Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad,...

32
Kodigo ng Asal at Mga Etika Sojitz Group Pagtatrabaho nang may integridad. Pagbuo ng tiwala.

Transcript of Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad,...

Page 1: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Kodigo ng Asal at Mga Etika

Sojitz Group

Pagtatrabaho nang may integridad. Pagbuo ng tiwala.

Page 2: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Isang Mensahe mula sa Chief Executive Officer ng Sojitz Corporation

Mahal na Mga Kapwa Empleyado:Sa loob ng mahigit isang siglo, ang ating Kompanya ay nagpamalas ng walang sawang pagsunod sa pangangalakal nang may integridad. Sa pamamagitan ng pagiging tapat sa pangakong ito, nakabuo tayo ng pandaigdigang reputasyon na tayo ay tumutupad sa batas at alinsunod sa etikang asal at nakamit natin ang tiwala ng ating mga namumuhunan. Dahil naniniwala tayo na kasinghalaga ng paraan ng ating pagnenegosyo ang mga resulta na ating nakamit, patuloy tayong nagsusumikap na gamitin ang ating magkakaibang tungkulin at pandaigdigang pananaw upang magtagtag ng mga negosyo na nagbibigay sa mga lokal na komunidad at may pananagutan sa lipunan.

Nais kong maipagmalaki ninyong lahat ang pagiging miyembro ng Sojitz Group, at ipakita ang pagmamalaking iyan sa paggawa ninyo ng inyong trabaho. Anuman ang inyong tungkulin sa ating Kompanya, ang mga desisyong inyong ginagawa ay sumasalamin sa ating reputasyon at mahalaga sa pagpapanatili ng ating paglaki at pag-unlad.

Ang Kodigo ng Asal at Mga Etika (Kodigo) na ito ay naglalahad ng pangunahing mga prinsipyo at mataas na etikal na pamantayan na namamahala sa lahat ng grupo ng mga empleyado ng kompanya sa buong mundo, at iniaatas nito na ang lahat ng miyembro ng Sojitz Group ay sumunod ayon sa nakasulat na batas at sa diwa ng mga batas at regulasyong naaangkop sa ating mga aktibidad sa negosyo. Hinihikayat ko kayong gamitin ang lahat ng mga dulugan na tinutukoy sa Kodigo upang matulungan kang unawain kung paano na-uugnay ang mga prinsipyong ito sa iyong trabaho. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga prinsipyo at pamantayan ng etika sa buong Sojitz Group, nilalayon nating maging responsable at mabuting mamamayan ng negosyo, maprotektahan ang kalusugan, kaligtasan at dignidad ng empleyado, mapamahalaan ang ating mga lugar ng trabaho sa responsable at magalang na paraan, at mabawasan ang mga panganib na nagbabadya sa Kompanya, kabilang ang posibleng panganib sa mabuti nitong pangalan at reputasyon. Kami ay laging handa sa paglikha at pagpapanatili ng isang positibong kapaligiran sa trabaho at ng kultura ng bukas na komunikasyon kung saan maaari tayong makapagtanong at magparating ng ating mga alalahanin sa oras na maganap ang mga ito.

Hinihiling kong maglaan kayo ng panahon upang basahin at unawain ang ating Kodigo at sumangguni dito kapag nahaharap sa mga mapanghamong sitwasyon. Sa pamamagitan ng pagtatrabahong may integridad, masiguro natin na ang ating reputasyon ay mapapaganda bilang isang mapagkakatiwalaang kasosyo sa negosyo at tayo ay magiging isang matagumpay at malakas na kompanya sa marami pang taon na darating.

YOJI SATOPANGULO at CEO

2

Page 3: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Talahanayan ng Nilalaman

ANG ATING ASAL SA NEGOSYO

Mga Pamamahala ng Kalakalan Pagsunod sa Supply Chain

Responsibilidad sa Produkto

Kompetisyon

Mga Magkakasalungat na Interes

Pakikipagpalitan ng Mga Regalo at Libangan

Panunuhol at Katiwalian

Paghadlang sa Pandarambong at Pandaraya sa Transaksyon

Mga Aktibidad sa Komunidad at Politika

ANG ATING MGA ARI-ARIAN AT IMPORMASYON

Pribadong Pagmamay-ari at Kumpidensiyal na Impormasyon

Pagkapribado ng Mga Datos

Seguridad sa Information Technology (IT)

Paggawa at Pamamahala ng Mga Talaan ng Negosyo Relasyon sa Namumuhunan at Media

Paghiling ng Gobyerno sa Impormasyon

Insider Trading

ATING KAKAYAHANG GUMAWA NG MGA DESISYONG ALINSUNOD SA ETIKA AT MAG-ULAT NG MGA ALALAHANIN

Paggawa ng mga Desisyong Alinsunod sa Etika

Pagtatanong, Pagpaparating ng Mga Alalahanin at Pag-uulat ng Mga Paglabag

PAGKAKAANGKOP AT PANANAGUTAN NG KODIGO NG ASAL AT MGA ETIKA NA ITO

Mensahe mula sa Chief Executive Officer

Pahayag at Sawikain ng Sojitz GroupMga Panggabay na Prinsipyo ng SojitzPananagutan ng Korporasyon sa Lipunan (o Corporate Social Responsibility - CSR)

Tungkol sa ating Kodigo ng Asal at Mga Etika

ANG ATING MGA EMPLEYADO

Positibong Kapaligiran

Kalusugan at Kaligtasan

Ang Kodigo ng Asal at Mga Etika (Kodigo)

na ito ay naglalaman ng pangkalahatang

impormasyon, kasunod ng mga partikular

na panuntunan ng Kompanya tungkol

sa inyong mga gawain sa trabaho na

nakatakda sa PANGUNAHING GABAY.

Ang Kodigong ito ay para sa lahat ng

empleyado ng grupo ng kompanya.

Kapag binabanggit sa Kodigong ito ang

“ating Kompanya,” “tayo” o “atin,”

nangangahulugan itong lahat ng mga

yunit ng negosyo at mga sangay ng

grupo ng ating mga kompanya sa

buong mundo.

*

3

2

456

7

8

9

10

27

28

29

30

31

32

11

12

13

14

15

16

17

18

21

21

22

23

24

25

26

27

Page 4: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Pahayag ng Sojitz Group

Sawikain ng Sojitz Group

Ang Sojitz Group ay gumagawa ng halaga at kasaganahan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mundo sa diwa ng integridad.

4

Page 5: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

5

Mga Panggabay na Prinsipyo ng Sojitz

Tiwala

Pagbuo ng pangmatagalang tiwala.

Layunin ng Sojitz Group na gumawa ng halaga para sa ating mga namumuhunan sa pamamagitan ng pag-aayon ng ating mahusay at may kakayahang indibidwal alinsunod ng limang sumusunod na prinsipyo:

GP

innovaTion

Mag-innovate nang may magandang pananaw sa hinaharap.

BiliS:

Magsumikap na maging mabilis.

MaGinG MaPanGHaMon

Gumawa ng mga pinag-isipang desisyon.

PaGSUSUMiKaP

Magsumikap hanggang maging matagumpay.

Page 6: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

6

Pananagutan ng Korporasyon sa Lipunan (o Corporate Social Responsibility o CSR)

Patakaran sa Csr ng sojitz grouP

Magsusumikap tayong magnegosyo na kasundo ang lipunan kalikasan na palaging may paggalang sa Pahayag ng Sojitz Group.

Sa diwa ng Pahayag ng Sojitz Group, natukoy natin ang CSR bilang isang priyoridad sa pamamahala at pagpapahalaga ng korporasyon, at kinikilala natin na ang pagsunod sa tungkuling ito ay bahagi ng misyon ng ating korporasyon.

Sa CSR, ang pagiging responsable sa lipunan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagsunod ng mga inaasahan ng batas, ngunit pati na rin ang pagsunod at pamumuhunang pa sa tauhan, sa kapaligiran at mga ugnayan sa mga namumuhunan. Ang paggawa nang higit pa sa mga pangunahing legal na obligasyon ay maaari ding magkaroon ng direktang epekto sa rami ng magagawa – bubuksan nito ang daan upang pamahalaan ang pagbabago at upang pagkasunduin ang panlipunang pag-unlad na may pinagandang kumpetisyon.

Bilang miyembro ng pandaigdigang komunidad at bilang isang mabuti at responsableng mamamayan ng korporasyon, magsusumikap tayo na may magandang layunin na:

• Pag-aambag sa pagbuo ng isang lipunang kayang pamahalaan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng CSR sa ating pangunahing diskarte sa negosyo, isktraktura sa pamamahala at pagpapatakbo;

• Pagsuporta sa preserbasyon ng pandaigdigang kalikasan at paglutas ng mga isyu tungkol sa kahirapan at paglabag sa mga karapatang pantao;

• Ipatupad at timbangin ang pagkapantay-pantay sa ating mga aktibidad sa negosyo, at labanan ang anumang labag sa batas na diskriminasyon at pananakot ng mga empleyado na batay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan o sa anumang ibang batayan na ipinagbabawal ng batas; at

• Pigilan ang panunuhol at katiwalian sa anumang anyo na maaaring lumabas sa kurso ng ating gawain sa korporasyon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa CSR, paki-click ang link na “Tungkulin ng Korporasyon sa Lipunan” sa www.sojitz.com o www.sojitz.com/en.

Sa CSR, ang pagiging responsable sa lipunan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagsunod ng mga inaasahan ng batas, ngunit pati na rin ang pagsunod at pamumuhunang pa sa tauhan, sa kapaligiran at mga ugnayan sa mga namumuhunan.

CSR

Page 7: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

7

Tungkol sa ating Kodigo ng Asal at Mga Etika

Ayon sa nabanggit, nakatuon tayo sa pamumuhay at pagtatrabaho alinsunod sa ilang partikular na pagpapahalaga na nagbibigay-daan sa pagiging bukod-tangi at mapagkakatiwalaang kasosyo ng Sojitz Group at ng mga empleyado nito sa kanilang mga namumuhunan. Mahalagang tayo ay maging responsable at mabuting mamamayan ng korporasyon at maglaan ng oras at mga dulugan sa pagpapatupad ng panlipunang pagbabago sa pamamagitan ng pandaigdigang pangangalakal na ating isasagawa.

