Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

43
Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 1 Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya ( Ikalawang Edisyon ) Sinipi at Isinalin sa Wikang Pilipino Ni: Bro. Muhammad F.A.Sumaway Tagapag-anyaya sa Islam

description

This article show how we find Islam in the Bible.

Transcript of Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Page 1: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 1

Ang Islam at Kristiyanismo

sa Bibliya ( Ikalawang Edisyon )

Sinipi at Isinalin sa Wikang Pilipino Ni: Bro. Muhammad F.A.Sumaway

Tagapag-anyaya sa Islam

Page 2: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 2

P A M B U N G A D

Ang Kristiyanismo at Islam ay dalawang malalaking relihiyon sa daigdig, ang bawat isa ay mayroong bilyong bilang ng mga tagasunod. Gayunman at maraming mga bagay na sila ay magkatulad, sa katotohanan, ay mayroon ding malawak na karagatang naghihiwalay sa kanila. Ang isa sa mga pangunahing mga dahilan ay ang kakulangan ng kaalaman at wastong pag-unawa tungkol sa mga pananaw ng magkabilang-panig. Nararapat na palawakin natin ang posibleng mga landas o daan na makapag-uugnay sa kanila upang kapuwa sila makinabang mula sa magkatulad na pamana.

Sa ganitong mithiin ay magagawa ng isang Muslim na maipaliwanag sa kanyang kapatid na Kristiyano na ang Islam ay hindi isang banyaga o bagong Relihiyon na katulad ng maaari niyang maisip. Ito ay lubos na naaayon sa Bibliya, kung ang pagbabatayan ay ang diwa ng mga itinuro ng lahat ng Propeta ng Diyos (katulad ng ang mga ito ay makikita natin sa Bibliya) na sinusunod ng mga Muslim sa ngayon. Ang mga Muslim ang higit na naninindigan sa mga aral ni Hesu-Kristo (sumakanya ang kapayapaan), kung kaya wasto lamang na sila ay may karapatang matawag na "tunay na mga tagasunod ni Hesu-Kristo. Ang gayong aral ang pinakaganap na nais ipaabot ng babasahing ito.

Walang bagay na maituturing na orihinal sa mga nilalaman ng Aklat na ito. Ito ay isang payak lamang na pagtatangka na mapagsama-sama ang mga tiyak na kapaki-pakinabang na mga talata mula sa Bibliya na magpapayaman sa pag-aangkin ng Muslim na ang Islam ay hindi isang bagong Relihiyon, at pamilyar sa kanyang panlabas na anyo at mga pangunahing mga doktrina.

Ang mga reperensiya ay hinango mula sa New Revised Standard Version at sa New International Version sa Wikang Ingles. Ang babasahing ito sa katotohanan ay inihanda bilang isang Panayam (lecture) para sa isang malaking grupo ng mga Pilipinong Kristiyano na nagtatrabaho sa Bahrain. Purihin natin ang Allah sapagkat ito ay malugod nilang tinanggap.

Ang DISCOVER ISLAM ay nasisiyahan sa pagpapa-imprenta ng pagpapakilalang ito bilang isang munting aklat. Ito ay hindi lamang makapagbubura sa iba't-ibang maling pag-aakala na nasa kaisipan ng Kristiyano, kundi makapagbibigay din ng kakayahan sa isang Muslim sa pamamagitan ng wastong pag-unawa na makipagtalakayan sa isang Kristiyano. Pagpalain nawa ng Allah sina Shaikh Essam Eshaq at Dr. Linda Thayer sa pagsasa-ayos ng lathalaing ito at pagpapahayag ng makabuluhang mga Komentaryo.

WALANG ANUMAN ANG MAGMUMULA SA ATIN MALIBANG SA PAMAMAGITAN NG TULONG NI ALLAH

Syed R. Ali Bahrain 1 - 9 – 96

Page 3: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 3

P A N I M U L A

Ang mambabasa ay maaaring nagtataka tungkol sa kung ano ang kinalaman ng Islam sa Bibliya, sapagkat ang Bibliya ay ang banal na aklat ng mga Kristiyano, at ang Islam ay isang naiibang relihiyon sa pangkalahatan! Katulad ng matutunghayan natin, ito ay hindi isang pangkaraniwang paghatol.

Ang katotohanan ay mayroong malaking usaping magkakatulad sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano - na kapuwa magkasalo sa maraming mga paniniwala, tulad ng paniniwala sa Diyos, sa Kanyang mga Mensahero at mga Propeta, sa mga banal na kasulatang ipinahayag sa kanila, sa Araw ng Paghuhukom, Paraiso at Impiyerno, atbp. Labas sa Relihiyong Kristiyanismo, wala ng iba pang Relihiyon, maliban sa Islam, ang nagtakda bilang isa sa mga Haligi ng Pananampalataya na maniwala kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan) at sa Kapahayagan ng Diyos na ibinigay sa kanya na walang iba kundi ang Ebanghelyo. Ang mga Muslim ay naniniwala na siya ay mahimalang isinilang na walang ama, na siya ay gumawa ng maraming himala, tulad ng pagbuhay sa namatay at pagpapagaling sa bulag at mga ketongin, sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Diyos. Naniniwala rin ang mga Muslim sa kanyang Ikalawang Pagdating. Si Hesus at ang kanyang ina na si Maria (sumakanila ang kapayapaan) ay lubos na iginagalang at ikinararangal sa Islam.

Sa pamamagitan ng paglalahad na ito, suriin natin kapuwa ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya. Ang Paksa ay tatalakayin sa ilalim ng mga sumusunod na pamagat:

ISLAM 1. Ang Pinagmulan at Kahulugan ng pangalang “ISLAM” 2. Ang Konsepto tungkol sa Islam sa Bibliya 3. Ang Mga Kaugaliang Pang-Islam sa Bibliya

KRISTIYANISMO O KRISTIYANIDAD 1. Ang Pinagmulan at kahulugan ng pangalang Kristiyanismo 2. Ang Kaugaliang Kristiyanismo at Kahulugan nito sa Bibliya.

Page 4: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 4

I S L A M 1. Ang Pangalang "ISLAM", ang Pinagmulan at Kahulugan Nito Kapag ang isang tao ay isinilang, siya ay binibigyan ng pangalan at sa pamamagitan ng pangalang ito, siya ay makikilala. Bilang isang katibayan para sa kanyang pangalan ay mayroong isang legal na dokumento.

Sa gayunding pamamaraan, upang magkaroon ng saysay ang pangalan ng isang Relihiyon, nararapat na tayo ay maghanap ng dalawang bagay:

Ang Katibayang Pagkakakilanlan, ito ay nangangahulugang iyon nga ba ang tunay na pangalan nito? Kung iyon nga ang tunay na pangalan, saan ito nakatala?

Ang Maykapangyarihan o Awtoridad na Nagpatibay, ito ay nangangahulugan; Sino ang nagbigay ng pangalang iyon?

Ang Katibayang Pagkakakilanlan: "Islam" – ang orihinal at tunay na pangalan ng Relihiyong ito na ipinahayag ng Diyos. Ito ay nakatala sa Banal na Aklat ng Islam -- Ang Qur'an . " Katotohanang ang (tanging Tunay na) Relihiyon (paraan ng pamumuhay) Kay Allah ay Islam" ( Qur'an 3 : 19 ) “ Sinuman ang magnais ng iba pa sa Islam bilang isang relihiyon, ito ay hinding-hindi tatanggapin (Ni Allah ) mula sa kanya, at sa huling-araw ay kasama siya ng mga talunan ( Qur'an, 3 : 85 ) Ang isang tao na nagsasabuhay ng Islam ay isang Muslim. Ang mga titik na s l m ay makikita sa dalawang magkaugnay na mga salita sa Wikang Arabik. Ang Arabik ay isang kapatid na wika ng Hebreo (ng Lumang -Tipan ) at isang kapatid na wika ng Aramaic, na siyang wika ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan). Sino ang Awtoridad o Maykapangyarihan na Nagpatibay ng Pangalang Islam?

Ang pangalang Islam ba ay ibinigay ng mga Muslim lamang?, o ng mga Arabo? o ng ibang mga tao, o kaya ay ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan). O ang pangalan ba mismo sa kanyang sarili ay lumitaw lamang sa paglipas ng panahon?

Page 5: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 5

Ang sagot sa tanong na ito ay; Ang mga salitang “Islam” at “Muslim” ay hindi ipinangalan ninuman kundi ng Diyos mismo sang-ayon sa kahulugan ng Kanyang ipinahayag na mababasa natin sa Banal na Qur'an.

“ Sa araw na ito ay pinaging-ganap Ko na para sa inyo ang inyong Relihiyon, at hinusto Ko na para sa inyo ang Aking mga biyaya, at kinalugdan Ko ang Islam bilang inyong Relihiyon”. ( Qur'an, 5: 3 )

“… Siya ay ang nagtag-uri sa inyo bilang mga Muslim sa pasimula pa lamang at dito [sa kapahayagang ito] upang ang Mensahero Ni Allah ay maging saksi ninyo at upang kayo ay maging saksi nang sangkatauhan.” ( Qur'an, 22:78 ).

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang salitang “Muhammedan” ay hindi katanggap-tanggap na termino bilang katawagan sa mga Muslim, kung gayon nga na ang mga Muslim ay tagasunod ni Propeta Muhammad ( sumakanya ang kapayapaan ). Bakit pa sila tatawagin na Muhammadan gayong sa pasimula pa lamang ay “Muslim” na ang katawagan sa kanila?

Ang salitang Islam ay hindi isang salita para lamang sa pagkakakilanlan; katulad halimbawa ng salitang “ isda”. Ang isang nabubuhay sa karagatan na mayroong tiyak na mga kaanyuan ay nakikilalang isda, subalit ang salitang “isda” sa kanyang sarili ay hindi nagtataglay ng anumang kahulugan sa pagkakaroon ng tungkulin o gawain. At hindi ganito ang usapin kapag ang salitang Islam ang ating tatalakayin. Ang salitang ito ay hindi lamang ginagamit bilang pagkakakilanlan ng isang tiyak na Relihiyon kundi ito ay nangangahulugan din ng isang itinakdang pagkilos o paggawa na tumutukoy sa kahulugan nito. Ito ay may dalawang sangkap sa pagpapakahulugan:

• Pagpapasakop sa mga ninanais ng Tangi at Iisang Diyos, ang Tunay na Diyos.

• Kapayapaan ( ang gayunding salitang ugat katulad ng assalaamu Alaykum [ na ang kahulugan ay; “sumainyo ang kapayapaan”] , Sa katotohanan, ang dalawang kahulugan na ito ay hindi magkalayo sa isa’t-isa; sila ay may ugnayan o relasyon. Kung kaya, ang pinakaganap na kahulugan ng Islam ay ang pagkakamit ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga ninanais ng Iisang Tunay na Diyos.

Page 6: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 6

2. Ang Konsepto Tungkol Sa Islam Sa Bibliya

Makikita ba natin ang salitang “Islam” sa Bibliya?

Ito ay hindi natin makikita sa Bibliya bilang isang termino o salita na kung bakit ay mayroong tatlong pangunahing mga dahilan.

Ito ay isang katagang Arabik at ang Bibliya na kasalukuyang umiiral ay isang salin sa Ingles ng sinaunang Griyego at Hebreyo.

Ang salitang “ Islam ” ay isang salitang maaaring isalin sa kahulugan nito sa ibang wika. At sapagkat ito ay nagtatangan ng ilang mga kahulugan, ito sa kanyang sarili ay nangangailangan ng pagsasalin.

