Katipunan Times 9th Edition
-
Upload
kmbpi-bagong-paranaque -
Category
Documents
-
view
151 -
download
3
Transcript of Katipunan Times 9th Edition
ANG PANATA ng Katipunan ng mga Mamamayan
ng BAGONG PILIPINAS
Ako’y naniniwala at sumusumpa sa mga sumusunod na adhikain, alituntunin at tungkulin ng
Katiwala ng Mamamayan ng Bagong Pilipinas.
1. Ang Diyos ay ang binhi, ugat, puno at bunga ng buhay.
2. Ang pinakamahusay na lider/pinuno ay siyang nagiging mahusay na huwaran/halimbawa ng
mamamayan.
3. Ang buwis na ibinabayad ng mamamayan ay dugo at buhay ng bayan.
4. Ang mga inihalal na mga lider/pinuno sa pamahalaan ay siyang pinili na katiwala ng
mamamayan.
5. Ang tamang paggamit ng dugo ng bayan ay pananagutan at tungkulin ng katiwala ng mga
mamamayan.
6. 100% NG BUWIS NG MAMAMAYAN AY DAPAT GAMITIN NG TAMA AT HUSTO NG KATIWALA UPANG MABIGYAN NG 100% PAGLILINGKOD ANG BAYAN.
7. Ang katiwala ng mamamayan ay hindi makatutupad sa kanyang tungkulin kung siya ay
makikinabang na pansarili/personal sa buwis ng mamamayan, ang dugo ng bayan.
8. TUNGKULIN, KARAPATAN AT PANANAGUTAN NG MAMAMAYAN NA BANTAYAN, MAGTANONG, MAG-USISA SA KATIWALA KUNG PAANO GINAGASTOS ANG BUWIS NG MAMAMAYAN, ANG DUGO AT BUHAY NG BAYAN.
9. Ang tungkulin ng katiwala ay mahalaga dahil sa mga batas na kanyang ipapanukala at
ipapasunod, mabibigyan niya ng lunas ang mga suliranin sa mga nakararami sa mamamayan.
10. Ang mga mamamayan na nagbabayad ng buwis ay dapat tulungan at hindi pahirapan ng mga
nanunungkulan sa pagpapatatag at pagpaparami ng negosyo. Kung maaantala ang pagtatatag
ng mga bagong negosyo, babagal ang paglikha ng kabuhayan, bagong puhunan, at bagong
dugo ng bayan.
Ako po ay sumusumpa sa harap ng Diyos, sa Panata ng mga Mamamayan ng Bagong
Pilipinas.
__________________________________
Pangalan at Lagda
PAGE 8
KATIPUNAN TIMEKATIPUNAN TIMEKATIPUNAN TIMEKATIPUNAN TIMESSSS
Vol. 1 No. 9 April. 2010 A weekly publication of Katipunan ng mga Mamamayan ng Bagong Parañaque Inc.
Decision time!Bumoto at Magbantay
Si Ka Ding habang kasama ang mga miyembro ng Katipunan ● Sulong Katipunan! Isang miting na ginanap sa Katipunan Headquarters.
Bantayan ang boto! Magtagumpay tayo!
Ito ang panawagan ngayon ni Ding Wenceslao, Chairman ng Katipunan na
kumakandidato para Congressman sa Unang distrito ng Paranaque, sa lahat ng mahigit
dalawampu’t limang libong kasapi ng Katipunan ng Mamamayan ng Bagong
Paranaque, Inc. (KMBPI)
Nanawagan si Wenceslao sa harap ng mga report ng tumitinding pamimili ng boto,
pamimigay ng bigas at de lata, pananakot at kung anu-ano pang maruruming paraan
na ginagawa ng ibang mga kandidato ngayong halalan dito sa Paranaque.
Sinabi ni Wenceslao sa mga lider ng Katipunan na kailangan ngayon ang magbantay,
at isakatuparan ang Panata ng Katipunan upang magkaroon ng malinis, matiwasay at
kapani-paniwalang halalan. Mamili ang mga botante natin: SAKAL O KASALL!
“Sa halagang isang libong piso na ipinamimigay ng mga trapo, huwag ipagpalit ang
mahigit na P800milyong biyaya at solusyon para sa mga suliranin ng siyudad tulad ng
edukasyon, basura, low-cost housing, kabuhayan at tuloy-tuloy na kaunlaran,” ani
Wenceslao.
