Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

33
Karanasan g kolonyal sa ilalim ng mga Amerikano Presented by: Group 2 (Yeah BOY!!)

Transcript of Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Page 1: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Karanasan g kolonyal sa ilalim ng mga

Amerikano

Presented by: Group 2 (Yeah BOY!!)

Page 2: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

TimelineTimeline

Abril 21, 1898

Ideneklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa Espanya

Naganap ang makasaysayang Labanan sa Manila Bay.

Mayo 1, 1898 August 13, 1898

Naganap ang Mock Battle of Manila. Sumuko ang mga kawal na Kastila sa mga Amerikano.

Disyembre 10, 1898

Enero 23, 1899

Nilagdaan ng US at Espanya ang Kasunduan sa Paris. Pormal na inilipat sa Amerika ang pananakop ng Pilipinas

Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan. Hindi ito kinilala ng mga Amerikano

Page 3: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

TimelineTimeline

Pebrero 4, 1899

Binaril at napatay ng isang Amerikanong sundalo ang isang kawal na Pilipino. Ito ang simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Malolos. Inilipat ni Aguinaldo ang kabisera sa San Fernando, Pampanga

Marso 31, 1899

Marso 23, 1901

Nahuli si Hen. Aguinaldo sa Palanan, Isabela.

Abril 16, 1902

Setyembre 25, 1903

Sumuko sa mga Amerikano si Hen.Miguel Malvar sa Lipa, Batangas

Sumuko si Hen. Simeon Ola sa Guinobatan, Albay. Pormal na nagwakas ang digmaan laban sa mga Amerikano.

Page 4: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Digmaang Kastila-Amerikano

• Ideneklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa Espanya matapos ang pagsabog ng barkong Maine sa Havana, Cuba noong Peb. 15, 1898. Inutusan si Com. George Dewey na lusubin ang hukbo ng mga Kastila sa Manila Bay sa pamumuno ni Adm. Patricio Montojo. Ito ang naging simula ng pagkatalo ng mga Kastila.

Page 5: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Mock Battle of Manila• Upang maiwasan ang

kahihiyan, lihim na nakipagkasundo ang mga Kastila sa mga Amerikano na magkaroon ng isang kunwaring labanan kung saan susuko ang mga Kastila sa mga Amerikano. Matagumpay na nasakop ng mga Amerikano ang Intramuros at hindi pinayagan ang mga Pilipino sa nasabing labanan.

Mga sundalong Kastila na sumuko sa mga puwersang Amerikano(1898)

Page 6: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Kasunduan sa Paris• Pormal na isinuko ng mga Kastila sa

mga Amerikano ang pamamahala ng Pilipinas, Guam at Puerto Rico. Nagbayad naman ang pamahalaang Amerikano ng halagang $20,000,00 bilang kabayaran sa mga nasirang ari-arian ng Espanya sa mga nasabing lugar. Walang

kinatawan ang mga Pilipino sa nasabing kasunduan. Kasabay nito, ipinahayag ni Pang. William McKinley ang Benevolent Assimilation.

Page 7: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Unang Republika ng Pilipinas(Malolos Republic, 1899)

Page 8: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Unang Republika ng Pilipinas(Malolos Republic, 1899)• Matapos ang ideklara ang kalayaan

ng Pilipinas noong ika-12 Hulyo 1898, binalangkas ng mga mambabatas sa pamumuno ni Felipe Calderon ang Saligang Batas ng Malolos upang pagtibayin ang pagpapahayag ng kalayaan. Noong Enero 23, 1899, pinasinayaan ang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoin sa Malolos, Bulacan. Hindi ito kinilala ng mga Amerikano.

Page 9: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Simula ng Digmaan

• Nagsilbing mitsa ng digmaan ang insidente sa Sociego St., Sta. Mesa, Manila noong Pebrero 4, 1899. Binaril at napatay ni Pvt. William Grayson ang isang kawal na Pilipino. Nang sumunod na araw, ipinahayag ni Gen. Arthur MacArthur ang Digmaang Pilipino-Amerikano.

• Sunod-sunod na linusob ng mga puwersang Amerikano ang mga bayan sa Pilipinas.