Ihiwalay sa ating mga pagpapahalaga ay mga tinukoy na panuntunan at regulasyon ng Kompanya – sa pamamagitan ng paglalapat ng ating mga pagpapahalaga, maaaring madaling sundin ang mga panuntunan at regulasyon. Ang mga sumusunod na seksyon ng ating Kodigo ay naglalaman ng mga panuntunan at regulasyon ng Kompanya na dapat sundin: Ang Ating Mga Empleyado; Ang Ating Mga Asal sa Negosyo; at Ang Ating Mga Ari-arian at Impormasyon. Ang huling seksyon ng ating Kodigo, Ang Ating Kakayahang Gumawa ng Mga Desisyong Alinsunod sa Etika at Mag-ulat ng Mga Alalahanin ay mapagkukunan ng impormasyon at dapat alalahanin kapag nahaharap sa mga hamon sa ating lugar ng trabaho.

Ayon sa nabanggit, nakatuon tayo sa pamumuhay at pagtatrabaho alinsunod sa ilang partikular na pagpapahalaga na nagbibigay-daan sa pagiging bukod-tangi at mapagkakatiwalaang kasosyo ng Sojitz Group at ng mga empleyado nito sa kanilang mga namumuhunan.

Page 8: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Ang Ating Mga Empleyado

Isa sa ating mga pinakamahalaga at

pangunahing asset ay ang ating mga

manggagawa. Tinatanggap natin ang

mga natatanging kombinasyon ng

mga talento, karanasan at pananaw

ng bawat empleyado, na nagdudulot

ng ating tagumpay. Nakahanda tayong

pagyamanin ang kapaligiran ng trabaho

na nagsasama sa iba, kagalang-

galang, ligtas at mabuti sa kalusugan at

nagbibigay ng kakayahan sa ating mga

empleyado na gawin ang trabaho nang

walang kasinghusay.8

Page 9: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

9

Positibong Kapaligiran

Pinagsusumikapan nating magbigay ng isang positibong kapaligiran sa trabaho na gumagalang sa mga karapatang pantao at pagkapribado. Sinisikap din natin na pagyamanin ang pinagtatrabahuhang walang panliligalig at walang diskriminasyon sa sinumang tao batay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan sa lipunan o anumang iba pang katangian na protektado ng batas. Higit pa rito, nagsisikap kaming patuloy na pagandahin ang pagiging bukas ng ating pinagtatrabahuhan sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa komunikasyon sa pagitan ng mga empleyado at ang kanilang mga tagapamahala at sa lahat ng mga empleyado, partikular sa ating mga magkakaibang pinanggalingan, upang ang lahat ay maaaring maging mas maayos sa paggawa ng kanilang mga tungkulin sa trabaho nang may mas mahusay na paggalang at tiwala sa isa’t-isa. Naiintindihan namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng balanse sa trabaho-buhay at sinusuportahan namin lahat ng ating mga empleyado sa mga ganitong pagsusumikap.

PangunaHing gaBaY

• Mga Patas na Pagkakataon sa Pagtatrabaho. Ang ating patakaran ay magbigay ng pantay na pagkakataon sa pagtatrabaho para sa mga empleyado at mga kandidato alinsunod sa mga batas ng bawat bansang ating pinagnenegosyohan.

• Mga Kasanayan sa Pagtatrabaho. Kami ay nagpapatupad ng mga makatarungang gawi sa pagtrabaho at, lalong lalo nang, hindi kami gumagamit ng sapilitan o nakipagkasunduang pagtatrabaho ng mga bata.

• Paggalang sa Isa’t isa. Tapat tayo sa pagpapayaman ng isang kapaligiran sa trabaho kung saan ang lahat ay inirerespeto, at walang nangungunsinti ng pag-abuso sa kapangyarihan o panliligalig, na maaaring kasama nang walang limitasyon ang mga pahayag, e-mail, larawan, galaw o pagkilos na nakakasakit ng damdamin, hindi kagusto-gusto, nakakasindak, nakakahadlang sa pagtatrabaho o nagdudulot ng hindi kumportableng pakiramdam, pagkahiya o pananakit sa kapwa.

Naiintindihan namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng balanse sa trabaho-buhay at sinusuportahan namin lahat ng ating mga empleyado sa mga ganitong pagsusumikap.

Page 10: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

10

Kalusugan at Kaligtasan

Ang pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado ay isa sa ating mga pangunahing pagpapahalaga. Sa pamamagitan ng liderato ng tagapamahala at pakikipagtulungan ng empleyado, tapat kami sa paglaan ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo ay may tungkulin – kasama ang mga mismong nasa pagmamanupaktura o pagyari – upang sumunod sa umiiral na batas sa kalusugan at kaligtasan, patakaran, gawi at mga pag-iingat upang protektahan ang ating sarili, ating mga katrabaho at ating mga mamimili. Naniniwala kaming mahalaga para sa ating lahat na tapusin ang bawat araw nang nasa magandang kalusugan at ligtas.

PangunaHing gaBaY

• Mga Hindi Ligtas na Gawain. Mahalagang ipaalam sa inyong tagapamahala sa lalong madaling panahon ang anumang hindi ligtas na gawain, kilos na magdudulot ng peligro, mga muntik-muntikan o hindi ginustong pagkakalantad na nagbabanta sa kalusugan o kaligtasan ng sinumang tao.

• Kung Mayroong Pinsala. Agaran at wastong iulat ang lahat ng mga pinsala. Ang agaran at wastong mga ulat ay makakatulong sa atin sa pagsagawa ng mga aksyon upang maiwasan ang pagkaulit nito. Ang hindi pag-ulat sa mga pinsala ay maaaring magpalaki ng panganib na maulit ito, maaaring makaantala sa karapat-dapat na medikal na paggamot, at maaaring mabigyan ang ating Kompanya ng mga malalaking sagutin at multa.

• Kaangkupan sa Trabaho. Hindi namin pinahihintulutan ang pagkakaroon, paggamit o pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot a sa sinasakupan ng Kompanya, o ang pagganap sa trabaho nasa impluwensiya ng alkohol o mga bawal na gamot.

• Karahasan sa Lugar ng Trabaho. Ipinagbabawal namin ang mga pagbabanta o pananakot o pagkakaroon o pagbebenta ng mga armas o ibang mga sandata sa sinasakupan ng Kompanya o sa pagsasagawa ng anumang negosyo ng Kompanya.

Sa pamamagitan ng liderato ng tagapamahala at pakikipagtulungan ng empleyado, tapat kami sa paglaan ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho.

Page 11: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Ang Ating Asal sa Negosyo

Mahalaga ang tiwala, paggalang sa isa't

isa at gawing alinsunod sa etika sa ating

mga ugnayan sa ating mga kasosyo,

mamimili, empleyado at iba pang mga

namumuhunan sa negosyo. Sa mga

ugnayang ito, dapat tayong mangalakal

nang may pinakamataas na pamantayan

ng etika at integridad − laging tinitiyak

na ang ating pagkilos ay alinsunod sa

mga nakasulat at diwa ng mga patakaran

ng Kompanya, umiiral na batas at

tuntunin − at sa paggawa ng magandang

desisyon sa negosyo.

11

Page 12: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

12

Mga Pamamahala ng Kalakalan

Nakatuon tayo sa pagsunod sa naaangkop na batas sa pamamahala ng kalakalan at iba pang nauugnay na batas ng mga bansa kung saan tayo nakikipagnegosyo, pati na rin sa mga programa sa regulasyon ng bansa at rehiyon pagdating sa internasyonal na kapayapaan at seguridad. Naaapektuhan ng mga batas sa pamamahala ng kalakalan ang paggalaw ng mga kalakal, serbisyo at teknolohiya sa pagitan ng mga pambansang hangganan ng sinasakupan at iiral sa maraming aspeto ng ating mga operasyon – hindi lamang sa pagpapadala ng mga produkto. Ang mga palitan ng impormasyon sa loob at sa mga ibayong pambansang hangganan ng sinasakupan, kasama na ang mga e-mail at access sa web, ay sumasailalim din sa mga pamamahala ng kalakalan.

PangunaHing gaBaY

• Mga Tumpak na Pag-uuri. pag-uri-uriin at magtakda ng tamang numero ng taripa (HTS) upang matukoy ang nararapat na duty at buwis na babayaran. Laging tandaan na ang pagtatakda ng mas mababang kaysa sa tunay na halaga ng mga kalakal sa komersyal na mga dokumento at pagtangkang makakuha ng kalamangan sa ekonomiya sa pamamagitan ng hindi tamang pagsali sa mga programang katig sa pagbuwis sa mga inaangkat ng kalakal upang tangkaing mabawasan ang buwis na ipinapataw sa inangkat na kalakal at buwis sa kita ay ipinagbabawal.

• Mga Pag-uuri sa Pag-export. Beripikahin ang pag-uuri ng pag-export ng produkto, software o teknolohiya bago mag-export upang matukoy kung kailangan ng espesyal na pahintulot, katulad ng lisensiya, sa pag-export.

• Pagpili ng Transaksiyon. Piliin ang iyong mga transaksiyon ayon sa mga umiiral na batas na naglilimita sa mga transaksiyon sa mga partikular na napaparusahang bansa, tao at mga hindi pinahihintulutang mga paggagamitan.

• Pagpili ng Kasosyo sa Negosyo. Piliin ang iyong mga kasosyo sa negosyo, supplier at partido na isasali sa iyong mga transaksiyon ayon sa mga watch-list na binigay ng gobyerno at magsagawa ng nararapat na sariling pagsisiyasat o pag-iingat sa mga huling gagamit at mga huling paggagamitan ng produkto. Higit pa rito, suriin na ang mga transaksiyon ay hindi nakaugnay sa may mga tagapamagitan para sa layuning dayain ang mga batas sa pamamahala ng kalakal.

• Paggamit ng Mga Ikatlong Partido na Customs Broker. Mga Broker. Huwag masyadong magtiwala sa mga ikatlong partidong customs broker at mga tagapagbigay serbisyo, at magsagawa ng mga nararapat na hakbang upang matiyak na tayo o ang ating mga ahente ay nagbibigay ng tumpak at kumpletong impormasyon sa mga awtoridad ng gobyerno tungkol sa halaga ng mga kalakal, bansa ng mga pinanggalingan at iba pang mga kinakailangan na bagay na mga datos – lalo na para sa mga transaksyong tayo ang magpapasan ng mga panganib bilang mang-aangkat o magpapadala.

