KALAMAY KAG KAMATAYAN - dspace.cas.upm.edu.ph:8080
Transcript of KALAMAY KAG KAMATAYAN - dspace.cas.upm.edu.ph:8080
Unibersidad ng Pilipinas – Manila
Kagawaran ng Agham Panlipunan
Programa ng Araling Pankaunlaran
KALAMAY KAG KAMATAYAN*
Ang mga epekto at implikasyon ng monokultura ng tubo
sa buhay ng mga manggagawang-bukid sa tubuhan
sa Hacienda Regalado at Hacienda Perez, Murcia, Negros Occidental
Bilang pagtupad sa isa sa mga rekisitos para sa digri ng
Batsilyer ng Sining sa Araling Pankaunlaran
Inihapag ni Steven Anthony B. Besana
BA Development Studies
Sa gabay ni Prop. Rommel Linatoc, Ph.D.
Mayo 2017
*salin mula sa Hiligaynon, ang lokal na lenggwahe ng Negros: “Asukal at Kamatayan”
Kolehiyo ng Agham at Sining
Unibersidad ng Pilipinas – Manila
Padre Faura, Ermita, Manila
Pahina ng Pagpapatibay
Ang tesis na ito na pinamagatang “KALAMAY KAG KAMATAYAN: Ang mga
epekto at implikasyon ng monokultura ng tubo sa buhay ng mga manggagawang-
bukid sa tubuhan sa Hacienda Regalado at Hacienda Perez, Murcia, Negros
Occidental” na inihapag at isinulat ni Steven Anthony B. Besana sa gabay at patnubay ni
Prop. Rommel F. Linatoc, PhD. bilang parsyal na katuparan sa Development Studies
199.2 para sa digri ng Batsilyer ng Sining sa Araling Pangkaunlaran ay nirerekomenda
upang tanggapin at pagtibayin.
_______________________________
Prop. Rommel F. Linatoc, PhD.
Tagapayo
Kagawaran ng Agham Panlipunan
Ang tesis na ito ay tinatanggap at pinagtitibay bilang parsyal na pagtupad sa
rekisitos upang makamit ang digri ng Batsilyer ng Sining sa Araling Pangkaunlaran.
_______________________________
Prop. Jerome Ong, MA
Tagapangulo
Kagawaran ng Agham Panlipunan
ABSTRAK
Binubuo ng pananaliksik ang kasaysayan ng pagmamay-ari ng lupa ng Hacienda
Regalado at Hacienda Perez, Murcia, Negros Occidental bilang primaryang salik na
nagtatakda ng mga patakaran sa agrikultura tulad ng monokultura. Sa paglubog ng
mananaliksik sa mismong mga asyenda, sa ilalim ng balangkas ng participatory action
research, tinutuklas ang pang-ekonomya at pampolitikang implikasyon at epekto ng
sagot sa mga tanong na: sino ang nagmamay-ari o may kontrol sa lupa, ano-ano ang
tinatanim sa lupa, at kanino napupunta ang ani rito. Nais bigyang-linaw ng pananaliksik
na ang pakikibaka sa lupa ng manggagawang-bukid ay lehitimo dahil sa ‘di
makatarungang kontekstong kinalalagyan nila: mababang sahod, walang sariling lupa,
walang pagkain, walang benepisyo, walang suporta mula sa gobyerno, at represyon at
militarisayon.
MGA NILALAMAN
I. Introduksyon ............................................................................................................................... 1
Suliranin ng Pananaliksik............................................................................................................. 2
Paksa ............................................................................................................................................ 3
Layunin ng Pananaliksik .............................................................................................................. 3
Mga Tanong sa Pananaliksik ....................................................................................................... 4
II. Konseptwal na Balangkas ........................................................................................................ 5
Talahanayan 2.1 Dayagram ng Konseptwal na Balangkas .......................................................... 5
Pagtatalakay sa Konseptwal na Balangkas .................................................................................. 6
III. Teoretikal na Balangkas ......................................................................................................... 9
Materyalismo, Dialektika, at Kasaysayan .................................................................................... 9
Ekonomyang Pampolitika .......................................................................................................... 11
Monokultura ............................................................................................................................... 14
Ekolohiyang Pampolitika ........................................................................................................... 16
Paglalagom ng mga Teorya........................................................................................................ 17
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura ........................................................................................ 19
Tatlong Mata ng Tubo: Negros, Industriya ng Asukal, at ang Manggagawang-Bukid ............ 19
Ang Pinunlaan: Pagbalik-Kasaysayan ...................................................................................... 21
Sa Loob ng Kampo: Ang Pilipinas at ang Pilipino .................................................................... 25
Ang Kalsada ng Naghakot: Agrikultura, Monokultura, at ang Pandaigdigang Merkado ......... 27
V. Metodolohiya ........................................................................................................................... 31
Talahanayan 5.1 Mga Instrumento sa Pananaliksik ................................................................... 31
Pagtatalakay sa Metodolohiya ................................................................................................... 32
VI. Presentasyon, Diskusyon, at Analisis ng Datos ................................................................... 44
Presentasyon ng Datos ............................................................................................................... 44
Talahanayan 6.1 Katangian ng mga Kasong Asyenda ...................................................... 44
Talahanayan 6.2 Presyo ng Pakyawan sa Hacienda Regalado ......................................... 46
Talahanayan 6.3 Adjusted Sugar Industry Pakyaw Rates in Western Visayas ................ 56
Analisis ng Datos ....................................................................................................................... 57
VII. Ang Social Amelioration Program ..................................................................................... 66
Kasaysayan ng Social Amelioration Program............................................................................ 66
Talahanayan 7.1 Social Amelioration Fund .............................................................................. 67
Katotohanan ng Social Amelioration Program .......................................................................... 67
VIII. Konklusyon ......................................................................................................................... 70
IX. Rekomendasyon ..................................................................................................................... 75
X. Ako at ang Araling Pangkaunlaran....................................................................................... 78
XI. Sanggunian ............................................................................................................................. 82
XII. Apendiks ............................................................................................................................... 88
Apendiks A1 A resolution approving the adjusted table of pakyaw rates ................................... I
Apendiks B1 Listahan ng mga naging kapanayam ................................................................... IV
Apendiks B2 Consent Form ....................................................................................................... V
Apendiks B3 Kwestiyunaryo sa Indibidwal na Panayam ......................................................... VI
Apendiks B4 Transkripsyon ng Panayam
Hacienda Regalado, Murcia, Negros Occidental ............................................................. IX
Apendiks B5 Transkripsyon ng Panayam
Office of the Provincial Agriculturist, Bacolod, Negros Occidental ......................... XXXI
Apendiks C1 Karaniwang kinikita ng mga
manggagawang-bukid sa Hacienda Regalado .................................................................... L
Talaan ng Nilalaman ng Kompletong Apendiks ........................................................................ LI
1
I. INTRODUKSYON
Ang Pilipinas bilang isang bansa ay primaryang nakasandig sa kanyang
agrikultura. Ito ay napatunayan na ng kasaysayan bilang ang pinagkukunan ng
hanapbuhay ng kalakhan ng sambayanan. Kinukuha rin ng bansa ang mga ineeksport nito
sa pandaigdigang merkado mula sa agrikultura, maliban sa pag-eksport ng kanyang lakas-
paggawa. Kahit sektor ng agrikultura ay malaki ang ambag sa pambansang balon ng
lakas-paggawa dahil sa mga sahurang manggagawang-bukid na walang sariling lupang
sinasaka. Napakalaki ng papel nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan, at
sa pambansang kaunlaran. Sa gayon, marapat lamang na bigyang pinakamalaking
atensyon ito ng gobyerno at ng mga organisasyong panlipunan.
Ikalawa ang industriya ng asukal sa pinakamalaking sektor sa agrikultura – una
ang bigas bilang pangunahing kinakain ng mga Pilipino. Ang asukal bilang produkto ay
ginagamit sa marami pang produkto bukod sa pang-araw-araw na pagkonsumo nito sa
kape, panghimagas, at iba pa. Tunay na walang takas ang ekonomya ng Pilipinas sa
pagpapayabong ng kanyang industriya ng asukal. Sa gayon, isang tanong sa sektor na ito
ay ang pagiging sustenable ng pananatili nito. Hindi tulad ng ibang pananim na maaaring
makakuha ng maraming ani sa isang taon, ang tubo ay nangangailangan ng isang buong
taon upang tumubo at mapakinabangan. Ibigsabihin, nawawala ang oportunidad na
makapagtanim ng ibang klase ng pananim sa buong panahon nito.
Kakaunti lamang ang mga nagtatanim ng tubo na sariling lupa ang pinagtatamnan.
Kalakhan sa mga tubuhan ay nakokonsentra sa iilang asyendang pagmamay-ari ng mas
maliit pang bilang ng mga indibidwal. Sa mga asyendang ito nagtatrabaho ang
napakaraming manggagawang-bukid na hirap sa kanilang napakababang sahod at kulang
na benepisyo. Matapos ang anim na buwan ng trabaho sa isang asyenda, napipilitan ang
maraming manggagawang-bukid na magtrabaho sa karatig asyenda, o kaya’y mangibang-
probinsya, tulad ng Batangas, para lamang magpatuloy sa susunod na kalahating taon.
Ang gantong problematikong migrasyon ng mga sakada ay mas ginagawa silang
bulnerable sa mababang pasahod at kakulangan ng benepisyo dahil sa kawalang
seguridad ng trabaho.
2
Lahat ng ito ay tumutubo sa nagpapatuloy na problema sa kawalang lupa ng mga
manggagawang-bukid sa asukal. Ang mga buwan na walang trabaho sa mga tubuhan ay
maaaring masolusyunan kung may permanente silang pinagkukunan ng pagkain –
sariling sakahan. Ang monocropping ng tubo sa mga asyenda ay pinagkakait sa mga
manggagawang-bukid ang karapatang makapagtanim ng mga pananim para sa kanilang
pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang pag-aaral sa sitwasyon ng mga manggagawang-bukid sa industriya ng asukal
ay esensyal upang makita ang implikasyon at epekto ng matagal nang umiiral na sistema
ng monokultura ng tubo sa kanilang mga buhay. Dito makakahinuha ng makabuluhang
rekomendasyon ukol sa industriya’t polisiyang pang-agrikultura.
Suliranin ng Pananaliksik
Mahalagang usapin sa pambansang kaunlaran ang moda ng produksyon sa loob
ng industriya, lalo na’t isang katangian ng tubo ay isang buong taon ang siklo ng pagtubo;
hindi tulad ng ibang pananim na makakadalawa o tatlong ani sa isang taon. Sa gayon, ang
mga manggagawa nito’y malaki ang kawalan sa kalahating taong walang trabaho sa
tubuhan dahil hinihintay pa lamang tumubo ang pananim. Usapin ng buhay at kamatayan
ang pagkakaroon ng hanapbuhay sa panahon ng walang trabaho sa tubuhan – taguring ng
mga nasa komunidad, Tiempo Muerto, o panahon ng kamatayan, ang anim na buwang
ito.
Mula pa lamang sa pananakop ng Espanyol, pinatupad na ang polisiya sa
agrikultura na iisang pananim lamang ang maaaring itanim ng mga magsasaka. Hindi
nakakapagtanim ang mga magsasaka ng maaari nilang makain; bagkus, kailangang
unahin nila ang pangangailangan ng Espana bago ang sarili, kung mayroon mang
posibilidad. Ang pananamantalang dulot ng kolonyal na kalakalan ay ninanakawan ang
mga magsasaka at manggagawang-bukid ng kanilang karapatan sa makataong
pamumuhay. Wala silang pagpipilian dahil ang sumuway ay tiyak na mapapatawan ng
parusang kamatayan kasabay ng pangungumbinsi ng Simbahang Katoliko na dapat
sumunod ang mga indio sa iniuutos ng mga prayle’t opisyal, kung hindi, hindi sila
3
makakapunta sa langit. Ang salimbayan ng militar at krus ang ginamit ng kolonyalistang
Espanyol sa patuloy na praktika ng kanilang kapangyarihan sa bansa.
Ang pagpunta ng grupo ng mga mananaliksik sa Negros Occidental para sa
kanilang praktikum ay isang rebelasyon sa indibidwal na lebel na ang kasaysayang ito na
dapat ay matagal nang nakabaon sa lupa ay nagbagong-anyo lamang ngunit nananaig pa
rin ang mismong esensya – pangangamkam ng lupa at pagdidikta ng mga pananim para
sa kapakinabangang labas sa pamilya ng magsasaka’t manggagawang-bukid. Isang buhay
na kabalintunahan ang mga asyenda’t aryendong nananatili sa mapa ng Negros
Occidental. Ang mga implikasyon at epekto naman nito sa buhay ng mga
manggagawang-bukid ay maaaring kasing-sahol ng kalagayan ng panahon na nakalipas,
sadyang nagkaroon lamang ng legalidad ang mga patakaran sa lupa at agrikultura.
Sa pagdalumat ng mga nabanggit, isang payak ngunit mahalagang paksa ang
pagtuklas sa implikasyon at epekto ng monokultura ng tubo sa Negros Occidental bilang
pagtatasa ng maraming taon na pag-iral nito, at ang bigat nito sa buhay ng mga
manggagawang-bukid.
Paksa
Ang mga epekto at implikasyon ng monokultura ng tubo sa buhay at pakikibaka ng mga
manggagawang-bukid sa tubuhan sa Hacienda Regalado at Hacienda Perez,
Negros Occidental
Layunin ng Pananaliksik
1. Alamin ang kasaysayan ng dominasyon ng tubuhan sa Negros Occidental, partikular
sa Hacienda Regalado at Hacienda Perez, Murcia
2. Tukuyin ang implikasyon at epekto ng dominasyon ng tubuhan sa pang-ekonomya at
pampolitikang buhay ng mga manggagawang-bukid sa tubuhan
3. Alamin ang ugnayan ng monokultura ng tubo at pakikibaka para sa lupa at sahod ng
mga manggagawang-bukid sa tubuhan
4
4. Makapaghapag ng makabuluhang rekomendasyon ukol sa monokultura sa mga
organisasyon at komunidad ng mga manggagawang-bukid sa tubuhan
5. Makapag-ambag ng literatura sa pakikibaka sa industriya ng asukal
Mga Tanong sa Pananaliksik
1. Ano ang kasaysayan ng monokultura ng tubo sa Negros Occidental?
2. Ano ang pang-ekonomyang epekto ng monokultura ng tubo sa mga manggagawang-
bukid sa tubuhan?
3. Paano naaapektuhan ng mga polisiya ng pambansang gobyerno ang pananatili ng
monokultura ng tubo at ng mga epekto nito sa buhay ng mga manggagawang-bukid
sa tubuhan?
4. Ano ang alternatibang disenyo ng tubuhan ang makatao at sasapat sa
pangangailangan ng bansa?
5. Saang mga larangan ng industriya ng asukal ang kinakailangan ng ibayong pag-aaral
para sa ikauunlad nito?
5
Kasaysayan ng
monokultura ng tubo sa
Negros Occidental
Manggagawang-bukid Panginoong maylupa /
Aryendador
MGA IMPLIKASYON AT EPEKTO NG
MONOKULTURA NG TUBO
Pang-ekonomya Pampolitikal
pakikibaka para sa
lupa at sahod
Rekomendasyon
sa repormang
agraryo
Rekomendasyon
sa organisasyon
ng magbubukid
Rekomendasyon
sa polisiya sa
agrikultura at
asukal
6
II. KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Binabaybay ng balangkas na ito kung papaano makakabuo ng makabuluhang mga
rekomendasyon sa iba’t ibang sektor na apektado ng monokultura ng tubuhan sa Negros
Occidental.
Unang pagtutuklas ay layuning makita ang kasaysayan ng dominasyon ng
tubuhan sa Negros Occidental. Bubungkalin nito ang pangongolekta at pangangamkam
ng lupa sa daan ng panahon – mula pananakop at patakaran ng kolonyalistang Kastila
hanggang kasalukuyang mga panginoong maylupa – at ang mga polisiyang nakaapekto sa
lupaing agrikultural na pinagtatamnan ng tubo. Titignan din nito kung papaano hinubog
ng monopolyo sa lupa ang monokultura ng tubo.
Nakapaloob ang monokultura at monocropping ng tubo sa mahabang kasaysayan
ng Pilipinas ng pangangamkam ng lupa, at kontrol sa produksyon ng lupain. Ibigsabihin,
tanging sa pagbabaybay ng kasaysayan ng kung sino ang nagmamay-ari ng lupa
matutukoy kung bakit at papaano nagpapatuloy ang praktika ng agrikultura, lalo na sa
industriya ng asukal bilang napakahalagang sektor. Bukod dito, nais nitong tuklasin ang
mga pinatupad na polisiya ng estado, sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang
administrasyon, na masusing nakapag-ambag sa pananaig ng kasalukuyang sistema ng
agrikultura.
Payak sa dalumat ng kasaysayan ng monokultura sa at ng lupa ng Pilipinas ang
paghihirap ng mga magsasaka at manggagawang-bukid. Sa pagtuklas nito, marapat na
patampukin ang mga naging hakbang ng uring magsasaka sa harap ng sistemang
agrikultural at agraryo na pinapatupad ng estado’t panginoong maylupa. Ang kanilang
pakikibaka ay mahalagang aspeto sa pag-unlad ng agrikultura at patakaran sa lupa. Ang
pagbalik-tanaw ng pananaliksik na ito ay susubuking bigyang hustisya ang boses ng mga
magsasaka sa paghubog ng kanilang sariling istorya. Itatala ng pananaliksik ang mga
kuwento ng buhay ng mga manggagawang-bukid sa pagpapatuloy ng monokultura ng
tubo. Layunin ng lapit na ito na tunggaliin ang mga lumalaganap na kaisipan sa polisiya
sa agrikultura at repormang agraryo.
7
Inilugar ito sa tuktok ng balangkas dahil susing aspeto ang pagbaybay sa
kasaysayan bilang nag-anak ng estrakturang namamayani sa relasyon sa lupa, lalo na sa
pagtutukoy ng implikasyon at epekto ng monokultura ng tubo.
Ayon sa University of Reading: Environmental Challenges in Farm Management
(w.p.), ang monokultura ay ang pagtatanim ng iisang halaman sa bukirin imbis na marami
at iba’t iba. Binabago nito ang natural na ayos ng kalikasan upang pakitirin ang
kompetisyon mula sa ibang halaman at ng piling tanim, kontrolin ang mga ‘di kanais-nais
na organismo o halaman, paliitin ang gastos sa kailangang makinarya, at maksimisahin
ang tubo.
Ang mga primaryang entidad ng pananaliksik ay ang mga manggagawang-bukid
sa tubuhan at ang mga nagmamay-ari ng lupa – ang mga panginoong maylupa at mga
aryendador. Ang mga manggagawang-bukid ang naglilinang sa lupain upang
mapagkunan ng mga materyales at pagkain. Sila, bilang araw-araw na nagtatrabaho sa
mga tubuhan, ang pangunahing apektado sa patakaran sa industriya ng asukal, lalo na sa
repormang agraryo. Ang mga pumupusisyong nagmamay-ari naman sa lupa, o ang mga
namamahala rito, ay sangkot sa relasyon ng produksyon sa lupa – makatao man o hindi.
Kumakaunti ang bilang ng mga magsasakang may sariling lupa habang lumalawak
naman ang pinagmamay-arian ng iilang panginoong maylupa. Ang mga magsasakang
nawalan ng lupa ay walang pipiliin kundi ibenta ang kanilang lakas-paggawa sa
panginoong maylupa, at maging mga manggagawang-bukid. Umusbong ang dalawang ito
bilang pangunahing entidad sa lupa habang dumadaloy ang kaunlaran sa kanayunan.
Hinubog ng dalawang ito ang kasaysayan ng mga tubuhan, at ang kanilang dinamismo ay
mahalaga sa pag-uugat kung bakit nananatili ang monokultura ng tubo at ang mga epekto
nito sa buhay ng mga manggagawang-bukid.
Bagaman mas pangkalikasan at ekonomikal sa parte ng kumakamal ng hilaw na
materyales sa bukirin ang epekto ng monokultura, sa pag-aaral ng dinamismo ng mga
pangunahing entidad sa ilalim ng pag-iral ng monokultura masasalamin ang epekto at
implikasyon nito sa buhay ng mga manggagawang-bukid. Ang kontradiksyon naman sa
pagitan nila ang nag-aanak ng mga implikasyon at epektong may pang-ekonomya at
pampolitikang aspeto. May impluwensya ang dalawang ito sa isa’t isa na maaaring
8
magpasahol o magpabuti sa kalagayan ng mga manggagawang-bukid o ng kung
sinumang nakapaloob sa industriya.
Ang nagreresultang katayuan ng mga manggagawang-bukid ang dahilan kung
bakit lumalawak ang hanay ng mga nakikibaka para sa lupa at sahod. Bilang nasa uring
magsasaka, primaryang interes ng mga manggagawang-bukid ang pag-aari sa lupa na
siya ring magreresolba sa mababang pampolitikang kapangyarihan nila. Pagpapataas
naman ng sahod ang sagot sa kahirapang dulot ng pagiging sahod-alipin. Ang anumang
nananatiling relasyon sa produksyon sa asukal ang nagtutukoy ng tindi at katangian ng
pakikibaka ng mga manggagawang-bukid.
Ang mga bubuuing rekomendasyon ay manggagaling sa konkretong karanasan ng
mga komunidad sa monokultura ng tubo. Tatlo ang nais nitong makamit. Pangunahin ang
rekomendasyon sa repormang agraryo bilang nangingibabaw na interes ng mga
manggagawang-bukid at ugat ng monokultura ng tubo. Susubukan nitong tukuyin ang
lalim ng problema sa kawalang-kontrol ng mga manggagawang-bukid at magsasaka sa
lupa, at ang kailangang isulong na reporma. Maaaring makatunggali nito ang mga
kasalukuyang nagmamay-ari ng lupa ng mga manggagawang-bukid. Ikalawa, ang
rekomendasyon sa polisiya sa agrikultura naman ang maglilinaw ng kung anong
balangkas ang dapat gamitin ng industriya ng asukal sa pagpapatuloy ng pag-iral nito na
hindi nakasisira sa buhay ng mga manggagawang-bukid. Susubukin nitong gunigunihin
ang isang makatarungang tubuhan at/o taniman ng mga manggagawang-bukid at
magsasaka. Ikatlo ay ang rekomendasyon sa mga organisasyong nakalatag sa mga
komunidad upang palaganapin ang isyu ng monokultura bilang integral sa buhay ng mga
manggagawang-bukid, at ang mga aksyon na maaaring tahakin ng mga komunidad
kaugnay nito.
Sa gayon, masaklaw ang pananaliksik sa pagbalik sa kasaysayan ng mga tubuhan,
at ang patuloy na paghubog ng kasaysayan ng mga manggagawang-bukid. Makakatas
lamang ang tamis at pait ng mga implikasyon at epekto ng monokultura ng tubo kung
bibigyang-diin ang mga makasaysayang pangyayari sa industriya’t uri. Ang masinsing
pag-aaral ng kasaysayan din ang magbibigay ng makatao at lapat-sa-lupang pagtanaw sa
kinabukasan ng mga nasa industriya ng asukal.
9
III. TEORETIKAL NA BALANGKAS
Esensyal sa pananaliksik ukol sa monokultura ng tubo ang pagbalik-tanaw sa
kasaysayan ng mga plantasyon at relasyon sa lupa. Sa gayon, nangangailangan ito ng
susing perspektiba sa pagsusuri ng kasaysayan upang matatag ang kasalukuyang
kaayusan nito.
Materyalismo, Dialektika, at Kasaysayan
Ang pananaw ng materyalismo sa mundo, kasalungat ng idealismo, ay nakabatay
sa mismong pag-iral ng mga bagay, at ang pagbabago ng mga bagay ayon sa mga
materyal na batayan. Naniniwala ito na nangunguna ang bagay kaysa ideya, at hindi
maaaring mapaghiwalay ang ideya ng isang bagay sa mismong bagay (D’Amato, 2011).
Hindi nito sinasakdal ang tao bilang natatanging mapagpasya sa kanyang kahahantungan
– ang kasaysayan ng tao ay maaaring mabago gamit ang kanyang sariling kamay
bagaman may mga salik na labas sa indibidwal na maaaring pumigil o hawanin ang daan
para rito.