Marami sa mga Relihiyon sa kasalukuyan na nakakikilala sa pamamagitan ng mga pangalang nagtatapos sa “ ismo” at “ idad” (ism at ity) ang hindi naman umiiral sa panahon ng Bibliya.

Kung hindi ang Relihiyon ng pagsunod sa Tunay at Iisang Diyos ang umiiral noon, ang naroroon ay ang pagtatambal (Idolatry ). Ang mga tao noon ay ang mananampalataya sa Iisang Diyos o kaya naman ay sumasamba sa maraming diyos.

Malinaw kung magkagayon na kung hahanapin natin ang salitang “Islam” sa Bibliya, ang nararapat na hanapin natin ay ang pagkakasalin ng kahulugan nito. Unawain natin ang mga sumusunod.

Pagpapasakop sa mga ninanais ng Iisang Tunay na Diyos.

Ito ay nangangahulugan ng ganap na pagsuko, pagmamahal at pagnanais. Sa Terminong pam-Bibliya, ito ay nangangahulugan ng “Pag-iingat sa Kautusan”, o “Pagsasabuhay ng mga ninanais ng Diyos”. Ang mga pangungusap na ito ay matatagpuan natin sa maraming talata ng Bibliya, sa kapuwa Luma at Bagong Tipan.

Halimbawa: Sa Lumang Tipan, mababasa natin ang tungkol sa itinatadhana ng Diyos sa Kanyang mga tao.

Bayang Israel, ito ang nais sa inyo ni Yahweh: Magkaroon kayo ng takot sa kanya, lumakad sa kanyang mga daan, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso’t kaluluwa, At sundin ang kanyang kautusan at mga tuntunin. ( Deuteronomio 10: 12-13 )

Page 7: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 7

Ang mga talatang ito ay maliwanag na nagpapahayag na ang Diyos ay nagtatakda ng mga sumusunod:

1) Upang matakot sa Kanya ng ganap. 2) Upang tumahak sa Kanyang Landas. 3) Upang Siya ay Ibigin. 4) Upang Siya ay paglingkuran ng buong-puso at kaluluwa. 5) At upang sundin ang Kanyang mga kautusan.

Isang parirala na sumasakop sa lahat ng nabanggit sa itaas ay “Ganap, buong pagmamahal at buong pagnanais na pagpapasakop at pagsuko sa Kanya”. Ang katagang Arabik na “Islam” ay nagtataglay ng ganitong mga kahulugan.

Kung ang Diyos ay walang kinikilingan at makatarungan, hindi Siya magsusulit ng isang bagay mula sa mga Israelita at pagkatapos ay ibang bagay naman mula sa mga Arabo, mga Amerikano, mga Indiyano o kaya ay sa mga Filipino. Siya ay Diyos ng lahat ng tao sa daigdig; Siya ang Manlilikha ng lahat. Malinaw kung gayon, na walang ibang ninanais ang Diyos mula sa mga tao kundi ang maging “Muslim” o ipasakop ang buong sarili sa Kanya ( Diyos ). Hindi lamang iyon, nais din ng Diyos na ang tao ay maging Muslim sa kaibuturan ng kanyang puso, maging Muslim sa bawat sandali at maging Muslim saan man siya naroon, katulad ng mababasa natin sa “Dakilang Kautusan “;

Dinggin ninyo mga Israelita: Si Yahweh lamang ang Diyos Ibigin ninyo siya ng buong puso, kaluluwa at lakas. Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong isip. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, Isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan. ( Deuteronomio, 6 : 4 - 9 )

Page 8: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 8

Ang Mensaheng ito ay katulad rin ng itinuro ng ibang mga Propeta (sumakanila ang kapayapaan),

Halimbawa;

Si David ay nag-utos sa kanyang anak na si Solomon, sa pagsasabing;

Magpakatatag ka at magpakalalaki.Tuparin mo ang iyong tungkulin kay Yahweh na iyong Diyos, at mamuhay ka ayon sa kanyang kalooban.Sundin mo ang kanyang mga batas, utos, hatol at tuntunin ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Sa gayon, magtatagumpay ka sa lahat mong gawain. ( 1Mga Hari 2: 2-3 )

Si Solomon ay nagturing sa Kalipunan ng Israel; Sa gayon, malalaman ng lahat ng tao sa balat ng lupa na Diyos si Yahweh, at liban sa kanya’y wala ng iba. Manatili nga kayong tapat kay Yahweh, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos, tulad ng ginagawa ninyo ngayon. (1Mga Hari 8: 60-61 )

Si Samuel ay nagsabi naman sa kanyang mga tao; Kung mamumuhay kayong may takot kay Yahweh, kung maglilingkod kayo sa Kanya at susundin ang kanyang kalooban, kung hindi ninyo lalabagin ang kanyang mga utos, at kung kayo at ang inyong hari ay susunod kay Yahweh na inyong Diyos, magiging maayos ang inyong pamumuhay. Ngunit kapag hindi kayo sumunod sa kanya, bagkus ay lumabag sa Kanyang utos, parurusahan Niya kayo. Lamang, dapat kayong matakot kay Yahweh. Manatili kayong tapat sa kanya, aglingkuran ninyo siya ng buong puso at lagi ninyong alalahanin ang mga kabutihang ginawa niya sa inyo. ( 1Samuel 12:14,15,at 24 ) Si Joshua/Josue sa Kanyang pamamaalam; Sinabi ni Josue: “ Kayo na rin ang mga saksi na kayo ang nagpasyang maglingkod kay Yahweh.” Sumagot naman sila: “Opo! Saksi kami.”…….Sumagot uli ang mga tao: “ Si Yahweh ang aming Diyos. Siya ang aming paglilingkuran! Susundin namin ang kanyang mga utos.” ( Josue 24 : 22,24 ) Sa Bagong Tipan naman ay matatagpuan natin na si Hesus, (sumakanya ang kapayapaan), ay nagturo ng gayunding mensahe - sa pag-iingat sa mga Kautusan, upang gawin ang ninanais ng Diyos, ito ay ang pagpapasakop sa mga ninanais ng Diyos.

Page 9: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 9

Halimbawa:

Walang hanggang buhay sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga Kautusan ng Diyos:

May isa namang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong, “Guro , ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus , “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.” ( Mateo 19:16-17 )

Ang kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga ninanais ng Diyos.

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. ( Mateo 7 : 21 )

Kahit na ang salitang “Pasakop” ay ginamit din.

Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. ( James / Santiago 4:7 ) Anong ganda noong si Hesus (sumakanya ang kapayapaan ) ay magpahayag ng kanyang misyong pang-Islam !

Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at tuparin ang ipinagagawa niya. ( Juan 4:34 )

Anong kababaang-loob noong ipakita ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan ) ang pagpapasakop niya sa Diyos!

“Wala akong ginagawa sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya’t matuwid ang hatol ko; hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.” ( Juan 5:30 )

Kinilala ni Hesus ang mga Muslim bilang kanyang mga Kapatid (babae at lalake) “Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.” ( Mateo 12:50 )

Page 10: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 10

KAPAYAPAAN Ang kapayapaan ay ginagamit sa isang malawak na pagpapakahulugan - kapayapaan kasama ng Manlilikha , Kapayapaan ng pag-iisip, Kapayapaan ng puso, Kapayapaan sa lipunan o pamayanan, at iba pa. Ang sangkap na ito sa kahulugan ng Islam ay hindi karaniwang makikita na katulad ng unang kahulugan. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga talata na kanais-nais sa pagsasaling ito. Pagkat pawang katuwiran ang gagawin ng bawat isa kaya iiral ang katahimikan. ( Isaias 32 : 17 ) Kabutihan ang resulta ng pag-iingat sa kautusan. Kalulugdan tayo niya tayo kung susundin natin ng buong katapatan ang kautusang ibinigay niya sa atin.’ ( Deuteronomio, 6 : 25 ) At Kapayapaan naman ang kinahihinatnan ng pagiging matuwid.

Ang “Kapayapaan “ ay ang kahulugan ng “Islam” sa diwa ng walang hanggang katahimikan, pagtitiwala, katapatan at katiyakan” Ito ay ang Kaligtasan.

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking Kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot." ( Juan 14 : 27 ) Si Hesus ay nagsasalita noon tungkol sa “KAPAYAPAAN” - Ang Kapayapaan, na siyang kanyang Kapayapaan - Ang Kapayapaan, na ipinangangaral at ipinapasa niya sa iba - Ang Kapayapaan, na hindi pandaigdig na Kapayapaan - Ang Kapayapaan, na nakapagbibigay kasiyahan sa puso - Ang Kapayapaan, na nakapag-aalis ng pangamba.

Ang Kapayapaan na tinutukoy ni Hesus dito ay hindi makamundong Kapayapaan; ito ay ang tinatawag niya na kanyang pagkain at misyon, katulad ng nabasa natin sa Juan 4 : 34. Tinaglay niya ito at kanyang ninais na ipasa sa iba. Ito ay upang pawiin ang pangamba sa kaparusahan, at upang bigyan ng kasiyahan ang puso ukol sa buhay na walang-hanggan. Ang kapayapaan na ito ay “ ISLAM”

“ Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ipagkakasundo,sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.” ( Mateo 5 : 9 )

Page 11: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 11

Sa puntong ito ay mauunawaan natin na si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay tumutukoy sa mga isinusuko ang kanilang mga sarili sa Diyos ( Mga Muslim ) bilang mga “Tagapamayapa”, na bilang isang kinahitnan ay tinawag na “ mga anak ng Diyos”, na ang kahulugan ay mga tao ng Diyos, o mga tao na minahal ng Diyos. Tunay nga na iniibig ng Diyos ang mga tao na nag-iingat ng mga Kautusan ( ng Diyos ) at sinusuko ang kanilang mga sarili sa Kanyang ninanais, katulad ng ipinahayag sa Sampung-Utos.

Ngunit ang lahat ng umiibig sa akin ay pagpapalain ko hanggang sa kanilang kaapu-apuhan. ( Exodo 20 : 6 )

Ang Pahayag na binanggit sa Mateo 5 : 9 ay maihahambing sa Salmo. Pinagpala ang tao na may pagkatakot sa Panginoon, na makasusumpong ng kasiyahan sa Kanyang mga kautusan. (Salmo 112 : 1) ……...Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, Ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos. (Salmo 128:1)

Batay sa mga naipaliwanag , maaaring may magtaka at magsabing: Paano nangyari na ang lahat ng mga Propeta ay nagtuturo ng Islam sa kanilang kapanahunan? Kahit na si Hesus ( Sumakanya ang Kapayapaan) ? Sila ba sa katotohanan ay “ MGA MUSLIM”?

Ang sagot ay “Opo” mga kapatid. Islam ang relihiyon ng lahat ng mga Propeta, kasama na si Hesus. Ang tunay na mga tagasunod nila ay “ mga Muslim” din. Ang Katotohanan ay:

- Ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon na itinatag ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan).

- Ang terminong Muslim ay matagal ng umiiral bago pa man dumating si Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan).

- Ang naging tungkulin lamang ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan) ay payak na pinagingganap niya ang Orihinal na Mensahe, maging ganap ang katuparan ng tunay na relihiyon, at ang pagpapakilala ng katapusan, dalisay at namamalaging Patnubay sa Sangkatauhan, katulad ng ipinahayag sa kanya mula sa Diyos.

