Kwentong Kutsero

2
Kwentong Kutsero: Ang Pulubi Kwentong Kutsero: Ang Pulubi Ni Epifanio G. Matute Pulubi: (Habang pumapasok ay nag – aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng magandang araw. Tony: (Titindig sa pagkakaupo) “ Gandang araw po naman… May kailangan ho ba kayo? Pulubi: (Isasahod ang kalliwang kamay) Nagpapallimos po ako… Maawa na kayo sa pobreng pulubi… Cruz: Pur bida… Mal-akas man sang pul-ubing ito… bat-a-pa… Junior: Mukha ngna naming ke-lakas-lakas ninyo, Mama… Pulubi: Tama ang sabi mo, Totoy… Ke-lakas-lakas ko ngang kumain! Cruz: Pur bida!… Kung malas-as kay-ong ga-kaon… Baki-t hind-I may kay-u-ga- trabahar? Wal-a man kay-ung sak-it? Pulubi: (Baballing kay Mr. Cruz). Wala ngna po akong sakit… Kaya ako malakas kumain e! Tony: O, e gano’n pala… bakit hindi kayo magtrabaho?… Pulubi: E… alam ninyo… Masam pos a akin ang mag-trabaho e… Terya: Masama sa inyo ang magtrabaho?… Aba, bakit ho naman? Pulubi: pag nagtrabaho po ako… Napapagod po ako e. Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba naming trabahong hindi nakapapagod? Pulubi: Alam ko, Totoy… Pero, pag napapagod ako… lalo akong lumalakas kumain! Cruz: ay pu bida!… Mi kat-wiran man sya! Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw… Tamad ka ninyo ang pulubing ito!.. Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako tamad… ang gusto ko lang trabaho …e yong walang ginagawa! Terya: Walang ginagawa?… Aba naku… e meron ho ba naming trabahong.. walang ginagawa? Pulubi: Aba meron po, Aling ano… meron po Tony: Saan ho naman ang trabahong iyon? Pulubi: Saan po ho!… sa Kongreso! Tony: Sa Kongreso?… Aba… marami hong ginagawa ang mga Kongresista! Pulubi: Wala po… pasyalan lamang sila nang pasyalan… Cruz: Purbida!… ano man ang ibig mong sabihon… gapasyal lam-ang sila? Pulubi: E, hindi po ba… panay ang kanilang mga kumperensya kung saan-saan?… Yon po ang ibig kong trabaho… Junior: Ayoooon… E, bakit hindi ho kayo kumandidato sa Kongreso? Pulubi: Hindi maaari, Totoy… Hindi ako pwede Terya: At bakit naman hindi? Pulubi: Maski naman po ako ganito… honest po ako!… Ayokong manloko! Tony: Aba, hindi ho naman lahat ng pulitiko ay manloloko! Terya: Aba naku… ano bay an?… Nanghihingi lang ng limos ang tao e… nagtatalo pa Kayo? Tony: O bweno… Bigyan na ninyo ng limos! (Uopo uli sa silya at itutuloy ang pagbabasa)

Transcript of Kwentong Kutsero

Page 1: Kwentong Kutsero

Kwentong Kutsero: Ang Pulubi

Kwentong Kutsero: Ang Pulubi

Ni Epifanio G. Matute

Pulubi: (Habang pumapasok ay nag – aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng magandang

araw.

Tony: (Titindig sa pagkakaupo) “ Gandang araw po naman… May kailangan ho ba kayo?

Pulubi: (Isasahod ang kalliwang kamay) Nagpapallimos po ako… Maawa na kayo sa

pobreng pulubi…

Cruz: Pur bida… Mal-akas man sang pul-ubing ito… bat-a-pa…

Junior: Mukha ngna naming ke-lakas-lakas ninyo, Mama…

Pulubi: Tama ang sabi mo, Totoy… Ke-lakas-lakas ko ngang kumain!

Cruz: Pur bida!… Kung malas-as kay-ong ga-kaon… Baki-t hind-I may kay-u-ga-

trabahar? Wal-a man kay-ung sak-it?

Pulubi: (Baballing kay Mr. Cruz). Wala ngna po akong sakit… Kaya ako malakas kumain e!