Pinaunlad ni Frederick Engels (1892/1880) ang pag-analisa sa pag-iral ng mga
bagay sa paggamit ng dialektika bilang proseso ng pag-alam. Tinuligsa ng dialektika ang
metapisika, na nagmula rin sa idealismo, sa paghihiwalay ng mga bagay sa kanilang
walang humpay na paggalaw sa mundo – inaanalisa ang mga bagay sa kanilang
“kamatayan” dahil sa pagbubukod. Kinikilala ng pagtanaw na ito na lahat ng bagay ay
nagbabago sa bawat oras. May kontradiksyon sa lahat ng bagay, at ang mga
nagtutunggaling katangian ng bagay ay hindi mapaghihiwalay. Sa gayon, tinitignan ng
dialektika ang mundo bilang nasa isang estado ng walang humpay na pagbabago. Ang
nananalong katangian sa kiskisan ng kontradiksyon ang lilitaw sa aktwal, habang
nagpapalit naman ang mga nagtutunggaling katangian sa pag-usbong ng bago. Mahalaga
rin ang kantitatibong pagbabago, o ang panahon ng relatibong tigil, kung saan hinuhubog
ang mga kondisyon upang makaangat sa kalitatibong pagbabago kung saan mananaig na
ang dating nakapailalim na katangian sa kontradiksyon (Stalin, 1938).
Lumitaw sa pag-aaral ni Engels ang metapisikal na katangian ng lumang
materyalismo, at pinatampok ang bagong materyalismo na nakatuon sa proseso ng
10
pagbabago1. Ang lumang materyalismo ay ideolohikal na kalaban ng teolohiya (Stalin,
1938). Para dito, una ang bagay sa idea, ang pagkatao (being) bago pag-iisip.
Pinanghawakan nito na ang tao ay hindi magsasatao, o makakapag-isip, labas sa
konteksto ng mundo. Sumang-ayon sina Marx: ang tao ay hindi magsasatao sa labas ng
kinabibilangan nitong relasyon sa produksyon (Wright, 1956). Gayunpaman, hiniwalay ni
Feuerbach ang kanyang pananaw mula sa dialektika ni Hegel sa kadahilanang
binabangga nito ang sarili nitong pananaw ng materyalismo sa paglalatag ng paniniwala
sa isang purong entidad na, ayon kay Hegel, ay “walang katangian.” Sa gayon, tinignan
ang dialektika ni Hegel bilang walang patutunguhan dahil sa paniniwala nito sa isang
entidad na walang katangian bilang pinanggalingan ng lahat ng bagay, at patutunguhan
ng lahat. Dito nagpatuloy sa ibang naratibo ang materyalismong dialektiko nina Marx at
Engels, o ang bagong materyalismo. Nakita nila ang idealistikong katangian ng dialektika
ni Hegel, at winasto ito sa pag-aangat ng ideya na ang tao, hindi bilang higit sa konteksto
ng lipunan, kundi bilang konkretong ekspresyon nito habang patuloy na nagbabago
(Wright, 1956).
Sa ilalim naman ng balangkas ng materyalismong istoriko pinipinta ang
kasaysayan bilang produkto ng kung ano ang pinoprodyus, paano ito pinoprodyus, at
paano ito pinapalit (Engels, 1880). Sa perspektibang ito, tinutukoy ng nasabing mga
tanong ang pag-usbong ng mga panlipunang estraktura, panlipunang pagbabago, at
pagkilos. Ekonomya ang pangunahing tinitignan nitong salik sa mga nagbabagong
panlipunang relasyon; hindi ang kabaliktaran na nauuna ang umiiral na panlipunang
kaayusan kaysa pang-ekonomyang kaunlaran.
Ang makasaysayang pag-iral ng kapitalistang moda ng produksyon2 ang
__________
1 bagaman humalaw sina Marx at Engels sa materyalismo ni Ludwig Feuerbach, pinuna nila ang materyalismo ng
huli bilang idealistiko pa rin
2 moda ng produksyon ang tawag ng mga Marxista sa pinagsamang produktibong pwersa at relasyon sa
produksyon; kapitalismo ang moda ng produksyon kung saan pagmamay-ari ng burgesya ang kagamitan upang
makontrol ang proseso ng paggawa
11
nagtutukoy ng dinamismo sa produksyon, at ang pagbabago nito ay mangyayari lamang
sa pagbubuo ng bagong ekonomya na hihigit sa minimal na pasahod sa mga manggagawa
at eksploytasyon (Engels, 1892/1880). Sa pag-aaral din nito ng kasaysayan nakita na ang
pagkawala sa krisis ng kapitalismo3 ay nasa kamay ng proletaryado
4 bilang isang uring
panlipunan na mangunguna sa siyentipikong ebolusyon ng tao.
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng mga tubuhan sa Negros Occidental, mangangahas
gamitin ang proseso ng dialektika sa pag-intindi ng pag-iral ng kasalukuyang nananaig na
sistema sa lupaing agrikultural, at ang materyalismong istoriko naman sa pagkokonekta
nito sa mas malaking aspeto ng ekonomya. Hindi nais ng pag-aaral na ito na ihiwalay ang
pampolitika at pangkulturang karanasan ng mga manggagawang-bukid sa kanilang
ekonomikong katayuan o sirkumstansya. Samakatuwid, sisikapin na pag-ugnayin ang
kanilang praktika sa pang-araw-araw sa konteksto ng relasyon sa produksyon sa asyenda
pati na ang pakikibakang pampolitika bilang paraan upang hawanin ang ninanais na
kaunlaran, o resulta ng kasalukuyang kaayusang pang-ekonomya at pampolitika.
Ekonomyang Pampolitika
Isang pananaw sa pag-aaral ng ekonomya ay sinisira ang nakasanayang diin sa
estadistika; sa halip, nagmumula ang pananaw sa relasyon ng nagmamay-ari ng yaman at
kung paano ito nagagamit sa pambubusabos, at nagbibigay-halaga sa politika at
kasaysayan sa pagtatalakay ng pang-ekonomyang penomena (Marxist Theory of Political
Economy, 2006). Sa pag-aanalisa ni Marx ng klasikal na ekonomyang pampolitika,
nakita niya na ang tunay na ibinibenta ng mga manggagawa ay hindi ang mismong
paggawa nila kundi ang kanilang kakayahang gumawa, o lakas-paggawa. Ang
katuklasang ito ay ang nagpatunay na ang binabayad ng kapitalista sa kanyang mga
manggagawa ay tama lamang upang makakain sa araw-araw at mapagpatuloy ang lahi sa
__________
3 krisis ng labis na produksyon at kapos na pagkonsumo; nakapokus ang kapitalistang iganyak ang pinakamalaking
tubo niya upang makapagprodyus ng mas marami habang ang kinikita ng mga manggagawa ay mas mababa kaysa
halaga ng kanyang paggawa (labor value) kung kaya’t tendensiya ng kapitalismong magprodyus ng labis-labis
hanggang sa puntong hindi na kayang bilhin ito ng tao
4 uring manggagawa
12
susunod na henerasyon. Ang binentang lakas-paggawa ay may oras din na kaakibat –
madalas walong (8) oras kada araw. Sa loob ng araw na ito, nakakagawa ang
manggagawa ng labis-labis na produkto na higit sa binayad sa kanila base sa halaga ng
produkto. Sa sarplas na nakukuha nakakakamal ng tubo ang mga kapitalista. Ibigsabihin,
integral ang pagsasamantala sa sistemang kapitalista (Marx, 1847). Sa gantong
kontradiksyon nanggagaling ang tipo ng makauring pakikibaka at krisis pang-ekonomya
(Marxist Theory of Political Economy, 2006). Walang opsyon ang manggagawa kundi
ibenta ang kanyang lakas-paggawa sa isang mapanamantalang relasyon dahil hindi niya
pagmamay-ari ang kagamitan sa paggawa.
Sa konkretong paglalapat ng teorya ng ekonomyang pampulitika sa Pilipinas,
tinukoy ni Amado Guerrero (1970) na ang lipunang Pilipino ay malakolonyal at
malapyudal. Ibigsabihin, nananatili ang pagkubabaw ng kolonyal na kontrol ng Estados
Unidos sa ekonomya, politika, kultura, militar, at ugnayang panlabas ng bansa. Ilan sa
binanggit na ebidensya ni Guerrero ay ang malalaking base-militar at empresa ng Estados
Unidos sa Pilipinas. Samantala, nananatiling malapyudal ang lipunan sa kabila ng
dominasyon ng isang abanteng nasyon tulad ng Estados Unidos. Sa katunayan,
pinapapanatili ito sa gantong kaayusan dahil mas malaki ang maaaring masamantalang
rekurso ng bansa upang ikalakal sa ibang bansa, taliwas sa nakasasapat sa sarili, sa ilalim
ng pyudal na sistemang pang-ekonomya.
“Ginagamit ang ekonomyang pangkalakal para panatilihin sa pyudal na pagkaalipin ang
malawak na masa ng mamamayan, at kasabay nito'y likhain ang relatibong surplus na
populasyon, ang malaking reserbang hukbo ng paggawa, at sa gayo'y mapanatiling
mababa ang presyo ng paggawa (Guerrero, 1970).”
Ayon sa kanya, hindi kayang mabuhay ng imperyalismong Estados Unidos na
walang kolonya at malakolonya dahil dito nito nakukuha ang rekurso upang mapalawak
ang produksyon upang makakuha ng malaking tubo sa pamumuhunan. Kasabay ng
dinamismo nito ang pagsuporta ng imperyalismo sa mga panginoong maylupa bilang
mga tagapamahala ng lumang sistemang pyudal sa gabay ng kapitalistang produksyon ng
lupa. Sa gayon, “baseng panlipunan ng imperyalismong US ang katutubong pyudalismo”
(Guerrero, 1970). Kung isakokonteksto ito sa piniling kasong pag-aaral ng mananaliksik,
13
ang Negros Occidental ay may mahabang kasaysayan ng monokultura ng tubo para sa
produksyon ng asukal (basahin ang Kabanata IV ukol sa Rebyu ng Kaugnay na
Literatura). Sa mahabang panahon ay nakatuon ang lokal na industriya ng asukal sa pag-
eeksport ng asukal sa mga dayuhang bansa. Habang nananatili ang pyudal na
pagsasamantala sa mga manggagawang-bukid sa tubuhan sa porma ng kawalan ng
pagmamay-ari sa lupa, kawalan ng benepisyo, at kababaan ng sahod, ang mga sugar
baron naman ang kumikita nang lubusan sa merkado. Kita rito na habang
nagkokompitensya ang mga ilohan upang matalo ang kalaban sa merkado upang
mamonopolisa pa ang merkado ng asukal ay patuloy naman na naghihirap ang mga
manggagawang-bukid na nag-aani ng tubo para gawing asukal. Ang mga panginoong
maylupa naman ay nananatiling kumukontrol sa napakalaking sukat ng lupain sa Negros
Occidental, at kahit sa pag-iral ng maraming repormang agraryo sa bansa kasama na ang
Comprehensive Agrarian Reform Program, ay hindi pa rin nabubuwag ang lumang mga
asyenda. Sa pagtuklas ng mananaliksik sa konkretong kondisyong nag-anak sa gantong
sitwasyon, gagamitin ang lente ng ekonomyang pampolitika, materyalismong dialektiko,
at materyalismong istoriko upang mabigyang-linaw ang relasyon ng mga salik at sabjek.
Naiiba naman ang paggamit sa ekonomyang pampolitika ng ilang klasikal na
kontributor at dalubhasa: bagaman naniniwala sila sa interseksyon ng politika at
ekonomya, ang ibigsabihin nito ay ang pagpasok ng pampublikong polisiya sa “natural”
na ekonomya. Sa praktika, ito ay ang gabay ng mga ekonomista sa mga politikal na
institusyon ayon sa ekonomikal na pagsusuri (Hooks & Crookston, 2013). Samantala, ang
teknikal na pakahulugang ginagamit ng Merriam-Webster ay ito ay “theory or study of
the role of public policy in influencing the economic and social welfare of a political
unit." Hindi ito kaiba sa depenisyong ginamit ni Henry George sa ekonomyang
pampolitika bilang siyensya ng yaman at batas ng produksyon at distribusyon. Tinitignan
niya ang papel ng ekonomya at ng yaman bilang para sa pagkamit ng kasiyahan ng tao
(Davies, w. p.).
Ibayong pagpapalalim sa depinisyon, tinutukoy ng ekonomyang pampolitika kung
sino-sino at ano-ano ang mas nakikinabang sa mga polisiya (Poulton & Douarin, w.p.).
Nakikita rin nito na parehong politika at ekonomya ay may dinamismo sa pananaig ng isa
14
– ekonomya ang nagbibigay-rekurso upang magsimula at magpatuloy ang pampolitikang
aktibidad na magpapanatili naman ng katatagan ng ekonomyang salik. Isang pag-unlad
ang paggamit sa lente ng ekonomyang pampolitika sa paggawa ng mga polisiya dahil
lumalabas ito sa mababaw na tulong pampinansyal at teknikal sa mga komunidad na wala
namang konteksto sa nananaig na politikang maaaring makasagabal sa kaunlarang
dinidikta (DFID, 2009). Katuwang ng pagpapaunlad sa ekonomya ang pagpapabuti sa
estado at pagsulong ng kapayapaan.
Ayon sa Department for International Development (2009), tatlo ang lebel na
maaaring paggamitan ng ekonomyang pampolitika: Una, pambansa kung saan tinitignan
ang kalagayan ng buong bansa, at ang programang pangkaunlarang tinatahak nito;
ikalawa, sektoral kung saan tinutukoy ang mga sektor na may oportunidad at balakid; at,
ikatlo, nakabatay sa isyu na maaaring nasa lebel ng proyekto o polisiya.
Ang paggamit sa ekonomyang pampolitika bilang gamit-pang-unawa ay mainam
sa interbensyong pangkaunlaran lalo na sa relasyon ng kapangyarihan sa lipunan. Sa
pagtingin na ito, nakakagawa ang mananaliksik ng likas-kaya at lapat-sa-lupang mga
estratehiya at plano. Napatunayan na ang kalakasan nito sa pagtutukoy ng mga dahilan sa
tatag at bagsak ng isang estadong dumaraan sa krisis (McIoughlin, 2014). Kukwestiyunin
gamit ang ekonomyang pampolitika ang mga polisiyang nananatili sa Pilipinas tulad ng
minimum na sahod bilang takdang presyo ng gobyerno sa pang-araw-araw na
pangangailangan, poverty line bilang pamantayan ng “tunay” na kahirapan, at
interbensyon ng gobyerno sa maralita lalo na sa manggagawang-bukid sa tubuhan (SSS,
PhilHealth, at Social Amelioration Program) sa konteksto ng mga tukoy na asyendang
pag-aaralan ng mananaliksik.
Monokultura
Para sa pag-aaral ng implikasyon at epekto ng monokultura ng tubo, primarya ang
pag-aanalisa sa lebel ng isyu at sektoral dahil sa pagtagos nito sa iba’t ibang polisiya at
patakarang magkakaugnay sa paghubog ng kasaysayan nito. Dito lamang manggagaling
ang mga punto sa pagtingin ng monokultura sa konteksto ng pambansang lebel.
15
Sa buong pananaliksik ay babanggain ang konsepto ng monokultura bilang isang
epektibong siyensyang agrikultural kung kaya’t maiging mabanggit ang layunin sa likod
ng pagpapalaganap nito. Sa lumalaking populasyon ng mundo, natutulak ang sektor ng
agrikultura na lumabas sa mga nakasanayang pamamaraan ng pagpapatubo ng pagkain
upang makamit ang nais na imbak ng pagkain. Umusbong ang monokultura – pagtatanim
ng iisang halaman sa isang sukat ng bukid – bilang solusyon sa pag-aani ng isang uri ng
pananim na mataas ang pangangailangan (Ostergard, w.p.). Para sa mga halamang taunan
ang siklo, ayon kay McGuire (2015), mas mataas ang ani sa sistemang monokultura, lalo
na sa usapin ng paghahanda ng pagkain ng tao. Gayunpaman, hindi niya sinusuportahan
ang monocropping na pinapaulit-ulit ang proseso ng monokultura bawat taon. Mahalaga
pa rin ang pag-iikot ng halaman (sa kasong ito, umiikot ang monokultura ng iba’t ibang
halaman) upang maiwasan ang mga peste, maibalik ang sustansya ng lupa, at iba pa.
Sa pagdaloy ng pananaliksik, ang paggamit sa lente ng ekonomyang pampolitika
ang pangunahing kikiskis sa sinasabing epekto ng monokultura at monocropping sa
ekonomya. Maaaring mapatunayan na mas matimbang ang negatibong epekto ng
monokultura ng tubo sa mga manggagawang-bukid, maski ito man ay usapin ng pagkain,
o kaya’y positibong epekto ng monokultura sa pambansang kaunlaran at kabuhayan.
Sa pagsasakonteksto ng monokultura sa pandaigdigang ekonomyang pampolitika,
napakalaki ng naging bahagi ng Green Revolution sa patakarang agrikultural sa
maraming bansa ng Global South. Sa panahong ito (1960s-1970s), tumaas ang ani ng
mga pananim sa mundo dahil sa pagganyak ng mga gobyerno sa irigasyon, high yielding
seeds o high yielding varieties, pestisidyong kemikal, at pestisidyong artipisyal
(MASIPAG, w.p.). Sinunod ito ng Pilipinas sa panaho ni Pres. Ferdinand Marcos upang
mapataas ang produksyon ng bigas. Tumaas ang per capita income, nagkaroon ng sarplas
ang bigas, at bumaba ang presyo nito ngunit naging pamamaraan ito upang
mamonopolisa ng mga mayayamang may-ari ng lupa ang tubo mula sa kaunlarang ito
(Reyes, 2016). Hindi rin kinaya ng mga maliliit na magsasaka ang mataas na presyo ng
input na kinakailangan upang panatilihin ang produksyon. Sa huli’t huli, ang Green
Revolution ay naging daluyan ng interes ng iilan upang pagtaniman ng cash crops tulad
16
ng asukal at kape ang Third World/Global South para sa murang hilaw na materyales at
murang lakas-paggawa (Madeley, 2002).
Dawit ang usapin ng seguridad sa pagkain sa polisiyang agrikultural na ito. Ang
pagpasok ng mga bansang Third World, tulad ng Pilipinas, sa mga kasunduan ng General
Agreement on Tariffs and Trade – World Trade Organization (GATT-WTO) ay binuksan
ang bansa sa pandaigdigang merkado na naging sanhi ng mas malalang pananakop
(dependency) sa larangan ng politika at ekonomya (Bonanno & Busch, 2015). Sa
konkretong kalagayan, nagpatuloy ang malawakang kawalan ng lupa, kahirapan,
inseguridad sa pagkain, pagkabaon sa utang, at kawalan ng pampolitikang kapangyarihan
kahit sa mga polisiyang agrikultural na pinatupad ng gobyerno sa mahabang panahon
(MASIPAG, 2009). Ang industriya ng asukal sa Negros ay nasa kamay pa rin ng mga
asyendero, samantala, ang mga manggagawang-bukid ay nakatali ang leeg sa mababang
pasahod sa kanila (Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, 2016).
Sa kabilang banda, ayon sa isinagawa ng IBON (2016a) na round table discussion
ukol sa sustenableng agrikultura, pinuntuhan ang kakayahan na mapaunlad ang
agirukultura at ang uring magsasaka sa pagsasagawa ng sustenableng agrikultura sa bansa
upang maminimisa ang pagkiling sa mga input na mahal at ‘di likas-kaya. Ang praktika
ng monokultura ay binigo ang uring magsasaka dahil binagsak nito ang nakasasapat sa
sarili na produksyon na nagdulot ng kagutuman at mababang sahod (MASIPAG, 2009).
Sa gayon, ang sustenableng alternatibo, kasabay ng tunay na reporma sa lupa, ang
mabibigay-ilaw sa isyung ito (IBON, 2016a).
Ekolohiyang Pampolitika
Kaugnay ng isyu ng monokultura, ang pagtuklas sa ekolohiya ay nasa balangkas
ng ekolohiyang pampolitika kung saan hindi hinihiwalay ang usapin ng ugnayan ng mga
organismo sa kapaligiran bilang nahihiwalay sa lipunan; kundi, tinitignan nito na lahat ng
kontradiksyon (tulak at hila ng mga pwersa) sa tao at kalikasan ay nakaaapekto sa
kabuuang sistema (Robbins, 2004). Binanggit ni Robbins na isa sa mga batayan ng
ekolohiyang pampolitika ang paniniwalang ang pagbabagong pangkalikasan ay may
kapalit (costs and expenses), at ang kapalit na ito ay ‘di-pantay na pinapasan ng mga
17
apektado kung saan napapalakas o napapahina ang kasalukuyang kaayusanng pang-
ekonomya at sosyal. Bagkus, ang ekolohiyang pampolitika ay tinitimbang ang kiskisan
ng mga uring panlipunan sa konteksto ng pagbabagong panlipunan at pangkalikasan.
Mula rito umuusbong ang ilang mga tanong: sino ang nakikinabang sa monokultura ng
tubo? Bakit lumalakas ang pampolitikang paglahok ng mamamayan sa gitna ng
kasalukuyang repormang agraryo ng gobyerno?
Isa sa mga tinukoy ni Robbins na nagbigay-depenisyon sa ekolohiyang
pampolitika ay sina Peet & Watts (1996, pp. 1-45). Tinukoy rito na ang ekolohiyang
pampolitika ay nagtataglay ng Marxistang linya sa paggamit ng rekurso at pangangalaga
ng kalikasan sa ilalim ng ekonomyang pampolitika. Binabangga ng teoryang ito ang
lumalaganap na Malthusian na pagtingin sa kahirapan na kinakatwiran ang paglago ng
populasyon bilang primaryang dahilan ng “kakulangan” ng rekurso para sa mahihirap,
pati na rin ang pagtingin na simpleng kakulangan sa pamamahala ang may-sala sa
pagkayurak sa kalikasan. Isang interesanteng punto sa kanilang akda ay ang pagbubuo ng
ideya ng komunidad sa kalikasan: walang ideyang nabubuong hiwalay sa konteksto ng
lipunan. Ibigsabihin, binabangga ng mga imaginary ng mamamayan ukol sa mga banta sa
kanilang kabuhayan ang mga tanggap na konstruksyon ng kalikasan (Forsyth, 2001).
Kung sa konteksto ito ng pananaliksik, kung tinatanggap ang monokultura sa mundo ng
ekonomya bilang episyente at nakasasapat sa demand ng asukal sa mundo, iba ang
maaaring pagtingin dito ng mga manggagawang-bukid na nakararanas ng panggigipit sa
produksyon ng asukal at tubo.
Paglalagom ng mga Teorya
Nakikita ng mananaliksik ang malawak na larangan ng asukal bilang isang
industriyang nagsimula panahon pa ng kolonyalismong Espanol, kaugnay ng kagalingan
ng mga manggagawang-bukid sa tubuhan sa kasalukuyang panahon. Sa gayon, susi ang
paggamit ng materyalismong istoriko sa pagguhit ng makasaysayang istorya ng
pagmamay-ari ng lupa, seguridad sa pagkain, pasahod, at iba pang mahahalagang usapin
sa sektor na ito. Gagamitin ang pananaw na ito sa pagtutukoy ng mahahalagang detalye
tulad ng ano ang pinoprodyus, sino ang nagpoprodyus, at kanino napupunta ang
benepisyo ng produksyon at ang ugnayan ng mga tanong na ito sa kasalukuyang
18
sistemang umiiral. Ang sentral na isyu ng monokultura naman ay lalapatan ng pananaw
ng ekolohiyang pampolitika upang maugat ang mga patakaran sa agrikultura bilang hindi
lamang nakabase sa maksimisasyon ng produksyon kundi nakalapat din sa realidad ng
lipunan, sa estrakturang panlipunan na nakatatag, at sa kilusang masa na binubuo. Sa
puno’t dulo, ang salimbayan ng mga teoryang ito ang bubuo sa epekto at implikasyon ng
monokultura sa buhay ng mga manggagawang-bukid sa Hacienda Regalado at Hacienda
Perez, Murcia, Negros Occidental.
19
IV. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA
Tatlong Mata ng Tubo: Negros, Industriya ng Asukal, at ang Manggagawang-Bukid
Sa napakatagal na panahon, ang isla ng Negros ay tumatayong pinakamalaking
prodyuser ng asukal ng bansa, at kalakip na nito ang pagiging kalakasan ng agrikultura sa
larangan ng ekonomya. Humigit-kumulang 70% ng tubo ay sa Negros makikita,
espesipiko sa Negros Occidental. Ang kalupaan ng rehiyon ay primaryang nakasandig
bilang ekonomyang plantasyon (World Wildlife Fund, 1998). Sa katunayan, umabot na sa
P70 bilyon ang naaambag ng industriya ng asukal sa pambansang ekonomya kada taon.
Inilalaan ng rehiyon ang 422,500 ektarya ng lupain nito sa plantasyon ng tubo, at tatlong
ilohan ng asukal ang matatagpuan dito (Sugar Regulatory Administration, 2012).