Naaapektuhan ng mga batas sa pamamahala ng kalakalan ang paggalaw ng mga kalakal, serbisyo at teknolohiya sa pagitan ng mga pambansang hangganan ng sinasakupan at iiral sa maraming aspeto ng ating mga operasyon – hindi lamang sa pagpapadala ng mga produkto.

Page 13: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

13

Pagsunod sa Supply Chain

Umaasa tayo sa ating mga network ng supplier at mga nagbebenta sa supply chain na magdadala sila ng mga de-kalidad na mga produkto at serbisyo para sa ating mga mamimili. Mahalagang ang ating mga supplier at mga nagbebenta sa supply chain ay katulad nating tapat sa pangangalakal nang may integridad, sa isang ligtas at tiyak na paraan at naaayon sa batas, magaling at makatarungan na mga kasanayan. Ang pagsunod sa katapatang ito ay makakatulong na para sa pagtiyak na ang ating ugnayan sa supplier at mga nagbebenta sa supply chain ay hindi makakasira sa ating reputasyon.

PangunaHing gaBaY

• Pagsunod sa mga Batas. Makipagtrabaho sa mga supplier at mga nagbebenta sa supply chain upang matiyak ang pagsunod sa naaangkop na mga batas tungkol sa mga manggagawa, kalikasan, kalusugan at kaligtasan, at pandaidigang pamamahala ng kalakalan. Ang mga naaangkop na hakbang na patungkol o batay sa bansang inirerekomendang hakbang sa pag-import ay dapat ipatupad sa kabuuan ng supply chain, mula sa punto ng paggawa ng produkto hanggang sa pandaigdigang pagpapadala nito, at hanggang sa umabot ito sa nilalayong destinasyon.

• Pagpili. Piliin ang inyong mga supplier at mga nagbebenta sa supply chain upang matiyak na sila ay kagalang-galang, karapat-dapat at kayang tumupad sa mga nararapat na pisikal na pangangailangan sa seguridad, sa pamamagitan ng pagtasa at pag-apruba ng mga supplier at nagbebenta sa supply chain bago ang anumang mga materyales, bahagi, produkto o serbisyo ay binili mula sa kanila. Kapag ang mga nagbebenta ay napili na, tiyakin na ang mga saklaw ng kasunduang

ito ay malinaw at nakadokumento sa naangkop na kontrata sa pagbebenta.

• Walang Salungat na Interes. Tiyakin na ang kasunduan sa isang supplier o isang nagbebenta sa supply chain ay hindi lumilikha ng isang aktwal na o maliwanag na salungat na interes.

• Pangalagaan ang Kompidensiyal at Pribadong Pag-aaring Impormasyon. Pangalagaan ang ating mga personal na datos at iba pang mga kompidensiyal at pribadong pagmamay-aring impormasyon sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagiging kompidensiyal, at protektahan ang anumang mga personal na datos na ibinigay ng supplier at iba pang impormasyon na saklaw ng isang kasunduan sa pagiging kompidensiyal.

Mahalagang ang ating mga supplier at mga nagbebenta sa supply chain ay katulad nating tapat sa pangangalakal nang may integridad, sa isang ligtas at tiyak na paraan at naaayon sa batas, magaling at makatarungan na mga kasanayan.

Page 14: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

14

Responsibilidad sa Produkto

Nilalayon nating tiyakin na ang mga produkto na inihatid sa ating mga mamimili ay ligtas at mataas ang kalidad. Kadalasan, hindi kami direktang kasangkot sa paggawa ng mga produkto na maaari naming i-supply at ipamahagi sa aming mga pandaigdigang mamimili. Sa ganoong mga pagkakataon, mahalaga para sa amin na isaalang-alang kung paano namin patototohanan ang kaligtasan at kalidad ng produkto, at sa kontrata ay pamahalaan ang potensyal na pananagutan sa produkto sa pagitan ng at sa tagagawa, sa aming mga mamimili at sa amin, sa panahon ng bawat yugto ng supply chain.

PangunaHing gaBaY

• Pagsunod sa mga Batas. Lubusang alamin ang mga naangkop na batas, mga pangangailangan sa etiketa ng produkto, mga pamantayan ng garantiya, kaligtasan at mga pamantayan ng kontrol sa kalidad, mga pamamaraan sa mga claim sa pananagutan ng produkto at mga proteksyon ng mamimili na may kaugnayan sa mga produkto na makukuha natin mula sa mga tagagawa at sinu-supply at ipinamamahagi sa ating mga mamimili.

• Pamamahala ng Pananagutan sa Produkto. Tiyakin na ang lahat ng mga produkto na iyong sinu-supply at ipinamamahagi sa ating mga mamimili ay may kasamang karaniwang garantiya ng taggagawa ng produkto – ang pagpapanatili ng seguro ng Kompanya ay hindi kapalit para sa pagkuha ng mga angkop na proteksiyon sa garantiya sa iyong mga transaksyon sa negosyo.

• Mga Claim sa Pananagutan sa Produkto. Kapag ang claim sa pananagutan sa isang produkto ay natanggap, ibahagi ang lahat ng impormasyon sa mga angkop na panloob na mga tauhan ng Kompanya, kabilang ang iyong panrehiyon na Legal Department at/o Departamento sa Pagsunod, na agad na patunayan ang lahat ng mga materyal na katotohanan, partikular para sa mga claim na may kinalaman sa kaligtasan ng publiko, pagsikapan na gumawa ng mga makatwirang aksyon, tulad ng napagkasunduan sa pamamagitan ng panloob na mga tauhan ng Kompanya, na kung saan ay karaniwang maiwasan ang mga karagdagang banta sa kaligtasan ng publiko at karagdagang claim sa pananagutan sa produkto.

• Paggamit ng Pangalan ng Kompanya sa Mga Produkto. Unawain ng husto ang mga legal na kabuluhan ng pagpapakita ng pangalan ng ating Kompanya sa isang produkto bilang “nagbenta,” “ahente ng pagbebenta,” “tagagawa,” “nag-aangkat” at katulad nito. Ang mga hiling ng mga kasosyo sa negosyo upang magamit ang pangalan ng ating Kompanya ay dapat repasuhin kasama ang iyong rehiyonal na Legal at/o mga kinatawan ng Departamento ng Pagsunod, upang maiwasan ang mga hindi kailangang legal na pananagutan.

Mahalaga para sa amin na isaalang- alang kung paano namin patototohanan ang kaligtasan at kalidad ng produkto, at sa kontrata ay pamahalaan ang potensyal na pananagutan sa produkto sa bawat yugto ng supply chain.

Page 15: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

15

Kompetisyon

Naniniwala tayo sa malaya at patas na kompetisyon. Karamihan sa mga bansa na kung saan kami may negosyo ay bumuo ng mga batas sa kumpetisyon na dinisenyo upang magsulong ng isang libre, bukas at makompetensiyang merkado at:

• Pinagbabawal ang mga kasunduan o pagkakaintindihan sa pagitan ng mga katunggali na siyang nagpapahina sa kompetisyon, tulad ng mga cartel at pandaraya sa tawaran;

• Isaayos ang abusadong pag-uugali ng mga kompanya na nangunguna sa isang merkado, tulad ng mga manlulupig na pagpepresyo, pagtatali at pagmamanipula ng presyo; at

• Hingan ng pag-ulat, paunang pagrepaso at sa ilang mga pagkakataon, clearance para sa mga merger, mga acquisition at ilang iba pang mga transaksyon, upang maiwasan ang mga transaksyon na magtatanggal o tunay na magbabawas sa kompetisyon.

Ang mga batas sa kumpetisyon ay kumplikado at pandaigidigan ang naaabot. Ang mga batas na ito ay maaaring gumana nang magkakaiba sa anumang partikular na sitwasyon at, samakatuwid, napakahalaga na isama mo ang iyong rehiyonal na Legal at/o mga kinatawan sa Departamento ng Pagtupad nang maaga pa sa proseso ng pagbuo ng mga bagong komersyal na inisyatiba. Ang mga paglabag sa mga batas ng kompetisyon ay may dalang potensyal na malalang kahihinatnan para sa ating Kompanya at mga empleyado. Ang kaparusahan ay mula sa hanay ng malaking multa hanggang sa pagkabilanggo sa ilang bansa at maaaring maglantad sa ating Kompanya sa napakalaking habol dahil sa pinsala.

PangunaHing gaBaY

• Kapag Nakikitungo sa Mga Kakompetensiya. Sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa kumpetisyon. Huwag magpanukala o pumasok sa mga kasunduan o pagkakaunawaan – hayagan o ipinahiwatig, pormal o hindi pormal, nakasulat o pinag-usapan – o makipag-ugnayan sa sinuman, kabilang ang mga kakumpitensya, ahente, broker, mamimili at mga katulad nito hinggil sa:

• Pagsusumite ng tawad o paghahanda ng mga tuntunin sa pagtawad para sa anumang layunin maliban sa pagpapanalo ng negosyo; at

• Pagrenda o pag-aayos ng presyo, paglaan sa mamimili o mga linya ng produkto, paghahati ng mga teritoryo o mga merkado o pagtakda ng ibang mga tuntunin kung saan tayo o ang mamimili ay maaaring muling ibenta o paupahan ang produkto o serbisyo sa ikatlong partido.

• Karagdagang Gabay Kapag Nakikitungo sa Mga Kakumpitensya. Bukod pa sa mga bagay sa itaas, huwag magpanukala o pumasok sa mga kasunduan o pagkakaunawaan – hayagan o ipinahiwatig, pormal o hindi pormal, nakasulat o pinag-usapan – o makipag-ugnayan kahit nang hindi direkta tungkol sa anumang impormasyon sa, o tumanggap ng anumang impormasyon mula sa sinumang kakumpitensya hinggil sa anumang aspeto ng komersyal na aktibidad kabilang ang:

• Mga presyo, pamamaraan sa pagpepresyo, pinakamababa o pinakamataas na mga presyo, pagsasaayos ng presyo;

• Nakaraan, kasalukuyan o sa hinaharap na antas ng stock, produksyon, kapasidad sa pagbenta o dami, kasama ang pagsang-ayon na sarhan ang kapasidad; Bahagi sa merkado;

• Bahagi sa merkado at pagbabahagi sa merkado; • Mga tuntunin o kondisyon ng pagbenta, mga tuntunin ng kredito; • Mga gastos, kita o profit margin; at • Produkto o handog na serbisyo, mga pamamaraan sa pamamahagi.

