Kristiyanismo

8
Kristiyanismo Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang Diyos lamang) na nakabatay sa buhay at turo ni Hesus ayon sa isinulat ng kanyang mga tagapagsunod sa Bagong Tipan. Pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na si Hesus ay ang anak ng Diyos at ang mesiyas ngHudaismo. Ito ay ang pinakamalaking pananampalataya sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito. Ang relihiyong ito ay itinayo ni Kristo sa Israel. Ngunit maraming mga sanga ang relihiyong ito, lahat ng mga kasapi rito ay naniniwala sa Diyos. Ang apat na kanonikal na Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang mga pangunahing sanggunian na tinatanggap ng mga Kristiyano tungkol sa buhay at mga katuruan in Hesus. May iba't ibang mga interpretasyon ang iba't ibang pangkat o denominasyong Kristiyano tungkol sa katauhan at mga katuruan ni Hesus mula pa sa mga simulang kasaysayan ng Kristiyanismo hanggang sa kasalukuyang panahon. Isa sa mga pinakakilalang mga sagisag ng Kristiyanismo ay ang krus, kasama rin ng isda, o "Icthys" kung tawagin. Ang Paglaganap ng Kristiyanismo Bago umakyat sa langit si Jesu-Kristo noong 33 C.E., ibinigay niya sa kaniyang mga tagasunod ang atas na ito: “Kayo ay magiging mga saksi ko kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gaw 1:8) Naging tapat sila sa kanilang atas. Pagkaraan ng sampung araw, noong Pentecostes, bumaba ang banal na espiritu sa mga 120 alagad na naghihintay sa Jerusalem, at nagsimula silang magsalita “tungkol sa mariringal na mga bagay ng Diyos.” (Gaw 2:1-4, 11 ) Nang araw ring iyon, mga 3,000 ang nabautismuhan. (Gaw 2:37-41) Sa loob ng maikling panahon, ‘pinunô ng mga alagad ng kanilang turo ang Jerusalem.’ (Gaw 5:27, 28, 40-42 ) Ano ang naging resulta? “Ang bilang ng mga alagad ay patuloy na lubhang dumami sa Jerusalem.”— Gaw 6:7. Mula sa Jerusalem, ang gawaing pagpapatotoo ay lumaganap. Dahil sa pagsalansang sa kanilang pagpapatotoo sa

description

Nakapaloob sa akda na ito ang kasaysayan ng Kristiyanismo at Pagtatatag ng Ortodoksiyang Katoliko.

Transcript of Kristiyanismo

Page 1: Kristiyanismo

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang Diyos lamang) na nakabatay sa buhay at turo ni Hesus ayon sa isinulat ng kanyang mga tagapagsunod sa Bagong Tipan. Pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na si Hesus ay ang anak ng Diyos at ang mesiyas ngHudaismo. Ito ay ang pinakamalaking pananampalataya sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito. Ang relihiyong ito ay itinayo ni Kristo sa Israel. Ngunit maraming mga sanga ang relihiyong ito, lahat ng mga kasapi rito ay naniniwala sa Diyos. Ang apat na kanonikal na Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang mga pangunahing sanggunian na tinatanggap ng mga Kristiyano tungkol sa buhay at mga katuruan in Hesus. May iba't ibang mga interpretasyon ang iba't ibang pangkat o denominasyong Kristiyano tungkol sa katauhan at mga katuruan ni Hesus mula pa sa mga simulang kasaysayan ng Kristiyanismo hanggang sa kasalukuyang panahon. Isa sa mga pinakakilalang mga sagisag ng Kristiyanismo ay ang krus, kasama rin ng isda, o "Icthys" kung tawagin.