Binubuo naman ang industriya ng higit sa 65,000 manggagawa habang dinodomina ng
malalaking planter ang pagmamay-ari ng mga tubuhan (Braza, 2016).
May kinikilala ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na tatlong kategorya
ng manggagawa ng asukal: (1) field workers, o ang mga nagtatrabaho mismo sa mga
tubuhan; (2), small planters, o ang mga independenteng magtutubo; at, (3) mill workers,
o ang mga nagtatrabaho sa ilohan ng asukal (Braza, 2016).
May natatanging kondisyon ang tubuhan – ang pagkakahati ng panahon sa
kabyawan (milling season) at sa Tiempo Muerto (off-milling season). Ibigsabihin, para sa
mga manggagawang-bukid sa tubuhan, kalahati ng taon ay may trabaho sa mga asyenda’t
aryendo na kanilang pinagtatrabahuan; samantalang sobrang kakaunti ng trabaho tuwing
Tiempo Muerto. Nagsisimula ang kabyawan mula Agosto o Setyembre na tatagal
hanggang Marso. Ang natitirang Abril hanggang Hulyo o Agosto naman ay ang
tinatawag na panahon ng Tiempo Muerto, o ang “season of death.” Nagkaroon ng
gantong hatian dahil sa natural na siklo ng tubo sa pagtubo nito. Sa loob ng anim na
buwan ay napagkakasya ang lahat ng trabaho tulad ng pagtatapas, pagpapamatdan, at
pagkakarga. Sa susunod na mga buwan naman ay sadyang hihintayin na lamang ito
tumubo. Ang mga natitira na lamang na trabaho sa Tiempo Muerto ay ang okasyunal na
pagdadamo at pagpapamatdan (Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, 2016).
Inihalintulad ni Julius Mariveles (2014) ng Philippine Center for Investigative Journalism
20
ang panahon na ito sa purgatoryo ng mga manggagawang-bukid sa asyenda’t plantasyon
– isang estado sa gitna ng buhay at kamatayan. Hindi man lamang umaabot ang sahod
nila upang makabili ng isang kilo ng bigas sa isang araw. Ang binibigay naman na tulong
ng gobyerno, ayon sa interbyu ni Mariveles, ay hindi sapat.
Bukod sa panahunang problema ng industriya, kahit ang panahon ng kabyawan ay
kinakaharap ng mga manggagawang-bukid ang mababang pasahod sa kanila sa mga
asyenda’t aryendo. Ayon sa DOLE National Wages and Productivity Commission
(2016), pumapatak sa P266.50 ang natatanggap ng mga manggagawa sa mga plantasyon
alinsunod sa tinatakdang minimum wage ng gobyerno. Sa isang nakaraang undergraduate
na pananaliksik1 sa Negros Occidental, napag-alaman na ang nakukuhang sahod ng mga
manggagawang-bukid sa tubuhan, sa kaso ng Hacienda San Antonio sa Escalante, ay
umaabot lang ng P17 hanggang P142 kada araw, at nakadepende sa klase ng trabah.
Nakasaad sa batas pambansa na kailangang makatamasa ang mga manggagawa ng
‘floor wage,’ o ang tinatawag na minimum wage, upang masiguradong nasa itaas mula sa
poverty line ang mga pamilyang Pilipino (Wage Rationalization Act, 1989). Ipinapatupad
ang two-tiered wage system sa bansa kung saan pinanatili ang tinakda ng RA 6727, o ang
Wage Rationalization Act, bilang unang baitang ng pasahod, samantalang base naman sa
produktibidad (performance-based) ang mas mataas na ikalawang baitang. Dinisenyo ang
batas na ito upang magkaroon pa rin ng ‘safety net’ ang mga manggagawa habang
hinihimok silang mas maging produktibo sa kanilang trabaho (DOLE, w. p.).
Gayunpaman, kahit ang batas na ito ay pinapasaringan ng iba’t ibang grupo bilang
insupisyente sa pangangailangan ng pamilyang Pilipino. Sa matagal na panahon ay
pinapanawagan ng Kilusang Mayo Uno2 at ng mga kaalyadong organisasyon nito ang
pagbasag sa rehiyunal na minimum wage, at pagtatalaga ng pambansang alternatibo
kalakip ng pagpapataas ng sahod hanggang P16,000 kada buwan upang maging malapit
__________
1 ayon sa pananaliksik na rekisito sa Development Studies 190 nina Arada, Besana & Dayrit, 2016
2 Ang Kilusang Mayo Uno (KMU) ay itinatag noong 1980, sa ilalim ng Martial Law. Pangunahing layunin nito ay
isulong ang tunay, militante, at anti-imperyalistang unyonismo sa buong bansa. Kinokolsolida nito ang hanay ng mga
manggagawang industriyal, serbisyo, at agrikultural sa usapin ng empleyo, sahod at karapatan.
21
sa sinuring gastusin ng isang pamilya (All Workers’ Unity, 2014). Ayon sa pagsusuri ng
grupo, walang maituturing na totoong minimum na sahod sa bansa dahil sa pag-iral ng
rehiyunalisasyon na may binibigyang-kapangyarihan ang Regional Wage Boards na pag-
ibahin ang sahod ng National Capital Region sa iba pang rehiyon base sa “cost of living.”
Sa dinami-rami ng antas ng pasahod (wage levels), maraming manggagawa ang pinipilit
mabuhay sa mas mababa sa poverty line (All Workers’ Unity, 2014). Ayon sa IBON
(2016b), ang family living wage (FLW) ay nasa P1,096 na nakabatay sa pamilyang may
limang miyembro at sa pangangailangang nakabatay sa disenteng pamumuhay. May
pagkakapareho ang tindig ng All Workers’ Unity sa isinumiteng petisyon nila Walden
Bello sa Korte Suprema na nagsasabing kailangang i-abolish na ang Regional Wage
Boards, at magtalaga ng pambansang minimum na sahod na nakabatay sa sapat na
pangangailangan ng pamilyang Pilipino (Torres-Tupas, 2016).
Ang Pinunlaan: Pagbalik-Kasaysayan
Tila nalalayo ang realidad ng pasahod sa mga manggagawa sa tubuhan sa tinakda
ng gobyerno. Makikita ang balakid kung babalikan ang sistemang asyenda at aryendo na
sinusunod ng nagbubungkal. Sa paglusob ng mga Kastila sa bansa, dinala nila ang kani-
kanilang sistema ng pamamahala. Una, ang enkomienda na matagal nang pinairal ng
Espanya sa kanilang mga kolonya ay orihinal na binibigay sa mga heneral at mananakop.
Sila ang dapat na tagapangalaga ng mga tao sa loob ng enkomienda. Gayunpaman, dahil
sa pagsulong ng lipunang Kastila mula pyudal tungong kapitalista, hindi nakakagulat na
pati ang sistemang enkomienda ay nagpapalit-anyo. Ang mga enkomendero ay inatasang
mangolekta ng tributo (sa porma ng ginto o produkto) sa mga nasasakupan, at may
karapatan din silang ‘gamitin’ ang kakayahan ng mga tao. Sa kalaunan, ginawa ng mga
enkomendero ang lahat ng kanilang trabaho maliban sa orihinal na papel ng mga
enkomienda – ang alagaan ang mga nasasakupan. Tinuring nilang mga alipin ang mga
tao. Tinotortyur ang mga hindi makapagbayad ng sapat na tribute, at hinuhuli ang
kanilang asawa’t anak. Nagsilbing politikal na yunit ang mga enkomienda: sa tahasang
karapatan ng Korona na maningil ng tribute, at sa mala-Diyos na papel ng mga
enkomendero sa pamamahala sa lokal na lebel (Constantino, 1975).
22
Mismong mga prayle ang nagsumbong sa Hari ng Espanya sa pagmamaltrato ng
mga enkomendero sa mga “indio” dahil na rin ayaw silang hatian ng mga ito sa buwis na
sinisingil nila. Binasag ng Hari ng Espanya ang sistemang enkomienda sa ilalim ng mga
paratang na ang mga enkomendero ay: (1) naniningil ng buwis na mas mataas sa sinasaad
ng batas, bukod pa sa mga “kontribusyon” na kinukuha nila sa mga katutubo; (2) naningil
sila ng buwis sa minor de edad, matanda, mahirap, may-sakit, kamag-anak ng patay, at
kamag-anak ng mga pugante; (3) pagpaparusa sa mga hindi makapagbayad ng buwis sa
paraang itinakda nila; at, (4) pag-uutos sa nasasakupan na magtrabaho ng libre para sa
sariling interes. Bumaliktad ang sitwasyon, at ang mga prayle na ang sumakop sa dating
lupain ng mga enkomendero, at pinagpatuloy nila ang marahas na tradisyong ito (Diaz,
2009).
Sa kabilang banda, ang sistemang asyenda ay may esensyal na pinagkaiba sa
enkomienda – pareho itong nakabase sa limitasyon ng lawak ng lupain ngunit hindi
nakabase sa relasyon ng produksyon sa lupa ang mga enkomienda. Maaaring manahin ng
mga asyendero ang malalawak na tipak ng lupa. Nagkaroon ng legal na ebidensya ng
pagmamay-ari ng lupa. Binago ng sistemang asyenda ang operasyong agraryo ng
katutubo. Pinaparenta ng mga asyendero ang lupain sa mga tenante upang pagtamnan ng
palay. Sa kaso ng mga Dominikano, pinaparenta nila ang lupain sa mga inquilinos na
dinadala ang kanilang kasamahan, o mga trabahador, upang magtrabaho sa maliliit na
parsel ng lupa (Corpuz, 1992). ‘Di nga lamang tulad ng sa enkomienda, ang
pananamantala ng mga asyendero sa mga magsasaka ay pinapatamis sa pagbabansag sa
mga magsasaka bilang mga “kasama” upang makagawa ng ilusyon ng pantay na
ganansya. Sa aktwal, sa asyendero napupunta ang malaking parte ng produkto ng mga
magsasaka (Constantino, 1975). Sa sistemang ito, doble-doble ang kailangan iprodyus ng
mga magsasaka upang sumapat sa kanilang pagkain, at sa luho ng kanilang mga
asyendero. Hinubog ang mga bayan ayon sa pagmamaksimisa ng kita mula sa pyudal na
pagsasamantala sa ilalim ng sistemang asyenda – nagganyak ito sa pagpapagawa ng mga
kalsada, daungan at tulay. Patuloy naman ang pagtaas ng upa na binabayaran ng mga
magsasaka upang makapagsaka sa lupa ng mga asyendero. Ipinanukala nila ang
pagtatanim ng mga komersyal na produkto – tulad na lamang ng tubo at saging – upang
makapagkamal ng pinakamalaking kita mula sa pawis ng mga magsasaka. Ito ang
23
paggana ng kapitalistang produksyon na nakabatay sa mas lumang pananamantalang
nakabase sa lupa (Guerrero, 1970). Sa simula ng pag-iral ng sistemang ito, mas
nakasandig sa pagprodyus ng bigas ang mga asyenda dahil sigurado ang merkado nito sa
lokal, at hindi popular sa pag-eeksport (Corpuz, 1992). Sinuportahan ito ng pag-aaral ni
Teodoro Agoncillo (1973) kung saan sinabing binuksan ng mga Espanyol ang merkado
ng Pilipinas sa dayuhang pangangalakal noong 1834, na siyang nagpasigla sa
ekonomyang nakabatay sa pagpapalago ng mga pananim pang-eksport tulad ng asukal,
kopra, kape, abaka, at tabako.
Wala pang plantasyon bago ang 1820. Bago ang taong ito, galing sa mga pueblo
ang maliit na produksyon ng indigo, asukal, at kape. Dahil sa mataas na demand sa
pandaigdigang merkado, pumasok ang mga dayuhang mangangalakal upang pinansyahan
ang papausbong na agrikulturang pang-eksport. Sinimulan ng Pranses na si Yves Leopold
Germain ang pagtataguyod ng plantasyon para sa pagtatanim ng tubo sa Negros taong
1847, na pinagsimulan ng dominasyon ng industriya ng asukal sa rehiyon. Espesyal sa
Negros ang relasyon ng mga asyendero at sakada. Hindi tulad ng mga kasama, ang mga
sakada ay mga lalaking mula sa Iloilo na panahunang arawan lamang ang katangian ng
pagtatrabaho (Corpuz, 1992).
Nagpapatuloy ang sistemang ito habang matagal nang pinatay ang pangalan ng
edad na nagbunga nito. Sa ilalim ng nakaraang polisiyang Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP) mula 1988, napakalaki ng pondong nilaan ng gobyerno ‘di
umano para sa pamamahagi ng lupa at serbisyong pansuporta sa mga magsasaka, ngunit,
nananatiling walang sariling lupa ang mayorya ng mga magsasaka kahit sa 20 taon na
itinagal nito. Ayon sa Anakpawis3 Representative noon na si Rafael Mariano, ang CARP
ay tulad lamang ng Agricultural Land Reform Code na “isinantabi ang milyon-milyong
walang lupa at mga panahunang manggagawang-bukid” (Santos, 2009). Nagpapatuloy
ang mga kilos-protesta ng mga magsasaka at pesante upang tutulan ang pangangamkam
__________
3 Ang Anakpawis Party-list ay itinatag noong 2002 ng mga magsasaka, manggagawang-bukid, mangingisda at iba
pang sektor na nakatuon sa panawagan para sa lupa, sahod, trabaho, paninirahan at karapatan ng mamamayan.
24
ng lupa ng iilang entidad, tulad ng sa Hacienda Luisita, Hacienda Looc, at iba pa (Guda,
2011).
Sa kaso ng Negros, mayroon pang sistemang aryendo sa malalawak na asyendang
tubuhan. Hinahati-hati ang mga asyenda ng mga panginoong maylupa saka pinaparenta
sa mga indibidwal na aryendador, o sugar planters. Sa sistemang ito, naiiwasan ng mga
panginoong maylupa ang implikasyon ng repormang agraryo. Nakakapasok sa relasyon
ang maliliit na panginoong maylupa pati na mga investor at financier. Ang mga
benepisyaryong hindi mabayaran ang amortisasyong tinatakda ng CARP ay napipilitang
pumailalim sa sistemang aryendo kaya narerekonsentra ang kontrol sa lupa sa mga luma
at bagong panginoong maylupa dahil sa mas mababang renta na alok nila sa mga
magsasaka (Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, 2016).
Ang monopolyo sa lupa ng iilan ay layunin naman na basagin ng isinusulong na
Genuine Agrarian Reform Bill na pinapangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
(2015). Sa inihanda nilang praymer, isinaad ang sumusunod:
“TRA [Tunay na repormang agraryo] ang susi sa pagkakamit ng tunay na kaunlaran at
kasaganaan para sa mamamayang Pilipino. Magiging pundasyon ang agrikultura ng
ekonomiya dahil sa ito ang pagkukunan ng pagkain, hilaw na materyales sa industriya at
iba pang pangangailangan ng mamamayan. Dagdag pa, mapapasakamay ng mga
magsasaka ang produkto ng kanilang lakas-paggawa sa pagsasaka, at matatransporma
ang kanayunan bilang malawak na merkado ng mga yaring produkto ng industriya. Sa
katiyakan ng pagkukunan ng hilaw na materyales ng industriya, magtutuluy-tuloy ang
operasyon nito, na siyang magbubunga ng maraming trabaho para sa manggagawa.”
Iniugnay naman ni Bobby Tuazon (2015) ang makasaysayang problema sa lupa
ng uring magsasaka kung bakit sila ang naging pangunahing pwersa sa pagbabagsak ng
diktaduryang Marcos noong 1986, at nagpatuloy sa malakas na pambansang armadong
rebolusyon. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasa talukbong ng tenancy
relations at land settlement ang turol ng mga repormang agraryong pinapatupad ng
gobyerno na hindi naman nakapagbigay ng karapatan ng mga magsasaka sa
pagbubungkal sa sariling lupa kundi pinahupa lamang ang panlipunang ligalig. Ang mga
lupang ibinilin ng mga prayle sa mga Amerikano ay napunta sa mga panginoong
25
maylupa, nagpatupad ng patakarang malayang pangangalakal (free trade) sa bansa upang
mapagkunan ng murang hilaw na materyales at pananim pang-eksport (cash crops), at
nagbukas ang maraming plantasyon sa Kabisayaan at Mindanao na kumubabaw sa dati
pang umiiral na sistemang asyenda. Ang kawalan ng karapatan sa lupa na ito ang
nagtutulak sa maraming magsasaka upang tunguhin ang landas ng armadong pakikibaka
sa ilalim ng New People’s Army. Ang matagal nang pananatili at lumalakas na pwersa
nila ay manipestasyon ng lumalakas na suporta sa kanilang adbokasya at paniniwala. Sa
isang pahayag, sinabi ng National Democratic Front of the Philippines (2016) na daluyan
ang usaping pangkapayapaan sa pagitan nila at ng Gobyerno ng Pilipinas upang lutasin
ang daan-taong problema ng pyudal at malapyudal na pananamantala sa uring pesante.
Ang armadong tunggalian na inanak ng mapanamantalang relasyon sa produksyong ito
ay mapapawi lamang sa paraan ng pagkamit ng panlipunang hustisya – libreng
pamamahagi ng lupa, pagpapalakas sa agrikultura upang mapagkunan ng pagkain, at
pagtataguyod ng pambansang industrialisasyon para sa interes ng taumbayan.
Sa Loob ng Kampo: Ang Pilipinas at ang Pilipino
Marapat na alamin muna ang katangian ng Pilipinas upang mabigyang-konsteksto
ang nararapat na mga programa para dito.
Napakayaman ng Pilipinas lalo na sa pisikal na katangian nito. Ang arkipelago na
ito ay halos 300,000 kilometro kwadrado ang sukat. Ang katubigan nito naman ay tirahan
ng halos 2,000 uri ng isda. Samu’t sari ang anyong-lupa tulad ng mga burol, bundok,
talampas, at iba pa, habang malawak din ang matabang lupain. Ang Cordillera, Sierra
Madre, at Mindanao ay pook ng mauulang gubat (rainforests), at nagsisilbing lupang
ninuno ng maraming katutubo. Dito pa lamang ay umaabot na sa bilang ng uri ng ibon sa
500, ng orkidyas sa 800, at 8,500 naman ng mga namumulaklak na halaman (Diaz, 2009).
Dagdag pa ni Amado Guerrero (1970) na mapagkukunan ang bansa ng maraming mineral
at yamang-lupa tulad ng bakal, ginto, tanso, nikel, langis, karbon, kromyum at iba pa. Sa
katunayan, pinapatunayan ito ng estadistika ng Mines & Geosciences Bureau (2016) na
naglathalang tumaginting sa P208.9 bilyon ang kabuuang halagang makukuha sa
pagmimina sa bansa (gross production value in mining).
26
Hindi rin matatawaran ang yaman ng bansa pagdating sa industriya ng
agrikultura. Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA (2014), 9.67 milyong ektarya
ang kabuuang lupang agrikultural ng Pilipinas – 4.93 milyon nito ay arable, 4.22 nito ay
ang tinataniman. Gayunpaman, kahit sa lawak ng potensyal ng agrikultura sa bansa,
tinukoy ng PSA (2015) na nag-ambag lamang ito ng P712 milyon (Gross Value Added)
sa total na $284.78 bilyon na gross domestic product (GDP) (World Bank, 2016). Nasa
sektor na ito ang humigit-kumulang 11.8 milyong manggagawa at magsasaka.
Pinakamabunga ay ang palay na nagprodyus ng 18.97 milyong metro tonelada noong
2002, habang 0.17 milyong metro tonelada naman ang tubo (PSA, 2014).
Kahit sa bansag na mega-biodiverse ang Pilipinas dahil sa pagkakaroon nito ng
kalakhan ng species ng mundo (Convention on Biological Diversity, w. p.), hindi ito
nakikita sa estadistika ng ekonomya ng bansa. Dagdag pa nina Habito at Briones (2005),
hindi totoong nakasandig sa agrikultura ang bansa dahil dalawampung bahagdan lamang
ang inambag nito sa GDP habang patuloy itong bumabagsak sa pagdaan ng panahon.
Bumabawi naman ito sa lakas-paggawa dahil sangkatlo ito ng pwersang paggawa ng
bansa.
Taliwas ang nasabi sa libro ni Guerrero (1970) na pinakamarami sa lipunang
Pilipino, kahit sa pagdaan ng panahon, ang mga magsasaka bilang uring panlipunan –
kasama na ang kababaihang pesante, katutubo, manggagawang-bukid, at manggagawang
agrikultural. Ayon sa pagsusuri ni Guerrero, nahahati pa sa tatlong saray ang uring
magsasaka – mayaman, panggitna, at maralita. Dahil sa pananatili ng lipunang
malakolonyal at malapyudal, nananatili rin ang relatibong bilang ng mga magsasaka.
Ang malapyudal na katangian ng bansa ay itinatakda ng pamamayani ng
historikal na problema ng monopolyo sa lupa ng iilang tao mula pa noong panahon ng
mga Espanyol, at ng pagkakamal ng kita ng mga dayuhang korporasyon sa ani ng mga
magsasaka. Ibigsabihin, ang atrasadong pagsasaka sa Pilipinas ay nagiging lunsaran ng
mga dayuhang korporasyon o ng mga kolonyalista upang makakuha ng hilaw na
materyales gamit ang murang lakas-paggawa. Samantala, ang pagiging malakolonyal ng
bansa naman ay tinatakda ng pabalat-bungang pahayag ng kalayaan ng bansa ngunit
27
nasisigurado pa rin ng Estados Unidos ang ekonomya, politika, kultural, militar, at
ugnayang panlabas ng Pilipinas sa paraan ng mga ‘di-pantay na tratado ayon sa interes
din ng mga lokal na naghaharing-uri (Guerrero, 1970). Sinusuportahan ito ni Peregrino
Taruc (1981) na inilarawan ang uring pesante, na siyang pinakamarami sa lipunan, ng
iba’t ibang bansa bilang palagi’t laging ninanakawan ng kapangyarihang pampolitika na
siyang nagdudulot ng kahirapan. Ito ang nagtutulak sa mga magsasaka upang maglunsad
ng rebolusyon laban sa dayuhang dominasyon at pananamantala. Dahil dito,
pinakatinutugis ang uring magsasaka, na pinakamalawak na sektor, ng mga pwersa ng
estado dahil sa pangunguna ng iba’t ibang organisasyon ng pesante sa kilusan para sa
lupa (Petras & Eastman-Abaya, 2006).
Ang Kalsada ng Naghakot: Agrikultura, Monokultura,
at ang Pandaigdigang Merkado
Malaki ang epekto ng mga polisiya at patakarang agrikultural sa buhay ng mga
manggagawang-bukid at magsasaka dahil ito ang nagtatakda ng dinamismo ng kanilang
kabuhayan.
Ang kasaysayan ng agrikultura sa mundo ay pinamumunuan ng tradisyunal na
pamamaraan kung saan umiikot ang pagtatanim ng iba’t ibang halaman upang mapalitan
ang sustansya sa lupa. Ito ay nakitang pinakaproduktibo; kahit dalawang taong
magkasunod lamang na pagtatanim ng parehong pananim sa parehong lupain ay mas
mababa na ang ani. Pinagpapahinga naman ang lupa matapos ang ilang taon ng paggamit,
na siyentipikong pinapanumbalik ang mga nawalang sustansya (Madeley, 2002). Ang
pinakamaagang ebidensya ng agrikultura ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya
kung saan nabakas ang kultibasyon ng mga piling malalaking binhi. Matapos nito
umusbong ang walong pananim na tinuturing bilang nagtatag ng agrikultura ng mundo:
emmer at einkorn wheat, barley, peas, lentils, bitter vetch, chickpeas, at flax. Trigo ang
unang kinultiba nang malawakan (New World Encyclopedia, 2015).
Kahit sa panahon ng pag-usbong ng rebolusyong industriyal, nanatiling
produktibo ang tradisyunal na agrikultura. Sumailalim sa mekanisasyon ang mga
sakahan, at mas sumandig ang tipo ng agrikulturang para sa pangkonsumo ng mga
28
bagong industrialisadong bayan. Nagbago ito mula sa Hilagang Amerika sa pagtatanim
ng mais at iba’t ibang klase ng butil. Imbis na umikot ang pagtatanim, pumailalim ang
sistemang agrikultural sa monocropping (Madeley, 2002).
Ang monocropping ay isang praktikang agrikultural na nagtatakdang iisa lamang
ang pananim na itatanim sa parsel ng lupa nang paulit-ulit sa bawat taon. Mas akma ang
gantong sistema sa paglago ng pagsasaka bilang para sa tubo at hindi na para sa
kabuhayan (GRACE Communications Foundation, w. p.).