Ang mga batas sa kumpetisyon ay kumplikado at pandaigdigan.

Page 16: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

16

Mga Magkakasalungat na Interes

Maaaring magkaroon ng salungatan ng interes kapag ang iyong pribadong interes ay nakakasagabal o kahit lumalabas na nakakasagabal sa mga interes ng ating Kompanya. Lahat ng mga desisyon sa negosyo ay dapat tanging gawin sa pinakamabuting interes ng ating Kompanya, at hindi para sa personal na kalamangan. Kailangan kang magtrabaho nang malinaw ang layunin at sa paraang epektibo para sa ating Kompanya.

PangunaHing gaBaY

• Sariling Pinansiyal na Interes. Ang magkasalungat na interes ay maaaring maganap kapag ikaw o ang isang kamag-anak ay may pinansiyal na interes, trabaho o posisyon sa lupon ng mga direktor sa alinman sa ating mga kakompetensiya, supplier, tagapagmahagi o tagapagbenta. Higit pa rito, ang magkasalungat na interes ay maaaring maganap kapag ikaw o ang iyong kamag-anak ay direkta o hindi direkta na may malaking pinansiyal na puhunan sa anumang kompanya ng nakikipagkompetensiya, nakikipagkalakakalan o nagsisikap na makikipagkalakalan sa ating Kompanya. Dapat mong ipaalam ang mga pinansiyal na interes mo at ng iyong pamilya, mga trabaho o posisyon sa alinmang kakompetensiya, supplier, tagapamahagi at nagbebenta sa iyong tagapamahala.

• Pangangalakal sa mga May Kaugnayan. Ang magkasalungat na interes ay maaaring maganap kapag ang miyembro ng pamilya o sinumang malapit ang kaugnayan sa iyo ay nagtatrabaho sa iyong departamento o sa iyong koponan ng tagapamahala. Ang anumang posibleng salungatan ng interes ay dapat ibunyag sa iyong tagapamahala o sa iyong pangrehiyong kinatawan ng Legal Department at/o Departamento sa Pagsunod para sa karagdagang gabay.

• Mga Aktibidad sa Labas ng Negosyo. Maaaring maganap ang salungatan ng interes kapag mayroon kang ikalawang trabaho o negosyo na sarili mong pag-aari na maaaring sumalungat sa iyong mga tungkulin sa ating Kompanya. Hindi ka maaaring tumanggap ng ibang trabaho na sasalungat sa iyong kakayahang gawin ang trabaho mo sa Kompanya at malamang na kakailanganin mong kumuha ng pahintulot ng Kompanya bago isagawa ang ganitong aktibidad. Maaaring kasama nito ang pagnenegosyo sa labas ng oras ng pagtatrabaho, na gumagamit ng ari-arian ng Kompanya, kagamitan o impormasyon para sa paggamit sa labas ng Kompanya, at pagtanggap ng hiwalay na trabaho sa isang supplier, kakompetensiya o nagbebenta para sa ating Kompanya. Mangyaring sumangguni sa iyong lokal na kinatawan ng Human Resources o sumangguni sa iyong lokal na handbook at mga patakaran para sa empleyado para magabayan.

• Mga Pagkakataon ng Kumpanya. Maaaring magkaroon ng salungatan ng interes kapag sinamantala mo ang mga personal na pagkakataon batay sa impormasyong nakuha sa pamamagitan ng ating Kompanya, mamimili, supplier, kontratista, sanggunian o ibang kasosyo sa negosyo. Hindi ka maaaring makipagkompitensiya sa ating Kompanya o personal na pakinabangan ang anumang mga pagkakataong natuklasan o nagawa sa pamamagitan ng paggamit ng ari-arian ng Kompanya, impormasyon o posisyon.

Lahat ng mga desisyon sa negosyo ay dapat tanging gawin sa pinakamabuting interes ng ating Kompanya, at hindi para sa personal na kalamangan.

Page 17: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

17

Pakikipagpalitan ng mga Regalo at Libangan

Kasama sa mga regalo at libangan ang anumang bagay na may halaga, tulad ng mga pera, diskuwento, pautang, serbisyo, gantimpala, transportasyon, paggamit ng mga sasakyan ng ibang kompanya, ang paggamit ng mga pasilidad na bakasyunan, stock o iba pang security, pagkain, kaganapang isports , lakad sa golf, tiket at mga gift certificate.

Ang pagbibigay o pagtanggap ng mga hindi nararapat na regalo at libangan ay may posibilidad na makasama sa ating negosyo at reputasyon at maaaring ituring na isang katiwalian at labag sa batas. Ang pagbibigay at/o pagtanggap ng mga regalo at libangan ay hindi naaangkop kung ito ay lumilikha ng isang obligasyon, inilalagay ang nagbigay o ang tumanggap sa isang sitwasyong ang alinmang partido ay lilitaw na may kinakampihan o ginawa sa hangaring impluwensiyahan ang isang desisyon sa negosyo. PangunaHing gaBaY

• Pagsunod sa mga Naaangkop na Batas at Pamantayan sa Industriya. Dapat kang sumunod sa mga lokal na batas, tuntunin, pamantayan sa industriya at kinaugalian, o mas mahigpit na patakaran sa kagawaran ng negosyo o patakaran sa inyong lokal na operasyon.

• Sakop ng Pagpapairal ng mga Patakaran sa Regalo at Libangan. Ang mga tuntunin sa regalo at libangan ay iiral sa kabuuan ng taon, kahit na sa piyesta opisyal, nauugnay man o hindi sa isang opisyal ng pamahalaan o pribadong kalabang partido, at hindi lang ito naaangkop sa iyo ngunit para na rin sa iyong asawa, kapareha, ahente o mga miyembro ng pamilya, atbp. Pananagutan mong gumamit ng mahusay na pagpapasya at sundin ang kahit ang mga panuntuhanan kahit gamitin mo ang iyong sariling mga pondo hindi paghingi ng reimbursement para sa regalo o libangan.

• Hindi Talaga Naaangkop ang Ilang Regalo at Libangan. Ang mga regalo at libangan ay hindi kailanmang naaangkop kung ang mga ito ay nilayong maimpluwensyahan sa hindi wasto paraan ang sinuman, kapalit ng hindi wastong benepisyo o pabor, o ibinigay nang lumalabag sa anumang batas o regulasyon o, sa iyong kaalaman ay lumalabag sa mga panuntunan ng pinagtatrabahuhan ng tatanggap.

• Mga Wastong Libro at Talaan. Sa lahat ng sitwasyon, ang regalo o libangan ay dapat tumpak na maisadokumento at masuportahan ng mga resibo, alinsunod sa nauugnay ng mga patakaran ng Kompanya.

• Kapag tumatanggap ng Hindi Naaangkop na Regalo. Kung inalok ka ng regalo o libangan na hindi naaangkop, dapat mo itong tanggihan at pagkatapos ay iulat ito sa iyong tagapamahala o, kung iniaatas ng Mga Gabay para sa Patakaran ng Sojitz Group Laban sa Katiwalian, sa iyong pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa Mga Usaping Laban sa Katiwalian.

• Iwasan ang Mga Kahina-hinalang Sitwasyon. Sa maraming sitwasyon, talagang hindi naaangkop ang pagbibigay ng mga regalo at libangan. Ang anumang uri ng naturang regalo o libangan ay dapat ibigay sa maayos na paraan, upang maiwasan ang anumang posibleng pagtingin na ang mga pagpapasya sa negosyo o pagkilos ng pamahalaan ay naimpluwensyahan bilang resulta ng, panunuhol, pagbabayad o kitang ibinigay o tinanggap, o nakompromiso ang iyong kakayahang gumawa ng mga propesyunal na pasya para sa ikabubuti ng Kompanya.

Ang mga regalo at libangan ay hindi kailanman naaangkop kung ibinigay ang mga ito upang maimpluwensyahan sa hindi wastong paraan ang sinuman.

Page 18: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

18

Panunuhol at Katiwalian

Hindi natin pinahihintulutan ang panunuhol at katiwalian sa lahat ng ating pangangalakal natin sa bawat bansa. Karamihan ng mga bansa ay may mga batas na nagbabawal ng panunuhol at katiwalian, na maaaring iiral kahit ginawa sa labas ng bansa. Ang paglabag sa mga batas na ito ay grabeng kasalanan, na maaaring magresulta sa mga multa sa ating Kompanya at mga empleyado at pagkakakulong ng mga empleyado. Kahit na ang tila paglabag sa mga batas na ito ay may seryosong ibubunga sa reputasyon ng ating Kompanya.

PangunaHing gaBaY

• Pakikitungo sa Sinuman. Hindi ka dapat magbigay, mag-alok o mangakong magbibigay ng pera o anumang may halaga, direkta man o hindi, sa sinuman upang maimpluwensiyahan ang desisyon ng taong iyon, upang makakuha ng hindi wastong kalamangan sa komersyo, upang makapasok sa isang hindi tapat na kasunduan, o kung hindi naman ay matulungan ang ating Kompanya sa pagkuha o pagpapanatili ng negosyo.

• Pakikipag-ugnayan sa mga Opisyal ng Gobyerno. Hindi ka dapat magbigay, mag-alok o mangako na magbigay sa sinumang opisyal ng gobyerno o sinumang nauugnay na tao na kumakatawan sa isang opisyal na tungkulin, ng mga anumang di-awtorisadong kabayaran o iba mga benepisyo o mga bagay na may halaga, ito man ay direkta o hindi direkta.

