Lesson Exemplar sa Filipino 11

15
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS Pamantayang Pangnilalaman : Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik Pamantayang Pagganap : Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik I. LAYUNIN: A. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik ( Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos, emprikal, atbp.) F11PT- IVcd-89 a.1. Natutukoy ang kahulugan ng mga konseptong kaugnay sa pagbuo ng tentatibong balangkas. a.2.Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagbuo ng balangkas sa pagsulat ng isang pananaliksik. a.3.Nakabubuo ng isang tentatibong balangkas. Paksa : Pagsulat ng Tentatibong Balangkas Saggunian : ( https://prezi.com> paggawa-ng-balangkas ) https://www.google.com.ph/amp/s/bryanmuertequedotcom.wordpre ss.com/2012/02/27/mga-masamag-epekto-ng-paninigarilyo/amp/ http://emmarflojo2892.blogspot.com/2012/08/sanaysay.html http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/sanaysay-tungkol-sa- pagbabago.html http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-sa-filipino- pananaliksik.html Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, pahina 160 , Kagamitan : laptop,projector,aklat,

Transcript of Lesson Exemplar sa Filipino 11

Page 1: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

Pamantayang Pangnilalaman : Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop

na pananaliksik

Pamantayang Pagganap : Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa

Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng

pananaliksik

I. LAYUNIN:

A. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik ( Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos, emprikal, atbp.) F11PT- IVcd-89

a.1. Natutukoy ang kahulugan ng mga konseptong kaugnay sa pagbuo ng tentatibong

balangkas.

a.2.Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagbuo ng balangkas sa pagsulat ng isang

pananaliksik.

a.3.Nakabubuo ng isang tentatibong balangkas.

Paksa : Pagsulat ng Tentatibong Balangkas

Saggunian : ( https://prezi.com> paggawa-ng-balangkas )

https://www.google.com.ph/amp/s/bryanmuertequedotcom.wordpre

ss.com/2012/02/27/mga-masamag-epekto-ng-paninigarilyo/amp/

http://emmarflojo2892.blogspot.com/2012/08/sanaysay.html

http://sanaysay-fi lipino.blogspot.com/2012/08/sanaysay-tungkol-sa-

pagbabago.html

http://sanaysay-fi lipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-sa-fi lipino-

pananaliksik.html

Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik, pahina 160 ,

Kagamitan : laptop,projector,aklat,

Page 2: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN:

A. PAGGANYAK

Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ang bawat pangkat ng 10 bond paper, gamit

ang mga ito bubuo sila ng isang matatag na tore na tatayo sa loob ng tatlong

minuto.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Naging mahirap ba para sa inyo na buuin ang tore? Ipaliwanag.

2. Ano-ano ang mga naobserbahan ninyo habang binubuo ang tore?

3. Sa inyong palagay, ano ang mangyayari sa tore kung hindi

matatag ang balangkas nito?

B. PAGLALAHAD NG ARALIN

Pagtalakay sa aralin “ Pagbuo ng Tentatibong Balangkas” gamit ang powerpoint

presentation. PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

BALANGKAS

Ito ay maliit na yunit na nagsisilbing pundasyon ng isang sulatin

Ito ang nagsisilbing skeleton ng isang sulatin.

PAGBABALANGKAS

Ang paggawa ng pattern kung saan nakapaloob ang mga masinsing

detalye, ideya, at pangyayari na gagamiting kasangkapan sa sulatin

KAHALAGAHAN NG PAGBABALANGKAS

Pag-uugnay ng mga ideya

Gabay sa pagsusunud-sunod ng mga ideya at paglapat ng sulatin

Sistema ng paghahanay-hanay ng mga kaisipan

“Overview” para sa buong sulatin

URI NG BALANGKAS

Page 3: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

1. BALANGKAS NA PAPAKSA

- Gumagamit ng kaunting salita lamang o parirala, dito makikita ang

paggamit ng “keywords”

Hal.

I.Halaga ng Iisang Wikang Filipino

A. Sagisag ng bansa

B. Buklod ng pagkakaunawaan

2. BALANGKAS NA PANGUNGUSAP

- Buong pangungusap ang gamit para sa pag-uugnay ng mga ideya

Hal.