Dahil sa umuusbong na padrinong ito sa agrikultura, tinungo ang landas ng
pagpaparami ng ani ng pagkain man o ibang pananim, isinulong ng Green Revolution4
ang paggamit ng high yielding varieties (HYVs) na gumagamit ng kemikal na pataba at
nangangailangan ng mekanisasyon ng agrikultura. Ipinakita ng mga kasabwat na
gobyerno at korporasyong nagmamanupaktura ng kemikal na pataba kung papaano
pinapalakas ng gantong sistema ang produksyon at pinapataas ang kita. Binigyang
subsidiyo ang paggamit ng gantong varayti kaya lumipat ang mga magsasaka sa paggamit
nito. Gayunpaman, sa pagdaan ng panahon, naging bulnerable ang mga magsasaka sa
peste, sakit, salik ng klima, at pagbabago ng presyong pandaigdigan (Khatana & Kumar,
2000). Bukod sa pangangailangan ng paggamit ng maraming pestisidyo at pataba para
mamaksimisa ang bawat anihan, lumiliit ang pangangailangan nito sa manwal na
paggawa dahil sa espesyalisasyon nito at mekanisasyon (Madeley, 2002). Tumataas din
ang panganib ng sakit ng halaman at isahang pagbagsak ng malalawak na taniman.
Nagkakaroon din ng isyu sa kalusugan ng lupa dahil mabilis masipsip ang sustansya nito
kung iisang pananim lamang ang mananatili sa mahabang panahon. Kasama ang
pagbomba ng maraming pestisidyo, bumibilis ang pagkasira ng lupa (Haspel, 2014).
Nang kumalat ito sa Europa, ipinatupad nito ang pagmo-monocrop sa kanyang
__________
4 Noong 1965-1986, nilunsad ng diktador na si Ferdinand Marcos ang isang programang pang-agrikultura na
nakapokus sa pagpapataas ng ani ng bigas sa buong bansa. Sa panahong ito natayo ang International Rice
Research Institute sa tulong ng Rockellefer at Ford Foundation. Bagaman tumaas ang per capita income,
nagkaroon ng sarplas ng bigas, at bumaba ang presyo ng bigas sa merkado, tanging naging epekto ng Gree
Revolution ay ang pagyaman ng mayayaman at pagkahirap ng mahihirap dahil sa hindi paglutas sa batayang
problema sa kawalan ng lupa at ‘di pagkakapantay-pantay (Reyes, 2016).
29
mga kolonya upang magtanim ng cash crops. Ginamit nito ang mga bansa sa Ikatlong
Mundo upang pagkunan ng murang hilaw na materyales sa pinakamurang lakas-paggawa
(Madeley, 2002). Ibinaling ang maraming lupain upang pagtamnan ng mais, kape, asukal,
tsaa, at saging. Ilan man dito ay pangkain, lahat ng ito ay para lamang maipadala sa
ibayong dagat. Sa pagiging pangunahin ng pagtatanim para pang-eksport, naaagrabyado
ang mga lipunang nakaasa sa agrikulturang pangsariling konsumo. Kahit napatupad na
ang nagpapabangong Green Revolution, pinalala lamang ng HYVs ang pagitan ng
mayayamang magsasaka, o nagpapasaka, at ng mga maralitang magsasaka (Khatana &
Kumar, 2000). Tuwing babagsak ang merkado ng ilang produkto, napipilitan ang mga
magsasakang ibenta ang kanilang produkto sa mas mababang halaga.
Nagpalala pa sa sitwasyon ng mga magsasaka’t manggagawang bukid ay ang
pagpasok ng mga dayuhang korporasyon sa lupaing agrikultural ng bansa. Ayon sa IBON
(2014), may-sala ang Dole Philippines, Inc. sa pagkawala ng pinagkukunan ng pagkain
ng mga magsasaka ng Polomolok, South Cotabato tulad ng bigas, mais at kamote dahil sa
pagpapalit-tanim nito sa 16,944 ektaryang lupain tungong pinya. Kinailangan ng
Polomolok na mag-angkat ng bigas, samantalang ang bilang ng mga walang trabaho ay
umabot sa higit kalahati ng populasyon.
Ipinilit ng Europa, at ng ibang mananakop na Kanluraning bansa, ang
monocropping sa kanilang mga kolonya at neokolonya. Ilan sa mga produkto na
pinatanim nila ay kape, kokoa, asukal, tsaa at saging. Nahati ang Ikatlong Mundo sa
dalawang panig: ang isa ay piniling gumamit ng maraming input sa pagtatanim imbis na
ipagpatuloy ang nakasanayang agrikutura dahil mas madali ito; ang isa ay nilagay sa
pedestal ang agrikultura ng Kanluran bilang moderno at ipinagpatuloy ito pag-alis ng
mga kolonyalista; at ang natira ay nanatili sa nakasanayang sistema dahil hindi nila
kayang bilhin ang mga input (Madeley, 2002).
Ang pagbaba ng antas ng saribuhay (biodiversity) ay magkakapit-atay sa kultural
na katangiang nangangalaga rito. Ibigsabihin, nasa panganib din ang mga taong
nagtataguyod ng natural na saribuhay sa pagmomonopolisa ng species ng halaman at
hayop. Sa harap nito ay an Estados Unidos na nagpapairal ng industrialisadong
agrikultura na gumagamit ng monokultura (Jacques & Jacques, 2012).
30
Sa sitwasyon ng mga tubuhan sa Negros, nanatili ang monokultura ng tubo kahit
matapos ang pagbagsak ng industriya ng asukal noong 1980. Ang kontrol naman sa mga
tubuhan ay nasa kamay pa rin ng mga asyendero. Tuwirang nakasandig ang kabuhayan
ng mga manggagawang-bukid sa sweldong nakukuha nila sa pangangasama –
napapanganib ang seguridad nila sa pagkain dahil dito (REAP-Canada, w. p.).
Sinusuportahan ito ng datos na nakalap ng ilang estudyanteng nagsagawa ng pananaliksik
tungkol sa sahod at benepisyo ng mga manggagawa sa asukal. Halimbawa, sa Barangay
Washington, Escalante ay pinagbabawal ng asyendero ang pagtatanim ng hindi tubo sa
inaangkin niyang lupain. Sa gayon, walang magawa ang mga manggagawang-bukid
kundi umasa sa produksyon ng tubo para sa pang-araw-araw (Arada, Besana & Dayrit,
2016).
Hindi natatapos sa tubuhan ang kontrol at pagsasakapangyarihan ng mga
asyendero sa buhay ng mga manggagawang-bukid. Hindi nakakapagtaka na ang mga
yumaman dahil sa asukal ay sila ring dumodomina sa politikal na mundo ng Negros. Sa
katuyan, ang pagkakaroon din ng posisyon sa lokal na gobyerno ay nagpapalakas sa kani-
kanilang asyenda at sa iba pang negosyong naipundar sa haba ng panahon (Mariveles,
2014).
31
V. METODOLOHIYA
Layunin ng
Pananaliksik
Instrumento ng
Pangangalap ng
Datos
Paggamit sa Pag-
aaral
Instrumento ng
Pag-aanalisa ng
Datos
ALAMIN ang
kasaysayan ng
dominasyon ng
tubuhan sa Negros
Occidental,
partikular sa
Hacienda Regalado
at Hacienda Perez,
Murcia
Key Informant
Interview
Secondary Data
Gathering
Document Review
Participant
Observation
Case Study
Oral History
Susuhayan ng
paglalahad sa mismong
mga komunidad ang
sekondaryang
pangangalap ng datos
upang maging
nakakonteksto ito sa
realidad ng
mamamayan sa pag-
iral ng monokultura ng
tubo sa kanilang lugar
Critical Discourse
Narrative
Reporting
Content Analysis
Cross-case
Analysis
TUKUYIN ang
ekonomikong
kapasidad ng mga
manggagawang-
bukid sa mga
tubuhan
Focus Group
Discussion
Key Informant
Interview
Case Study
Oral History
Maghahanda ang
mananaliksik ng mga
obhetibong tanong
upang sistematikong
mailatag ang
ekonomikong
kapasidad ng mga
manggagawang-bukid
sa konteksto ng
limitasyon ng
pamamalakad pang-
agrikultura
Critical Discourse
Narrative
Reporting
Cross-case
Analysis
TUKUYIN ang
pampolitikang
paglahok at
kakayahan ng mga
Focus Group
Discussion
Key Informant
Interview
Sa diskusyon kasama
ang mga mamamayan
ng komunidad ay
matutukoy ang antas
Critical Discourse
Narrative
Reporting
Cross-case
Analysis
32
manggagawang-
bukid sa mga
tubuhan
Participant
Observation
Case Study
Oral History
ng pampolitikang
paglahok nila, at ang
mga limitasyong
tinataguyod ng
patakarang agraryo at
agrikultural na umiiral
ALAMIN ang
ugnayan ng
monokultura ng tubo
sa ekonomikong
kapasidad at
pampolitikang
paglahok ng mga
manggagawang-
bukid
Focus Group
Discussion
Secondary Data
Gathering
Participant
Observation
Case Study
Oral History
Kaugnay ng binubuong
larawan ng kasaysayan
ng lupa at magbubukid,
esensyal ang
pakikipamuhay sa
komunidad upang
matukoy ang ugnayan
ng monokultura ng
tubo sa kanilang
ekonomiko at politikal
na pamumuhay
Critical Discourse
Concept
Development
Analysis
Narrative
Reporting
Grounded Theory
Sa pagtutukoy ng naaangkop na mga instrumento ng pangangalap ng datos at
instrumento ng pag-aanalisa ng datos, hindi gumagawa ang mananaliksik ng malilinaw na
linya ng pagkakaiba; bagkus, maaaring maging nakapaloob ang isang instrumento sa mas
malaking instrumento. Malawak din ang mga obhetibo ng pananaliksik kung kaya’t
nakapaloob ang kalakhan sa iisa o iilang instrumento. Ang daloy ng diskusyon ay mula sa
pinakamalawak na intrumento hanggang sa pinakaespesipiko.
Layuning gamitin ng pag-aaral na nito ang participatory action research (PAR)
bilang porma ng pananaliksik. Ang PAR ay nakaturol sa paggawa ng aksyon base sa
nakalap na datos. Mula sa aksyon na ito naman nanggagaling ang susunod na pag-
aaralan. Binibigyang-puwang din nito ang papel ng kapangyarihan sa pananaliksik –
33
inaarmasan nito ang mga paksa ng pananaliksik upang sila mismo ang magtanong at
manaliksik tungkol sa kanilang kalagayan (Baum, MacDougall & Smith, 2006).
Pinapasok ng mismong paksa ang kanyang pananaw sa pagharap sa mga penomenon ng
buhay, at sa pangangailangan ng pagkwestyon sa nakasanayang pamamaraan ng pag-
aaral ng mga komunidad (Bergold & Thomas, 2012). Binubura ng PAR ang linya sa
pagitan ng mananaliksik at pinag-aaralan. Ito ay upang bigyan-kapangyarihan ang
komunidad na pinagsasaliksikan na alamin nang mas malalim ang kanilang sitwasyon, at
mula rito ay gumawa ng aksyon (Baum, MacDougall & Smith, 2006). Sa gayon, ang
mananaliksik ay isang instrumento lamang sa sariling pagpapaunlad ng mga komunidad.
Malalim ang balon ng karunungang hinahalawan ng participatory action research
sa panlipunang dibuho ni Paulo Freire (1970/2005) na “Pedagogy of the Oppressed.”
Ang postkolonyal na atake ni Freire ay naninindigan na ang tunay na edukasyon ay
makakamit lamang sa pagbasag ng konsepto na may pagtatangi sa guro at mag-aaral
dahil kapwa entidad ay nagtuturuan, at walang may monopolyo sa katotohanan. Ang
hinahapag niyang tipo ng edukasyon ay nakatuon sa pagpapalaya ng naaapi sa paraan ng
konkretong aksyon. Sa paraan naman ng dayalogo napupunan ng bawat isa ang
kakulangan sa kanya – sa gayon, kapit-bisig na maaaring sumulong ang tao tungo sa
pagkakompleto. Ang edukasyong dumaraan sa dayalogo ay demokratiko dahil hindi
lamang isa ang nakikinabang kundi ang lahat ng sangkot. Sa buong proseso ay
nangagailangan ng repleksyon at aksyon upang umabante, at hinding hindi
mapaghihiwalay. Ang ‘praxis’ na ito ay inaanak ang isang tipo ng kamalayan na kritikal
sa pagtingin sa lipunan bilang buong-panahong nagbabago. Sa gayon, nagiging
mapanlikha ang may bitbit ng gantong pag-iisip sa pagharap ng mga kontradiksyon
(Baum, MacDougall & Smith, 2006). At ang transpormasyong panlipunang ito ang
pinakasusi sa pagpapatuloy ng edukasyon.
Pinili ng mananaliksik ang PAR dahil sa payak na hangarin nitong makapag-
ambag sa paghahanap ng sagot at solusyon sa isyu ng monokultura ng tubo, lalo na sa
komunidad na pag-aaralan. Angkop ang participatory action research sa isang mag-aaral
ng Araling Pangkaunlaran dahil sa natatanging katangian nitong palakasin ang mismong
mga sangkot upang kumilos. Sa mismong pag-aaral din ay nababagay ang pamamaraang
34
ito dahil sinisigurado nito, sa walang-putol na ugnayan sa komunidad, na nasa konteksto
ng karanasan ng mga apektado ng monokultura ng tubo sa matagal na panahon ang
lilitaw – isang bagay na hindi makakamit ng dayuhang mananaliksik.
Sa konstruksyon ng metodolohiya sa ilalim ng participatory action research,
hindi takda ang binibigay ng mananaliksik dahil nais nitong isama sa proseso ng paglikha
ng kaalaman ang mismong kalahok sa pananaliksik (subject) (Bergold & Thomas, 2012).
Gayunpaman, hindi nalalayo ang mga gagamiting instrumento sa mga nabuo nang
kalitatibong pamamaraan. Ang karaniwang padrino nito ay tulad ng isang ipo-ipo –
nagpapatuloy na pagpaplano, pagsasagawa ng plano, pag-oobserba, paghihinuha, at
muling pagpaplano (McTaggart, 1989).
Nais ng disenyo nito na tuklasin na mas malalim ang mga bagay sa perspektiba ng
isang indibidwal o grupo – ang kinukuhang ideya ay ang buhay na karanasan ng mga
nasa komunidad. Hindi nito layuning kontrolin ang mga salik o hulaan ang sunod na
penomenon. Hindi maaaring baguhin ng mananaliksik ang opinyon o kondisyon ng
kalahok sa pananaliksik dahil ang danas na nais makuha ng participatory action research
ay ang malalim na karanasan ng mga nakaranas ng tinutukoy na penomena (MacDonald,
2012).
Pundamental sa paggamit ng participatory action research ang pagtataguyod ng
demokrasya sa pagitan ng mananaliksik at komunidad. Ibigsabihin, nais nitong isama ang
apektadong komunidad sa monokultura ng tubo sa mismong pagtutuklas ng katotohanan
upang masalamin ng magiging resulta ng pag-aaral ang boses nila (Bergold & Thomas,
2012). Sa proseso na ito, maaaring magtunggali ang pananaw at interpretasyon ng
mananaliksik at komunidad dahil sa nagkakaibang konteksto (Baum, MacDougall &
Smith, 2006).
Relatibong malawak na ang gumagamit ng participatory action research bilang
metodolohiya. Halimbawa ay sa larangan ng sikolohikal na kalusugan kung saan ang
mismong mga nag-iinterbyu sa mga may kapansanan ay mga kapwa may kapansanan din.
Sa pananaliksik nina Barbara Schneider, et al. (2004), ang mga pasyenteng may
schizophrenia ang namili ng tapik na gusto nilang palalimin, at sila rin ang nagtukoy ng
35
instrumento kung paano ito pag-aaralan. Matapos ang pakikipanayam sa isa’t isa,
pinresenta ng mga pasyente ang resulta at kanilang rekomendasyon ukol sa paraan kung
papaano sila dapat pakitunguhan ng mga propesyunal pangmedikal gamit ang sining ng
teatro. Binanggit ng pag-aaral na mahalaga ang magandang komunikasyon sa pagitan ng
pasyente at propesyunal pangmedikal upang umunlad ang pagpapagamot ng nauna.
Nakamit ito sa pag-intindi ng kaso ng mga pasyente mula mismo sa kanila, at pagsali sa
kanila sa pagdedesisyon kung paano sila aalagaan.
Sa larangan naman ng araling panlipunan, isang halimbawa ay ang isinagawang
pag-aaral sa kabataang manggagawa (mas bata sa edad 18) sa Bogota, Columbia kung
saan ipinaintindi ng mga mananaliksik ang kapangyarihan ng kabataan bilang lehitimong
may kakayahan sa paggawa, at lalo na sa pagpapaunlad ng alternatibo sa
mapanamantalang obhetibong kondisyong kinahaharap nila (Krimerman, 2001). Resulta
ani ng mananaliksik ay sa loob ng ilang buwan ay nag-organisa ang kabataang
manggagawa ng samahan nila sa hangarin ng gumawa ng industriyang silang mga
manggagawa ang papanday.
Sa Pilipinas, nagsagawa ang Resistance and Solidarity Against Agrochemical
Transnational Corporations (RESIST) (2006) ng isang pananaliksik sa San Jose del
Monte, Bulacan upang tukuyin ang epekto ng malakas na paggamit ng Persistent
Organic Pollutants (POPs) sa mga komunidad ng pesante. Mismong mga lider ng mga
lokal na samahan, kasama ng ilang tauhan ng RESIST, ang nagsagawa ng mga key
informant interview, sarbey, at nakapokus na grupong diskusyon sa kanilang mga
komunidad. Sa gantong proseso, napalawak ang kaalaman ng mismong mga magsasaka
sa POPs habang pinapalakas naman ang kakayahan nila upang mag-organisa at
magsagawa ng nababagay na aksyon depende sa kalalabasan ng mga aktibidad. Ayon sa
RESIST, ang “farmer-to-farmer” approach na ito ay napatunayan na nilang mas epektibo
at sustenable dahil nakabatay ito sa pagpapalakas ng mga komunidad upang harapin ang
isyu.
Napakaakma ng paggamit ng participatory action research sa isyung tulad ng
monokultura ng tubo at ang pampolitikang ekonomyang dulot nito dahil sa mahalagang
konteksto ng kasaysayan sa pag-aaral. Dahil sa primaryang papel ng komunidad sa
36
pagbuo ng pag-aaral, ang tamang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay magbubunga ng
tamang repleksyon ng perspektiba ng komunidad hinggil sa isyu, at lalo na sa resolusyon.
Minabuti ng mananaliksik ang mahigpit na pakikipagtulungan sa National
Federation of Sugar Workers, o NFSW, bilang isang natatanging organisasyon ng mga
manggagawang-bukid sa buong Negros Occidental upang makapag-ugnay sa mga erya na
lulubugan. Ang desisyong ito ay nagmumula sa personal na karanasan ng mananaliksik
kasama ang NFSW kung saan, kasama ang iba pang delegado ng programa ng Araling
Pangkaunlaran ng UP Manila, lumikha ng pangkalahatang pagsusuri ukol sa kalagayan
ng mga manggagawang-bukid sa Negros Occidental1. Ang pag-aaral na ito’y nagpokus
naman sa Social Amelioration Program at ang pagpatupad nito sa mga erya ng mga
manggagawa sa asukal.
Bilang nakalubog na sa limitadong oras ang mananaliksik, nagbigay ito ng
suhestiyon sa maaaring maging eryang paglulunsaran ng pag-aaral. Sa una’y ang
itinakdang erya ay sa Barangay Washington, Escalante City dahil ayon sa datos ng
pananaliksik nina Arada, Besana, at Dayrit (2016), doon relatibong malakas ang paninira
sa kabuhayan ng mga manggagawang-bukid sa aspetong ekonomya at politika –
napakababa ng pasahod, militarisasyon, pagkakaso sa mga manggagawa, at ‘di-pantay na
pasahod sa lalaki at babae.
Napagpatuloy ng mananaliksik ang ugnayan sa NFSW sa ikalawang hati ng taong
2016 upang maipaabot ang pagnanais na bumalik sa Negros Occidental para isagawa ang
tesis, at ang unang planong eryang pokus sa Barangay Washington. Naging maayos ang
usapan at mistulang walang problema sa magiging kondukta. Sa inisyal na disenyo ng
paggawa ng tesis, nagkasundo ang mananaliksik at isa pang mananaliksik na sabay na
pumunta sa Negros Occidental para sa tesis. Ang kasunduan ay mutual na pagtatrabaho –
tulungan sa pangangalap ng datos. Sa pagdating ng panahon ng pangangalap ng datos,
dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, hindi natuloy ng pagpunta sa erya sa Barangay
__________
1 parte ng programa ang practicum kung saan tumutungo sa iba’t ibang probinsya ang mga mag-aaral upang
maging kabahagi ng mga komunidad
37
Washington sa inisyal na iskedyul. Sa una’y Disyembre 25 ang tinakdang pagpunta ng
mga mananaliksik sa erya, ngunit, dahil sa pagtatasa na masyado na itong huli, nagbigay-
suhestiyon na agahan ito sa Disyembre 18 o 19. Ang unang petsa ay ang pambansang
tanggapan ng NFSW ang nag-asikaso, samantalang ang pagbabago ay ipinaabot ng
mananaliksik, na may permiso ng pambansang tanggapan, direkta sa NFSW-Far North
(kinabibilangan ng tanggapan ng yunit ng Escalante). Dahil sa sinasabing
miskoordinasyon ng dalawang tanggapan, hindi na pumayag ang NFSW-Far North na
tanggapin ang mga mananaliksik. Mabuting linawin na matagal nang nagpaabot ng
pagnanais na pumunta sa Brgy. Washington ang mananaliksik, at ito ay sinang-ayunan
naman ng NFSW. Hanggang sa unang araw ng pagbalik ng mananaliksik sa Bacolod,
Negros Occidental noong Disyembre 10, nagkausap pa ang mananaliksik at isang taga-
Washington ukol sa pangangalap ng datos. Ayon sa nakausap, nasabi na rin sa kanila na
may pupunta sa kanila upang magsaliksik.
Sa harap ng gantong suliranin sa koordinasyon, naghanda ang mananaliksik
upang subukang ayusin ang pagpunta sa erya, ngunit binubuksan ang posibilidad na
ibahin ang erya upang maksimisahin ang nalalabing oras sa probinsya. Dito nabuo ang
bagong disenyo na sa Murcia na lamang pumunta ang mga mananaliksik dahil sa lapit
nito sa pambansang tanggapan ng NFSW, at ito ay eryang direktang pumapaloob sa
pambansang tanggapan ng NFSW kaya magiging mas mabilis ang proseso. Sa dulo, hindi
na nagkaroon ng usad ang pag-uusap sa Escalante. Upang makapagpatuloy ang
pananaliksik, minabuti ng NFSW na kambuyuhan ang paglulunsaran sa mga eryang
direktang napapatnubayan ng sentrong opisina. Ang hinapag na mga erya ay nasa
Murcia: ang Hacienda Regalado at Hacienda Perez. Ang nauna’y napuntahan na ng
mananaliksik kasama ng kanyang mga kamiyembro sa practicum program ng
Development Studies, samantalang ang nahuli naman ay napuntahan na ng naunang
grupo ng mga mag-aaral ng Development Studies. Dahil sa kakulangan ng oras, at
kagandahan na rin ng oportunidad, ay tinanggap na ito ng mananaliksik bilang
kinakailangang pakikibagay.
Pangunahing instrumento ng pangangalap ng datos na gagamitin ng mananaliksik
ay kasong pag-aaral2 (case study) sa ilang asyenda o aryendo sa Murcia, Negros
38
Occidental. Ang paggamit ng kasong pag-aaral ay nalilimita sa mga piling hangganan
upang makonsentra ang pagbuo ng isang konsepto ayon sa paksa (Simbulan, 2008).
Kaugnay nito ang obserbasyong pakikilahok3 (participant observation) sa pangangalap
ng datos. Makikibahagi ang mananaliksik sa araw-araw na gawain ng mga nakapaloob sa
kasong pag-aaral – sa kasong ito, isang komunidad ng mga manggagawang-bukid ang
papalooban.
Inaalam ng kasong pag-aaral ang detalyadong istorya ng isang komunidad at
inaalam kung bakit nangyayari ang mga penomenon. Sa malalim na pag-aanalisa ng
isang komunidad maaaring makita ang pagsalamin nito sa mas malaking kontekstong
kinapapalooban nito (Simbulan, 2008). Sa gayon, ang mga aral na mahihinuha mula sa
mga kaso ay maaaring gamitin sa iba pang laranga’t kaso. Napipiga mula sa mga kaso
ang ilang dibuho ng pangyayaring sosyal na ayon sa dinamismo at kaayusan nito.