Page 10: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pagkatalo ng mga puwersang Pilipino

Page 11: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pagkatalo ng mga puwersang Pilipino

• Lumaganap ang labanan sa iba’t ibang panig ng bansa. Pinumunuan ni Hen. Antonio Luna ang paglusob sa Maynila ngunit tinalo sila ng mga Amerikano. Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Malolos noong Marso 31, 1899. Inilipat ni Aguinaldo ang kabisera sa San Fernando, Pampanga. Sunod-sunod din na sumuko o nahuli ng mga Amerikano ang mga pinuno ng pwersang Pilipino.

Page 12: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pagkahuli kay Hen. Aguinaldo

• Pinamunuan ni Hen. Frederick Funston ang planong pagbitag kay Hen. Aguinaldo. Sa tulong ng mga kawal na taga-Macabebe (Macabebe Scouts), matagumpay na nakapasok sa kampo ng mga Pilipino sa Palanan, Isabela at dito nahuli si Hen. Aguinaldo. Matapos madakip, dinala siya sa Maynila at dito pinanumpa ng katapatan sa pamahalaan ng Amerika.

Page 13: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Sino si Macario Sakay• Si Macario Sakay ay Pilipinong Heneral noong panahon

ng digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ang tumutol sa pamamalakad ng Estados Unidos sa Pilipinas kahit na ipinahayag na ng Estados Unidos na tapos na ang digmaan noong 1902.

• Si Heneral Macario Sacay ay isang orihinal na miyembro ng Katipunan. Nakipaglaban siya sa mga Kastila kasama ni Andres Bonifacio sa Rebolusyong Filipino noong 1896. Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa mga Amerikano. Nang malapit na matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano, nadakip siya ng Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at ikinulong.

• Abril 1902, opisyal na ibinalita ng noo'y Pangulo ng Estados Unidos na si Theodore Roosevelt na tapos na ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong Hulyo 4, 1902. Si Heneral Macario Sakay at iba pang mga ikinulong ay binigyan ng amnestiya at pinalaya..

Page 14: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Sino si Macario Sakay Contin..• Subalit noong Nobyembre 12, 1902 nagpasa ng batas ang

Komisyong Pilipinas (Philippine Commission) ng Kautusan Laban sa Pagiging Tulisan (Bandolerism Act) kung saan lahat ng lumalaban o tinatawag na insurhensiya at mga nahuling nakikipagdigma ay kailangan litisin sa hukuman bilang mga bandido, ladrones at magnanakaw.

• Hindi kinilala ng gobyernong Amerikano ang republikang itinatag ni Heneral Macario Sakay at sa pamamagitan ng Kautusan Laban sa Pagiging Tulisan, itinuring siyang insurhensiya. Iniatas ang pagdakip kay Sakay sa Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at Iskawt ng Pilipinas. 

• Noong Hulyo 14, 1906, sumuko si Heneral Macario Sacay matapos makatanggap ng sulat sa Gobernador-Heneral ng hukbong Amerikano na nangangakong siya ay bibigyan ng amnestiya at ang kanyang mga kasama kapalit ng kanilang pagsuko. Ngunit makalipas ang tatlong araw, si Heneral Macario Sakay ay hinuli at ikinulong at hinatulan na isang tulisan o bandido. Pinatay si Heneral Macario Sakay sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng pagbibigti noong Setyembre 13, 1907

Page 15: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pagwawakas ng Digmaan• Nagwakas ang Unang

Republika sa pagkakadakip kay Aguinaldo ngunit ipinagpatuloy parin ng mga nalalabing pinuno ang laban para sa kalayaan. Huling sumuko sa mga Amerikano si Hen. Simeon Ola noong Setyembre 25, 1903 sa Guinobatan, Albay. Dito pormal na nagwakas ang digmaan laban sa mga Amerikano.

Page 16: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pagkatapos ng gera ng mga Amerikano at

Pilipino

Page 17: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

PANIMULA

• Matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1902, unti-unting inihanda ng mga Amerikano ang pamamahala ng bansa.

Page 18: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Benevolent Assimilation• The Philippines is ours

not to exploit but to develop, to civilize, to educate, and to train in the science of self-government.