I.Ang Pagkain ng Gulay ay Mahalaga

A. Masustansya ang mga gulay

B. Madali lamang itanim at lutuin ang mga ito

3. BALANGKAS NA PATALATA

-patalata ang paraan ng pag-aayos ng mga ideya

-Ito ang uri ng balangkas na hindi madalas gamitin

ANYO NG BALANGKAS

LETRA-BILANG ANYO

I.Edukasyon

A. Paraan

1. Sa Paaralan

2. Sa Kapaligiran

B. Kahalagahan

1. Para sa Kaisipan

Page 4: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

2. Para sa Katauhan

LETRA-BILANG ANYO

I.Pangunahing Paksa

A. Pantulong na Paksa

1. Mahalagang detalye ng A

2. Mahalagang detalye ng A

KATEGORYA NG BALANGKAS

1. DIVISYON- pinanandaan ng mga bilang Romano (I, II, III...)

2. SUBDIVISYON- pinananandaan ng mga malalaking titik ng

alpabeto ( A, B, C..)

3. SEKSYON- pinananandaan ng bilang Arabiko ( 1, 2, 3....)

PARAAN NG PAGBABALANGKAS

1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon.

2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas

3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa

seleksyon

4. Gamitin ang Roman Numerals ( I, II, III...) sa pagsulat ng

pangunahing diwa o paksa

5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng

mahahalagang salita ng bawat pangunahing diwa

6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman numerals at malaking

Page 5: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

letra

7. Isulat nang may pasok sa ilalim ( indention) ng pangunahing

diwa ang mga kaugnay na paksa

8. Gamitin ang malaking letra (A, B, C...) sa bawat kaugnay na paksa

(sub-topic)

9. Gamitin ang arabic numerals (1, 2, 3..) sa unahan ng mga detalye

na sumusuporta sa kaugnay na paksa

10. Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulan

ito sa malaking letra

GABAY SA PAGBABALANGKAS

1. Sa paggawa ng balangkas, tanungin mo muna ang iyong sarili

kung paano mo maaayos sa mga grupo o mauuri ang mga

pangunahing ideya (titulo o pamagat) na nasasaisip mo.

2. Palawakin ang mga ideyang itosa pamamagitan ng pag-iisip ng

mga detalye o subtopics sa bawat grupo.

3. Ang mga pangunahing ideya na pinagsama-sama ay mga

impormasyon o data na magkakapareho o magkakatulad.

C. PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN

Bumuo ng salita mula sa mga titik sa loob ng kahon at bigyan ito ng kahulugan.

A A

S U N

U G G

P P N

1. _____________

Page 6: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

S S

N O Y

I U I

D V B

2. ____________

D V S N

I Y I O

3. ______________

E S K Y

O S N

4. ________________

5. ________________

B G K

A N A

L A S

6. _______________

Mga Sagot:

1. Pangungusap

2. Subdivisyon

K S A A P

Page 7: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

3. Divisyon

4. Seksyon

5. Paksa

6. Balangkas

C. PAG-UNAWA SA BINASA

1. Sa tulong ng Concept Map, ibigay ang kahulugan ng Balangkas.

2. Paghambingin ang mga uri ng pagbabalangkas at ang mga katangian

nito sa tulong ng dayagram.

3. Isa-isahin ang mga kategorya at katangian sa pagbuo ng balangkas,

gamit ang table sa ibaba.

KATEGORYA KATANGIAN

1.

2.

3.

PAGBABALANGKAS

Page 8: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

4. Sa pamamagitan ng ladder organizer, itala ang mga pamamaraan sa

pagbuo ng balangkas.

III. MGA GAWAIN A. PANGKATANG GAWAIN I

Ayusin sa pabalangkas na paraan ang klastering na ito.

DROGA

EPEKTO

DAHILAN

NG

PAGGAMIT

URI

SOLUSYON

Kagustuhang

mapabilang sa

barkada

Pagtakas sa

problema

Masamang

kapaligiran at

lipunan

Kanser

Pagiging

bayolente Sakit sa

emosyon

Shabu

Cocaine

Marijuana

Pakikibahagi

sa mga

gawaing may

kinalaman sa

isports

Pagpasok sa

Rehabilitation

Center

Pagkakaroon ng

ugnayan sa

Diyos

Page 9: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

B.PANGKATANG GAWAIN 2

Bumuo ng balangkas ng tekstong inyong babasahin.

Pangkat 1.

Lahat tayo ay may patutunguhan kung anuman ang ating adhikain sa buhay.

Mapasama man ito o mapabuti ang ating kinanalagyan ay dulot ito ng ating

pakikipagsapalaran sa buhay. Ang mahalaga sa ating paglalakbay ay may

patutunguhan tayo. Natututo tayo sa pakikipagsapalaran at natututo tayo sa

ating mga pagkakamali. Ayaw naman natin sa mga pagkakamaling iyon ay ating

nauulit dahil na rin sa ating pagpupursige na malagpasan kung anuman ang

ating balakin sa ating buhay. Hindi natin alam at ‘di tayo sigurado sa mga bagay

na ating pinag-aalinlangan. Marahil nakadarama tayo ng kawalang

kasiguraduhan sa ating mga ginagawa dahil hindi natin pinagbubuti ang ating mga ginagawa.