Ang Paglaganap ng Kristiyanismo

Bago umakyat sa langit si Jesu-Kristo noong 33 C.E., ibinigay niya sa kaniyang mga tagasunod ang atas na ito: “Kayo ay magiging mga saksi ko kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gaw 1:8) Naging tapat sila sa kanilang atas. Pagkaraan ng sampung araw, noong Pentecostes, bumaba ang banal na espiritu sa mga 120 alagad na naghihintay sa Jerusalem, at nagsimula silang magsalita “tungkol sa mariringal na mga bagay ng Diyos.” (Gaw 2:1-4,      11   ) Nang araw ring iyon, mga 3,000 ang nabautismuhan. (Gaw 2:37-41) Sa loob ng maikling panahon, ‘pinunô ng mga alagad ng kanilang turo ang Jerusalem.’ (Gaw 5:27, 28,      40-42   ) Ano ang naging resulta? “Ang bilang ng mga alagad ay patuloy na lubhang dumami sa Jerusalem.”—Gaw 6:7. Mula sa Jerusalem, ang gawaing pagpapatotoo ay lumaganap. Dahil sa pagsalansang sa kanilang pagpapatotoo sa Jerusalem, ang mga alagad ay nangalat sa buong Judea at Samaria. Muli, nagbunga ito ng pagdami.—Gaw 8:1,      4,      14-17   . Noong 36 C.E., dinala ng apostol na si Pedro ang mabuting balita sa Cesarea, kung saan si Cornelio at ang kaniyang sambahayan, ang unang di-tuling mga Gentil na nakumberte, ay binautismuhan. (Gaw 10) Kasunod niyaon, lumilitaw na nagsimula sa Antioquia ng Sirya ang sistematikong pagpapatotoo sa mga di-Judio. Bilang resulta, “isang malaking bilang ng mga naging mananampalataya ang bumaling sa Panginoon.” (Gaw 11:20, 21) Mula noon, ang gawaing pagpapatotoo ay lumaganap sa iba pang mga bansa at literal na umabot “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.”

Kasaysayan

Ang pinaniniwalaan(ng mga Kristiyano) na tagapagtatag ng Kristiyanismo na si Hesus ay pinaniwalaang ipinanganak sa Romanong Judea sa pagitan ng 7 BCE at 2 CE. Ang Kristiyanismo ay nagsimulang kumalat mula sa Herusalem tungo sa mga lugar gaya ng Syria, Assyria, 