Nakikita na ang isang kaso ay produkto ng iba’t ibang konteksto nito – politikal,
pangkabuhayan, kultural, pilosopikal, organisasyunal, at iba pa (Mabry, 2012).
Tinutukoy ng artikulo ni Mabry (2012) ang tatlong pamamaraan na akma sa
kasong pag-aaral: (1) obserbasyon, (2) panayam, at (3) rebyu ng mga dokumento. Ang
unang dalawa ay bukas sa mga pagbabago, lalo na sa mga tapik na hindi pinaghandaan
bago ang mismong pakikisalamuha. Ang direktang obserbasyon at nakikibagay na
panayam ay mahalaga upang mapalabas ang mga hindi pa nalalaman tungkol sa paksa,
imbis na tutuunan ng pansin ng mananaliksik ang yari nang interpretasyon ng realidad.
Sensitibo ang kasong pag-aaral sa umuusbong na disenyo at padrino (emergent design
and pattern) upang mapaliwanag ang mga penomenon ng komunidad. Para sa isang pag-
aaral na maraming kaso, mas nakikita ang mga katangiang nagkakapareho kaya mabunga
ito sa heneralisasyon ng datos (Fletcher, MacPhee & Dickson, 2015).
Halimbawa ng aplikasyon ng kasong pag-aaral gamit ang participatory action
research ay ang Leadership in Health Systems Redesign (LHSR) Project sa Canada.
__________
2 mula sa salin at paggamit ni Roland Simbulan, Manwal sa Panlipunang Pananaliksik (2008).
3 mula sa salin at paggamit ni Roland Simbulan, Manwal sa Panlipunang Pananaliksik (2008).
39
Bawat rehiyon ay nagsilbing kaso, kasama na ang nasyunal na lebel. Bawat rehiyon
naman ay may espesipikong tinutuklas, tulad na lamang sa Central Region na nakapokus
sa pag-ibayo ng Family Health Teams at Nurse Practitioner Clinics. Sa loob ng dalawang
taon, napag-alaman na hindi naipapaabot nang maayos sa lider sa lokal ang programang
pangkalusugan ngunit sa proseso ng pagtatanong ng mananaliksik ay naging mas
malinaw ito sa komunidad. Ayon din sa mga nakapanayam ay nakatulong ang
pananaliksik sa kritikal na pagtanaw ng mga lider, at sa paghahasa ng liderato nila
(Fletcher, MacPhee & Dickson, 2015).
Ang paggamit lamang nito sa pananaliksik ay lilimitahan ng mananaliksik sa
empirikong pangangalap ng datos, at hindi tatagos sa pangangalap ng sekondaryang datos
dahil sa limitasyon ng dokumento tungkol sa Murcia. Base sa numero ng kabahayan o
pamilya sa tutukuying mga komunidad, animnapung bahagdan, o 60%, ang sisikaping
kapanayamin ng mananaliksik upang maging katanggap-tanggap ang lalamanin ng pag-
aaral. Sa numerong ito ay maaaring makasama na rin ang mga nagmamay-ari ng lupa o
‘di kaya’y umaangkin sa lupain. Ang pagtutukoy naman ng mga indibidwal na kalahok sa
pananaliksik ay susunod sa purposive sampling na sinasabing base sa pamantayan ng
mananaliksik ang pagpili sa kanila na madalas ay ayon sa pagiging eksperto sa isyung
tatalakayin (Jupp, 2011).
Halimbawa ng paggamit ng purposive sampling ay sa pag-aaral ni Zozobrado-
Sorino (2007) ukol sa standard errors ng pagbabago ng presyo ng mga produkto sa
Philippine Consumer Price Index4 (CPI). Gumamit ang mananaliksik ng purposive
sampling sa pagpili ng awtlet at produkto na pepresyuhan base sa mga tinakdang
pamantayan. Pinagtatambal ang mga napiling sample ng presyo ng mga kasali sa basket
of goods ng isang tipikal na pamilyang Pilipino, at ang multi-stage samples ng Family
Income and Expenditure Survey (FIES) na pinapakita ang padrino ng pagkonsumo upang
makuha ang variance estimate ng CPI.
Ang mga kasong tututukan ng mananaliksik ay dalawa: ang Hacienda Regalado
__________
4 opisyal na ginagamit na panukat ng inflation sa Pilipinas na kinukuha batay sa buwanang sarbey ng presyo ng
mga produktong nasa fixed basket of goods and services na karaniwang binibili ng pamilyang Pilipino
40
at Hacienda Perez na pareho’y matatagpuan sa bayan ng Murcia, Negros Occidental.
Ang total na populasyon ng mga manggagawa sa Hacienda Regalado ay labingwalo (18),
samantalang sa Hacienda Perez naman ay walumpu’t dalawa (82) ang total na bilang ng
mga obrero. Gamit ang purposive sampling, ang minimum na hangad na makalap na
datos ng mananaliksik ay manggagaling sa 60% ng 18 at 60% ng 82 na mga
manggagawang-bukid sa parehong asyenda. Minabuti ng mananaliksik na paliitin ang
bilang ng mga kakapanayamin sa Hacienda Perez sa lohikal na paraan dahil sa
kakulangan ng panahon at kahirapan sa pagtitipon. Sa gayon, ang gagamiting numero ng
mananaliksik ay ang total na bilang ng mga bahay (household) na nagtatrabaho sa
asyenda upang marepresenta ang pinakamalawak na maaaring makalahok sa pag-aaral.
Sa kasong ito, ang tinukoy na bilang ng mga kalahok mula sa Hacienda Perez ay total na
54 na pamilya.
Mga Kaso
Total na Bilang ng mga
Manggagawang-Bukid (n)
Minumum na Bilang
ng Kalahok (n x 0.6)
Hacienda Regalado 18 10.8 11
Hacienda Perez 54 32.4 32
Sa gayon, ang minimum na dapat makuhang datos ng mananaliksik ay mula sa 11
na indibidwal mula sa Hacienda Regalado, at 32 na indibidwal mula sa magkakaibang
pamilya mula sa Hacienda Perez.
Sinasakop ng kasong pag-aaral ang konteksto ng mga susunod na instrumento sa
pangangalap ng datos.
Ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga tubuhan ay papangunahan ng
sekondaryang datos sa kasaysayan ng mga asyenda’t aryendo sa Pilipinas. Pinili ito ng
mananaliksik dahil sa relatibong yaman ng literatura sa kasaysayan. Gayunpaman,
lalangkapan ito ng on-sayt na diskusyon upang makompara ang karanasan ng
41
komunidad sa mga nakatala sa nakasulat na kasaysayan. Magsasagawa ang mananaliksik
ng key informant interview upang alamin ang kasaysayan ng Hacienda Regalado at
Hacienda Perez, kasama na ng instrumentong kasaysayang pasalita5 (oral history). Sa
pangangalap gamit ang kasaysayang pasalita, bubuuin ng mananaliksik ang kasaysayan
ng mga indibidwal na pamilya o ng mismong asyendang kinabibilangan nila habang
nakikipamuhay sa kanila upang masagot din ang epekto ng dominasyon ng tubuhan sa
komunidad. Sa gayon, magiging mas maluwag at madulas ang pakikipagpalitan ng
impormasyon.
Kailangang linawin na ang kasaysayang pasalita ay hindi makaisang-panig
lamang; bagkus, ito ay isang dayalogo. Ang proseso nito ay may respeto sa mga aspeto
ng nakaraan na tingin ng mga nagsasalita ay importante na ilahad. Kahit na lalabas sa
porma ng dayalogo ay mayroong nagtatanong at sumasagot, may danas pa rin ang
proseso ng bias sa parte ng nagtatanong dahil sa banyagang konteksto niya na magtutulak
sa magiging sagot o paraan ng pagsagot ng kinakausap (Shopes, 2002). Ang kahinaan
nito ay ang suhetibong katangian nito dahil sa pagiging personal ngunit ito rin ang
kalakasan ng paggamit nito dahil nakalangkap na sa mga pahayag ang malalim na
kontekstong pinanggagalingan ng mga tao. Binibigyang-boses din nito ang mga taong
madalas ay tinatanggal sa mga kumbensyunal na pahayagan o aklat (University of
Leicester, 2015).
Nais ng mananaliksik na bigyang pagpapahalaga ang kababaihan sa paglikha ng
kasaysayan kaya tutuunin nitong konsolidahin din ang kanilang mga istorya, at
pagpapasok sa kanila sa mga talakayan. Akma ang kalitatibong pananaliksik upang
malaman ang ugat ng ‘di-pantay na turing sa kababaihan dahil nakapokus ito sa malalim
na konteksto ng datos at interpretasyon ng mga kalahok sa pananaliksik (Maynard, 2004).
Isang kahirapan na kailangang puntuhan ay ang nagkakaibang kultura at
lenggwahe ng komunidad at ng mananaliksik. Hindi maiiwasan ang pangangailangan ng
__________
5 mula sa salin at paggamit ni Roland Simbulan, Manwal sa Panlipunang Pananaliksik (2008).
42
isang tagasalin upang makatulong sa pagtatala ng datos ngunit ang dagdag-lebel na ito ay
siguradong may epekto sa paglalatag ng mga sagot ng kakapanayamin.
Maluwag ding gagamitin ng mananaliksik ang nakapokus na grupong
diskusyon6 (focused group discussion) sa pangangalap ng datos. Maaasahan ang
instrumentong ito upang konsolidahin ang mga kaisahan at pagtatalo ng mga indibidwal
tungkol sa tapik ng diskusyon (Simbulan, 2008). Sa gayon, makakakuha ng nais na datos
ang mananaliksik at nabubuksan sa mga tagakomunidad ang isyung binubungkal. Sa kaso
ng pag-aaral, tatalakayin ang sitwasyon ng mga manggagawang-bukid sa kasalukuyang
sistema ng pasahod at pagmamay-ari ng lupa. Papalalimin ito ng mga tanong ukol sa
kakayahang ekonomikal at kapangyarihang pampolitikal ng mga indibidwal at
komunidad. Maaari na rin itong gawing daluyan upang makagawa o makahinuha ng
batayang hakbang sa paglalangkap ng isyu ng monokultura sa pakikibaka ng mga
manggagawang-bukid.
Ang pag-aaral ng monokultura ay isang larangan na marami nang isinagawang
pag-aaral. Sa katunayan, may mga debate pa tungkol sa ibang aspeto nito, lalo na sa
usapin ng pinakaepektibong paraan upang makakuha ng pinakamalalaking ani.
Gayunpaman, salat ang impormasyon tungkol sa pampolitika at pang-ekonomyang
epekto nito sa mga magbubukid. Pag-angkop ng pananaliksik na ito na punan ang mga
puwang sa mga siyentipikong pag-aaral na magtutukoy sa implikasyon ng monokultura
ng tubo sa buhay ng mga magtutubo. Lalangkapan ng mananaliksik ng estratehiya ng
pananaliksik pangsiyasat ang pag-aaral upang alamin ang mga nawawalang impormasyon
sa kasalukuyang literatura ng industriya ng asukal.
Kalakip na rin ang paggamit sa pananaliksik pangsiyasat sa participatory action
research. Maaaring pag-iimbestiga ito sa mga nananaig na katangian ng kalahok sa pag-
aaral. Dinidiskubre din nito pamilyaridad ng mga proseso at bagay na sangkot upang
makapagpagalaw o mabago ang kalahok tungong nais na epekto. Ang pagdidiskubre
__________
6 mula sa salin at paggamit ni Roland Simbulan, Manwal sa Panlipunang Pananaliksik (2008).
43
naman sa ilalim ng pananaliksik ay malawak at masaklaw dahil binubuo nito ang larawan
upang maunawaan ang isang penomenon (Stebbins, 2011a).
Pinapakita ng rebyu ng literatura ng isang pananaliksik pangsiyasat na kakaunti o
mura pa ang mismong tapik na nais galugarin ng mananaliksik. Binubuksan nito ang pag-
aaral upang mas maging mapagtanggap sa paghahanap ng datos. Sumasandig din ito sa
mga magkaugnay na pag-aaral upang mapakita ang pagsuporta o pagsalungat ng
natuklasan sa kasalukuyang literatura (Stebbins, 2011b).
Sa pagsagot sa unang tatlong tanong ng pananaliksik, angkop ang pananaliksik
pangsiyasat. Upang hukayin ang kasaysayan ng monokultura ng tubo mula sa mga
magbubukid mismo, kailangan maging bukas ang pananaliksik sa pagkakaiba ng
impormasyon mula sa mga libro at dyornal. Gayunpaman, sasandigan pa rin nito ang mga
naisulat nang kasaysayan ng mga asyenda’t aryendo bilang pangunahing impormasyon sa
talakayan. Ang pagtuklas naman sa pang-ekonomyang epekto ng monokultura ng tubo sa
mga manggagawang-bukid ay nangangailangan ng aktwal na pagtutukoy ayon sa kani-
kanilang sariling kasaysayan. Sa mga hakbang na tinatahak nila ngayon mahahalaw ang
kanilang pagtingin sa kinabukasan ng industriyang kinapapalooban nila. Sa pag-aaral
naman ng lokal na merkado makikita ang pangangailangan sa pananatili o pagbasag dito.
44
VI. PRESENTASYON, DISKUSYON, AT ANALISIS NG DATOS
Presentasyon ng Datos
Hacienda Regalado Hacienda Perez
Sukat ng Lupa 45 ektarya 62 ektarya
Bilang ng
Manggagawa
18 82 (54 pamilya)
Organisasyon/Unyon
ng mga
Manggagawang-
Bukid
National Federation of Sugar
Workers
National Federation of Sugar
Workers
Panginoong May-
Lupa
Satur Regalado/Victor
Regalado
Marylin Perez/Pamilya
Regalado
Bilang ng
Napoprodyus na
Tubo (kada ektarya)
70-90 tolenada 70 tolenada
Sistema ng Pasahod Pakyawan Pakyawan
Talahanayan 6.1 Katangian ng mga Kasong Asyenda
Ang Hacienda Regalado at Hacienda Perez ay parehong nasa Murcia, Negros
Occidental. Malapit ang bayang ito sa sentrong bayan ng Bacolod, sa gawing Timog.
Naging daluyan ng koneksyon ng mananaliksik ang organisasyon ng National
Federation of Sugar Workers dahil sa latag na impluwensya nila sa mga asyendang ito.
Gaya ng nabanggit sa Metodolohiya, nagbago ang erya ng pananaliksik dahil sa mga ‘di
inaasahang kahirapan sa kordinasyon sa Escalante. Sa gayon, nagdesisyon ang NFSW,
kasama ang mahigpit na ugnayan sa mananaliksik, na ituloy ang pananaliksik sa mas
malapit na eryang nilulubugan ng organisasyon. Ang nakasama ng mananaliksik sa
pananatili sa erya ay isang residenteng nagngangalang Nanay Badeng, na siya ring
presidente ng lokal na organisasyon ng mga manggagawang-bukid. Ayon sa
napagkasunduan ng NFSW at ng mananaliksik, si Nanay Badeng ang tatayong giya ng
45
mananaliksik pati na rin ang tagasalin niya dahil sa language barrier na maaaring
makaharap. Siya ang nag-asikaso ng pagkokonsolida ng mga manggagawang-bukid sa
Hacienda Regalado para sa pagsasagawa ng nakapokus na grupong diskusyon, at
kumontak sa lider ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Perez para sa parehong
aktibidad.
Nakahanay sa unang Talahanayan 6.1 ang mga katangian ng bawat asyendang
parte ng pananaliksik.
Ang una’y 45 ektarya sa kabuuan na nahahati sa tig-21 at 24 ektarya. Ang
parehong hati ay tinatrabaho ng 18 manggagawa. Ang ikalawa nama’y 62 ektarya, 48
ektarya ang tubuhan na tinatrabaho ng 82 manggagawang-bukid (ang natirang lupa ay
para sa mga residente). Sa matagal nang panahon ay inaangkin ng pamilya Regalado ang
parehong lupain – nakapangalan kina Satur at Victor Regalado ang Hacienda Regalado
at Marilyn Perez-Regalado naman ang Hacienda Perez. Ayon sa mga manggagawang-
bukid, sa isang cropping, o anihan, nakakapag-ambag sila ng ‘di bababang 70 tonelada ng
tubo sa sektor ng asukal.
Hene-henerasyon na ang tinagal ng mga pamilya ng mga manggagawang-bukid sa
parehong asyenda. Ang pinakamatanda sa kanila’y anim na dekada na ang pamilya sa
Hacienda Regalado, kasabay ng pagmamay-ari ng mga Regalado sa lupain. Ayon sa mga
residente, magkakapamilya na lahat ng nakatira doon. Napunta kay Regalado ang
asyenda nang binili nila ito mula sa isang Buson Sales ang 21 ektaryang lupain, at sa
46
isang Guanzon Araneta naman ang kabilang bahagi noong 1968-69. Ang nabili kay
Sales ay ipinangalan kay Socorro Regalado, at ang nabili kay Araneta ay ay ipinangalan
kay Victor Regalado.
Sa kabilang dako, ang Hacienda Perez ay pinamumunuan ng magkakapatid na
Regalado-Perez, at isa sa mga napangalanan ng napanayaman ay isang Marilyn Perez
bilang aryendador. Namana ito ni Jomarie Perez mula kay Maria Luisa Regalado-Perez
nang pumanaw ang huli, at napasa kay Enrique Regalado, tiyuhin nila, nang pumanaw
naman si Jomarie Perez. Tulad ng sa Hacienda Regalado, ang lahat ng mga pamilyang
nakatira sa Hacienda Perez ay mga dumaan, o mga lokal na manggagawang-bukid.
Lahat sila’y sa lupaing iyon na pinanganak at nagkaanak.
Sa hindi kontroladong salik ng mananaliksik, ang Hacienda Regalado at Hacienda
Perez ay nasa pagmamay-ari ng mga Regalado.
Hacienda Regalado
Karga-tapas/karo 130/196 kada tolenada
Pagdadamo 1,432 kada ektarya
Araro 632 kada ektarya (balikan)
Pamatdan (cutting) 333 kada laksa
Fertilizer 79 kada bag
Tanim 432 kada laksa
Hulip 1,100 kada laksa
Sipsip 1,100 kada ektarya
Talahanayan 6.2 Presyo ng Pakyawan sa Hacienda Regalado
Ang sumunod na Talahanayan 6.2 ay pinapakita ang kaukulang kabayaran sa mga
tipo ng trabaho sa loob ng Hacienda Regalado. Ayon sa sistemang pakyaw, ang takdang
presyo sa isang gawain ay paghahatian na ng lahat ng nagtrabaho, maski pa ano ang
bilang ng mga manggagawa. Para naman sa kabilang asyenda, sinabi ng mga
47
manggagawang-bukid na sinusunod nila ang tinakda ng Department of Labor and
Employment na mga rate (tignan: Talahanayan 6.3) sa bawat tipo ng trabaho sa mga
plantasyon, o ang Adjusted Sugar Industry Pakyaw Rates in Western Visayas pursuant to
Wage Order RBVI-22 (A resolution approving the adjusted table of pakyaw rates, 2015).
Makikita ito sa susunod na pahina.
Nang tinanong ang mga manggagawang-bukid kung bakit, sa tingin nila,
pakyawan ang sistemang pinapatupad imbis na arawan tulad ng manggagawa sa ibang
larangan, kompyansa sila na dahil mas mura ang pasahod nito. Halaw sa grupong
diskusyon sa Hacienda Regalado,
Tagapanayam: “Ah. So ibig sabihin po, okay lang sa DOLE ‘yung pakyaw?”
Boses 2: “Pakyaw system, oo! Puwede naman. Hindi naman sila nagde-daily dito eh.
Pakyawan naman eh.”
Tagapanayam: “Bakit po hindi daily?”
Boses 2: “Kasi ayaw nila yung daily kasi mataas yung…”
Boses 1: “Sahod.”
at mula naman sa Hacienda Perez,
Tagapanayam: “Tingin nyo po ba yung pakyaw na sistema ng pasahod maayos siya? O
hindi? “
Lahat: “Hindi.”
Boses 2: “Barato lang ang sa pakway system.”
Boses 3: “Mura ‘yung pakyaw.”
Tagapanayam: “Mura lang po? So tingin niyo po… Bakit po, tingin niyo, pakyaw ‘yung
umiiral at hindi arawan yung pasahod sa inyo?”
Boses 1: “Style na ‘yan nung mga may-ari ng lupa e. Sa pakyaw system, maliit lang ang
bayad. Kaunti lang.”
48
Una pa lamang ay lumalabas na ang sentimiento ng mga manggagawang-bukid sa
sistemang pakyaw bilang “estilo” ng mga panginoong maylupa upang mapaliit ang sahod
sa kanila.
Kahit ang parehong asyenda ay sinasabing sumusunod sa tinakda ng DOLE-
NWPC ukol sa dapat na ipasahod sa mga manggagawa sa mga plantasyon, hindi pa rin
ito sumasapat sa gastusin ng isang pamilya na tubuhan ang pangunahing hanapbuhay.
Tagapanayam: “Nasabi niyo po kanina na pakyawan yung sistema ng pasahod. Sa tingin
niyo po ba na maayos ‘yung sistemang iyon? O hindi siya maganda?”
Boses 1: “Hindi talaga.”
Boses 2: “Kasi hindi mo naman… minsan mapatrabaho kami ng pakyawan, isang
ektarya. Pagkatapos wala naman. Ilan kami nagtatrabaho – minsan sampu o siyam. O
magkano naman ang sahod namin? Iba kasi yung daily tsaka yung pakyawan.”
Boses 1: “Maganda nga linggo-linggo yung sahod e para may pambili sa pang-araw-
araw. ‘Pag kinsenas-“
Boses 2: “Kinsenas, wala.”
Boses 1: “O 2 weeks, minsan wala pang isang linggo, wala ka nang pagkain.”
Boses 2: “Hindi mo natrabaho, nakain mo na, nautangan mo na.”
Tuwing labinlimang araw ang pagpapasahod sa mga manggagawang-bukid kaya ito
tinawag na kinsenas. Dagdag pang suri ng isang manggagawang-bukid,
Kinapanayam: “Kasi para sa akin, mali ang DOLE sa pag-analisa sa pagtrabaho.”
Pinuna niya ang paraan ng DOLE sa pagbibigay-presyo sa tipo ng trabaho sa asyenda –
halimbawa ay sa pagdadamo, hindi pinag-iiba ang bayad para sa ektaryang marami ang
damo sa kaunti ang damo, at sa tipo ng kagamitang mayroon ang mga manggagawang-
bukid.
Kinapanayam: “Kung wala akong anak, hindi ko ‘yan kaya.”
49
Talahanayan 6.3 Adjusted Sugar Industry Pakyaw Rates in Western Visayas
50
Ayon sa kanila, walang ideya ang DOLE sa hirap ng trabahong tulad ng pagtutubo. Kahit
mga aksidente habang nagtatrabaho’y kargado ng mismong mga manggagawang-bukid
dahil ika ng administrasyon, “kasalanan niyo ‘yan.” Kung magkasakit man dahil sa
pagbabad sa init at ulan, walang makuhang benepisyo ang mga nagtatrabaho. Kahit mula
sa SSS at PhilHealth ay walang makuha.
Kinapanayam: “[Para] makakuha ang asawa ko ng 1,000 kada linggo, sa umaga
hanggang gabi, walang tulog. Sa umaga, putol na dapat ang tubo. 11 o’ clock sa gabi,
nagbubuhat na ng tubo para lumaki lang ang sahod mo. Kung hindi mo gawin ‘yon,
hanggang 700 lang ang isang linggo.”
Dagdag pa sa pahirap sa pasahod ay ang diskriminasyon sa babae at sa lalaki.
Hindi ito lumitaw sa Hacienda Regalado ngunit mayroon nito sa Hacienda Perez. May
kasaysayan ang pasagod sa Perez na P30 ang arawan ng babae samantala P60 ang sa
lalaki. Nang nagsumbong ang kababaihan sa DOLE dahil sa mababang pasahod, hindi na
pinagtrabaho ang ma nagreklamo sa arawan, at inilipat sila sa damuhan. Hanggang sa
kasalukuyan, hindi na pinapayagan ang kababaihan sa arawang trabaho dahil kuno sa
kadahilanang “iba ang lalaki sa babae.”
Ang salubungan ng mababang pasahod bilang primaryang salik at ng kinsenas na
pasahod ay nagreresulta ng pagkaubos ng rekurso bago pa ang susunod na sahuran.