Tayo ang gumagawa ng sarili nating patutunguhan, natututo tayo na

mag-isa at humakbang para sa sarili nating kapakanan. Walang Gawain at

bagay na sadyang itinakda para sa atin. Kailangan nating kumilos para

magkaroon ng katuparan ang ating mga pangarap at kapalaran. Sino bang tao

ang nakakaalam ng kanyang kapalaran? Wala…! Walang nakakaalam ng mga

pangyayari sa darating na bukas. Kung gusto nating makadama ng

kaginhawaan hindi tayo aasa sa gawain ng iba bagkus ating paghirapan ang

mga bagay na gusto nating makamtam. Hindi lalapit sa atin ang mga bagay na

ating gugustuhin, sadya itong pinagpapawisan para makadama tayo ng

kaginhawaan. Basta’t lagi nating iisipin na walang bagay na sadyang inilaan sa

atin ng Panginoon.

Ang bawat bagay dito sa mundo ay hindi makukuha kung hindi mo

pinaghihirapan. Katulad na lamang ng kasaganaan sa buhay. Hindi natin

makakamtan kung hindi tayo kikilos. Nagtatrabaho nga tayo kung ang lahat ng

ating pinaghihirapan ay nalulustay lagi sa sugal at bisyo na kung anuman ay

wala ring magyayari. Isipin na lang natin ang ating mga mahal sa buhay, sa halip

na pambili na lamang ng pagkain ng pamilya’y ginagastos sa wala namang

kwentang bagay. Ang buhay nga ay parang sugal kailangan mong makipagbuno

sa hamon ng kapalaran bago ka makalalasap ng buhay na kaginhawaan.

Masinop at masipag lamang ang nagkakamit ng tagumpay dahil ang adhikain

nila’y tunay na pinaninindigan sa buhay. Kaya ang lahat ng bagay ay sadyang

nakadepende kung anong aksyon ang ating gagawin. Ang kailangan lang ay

maniwala tayo sa ating sarili na kaya natin ang mga bagay na sadyang

Page 10: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

nagpapahirap sa atin. Kaya natin ito kaibigan!

MANIBELA

Sanaysay ni Emmar C. Flojo

http://emmarflojo2892.blogspot.com/2012/08/sanaysay.html

Pangkat 2.

Pagbabago sa Iyong Buhay

ni: Bernadette Biko

Maraming dahilan ang makapagtutulak sa iyo sa isang konklusyon na,

“kailangan kong baguhin ang aking buhay”. Ang isa sa mga dahilan na

magtutulak sa atin na magbago ay ang ating trabaho. Kadalasan,

nararamdaman natin na tayo ay nahihirapan sa ating mga gawain at trabaho.

Nararamdaman din natin na tayo ay nagtatrabaho ng sobra kaysa sa ating dapat

na gawin. Isa ring halimbawa ng maaaring maging dahilan na gusto nating

mabago ang ating buhay ay dahil sa hindi magandang relasyon. Maaaring sa

simula, ang isang relasyon ay kaaya-aya, ngunit sa katagalan, ito ay

humahantong sa isang hindi magandang pangyayari. Kapag nangyari ito, maiisip

natin na kailangan na talaga ng pagbabago. Ang pangatlong maaaring maging

dahilan ay ang damdamin sa iyong kalooban na mayroon isang bagay na dapat

baguhin sa iyong pag-uugali, o pagbabawas ng timbang o isang pisikal na

katangian. Sanaysay sa Filipino.

Ang lahat ng ito ay magagandang dahilan upang baguhin ang iyong sarili o ang

iyong buhay. Ngunit, may mga hadlang na maaaring makasalubong kung

susubukan mong magbago. Ang pagbabago sa iyong trabaho o paghahanp ng

ibang mapagkakakitaan ay maaaring maging sanhi ng problema sa pera at

panggastos. Ang pagbabago sa isang relasyon ay maaaring magbunga ng sakit

ng damdamin sa iyong kapareha. At kung nagbabalak magbago sa sarili, may

mga hadlang din na maaaring maging dahilan upang hindi matuloy ang iyong

mga balakin. Kailangan ang matinding determinasyon at kagustuhan upang

mapaglabanan ang mga hadlang na makakasalubong sa iyong pagbabago.