Page 2: Kristiyanismo

Mesopotamia, Phoenicia, Asia Minor, Jordan at Ehipto. Ang Kristiyanismo ay ginawang opisyal na relihiyon ng estado ng Armenia noong 301 CE, Georgia noong 319 CE, Imperyong Aksumnite noong 325 CE at ng imperyo Romano noong 380 CE. Ang mga kondisyon sa imperyo Romano ay nagpadali sa pagkalat ng mga bagong ideya. Ang mga mahuhusay na lansangan at mga daanang pantubig ay pumayag sa madaling paglalakbay samantalang ang Pax Romana ay gumawa sa paglalakbay mula sa isang rehiyon tungo sa isa pa na ligtas. Ang mga sinaunang Kristiyano ay nakaakay ng mga pamayanang Hudyo sa buong Dagat Meditteraneo. Bagaman ang karamihan ng mga naakay sa Kristiyanismo ay mula sa Imperyo Romano, ang mga kilalang pamayanang Kristiyano ay itinatag rin sa Armenia, Iran at sa kahabaan ng Baybaying Malabar. Ang bagong relihiyon na Kristiyanismo ay pinakamatagumpay sa mga lugar na urbano at kumalat muna sa mga alipin at mga tao na may mabababang mga katayuan sa lipunan. Sa simula, ang Hudaismo at Kristiyanismo ayon sa mga skolar ay hindi pa hiwalay at ang mga Kristiyano ay sumasambang kasama ng mga Hudyo na tinatawag ng mga historyan na Hudyong Kristiyano gaya ng mga Ebionita. Ang mga Hudyong Kristiyano ang bumubuo ng karamihan ng mga Kristiyano sa unang siglo ng Kristiyano at sumusunod pa rin sa mga Kautusan ni Moises gaya ng makikita sa Mga Gawa ng mga Apostol kapitulo 15. Ang mga ibang Kristiyano ay nagsimulang umakay sa mga hentil(hindi Hudyo) at ang Kristiyanismo ay nagsimulang humiwalay sa Hudaismo sa pamamagitan ng paglayo sa mga kasanayang Hudyo(Tingnan ang Gawa 15 at Galatia 2). Pinaniniwalaan ng maraming mga skolar na ang tunay na tagapagtatag ng Kristiyanismo ay si Apostol Pablo na humikayat sa mga pinunong Kristiyanong Hudyo sa Herusalem na payagan ang mga hentil na huwag gawin ang mga kautusang Hudyo. Upang malutas ang mga pagkakaiba sa doktrina sa mga magkakalaban na paksiyon ng Kristiyano, ang konseho ng Herusalem ay tinipon at nagpatibay na ang mga hentil ay maaaring maging mga Kristiayno nang hindi sumusunod sa mga kautusan ni Moises(Gawa 15). Gayunpaman, ayon sa mga skolar, ang ilang mga pangkat ng Kristiyanismo ay nagpanatili ng mga pagsasanay ng kasanayang Hudyo. Ang maagang Kristiyanismo ay labis na hindi pa organisado na nagresulta sa iba't ibang ga interpretasyon ng mga paniniwalang Kristiyano. Upang masiguro ang mas pagkakaayon ng mga katuruan nito, ang mga pamayanang Kristiayno sa ikalawang siglo CE ay nagebolb sa isang mas may istrukturang hierarka na ang isang sentral na obispo ay may autoridad sa siyudad at humantong sa pagpapaunlad ng Obispong Metropolitan. Ang organisasyon ng Simbahang Kristiyano ay nagsimulang gumaya sa organisasyon ng Imperyo Romano. Ang mga obispo sa mga siyudad na mas mahalaga sa politika ay naglapat ng mas malaking autoridad sa mga obispo sa mga kalapit na siyudad.  Ang mga simbahan sa Antioch, Alexandria at Roma ang humawak ng pinakamatataas na mga posisyon. Sa simula ng ikalawang siglo CE, ang mga obispo ay kadalasang nagtitipon sa pang-rehiyong mga synod upang lutasin ang mga isyung pangdoktrina at patakaran.  Isinaad ni Duffy na noong ikatlong siglo CE, ang obispo sa Roma ay nagsimulang umasal bilang korte ng pag-aapela sa mga problema na hindi malutas ng ibang mga obispo sa ibang mga siyudad.  Ang ilang mga Kristiyano na humahawak ng paniniwalang proto-ortodokso na kilala bilang mga ama ng simbahan ay nagsimulang maglarawan ng mga katuruan nito bilang pagsalungat sa ibang mga pangkat ng Kristiyano gaya ng Gnostisismo.  Hindi katulad ng karamihan ng mga relihiyon sa Imperyo Romano sa panahong ito, ang mga Kristiyano ay inaatasan na magtakwil ng ibang mga diyosna isang kasanayang minana mula sa Hudaismo. Ang pagtanggi ng mga Kristiyano na lumahok sa mga pagdiriwang na pagano ay nangangahulugang hindi nito magawang makilahok 