William McKinley• Tungkulin ng Estados

Unidos na turuang maging sibilisado ang mga “unggoy” sa Pilipinas.

Page 19: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pamamahala ng Amerika sa Pilipinas

Pamahalaang Militar

Pamahalaang Sibil

Page 20: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pamahalaang Militar• Layunin nitong

mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa.

• Pinamumunuan ng gobernador-militar na nagsisilbing kinatawan ng pangulo ng Estados Unidos sa bansa.

Page 21: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Mga Gobernador-Militar ng Pilipinas

• Tungkulin nila na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Pilipinas.

Gen. Wesley Meritt (1898)

Gen. Elwell Otis (1898-1900)

Gen. Arthur MacArthur (1900-1901)

Page 22: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Nagawa ng Pamahalaang Militar

• Naging mapayapa at maayos ang buong bansa.

• Ipinatupad ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano.

• Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan.

• Nakapagpatayo ng pamahalaang lokal sa mga lalawigan at bayan.

Mga Thomasites

Mga Kawal na Pilipino na Sumuko sa mga Amerikano

Page 23: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Philippine Commission

• Mga pangkat na ipinadala ni Pang. McKinley na magmamasid, magsisiyasat, at mag-uulat tungkol sa kalagayan ng Pilipinas

• Layunin nito na matiyak na maayos at magkaroon ng gabay ang Estados Unidos sa pamamahala ng Pilipinas.

Page 24: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Schurman Commission (Enero 20, 1899)

• Layunin nito na makipag-ayos sa mga Pilipino, siyasatin ang kalagayan ng bansa, at magrekumenda ng pamahalaang angkop sa bansa.

• Ayon sa ulat nito sa pangulo, hindi pa handa sa pagsasarili ang Pilipinas.

Jacob Schurman

Page 25: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Taft Commission (Hunyo 3, 1899)

• Layunin nito na paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino at pagsasa-ayos ng serbiyo sibil ng bansa.

• Inirekumenda nito sa pangulo ang pagtatayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas na kabibilangan ng mga Pilipino.William H. Taft

Page 26: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Susog Spooner (Marso 2,1901)Spooner Amendment

• Isinusog nitong palitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang militar sa Pilipinas.

• Inilipat sa kongreso ng US ang pamamahala sa Pilipinas.

Sen. John C. Spooner

Page 27: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Pamahalaang Sibil (1901-1935)

• Layunin nitong sanayin at makilahok ang mga Pilipino sa pamamahala ng bansa.

Pinasinayaan sa Maynila noong Hulyo 4, 1901 ang Pamahalaang Sibil ng Pilipinas. Itinalaga bilang unang Gobernador Sibil si William H. Taft.

Page 28: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Mga Pinuno ng Pamahalaang Sibil

“Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino.”

William H. Taft (1901)

William H. Taft (1901-1904)

Unang Gobernador Sibil ng Pilipinas

Page 29: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Cayetano Arellano

Punong Mahistrado ng Korte Suprema

Gregorio Araneta

Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi

Page 30: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Mga Naging Gobernador Sibil ng Pilipinas

Francis Burton Harrisson (1913-1921)

Luke Edward Wright (1904-1905)

Page 31: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Mga Naging Gobernador Sibil ng Pilipinas

Leonard Wood (1921-1927)

Frank Murphy (1933-1935)

Page 32: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

Mga Nagawa ng Pamahalaang Sibil• Nabigyan ng pagkakataon ang mga

Pilipinong makilahok sa pamahala. • Naibahagi sa mga magsasaka ang

ilang lupaing dating pag-aari ng mga Kastila.

• Nabigyang halaga ang kalusugan at sanitasyon sa mga lungsod.

• Itinuro ang wikang Ingles at kaisipang demokratiko sa mga Pilipino.

Page 33: Karanasang Kolonyal Sa Ilalim Ng Mga Amerikano

iNSight

• Nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga Pilipino ang pagdating ng mga Amerikano. Dahil dito, marami sa mga dating tutol sa pamamahala ng mga Amerikano ang sumuko at nakipagtulungan sa kanila.