Kailangang pag-aralan ang pagiging matatag at matibay upang maipanalo ang

mga plano. Sanaysay sa Filipino.

Page 11: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

Ang mga pagbabagong nais mong matamo ay maaaring maisakatuparan,

kailangan lamang ang positibong pananaw. Ang isang hakbang na maaaring

gawin ay ang ilista ang mga pagbabagong gusto mong makamit. Tingnan at

basahin ang mga ito sa tuwina upang maitimo sa iyong isipan ang mga

pagbabagong ito. Ito ay magsisilbing paalala sa iyong sarili na ikaw ay

determinadong magbago at tumahak sa isang matuwid na daan. Isang

magandang ideya rin naman na humingi ng tulong at suporta sa iyong pamilya at

mga kaibigan o sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan. Ang katotohanan na

may mga taong nasa iyong likod upang umalalay ay isang magandang

inspirasyon upang ipagpatuloy ang iyong mga plano. Maaari mo ring isulat sa

isang papel ang iyong mga natapos na o mga accomplishments para magsilbing

inspirasyon na ipagpatuloy din naman ang iyong mga nasimulan. Sanaysay sa

Filipino.

Kapag nasimulan na ang iyong mga balakin, ihanda ang iyong sarili sa anumang

mga hadlang na maaaring mangyari. Ang mga hadlang na ito, maging tao, bagay

man o pangyayari ay maaaring maging dahilan ng iyong pagsuko at

kalungkutan. Kailangan mong isipin lagi ang iyong kagustuhang magbago.

Gagawin mong magbago kahit na ano ang mangyari. Isang magandang hakbang

ang pananatili sa magandang pananaw sa buhay upang maisakatuparan ang

iyong mga kagustuhan na walang natatapakan na sino man. http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/sanaysay-tungkol-sa-

pagbabago.html

Pangkat 3.

Mga Dahilan Kung Bakit Nalululong ang Tao sa Alak

Ang alak o ang pag-inom nito nang labis ang isa sa mga itinuturing na

pinakapalasak na uri ng addiction sa ating lipunan ngayon. Kasunod sa pagkakalulong ng maraming indibidwal sa mga ipinagbabawal na gamot, ang

alak ang sumunod na dahilan kung bakit tila isang sakit na dumadapo sa mga

matatanda, maging sa mga kabataan, ang malakas na pagkahaling dito.

Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng mga doktor, ang alak, bagaman alam ng

marami ang masasamang epekto, ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Filipino

Page 12: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

sa kasalukuyan. Ito ay paulit-ulit na inaabuso at walang patumanggang

ginagamit nang labis sa nararapat. Sa ganitong sitwasyon, maraming tao ang

nahuhumaling dito, dahilan upang lalo pang dumami ang mga masasamang

epekto naibubungang nito sa kalusugan, buhay at pagkatao ng isang nilalang.

Maraming dahilan kung bakit nahuhumaling ang isang tao sa alak o alcohol. Ang

mga inuming nakalalasing ay palasak na naibebenta at legal na nabibili kahit na

saan ka man magpunta. At dahil legal ito sa ating sosyedad, ito ay kadalasang

nagiging sentro ng mga pagdiriwang o anumang pagpupulong, malaki man o

maliit, sa ating bansa. Bata man o matanda, madalas itong ginagawang libangan

at ginagamit upang mas maging masaya ang anumang pagtitipon. Isa rin sa

dahilan ng pagkakalulong ng isang tao sa alcohol ay ang pagiging legal nito sa

kanyang paligid. Malaya itong nakikita at nai-po-promote sa radio at telebisyon

maging sa mga babasahin. Naipadadala nito ang mensaheng ayos lamang ang

uminom nito at isinasaisantabi na ang mga masasamang elektong naidudulot nito sa isang tao.

At dahil malayang maibebenta at mabibili kahit na saang lupalop ng mundo,

Malaya rin itong mabibili ng mga kabataan lalo na sa kanilang estado ng

pagiging kuryosidad. At mamamalayan na lamang, dahil sa patuloy na pag-inom

at pag-abuso nito, isa nang ganap na addiction ang kanyang nakagawian.

Ang pamilya ay isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema. Ang mga

miyembro ng pamilya na halos ay walang pakialam sa kanilang mga kasama ay

siyang nagbubunga ng pagkawalang bahala ng mga taong umaabuso nito.

Maaaring maraming pampamilyang suliranin ang isang tao kung kaya naman

ibinabaling na lamang niya ang kanyang atensyon sa pag-inom ng alak upang

malimot ang kaniyang mga problema sa pamilya.