Sinasabi sa atin ng Qur’an; Sabihin ( O mga Muslim ): “Kami ay naniniwala sa Diyos, at sa Kanyang kapahayagan na ibinigay sa amin at kay Abraham, at kay Ismael at Isaac, at sa mga Tribo, at sa ipinahayag kay Moses at kay Hesus, at sa ibinigay (na kapahayagan) sa lahat ng mga Propeta mula sa kanilang Panginoon; Hindi kami nagtatangi sa sinuman sa kanila, at kami, Tanging sa Kanya lamang ay mga Muslim ( na nagpapasakop ng buong sarili Kay Allah [sa Islam]); ( Qur'an, 2 : 136 )

Page 12: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 12

“Itinatag Niya (Allah) para sa inyo ang relihiyon na iniatas Niya kay Noe—na ipinahayag Namin sa iyo (O Muhammad )- na iniatas Namin kay Abraham. Moises, at Hesus, na nararapat na kayo ay manatiling matapat sa relihiyon at huwag magsigawa ng pagkakaiba-iba nito.” (Qur'an, 42:13 )

Si Abraham kailanman ay hindi naging isang Hudyo ni naging isang Kristiyano, kundi siya ay isang Muslim (na isinuko ang buong sarili sa Allah) at siya kailanman ay hindi napabilang sa mga nagtatambal Kay Allah”.( Qur'an, 3 : 67)

Ang mga puntong ito ay higit na magiging malinaw sa ating pagpapatuloy.

3. Mga Tradisyong Pang- Islam Sa Bibliya Kung tunay na ipinagkaloob na ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon, at ang lahat ng mga propeta ng Diyos, kahit na si Hesus (sumakanya ang kapayapaan ) at ang kanilang mga tunay na mga tagasunod ay mga “Muslim”, ang katanungan ay maaaring lumitaw kung ang mga paniniwala ba at mga kaugaliang pang-Islam ay matatagpuan din sa Bibliya o hindi?

Ang Kredo o Doktrinang Pang-Islam Ang Islam ay nagtuturo ng dalisay na pananampalataya sa Kaisahan ng Diyos (Monotheism). Ang pundamiyento o pangunahing paniniwala na itinuturo ng Islam ay ang Kaisahan ng Diyos. Walang katambal at walang kahati sa Kanyang Kabanalan at pagiging Panginoon. Kung wala ang ganitong paniniwala ay walang Islam. Ang Kredong Pang-Islam ay payak subalit punong-puno ng kahulugan na ipinapahayag sa pamamagitan ng pagsaksi na “ Walang diyos maliban sa Iisang Tunay na Diyos (Allah ), at si Muhammad ay Mensahero ng Diyos”. Sinumang tao ang magkaroon o mayroong isang matatag at matibay na paniniwala sa pagsaksi na ito ay isang “Muslim”. Ang pagpapahayag na ito ng Kredo ay binubuo ng dalawang bahagi.

Ang unang bahagi ay tumutukoy sa Kabanalan, kapamahalaan at Kapangyarihan ng Iisa at Tanging Diyos, na Siya lamang ang Manlilikha, ang Tagatustos, ang Tagapagligtas, ang Tagatubos, at ang Tunay na Diyos, at wala ng iba pa.

Page 13: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 13

Ang ikalawang bahagi naman ay tumutukoy sa tulay ng pakikipag-ugnayan o kumunikasyon sa pagitan ng Manlilikha at Sangkatauhan na kilala sa katawagang pagka-Propeta. Ang isang Muslim ay kinakailangang maniwala sa Mensahero ng Diyos at sundin ang kanyang mga aral, sapagkat siya lamang ang tanging daan tungo sa Diyos. Nabanggit natin na ang Islam ay ang relihiyon ng lahat ng mga Propeta ng Diyos. Kung ganito ang kalagayan, samakatuwid, ang kredong Pang-Islam bago pa man dumating si Propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) ay kinabibilangan kapuwa ng ; • Paniniwala sa Iisang Tunay na Diyos , na walang may

karapatang sambahin kundi Siya lamang. • At ng paniniwala sa kasalukuyang Mensahero o Propeta ng Diyos

sa bawat panahon bilang bahagi ng institusyon ng pagka-Propeta. Ang Paniniwala Sa Iisang Tunay Na Diyos Sa Bibliya Ang paniniwalang ito ay nangangahulugan ng dalisay na Kaisahan ng Diyos, na nananatiling gayon sa paglipas ng maraming mga kasaysayan. Mga Halimbawa:

Ang Pangunahin Sa Sampung-Utos.

Ako si Yahweh, ang inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Egipto at humango sa inyo sa pagka-alipin.

Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos, maliban sa akin. Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya’y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid , nasa lupa o nasa tubig. Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan…….. ( Exodo 20:2-5)

Sa gayon, malalaman ng lahat ng tao sa balat ng lupa na Diyos si Yahweh at liban sa kanya’y wala nang iba. (1Mga Hari 8:60 )

Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupa’y walang ibang diyos liban Kay Yahweh. (Deuteronomio. 4:39) Israel, ikaw ang saksi ko, Hinirang kita upang maging lingkod ko, upang makilala mo ako At manalig ka sa akin, Walang ibang diyos na una sa akin, ni mayroon pa mang iba na darating. Ako si Yahweh, tanging ako lamang Ang Tagapagligtas, wala ng sinuman. ( Isaias 43:10-11)

Page 14: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 14

Ipagtanggol ninyo ang inyong panig. Magsanggunian kayo. Sino ang makahuhula sa mga bagay na magaganap? Hindi ba akong si Yahweh Ang Diyos na nagliligtas sa kanyang bayan? Walang ibang Diyos maliban sa akin…….Lumapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas. Kayong mga tao sa buong daigdig. Walang ibang Diyos maliban sa akin…...Ako ay tapat sa aking pangako at di magbabago, At tutuparin ko ang aking mga pangako: ‘Lahat ng tao ay luluhod sa aking harapan, at mangangakong sila’y magtatapat sa akin!’ ( Isaias 45:21-23)

Dili-diliin ninyo Ang matagal nang nakaraan. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, At liban sa akin ay wala nang iba. ( Isaias 46:9 )

Ipinahayag naman ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) Sumagot si Hesus, ‘Ito ang pinakamahalagang utos, ‘ Pakinggan mo, Israel ! Ang Panginoon na ating Diyos – Siya lamang ang Panginoon. ( Markos 12:29 ) Ang Paniniwala Sa Mensahero Ng Diyos Ay Matatagpuan Sa Bibliya.

Ang paniniwalang ito ay nagkakaroon ng pagbabago sa panahong naaayon sa kung sinong tiyak na tao ang kinikilala sa pagka-Propeta.

Kung kaya sa panahon ni Moses (sumakanya ang kapayapaan), ang Kredo ay mababasa natin na;

“At Si Moises Ay Mensahero Ng Diyos”

At pagkatapos nito, sa panahon naman ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan), ito ay masasabing;

“At Si Hesus Ay Mensahero Ng Diyos.”

Ito ay nagpapahayag na ang sinuman ay nararapat na maniwala sa lahat ng nakaraang mga Propeta at Mensahero (Sumakanilang lahat ang Kapayapaan) ng Diyos, at gayundin sa kasalukuyang Propeta.

Si Moises (Sumakanya ang Kapayapaan ) ay nagpahayag ng Salita ng Diyos sa kanyang mga tao. Kung kaya siya ay naging Mensahero ng Diyos, o ang tagapamagitan ng mga ninanais ng Diyos. Sinabi niya sa kanyang mga tao: " Habang inilalahad niya ang kanyang mga utos, nakatayo ako sa pagitan ninyo at ni Yahweh pagkat natatakot kayo sa ningas at hindi kayo maaaring umakyat sa bundok. Sinabi niya …….. ( Deuteronomio. 5:5 )

At ang mga tao ay tumugon kay Moises; “ Ikaw na lamang ang makipag-usap sa kanya. Sabihin mo na lamang sa amin ang lahat ng sasabihin niya sa iyo, at susundin namin. ( Deuteronomio, 5 : 27 )

Page 15: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 15

Ang pagpapahayag ng mga ninanais ng Diyos ay nagsimula sa unang kautusan.

"Ako si Yahweh, ang Diyos na humango sa inyo sa pagkaalipin sa Egipto"."Huwag kayong magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa Akin". ( Deuteronomio, 5 : 6 - 7 )

Mula sa mga nabanggit na pagpapahayag sa Bibliya ay makukuha natin ang Kredong Pang-Islam.

"Walang diyos kundi ang nag-iisang tunay na Diyos, at si Moises ay mensahero ng Diyos “

Inihayag ni Hesus (Sumakanya ang Kapayapaan) ang ganap at kumpletong Kredong Pang-Islam sa iilan lamang na pangungusap: Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo. ( Juan 17:3)

Ano ang hatid sa atin ng talatang ito? Ito ay nagpapahayag sa atin ng buhay na walang hanggan, ito ay ang “Kaligtasan”, Sang-ayon sa dalawang sumusunod na mga bagay. Pagkilala sa Tanging Tunay na Diyos:

Ang salitang pagkilala ( kilalanin ) na nabanggit dito ay tumutukoy sa : • Pagkilala na Siya lamang ang Iisa na may karapatan na sambahin, O

Siya lamang ang diyos (diety),

• Pagkilala na Siya lamang ang Tagapagligtas at Tagatubos, at

• Pagtanggap sa Kanya na Siya lamang ang , dapat sambahin at pagtanggi sa iba pang mga sinasamba.

Subalit ang ganito lamang na kaalaman ay hindi sapat, si Satanas/Lucifer ay kumilala rin sa Diyos noong siya ay sumpain dahil sa pagtanggi niya sa pagtalima sa Diyos. Sumasampalataya ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti yan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin – at nangangatal pa. ( James/Santiago 2:19). Upang kilalanin si Hesukristo bilang Mensahero ng Diyos ay tumutukoy na ang aral niya ay nararapat lamang na sundin, hiwalay sa ibang mga ideolohiya. Ang talata sa ( Juan 17:3 ) kung magkagayon ay maaaring matukoy sa pag-unawa sa isang pamamaraang umaayon sa kasalukuyang Kredong Pang-Islam.

Page 16: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 16

Iba pang halimbawa ng Kredong Islamiko:

Nang ikatlo na ng hapon na siyang oras ng paghahandog, tumayo si Elias sa harap ng dambana at nanalangin:” Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, patunayan po ninyo ngayon na talagang kayo ang Diyos ng Israel, at ako ay inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat ng ito pagkat ito ang inyong utos. ( 1Mga Hari 18 :36 )

Ito ay maaari nating matukoy na:

“Walang diyos kundi ang Diyos at si Elijah ay Mensahero ng Diyos”. Mga Pagdarasal na Pang- Islam / Mga gawaing Pagsamba / Pamamanata

Ang mga Muslim ay nagdarasal at sumasamba sa Diyos sa isang pamamaraang naaayon o kahalintulad ng mga ginagawa ng naunang mga Propeta ng Diyos.