• Mga Bayad sa Pangangasiwa. Sa pangkalahatan, ang mga bayad sa pangangasiwa ay ipinagbabawal alinsunod sa patakaran ng Kompanya at maaari nitong malabag ang mga batas ng

ilang partikular na bansa kung saan tayo nakikipagnegosyo. Ang mga bayad sa pangangasiwa ay binibigyang kahulugan sa patakarang ito bilang maliit, hindi opisyal na bayad upang makakuha, mapabilis o mapangasiwaan ang pagganap ng isang pampublikong opisyal sa isang regular na pagkilos o serbisyo na karapatan na ating Kompanyang makuha. Sa bihirang pagkakataon kung saan magkakaroon ng sitwasyong kinakailangan kaagad ang pagbabayad sa pangangasiwa upang makaiwas sa nagbabantang panganib sa buhay o kalusugan ng sinumang tauhan ng Kompanya o hindi naaayon sa batas na agarang pagkasira ng pag-aari ng Kompanya o personal na pag-aari at walang ibang makatuwirang malalapitan sa pagbabayad, hindi mapapatawan ng parusa ang tauhan ng Kompanya sa pagbabayad sa pangangasiwa sa isang hindi karaniwang batayan upang maiwasan ang naturang nagbabantang panganib. Gayunpaman, sa naturang mga sitwasyon, dapat mong iulat kaagad ang pagbabayad at ang mga nauugnay na sitwasyon sa iyong pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa sa Mga Usaping Laban sa Katiwalian.

Page 19: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

19

• Paggamit ng mga Ikatlong Partido na Ahente. Madalas nating tinutugunan ang ating mga obligasyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ikatlong partido, tulad ng mga ahente, kinatawan, independiyenteng mga kontratista, kasangguni, distributor at mga supplier. Maaari tayong managot batay sa hindi wastong asal ng mga ikatlong partido kung makikibahagi tayo sa o mag-aapruba tayo ng hindi wastong gawi, o kung nalalaman natin na malaki ang tsansa na ang mga pagkilos ng ikatlong partido sa ngalan ng Kompanya ay maaaring lumabag sa mga batas laban sa panunuhol. Samakatuwid, dapat tayong magsagawa ng mga naaangkop na hakbang upang makatulong na matiyak na ang mga ugnayan sa negosyo ay nabubuo lang nang may tiwala at sa mga kwalipikadong ikatlong partido.

• Sa pagpili at pagsubaybay ng mga ugnayan sa ahente ng ikatlong partido, hindi ka maaaring makipag-ugnayan sa isang ahente ng ikatlong partido sa ngalan ng Kompanya maliban kung ang pakikipag-ugnayan ay naaaprubahan alinsunod sa Mga Gabay para sa Patakaran ng Sojitz Group Laban sa Katiwalian na nag-aatas na:

• Sapat na kinakailangang pagtitiyak sa mga kasosyong ikatlong partido upang matiyak na sila ay mapagkakatiwalaan at kwalipikado at ang hinihiling na bayad ay makatuwiran nasa normal na rate ng merkado;

• Paunang pag-apruba mula sa pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa sa Mga Usaping Laban sa Katiwalian;

• Isang nakasulat na kasunduang naglalaman ng mga partikular na probisyon upang maprotektahan ang Kompanya laban sa panganib na manunuhol ang ahente habang isinasagawa ang pakikipag-ugnayan, kabilang ang pagsunod sa mga naaangkop at nauugnay na batas laban sa panunuhol at laban sa katiwalian;

• Depende sa antas ng posibleng panganib, posibleng pangangailangan sa iminumungkahing ahente upang sumunod sa Kodigo, ang Patakaran ng Sojitz Group Laban sa Katiwalian (o ang sarili nitong patakaran laban sa katiwalian), o ang iyong pangrehiyong pagsasanay ng patakaran laban sa panunuhol at katiwalian; at upang mapatotohanan ang pagsunod nito sa Patakaran Laban sa Katiwalian ng Sojitz Group, maliban sa iba pang mga kinakailangan; at

• Patuloy na pagsubaybay sa pagkakaroon ng mga posibleng red flag sa asal ng ahente ng ikatlong partido at mga potensyal na pagbabago sa saklaw ng pakikipag-ugnayan.

Panunuhol at Katiwalian (pagpapatuloy)

Kahit na ang tila paglabag sa mga batas na ito ay may seryosong ibubunga sa reputasyon ng ating Kompanya.ating Kompanya.

Page 20: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

20

• Mga Kontribusyong Pampulitika. Ang mga kontribusyong pampulitika sa mga opisyal ng pamahalaan ay maaaring magbunga ng napipintong panganib sa panunuhol. Ang lahat kontribusyong pampulitika sa ngalan ng Kompanya ay dapat paunang maaprubahan ng pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa sa Mga Usaping Laban sa Katiwalian.

• Mga Donasyon sa Kawanggawa. Ang mga donasyon sa mga organisasyon sa kawaanggawa ay maaaring maging isang naaangkop na paraan para sa Kompanya upang makapagtatag ng mabuting hangarin sa lokal na komunidad. Walang donasyon ang maaaring ibigay dahil sa anumang hindi naaangkop na layunin. Halimbawa, hindi dapat magbigay ng donasyon sa isang organisasyon sa kawanggawa na nauugnay sa isang opisyal ng pamahalaan pribadong

kalabang partido, o kinatawan ng kalabang partido, kung ibibigay ang donasyon na may layuning magkaroon ng kalamangan sa negosyo para sa Kompanya o para sa sinumang indibidwal sa pamamagitan ng pamimilit sa opisyal ng pamahalaan, pribadong kalabang partido o kinatawan ng kalabang partido na kumilos o hindi kumilos. Ang lahat kontribusyong pampulitika sa ngalan ng Kompanya ay dapat paunang maaprubahan ng pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa sa Mga Usaping Laban sa Katiwalian.

• Mga Pamumuhunan at Pakikipagsosyo Ang Kompanya ay maaaring managot dahil sa panunuhol at iba pang mga paglabag hinggil sa katiwalian na ginawa ng mga target na kompanyang kinukuha nito sa pamamagitan ng merger o pagbili o para sa mga paglabag hinggil sa panunuhol at katiwaliang ginawa ng iba't ibang uri ng kasosyo. Ang mga tauhan ng Kompanyang nagtatrabaho sa mga pamumuhunan at

pakikipagsosyo ay dapat makipag-ugnayan sa pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa sa Mga Usaping Laban sa Katiwalian upang magsimula ng naaangkop na hakbang sa pagsisiyasat o pag-iingat bago ang paggawa ng anumang pamumuhunan o pagpasok sa anumang mga pakikipagsosyo. Walang pamumuhunan o pakikipagsosyo ang maaaring isagawa ng hindi nakakatanggap ng paunang pag-apruba mula sa pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa sa Mga Usaping Laban sa Katiwalian.

• Mga Wastong Libro at Talaan Ang mga libro, talaan at account ng Kompanya ay dapat itabi nang may makatuwirang detalye upang tumpak at patas na maipakita ang mga transaksyon at paggamit ng mga ari-arian. Lahat ng mga opisyal, empleyado, at mga ahente ng Kompanya ay kailangang magtago ng tumpak at bukas na talaan na nagpapakita sa mga aktwal na transaksyon at pagbabayad, kasama ang mga pampadulas na bayad kung awtorisado, alinsunod sa ating sistema ng mga panloob na pagkontrol sa accounting. Ang mali, nakakapandaya, hindi kumpleto at hindi tumpak o artipisyal na paglalagay sa mga libro at talaan ng Kompanya ay ipinagbabawal.

Panunuhol at Katiwalian(ipinagpatuloy)

Ang lahat ng donasyon sa kawanggawa sa ngalan ng Kompanya ay dapat paunang aprubahan ng pangrehiyong Opisyal na Nangangasiwa sa Mga Usaping Laban sa Katiwalian. Mga Usapin Laban sa Katiwalian.

Page 21: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

21

Mga Aktibidad sa Komunidad at Politika

Sa pakikipagnegosyo natin sa buong mundo, nagsusumikap tayong bumuo at magpanatili ng mga ugnayang puno ng tiwala sa ating mga lokal na namumuhunan sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagkikibahagi sa mga aktibidad na nakakaapekto sa mga lokal na komunidad. Naniniwala tayo sa pagsali at sa pagbibigay ng kontribusyon sa ating mga komunidad at hinihikayat namin ang mga empleyado na gawin din ito.

PangunaHing gaBaY

• Mga Gawain sa Komunidad. Hinihikayat namin kayo na maging mga aktibong miyembro ng inyong komunidad at sumali sa mga aktibidad ng komunidad na inyong nanaisin, laging tandaan na ang inyong mga aktibidad ay dapat na ganap na pampersonal, hindi sa ngalan ng ating Kompanya at sa lahat ng oras sa alinsunod sa mga naaangkop na batas.

• Mga Gawain at Kontribusyong Pampulitika. Ang mga tuntuning namamahala sa pagsali sa prosesong pampolitika ay labis na naiiba sa iba’t-ibang bansa, kumplikado at madalas na nagdadala ng malalaking kaparusahan sa paglabag. Kumunsulta at makipag-ugnayan sa inyong pangrehiyon na Legal at/o mga kinakatawan ng Departamento sa Pagsunod bago kasumali sa mga gawaing pampolitika o magbigay ng pampulitika na mga kontribusyon sa ngalan ng ating Kompanya.

Paghadlang sa Pandarambong at Pandaraya sa Transaksyon

Tayo ay tapat sa ganap na pagsunod sa lahat ng mga batas na laban sa pandarambong, pandaraya sa transaksyon sa negosyo at laban sa terorismo sa buong mundo. Ang pandarambong ay nagaganap kapag ang mga indibidwal o kompanya ay kasangkot sa mga kriminal na aktibidad – hal., panlilinlang sa transaksiyon sa negosyo, terorismo, narkotiko, panunuhol at pandaraya – ay sinusubukang “itago” ang mga kinita ng kanilang mga krimen upang itago ito o palabasin na lehitimo ang mga ito. PangunaHing gaBaY

• Mga Lehitimong Aktibidad sa Negosyo. Nangangalakal tayo sa mga kagalang-galang na mga mamimili at supplier na kaugnay sa mga aktibidad ng lehitimong negosyo, may pondong nagmumula sa mga lehitimong pinagmumulan. Hindi tayo makikipag-negosyo sa anumang organisasyon na iimpluwensiyahan o naimpluwensiyahan o nakakompromiso sa organisadong krimen o terorismo. Ang kabiguang matukoy ang mga ugnayan at transaksyon na naglalagay sa ating Kompanya sa panganib ay maaaring malubhang makapinsala sa ating integridad at reputasyon.

• Naaangkop na Hakbang sa Pagsisiyasat o Pag-iingat. Ang bawat negosyo ng Kompanya ay kinakailangan magpatupad ng mga naaangkop pamamaraan ng sariling pagsisiyasat o pag-iingat upang pag-araalan ang mga panganib, kabilang ang mga may kinalaman sa mga bagong mamimili, at upang magsagawa ng mga nararapat na mga hakbang upang maiwasan at matukoy ang mga hindi katanggap-tanggap at kahinahinalang mga pagbabayad.