Tony: O, e gano’n pala… bakit hindi kayo magtrabaho?…

Pulubi: E… alam ninyo… Masam pos a akin ang mag-trabaho e…

Terya: Masama sa inyo ang magtrabaho?… Aba, bakit ho naman?

Pulubi: pag nagtrabaho po ako… Napapagod po ako e.

Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba naming trabahong hindi nakapapagod?

Pulubi: Alam ko, Totoy… Pero, pag napapagod ako… lalo akong lumalakas kumain!

Cruz: ay pu bida!… Mi kat-wiran man sya!

Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw… Tamad ka ninyo ang pulubing ito!..

Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako tamad… ang gusto ko lang trabaho

…e yong walang ginagawa!

Terya: Walang ginagawa?… Aba naku… e meron ho ba naming trabahong.. walang

ginagawa?

Pulubi: Aba meron po, Aling ano… meron po

Tony: Saan ho naman ang trabahong iyon?

Pulubi: Saan po ho!… sa Kongreso!

Tony: Sa Kongreso?… Aba… marami hong ginagawa ang mga Kongresista!

Pulubi: Wala po… pasyalan lamang sila nang pasyalan…

Cruz: Purbida!… ano man ang ibig mong sabihon… gapasyal lam-ang sila?

Pulubi: E, hindi po ba… panay ang kanilang mga kumperensya kung saan-saan?…

Yon po ang ibig kong trabaho…

Junior: Ayoooon… E, bakit hindi ho kayo kumandidato sa Kongreso?

Pulubi: Hindi maaari, Totoy… Hindi ako pwede

Terya: At bakit naman hindi?

Pulubi: Maski naman po ako ganito… honest po ako!… Ayokong manloko!

Tony: Aba, hindi ho naman lahat ng pulitiko ay manloloko!

Terya: Aba naku… ano bay an?… Nanghihingi lang ng limos ang tao e… nagtatalo pa

Kayo?

Tony: O bweno… Bigyan na ninyo ng limos! (Uopo uli sa silya at itutuloy ang

pagbabasa)

Page 2: Kwentong Kutsero

Terya: (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e… wala yata akong barya e… (Babaling

sa pulubi) Este… tumatanggap ho kayo ng bigas, Mama?

Pulubi: (Titingnan muna ang kanyang bayong) Aba e… komporme ho sa bigas…

Cruz: (Pabulalas) Ay pur bida… dilikado man sang pulubing itu!

Pulubi: Aba iyan lang ho ang maipagmamalaki ko… Maski na ako ganito e… Hindi po ako

basta-basta pulubi!

Tony: (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E, ano ho bang klaseng bigas pa ang gusto

ninyo?

Pulubi: (Babaling kayn Tony) Hindi naman ho ako delikado…Maski na…elon-elon na lang!

Terya: (Pataka)Elon-elon?… Aba, naku… E, Naric! Lang ho ang bigas naming e…!

Pulubi: Naric?… Ay naku… Huwag na ho! Maraming salamat ho.

Junior: Bakit ho?… Anong diperensya ng Naric?

Pulubi: Ay naku, Totoy… Sa tanang buhay ko… hindi pa ako tumitikim ng Naric!

Tony: Bakit ho naman?… Masarap naman ang bigas-Naric… medyo nga lang malagkit…

Pulubi: Hindi ho malagkit… Ma-racket!

Tony: (Payamot) Sya.. sya.. Kung ayaw ng bigas e… Bigyan na lang ng pera… nang

matapos na ang salitaan!

Terya: O sya hala… Pero… wala akong barya e… (Babalingan si Junior) Meron ka ba

riyan, Junior?

Junior: (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino, ako?… ay walang laman ang bulsa ko kundi…

butas! (Lalapit kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw, kuya?… Abonohan mo muna…

Tony: Ha? (kakapain ang mga bulsa) Wala rin e… Teka (Titindig sa pagkaupo at lalapitan

si Mr. Cruz) Meron ba kayo riyan, Mr. Cruz?

Cruz: Ha?… Ay pur bida… maski saan ga-umpisar… sa akon man ga tapos!