Matatagpuan natin ang ilan sa mga sulyap tungkol sa katotohanang ito sa Bibliya tulad ng mga sumusunod; I) Pagyuko at Pangangayupapa sa lupa

• Hesus Pagkalayo ng kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin. ( Mateo 26 : 39 ) • Moises Nanikluhod si Moises at sumamba kay Yahweh. ( Exodo 34 : 8 ) • Moises at Aaron Nagpunta sina Moises at Aaron sa harap ng Toldang Tipanan at nagpatirapa. ( Mga Bilang 20 :6 ) • Abraham Pagkarinig nito’y nagpatirapa si Abram. ( Genesis 17 : 3 )

• Josue

“Hindi,” sagot ng lalaki. “Ako’y naparito bilang pinuno ng hukbo ni Yahweh.” Nagpatirapa si Josue at Siya'y (Diyos) sinamba. ( Josue 5 : 14 )

• Ezra Purihin si Yahweh, ang dakilang Diyos! ” ang wika niya. Ang lahat ay nagtaas ng mga kamay at sumagot, “Amen,.” Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang kay Yahweh. ( Nehemias 8: 6 )

Page 17: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 17

Ang limang ulit na pagdarasal araw-araw at pagbigkas ng panalangin ng mga Muslim sa Panginoon ( Ang Pambungad na Kabanata ng Qur’an na kilala sa katawagang Al-Faatihah. Ihambing ito sa panalanging naiulat na itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad. ( Mateo 6:9-13) Panalanging Pang-Islam sa Qur’an Panalanging Pang-Islam sa Bibliya

Unang Bahagi: Papuri sa Panginoon at Pag-aalaala sa Kanyang mga Katangian

Sa Ngalan Ni Allah, Pinakamahabagin, Pinakamaawain. Ang lahat ng Papuri ay sa Allah lamang , Panginoon ng lahat ng mga nilikha, Pinakamahabagin, Pinakamaawain. Ang Tanging Hari (at Hukom ) sa Araw ng Paghuhukom,

Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang Ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo , sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang nasa langit.

Ikalawang Bahagi: Panalangin Sa Paghingi ng Tulong Ikaw lamang ang aming sinasamba at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong

Bigyan Mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito At patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, Tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.

Ikatlong Bahagi: Panalangin Para sa Patnubay Ipatnubay Mo sa amin ang matuwid na landas, ang landas ng mga pinagkalooban Mo ng Iyong mga pagpapala at hindi ang landas ng mga isinumpa at nangaligaw, Amen

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Sapagkat ang Kaharian at ang Kapangyarihan at ang kaluwalhatian ay sa Iyo lamang magpasawalang-hanggan. Amen

Pagdarasal mula sa madaling araw hanggang sa gabi, katulad ng binanggit sa Salmo

“ Mula sa pagsikat ng Araw hanggang sa paglubog nito, Ang Ngalan ng Panginoon ay papurihan “.( Salmo 113:3 )

Ang Pag-aalay ng Pagdarasal sa tiyak na mga oras , katulad ng ginawa ni Pedro at Juan, ang mga disipulo ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan), na siyang katumbas ng pang-hapon na pagdarasal ng mga Muslim ( Asr Prayer)

Page 18: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 18

Minsan, ikatlo ng hapon, oras ng pananalangin, nagpunta sina Pedro at Juan sa Templo. ( Acts 3 : 1 )

Pananalangin na ang mga kamay ay nakataas. Nakaluhod si Solomon sa harap ng dambana ni Yahweh at nakataas ang mga kamay samantalang nanalangin.( 1Mga Hari 8 : 54 )

Purihin si Yahweh , ang dakilang Diyos ! ang wika niya. Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen.”Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang kay Yahweh. ( Nehemias 8 : 6 ).

Paghuhugas bago isagawa ang Pagdarasal. Inilagay niya ang palanggana sa pagitan ng Toldang tipanan at ng Altar at nilagyan ng tubig. Doon naghuhugas ng paa’t kamay sina Moises, Aaron at ang kanyang mga anak. Tuwing papasok sila sa Toldang Tipanan o paglapit sa Altar, naghuhugas sila tulad ng utos ni Yahweh kay Moises. ( Exodo 40 : 30,31,32)

Pag-aalis ng sapatos o suot sa paa bago pumasok sa lugar na sambahan, katulad ng iniutos ng Allah kay Moises (sumakanya ang kapayapaan)

Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit. Hubarin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal na lugar ang kinatatayuan mo. ( Exodo 3 : 5 )

Sinabi sa kanya ng Panginoon ‘Alisin mo ang iyong panyapak sapagkat banal na lugar ang kinaroroonan mo.( Mga Gawa 7 : 33 )

Sumagot ang pinuno ng hukbo ni Yahweh: “ Alisin mo ang iyong mga panyapak sapagkat lupang banal ang iyong tinutuntungan.” (Josue 5:15)

Tungkol naman sa Templo ng Diyos “Ang Bahay Dalanginan” ( Masjid sa wikang Arabik ) katulad ng ginawa ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) Sinabi niya,” Nasasaad sa Kasulatan: ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw.” ( Mateo 21:13 ) Pagsunod sa Kalendaryong Batay sa Buwan (Lunar Month) Tuwing Araw ng Pamamahinga at Pista ng Bagong Buwan, Lahat ng bansa ay sasamba sa akin dito sa Jerusalem.” ( Isaias 66:23) Ang Pag-aayuno ay isang anyo ng pagsamba na itinuturo ng Islam. Tungkulin ng isang Muslim na mag-ayuno sa buwan ng Ramadan bawat taon bilang pagsasanay sa paggising at pagbabagong-sigla at mga pagkilos. Si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay nag-ayuno sa loob ng 40 araw.

Page 19: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 19

Doon, apatnapung-araw at apatnapung-gabing nag-ayuno si Jesus, at siya’y nagutom. ( Mateo 4:2). At tungkol naman sa kanila na hinayaan ang kanilang mga sarili upang palakasin ang kanilang pag-aayuno ay sinabi niya (Hesus ); “ Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw ukol sa pagiging matuwid sapagkat sila ay bubusugin.“ ( Mateo 5:6 ) ( Salin sa tagalog mula sa The New American Bible (New Catholic Translation from Philippine Bible Society) Ang aral niya tungkol sa pag-aayuno ay pang-Islam. “ At kailanman kayo mag-ayuno, huwag kayong magpakita ng pagkadismaya, katulad ng mga mapagkunwari,… ( Mateo 6 : 16 ) Ang pagkakawanggawa (Charity) ay isa rin sa mga tungkulin at gawaing - pagsamba sa Islam na tinatawag na Zakah, ( “Tithe” sa Bibliyang Ingles at Ikapu naman sa Pilipino). Ang mga batas tungkol dito ay binanggit sa Bibliya;

Lahat ng ikapu, maging binhi o bunga ng halaman, ay nakatalaga kay Yahweh. Kung may nais tumubos sa alinman sa kanyang ikapu, babayaran niya ito ayon sa kalakarang halaga at papatungan niya ng ikalimang parte ang halagang iyon. Hindi iyon dapat siyasatin kung masama o hindi. Hindi rin maaaring palitan, at kung mapalitan man, ang ipinalit at pinalitan ay parehong nakatalaga kay Yahweh; hindi na ito matutubos. (Levitico 27 : 30 – 33) At Pinaalalahanan sila ni Hesus tungkol sa Ispirituwal na nasa likod nito, na sa katotohanan ay siyang itinuturo ng Islam. “ Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit. Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa mga sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala". Ngunit kung maglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan. ( Mateo 6: 1,3 )

Page 20: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 20

Paglalakbay-Pagsamba [ ( Pilgrimage ) ( Hajj sa arabik ) ]

Binabanggit ng Bibliya na sa isang lugar na pinili ng Diyos, ang mga tao ay nararapat na pumaroon at luwalhatiin ang Kanyang Ngalan.

Sa halip, hanapin ninyo ang lugar na pipiliin niya sa lupain ng isa sa inyong mga lipi; doon lamang niya ipapahayag ang kanyang pangalan at iyon ang ituturing niyang tahanan.

Doon ninyo siya sasambahin at doon ihahain ang inyong mga handog na susunugin at iba pang handog tulad ng ikapu, handog mula sa inyong ani , pangakong handog, kusang handog, ang mga unang bunga ng pananim, at ang panganay na anak ng inyong mga hayop. Doon din kayo magsasalu-salo sa harapan ni Yahweh bilang pasasalamat sa mga pagpapala niya sa inyo. ( Deuteronomio 12:5-7 ) Nang dumating si Propeta Muhammad (Sumakanya ang Kapayapaan) dinala niya ang kautusan na ito . Ang mga Muslim ay pumaparoon sa Makkah -isang lugar [sa ”ilang” (Paran) ]. Katulad ng isinasaad sa Bibliya (Genesis 21 ) na pinagpala ng Diyos, kung saan si Propeta Abraham ay nagtayo ng isang Bahay para sa pagdarasal at pagsamba sa Diyos, “Bahay ng Diyos” ( Baytullah sa Wikang Arabik at “Bethel “ naman sa Wikang Hebreyo (Genesis 35 : 15, 28:18) upang luwalhatiin ang Diyos. Nalalaman ko ang iniisip nila at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba’t-iba ang wika. Malalaman nila kung gaano ako kadakila. ( Isaias 66 : 18 ) Sa panahon ng Hajj, ang mga Muslim ay umiinom ng tubig mula sa isang Bukal na tinatawag na Zamzam. Ito ang Bukal na kung saan ay siyang kinuhanan ni Hajar ng tubig upang painumin ang kanyang anak na si Ismael ( Genesis 21:19). Ang Bukal na ito ( na nasa Makkah, Saudi Arabia) ay binubukalan na ng tubig simula pa ng panahong iyon hanggang sa kasalukuyan. Ilan sa Mga Kaugaliang Pang-Islam na Makikita sa Bibliya. I. Ang mga Muslim ay hindi kumakain ng karne ng baboy. Ang bibliya ay nagbabawal sa pagkain nito.

Ang baboy, biyak nga ang kuko, ngunit hindi naman ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura, kaya hindi ito dapat kainin. Huwag kayong kakain ng karne ni hihipo man ng mga patay na hayop na yan;

Page 21: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 21

marurumi iyan para sa inyo. ( Levitico 11 : 7 – 8 )

Huwag din ninyong kakainin ang baboy ni sasalingin ang karne pagkat biyak man ang paa, ngunit hindi naman ngumunguya pagkain. ( Deuteronomio 14 : 8 ). Ang mga kumakain ng karne ng baboy ay tinutukoy ng Diyos sa Bibliya na;

Sinabi ni Yahweh: “ Ako'y nahahandang ang bayan ko’y dinggin, Ngunit ayaw nilang tumawag sa akin; Naririto ako’t laging naghihintay na sila’y tanggapin, Ngunit ayaw nilang lumapit sa akin, Sa buong maghapo’y laging nakaunat yaring mga kamay , At handang tanggapin ang bayan kong hirang; Bayang nahumaling sa gawang masama’t mga likong asal, At ang sinusunod bawat maibigan.Tinitikis nilang ako ay galitin, Nilalapastangan, naghahandog sila sa mga sagradong hardin; Sa mga altar na pagano’y Nagsusunog sila ng piling kamanyang.Pagsapit ng gabi’y pumupunta sila sa mga libingan, Ang sinasangguni’y mga espiritu ng mga namatay. Sila’y kumakain ng karne ng baboy na karumal-dumal, At ang iniinom ay mga inuming ipinagbabawal. ( Isaias 65 : 1 - 4 ) Ang mga Muslim ay hindi kumakain ng karne ng isang hayop na natagpuang patay o isang hayop na nilapa ng mabangis na mga hayop. Ang mga pagbabawal na ito ay matatagpuan sa Bibliya.

Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na namatay nang kusa…( Deuteronomio 14 : 21 )

“ Kayo’y nakatalaga sa akin. Kaya huwag kayong kakain ng karne ng hayop na pinatay ng kapwa hayop”. ( Exodo 22 : 31 )

Ang Islam ay nag-uutos ng paglayo mula sa mga babaeng mapangalunya at sa alak. Ang Bibliya ay nagpapahayag ng kadahilanan tungkol sa bagay na ito:

Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Kung ikaw at ang iyong mga anak ay pupunta sa Toldang Tipanan, huwag kayong iinom ng alak o anumang inuming matatapang, baka kayo’y mamatay” ( Levitico 10 : 8 – 9 )

Ang babaeng-mapangalunya at ang alak, at ang bagong alak ay nakasisira ng pang-unawa…...Sila’y iniligaw ng liko nilang pamumuhay , at ipinagpalit nila sa kahalayan ang kanilang Diyos. ( Oseas 4 : 11,12 )

Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao, Kaya isang kaululan ang magpakalulong dito. ( Mga Kawikaan 20 : 1 )

Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila’y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan. ( Mga Kawikaan 23 : 20 - 21)

Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman?

Page 22: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 22

At sino ang may matang pinamumulahan? Sino pa kundi ang sugapa sa alak , at ang nagpapakalango sa bago’t-bagong alak ! Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito’y katakam-takam. Pagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. ( Mga Kawikaan 23 : 29 – 32 ) Ang mga Muslim ay pinagbawalan sa pagpapatubo (sa pera). Ang Bibliya ay nagbabawal sa gayong gawain.

Kapag nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga usurero. ( Exodo 22 : 25 ) Ang mga lalaking Muslim ay mga tuli. Si Hesus sa kanyang sarili ay tinuli. Gayundin si Abraham at ang lahat ng matatapat na lalaking Hudyo. Pagkaraan ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Jesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipaglihi . ( Lukas 2 : 21), Pananamit para sa kababaihan

Ang isang Muslim na babae ay inatasan na magsuot ng maayos na pananamit. Ang mga Madre ay nagdadamit sa isang pamamaraang ginagawa ng mga Muslim na babae. Ang Bibliya ay nagsasabi na si Rebecca na magiging asawa ni Propeta Isaac ay nagtatakip ng kanyang sarili sa pamamagitan ng belo.

Lumapit sa aliping kumaon sa kanya at nagtanong, " Sinong lalaki iyong papalapit sa atin?" Siya po ang aking amo." tugon nito. Kumuha ng belo si Rebecca at nagtalukbong. ( Genesis 24 : 65 )

Sang-ayon sa Bagong Tipan, ang isang babae na hinditinatakpan ang ulo sa pampublikong pagsamba ay kahiya-hiya.

Kung ayaw magtalukbong ang isang babae, magpaahit na siya ng buhok. Yamang kahiya-hiya sa babae ang magpaahit o magpagupit ng buhok, dapat siyang magtalukbong, ( 1Mga Taga - Corinto 11: 6 )

Ang iba pang panuntunan sa pananamit ay makikita sa Bibliya.

Ang mga babae ay huwag magsusuot ng kasuutang panlalaki o ang mga lalaki ng kasuutang pambabae. Sinumang mag-suot ng hindi niya likas na kasuutan ay kasuklam-suklam.( Deuteronomio 22 : 5 )

Page 23: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 23

Ang mga Muslim ay nagbabatian sa pamamagitan ng “Assalamu Alaykum” na ang kahulugan ay “ sumainyo ang kapayapaan”. Ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng katibayan na ito ay kaugalian ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan)

Kinagabihan ng araw ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot sa mga Hudio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. " Sumainyo ang Kapayapaan !" sabi niya.( Juan 20 : 19 )

Sinabi naman ni Hesus," Sumainyo ang Kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayundin naman , sinusugo ko kayo. ( Juan 20 :21 )

Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, "Sumainyo ang Kapayapaan!" ( Juan 20 : 26 )

Sa katotohanan, inutusan pa ni Hesus ang kanyang mga disipulo noong isugo niya sila sa isang misyon, na nararapat na gamitin nila ang pagbating ito kapag sila ay tutuloy sa isang tahanan. Ito ay isang katuruang Pang-Islam.

Pagpasok ninyo sa bahay , sabihin ninyo , maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito! ( Mateo 10:12-13 )

Ang mga Muslim ay malimit na gumagamit ng katagang “IN SHA’ ALLAH” na ang kahulugan ay “ Sa Pagnanais ng Diyos “ o “ Kung nanaisin o loloobin ng Diyos “. Makikita natin ang alituntunin na ito sa Bibliya:

Ni hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Sapagkat ang buhay ninyo'y parang usok na sandaling lumilitaw at pagdaka'y nawawala. Ito ang dapat ninyong sabihin, "Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin ko ito o iyon. ( James / Santiago 4 : 14 , 15 )

Walang katiyakan kung ilan sa mga kaugalian na ito ang isinasabuhay ng ating mga kapatid na mga Kristiyano sa panahong ito. Kung gayon sino ang matatawag na tunay na mga tagasunod ni Hesukristo? , ang mga Muslim ba na kilala na sa pagsasabuhay ng ganitong mga kaugalian o sila na tinatawag ang kanilang mga sarili na Kristiyano? Nangangahulugan lamang kung magkagayon na anuman ang ginagawa ng mga Muslim ay hindi maituturing na bago o banyaga katulad ng makikita sa mga Kristiyano, kundi ito ay naaayon sa Bibliya.

Page 24: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 24

Malinaw din na ang Islam ay ang relihiyon ng lahat ng mga Propeta ng Diyos (sumakanilang lahat ang kapayapaan). Ang Islam ang tiyak na siyang relihiyon ni Hesus ( Sumakanya ang Kapayapaan).

Hindi lamang ito, ang pagpapatuloy ng pananampalataya na isinabuhay ni Abraham hanggang kay Propeta Muhammad (sumakanila kapuwa ang kapayapaan) ay matatagpuan din sa Bibliya, katulad ng makikita sa mga hula, sa Luma at Bagong Tipan, tungkol sa pagdating ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan). Ang tungkol sa bagay na ito ay makikita natin sa Aklat na may pamagat na “ Si Muhammad sa Bibliya ” na sinulat ni Dr. Jamal Badawi at sinipi’t isinalin naman sa Wikang Pilipino ni Bro. Muhammad A. Samson. KRISTIYANISMO O KRISTIYANIDAD

Ang Pangalang Kristiyanismo O Kristiyanidad, Ang Pinagmulan Nito At Ang Kanyang Kahulugan.

Makikita natin na ang “Kristiyanidad “ katulad ng pagkilala sa kanya ay hindi itinuro ni Hesus. Sa katotohanan, ang mga Muslim ay higit na malapit sa aral ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) sa kanilang mga paniniwala at mga kaugalian kaysa sa mga “Kristiyano”.

Nararamdaman ng mga Muslim na ang pagmamahal nila sa Diyos at pagmamahal kay Hesus (Sumakanya ang Kapayapaan) ay higit na kanilang karapatan kung ito man ay karapatan ng mga Kristiyano. Nararapat na tandaan ninuman na walang taong maaaring maging Muslim malibang siya ay naniniwala na si Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ay isang dakilang Mensahero ng Diyos. Ang mga Muslim at mga Kristiyano ay mayroong

magkatulad na pamana, at kapuwa sila nararapat na makinabang mula rito. Ito ang dahilan kung bakit ang mga aral ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay nangangailangan ng kaukulang pansin. Ngayon ay simulan naman natin ang paghahanap ng pangalang “ Kristiyanidad “ sa Bibliya. Gagamitin natin ang gayunding dalawang katanungan na may kinalaman sa Islam.

a) Ang pangalang “Krisitiyanidad”- ito ba ay tunay na pangalan? Kung gayon saan ito naitala? Sa ibang mga salita, nasaan ang katibayan ng pagkakakilanlan nito?

b) Sino ang nagbigay ng gayong pangalan? O kaya ay sino ang may-kapangyarihan (Authority) na nagpatibay nito?

Page 25: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 25

Sino ang nagbigay ng pangalan na ito? Hindi ang Diyos at lalong hindi si Hesus,

Maaari nating banggitin ang mga sumusunod na puntos tungkol sa pangalang “ Kristiyanidad ”

1. Ang pangalang ito ay hindi nagtataglay ng awtoridad mula sa Diyos, at hindi mula kay Hesus ( sumakanya ang kapayapaan).

2. Ito ay ibinigay ng mga Hudyo at mga pagano na nasa Antioch (isang lungsod sa noon ay Emperyo ng Roma), ito ay itinawag ng mga kalaban sa halip na mga kaibigan o kapanalig.

3. Ang pangalang ito ay ibinigay pagkaraang lisanin ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ang daigdig.

4. Ang pangalang ito ay unang ginamit na may bahid ng paninira , katulad ng ginawa ng mga mananalaysay.

Maaaring ito ay sapat na, subalit ano ang nasa pangalan? Ang pangalan ba ay tunay na suliranin? Ang pagtutol na ito ay maaaring katanggap-tanggap o hindi, subalit alang –alang sa argumento, hayaan nating ito ay maipaliwanag.

Ang salitang “KRISTIYANIDAD” ay hindi nagtatangan ng kahulugang may pagkilos o pagsasagawa ng isang bagay, hindi katulad ng salitang “ISLAM”.

Ito ay isang termino ng pagkakalilanlan, mula sa katagang “KRISTO” ( katulad ng “BUDHISMO” na ang pangalan ay hinango mula sa pangalang BUDHA). Ngayon, ang susunod na katanungan ay; Ano ang kahulugan ng KRISTIYANIDAD?

Papasok Tayo Sa Isang Suliranin.

1. Maaaring may makapagsabi na ang isang Kristiyano ay siya na naniniwala kay Hesukristo (sumakanya ang kapayapaan). Ang mga Muslim ay naniniwala rin sa kanya ( isa sa mga haligi ng pananampalataya sa Islam ay ang paniniwala sa kanya). Kung gayon ay maaari din kaming matawag na “Mga Kristiyano” kung ito ang pagbabatayan.

2. Maaaring may makapagsabi na ang isang Kristiyano ay siya na sumusunod sa mga aral ni Hesukristo ( sumakanya ang kapayapaan). Kaming mga Muslim ay nag-aangkin na kami ay sumusunod sa kanya ng higit pa sa pagsunod ng nagsasabi sa kanilang mga sarili na sila ay ma Kristiyano. Kung gayon nga, higit pang maituturing na kami ay mabuting “ Mga Kristiyano “.

Page 26: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 26

3. Maaaring may makapagsabi na ang isang Kristiyano ay siya na sumasamba kay Hesukristo (Sumakanya ang Kapayapaan). Subalit ang ganitong pagpapakahulugan ay hindi namin matatanggap. Bakit? Payak lamang ang kadahilanan at ito ay sapagkat si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay hindi kailanman nag-angkin na: “ Ako ay Diyos at nararapat na ako ay inyong sambahin”, o “ Ako ay kapantay ng Diyos at walang hanggan” at hindi rin niya sinabi na “ papasok kayo sa Kaharian ng Langit kung kayo ay sasampalataya sa pag-aalay ng aking dugo”. Wala tayong katibayan na kahit minsan man lamang ay ipinahayag niya ang gayong mga pananalita. Tiyak na si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay hindi gumamit ng mga walang katiyakang mga pananalita upang ipaliwanag ang gayong napakahalagang bagay, o hayaan na lamang ito sa kaisipan o sariling imahinasyon at pagpapakahulugan ng tao. Sa katotohanan, ang suliraning ito tungkol sa kalikasan ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) at sa kanyang kabanalan” ay bunga lamang ng mga haka-haka sa panig ng mga Pari at mga Teolohista ng Simbahan.