Halimbawa aniya ang P1 milyon gastos araw-araw sa kontrata ng basura. Ito ay
maliwanag na pagwawaldas ng pera ng bayan,sapagkat sa halagang P359-Million
isang taon na siyang halaga ng kontrata sa pribadong trucking service, kaya ng
Katipunan na hakutin ang lahat ng basura ng siyudad, bumili ng 24 na bagong
garbage compactor trucks at service equipment, makapagtayo ng apatnapung
classrooms at makapagbigay ng trabaho sa mga walang hanapbuhay sa bawat
barangay. KT
Be Vigilant!
SAKAL O KASALL?
PABAHAY: Nag karoon na ng paunang
pakikipag usap para sa pagbili ng lupa ng
Katipunan para sa mga Miyembro ng
Katipunan na salat sa kahirapan at
nangangailangan ng matuutluyan. Isinulong
ng Katipunan ang Low-Cost Housing para
maibsan ang kakulangan ng Kabahayan sa
Parañaque. KT
PABAHAY NG KATIPUNAN
Members copy NOT FOR SALE
SAKAL O SAKAL NG LUMANG POLITIKA VS
SANDALING KALIGAYAHAN
KWARTA NG LUMANG POLITIKA VS
PAMBILI NG BOTO NG TRAPO O PAMBILI PARA ANG MAMAMAYAN AY HUWAG
BUMOTO…PAMBILI NG KINABUKASAN NG INYONG MGA ANAK.
--xxx-- BASURA…ANG KONTRATA NG LUNGSOD PARA
MAKOLEKTA ANG BASURA AY NAGKAKAHALGA NG PP1M ARAW-ARAW O PP359M TAON-TAON. KAYA
BANG BAWASAN ANG MALAKING GASTOS SA BASURA SA LUNGSOD NG PARAÑAQUE?
KAYA PO NATIN!!!
KASALL??? KASALL NG BAGONG POLITIKA KASAMA SA LUPA AT SA LANGIT
KAHON NG MGA SOLUSYON NG BAGONG POLITIKA
1. EDUKASYON: SEC 17 ART 11, KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS (Dapat mag-ukol ng prayoriti ang estado sa edukasyon, syensya, at teknolohiya, mga sining, kultura at isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao)
●English Enhancement Program…Ginagawa na…●Summer Football Training Program…Naglalaro na●Build more Classrooms for June 10 2010…Katipunan Proposal January
2010…●Magtayo ng Pamantasan ng Parañaque…Katipunan Proposal February 2010…
2.BASURA: SA HALAGANG PP359M KADA TAON AY KAYA NG KATIPUNAN NA MAHAKOT LAHAT NG BASURA, MAKAPAGPAPAGAWA NG 40 CLASSROOMS (LIBRE),
MAKABIBILI NG 24 BRAND NEW GARBAGE COMPACTOR TRUCKS, WALONG SERVICE VEHICLES AT MAKAPAGBIBIGAY NG TRABAHO SA MGA MAMAMAYAN SA BAWAT
BARANGAY.
ITO PO ANG LITRATO NG BAGONG (BRAND NEW) GARBAGE COMPACTOR TRUCK.
3. KABAHAYAN: Nagtatag ng isang Social Housing and Livelihood Program ng Bagong Bayan ng Parañaque, Inc. (SHLP-BBPI) ang Katipunan na may PP50M na Kapital upang mamili
ng mga lupang pagtatayuan ng murang pabahay para sa maralitang taga-lungsod.
4. KABUHAYAN: Nakipag ugnayan ang Katipunan sa TSPI (Tulay Sa Pag-Unlad, Inc. pinaka malaking micro-finance group sa pilipinas)para mabigyan ng puhunan at pagsasanay ang
mga gustong mag negosyo.
5. ISLA PARA SA MGA MANGINGISDA: Nagpanukala po ang Katipunan ng isang Isla para malipatan ng mga Mangingisdang nasa tabi ng Parañaque River.
PP800 MILLION + ang kabuuang halaga ng kahon para sa tuloy-tuloy na
KAUNLARAN NG EKONOMIYA NG SYUDAD AT PAMUMUHAY NG MAMAMAYAN NG
PARAÑAQUE. -- IPAGPAPALIT PO BA NINYO ANG PP800 MILLION+ PARA SA
MGA KABATAAN SA HALAGANG P1,000???