Napipilitan ang maraming manggagawang-bukid na utangin ang perang “hindi mo
natrabaho, nakain mo na, nautangan mo na.” Sa Hacienda Perez, binanggit ng isang lider,
sa sistemang asyenda roon, ang pautang mga namamahala ay may interes. Ilang
halimbawang nabanggit ay ang isang sako ng bigas ng NFA na nabili ng P1,600, ibebenta
sa kanila ng P2,300, ang betsin na dalawang piso, nagiging limang piso, ang sabong P5,
nagiging P9.
Ipinasok ng mananaliksik ang ilang tanong tungkol sa kung ano-ano ang kinakain
ng mga pamilya ng manggagawang-bukid sa araw-araw upang maikompara ito sa
nagiging halaga ng produkto nila sa merkado. Dahil sa kakulangan sa pera, pinapatagal
na lamang nila ang mayroon sila upang makakain, at may maipambili pa ng ulam.
Kapanayam: “Minsan nakasaing ka ng dalawang takal, saing ka nalang ng isang takal.
Adjust ka para makabili ka ng ulam, para makakain ka.”
51
Natatanging ang pasahod lamang sa kanila, at ang ilang pananim sa gilid ng mga bahay
nila – saging, balatong, at sitaw – ang pinanggagalingan ng pagkain sa pinggan.
Bukod sa kakulangan sa pagkain, tumatagos ang kahirapan ng mga
manggagawang-bukid sa usapin ng edukasyon ng kabataan. Kadalasan ay nagsisimulang
lumahok ang kabataan sa gawaing produksyon sa tubuhan sa edad na 14 para sa Hacienda
Perez at 9 naman kung isasama na ng magulang sa tubuhan. Sinasahuran na ang mga bata
sa parehong rate ng sa matatanda. Sa panahon ng eskwelahan, tumitigil na ang kabataan
sa pagtutubo. Sa Hacienda Regalado, hindi pinapayagan ng administrasyon ang
pagtatrabaho ng kabataang bababa ang edad sa 18 ngunit tumutulong paminsan-minsan
ang mga anak nila. Para sa ibang nasa high school, kailangan nilang pagsabayin ang pag-
aaral at pagtutubo. Sa ilang kaso, lumiliban sa klase ang mga estudyante kapag walang
maipabaon, at nagtatrabaho na lamang sa araw o linggong iyon. Ibigsabihin, may
ebidensya ng child labor sa mga asyendang ito, kahit na sa Hacienda Regalado ay hindi
kinikilala ng administrasyon ang klase ng trabahong ito.
Bagaman sa kabilang banda, nakakatulong ang ambag ng kabataang magtutubo,
hindi ito sumasapat upang makapagpatuloy sa pag-aaral. Sa katunayan, ayon sa ilang
residente, sa bawat panahon ng pasukan, inuutang lamang ang pambayad ng tuition ng
kabataan.
Tagapanayam: Tingin niyo po ba matatawid niyo pag-aaral nila hanggang high school, o
kaya kolehiyo?
Boses 2: Ah hindi, hindi.
Tagapanayam: Hindi na po. Madalas hanggang saan lang po ‘yung-
Boses 1: Pinakamataas na paaral hanggang hayskul na lang talaga. Graduate ng hayskul o
mababa pa. Grade 6.
Halos walang nakakatapos hanggang kolehiyo sa mga anak ng mga manggagawang-
bukid; bagkus, pagkatigil nila sa pag-aaral ay nagiging magtutubo rin sila o ‘di kaya’y
pumapasok bilang kasambahay.
52
Lumalala ang sitwasyon ng mga manggagawang-bukid tuwing off-season ng pag-
iilo ng tubo, na siyang tinawag na Tiempo Muerto, o ‘panahon ng kamatayan.’ Ito ay
pumapatak sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto. Isang pagtingin na nakalap ay
nililinaw ang tunay na kalagayan ng mga manggagawang-bukid.
Kinapanayam: “Kung sa akin lang na pagtingin, halos buwan-buwan, Tiempos
Muertos… kasi ang trabaho sa tubo, hindi mo naman mapakinabangan. Sabi nila, kapag
milling season na, masaya na ang tao… kung anong maramdaman mo sa August,
September, October na Tiempos Muertos, ganon din.”
Sa mga panahon ng gutom, iba’t ibang paraan ang hinahanap ng mga pamilya upang
makatagal sa pang-araw-araw. Ang iba, pumapasok sa tubuhan ng mga small planter na
maliit ang sukat ng lupa – may isang ektarya hanggang 17 ektarya – ngunit mas mataas
ang pasahod kaysa asyenda. Gayunpaman, sinasabing tinataasan ng small planters ang
pasahod dahil hindi nila tinutugunan ang taripang takda ng DOLE, at walang natatanggap
na 13th
month pay ang mga nagtatrabaho sa kanila. Samantala, ang iba naman,
Kinapanayam: “Ang iba sa amin, kumukuha ng gulay sa gilid ng mga sapa, ilog. ‘Yung
mga gulay na tulad ng gabi, talbos ng gabi para matinda lang sa ibang bahay doon sa ano.
Para lang makakuha kami ng ilang sentimo pambili ng bigas.”
Naggugulay ang iba, nag-uuling at gumagawa ng walis ang ilan. Ngunit galing na rin sa
kanila na lahat ng ito’y hindi nakakasapat. Tuwing Tiempo Muerto’y ang pagkain nila ay
“lugaw-lugaw muna.” Tyambahan na lamang ang ginagamit na termino ng iba upang
bigyang-paliwanag ang sitwasyon ng kanilang kabuhayan sa panahong ito. Kaakibat pa
nito ang “patay na katawan” sa tinding pagtatrabaho.
Small Planters
Pagdadamo 1,000 kada 0.5 ektarya
Pamatdan (cutting) 700 kada laksa
Tanim 700 kada laksa
Talahanayan 6.3 Presyo ng Pakyawan ng Small Planters
53
Bilang mga nagsasaka, isa sa mga lohikal na mapagkukunan ng pagkain nila ay sa
kanilang mga tinatanim. ‘Di tulad sa ibang tipo ng pananim, hindi pangkonsumo ang tubo
kaya kailangan ng ibang parsel ng lupa para mapagtanima ng makakain. Sa aktwal, hindi
ito nakakamit ng ga manggagawang-bukid ng Hacienda Regalado at Hacienda Perez
dahil pinagbabawalan sila ng mga panginoong maylupang magtanim sa lupang nakalaan
sa tubo. Sa Hacienda Regalado, pinagtatyagaan na lamang nila ang mga bangin para
mapagtaniman ng kamoteng kahoy, saging, at mais ngunit napakaliit naman ng lupang ito
kung ikokompara sa bilang ng mga nangangailangan. Ang bigas na nakukuha nila sa
panahon ng Tiempo Muerto ay nanggagaling lamang sa pagsasaydline sa mga palayan.
Ang panginoong maylupa naman ay ayaw rin mabigay ng lupa para sa sariling
pagtatanim ng mga manggagawang-bukid,
Kinapanayam: “Kasi ang ganansya nila kahit sa maliit na lupa, kinuha pa rin.”
Kabilang banda, may aspirasyon ang lahat ng maggagawang-bukid na magkaroon
ng sariling lupa upang mapagtamnan. Kung mabibigyan sila ng opsyon, samu’t sari ang
nais nilang itanim tulad ng palay, mais saging, sitaw, gulay, at iba pang madaling makain.
Pinagbangga nila ang ideyang ito sa pagtatanim ng tubo dahil sa tagal ng isang taon bago
makakuha ng ani. Sa pananaw ng ilang manggagawang-bukid, maaari ding tubo ang
kanilang itanim kung walang irigasyon. Ang tumingkad na linya sa diskusyon ukol rito
ay ang kalayaan ng mga manggagawang-bukid magdesisyon kung anong pananim ang
kanilang itatanim kapag nasa kamay na nila ang lupa. Maaaring magtubo pa rin sila pero
hindi gagamitin ang lahat ng lupa para dito dahil gagamitin din ang iba para sa pang-
araw-araw na konsumo. Samantala, may lumitaw na sentimiento sa isang nanay sa
usaping ito.
Tagapanayam: “Pero kung kayo po, okay lang po ba kung kunwari tumaas ‘yung pasahod
sa tubo? O ayaw niyo na po ba talaga?”
Kinapanayam: “Ako, ayoko kasi noon, ‘yung silang 4 [na anak ko], tumulong ‘yan galing
eskwela. Umiiyak ‘yan, parang marami pang sugat. Sabi nila, ‘Nanay, ang hirap
magtrabaho sa tubo…’ mabilis magtrabaho kapag pinaiyak sa trabaho.”
Ang usaping ito ay mahigpit na kabalikat ng usaping repormang agraryo – ang
polisiyang dapat na napapairal ng gobyerno para sa mga magsasaka. Nang tinanong ang
54
mga manggagawang-bukid ng parehong asyenda, isa lamang ang lumabas na sagot – sa
tinagal-tagal ng Comprehensive Agrarian Reform Program at ang kasunod na
extention and reforms ay hindi napamahagi ang lupa sa kanila. Sa Hacienda Perez,
nagmula pa 1999 ang petisyon, at CARP beneficiary na ang mga manggagawang-bukid
mula sa pagsulong ng petisyon nila noong 2002. Hanggang matapos ang pamahalaan ng
dating presidenteng Noynoy Aquino, hindi ito umusad. Sa kasalukuyan, nasa masterlist
na sila dahil sa pag-pressure ng mga manggagawang-bukid sa DAR, lalo na nang maupo
si Rafael Mariano bilang Kalihim ng DAR. Noong una’y sinasabi ng DAR na kaya hindi
napoproseso ang lupa dahil kinukuha ng may-ari lahat ng retention land. Nang tinignan
nila ang papeles ng ibang lungsod, pinoproseso na ang lupa. Ang paliwanag ng isang
NFSW member sa erya, alam na nila sa asyenda na buo na ang retention ng mga may-ari,
ngunit maraming “hokus pokus” sa DAR. Noong 2003, nagkaroon sila ng dialogue sa
DAR, at sinabi sa kanilang ipoproseso na ang lupa. Pagkabalik nila noong 2004, pareho
ang sinasabi sa kanila. Noong 2005 at 2006, ganon pa rin. Nagkaroon ng picket-dialogue
sa DAR, sa munisipyo halos dalawang linggo, at sa DSWD para isulong ang kanilang
karapatan at humingi ng suporta. Sa kabilang asyenda naman, 2012 lamang
nakapagpetisyon ang mga manggagawang-bukid. Alam ng mga magtutubo na mayroong
CARPER sa matagal na panahon ngunit sinabi nilang salik ang pagbabago ng
panginoong maylupa kaya sila nagpetisyon. Noon, sinasabing mabait ang panginoong
maylupa – nagbibigay ng pamasko – ngunit hindi na ngayon. Sa kabilang banda, hindi pa
rin naproseso ang kanilang papels dahil erroneous kuno ang isinumite nila na petisyon,
ngunit sinabi sa kanilang iplalabas na ang inaasam na masterlist sa Enero 2017.
Labas sa legal na laban ng mga manggagawang-bukid, ang Hacienda Regalado at
Perez ay humakbang pasulong sa kanilang laban para sa lupa sa porma ng sama-samang
pagkilos. Ang Hacienda Perez ay ilang beses nang naglulunsad ng bungkalan upang
magamit ang ilang parsel ng lupa ng asyenda para mapagtaniman ng para sa sarili nilang
pangkonsumo. Taong 2013 sinimulan ang bungkalan, at 2015 ito nabawi ng panginoong
maylupa. Sa bungkalang nagsusukat na 26 ektarya, nagtanim ang mga manggagawang-
bukid ng gulay, balinghoy, at mais. Nagpadala si Atty. Muya, ang abogado ng pamilyang
Regalado, ng goons upang dahasin ang mga manggagawang-bukid. Ang mga elementong
pumasok sa asyenda ay tinago ang mukha sa bonnet at may dala-dalang mga baril.
55
Tatlong beses inatake ang komunidad. Nagpaputok ang goons paitaas na mistulang “New
Year”, at nagkagulo ang mga tao. Madaling araw, nag-operasyon na ang mga ito –
binahay-bahay na ang mga manggagawang bukid, at tinutukan ng baril. Pinagtatanong
sila kung sila ba’y parte ng grupong nagpetisyon ng lupa. Nangatwiran na lamang ang
mga manggagawang-bukid na pinasok na hindi sila parte noon. Hindi makalabas ang mga
tao, lalo na ang mga bata na sila ring na-trauma. Pinagbabaril ng armadong pwersa ang
mga binhi ng mais at sako, saka itinapon. Ngunit hindi nagpatinag ang mga
manggagawang-bukid. Nagtanim sila muli, at nang namunga na ang mga saging at mais,
nagsimula ulit i-bulldoze ng goons ito. Ikalawang beses nang i-bulldoze ang kanilang
bungkalan, ngunit sinubukang muling magtanim ng mga manggagawang-bukid. Para
hindi mapakinabangan ang kanilang pananim, bumalik ang goons tuwing anihan.
Tumakas ang ilang manggagawang-bukid papunta sa kapitan upang humingi ng
tulong, na siyang nagsabing sa mayor dumiretso. Umapela rin sila sa polisya,
Kinapanayam: “Sabi namin sa pulis na ‘Tsip, maawa naman kayo. Puntahan niyo kami
roon… Para kaming Martial Law dahil sa putukan.’ Sabi ng pulis, ‘Ay, wala pa namang
namatay diyan!’ Ang sabihin ng mga kasamahan, hindi kami uuwi kung hindi maaksyunan
ni mayor.
Nagtayo na ng kampuhan ang goons sa asyenda. Personal na inimbestigahan ito ng
mayor, at nakita niya ang sinasabing goons na pumasok sa lupain. Nakakuha ang mayor
ng 2 AK-47 at 3 M13 na baril. May nadala siyang 3 goons, pinagtapat sila sa mga
manggagawang-bukid, at si Atty. Muya. Humingi ng patawag ang abogado, at bumalik
ang mga manggagawang-bukid para magbungkal. Sa pagkakataong ito, na-bulldoze muli
ang kanilang pananim sa panahon ng anihan. Ayon sa kwento,
Kinapanayam: “[Dahil] sa huling ginawa nila sa amin, parang pino-phobia na ang mga
kasamahan ko. Sa tanim naming mga saging, may gumagapang na goons o army. Tapos
merong may dala na naka-bonnet, diyan ako natakot.”
Habang ang karamihang kababaihan ay nagtatanim ng saging, sinasabayan ito ng
pagbubunot ng goons. Binabastos pa ang kababaihan. Ang iginigiit ng mga
manggagawang-bukid, hindi nila kinukuha ang lupa ngunit kailangan munang sagutin ng
may-ari ang mga bayolasyon niya sa mga manggagawa. Binalikan ng kinapanayam ang
56
naging diskusyon sa National Labor Relations Commission ukol sa iginigiit ng mga
manggagawang-bukid na pagbabayad sa kanila ng aryendador na hindi raw babayaran
dahil “nasa kanila” na ang 8 ektaryang lupa.
Ang naging resolusyon, bagaman litaw ang pamumwersa ng mga elementong ito
sa komunidad, ay magkaroon ng areglo kay Atty. Muya. Sinabi ng mayor na tutulong na
lamang siya na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawang-bukid, at ang
lupang kanilang ginawang bungkalan ay iproseso na lamang sa DAR. Tingin ng mga
manggagawang-bukid, isa itong solusyon para mapaalis na ang goons sa asyenda. Sinabi
naman ng DAR sa mga manggagawang-bukid ay ima-master list na sila at mag-o-
oathtaking ngunit “hindi ito madali” na kinwestyon ng din dahil matagal na itong
sinasabi sa kanila ngunit walang napapagtagumpayang pagsulong. Nagkaroon ng plano
ang mga manggagawang-bukid na pagkatapos ng sunod na tapasan ng tubo, bubungkalin
nila ang lupa habang hinahanda ang papeles na isasagot sa aryendador dahil nawawalan
na sila ng hanapbuhay. Giit ng mga manggagawang-bukid, may kailangan pang bayaran
ang may-ari na 4.5 milyon na separation pay sa kanila, at kailangang dinggin ang
kanilang laban sa lupa dahil sa tinagal-tagal ng pagtatrabaho nila sa lupa. Dagdag pa nila,
tanging mabibigat na trabaho lamang ang pinapatrabaho sa kanila. Bukod sa kulang ito
para tugunan ang pangangailangan ng mga pamilya, napakahirap pa nito kaya napagtanto
ng ilan na kailangan nila ng sariling lupa upang sumapat ang pang-araw-araw.
Nawalan na ng tiwala ang mga manggagawang-bukid sa barangay dahil tingin
nila’y takot ang kapitan sa aryendador. Sa kanilang kawalang-tiwala, umuusbong ang
iba’t ibang pagsisikap upang magtulungan ang bawat isang manggagawang-bukid. Isang
halimbawa ay sa larangan ng medisina. Pinasaringan ng mga manggagawang-bukid ang
pagkukulang ng PhilHealth na tugunan ang kanilang pangangailangang medikal kung
kaya’t nagtataguyod sila ng taniman ng herbal medicine na pinagtutulungan ng lahat.
Sa Hacienda Regalado, mayroon ding karanasan sa karahasan ang mga
manggagawang-bukid noong 2014 dahil sa petisyon nila at sa pagbubungkalan nila. Ayon
sa mga manggagawang-bukid, hindi nila sinira ang tubo kundi nagtanim lamang sila sa
gitna ng iilang piraso. Nagdala raw ng private goons si Atty. Muya, at may nabaril na
anak ng manggagawang-bukid. Para mapaalis ang goons, nagmobilisa ang mga
57
manggagawang-bukid sa bahay ng may-ari nang matagal na panahon hanggang mapaalis
ang goons. Ngayon, hindi na ito tinataniman ng mga mga taga-Regalado dahil sa naging
dialogue nila kung saan sinabi ng administrayon sa kanilang bibigyan sila ng 5 ektarya
ngunit hanggang sulat na lamang iyon dahil ayaw kuno ni Atty. Muya. Hinayaan na
lamang nila ito, ayon sa presidente ng NFSW sa Hacienda Regalado, dahil natakot na ang
kasamahan nila.
Sa harap ng matinding hirap dulot ng karahasan ng pasahod at armadong pwersa,
nananatili ang aspirasyon ng mga manggagawang-bukid para sa lupa bilang solusyon sa
kanilang problema.
Kinapanayam: “Sana may lupa tayo para may pangkabuhayan tayo. Diyan tayo siguro
makakain tayo ng maayos, makapagpaaral sa mga anak… Kasi programa na ‘yan ng
gobyerno na dapat ang mag-uuma, may lupa. ”
Analisis ng Datos
Ang natural na siklo ng tubo na tumatagal ng isang buong taon na nahahati
lamang sa dalawang panahon – anim na buwang kabyawan at anim na buwang walang
trabaho – ay matagal nang problema sa partikular na pananim na ito sa ilalim ng sektor
ng agrikultura. Gayunpaman, kahit na tanda ng unang tubuhan ang kaalaman na
nawawalan ng trabaho ang mga manggagawang-bukid matapos ang anim na buwan,
hanggang ngayon ay walang natatanggap na suporta ang mga pamilya ng
manggagawang-bukid sa panahon ng Tiempo Muerto, o ang panahon na walang trabaho
sa mga tubuhan. Sa gantong kondisyon, napipilitan ang maraming manggagawang-bukid
na sumabak sa iba’t ibang trabaho tulad ng pagtutubo sa small planters, paggugulay,
pangingisda, at iba pa para lamang makaraos sa araw-araw. Marami mang madiskubreng
paraan ang isang manggagawang-bukid upang may makain o maibenta, ang mga
saydlayn na ito ay hindi sumasapat para mabuhay ang kanilang pamilya sa panahong ito.
Sa panahong ito, napipilitang pumasok sa tubuhan ang maraming kabataang dapat ay
nag-aaral pa ngunit mas kinakailangan ang ambag nila sa pinansya ng pamilya kung
kaya’t tumitigil sila sa pag-aaral, o ‘di kaya’y maging palaliban sa klase. Puno ang mga
58
pamilya ng kwento kung papaano nila pinagkakasya ang ilang takal ng bigas para sa
buong pamilya sa loob ng isang linggo.
Ang hindi matapos-tapos na problema sa pagkain ng mga manggagawang-bukid
ay hindi nakikita sa datos ng lokal na gobyerno ukol sa seguridad sa pagkain. Ayon sa
mga natatanggap na ulat ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA), higit 90% food
secure ang Negros Occidental. Bagaman kwestiyunable ang praktikalidad ng datos na ito
sa konteksto ng Hacienda Perez at Hacienda Regalado, tinukoy naman sa panayam sa
OPA na maraming balakid upang makamit ng mga larangang rural ang seguridad sa
pagkain – ilan dito ay politikal na pagbabara sa pondo para sa agrikultura, at behavioral
sa parte ng mga manggagawang-bukid.
Kabalintunaan ang klasepikasyon ng realidad na ito: ang mismong mga
manggagawang-bukid na nagbubungkal sa lupa ang hindi makapagtanim sa lupa para sa
kanilang pang-araw-araw. Kung mayroon mang mapagtatamnan ng saging at kamote ay
napakaliit na lupa. Ang mga aryendador na napakalaki ang ganansya sa malawak na
tubuhan ay hindi pumapayag na makapagtanim ang mga manggagawang-bukid ng ibang
pananim. Kaya ang usapin ng seguridad sa pagkain ay dapat tignan sa isa pang anggulo –
maaaring balakid sa pagkamit nito ang pagpapanatili ng malalawak na plantasyon ng tubo
dahil nawawalan ng lupa para sa mas praktikal na pananim. Matatalakay ang ukol sa
kawalan ng lupa sa susunod na mga parte.
Bukod sa usapin ng panahon ng walang trabaho sa mga asyenda, lumalabas sa
datos na kailangan din kwestiyunin kung magkano ang nakukuha ng mga
manggagawang-bukid, at ang paraan ng pasahod sa kanila. Sa ilalim ng sistemang
pakyaw, binabarat ng mga aryendador ang bayad sa mga manggagawang-bukid dahil
kada piraso o tipo ng trabaho ang pagtatakda ng presyo. Ibigsabihin, walang makukuhang
sahod ang isang manggagawang-bukid sa isang araw kung hindi nito matapos ang quota,
at magiging mas maliit naman ang sahod habang dumarami ang nagtutulungan upang
matapos ang trabaho. Mapabilis man ang pagtapos sa trabaho, lumiliit naman ang sahod.
Sa puntong ito, tumitingkad ang pahayag ng isang kinapanayam na “estilo” nga ng may-
ari ng lupa ang sistemang pakyaw upang makaganansya ng higit pa mula sa paggawa ng
mga manggagawang-bukid. Pinipilit ng pakyawan na maging mabilis ang pagtatrabaho
59
ng mga manggagawang-bukid, habang napapanatili sa napakababang antas ang pasahod
sa kanila. Bukod pa rito, tuwing ika-labinlimang araw lamang matatanggap ng
manggagawang-bukid ang sahod niya. Dahil sa baba ng sahod, nauubos agad ang
pinansya ng mga pamilya kaya napipilitan ang karamihan na utangin ang panggastos sa
susunod na linggo. Dahil sa relatibong tigil sa pagbuti ng ekonomya ng mga
manggagawang-bukid, malaki ang tsansang hindi mabali ang siklo ng pag-utang na ito ng
mga manggagawang-bukid. Dagdag pa sa kanilang hirap ay ang interes sa pinapautang
ng administrasyon at ang mataas na patong sa mga produkto. Kaugnay nito, maaaring
maging negatibo pa nga ang araw-araw na take-home pay ng mga manggagawang-bukid
dahil sa pag-aawas ng utang mula sa sahod ayon sa isang kasong pag-aaral nina Arada,
Besana & Dayrit (2016).
Kung titignang ang buong larawan ng takbo ng buhay ng pamilya ng
manggagawang-bukid, tila isang ‘di maiiwasang kapalaran para sa kabataan ang
magtrabaho sa tubuhan sa mababang edad pa lamang. Bagaman pinagbabawalan ang
pagtatrabaho ng kabataan sa tubuhan, napipilitan pa rin silang tulungan ang kanilang
magulang upang may ipangkain. Dahil sa pananatili ng kagutuman bilang primaryang
kalbaryo ng mga pamilya, hindi mapapagpatuloy ng kabataan ang pag-aaral lagpas sa
hayskul. Pumapasok ang mga ito bilang kasambahay o ‘di kaya’y maghahanap ng
trabaho sa lungsod. Karamihan ay nagiging manggagawang-bukid din tulad ng kanilang
mga magulang. Dahil sa hindi pag-unlad kahit sa tinagal-tagal ng kanilang puspusang
paggawa sa tubuhan, nagkakaroon ng siklo ng pag-aanak ng manggagawang-bukid ng
manggagawang-bukid din.