Kung gayon ay ano ang aral ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan)? Ano ang kahalagahan ng kanyang misyon? Ipaliliwanag natin ang paksang ito sa karagdagang mga detalye. Ang Kaugalian At Kahulugan Ng Kristiyanidad Sa Bibliya

Ang katagang ‘KRISTIYANIDAD’ ay hindi matatagpuan sa alinman sa mga Ebanghelyo. Sa ibang mga aklat ng Bagong Tipan ang katagang ‘KRISTIYANO’ ay binanggit ng ilang ulit lamang.

Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo, At nang kanyang matagpuan ay isinama sa Antioquia. Isang taong singkad silang nanatili roong kasa-kasama ng iglesya, at nagturo sa maraming tao. At doon sa Antioquia unang tinawag na Cristiano ang mga alagad. ( Mga Gawa 11 : 25 - 26)

Sinabi ni Agripa kay Pablo, " Sa loob ng maikling panahon ay ibig mo yata akong maging Cristiano ! "( Mga Gawa 26 : 28)

Ngunit huwag ikahiya ninuman kung siya'y maparusahan dahil sa pagiging Cristiano. Bagkus magpasalamat siya sa Diyos sapagkat taglay niya ang taguring ito. ( 1Pedro 4 : 16 )

Ito ay katanggap-tanggap, sapagkat ang termino ay itinawag o ginamit lamang makaraang lisanin ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ang daigdig na ito.

Page 27: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 27

ANG DALAWANG TALAAN TUNGKOL KAY KRISTO

( sumakanya ang kapayapaan ) ANG ISANG TALAAN ANG ISA PANG TALAAN 1. Ay ang tungkol sa isang makasaysayang Hesus (sumakanya ang kapayapaan)

1. Ay ang tungkol sa isang mahiwaga, ipinakilala o isinalaysay na Hesus (sumakanya ang kapayapaan ).

2. Na umiral sa panahon ng pamumuhay ni Hesus, (sumakanya ang kapayapaan).

2. Na kinatha lamang pagkaraan ng paglisan niya sa daigdig na ito.

3. Na siyang orihinal 3. Na unti-unting umiral 4. Na mismong itinuro ni Hesus, sumakanya ang kapayapaan ).

4. Na salungat sa kanyang mga aral at mga kaugalian.

5. Na nag-aanyaya sa dalisay na Kaisahan ng Diyos.

5. Na naimpluwensiyahan ng Griyego-Romanong Mitolohiya at Pilosopiya.

6. Na naaayon sa mga aral ng lahat ng mga Propeta ng Diyos

6. Na hindi naaayon sa mga aral ng mga Propeta ng Diyos

7. Na payak malinaw at makatuwiran.

7. Na mahiwaga, Malabo at hindi makatuwiran.

8. Na pinagtibay 8. Na kinatha lamang 9. Na nagmula sa Kapahayagan mula sa Diyos patungo sa Mensahero ng Diyos,( Hesus, sumakanya ang kapayapaan).

9. Na nagmula lamang sa pangitain ng isang kalabang naging apostol ni Hesus, sumakanya ang kapayapaan.

10. Na mayroong awtoridad o pahintulot ni Hesus, sumakanya ang kapayapaan.

10. Na mayroong pahintulot o awtoridad ni Pablo, ang nagtakda sa kanyang sarili na maging disipulo.

Ang gayong mga pagkakaiba sa pagitan ng mga aral ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) at sa mga aral ng simbahan ay lumikha ng suliranin sa karaniwang mga tao na maunawaan ang katotohanan o tunay na relihiyong ipinahayag ng Diyos, at naging sanhi ng pagkalito at pagsasalungatan.

Walang alinlangang mayroong maraming hindi nagkakatugmang mga pananaw sa daigdig mismo ng sangka-kristiyanuhan na ang bawat denominasyon o sekta ay nag-aangkin ng pagtataglay ng wastong landas.

Page 28: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 28

Suriin naman natin ang mga aral na matatagpuan sa bawat isa sa dalawang bersiyon ng Kristiyanidad.

Ang Katauhan Ni Kristo At Ang Kanyang Mga Aral.

Para sa wastong pagkaunawa tungkol sa mga aral ni Hesus (sumakanya ng kapayapaan) ay mahalagang suriin natin kung sino siya, sa anong kakayahan siya nagturo, at ano ang kanyang naging misyon. Ang mga kasagutan ay ibinigay ni Hesus (Sumakanya ang Kapayapaan) mismo katulad ng nakatala sa “Ebanghelyo” na nasulat sa Bagong Tipan.

Anak Ng Tao Tinukoy ni Hesus (Sumakanya ang Kapayapaan) ang kanyang sarili bilang “Anak ng Tao":

Sapagkat naparito ang anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.( Lukas 19 : 10 ) Tao Ngunit pinagsikapan ninyo akong patayin, isang tao na nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko sa Diyos. ( Juan 8 : 40)

Propeta Ng Diyos

Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang isang Propeta ng Diyos, at isang tagapagpakilala tungkol sa Kaharian ng Langit. Malimit niyang inaanyayahan ang mga tao na sumunod sa kanya tanging sa ganoong kakayahan lamang: Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas at sa makalawa; Sapagkat hindi dapat na mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta ! ( Lukas 13 :33 ) Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, " Ang propeta'y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay." ( Markos 6 : 4 ) Kinilala rin siya ng mga tao bilang isang Propeta ng Diyos.

Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lungsod. "Sino kaya ito?" tanong nila. " Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret, Galilea," Sagot naman ng karamihan. ( Mateo 21 : 10 - 11 )

Mensahero ( Sugo ) Ng Diyos ( Ang Ibig Sabihin Ay “Isang Sinugo Ng Diyos”): Sumagot si Jesus, " Hindi akin ang iniaaral ko, kundi sa nagsugo sa akin. ( Juan 7 : 16 )

Page 29: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 29

"Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumanggap sa akin-hindi ako ang kanyang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin." ( Markos 9 : 37 )

Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. ( Juan 12 : 4 ) Ang Layunin Ng Kanyang Misyon

Siya ay naniwala sa pagsamba sa Tanging Iisang Tunay na Diyos lamang, at ginawa niyang ito ang pinaka-ultimong layunin ng lahat ng kanyang mga gawain.

Sumagot si Jesus,"Lumayas ka Satanas ! Sapagkat nasusulat , " Ang iyong Diyos lamang at Panginoon ang sasambahin mo; Siya lamang ang iyong paglilingkuran,' " ( Mateo 4 : 10 )

Sinabi sa kanila ni Jesus, " Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya." ( Juan 4 : 34 )

“ Ikaw nawa ang maghari sa amin, Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. ( Mateo 6 : 10 )

Ang Mga Aral Ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan)

Sa pagdako naman sa mga aral sa Kristiyanidad na sinasabing mula kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan), maaari nating panatiliin ang ating pagpapaliwanag sa dalawang pangunahin at pinakamahalagang mga usapin: Pagsunod sa Batas , at ang Kaligtasan. Tungkol sa Banal na Kautusan:

Si Hesus (Sumakanya ang Kapayapaan) ay nag-ukol ng paglilinaw tungkol sa Pagsunod sa mga Batas at Pagpapasakop sa mga Kautusan ng Diyos – ang gayunding bagay na itinuro ni Moses at ng iba pang mga Propeta na nauna.

Si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) mismo ay tumalima sa mga Batas at nagturo sa mga iba pa na ito ay isabuhay. Ipagpalagay na natin ang kanyang pahayag na napapaloob sa “ Sermon sa Bundok”.

" Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga Propeta. Naparito ako hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. ( Mateo 5 : 17 ) Ninais niya na ang mga tao ay sumunod sa Banal na Batas sa halip na

Page 30: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 30

palitan ito ng mga batas na gawa lamang ng mga tao, at upang talikuran ang pagkukunwari sa pananampalataya na karaniwan na lamang sa Pamumuno ng mga Hudyo sa kanyang kapanahunan:

Mga mapagpaimbabaw ! Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo: Paggalang na handog sa 'kin ng bayan ko'y paimbabaw lamang, Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. Pagpuri't pagsambang ginagawa niya'y walang kabuluhan, Ang Utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.' " ( Mateo 15 : 7-9 )

Tungkol sa Kaligtasan

Ang aral ni Hesus (Sumakanya ang Kapayapaan) na may kinalaman sa Kaligtasan ay hindi rin isang bagay na kaiba sa mga aral ng naunang mga Propeta at Mensahero ng Diyos. Nilinaw niya ng lubos na ang Kaligtasan ay nakasalalay sa Pag-iingat ng mga Kautusan ng Diyos, pagsunod sa mga aral ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan ), paggawa ng mabubuting mga gawain, at pagsisisi sa mga kasalanan. Sinasabi ko sa inyo: Kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.' ( Mateo 5 : 20) May isa namang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong, " Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang

hanggan? Sumagot si Jesus' " Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos." ( Mateo 19 : 16 - 17)

Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. ( Lukas 13 : 3 )

"Sinasabi ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang-hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. ( Juan 5 : 24 )

Ito ang buhay na walang-hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo. ( Juan 17 : 3 )

Page 31: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 31

Ang Katauhan Ni Pablo ( Paul ) At Ang Kanyang Pagiging Apostol

Suriin naman natin ang Talaan ni Pablo, ang Kumatha ng may 14 mula sa 27 mga aklat sa Bagong Tipan.

Si Pablo ay hindi kabilang sa mga disipulo na pinili ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan ), ni hindi niya nakatagpo si Hesus (sumakanya ang kapayapaan). Siya ay nagmula sa Tarsus ( isang Lungsod sa makabagong panahong Turkey ). Gayunman at siya ay isang Hudyo sa angkan at relihiyon, ay tinatamasa naman niya ang pakinabang sa pagiging isang mamamayan ng Emperyo ng Roma. Siya ay may maimpluwensiyang pakikipag-ugnayan sa mga namumuno. Siya ay isang matalino, may pinag-aralan sa kaalaman tungkol sa panitikan ng mga Griyego at mga Kulturang hindi pang-Hudyo.

Matatag na sumasalungat si Pablo kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan) sa panahon ng kanyang pamumuhay; pinahirapan niya at pinatay ang karamihan sa mga tagasunod ni Hesus.

Akala ko rin noong una'y dapat kong gawin ang lahat kong magagawa laban sa mga tagasunod ni Jesus na taga-Nazaret. At gayon nga ang ginawa ko sa Jerusalem. Marami sa mga Kristiyano ang aking ipinabilanggo, sa kapangyarihan ng mga punong saserdote, at ng sila'y hatulan ng kamatayan, isa na ako sa humatol. Ginaygay ko ang lahat ng sinagoga, sinuman sa kanilang abutan ko roon ay pinarurusahan ko upang piliting magsalita laban kay Jesus. Sa tindi ng poot ko'y pinag-usig ko sila kahit sa mga lunsod sa ibang bansa." ( Mga Gawa 26 : 9-11) “Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin." ( Mga Taga Galacia 1: 13 ). Naroon siya sa pagbato kay San Esteban , ang kauna-unahang Kristiyanong Martir. Kinaladkad nila si Esteban hanggang sa labas ng lunsod upang batuhin. Hinubad ng mga saksi ang kanilang kasuutan at iniwan sa isang binatang nagngangalang Saulo. At pinagbabato nila sa Esteban, na nananalangin naman ng ganito: " Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu." Lumuhod si Esteban at sumigaw ng malakas, " Panginoon, huwag mo na po silang panagutin sa kasalanang ito!" At pagsabi nito, siya'y namatay. ( Mga Gawa 7:58-60 ).

