ang halimaw ay:

may dalang . .halo-

halo

hiyas

may hawak

na . .halo-

halo

halaman

nakatira sa na hugis h. . .

hardin halik

malaki ang

.hipon hita

mahilig sa . hikab halama

n

Page 25: Lesson Plan for Straight 031512

Pangalan:___________________________________________

Magtanong sa ibang halimaw tungkol sa halimaw na hinahanap. Kulayan ang wastong salita para makumpleto ang pangungusap.

Si Hani Halimaw ay mahilig:

1. kumain ng ng manok.

hita hugis

4. umupo sa

hagdan . .hagdan hikaw

2. maghukay sa . .

hipon hardin

5. makinig sa habang nakahiga. .

hangin rady

3. magtanim ng . hangin halama

n

Page 26: Lesson Plan for Straight 031512

Pangalan:___________________________________________

Nahanap mo na si Hani Halimaw! Kausapin mo na siya para makuha mo ang hiyas at halo-halo. Isulat ang tamang sagot sa patlang. Piliin sa loob ng kahon.

Ikaw: Bakit mo kinuha ang at ?

Hani Halimaw: Hindi ko matiis ang hapdi ng sugat ko.

Ikaw: Hala! Ang laki ng hiwa sa mo!

Hani Halimaw: Oo, mahirap humakbang kapag naglalakad. Gagaling lang ito ‘pag nahanap ko

ang hiyas at nakakain ako ng halo-halo. Kaso, nahulog ko ang mga ito sa .

Ikaw: Hayaan mo, hanapin na lang natin sa .

Page 27: Lesson Plan for Straight 031512

hukay halo-halo hardin hita guro hikab

hiyas gitara halimaw gatas