Kailangang puntuhan na sa pangkalahatang palagay sa pagtatrabaho, arawan ang
dapat na paraan ng pasahod sa mga manggagawa. Sa kaso ng mga manggagawang-bukid
ay hindi ito nasasakatuparan. Sa katunayan, naglalabas ang DOLE ng pakyaw rates
upang maregularisa ang pakyawan sa mga plantasyon. Ang pagtanggap ng DOLE mismo
na mayroong sistema ng pasahod na ganto ay problematiko dahil binibigyang-katwiran
lamang nila ang pananatili nito imbis na ipanukalang gawing arawan ang paggawa sa
tubuhan, at hindi rin naman lubog ang DOLE sa kalagayan at hirap ng mga gawain sa
tubuhan ayon sa ilang kinapanayam.
60
Kung ikokompara ang sinabi ng DOLE National Wages and Productivity
Commission (2016) na dapat na nakukuha ng mga manggagawa sa mga plantasyon na
minumum na sahod, na nasa P266.50, ang nakukuha lamang ng mga manggagawang-
bukid sa Hacienda Perez ay P142.86 kada araw kung maaabot niya ang P1,000 kada
linggo; ngunit, kung hindi, maaaring P100 lamang kada araw (balikan: pahina 15 ng
Kabanata IV). Hindi man lamang magkalapit ang mga numerong ito. Kahit ang
maksimum sa karanasan ng mga manggagawang-bukid ay kulang ng higit P100 sa
minimum na pasahod ayon sa gobyerno. Madaling masabi na bagaman mayroong
gantong pagtutukoy ang gobyerno, tokenistiko ang numerong ito dahil sa hindi
pagmamateryalisa sa mga komunidad. Kahit sa ibang asyenda na labas sa Hacienda
Regalado at Hacienda Perez ay hindi tumatapat sa minimum wage ang pasahod sa mga
manggagawang-bukid tulad ng sa Hacienda Cumabat, Silay City; at, Hacienda San
Antonio, Escalante City (Arada, Besana & Dayrit, 2016). Sa kabilang banda, ang aktwal
na datos mula sa dalawang asyenda pati na ang tinakdang minimum wage sa mga
plantasyon ay katiting lamang kung itatapat sa sinasabi ng IBON Foundation (2016) na
nakabubuhay na sahod para sa isang pamilya na P1,096 para sa pang-araw-araw (balikan:
pahina 16 ng Kabanata IV).
Kung gagamit ng economic tool upang sukatin ang kahirapan, maaaring gamitin
ang total poverty gap (TPG) upang makita ang pinagsama-samang diperensya ng poverty
line sa aktwal na sahod (Todaro & Smith, 2015). Gagamitin ang kasalukuyang poverty
line ng Pilipinas na P60 noong 2015 para sa food at non-food na pangangailangan ng
indibidwal, o P302 para sa pamilya ng lima (Nicavera, 2017).
61
Ayon sa nakalap nina Arada, Besana & Dayrit (2016) sa Hacienda Regalado1,
Bilang ng
Residente Aktwal na Sahod
kada araw (Yi)
Diperensya ng Aktwal na Sahod
at Poverty Line para sa pamilya
(Yp – Yi)
1 52.73 249.27
2 106.67 195.33
3 119.47 184.53
4 86.67 215.33
5 86.67 215.33
6 106.67 195.33
7 106.67 195.33
8 106.07 195.93
9 86.07 215.93
TPG = 1,862.31
Ang TPG na nakompyut ay simpleng nilalarawan ang kinakailangan na sahod na
idaragdag sa 9 indibidwal mula sa Hacienda Regalado upang makamtan nila ang pag-
angat sa poverty line na tinakda ng gobyerno. Samantala, kung titignan ang TPG para sa
indibidwal, abot sa P211 ang kinakailangang maidagdag sa kada tao upang sa araw-araw
ay hindi maging mahirap. Kung titignan, doble ito ng arawang sahod ng mga
manggagawang-bukid. Pinapakita lamang nito ang kalayuan ng mga manggagawang-
bukid sa pagkamit ng kaunlaran ng pamilya sa batayan ng gobyerno mismo. Ibang usapin
__________
1 parte ang mananaliksik sa nangalap ng datos na ito; maaaring makita ito sa Apendiks
62
naman kung ang ginamit na pamantayan ay sa IBON Foundation dahil higit na mas
mataas ito.
Isang lumitaw na punto ukol sa pasahod ay ang pagkakaiba ng sahod ng babae sa
lalaking manggagawang-bukid. Sa unang pangangatwiran ng administrasyon ng asyenda,
ito kuno ay dahil sa bayolohikal na salik sa pagtatrabaho, ngunit ang primaryang dahilan
ng pagsibak sa kababaihan sa arawang trabaho at ang mababang pasahod sa kanila ay
nanggaling sa pagrereklamo ng kababaihan sa DOLE dahil sa mababang pasahod ng mga
Perez sa kanilang mga manggagawang-bukid. Sa mga susunod na argumento
mamumukadkad ang implikasyon ng mga politikal na kiskisan sa ekenomikong kaayusan
ng parehong asyenda. Balik sa usapin ng kasarian, buhay pa rin sa Hacienda Perez ang
diskriminasyon sa kababaihan sa larangan ng paggawa.
Hindi natatamasa ng mga manggagawang-bukid ang mga benepisyon na para sa
kanila tulad ng SSS at PhilHealth. Sa katunayan, 5% lamang ng mga manggagawang-
bukid sa tubuhan sa Negros ang nakakakuha ng benepisyo ng SSS (Unyon ng mga
Manggagawa sa Agrikultura, 2016). Kahit 13th
month pay ay hindi sila nabibigyan.
Pinapabayaan lamang ng administrasyon ang mga nagkakasakit at naaaksidente.
Bagaman matagal nang umiiral ang Social Amelioration Program, na para kuno sa
tulong-pinansyal sa mga pamilya ng mga manggagawa ng asukal lalo na tuwing
pagtatapos ng kabyawan, walang banggit ang mga manggagawang-bukid tungkol dito.
Kung mayroon naman silang nakukuha, nananatili ang pangkalahatang kalagayan ng mga
pamilya na kapos pa rin. Kahit ang OPA, sinasabi na hindi nito nakikita na bumabalik sa
mga manggagawang ng asukal ang pondo para sa kanila. Suportado ito ng ginawang
pakikipanayam ni Mariveles (2014) ng PCIJ na hindi sumasapat ang pasahod para sa
isang kilo ng bigas sa isang araw habang wala, o kulang pa rin ang binibigay na tulong ng
gobyerno lalo na sa panahon na nasa “purgatoryo” ang mga manggagawang-bukid –
tuwing Tiempo Muerto. Sa gayon, maaaring masabi na dahil sa total na kawalan ng
nararapat na suporta sa mga manggagawang-bukid sa tubuhan lalo na sa Hacienda
Regalado at Hacienda Perez, bigo ang programa ng gobyerno na suporta para sa mga
manggagawang-bukid sa tubuhan.
63
Ang binanggit ng mga manggagawang-bukid na sahod na sana’y sasapat sa isang
araw ay nasa P300-500. Kasama na raw dito ang lahat ng gastusin mula pagkain
hanggang tubig at koryente. Hindi ito kalayuan sa diskusyon sa Rebyu ng Kaugnay na
Literatura (balikan: pahina 15 ng Kabanata IV) ukol sa panawagan ng Kilusang Mayo
Uno na pagtatalaga ng pambansang pagpapataas sa sahod hanggang P16,000 kada
buwan, o higit P500 kada araw.
Labas sa usapin ng sahod, napapatunayan ng mga biswal na mapa ng Negros,
partikular sa Murcia, na nakasandig pa rin ito sa ekonomyang plantasyon na siyang
pinuntuhan isang dekada nang nakalipas (World Wildlife Fund, 1998) (balikan: pahina 14
ng Kabanata IV). Sa napakalaking lupaing nakalaan para sa tubo, ayon sa Ikaapat na
Kabanata (p. 16), nananatili ang kontrol ng iilang malalaking planter na binebenta ang
nakukuhang tubo sa iilang naglalakihang ilohan sa loob ng rehiyon (Braza 2016). Ang
422,500 na ektarya (Sugar Regulatory Administration, 2012) ay pinaghaharian ng iilan sa
napakatagal nang panahon, tulad ng sa sistemang enkomienda at sistemang asyenda
(Constantino, 1975) (balikan: mga pahina 16-18 ng Kabanata IV). Katunayan lamang ito
na mayroong monopolyo sa lupa at sa mismong industriya ng asukal. Ang hindi
kompetitibong industriya ng asukal, sa termino ng mga ekonomista, ay maaaring isa sa
mga dahilan ng kakayahan ng iilang mga tao upang takdaan ang mababang pasahod sa
mga manggagawang-bukid. Sa pagpapanatili ng mga asyenda sa kasalukuyang sistema,
napanatili rin ang relasyon sa produksyong nanaig ilang daantaon na ang nakalipas:
ginagamit ng mga nagmamay-ari ng lupa ang lakas-paggawa ng mga magsasaka upang
makakuha mataas na tubo. Nasaad na ng datos ng presyo ng paggawa sa mga asyenda sa
kasalukuyan na kulang na kulang sa pang-araw-araw na matiwasay na buhay ang
realidad. Tulad ng mistulang pagnanakaw na ito sa mga sakada noon, ang malaking tubo
mula sa produkto ng mga manggagawang-bukid ngayon, o ang pyudal na pananamantala,
ang nagpundar sa bayan tulad ng Bacolod na hindi naman nakakapagprodyus ng sariling
pagkain.
Sa tagal ng pananatili ng CARP bilang opisyal na polisiya para sa repormang
agraryo, hindi nabigyan ng lupa ang mga manggagawang-bukid na ilang dekada nang
binubungkal ang lupa. Bagaman pinoproseso nila ito sa kasalukuyan, hindi maaaring
64
itakwil ang katotohanang mabagal ito relatibo sa 20 taon ng CARP. Sumasang-ayon ang
nakalap na datos sa pahayag na nananatiling walang sariling lupa ang mayorya ng mga
magsasaka (Guerrero, 1970). Dahil sa primaryang problema ng kawalan ng lupa na
pinapatibay naman ng kabiguan ng gobyernong ibigay ito sa mga magsasaka, hindi
kataka-taka kung nagkakaroon ng maraming pagkilos ang uring ito, sa iba’t ibang porma,
upang makamtan ang kanilang batayang karapatan – hindi lamang sa lupa at kabuhayan,
kundi pati na rin sa kalusugan, pagkain at edukasyon bilang kaugnay ng mga nauna
(balikan: diskurso ng malapyudalismo sa Kabanata IV sa mga pahinang 11-22).
Kitang-kita ang aspirasyon ng mga manggagawang-bukid para sa sariling lupa
upang magamit sa sariling pangkonsumo. Sa kanilang perspektiba, ito ang ultimong
makakaresolba sa kanilang ekonomikong pagkalugmok. Kung titignan, ang gantong
hangarin nila’y primaryang nagmumula sa pagkalugmok nila bilang mga sahurang
magsasaka sa mga asyenda, at kakulangan sa pagkain. Inanak ng sitwasyong ito – ng
lubusang kagutuman at kahirapan – ang politikal na pakikibaka ng mga manggagawang-
bukid upang mapasakanila ang lupang matagal na nilang binubungkal. Sa parehong
asyenda’y makikita ang pagkilos ng mga manggagawang-bukid bagaman nagkakaiba sila
sa karanasan. Sa Hacienda Regalado, ang kanilang pagpupunyaging magtanim sa gitna
ng tubuhan ay binalikan ng militarisasyon mula sa administrasyon. Kahit na
napagtagumpayan nilang mapalayas ang mga dumating na pribadong armadong pwersa,
relatibong humina ang pagkilos nila dahil sa tinukoy ng lider na takot. Sa ngayon ay
umaasa sila sa pamamahagi ng lupa sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Mariano sa DAR.
Ganunpaman, nananatiling nakatayo ang balangay ng NSFW sa Hacienda Regalado. Sa
Hacienda Perez naman ang mas maraming praktika sa bungkalan dahil sa ‘di-papatinag
na aktitud ng mga manggagawang-bukid kahit na ilang beses silang hinahadlangan ng
bayarang hukbo ni Atty. Muya. Ang mga nagmamay-ari ng mga asyenda, tulad na
lamang ng mga Regalado at Perez, ay nagagamit ang yaman mula sa asukal upang
dominahin ang politika sa paraan ng militarisasyon sa isang banda, at sa legal na pagtugis
sa katayuan ni Atty. Muya. Pinapatunayan nito ang nananatiling kontradiksyon sa pagitan
ng mga naghaharing-uring panginoong maylupa, ang may kontrol sa pwersa ng estado, at
ng mga magsasaka, bilang pinakamarami sa lipunan, upang mag-agawan ng
kapangyarihang pampolitika na nagtatakda ng kaunlaran sa mananalong pwersa (Taruc,
65
1981) (balikan: pahina 22 ng Kabanata IV). Malaking pahayag ang kanilang planong
pasukin muli ang asyenda matapos ang kabyawan upang gawing bungkalan ang lupa.
Maaaring mahinuha sa patuloy na pagpupunyagi ng mga manggagawang-bukid sa
Hacienda Perez na ito na lamang ang natitirang opsyon para sa kanila upang magpatuloy
ang kabuhayan at mapaunlad pa ito. Sa daan naman ng panahon, nakapagtayo na sila ng
maliit na taniman ng medisina na kolektibong sinasaka. Sila rin ay nakaabang sa
pagpoproseso ng papeles nila sa DAR, ngunit, gumagawa pa rin sila ng paraan upang
magamit na ang lupang dapat ay naibigay na sa kanila dati pa.
Ang karanasan ng dalawang asyendang ito ay naaayon sa kondisyon ng
monokultura ng tubo, at sa pakikibakang masa ng mga manggagawang-bukid. Dahil sa
kahirapang dulot ng kawalan ng lupa, kawalan ng karapatang makapagtanim ng pagkain,
at militarisasyon, nag-organisa ang mga apektado upang kolektibong isulong ang
kanilang interes.
66
VII. ANG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM
Bagaman walang naging pagbabanggit ang mga manggagawang-bukid ukol sa
programa ng gobyerno para sa kanilang pagpapaunlad, minabuti ng mananaliksik na
idagdag ang seksyon na ito upang mabusisi ang tanging programang pangkagalingan
(welfare program) na nakatuon sa sektor ng asukal, espesipiko sa mga manggagawa sa
tubuhan at ilohan. Ito ang paksang pinanggalingan ng mananaliksik, na rekisito sa
Development Studies 190 o praktikum ng programa, sa pagpili ng sabjek ng tesis na ito.
Sa kabanatang ito ay ilalahad muli ng mananaliksik ang mga naging susing resulta ng
naging pag-aaral ng grupo sa Social Amelioration Program (SAP), tulad ng mga datos at
panayam sa mga susing taong nagpapatupad ng SAP.
Kasaysayan ng Social Amelioration Program
Unang programang naglalayong ipamahagi ang parte ng tubong nakukuha ng
industriya ng asukal sa mga manggagawa nito ay ang Republic Act No. 809, o Sugar Act
of 1952. Sa ilalim nito, 3% ng produksyon ng asukal ay dapat maibalik sa mga
manggagawa. Pinatupad ito sa tatlong distrito ng ilohan: (1) Binalbagan-Isabela Sugar
Company (BISCOM); (2) Southern Negros Development Corporation (SONEDCO); at,
(3) San Carlos Milling Company. Pinagkasunduan sa RA 809 na ang makukuhang tubo
mula sa pagtaas ng shares ng mga planter ay paghahatian ng planter at kanyang mga
manggagawa sa plantasyon (DOLE, 2015). Ituntungan ito ng pagpapatupad ng Social
Amelioration Program noong 1974 sa implementasyon ng Presidential Decree No. 621 na
nagpataw ng P1.00 tax para sa stabilization fee kada pikul ng asukal. Mismong planters
ang nagmungkahi ng programang ito upang maangat sa laylay ang mga manggagawa
(DOLE, 2014). Kasunod nito, taong 1969 nang ginamit ng National Congress of Unions
in the Sugar Industry of the Philippines (NACUSIP) ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng
produksyon upang taasan ang presyo ng asukal sa lokal na merkado mula P25 kada pikul
tungong P31 kada pikul, na sinang-ayunan ng dating Pangulo Ferdinand Marcos. Parte
dapat ng naging pagtaas ng presyo ay mapupunta sa mga manggagawa (Braza, 2016).
Natigil lamang ang SAP sa dekada ’80 nang bumagsak ang presyo ng asukal sa
pandaigdigang merkado. Malaki ang naging epekto nito sa lokal na sektor ng asukal dahil
nakatuon na ito sa pag-eeksport (Braza, 2016).
Ang kasalukuyang porma ng SAP ay sa pagpapatibay ng dating Pangulo Corazon
Aquino sa pagpirma niya sa Republic Act No. 6982, o ang Sugar Amelioration Act of
1991 (DOLE, 2015). Ang layunin nito ay ang mga susunod: (1) dagdagan ang kita ng
mga manggagawa; (2) pondohan ang mga programa pangkabuhayan at ia pang
pagkakakitaan para sa mga pamilya ng mga manggagawa; (3) isulong ang kagalingan ng
manggagawa; at, (4) pataasin ang partisipasyon ng mga may-kinalaman sa paggawa ng
mga desisyon at polisiya kaugnay ng kaunlaran ng manggagawa. Sa unang taon ng SAP
67
ay nakatakda sa P5 kada pikul ang singil. Ang makukuhang pondo mula sa paniningil ng
P10 kada pikul sa kasalukuyan ay hinahati sa iba’t ibang larangan (DOLE, 2014).
Talahanayan 7.1 Social Amelioration Fund
Pinakamalaking bahagi ng Social Amelioration Fund (SAF) ay para sa cash bonus
sa mga manggagawa (80%), samantala ang natirang porsyento ay napupunta naman sa
programang sosyoekonomiko (Socio-Economic Program Related Fund) tulad ng
benepisyo para sa mga namatay, buntis, gastusin ng Sugar Tripartite Council, District
Tripartite Council, at Bureau of Workers with Special Concerns, at mga proyektong
sosyoekonomiko (DOLE, 2014). Lahat ng mga ito ay ang Department of Labor and
Employment ang nangangasiwa maliban sa mga proyektong sosyoekonomiko na ang
Sugar Industry Foundation, Inc. (SIFI) naman ang tinayo ng gobyerno upang pangunahan
(Braza, 2016).
Katotohanan ng Social Amelioration Program
Noon pa man ay aminado na ang gobyerno na hindi natatanggap ng mga
manggagawang-bukid at manggagawa sa ilohan ang hati nila mula sa kita ng industriya
(Braza, 2016). Ayon sa naging pananaliksik nina Arada, Besana & Dayrit (2016), ang
dapat na nakukuha ng mga manggagawang-bukid sa tubuhan ay papatak sa P400-P500
subalit ang nakukuha lamang ng karamihan ay kasingbaba ng P2 kada anihan. Ayon sa
panayam nila sa DOLE Regional Office, nakabatay ang binibigay na cash bonus sa
buwanang sahod kaya kung mas mababa ang nakukuha mong sahod, mas mababa rin ang
80%
5% 3%
3% 9%
Social Amelioration Fund
Cash Bonus
Death Benefit Program
Maternity Benefit Program
Administrative Expense Fund
Socio-economic Projects
68
bonus. Lumabas naman sa datos ng mga mananaliksik na ang mga manggagawang-bukid
na relatibong mataas ang sinasahod (P1000+) ay napakaliit pa rin ng nakukuhang cash
bonus mula sa SAP. Sa gayon, nakikita na ang proseso ng pamamahagi ng Cash Bonus
Fund ng SAP ay maanomalya. Dagdag pa rito ang kawalang-impormasyon ng mga
manggagawang-bukid ukol sa pagkwenta ng makukuhang cash bonus at sa mismong
programa ng SAP. Isang malaking butas sa programa na nakita ng mga mananaliksik ay
ang puntong dumadaan sa at mismong planter ang nagpapamahagi ng cash bonus sa mga
manggagawang-bukid – isang ‘di kinakailangang hakbang sa distribusyon ng benepisyo
dahil sa malaking potensyal na ipitin ng planter ang pera. Sa ibang mga asyenda naman,
tuluyang walang natatanggap na cash bonus mula sa SAP ang mga manggagawang-
bukid, lalo na ang mga sakadang manggagawang-bukid (Arada, Besana & Dayrit, 2016).
Para naman sa mga nakakakuha ng bonus, walang tulong o kaunlarang naaabot ang
binibigay sa kanila. (Braza, 2016).
Mayroon nang tumataginting na P286.3 milyon na hindi napapamahaging Cash
Bonus Fund. Walumpung porsyento ng hindi napamahaging pondo ay para sa maliliit na
magsasaka Ilan sa mga binanggit ng SIFI na dahilan ng problemang ito ay ang mga
sumusunod:
1. Huli na nilalabas ng mga ilohan ang CBF kung kaya nakaalis na ang mga
sakada (migrant workers) bago ito maibigay sa kanila;
2. Hindi o huling pagpapasa ng mga planter ng payrolls para sa likidasyon –
dahilan ng hindi paglalabas ng CBF sa susunod na panahon; at,
3. Hindi na kinukuha ng mga manggagawang-bukid ang cash bonus dahil sa
kaliitan nito (Braza, 2016).
Sa usapin naman ng benepisyo, karamihan ay hindi alam ang pagkakaroon ng
gantong programa ng gobyerno. Sa mga nakakaalam naman, napakabagal ng
pagpoproseso ng aplikasyon bukod sa mga pamantayang mahirap kamtin (Arada, Besana
& Dayrit, 2016). Ayon sa ilang panayam ng mga sumubok kumuha ng benepisyo sa
panganganak, mas mataas pa ang gagastusin sa paglalakad ng aplikasyon kaysa
makukuha na P3,000 lamang. May bias naman sa work-related accidents ang death
benefits ng SAP dahil sa diin nito ang maaari lamang makakuha ng benepisyo ay ang
nagtrabaho sa kasalukuyang milling nang 3 buwan na tuloy-tuloy. Malaki ang problema
rito dahil marami sa mga manggagawang-bukid ay may sakit na lumalala sa daan ng
panahon, o kronik na mga sakit. Kahit ilang taon na silang nagtatrabaho sa tubuhan, kung
namatay sila sa panahon na hindi sila nakapagtrabaho nang 3 buwan, hindi na sila
mabibigyan ng benepisyo. Sa kabilang banda, eksklusibo naman ang nagiging
benepisyaryo ng mga programang sosyoekonomiko ng SIFI dahil ang mga komunidad sa
ilalim ng CONFED, PANAYFED, LUZONFED, at PSMA lamang ang kanilang
69
sineserbisyuhan. Nakabatay rin sila sa rekomendasyon ng mga planter kung kaya’t mas
hindi nabibigyang-pansin ang mga komunidad na nagpepetisyon sa kanilang lupain dahil
siguradong hindi pabor ang planter sa mga manggagawang-bukid.
“Dahil na rin sa apilyasyon nito sa mga malalaking asosasyong pinapamahalaan ng
pinakamalalaking sugar barons, hindi rin ito humihiwalay sa interes at programang nais
ng mga asosasyong ito. Kulang ang SIFI sa paglubog sa isyu ng pagpapasahod sa mga
manggagawang bukid sa tubuhan na pinakanaghihirap sa buong industriya (Arada,
Besana & Dayrit, 2016).”
Mismong ang Chief Operation Officer Edith Villanueva na ng SIFI ang nagsabi sa
mga mananaliksik ang malaking problema sa pagpapatupad ng SAP sa konteksto ng
proyektong pangsosyoekonomiko ay ang hindi pagbibigay ng gobyerno ng pondo sa
kanila sa kabila ng sinasabi ng batas na pagtu-turn over ng hindi napamahaging CBF sa
kanila tuwing matapos ang tatlong taon ng pagkaantala nito (Arada, Besana & Dayrit,
2016).
Kung pagkokomparahin ang resulta ng mga mananaliksik sa datos ng Unyon ng
mga Manggagawa sa Agrikultura (2016), kahit sa mga tubuhan sa labas ng Negros ay
hindi nabibigyan ng ameliorasyon ang mga manggagawang-bukid.
“In Bukidnon, OGYON reports that farm workers do not receive amelioration bonuses,
instead the employers merely organize outings or Christmas parties. In Batangas,
KAISAHAN reports that the cash bonus funds (CBF) are withheld by millers and planters
and never reach the farm workers, especially since 80% of those who perform the
heaviest tasks are sakada or migrant sugar workers.”