Marapat lamang na bigyan ng pansin ang anumang problema tungkol sa alcohol. Ang mga maliliit na bagay na maaaring magdulot na mas malalaking problema

sa hinaharap ay kailangan mabigyan kaagad ng sapat na solusyon upang hindi

na lumawak. Kailangan ang isang malawak na pananaliksik tungkol sa bagay na

ito. Makatutulong ang pagbabasa ng mga sanaysay tungkol sa mga kabataang

nalululong sa alak (drinking problems of youth). Magiging mas madali ang

pagsugpo sa maliliit na problema kaysa sa hayaan na lamang itong lumaki at

lumalala.

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-sa-filipino-pananaliksik.html

Page 13: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

Pangkat 4.

CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH.

Ang paninigarilyo ang nakasasama sa iyong kalusugan sa maraming paraan.

Ang mga epektong ito ang dahil sa iba’t ibang lason na nasa sigarilyo, gaya ng

nicotine ( isang nakakaadik na kemikal), carbon monoxide ( na siya ring kemikal

na nasa tambutso ng mga sasakyan), hydrogen cyanide ( kemikal na nasa mga

bomba), at iba pa. Suma total, may 400 na iba’t ibang uri ng lason sa karaniwang

sigarilyo.

Isa-isahin natin ang mga masamang epekto ng paninigarilyo. Pinakasikat

sa kanilang lahat ay ang lung cancer o kanser sa baga. Mahigit 80 % porsyento ng lahat ng lung cancer ay maiuugnay sa paninigarilyo. At hindi lamang kanser

sa baga ang hatid ng yosi. Marami pang ibang kanser ang maaari ng maidulot ng

paninigarilyo, gaya ng kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa pantog, kanser sa

bato, kanser sa tiyan, kanser sa matris, at iba pa.

Hindi lamang kanser ang dulot ng paninigarilyo, ito’y nagpapataas ng

probabilidad na magkaroon ng atake sa puso ( heart attack) at iba pang uri ng

sakit sa puso at mga ugat ng dugo ( vascular diseases).

Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng COPD, isang malubhang sakit sa baga

na may sintomas ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga, at panghihina.

Pinapalala rin ng sigarilyo ang iba pang mga sakit sa baga gaya ng hika (

asthma).

Sa mga babae, ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makasira sa pagbubuntis at panganganak; maaaring maagasan o mapaaga ang

panganganak ng sanggol at magdulot sa kaniyang kamatayan. Sa mga lalaki

naman, ang pagyoyosi ay maaaring magdulot sa pagkabaog, kawalan ng

abilidad na patigasin ang ari ( impotence), at kanser ng ari ng lalaki ( penile

cancer).

Iisa ang mabigat na mensahe ng lahat ng katotohanang ito; Tigilan na ang

paninigarilyo!

https://www.google.com.ph/amp/s/bryanmuertequedotcom.wordpress.com/2012/

02/27/mga-masamag-epekto-ng-paninigarilyo/amp

Page 14: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

C.PAGLALAHAT

Gamit ang rebentador, isulat sa metacards ang mga dapat tandaan sa pagbuo

ng Tentatibong Balangkas.

A. PAGLALAPAT

C.PAGLALAPAT

Paano mo magagamit ang pagbabalangkas sa pagbuo ng isang organisadong pananaliksik? Magbigay ng limang paraan.

1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

3. __________________________________________________________

4. __________________________________________________________

5. __________________________________________________________

Dapat tandaan sa

pagbuo ng tentatibong

balangkas

Page 15: Lesson Exemplar sa Filipino 11

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Paksang Aralin: PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

D. PAGTATAYA

Bumuo ng balangkas ng sulating magpapakilala sa iyong sarili. Maaring

hatiin ang balangkas na ito sa introduksyon, katawan, at kongklusyon.

____________________________

Pamagat

Introduksyon:

I. _______________________________________________

II. _______________________________________________

Katawan :

I. _______________________________________________

A. _____________________________________________

B. _____________________________________________

II. _______________________________________________

A. _____________________________________________

B. _____________________________________________

III. _______________________________________________

A. _____________________________________________

B. _____________________________________________

Kongklusyon :

I. _______________________________________________

II. _______________________________________________

Inihanda nina:

CATHERINE O. CANILAO- DIVISION OF PAMPANGA

CRISCEL S. CACHUELA- DIVISION OF NUEVA ECIJA

RUBRIKS SAPAGMAMARKA

Organisasyon..................... 5

Nilalaman……..................... 3

Kalinisan ng Awtput.......... 2

Kabuuan ...........................10 puntos