• Iulat ang Mga Kahinahinalang Aktibidad. Kung may napansin kang kahina-hinalang transaksiyon, iulat ang usaping ito sa iyong pangrehiyon na Legal at/o mga kinatawan ng Departamento ng Pagsunod at makipagtulungan sa mga lokal na awtoridad sa pagpapatupad ng batas kung nararapat.

Tayo ay tapat sa ganap na pagsunod sa lahat ng batas na laban sa pandarambong, pandaraya sa transaksyon sa negosyo at laban sa terorismo.

Page 22: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Ang Ating Mga Ari-arian at ImpormasyonLahat tayo ay may tungkuling pangalagaan

ang mga ari-arian at impormasyon ng

ating Kompanya at gamitin ang mga ito sa

naaangkop na paraan, nang may integridad

at para sa benepisyo ng ating Kompanya at

upang matugunan ang mga pangangailangan

at inaasahan ng ating mga namumuhunan.

Mahalagang mapanatili ang pagiging wasto,

kumpleto, kompidensiyalidad at kakayahang

makakuha ng impormasyon para sa paggamit ng

ating mga namumuhunan at natin sa interes ng

ating pare-parehong ikakatagumpay. Makakamit

natin ang layuning ito sa pamamagitan ng

pag-unawa sa kahalagahan at halaga ng

nasabing mga ari-arian at mga impormasyon

at pagpapatupad ng epektibong hakbang sa

pangseguridad. Sa pamamagitan ng mga

hakbang na ito, nais namin mapahusay ang

ating mga ugnayan ng tiwala sa ating mga

agarang namumuhunan at sa lipunan sa

kabuuan.

22

Page 23: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

23

Pribadong Pagmamay-ari at Kumpidensiyal na Impormasyon

Ang ating mga pagmamay-ari at kumpidensyal na impormasyon ay mahahalagang ari-arian ng ating Kompanya. Kabilang sa pagmamay-aring impormasyon ang intelektuwal na ari-arian tulad ng mga lihim na pangkalakal, mga patente, markang-pangkalakal at mga karapatang-ari, pati na rin ang mga plano sa negosyo, engineering at pagyari na ideya, disenyo, mga database at mga talaan. Kabilang sa kumpidensiyal na impormasyon ang impormasyon tulad ng mga istratehiya sa negosyo, kasalukuyan at potensyal na transaksyon, mga nakabinbing mga kontrata, hindi ipinapahayag na mga kita, mga bagong produkto, impormasyon sa sahod, mga datos sa pananalapi, at mga resulta sa pananaliksik na hindi isiniwalat sa publiko, pati na rin ang iba pang di-pampublikong impormasyon na maaaring gamitin ng mga kakumpetensiya o makakapinsala sa ating Kompanya o sa mga mamimili kung maisisiwalat. Kabilang din sa kumpidensyal na impormasyon ang impormasyon ng ibang tao, gaya ng sa mga supplier, kung kanino sumang-ayon ang ating kompanya na panghahawakan ang naturang impormasyon sa kumpidensyal na paraan. Ang karamihan sa pagmamay-aring impormasyon ng Kompanya ay maaari ding maituring na kumpidensyal na impormasyon.

Kinakailangan kang magsagawa ng lahat ng mga nararapat na hakbang upang ma-optimize ang halaga ng at/o panatilihin ang pagiging lihim ng mga ari-ariang ito.

PangunaHing gaBaY

• Mga Karapatan ng Ikatlong Partido. Magsagawa ng mga naaangkop na hakbang upang maunawaan ang mga karapatan sa pribadong pagmamay-aring impormasyon ng ikatlong partido, lalo na kapag pumapasok sa mga bagong transaksyon sa negosyo. Kung naghihinala ka na ang anumang impormasyon ng ikatlong partido ay naibunyag sa hindi naaangkop na paraan o ito ay naialok sa iyo, dapat kang kumonsulta sa iyong pangrehiyong Legal Department at/o Departamento sa Pagsunod para sa karagdagang impormasyon.

• Pagbubunyag ng Impormasyon. Kung ikaw ay may alam o access sa kumpidensiyal at pagmamay-ari na impormasyon, hindi mo dapat ibunyag ang mga naturang impormasyon sa iba, maliban sa mga may pangangailangan na malaman ito at sinabihan ang katangiang kompidensiyal o pribadong pagmamay-ari ito. Ang pribadong pagmamay-ari at kompidensiyal na impormasyon ay hindi dapat ibahagi sa labas ng ating Kompanya nang walang pahintulot at dahil may kasunduan sa pagiging kompidensiyal na naitatag sa partido kung kanino ilalahad ang naturang impormasyon.

• Paggamit ng Impormasyon. Hindi mo dapat gamitin ang kompidensiyal at pribadong pagmamay-ari na impormasyon para sa personal na pakinabang o sa pakinabang ng mga kaugnay na partido, tulad ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak.

• Kung Hindi Ka na Isang Empleyado. Lahat ng obligasyon sa pagiging kompidensiyal na sumasaklaw sa iyo sa panahon ng iyong pagtatrabaho sa ating Kompanya ay patuloy na iiral sa iyo kahit na pagkatapos ang pagiging empleyado mo sa ating Kompanya.

Ang karamihan sa pagmamay-aring impormasyon ng Kompanya ay maaari ding maituring na kumpidensyal na impormasyon.

Page 24: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

24

Pagkapribado ng Mga Datos

Malaking bilang ng mga bansa ang mas mahigpit na sa pamamahala sa pagkolekta at paggamit ng indibidwal na medikal, pinansyal at iba pang sensitibong personal na impormasyon. Bukod pa rito, maraming bansa ang naghihigpit sa mga personal na datos ng mga empleyado at kasosyo sa negosyo. Ang mga personal na datos ay anumang impormasyon na maaaring gamitin upang partikular na makilala ang isang indibidwal (at sa ilang bansa, isang legal na entity), kabilang nang walang limitasyon sa postal address, numero ng credit card, national identification number, passport number, sensitibong impormasyon sa human resources, petsa ng kapanganakan o personal na e-mail address. Habang tumagatagal, dumarami ang bilang ng mga bansang nagpasa ng mga batas at regulasyon hinggil sa pagkolekta, pagpoproseso at paglilipat ng sensitibong impormsayon at “mga lihim ng estado.” Tayo ay tapat sa responsableng pangangasiwa ng mga personal datos at sa pagsunod sa mga naaangkop na batas sa pagkapribado.

PangunaHing gaBaY

• Unawain ang Mga Limitasyon tungkol sa Paggamit ng Mga Personal na Datos. Alamin ang mga personal na datos sa lugar kung saan ka nagtatrabaho, at unawain ang mga legal at naaayon sa kontratang limitasyon sa paggamit ng mga personal na datos.

• Maging Mapagmasid Tungkol sa Pagprotekta ng Mga Personal na Datos. Gumawa ng mga naaangkop na hakbang upang mapanatiling secure ang mga pesonal na datos alinsunod sa mga naaangkop na batas, nauugnay na patakaran at pinakamahusay na kasanayan (hal., pag-encrypt, pagprotekta ng password, pag-secure sa naka-lock na lugar, pag-iimbak sa secure na bahagi ng mga computer system ng Kompanya, atbp.).

• Pagsunod sa Lahat ng Batas sa Pagkapribado ng Datos. Kolektahin at gamitin ang mga personal na datos sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas, regulasyon at pinakamahusay na kasanayan sa pagkapribado, at para sa mga lehitimong layuning pangnegosyo lang. Alinsunod sa mga pangrehiyong patakaran sa pagpapanatili ng mga datos, alisin sa wastong paraan ang mga personal na datos na hindi na kailangan para sa mga layuning pangnegosyo. Magbahagi lang ng mga personal na datos sa ibang mga empleyado kapag kinakailangan ito upang magawa nila ang kanilang trabaho, at sa mga nagbebenta o supplier kung naaangkop lang at nakapaglagay ng mga safeguard upang maprotektahan ang mga personal na datos na iyon.

• Alamin ang Mga Batas at Regulasyon Hinggil sa Pagkolekta, Pagpoproseso at Paglilipat ng Impormasyon.

• “Mga Cross-Border na Paglipat ng Personal na Impormasyon.” Ipinagbabawal ng ilang partikular na bansa ang cross-border na paglipat ng mga personal na datos nang walang ipinahayag na pahintulot ng mga empleyado o hayagang legal at naaayon sa regulasyon na pag-apruba. Ang naturang mga batas ay maaaring malapat sa anumang personal na impormasyon na pinapangasiwaan sa pamamagitan ng “mga information system,” kung saan maaaring kabilang ang mga mobile device.

• “Mga Lihim ng Estado.” Ipinagbabawal ng ilang partikular na batas ang pagbubunyag at cross-border na pagpapadala ng “mga lihim ng estado” at malawak na binibigyang-kahulugan ang terminong ito. Maaaring kasama rin sa mga lihim ng estado ang nga datos na nauugnay sa komersyo, gaya ng impormasyong may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa at pag-unlad ng lipunan.

Tayo ay tapat sa responsableng pangangasiwa ng mga personal at sensitibong datos at sa pagsunod sa mga naaangkop na batas sa pagkapribado.

Page 25: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

25

Seguridad sa Information Technology (IT)

Ang mga pag-aaring IT ng ating Kompanya (Technology Resources) ay mahalaga sa ating negosyo, at dapat ay pinoprotektahan nang husto. Kasama sa ating Technology Resources ang, halimbawa, mula-sa- Kompanya na laptop at mga desktop computer, mobile computing na aparato tulad ng Blackberry® at mga katulad na aparato, at mga telepono ng Kompanya at mga sistema ng voicemail. Ikaw ay may tungkulin sa pagprotekta ng Technology Resources ng ating Kompanya na ipinagkatiwala sa iyo at sa pagtulong upang protektahan ang mga ari-arian ng ating Kompanya sa kabuuan.

PangunaHing gaBaY

• Mga Patakaran at Pamamaraan sa Seguridad ng IT ng Kompanya. Alamin at sumunod sa iyong mga pangrehiyong patakaran at pamamaraan sa seguridad, at sumangguni sa mga kinatawan ng IT ng iyong Kompanya kung magkakaroon man kayo ng mga tanong at/o alalahanin.