Page 32: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 32

Kasang-ayon si Saulo (Pablo ) sa pagkapatay kay Esteban. ( Mga Gawa 8:1). Gumawa siya ng kaguluhan sa Simbahan. Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya: pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki't maging babae. ( Mga Gawa 8 : 3 ) Sang-ayon sa kanyang sariling-ulat, patungo siya sa Damascus upang dakpin ang mga tagasunod ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan ), nang makatagpo niya si Hesus (sumakanya ang kapayapaan ) sa kanyang pangitain, na sang-ayon sa kanya ( Pablo ) ay nagtalaga sa kanya na maging apostol niya (Hesus ). Hindi natutunan ni Pablo ang kanyang Ebanghelyo mula sa alinman sa mga disipulo o tagasunod ni Hesus:

Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Jesu-Kristo ang nagpahayag nito sa akin. ( Mga Taga-Galacia 1:12 )

Siya ay nanatili at laging naniniwala sa Hesus (sumakanya ang kapayapaan) na nakaharap niya sa kanyang pangitain – ang mistikong Kristo, at ni hindi naging interesado sa katauhan ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) na namuhay na kasama ng kanyang mga tao at nagturo ng kanyang Ebanghelyo.

Kaya ngayon, ang pagtingin namin kaninuman ay hindi na batay sa sukatan ng tao. Noong una'y gayon ang pagkakilala namin kay Cristo, ngunit ngayo'y hindi na. ( 2Mga Taga Corinto 5:16)

Sang-ayon pa rin sa aral, si Pablo ay nagturo ng kanyang sarili lamang na kapahayagang bersiyon ng Kristiyanidad na sa pinakapangunahing aral nito ay kakaiba sa mismong itinuro ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan ), at kakaiba rin sa paniniwala ng mga disipulo na pinili ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan).

Tumanggap siya ng maraming tagumpay mula sa mga Hentil sapagkat ginawa niya ang lahat ng pamamaraan upang sila ay kanyang maakit:

Sa piling ng mga Judio, ako'y nag-asal Judio upang mahikayat ko sila. Bagamat hindi ako saklaw ng Kautusan, napailalim ako rito samantalang kasama ko ang mga nasa ilalim ng Kautusan upang mahikayat ko sila. Sa piling naman ng mga Hentil, ako'y naging parang Hentil - di saklaw ng Kautusan-upang sila'y mahikayat ko rin. Hindi ito nangangahulugang hindi ko sinusunod ang mga utos ng Diyos, sapagkat ako'y nasa ilalim ng kautusan ni Cristo. ( 1Mga Taga-Corinto 9 : 20-21 ).

Page 33: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 33

Hindi ba sadyang banyaga na isinalarawan ni Pablo ang Batas tungkol sa Mahiwagang Kristo at pag-iiba mula sa Batas ng Diyos?

Siya sa kanyang sarili ay umaamin sa paggamit ng panlilinlang:

Kung sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay lalong lumilitaw ang kadakilaan ng Diyos sapagkat naipakikita ang kanyang katapatan, makatarungan bang parusahan niya ako bilang isang makasalanan? Bakit nga hindi natin sabihin, " Gumawa tayo ng masama kung mabuti ang magiging bunga nito'? ( Mga Taga Roma 3:7-8 )

Ipinaliwanag niya ang kanyang kalagayan sa pag-amin na;

Siya ay nagkakasala rin : Walang bumabagabag sa aking budhi, ngunit hindi nangangahulugang ako'y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. ( 1Mga Taga Corinto 4 : 4 )

Ang Kanyang Aral ay siya lamang ang nagtatag. Sapagkat sino si Apolos? At sino si Pablo? Kami'y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananalig kay Cristo. Ginagawa ng bawat isa ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon. Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. ( 1 Mga Taga Corinto 3 : 5-6, 10 )

Ayon sa kaloob ng Diyos sa akin, ako ang naglagay ng pundasyon, bilang mahusay na tagapagtayo. ( 1 Mga Taga Corinto 3 : 10 )

May mga panahong ni wala siyang banal na patnubay o inspirasyon, kundi nagsasalita lamang sa sarili niyang kapahintulutan.

Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, hindi ng Panginoon: (1Mga Taga Corinto 7 : 12,)

Ang sinasabi ko sa pagmamapuring ito ay hindi buhat sa Panginoon kundi pagmamayabang ng isang mangmang. (2Mga Taga Corinto 11:17) Itinuro niya ang mahiwagang doktrina tungkol sa Muling Pagkabuhay ni Hesus (sumakanya ang kapayapan) sa daigdig na ito bilang kanyang (Pablo) sariling Ebanghelyo.

Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang nagmula sa angkan ni David at ang muling nabuhay. Ito ang aking Ebanghelyo, ang dahilan ng aking pagdurusa hanggang sa magapos na tulad ng isang salarin. ( 2Timoteo 2:8-9 )

Page 34: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 34

Dahil sa paglihis mula sa orihinal na mga aral ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan), si Pablo ay pinangaralan ni Santiago (James), ang Pinuno ng Simbahan sa Herusalem at nakababatang kapatid ni Hesus (Sumakanya ang Kapayapaan.). Ipinagpalagay ni Santiago na si Pablo ay rebelde o salungat at maruming-tao, at kung kaya nag-atas kay Pablo na humayo at linisin ang kanyang sarili sang-ayon sa Batas. ( Mga Gawa 21 : 22-24 )

Sa pamamagitan ng mga pagsasaayos ng pakikipagsanggunian sa mga pagano, ang Linggong nauukol para sa mga Taga Roma ay pinaging-Kristiyano upang palitan ang Araw ng Sabbath ( simula sa paglubog ng araw sa Biyernes hanggang sa paglubog ng araw sa Sabado ) ng mga Hudyo, ang kinaugaliang pagdiriwang ng kaarawan ng diyos Araw (Sun god, Disyembre 25 ) ay naging araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan), at ang Piestang Pagpapanibago (Eastern) ay ipinalit bilang pagdiriwang sa pinaging-Kristiyanong Katuruan tungkol sa Muling Pagkabuhay ni Hesus. Kahit na nga ang Indo-Europiyanong konsepto tungkol sa tatlong-diyos (triune god ) ay inangkat din; katulad halimbawa ng ginawa sa ‘Trinidad’ (tatlong personang iisa sa pagka-diyos), at nanatiling salungat sa mga kaugaliang Hebreyo/ Semitikong Pang-Relihiyon. Ang Mga Katuruan Ni Pablo I. Tungkol sa Batas:

Ang Kautusan ang naging sanhi ng pagkapoot ng Diyos; kung walang Kautusan, wala ring paglabag. ( Mga Taga Roma 4:15 )

Ngunit ngayon ay patay na tayo sa kasalanang umalipin sa atin, wala na tayo sa ilalim ng Kautusan. Kaya't naglilingkod tayo sa Diyos, hindi sa lumang tuntuning nasusulat, kundi sa bagong buhay ayon sa Espiritu. ( Mga Taga Roma 7:6 )

Kaya't ang kautusan ang naging tagapagturo namin hanggang dumating si Cristo at sa gayon, kami'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong nananalig na kami sa kanya, wala na kami sa pangangalaga ng tagapagturo. ( Mga Taga Galacia 3:24-25 ) Ang nagsisikap na maging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan ay napahiwalay na kay Cristo at wala ng karapatan sa habag ng Diyos ( Mga Taga - Galacia 5:4 ) ( KJV Bible )

Page 35: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 35

Kaya't huwag na ang mga panimulang aralin tungkol kay Cristo ang pag-aralan natin kundi yaong maghahatid sa atin sa ganap na pagkaunawa. Huwag na nating iukol ang panahon sa muling paglalagay ng mga saligang aral: pagtalikod sa mga gawang walang kabuluhan sa paningin ng Diyos at ang pananampalataya sa kanya; ( Hebreo 6 : 1)

Ang mga pagpapahayag na ito ay nagtuturing na habang ang Batas ay bumibigkis kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan), ito naman ay hindi gayon kay Pablo at sa kanyang mga tagasunod ! Alalahanin ang sinabi ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan), na halos parang inaasahan na niya ang maimpluwensiyang kalagayan ni Pablo.

Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di-mawawalan ng bisa hangga't hindi nagaganap ang lahat. Kaya't sinuman ang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo ng gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos. ( Mateo 5 : 18-19 ) II. Tungkol Sa Kaligtasan Ipinakilala ni Pablo ang isang napakapayak na pamamaraan upang makamit ang kaligtasan, sa matalim na pagsalungat sa mga katuruan ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan): Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka ng buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. ( Mga Taga Roma 10 : 9 ) Ang dalawang bersiyon na ito tungkol sa katauhan ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) at sa kanyang Ebanghelyo ay naging sanhi upang tayo ay magkaroon ng katanungang higit pa bang nauunawaan ni Pablo ang kahulugan ng nilalaman ng Ebanghelyo kaysa kay Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) sa kanyang sarili?

Page 36: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 36

ANG HATOL NI HESUS

( sumakanya ang kapayapaan) Ang katanungan kung sino ba ang tama ay hindi nararapat na lisanin na hindi nasasagot. Si Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) mismo ang naglaan para sa atin ng kasagutan sa tanong na ito; yaman din lamang, at siya ay isang kilalang Mensaseho ng Diyos; siya sa katotohanan ay bumanggit sa gayong mga kalagayan. Ang solusyon ay makikita natin sa mga sumusunod na pagpapahayag: a) Malinaw na ipinahayag ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) na: Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang panginoon. ( Mateo 10:24 )

Maaari nating mabigyan ng hatol kung gayon na si Pablo ay walang kapangyarihan o awtoridad na pawalang-bisa o kaya ay higitan pa ang anumang hayagan at malinaw na mga katuruan o aral na itinuro mismo ni Hesus ( Sumakanya ang Kapayapaan).

b) Si Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ay hindi nangaral o nagturo ng anumang bagay na palihim o alinmang bagay na nakalilito. Sa kanyang mga pananalita:

Sumagot si Jesus, " Hayagan akong nagsasalita sa madla; lagi akong nagtuturo sa mga sinagoga at sa templo ng mga Judio. Wala akong sinabing palihim". ( Juan 18:20 )

Ang gayunding hayagang mga katuruan ay totoo batay sa mga naunang kapahayagan ng Diyos: Lahat ng salita ko'y hindi inililihim.Hindi ko pinahirapan ang Israel sa paghanap sa akin. Sinasabi kong lahat ang katotohanan At inihahayag kung ano ang tama." ( Isaiah 45 : 19 )

Kung kaya si Pablo ay hindi magiging makatarungan kapag isinaisantabi niya ang mga katuruan ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) at magtatag bilang kapalit nito ng isang sumasalungat na teolohiya na gawa lamang niya. Na inilako sa pangalan ni Kristo. Mapaniniwalaan ba natin na: § Si Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ay nagturo ng isang aral sa kanyang piniling mga disipulo sa panahon ng kanyang pamumuhay, at pagkatapos ay ibang aral kay Pablo makaraang lisanin niya ang daigdig na ito, na naging sanhi ng kawalan ng katiyakan ng kanyang mensahe?

Page 37: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 37

§ Ang pangangaral ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) sa kanyang mga disipulo ay nawalan ng saysay, at ang kanyang misyon ay walang kabuluhan, sapagkat isang bagay ang naituro nitong huling panahon ng kanyang mga tunay na tagasunod?

k) Sa katotohanan, si Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ay nagturo sa kanyang mga tagasunod sa pamamagitan ng tiyak na mga pananalita “na gawin ang mga gawaing” siya sa kanyang sarili ay gumaganap.

Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga inagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. ( Juan 14 : 12 )

Sa katotohanan, Si Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ay nagpatungkol ng pagkamasunurin sa kanyang mga kautusan bilang isang pagsubok ng pagmamahal at pakikipagkaibigan sa kanya:

"Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.” ( Juan 14 : 15 )

"Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya." ( Juan 14 : 21 )

"Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. ( Juan 15 : 14 )

Kung gayon ay paano ito natanggap ng Simbahan gayong inilabas ni Pablo ang kanyang sarili mula sa pagtalima sa mga kautusan ni Hesus, Sumakanya ang Kapayapaan, at itinuro sa iba na gawin ang gayon?

d) Walang anuman ang magiging higit na malinaw at umaangkop na talinhaga tungkol sa dalawang bersiyon na ito ng Kristiyanidad kaysa sa ipinahayag mismo ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan). Tumutukoy sa mga tumatawag sa kanya bilang ‘Panginoon’, ay kanyang sinabi: "Tinatawag ninyo akong ' Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang tao na nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka'y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!" ( Lukas 6 : 46 – 49 )

Page 38: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 38

Ang pundasyon na ito ay mauunawaan na may kahulugang tumutukoy sa pananampalataya ni Abraham tungkol sa Kaisahan ng Diyos at sa Banal na Batas – ang mga bagay na itinuro ni Hesus, (sumakanya ang kapayapaan). Sa katotohanan, Nang turuan ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ang kanyang mga tao , inihambing niya ang kanyang sarili kay Abraham bilang isang itinalagang Tagapagsalita tungkol sa Mensahe ng Diyos. ( Juan 8 : 31–59 ) Ang Babala Ni Hesus Binigyan ni Hesus ( sumakanya ang kapayapaan) ng babala ang mga “Kristiyano” na hindi sumusunod sa kanya. Unawain nating mabuti ang kanyang babala: ” Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ' Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. Pagdating ng huling Araw, marami ang mga magsasabi sa akin, " Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!" At sasabihin ko sa kanila, ' Kailanma'y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!" ( Mateo 7 : 21 – 23 ) Binigyan din niya ng babala ang mga tao laban sa alinmang walang-ingat na kaugalian tungkol sa gayong mahahalagang mga bagay. " Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat salitang walang kabuluhan na sinabi niya. Sapagkat ikaw ay pawawalang-sala o parurusahan, batay sa iyong mga salita." ( Mateo 12 : 36 – 37) Lubhang napakahalaga na alamin kung alin sa mga Talaan tungkol kay Hesus (sumakanya ang kapayapaan ) ang totoo. Ang isang Kristiyano ay nararapat na maging maingat sa kanyang paniniwala at ituro sa iba ang wastong Ebanghelyo; Ang pagpapaliwanag at pagpapakahulugan ba na ginawa ni Pablo tungkol kay Kristo ay higit pang mapanghahawakan kaysa sariling malinaw na pagpapahayag mismo ni Hesus, sumakanya ang kapayapaan?. *************************************************

Page 39: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 39

ANG HATOL

1. Ang Islam at ang orihinal na Kristiyanidad ay hindi magkaibang mga relihiyon sa konsepto o makasaysayang pinagmulan. 2. Ang Islam sa katotohanan ay isang pambibliyang relihiyon. Ang mga paniniwalang Islamiko at mga kaugalian o tradisyon ay ganap na matutunghayan sa Bibliya, sa kapuwa Luma at Bagong Tipan. 3. Ang Mensahe tungkol sa Islam katulad ng dinala ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan) ay pagpapatuloy lamang at kaganapan ng gayunding pananampalatayang dinala ni Abraham, na siyang itinuro ni Isaac, Jacob, Moises, David, Hesus, sumakanilang lahat ang Kapayapaan , at ng lahat ng iba pang mga Propeta. Silang lahat, gayundin ang kanilang mga tagasunod, ay mga “Muslim” sa tunay at makatotohanang diwa ng salita. 4. Ang Kristiyanidad na isinasabuhay sa ngayon, ay walang iba kundi isang nadungisan at ligaw na anyo ng ipinahayag na relihiyong nagtuturo ng Kaisahan ng Diyos (ito ay ang Islam). Ang mga Muslim ay ang mga tunay na tagasunod ng makasaysayang Hesus, sumakanya ang kapayapaan. ************************************************** AKLAT NA PINAGMULAN NG PAGSASALIN Islam and Christianity as Seen In The Bible. ( Discover Islam Series Issue # 2 ) DISCOVER ISLAM ( P.O. BOX—10901, Manama, Bahrain ) ************************************************** MGA REPERENSIYA 1. New Revised Standard Version (English Bible) 2. New International Version (English Bible) 3. Magandang Balita, BIBLIYA (Tagalog Popular Version ) **************************************************

Page 40: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 40

PANGWAKAS NG NAGSALIN Ang lahat ng papuri ay tanging Kay Allah lamang, Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Ang kapayapaan ay makamit nawa ng ating minamahal na Propeta na si Muhammad, anak ni Abdullah, ng kanyang pamilya, mga kasamahan at ng kanilang mga tagasunod hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ang pagsasalin na aming isinagawa ay isang pagnanais lamang na ang layunin ay upang maipaabot sa mga Pilipino na hindi gaanong maalam sa pag-unawa sa wikang Ingles ang mensahe ng Islam, na nasa Aklat na pinagkunan ng reperensiya na nailimbag sa wikang Ingles. Ang nagsalin sa wikang Pilipino (Tagalog ) ay isang dating Kristiyano na yumakap sa Islam noong 1993, sa Bansang Kuwait at sa kasalukuyan ay namamasukan sa isa sa mga kilalang Islamic Center sa naturang Bansa, bilang isang Tagapag-anyaya sa Landas Ni Allah na walang iba kundi ang Islam. Ang nagsalin ay nagpapasalamat, una Kay Allah, ang Kataas-taasan at ang Makapangyarihan sa Lahat, at sa Discover Islam sa Bahrain sa pagbibigay nila ng pahintulot sa pagsipi sa salin na ito mula sa Aklat na inilathala nila sa wikang Ingles na may pamagat na ISLAM AND CHRISTIANITY AS SEEN IN THE BIBLE at ito ay maisalin sa Wikang Pilipino, gayundin sa Islam Presentation Committee na siyang gumugol sa pagpapaimprenta ng Pagkakasalin na ito at walang tigil sa paggugol sang-ayon sa kanilang pamamahala upang ating maanyayahan ang mga tao sa Landas Ni Allah na walang iba kundi ang Islam. Ipinaaabot din ang pasasalamat kay Ustadh Abdulhadie Gumander na siyang nagrepaso sa mga Aral pang-Islam na matatagpuan sa Aklat na ito. Anuman ang mga pagkakamali na matutuklasan sa pagsasalin na aming isinagawa ay hindi sinasadya at mangyari lamang na ipadala sa amin ang inyong Komentaryo para sa higit na maagang pagwawasto sa posibleng mga pagkakamali. Ang nagsalin ay buong lugod na magpapasalamat Kay Allah sa sinumang makapagwawasto ng mga pagkakamali na kanilang matutuklasan sa babasahing ito. Katotohanang walang anumang bagay ang magaganap malibang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Allah. Sumaating lahat ang kapayapaan, ang awa Ni Allah at ang Kanyang mga pagpapala at ang ating huling panawagan ay ang lahat ng papuri ay tanging Kay Allah lamang, Panginoon ng lahat ng mga nilikha.

Page 41: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 41

MGA TANGGAPANG PANG-ISLAM SA PILIPINAS

ISLAMIC DA’WAH COUNCIL OF THE PHILIPPINES INC. Suite 418, FUBC Bldg. Escolta, Manila, Philippines

P.O. Box 3669, Tel. 479229 ISLAMIC WISDOM WORLDWIDE, INC. 2nd Floor Martinez Bldg. ND Ave. Cotabato City 9600, Philippines.

P.O. Box: 589, Tel. No. (064) 421-72-84 ISLAMIC DA’WAH AND GUIDANCE CENTER, INC

Village Makati, Metro Manila, Philippines Tel. No. 81-66-678, Fax: 63-25-089 Ext.18

ISLAMIC HERITAGE CENTER –COTABATO, INC. Manday, Cotabato City, Philippines

P.O. Box: 184, TeleFax: ( 064) 52-08-022 Darul Hijra Foundation , INC.

Suite 203, Ansa Bldg. 4704 Solchuaga St., Cor. Batangas St., Makati Metro Manila, Phil. P.O. Box: 4106 MCPO, TeleFax: 8992052

BALIK—ISLAM PROPAGATION CENTER, INC. (Biruar Bldg.) Quezon Avenue, Cor., Jose Lim St.,

Cotabato City 9600, Philippines. Cell#: 00-63-919-432-4920, Fax: (064) 4212502 ISLAMIC WORLD COMMITTEE FOUNDATION. INC.

Suite 307 Sison Mansion 2631 Rockfeller St., Cor. Batangas St., Makati, Metro Manila, Philippines

P.O. Box: 2900 MCPO 1269 TeleFax: 8128914 / 8872952 / 8872945

MA’HAD KUTAWATO AL-ISLAMIE Campo Muslim, Cotabato City 9600, Philippines. P.O. Box: 172

INTERNATIONAL ISLAMIC RELIEF ORGANIZATION, INC. Heart Towers, Unit 101 and 201 Valero St.,

Salcedo Village, Makati, Metro Manila, Philippines TEL. NO.: 8131596 FAX: 8191652

SHARIEF KABUNSUAN COLLEGE, INC. Bagua - 11, Cotabato City 9600, Philippines

P.O. Box: 645 / Tel. No. (064) 4218865 ISLAMIC WISDOM WORLDWIDE, INC.

(Abaton Bldg., Front of Manila Golden Mosque) 323 D. unao St.,Cor. Globo de Oro St.,Quiapo 1001

Metro Manila, Philippines / Tel. No. 7341236

Page 42: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 42

MGA TANGGAPANG PANG-ISLAM SA PILIPINAS

NEW MUSLIM SOCIETY FOUNDATION

Biaca Compound, Block 1, Tacurong, Sultan Kudarat,Maguindanao, Philippines

PHILIPPINE ASSOCIATION OF MUSLIMAH Daarul Eemaan INC

Suite 224, Tia Maria Building. C.V. Star Avenue Pamploma II, Las Pinas, Metro Manila, Philippines ASSOCIATION FOR ISLAMIC DEVELOPMENT (AID) INC

Banali, Pagadian City, Philippines P.O. Box: 1502 / Tel. No. 2142446 / 2141388

ISLAMIC STUDIES, CALL, AND GUIDANCE, INC. ( ISCAG—Philippines )

Brgy. Salitran, Dasmarinas, Cavite 1441, Philippines Tel. No. (046) 4163371 / 4163629 — Fax. (046) 4163229

(ISCAG– Baliwag Branch) # 724 Ano St. Cor. R.E.Chico St.

Poblacion, Baliwag, Bulacan, Philippines MARKAJ ASH-SHABAAB AL-MUSLIM FIL-FILIBBIN INC

( New Muslim Division ) DXAD Radio Ranao, Marcos Village, Mapandi, Marawi City, Philippines

LIPA ISLAMIC ASSOCIATION, INC. Brgy. 2-204 Interior, malvar St., LIPA CITY 4217 Batangas, PHILIPPINES

DAR AL-EMAN FOUNDATION, INC Block 54, Lot 2, Purok 13 - AM.C. Village

Brgy. Fatimah, General Santos City, Philippines TeleFax: (083) 5549040

Page 43: Islam At Kristiyanismo Sa Bibliya

Ang Islam at Kristiyanismo sa Bibliya 43