Page 3: Kristiyanismo

sa karamihan ng buhay pampubliko na nagtulak sa mga hindi Kristiyano kabilang ang pamahalaan ng Imperyo Romano na matakot na ginagalit ng mga Kristiyano ang mga diyos at nagiging banta sa kapayapaan at kasaganaan ng imperyo. Sa karagdagan, ang pagiging malapit ng mga lipunang Kristiyano at pagiging masikreto sa mga kasanayan nito ay lumikha ng mga tsismis na ang mga Kristiyano ay nagsasagawa ng insesto at kanibalismo. Ito ay nagresulta sa mga pag-uusig na Romano sa mga Kristiyano na karaniwan ay lokal at bihira bago ang ikaapat na siglo CE. Ang isang sunod sunod na mas sentral na organisadong mga pag-uusig sa Kristiyano ay lumitaw noong ikatlong siglo nang inatas ng mga emperador na ang mga krisis sa militar, politikal at ekonomikal ng imperyo ay sanhi ng galit ng mga diyos. Ang lahat ng mga mamamayan ay inatasang maghandog sa mga diyos o kundi ay paparusahan Ang mga Hudyo ay hindi isinama hangga't nagbabayad ang mga ito ng fiscus Judaicus(buwis ng Hudyo). Ang ilang mga kristiyano ay pinaslang, lumisan sa imperyo o tumakwil sa kanilang paniniwalang Kristiyano. Ang mga hindi pagkakasunduan sa papel sa Iglesia(kung meron man) na dapat magkaroon ang mga tumalikod na ito ay humantong sa mga Schismo ng mga Donatista at Novatianista. Ang mga relasyon sa pagitan ng pamayanang Kristiyano at Imperyo Romano ay hindi konsistente: Ninais na Tiberius na ilagay ang Kristo sa panteon ng mga diyos at tumanggi sa simula na usigin ang mga Kristiyano. Ang ilang mga emperador ay umusig sa mga Kristiyano ngunit ang iba gaya nina Commodus at iba pa ay pumapabor sa mga Kristiyano. Noong Abril 311 CE, si Galerius na nakaraang nangungunang pigura sa mga pag-uusig ng mga Kristiyano ay naglabas ng isang kautusan na pumapayag sa pagsasanay ng relihiyong Kristiyano sa ilalim ng kanyang pamumuno. Mula 313 hanggang 380 CE, ang Kristiyanismo ay nagtamasa ng isang katayuan bilang isang legal na relihiyon sa loob ng Imperyo Romano. Noong 380 CE, Ang Kristiyanismo ang naging relihiyong pang-estado ng Imperyo Romano.  

Pagtatatag ng Ortodoksiyang Katoliko

Sa kanyang pamumuno, kailangang komprontahin ni Emperador Valens ang pagkakaiba sa teolohiya ng Kristiyanismo na nagsisimulang lumikha ng pagkakahati sa Imperyo. Tinangka ni Emperador Julian (361–363) na muling buhayin ang mga relihiyong pagano. Gayunpaman, sa kabila ng malawak na suporta, ang kanyang aksiyon ay nakitang malabis at bago mamatay ay kinamuhian. Tulad ng mga magkapatid na mga Emperador na si Constantius II at Constans, sina Emperador Valens at Valentinian I ay nag-aangkin ng magkaibang mga pananaw teolohikal. Si Valens ay isang Arian samantalang si Valentinian I ay naniwala sa Kredong Niseno. Pinaboran ni Valens ang pangkat na gumamit ng pormulang homoios na teolohiyang kilala sa karamihan ng Silangan at sa ilalim ng mga anak ni Constantino ay tumibay sa Kanluran. Gayunpaman, nang mamatay si Valens, ang sanhi ng Arianismo sa Romanong Silangan ay nagwakas. Noong 380 CE, ang Kristiyanismong Niseno bilang pagsalungat sa Arianismo ay naging opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano.  Itinaguyod ng kanyang kahaliling emperador na si Theodosius I ang Kredong Niseno na interpretasyon na pinaniniwalaan ng Simbahan sa Roma at Simbahan sa Alexandria. Noong Pebrero 27, 380 CE, sina Theodosius I, Gratian at Valentinian II ay naglimbag ng "Kautusan ng Tesalonica" upang ang lahat ng kanilang mga nasasakupan ay maghayag ng kanilang pananampalataya ng mga obispo ng Roma na si Papa Damaso I at ng Alexandria na si Papa Pedro II ng Alexandria na pananampalatayang Niseno.[43]Kanyang binigyan ng 