• Kahina-hinalang Aktibidad Makipag-ugnayan kaagad sa iyong tagapamahala o sa kinatawan ng IT ng iyong Kompanya kung hindi ka siguradong ang isang email ay totoo o kung nakapansin ka ng hindi pangkaraniwang aktibidad sa iyong computer. Mag-ingat sa pagdedesisyon kung magbubukas ka ng mga attachment at link sa e-mail.

• Paggamit at Pagmamay-aring mga Technology Resources. Kailangan kang magkaroon ng makatwiran at angkop na pagdedesisyon at pagpapasiya kapag gumagamit ng Technology Resources ng ating Kompanya. Ang mga ito ay inilaan upang gamiting pangunahin para sa layuning pang-negosyo ng Kompanya; gayunman, ang nagkataon at paminsan-minsang mga personal na paggamit ay pinahihin tulutan. Ang mga Technology Resources ng Kompanya ay tanging pagmamayari ng ating Kompanya.

• Pangalagaan ang Technology Resources at Iulat ang anumang Pagkawala o Pagnanakaw. Ang mga Technology Resources ay dapat pinananatiling ligtas mula sa di-awtorisadong pag-access at hindi dapat iwanan nang walang bantay habang naglalakbay. Iulat kaagad ang anumang mga pagkawala o pagnanakaw sa iyong tagapamahala, kinatawan ng IT ng iyong Kompanya at sa iyong lokal na departamento ng pulisya o ibang nauugnay na awtoridad.

• Mga Password at Iba Pang Mga Seguridad sa Pag-access. Protektahan ang mga kompidensiyal na impormasyon ng ating Kompanya at Technology Resources – i-encrypt o protektahan ang datos gamit ang password at huwag ibahagi ang iyong mga iba't ibang personal na account at password sa iba.

• Pagmamanman ng Kompanya at Access sa Technology Resources. Sa ilalim ng naaangkop na batas, inilalaan ng ating Kompanya ang karapatan na ma-access at subaybayan ang lahat ng paggamit ng Internet at e-mail, subaybayan ang lahat ng mga site ng Internet na iyong binisita at makinig sa mga nakaimbak na mensaheng voice mail.

Page 26: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

26

Paggawa at Pamamahala ng Mga Talaan ng Negosyo

Lahat ng datos na ginawa ng mga empleyado ng Kompanya ay dapat na tumpak na sumasalamin sa mga napapailalim na transaksyon at kaganapan, at ang mga resultang talaan ay dapat naaangkop na pamahalaan upang masuportahan ang mga umiiral na aktibidad at obligasyon ng ating Kompanya. Ang ating tagapamahala, mga shareholder, pinagkakautangan at iba pang mga namumuhunan ay umasa sa integridad at pagkakaroon ng mga talaan ng negosyo na ating nilikha. Kapag hindi natin naitala ang wastong impormasyon at pamamahala ng mga talaan ng negosyo na angkop, inilalagay natin sa panganib na masira ang ating reputasyon, kawalan ng negosyo at kabawasan ng tiwala ng namumuhunan.

PangunaHing gaBaY

• Paggawa ng Mga Talaan ng Negosyo at Pag-ulat. Dapat mong ipatupad ang espesyal na pag-aalaga sa paghahanda, pagsusumite, pag-uulat at sa ibang paraan ang paggawa ng ilang paraan ng pagsisiwalat ng mga talaang pang-negosyo ng Kompanya, maging sa papel man o elektronikong anyo. Partikular dito, ang lahat ng mga pinansiyal na mga libro, tala at account ay dapat na wastong sumasalamin sa mga transaksiyon at mga kaganapan at lubos at walang kinikilingan na ibunyag ang lahat ng impormasyon na mahalaga. Halimbawa, ang mga paglalarawan ng anumang mga pagbabayad sa alinman sa mga talaan ng Kompanya ay dapat patas at tumpak na magpakita ng mga aktibidad, transaksyon at disposisyon ng mga ari-arian ng Kompanya. Ang mga talang ito ay dapat ding tumugon sa pangkahalatang katanggaptanggap na na prinsipyo sa accounting at sa ating sistema ng mga panloob na kontrol para sa bansa kung saan ka nagnenegosyo.

• Wastong Pamamahala ng Talaan. Kailangan mong panatilihin ang iyong mga talaan ayon sa naaangkop na mga patakaran ng Kompanya para sa iyong negosyo, rehiyon o paggawa, at laging suriin ang mga talaan na sa ilalim ng iyong kontrol at tiyakin na ang mga talaan ay sinisira alinsunod sa mga naaangkop na panahon ng pagtatabi na tulad ng pinag-uutos ng batas. Higit pa rito, kung ikaw ay napayuhan tungkol sa nakabinbin, binantaan o inaasahang litigasyon, imbestigasyon o audit, dapat mong panatilihin ang lahat ng dokumento na nauukol sa ganitong mga kaganapan.

Ang ating tagapamahala, mga shareholder, pinagkakautangan at iba pang mga namumuhunan ay umasa sa integridad at pag-

kakaroon ng mga talaan ng ne-gosyo na ating nilikha.

Page 27: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

27

Paghiling ng Gobyerno sa Impormasyon

Ang ating mga negosyo ay labis na pinangangasiwaan at malawak ang saklaw at ang mga gobyerno ay madalas humihingi ng impormasyon mula sa atin. Layunin natin na makipagtulungan sa bawat makatuwiran at makatarungang hiling mula sa anumang organisasyon ng gobyerno. Kasabay nito, inaasahan natin na ang ating mga empleyado ay kikilos ng tama upang mapanatili natin ang mga karapatan ng Kompanya sa buong proteksiyon at pananggang ihinahandog ng batas, kasama ang representasyon ng abugado kung kailangan.

PangunaHing gaBaY

• Pagpreserba ng mga Talaan. Tiyakin na ang mga talaan at impormasyon na mahalaga sa anumang tanong o litigasyon ng ahensiya ng gobyerno o ahensiyang nangagasiwa ay maayos na nakatago at anumang awtomatikong sistema, kasama ang mga elektronikong sistema, para sa pagtapon ng mga talaan ay hininto upang maiwasan ang pagsira sa mga mahahalagang talaan at impormasyon na kaugnay ng ganitong mga pangyayari.

• Paano Tumugon sa mga Hiling ng Gobyerno. Lahat ng mga karaniwang hiling sa impormasyon ng anumang ahensiya ng gobyerno pati na mga subpoena, mga utos ng korte at hiling sa mga disposisyon, testimonya, mga panayam o mga dokumento ay kailangang iulat sa iyong pangrehiyon na Legal at/o mga kinatawan ng Departamento ng Pagsunod.

• Mga Inspeksiyon ng Gobyerno. Anumang hiling na inspeksiyunin ang ating mga pasilidad o magpatupad ng search warrant ay kailangang agad iderekta sa iyong pangrehiyon na Legal at/o mga kinatawan ng Departamento ng Pagpapatupad. Dapat mong pahintulutan ang pag-access kung ipinag-uutos ng lokal na batas.

Relasyon sa Namumuhunan at Media

Sa ating pakikipagnegosyo, ang mga empleyado ng Kompanya ay regular na makipag-ugnayan sa marami nating namumuhunan, kapitalista, opisyal ng pamahalaan, financial analysts, securities exchange, media at iba pang mahahalagang contact sa labas. Ang ating reputasyon ay nakasalalay sa pagbibigay ng mga komunikasyon at impormasyon na angkop, napag-isipan, wasto at napapanahon.

PangunaHing gaBaY

• Mga Pagbubunyag ng mga Awtorisadong Tauhan. Pinahihintulutan lang natin ang ilang mga indibidwal na makipagusap sa media at komunidad ng pananalapi. Kung hindi ka awtorisado ngunit kinausap ng mga reporter sa balita o iba tungkol sa mga gawain ng Kompanya, resulta, plano o opisyal na posisyon sa paksa, itukoy ang mga tanong sa iyong tagapamahala at sa Departamento ng Ugnayan sa Namumuhunan sa Tokyo.

• Pagiging nasa Oras at Pagiging Tama ng mga Isiniwalat. Kung ikaw ay may tungkuling para sa pagsisiwalat ng impormasyon ng Kompanya, kailangan kang gumawa ng nasa oras, tumpak at pare-parehong pagsisiwalat ukol sa patakaran ng tagapamahala, gawain sa negosyo, aktibidad, posisyon sa pananalapi at ibang mga gawain ng korporasyon ng Kompanya natin alinsunod sa angkop na mga batas at regulasyon. Higit pa rito, madiin kaming naniniwala na ang nasasaoras, tumpak at pare-parehong pagsisiwalat ay kailangan upang ang mga namumuhunan sa atin ay magkaroon ng mas mahusay na pag-intindi sa ating Kompanya, kahit na ang mga pagsisiwalat ay hindi sapilitan.

Page 28: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

28

Insider Trading

Sa iyong pagtatrabaho, maaaring may malaman kang mahalagang hindi pampublikong impormasyon tungkol sa ating Kompanya o ibang mga kompanya bago pa ito maisapubliko. Ang paggamit sa impormasyong ito para sa iyong pinansiyal o ibang personal na benepisyo sa pamamagitan ng pangangalakal batay sa impormasyon ng tagaloob – direkta o hindi direkta na pagbili o pagbenta ng mga security ng anumang kompanya kasama ang Sojitz Corporation, o sa pagbigay ng tip – pagpapaalam ng impormasyong ito sa iba upang bumili o magbenta ng mga security ng anumang kompanya, ay bumubuo ng paglabag sa patakaran ng Kompanya at maaaring lumabag sa batas. Tapat tayo sa mga prinsipyo ng patas at mga bukas na merkado para sa mga seguridad na ikinakalakal sa publiko sa buong mundo – mga merkado kung saan ang lahat ay may pantay na pagkakataong magtagumpay.