Page 4: Kristiyanismo

autorisasyon ang mga tagasunod ng kautusang ito na kunin ang pamagat na "Katolikong Kristiyano".Ang Kautusang ito ay inisyu sa ilalim ng impluwensiya ni Acholius at kaya ay ni Papa Damaso I na humirang sa kanya. Si Acholius ang obispo ng Tesalonika na nagbautismo kay Theodosius I pagkatapos nitong magkaroon ng malalang sakit.  Noong Nobyembre 26, 380 CE, dalawang araw pagkatapos niyang makarating sa Constantinople, kanyang pinatalsik ang obispong hindi-Nicene na si Demophilus ng Constantinople at hinirang si Meletius patriarka ng Antioch at Gregoryo ng Nazianzus na isa sa mga Amang Cappadocian, patriarka ng Constantinople. Noong Mayo 381 CE, hinimok ni Theodosius ang isang bagong konsehong ekumenikal sa Constantinople upang kumpunihin ang schism sa pagitan ng Silangan at Kanluran sa batayan ng ortodoksiyang Niseno. Inilarawan ng konseho ang ortodoksiya kabilang ang misteryosong Ikatlong Persona ng Trinidad, na Banal na Espirito na bagaman katumbas ng Ama ay nagmula sa kanya samantalang ang Anak ay ipinanganak ng Ama. Hanggang noong mga 360 CE, ang mga debateng teolohikal ay pangunahing nauukol sa pagkadiyos ng Anak. Gayunpaman, dahil hindi nilinaw sa Unang Konseho ng Nicaea(325 CE) ang pagkadiyos ng Banal na Espirito, ito ay patuloy na naging paksa ng debate sa mga pangkat Kristiyano. Ang paniniwala ng sektang Pneumatomachi na ang Banal na Espirito ay isang nilalang ng Anak at lingkod ng Ama at Anak ay nagtulak sa Unang Konseho ng Constantinople(381 CE) na tinipon ni Theodosius I na idagdag sa Kredong Niseno ang, "At sa Banal na Multo, ang Panginoon, ang Tagabigay ng Buhay, Na nagmumula sa Ama, na kasama ng Ama at Anak ay katumbas na sinasamba at niluluwalhati..." Kinondena rin ng Konsehong ito(381 CE) ang mga paniniwalang Kristiyano na Arianismo, Apollinarismoat Pneumatomachi at niliwanag ang mga hurisdiksiyon ng simbahang estado ng Imperyo Romano ayon sa mga hangganang sibil at nagpasya na ang Constantinople ay ikalawa sa karapatan sa pangunguna sa Roma. Noong 383 CE, iniutos ni Theodosius I sa iba't ibang mga hindi-Nisenong sektang Kristiyano na Arianismo, Anomoeanismo, Macedonian at Novatian na magsumite ng isinulat na mga kredo sa kanya na kanyang siniyasat at pagkatapos ay sinunog maliban sa kredo ng mga Novatian. Ang ibang mga sekta ay nawalan ng karapatan na magpulong, mag-ordina ng mga pari nito at ikalat ang kanilang mga paniniwala. Ipinagbawal ni Theodosius I ang pagtira ng mga heretiko sa loob ngConstantinople at noong 392 CE at 394 CE ay kinumpiska ang kanilang mga lugar ng sambahan.. Ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal na Unang Konseho ng Efeso(431 CE) ay muling nagpatibay ng orihinal na bersiyon ng Kredong Niseno(325 CE)  at idineklara na "hindi nararapat para sa anumang tao na magsulong o sumulat o lumikha ng isangἑτέραν(na isinaling "iba", "kasalungat" at hindi "iba pa") na Pananampalataya na itinatag ng mga banal na ama na nagtipon kasama ng Banal na Multo sa Nicæa(i.e. Kredong Niseno ng 325 CE)". Ang ilang mga modernong skolar ay naniniwalang ang kredong Niseno ng 381 CE ay isinaad ng mga obispo sa Constantinople ngunit hindi prinomulga bilang isang opisyal na akto sa Konseho. Ang ilang mga skolar ay tumututol rin kung ang Kredong Niseno ng 381 CE ay isang simpleng pagpapalawig ng Kredong Niseno ng 325 CE o ng isang tradisyonal na kredo na kapareho ngunit hindi katulad ng kredong Niseno ng 325 CE. Noong 451 CE, tinukoy ng Konseho ng Chalcedon ang Kredong Niseno ng 381 CE bilang "ang kredo...ng 150 banal na mga amang nagtipon sa Constantinople."  

Page 5: Kristiyanismo