PangunaHing gaBaY

• Pagtupad sa mga Angkop na Batas. Tapat tayong tumupad sa angkop na mga batas sa pangangalakal batay sa impormasyon ng tagaloob ng mga bansang tayo ay nangangalalakal. Hindi ka dapat lumahok sa insider trading o mag-tip gamit ang panloob na impormasyon, kung saan kasama ang impormasyon na ang makatwirang namumuhunan ay maaaring ituring na mahalaga sa paggawa ng mga desisyon sa pamumuhunan, katulad ng:

• Hindi ipinahayag na mga merger, acquisition o pagbabago ng mga negosyo, mga linya ng produkto o teknolohiya;

• Hindi inilabas na mga pinansiyal na resulta at mga uso, mga pagpapakit sa kikitain sa hinaharap o kawalan o pagtaas ng kapital;

• Makabuluhang pangangasiwa, litigasyon o kontraktuwal na pagpapaunlad;

• Makabuluhang mga pakikipagkasosyo ng negosyo o mga pagkalas ng mga ugna yan sa negosyo; at

• Anumang ibang impormasyon na kung isiwalat ay makatwirang aasahan na maapektuhan ang presyo ng isang security o makakaimpluwensiya sa iyong desisyon na bumili, magbenta o hawakan ang security.

• Panatiliing ang Pagiging Kompidensiyal. Panatiliin ang pagiging kompidensiyal ng impormasyon ng Kompanya at huwag ipaalam ang impormasyon kanino man sa labas ng ating Kompanya maliban kung kailangan para sa ating aktibidad sa negosyo.

Page 29: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Ating Kakayahang Gumawa ng Mga Desisyong Alinsunod sa Etika at Mag-Ulat ng Mga AlalahaninTayo ay tapat sa paggabay at pagsasanay ng

ating mga empleyado upang mapanatili ang

pinakamataas na mga pamantayan sa etika at

maiwasan at/o malaman ang mga paglabag sa

batas o patakaran ng Kompanya. Hinikayat din

natin ang ating mga empleyado na idulog ang

kanilang mga alalahanin nang may mabuting

hangarin sa pamamagitan ng pag-uulat sa

maraming paraan. Ang ating Programa sa

Pagsunod ay makapangyarihan – regular nating

pinag-aaralan at pinabubuti ang ating Programa

sa Pagsunod upang matugunan ang ating

umuusbong na pangangailangan.

29

Page 30: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

Paggawa ng mga Desisyong Alinsunod sa Etika

Sa kumplikadong kapaligiran sa negosyo ng ating Kompanya, ang paggawa ng tamang desisyon ay maaaring mahirap. Dahil hindi natin mahuhulaan ang bawat sitwasyon na lalabas, mahalagang magkaroon ng isang proseso sa pag-aaral ng mga bagong sitwasyon namay kinalaman sa potensyal at aktuwal na alahanin sa pagsunod. Ang mga patakaran, mga pamamaraan at mga gabay na nakalahad sa Kodigong ito ay inilaan upang matulungan ka na gawin na pag-analisang ito.

Sa lahat ng pagkakataon, magtanong muna bago kumilos. Kung hindi ka sigurado sa gagawin sa anumang sitwasyon, humingi ng tulong sa iyong tagapamahala o isang miyembro ng pangrehiyon na Legal Department at/o Departamento sa Pagsunod.

Inaasahan namin na magagabayan ka ng Kodigo na ito, ng iyong pangrehiyon na mga patakaran at pamamaraan, ng iyong personal na kaalaman sa tama at mali, at sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:

30

Natalakay ko ba ang problema sa aking tagapamahala?

Humingi ba ako ng tulong mula sa mga tauhan ng Kompanya?

Kung ang asal ko ay na-video at pinasahimpapawid sa telebisyon,matutuwa pa rin ba ako sa aking sarili?

Ang gawi ba ay naaayon sa mga pangunahing pagpapahalaga ng ating Kompanya?

Ang gawing pinag-uusapan ba ay patas o mukha ba itong hindi etikal o hindi wasto?

Alam mo ba ang lahat ng impormasyon?

Ano ang partikular na ipinapagawa sa akin?

Legal ba ang gawain ito?

Ang pinag-uusapan bang isyu ay sumusunod sa Code at mga naaangkop na patakaran?

Page 31: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

31

Pagtatanong, Pagpaparating ng Mga Alalahanin at Pag-uulat ng Mga Paglabag

Hinihikayat natin ang bukas na talakayan ng mga tanong at mga alalahanin upang maiwasan ang hindi naaangkop na pagdedesisyon o pagkilos na lalabag sa ating mga pamantayan. Mayroon kang obligasyon na ipaalam ang mga nakikita mong paglabag sa ating mga pamantayan kung saan ang interes ng ating Kompanya o ang integridad ng ating mga tao ay nakasalalay. Nagpapatupad kami ng kapaligiran na walang paghihiganti, ginagawang ligtas para sa iyo at sa ibang mga namumuhunan na itaas ang integridad at mga alalahanin sa pagsunod nang may mabuting layunin.

Pagtatanong, PagPaParating ng Mga aLaLaHanin at Pag-uuLat ng Mga PagLaBag

Hinihikayat ka namin, bilang unang hakbang, na hingin ang tulong ng iyong mga tagapamahala at ibang mga lokal na dulugan sa pagtugon sa mga alalahanin sa pagsunod. Maaari ka rin makipag-ugnayan sa mga taong responsable para sa mga bagay na tungkol sa human resource sa inyong tanggapan, ang iyong pangrehiyon na Legal at/o mga kinatawan sa Departamento ng Pagsunod o sa hotline kapag mayroon kang mabuting layunin na alalahanin sa pagsunod. Para sa mga pangyayaring iyan sa Kodigong ito kung saan aming hinihiling namin sa iyong kumunsulta sa iyong pangrehiyon na Legal at/o mga kinatawan ng Departamento ng Pagsunod at kung pareho silang hindi makakatulong sa iyo, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong pangkalahatang tagapamahala upang siya ay makahingi ng legal na payo sa labas at agarang pasabihan ang Tokyo Legal at/o Departamento ng Pagsunod o ang angkop na departamento ng negosyo o administratibo sa Tokyo tungkol sa bagay na ito.

HotLinE ng Etika ng sojitz

Bilang karagdagan sa anumang pangrehiyong hotline na maaaring nakatalaga para sa iyong pagpapatakbo, nagpasimula tayo ng isang pandaigdigang hotline ng etika upang maiulat mo nang may mabuting hangarin ang anumang alalahanin at/o kilalang mga paglabag. Ang Sojitz Ethics Hotline ay matatawagan 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo sa halos lahat wika.

Kapag ginagamit ang hotline, hindi mo kailangang magpakilala maliban kung kailangan ayon sa ilang batas o regulasyon sa bansa kung saan ka nagtatrabaho. Ang iyong pagkakakilanlan ay tatratuhing kompidensiyal at ang iyong ulat ay maingat na hahawakan. Ibabahagi lamang sila sa limitadong dami ng tao na tumutugon sa mga naulat na alalahanin at humahawak ng mga imbestigasyon. Ang iyong personal na impormasyon ay mananatiling kompidensiyal at gagamitin alinsunod sa mga batas sa pagkapribado ng datos.

Ang iyong pagkakakilanlan ay tatratuhing kompidensiyal at ang iyong ulat ay maingat na hahawakan.

Page 32: Kodigo ng Asal at Mga Etika - · PDF filekasarian, pagbubuntis, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, katayuan ... ng ligtas na lugar ng trabaho na kaaya-aya sa pagtrabaho. Lahat tayo

32

Pagkakaangkop at Pananagutan ng Kodigo ng Asal at Mga Etika

• Ang Kodigo ng Asal at Mga Etika na ito ay ginawa alinsunod sa Programang Pagsunod ng Sojitz Group na inaprubahan ng lupon ng mga direktor ng Sojitz Corporation, at sumasaklaw sa kanila at sa lahat ng grupo ng mga empleyado ng kompanya, kabilang ang pansamantala at nakakontrata na mga empleyado. Lahat ng mga sangay na pinapatakbo ng Sojitz Corporation ay dapat kumilos ng katulad na pangkorporasyon at iba pang mga kilos na maaaring kailangan at angkop upang maaprubahan at gamitin ang Kodigo ng Asal at Mga Etika na ito bilang patakaran ng Kompanya.

• Pananagutin namin ang mga tagapamahala para sa asal ng kanilang mga empleyado, at inaaasahan namin ang lahat ng namamahalang empleyado na magtakda ng naaangkop na pag-uugali at magtaguyod ng isang kultura ng pagsunod.

• Ang Kodigo ng Asal at Mga Etika na ito ay hindi ginawa upang masakop ang lahat ng partikular na legal na pangangailangan ng bawat bansa kung saan tayo nagnenegosyo. Ang mga Kodigong ito ay umiiral sa lahat ng dako ng aming mga negosyo sa buong mundo. Ang mga pangangailangan ay maaaring maiba sa pagitan ng sinasakupan at, sa gayon, mahalaga na basahin mo ang mga gabay na ito kasabay ng mga lokal na patakaran sa inyong negosyo, na mas nakatutok sa mga partikular na mga legal na pangangailangan ng sinasakupan kung saan ka nagtratrabaho. Sakaling may isang bahagi ng Kodigo ng Asal at Mga Etika ay sumasalungat sa mga lokal na batas, ang mga lokal na batas ang susundin natin kasama ang kinikilalang mga karapatan ng mga kinatawan ng empleyado.

• Ang mga pamantayan at sumusuportang patakaran na nilalaman ng dokumentong ito ay maaaring pana-panahong magbago. Ikaw ay may tungkulin na alamin at sundin ang pinakabagong batas, tuntunin, pamantayan, pamantayan, at proseso na sumasaklaw sa ating trabaho.

• Ang Kodigo ng Asal at Mga Etika ay dapat makita bilang patakaran ng Kompanya. Tulad ng kahit anong patakaran ng Kompanya, ang pagsunod Kodigo ng Asal at Mga Etika ay itinuturing na bilang kondisyon ng pagtatrabaho sa aming Kompanya. Ang Kodigo ng Asal at Mga Etika ay hindi isang kontrata sa pagtatrabaho para sa tukoy na termino o kasiguruhan ng patuloy na pagtatrabaho.

• Ang anumang paglabag sa Kodigo ng Asal at Mga Etika ay maaaring magdulot sa pagdidisiplina hanggang at kasama na ang pakakatanggal sa trabaho.

• Ang pinakabagong bersyon ng dokumentong ito ay maaaring matagpuan sa intranet website ang ating Kompanya sa http://eagle.sojitz.com.

©Sojitz Corporation, 2016. Nakalaan ang lahat ng karapatan