Kita mula sa mga ito na ang Social Amelioration Program ay hindi nakatulong sa
sitwasyon ng mga manggagawang-bukid; taliwas sa layunin nito na nakasaad sa saligang
batas. Nakikita ng mga manggagawang-bukid na ang SAP, dahil sa pagkilala nito sa
kahirapan ng sektor ng asukal, ay pinapatibay pa ang pyudal na sistemang patronage sa
pagitan ng manggagawang-bukid at panginoong maylupa (Unyon ng mga Manggagawa
sa Agrikultura, 2016). Sa gayon, may pangangailangan na ikampanya ang pamamahagi
ng Social Amelioration Fund na sa matagal nang panahon ay iniipit ng mga namamahala
(Arada, Besana & Dayrit, 2016).
70
VIII. KONKLUSYON
Kakulangan ng lupa ang primaryang problemang kinakaharap ng mga
manggagawang-bukid dahil dito nag-uugat ang samu’t saring pasakit sa kanilang buhay.
Hindi makapagtanim ng pagkain ang mga manggagawang-bukid dahil wala silang
sariling lupa. Nakapailalim sila sa ekonomikong kontrol ng mga aryendador sa usapin ng
sahod dahil hindi sa kanila ang lupang kanilang sinasaka. Nalulugmok ang mga pamilya
tuwing Tiempo Muerto dahil lahat ng lupa ay nakalaan lamang sa tubo; wala nang ibang
pananim. Hindi makapagpatuloy sa pag-aaral ang kabataan dahil sa sistemang
nagpapanatili sa kanila bilang mga manggagawang-bukid. Bagaman ang orihinal na
sabjek ng pananaliksik ay monokultura ng tubo, hindi ito maaaring mapaghiwalay sa
usapin ng monopolyo sa lupa dahil ang nagpapatupad ng monokultura ay ang mga
panginoong maylupa mismo. Sa gayon, ang mapagpasya sa papatubuin sa lupa ay kung
sino ang nagmamay-ari nito.
Ang kasaysayan ng lupa sa Hacienda Regalado at Hacienda Perez ay tulad ng
maraming lupain sa Pilipinas kung saan pinaghaharian ng iilang indibidwal habang
binubungkal ng sanlaksang magsasaka. Hindi mahalaga ang numero ng uring
magsasakang pinagyaman ang lupain dahil sa kakayahan ng mga panginoong maylupa na
panatilihin ito sa kanilang mga kamay. Dahil sa katangian ng tubo bilang isang cash crop,
mula noon hanggang ngayon, ito ang pinapanatili ng mga panginoong maylupa sa
kanilang lupain upang makakuha ng malaking kita. Makikita ito sa datos sa anggulong
bagaman sakdal-dusa na ang mga manggagawang-bukid dahil sa katayuan ng produksyon
at pasahod ay nananatili ang malawakang monokultura ng tubo. Samantala, kung
babalikan ang diskurso nina Constantino, Corpuz, at Guerrero, makikita na
makasaysayan na ang problema ng pagkubabaw ng komersyal na interes ng mga
panginoong maylupa sa mga sakahan upang makapagkamal ng napakalaking kita mula sa
cash crops (balikan: mga pahinang 16-20 ng Kabanata IV). Sa pagbubukas ng merkado
para sa pag-eeksport, pinihit ang lokal na produksyong agrikultural tungong pananim
pang-eksport – hindi napakinabangan ng mga magsasaka ang kanilang sariling ani. Sa
konteksto ng Negros, tinatag ang merkadong pang-eksport na may-diin sa asukal noong
71
1847 nang tumaas ang pandaigdigang demand para sa asukal matapos ang 1820 (balikan:
pahina 18 ng Kabanata IV).
Sa gantong rason namayagpag ang monokultura ng tubo sa parehong asyenda. Sa
kabilang banda, hindi pantay ang nakukuhang yaman ng manggagawang-bukid sa
tubuhan sa kanyang napoprodyus na kita para sa mga panginoong maylupa pati na sa mga
may-ari ng mga ilohan. Walang kaunlarang nadudulot ang kakarampot na sahod sa mga
manggagawang-bukid; bagkus, ang pinapasahod sa kanila’y sapat lamang upang
makapagpatuloy ang henerasyon ng mga manggagawang-bukid sa parehong pang-
ekonomikong katayuan hanggang sa salinlahi – o ‘di kaya’y mas lugmok pa sa sinundan
nito. Tama ang konseptong parehong manggagawang-bukid at panginoong maylupa ang
humuhubog sa kasaysayan ng monokultura ng tubo. Sa kasalukuyan, ang pananaig ng
panginoong maylupa sa kontradiksyon ng dalawang uri (dialektika) bilang may-kontrol
sa proseso ng tubo ang nagbibigay-kahulugan sa monokultura bilang mapang-api sa mga
manggagawang-bukid. Pinipilit naman ng pwersa ng uring panginoong maylupa ang
pagpapatuloy ng gantong relasyon sa produksyon upang manatili o mapalaki pa ang
ganansya niya mula rito.
Sa pananaig ng sistemang malapyudal, o, ayon kay Guerrero, ang problema ng
monopolyo sa lupa at paghuhuthot ng rekurso ng bansa gamit ang murang lakas-paggawa
ng mga magsasaka, ipinapanganak ang napakaraming negatibong epekto sa buhay ng
anakpawis sa maraming larangan: edukasyon, kalusugan, pinansya, pagkain, politika, at
kultura. Sa aspeto ng ekonomya, ang nananaig na sistemang monokultura at pakyawan sa
tubuhan ay maliit ang binibigay na sahod sa mga manggagawang-bukid habang walang
lupang mapagtamnan ng pansariling konsumo. Dahil dito, napipilitan ang maraming
kabataang lumiban sa klase o hindi na mag-aral pa upang makapag-ambag sa ekonomya
ng pamilya – napuputol ang oportunidad para sa mas maaliwalas na buhay sa gantong
kondisyon dahil nagiging manggagawang-bukid din ang kabataan kompara kung sila’y
nakapagtapos sa mataas na paaralan upang makakuha ng trabahong mas mataas ang
pasahod. Ang salat na benepisyong binibigay ng SSS, PhilHealth, at SAP ay hindi
napapakinabangan ng Hacienda Regalado at Hacienda Perez. Samantala, pinapabayaan
lamang ang mga nagkakasakit sa komunidad. Ang batayang tanong ukol sa pagkain ay
72
hindi nasasagot ng gantong sistema: hindi nakakakuha ng sapat na pagkain ang mismong
mga nagsasaka.
Sa pagpapalalim ng mananaliksik sa ekonomikong pagkalugmok ng mga
manggagawang-bukid, tumampok na hinding-hindi pumantay ang kanilang sinasahod sa:
(1) pamantayan ng IBON Foundation ukol sa nakabubuhay na sahod P1,096 para sa isang
pamilya; (2) poverty line na tinakda ng gobyerno sa P302 kada pamilya; (3) minimum na
pasahod sa mga plantasyon ayon sa DOLE-NWPC; at, (4) sa ninananis ng mismong mga
manggagawang-bukid na makuha sa pang-araw-araw na pumapatak sa P300-P500. Mula
rito pa lamang ay makikita na ang antas ng kahirapan ng mga manggagawang-bukid.
Maski anong pamantayan – mula sa pinakamataas ng IBON hanggang sa poverty line ng
Pilipinas – ay hindi pumasa ang dalawang asyenda. Pinapatunayan lamang ng datos na sa
panahon na sinasabing umuunlad ang bansa at industriya, napag-iiwanan ang
mamamayang lumilikha.
Naaapektuhan ng gantong ekonomikong kondisyon ang sitwasyong pampolitika.
Ang nananaig na repormang agraryo sa bansa ay tuwirang anti-magsasaka dahil sa tagal
nang panahon na pag-iral nito’y hindi napasakamay ng mga manggagawang-bukid ng
Hacienda Regalado at Hacienda Perez ang lupa nila. Sa gayon, dapat makita ang CARP
bilang nagsisilbi sa interes ng mga kasalukuyang naghahari-harian sa lupain – ang mga
panginoong maylupang Regalado at Perez. Hindi gumagana ang legal na pamamaraan ng
pagkuha sa lupa para sa mga manggagawang-bukid. Sa gayon, sa isang antas ng politika
ay naaagawan ng pampolitikang kapangyarihan ang mga manggagawang-bukid.
Gayunpaman, ang kakulangan ng pagkain sa parehong asyenda ay nagtutulak upang
mapalakas ang pampolitikang paglahok ng mga manggagawang-bukid – malinaw na
manipestasyon nito ay ang pananatili ng NFSW sa parehong asyenda. Ang mga
sinasagawang aktibidad at kampanya ng NSFW laban sa mga panginoong maylupa ay
matuturing na laban din sa pananaig ng monokultura ng tubo sa mga asyenda dahil
nakikita ng mga manggagawang-bukid na kailangang mapasakanila ang kapasyahan sa
lupang kanilang sinasaka – pagtatanim para sa sariling konsumo. Naglulunsad ng
kampanyang bungkalan ang NFSW, partikular sa Hacienda Regalado at Hacienda Perez,
upang militanteng kamtin ang kanilang karapatan sa lupang sinasaka para sa kabuhayan.
73
Sa kabilang banda, hindi lamang mga manggagawang-bukid ang tumataas ang
pampolitikang pangingialam sa gantong konteksto. Ang mga panginoong maylupa sa
katayuan ng mga Regalado at Perez ay tahasang ginagamit ang kanilang kapangyarihan
upang supilin ang pwersang nagpapawala sa kanila ng kanilang ekonomikong base. Sa
gantong kondisyon, nagkikiskisan ang dalawang uri sa laban para sa lupa at kabuhayan.
Sinasagot ng militarisasyon ang pakikibaka ng mga manggagawang-bukid, samantala,
hindi tumitigil sa legal at ekstra-legal na pamamaraan ang organisasyon para makuha ang
lupa.
Bagaman magkaiba ang naging karanasan at praktika sa kasalukuyan ng Hacienda
Regalado at Hacienda Perez, mahalagang balikan na parehong biktima lahat ng
manggagawang-bukid dito ng mababang pasahod at kawalan ng lupa. Ang kaibahan sa
antas ng pakikibaka, kung ito’y marapat na gamiting termino, ay palagi’t laging dapat
isakonteksto sa disposisyon ng indibidwal at kolektibong buhay ng organisasyon sa lokal
– isang puntong hindi nadeltalyehan ng datos ng pananaliksik.
Mula sa ekonomyang pampolitika sa asyenda, pinapatunayan ng datos na walang
opsyon ang mga manggagawang-bukid kundi pumaloob sa mapanamantalang relasyon sa
panginoong maylupa dahil wala sa kanila ang kagamitan sa produksyon lalong lalo na
ang lupa. Ang kawalan ng lupa ang tinukoy mismo ng mga manggagawang-bukid bilang
may-sala sa kanilang problemang nagsasangay-sangay sa marami pang aspeto. Kahit ang
ekonomikong diskriminasyon sa kababaihan na sa unang tingin ay bayolohikal kuno, ay
sa usaping agraryo rin ang ugat. Dialektika, o ang agawan ng kapangyarihan, ng mga
manggagawang-bukid at ng panginoong maylupa ang nagsasaad na sinuman ang may
hawak sa lupa, gagawin nito ang lahat upang mapanatili ito sa kanyang kontrol – sa kaso
ng Hacienda Regalado at Hacienda Perez, ito ay sa panginoong maylupa. Sa gayon,
pinapaalala ng ekonomyang pampolitika na hinding-hindi maaaring mawala ang gantong
konteksto ng politikal na kapaligiran sa pagpapatupad ng mga polisiya lalo na ng mga
tinatarget ang maralita tulad ng Social Amelioration Fund. Kahit ang mga programa ng
gobyerno na SSS at PhilHealth ay hindi natutupad labas sa kontekstong ito. Tila ang
kawalan ng lupa mismo ang nagiging harang sa mga manggagawang-bukid sa kanilang
karapatan.
74
Panggalingan ang mga naunang punto: masasabing ang usapin ng monokultura ng
tubo bilang naghubog sa buhay ng mga manggagawang-bukid ay dahil wala sa kanila ang
demokratikong desisyon sa pagpili ng itatanim sa lupa. Hindi dapat tutulan o iwasan nang
tuluyan ang pagtatanim ng tubo dahil sa isang banda’y kailangan ito ng populasyon,
ngunit ang ganansya ng lupa at ang mga bunga nito ay dapat napupunta sa mismong
nagbubungkal nito.
Tulad ng iba’t ibang kilusan, ang kahirapang naidulot ng kawalan ng lupa ay
nagtulak sa mga manggagawang-bukid upang magbuo ng organisasyon at ipaglaban ang
kanilang kolektibong interes. Mahalagang aral mula sa kanilang praktika na kahit sa
harap ng militarisasyon, kayang manaig ng kolektibong pwersa ng mamamayan. Sa
kanilang pagpupunyagi rin ay patuloy nilang ipaglalaban ang karapatan nilang bungkalin
ang lupa para sa sapat na kabuhayan. Mula rito natin makikita ang ugnayan ng
ekonomikong kalagayan ng isang grupo ng mga tao at ang politikal na hakbangin nila
upang mapaunlad ang sarili.
Sa daloy ng pananaliksik, lumabas ang mga kasong pag-aaral bilang mga kaso ng
pananatili ng malapyudalismo na pinagsasamantalahan ang murang lakas-paggawa ng
mga magsasaka para sa paghuthot ng kita. Sa kasong ito, ang mga panginoong maylupa
ay pinanatili ang monokultura ng tubo dahil sa malaking kita mula sa produkto habang
kinukulong ang mga manggagawang-bukid sa mababang sahod. Pinagpapasa-pasahan
ang pagmamay-ari sa lupa ng mga magkakamag-anak imbis na mapunta ang lupa sa mga
manggagawang-bukid na ilang dekada nang nililinang ang lupa.
Sa huli’t huli, pinapatunayan ng panaliksik na ang monokultura ng tubo kasama
ng salik ng kawalan ng lupa at mababang pasahod ay sapat na rason upang tumaas ang
pampolitikang paglahok ng mga manggagawang-bukid sa porma ng bungkalan at
paglaban para sa pagmamay-ari ng lupa.
75
IX. REKOMENDASYON
Natukoy nang lpa ang primaryang usapin sa buhay ng manggagawang-bukid.
Repormang agraryo, kung sa gayon, ang materyal na isyung marapat lamang resolbahin
upang mapabuti ang kalagayan nila. Nagtapos man ang CARPER, ito pa rin ang
gumaganang repormang agraryo sa bansa. Sa gayon, kailangang nang tapusin ang pag-
iral nito sa pamamagitan ng pagsasabatas ng isang repormang agraryo na tunay na
magpapamahagi ng lupa sa mga magsasaka nang libre. Ang Genuine Agrarian Reform
Bill ay isinusulong ng Anakpawis Partylist bilang isang makatarungang polisiya para sa
uring magsasaka kung saan nakasaad ang libreng pamamahagi ng lupa, serbisyong
agrikultural mula sa gobyerno, at kaunlaran sa kanayunan. Ang komprehensibong batas
na ito ang magtitiyak sa palipunang hustisya para sa lahat ng magsasaka’t
manggagawang-bukid ilang dekada nang nililinang ang lupa ngunit salat sa kanilang
karapatan dito. Mahalaga ang papatuloy na suportang serbisyo mula sa gobyerno upang
masustena ng mga magsasaka ang pagsasaka, lalo na sa umpisang mga taon. Ang
pangmatagalang programa naman ng kaunlaran sa kanayunan ang magpapatibay sa
pambansang ekonomyang nakabatay sa agrikultura1.
Ang pagsasabatas ng GARB ay mahalagang hakbang upang maibalik sa kamay
ng uring magsasaka ang kapasyahan, hindi lamang sa uri ng tanim sa lupa, kundi sa
pagiging likas-kaya ng kanilang kabuhayan sa pangkalahatan. Bagaman sinasabi ng datos
na isang problema ang monokultura ng tubo, sa panahon na napupunta na sa mga
magsasaka ang yaman mula sa lupa, hindi magiging mapanamantala ang monokultura. Sa
gayon, maaaring malusaw ang Tiempo Muerto bilang realidad dahil sa pag-unlad ng
ekonomikong kalagayan ng mga manggagawang-bukid kung mayroon na silang sariling
lupang masasaka para sa sariling konsumo. Ang anim na buwan ng kahirapan at
kagutuman ay matutuldukan na. Sa kabilang banda, walang ginagawang konklusyon ang
mananaliksik ukol sa kabutihan o kasamaan ng monokultura bilang isang agrikultural na
pamamalakad. Ang punto lamang ay ang demokratisasyon ng pagsasaka. Ang mga
__________
1 basahin ang Praymer sa GARB ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa
https://issuu.com/kilusangmagbubukid/docs/primer_garb_v3
76
susunod na usapin ng sentralisadong pagpaplano sa asukal ay maaaring mapalawak at
mapalalim pa ng ibang pag-aaral sa sektor na ito.
Kinakailangan ang matapat na pagbibigay ng insentibo sa mga manggagawang-
bukid sa tubuhan lalo na sa panahon ng Tiempo Muerto dahil sa kawalan ng hanapbuhay
sa panahong ito. Upang matugunan pa rin ang demand para sa tubo at asukal, ang
pagbibigay ng suporta tuwing off-milling season ay maghihimok sa mga magsasakang
magtanim pa rin ng tubo. Bukod dito ang mga proyektong pangkabuhayan na dapat ay
maaari nilang pasukin, lalo na sa mga kritikal na panahon.
Para sa Hacienda Regalado, nirerekomenda ng mananaliksik ang pagpapalakas sa
organisasyunal na pagkakaisa ng mga miyembro sa paraan ng edukasyon ukol sa
kasaysaan ng pakikibaka para sa lupa. Tunay naman na mahalagang maproseso ang apela
para sa lupa ngunit mahalagang balik-tanawin ang mga dahilan kung bakit hindi nagsilbi
ang dating mga repormang agraryo para sa interes ng uring magbubukid. Sa gayon, ang
lokal na balangay ng NFSW sa Hacienda Regalado ay hindi mawawalan ng mulat na
pamamaraan sa pagkamit ng inaasam nilang lupa para sa pangkabuhayan.
Para sa Hacienda Perez, positibo ang pagpapatuloy ng bungkalan sa loob ng
asyenda kahit habang pinoproseso ang lupa sa DAR dahil pagpapakita na ito ng
kolektibong aksyon para ma-pressure ang gobyernong ibigay sa kanila ang lupang dapat
ay sa kanila. Sa isang banda, nagkakaroon din ng malaking hakbang sa pagreesolba ng
kanilang problema sa pagkain sa paraan ng bungkalan. Dahil sa karanasan nila sa
panunupil ng pribadong hukbo ng aryendador, mabuting mangalap ng suporta ang
organisasyon sa iba’t ibang institusyon lalo na sa panahon ng gitgitan. Ang presensya ng
mga pampublikong elemento tulad ng midya at akademya ay makakatulong, una, sa
pagpapalaganap ng kampanya ng mga manggagawang-bukid, at, ikalawa, suporta sa
panahon ng matinding pangangailangan.
Para sa National Federation of Sugar Workers, ang pagpapatuloy ng mahigpit na
ugnayan sa dalawang erya ay esensyal sa pagpapalakas ng organisasyon sa Hacienda
Regalado at Hacienda Perez, at pagpapalakas sa mga kampanya mismo ng NFSW.
Pangunahan ang gawaing edukasyon sa parehong erya dahil sa mayamang karanasan at
77
datos ng NFSW ukol sa pagsasagawa ng mga bungkalan, at pagpapataas ng kamulatan ng
mga manggagawang-bukid. Umugnay sa mga institusyong maaaring makapagbigay ng
tulong sa mga komunidad dahil kung ikokompara sa mga komunidad, ang tanggapan ng
NFSW ang may kakayahang makagawa at makapagpatuloy ng gawaing alyansa.
Ang pagpapatuloy ng pananaliksik sa sektor ng asukal ay kinakailangan.
Maraming usapin at isyu ang hindi nabibigyang-halaga sa iba’t ibang lebel ng lipunan.
Ilan dito ay ang Social Amelioration Program bilang suportang programa sa mga
manggagawa ng asukal, ang tantos ng sarplas na nagagawa sa sektor ng asukal, at pag-
ookupa o pagbubungkal ng lupa bilang porma ng hustisya ng mga manggagawang-bukid.
78
X. AKO AT ANG ARALING PANGKAUNLARAN
Apat na taon ng gawaing akademik ang kinakailangang igugol ng mga nasa ilalim
ng programang Araling Pangkaunlaran sa Unibersidad ng Pilipinas – Manila. Sa loob ng
panahong ito, inaasahan ng programang matutunan ng mga estudyante ang mga teorya ng
kaunlaran sa iba’t ibang perspektiba, tungong iba’t ibang larangan, gamit ang iba’t ibang
dulog habang may ‘di nagmamaliw na tindig kasama ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Binibigyan ng Araling Pangkaunlaran ang mga estudyante ng batayang sandata upang
manatiling matalas at kritikal sa harap ng iba’t ibang nagtutunggaliang pwersang
panlipunan. Lahat ng ito ay dapat sumalamin sa totoong kalagayan ng lipunang Pilipino,
at konkretong makapag-ambag sa ikauunlad nito.
Ang kurikulum ng Araling Pangkaunlaran ay komprehensibong tinatalakay ang
mga teorya ng kaunlaran, konteksto ng Pilipinas, ugnayan ng rural at urban, at ugnayan
ng iba’t ibang larangan ng pag-aaral sa kaunlaran. Tinitignan nito ang isyu ng kaunlaran
sa perspektiba ng marhinalisado – ang pag-unlad ng mga bansa sa Ikatlong Mundo.
Tukoy nito ang ekonomyang pampolitika bilang pag-uugat sa pagsasamantala, at nag-
aanak ng kultura. Hinahasa rin nito ang mga estudyante sa pagpaplano at pagsasagawa ng
mga plano tungong kaunlaran ayon sa pangangailangan ng komunidad sa iba’t ibang
paraang epektibo.
Sa antas-personal, isang buong taon ang kinailangan ko upang manguya at
malunok ang esensya ng Araling Pangkaunlaran. Bahid ng bias sa siyensyang medikal
ang pangarap ko sa pagpasok sa Unibersidad; iniisip ko na gawing isang hakbang lamang
ang programa upang makapaglipat-kurso sa hinaharap. Napakahalaga ng mga nangyari sa
aking unang taon sa Unibersidad sa paghubog ng aking kamulatan at pagbabago ng aking
perspektiba.
Tulad ng sa ibang kurso, paglubog sa malamig na tubig ang mga sabjek ng
General Education. Kinokontra nito ang pagbaybay ng kasaysayan sa hayskul. Nagbigay
rin ito ng ibang perspektiba sa wikang Filipino at kultura na labas sa mga akda ni Jose
Rizal. Mismong dulog sa pag-ispel o baybay ng mga salita ay kitang-kita ang politika.
Totoong nakakakilig ang pagtuklas sa sosyal na aspeto ng ideolohiya, politika, at
79
kulturang Pilipino kaya nag-ambag ang GE sa aking pagpapasyang manatili, bagaman
hindi ito ang naging mapagpasyang pihit. Ang isang sabjek na pinaka naging
makabuluhan sa akin ay ang NSTP dahil kinwestyon nito ang maraming tanggap na
katotohanan ng aking isip. Binuksan nito ang mga usapin sa lokalidad na noong una ay
ayaw kong pag-usapan. Ang mga usaping pesante, katutubo, namamalakaya, babae,
kabataan, at iba pa ay bago sa edukasyon ko – isang malaking kabalintunaan kung
tutuusin. Dagdag pa rito, ang napakakakaibang dulog sa pagtuturo ay pinahirapan ako sa
puntong halos NSTP na lamang ang natututukan kong sabjek. Kahit may halong pag-
ayaw dahil sa kahirapan sa sabjek, lumalim ang pag-unawa at pagpapahalaga ko sa
Araling Pangkaunlaran bilang hindi lamang isang kurso sa kolehiyo ngunit bilang isang
kinakailangang gampanan na larangan ng gawain.
Bukod sa gawaing akademik, importanteng salik din ang pag-ugnay ng mga
pambansa-demokratikong organisasyon sa aming block na madalasan. Dahil sa
pagtatampok ng isyu ng mamamayan sa NSTP, sinuhayan ito ng aktwal na pagkilos ng
mga lokal na ND mass organizations kaya maaga pa lamang ay naging bukas na ako sa
mga pagkilos. Napanahon din na sa unang taon ko sa Unibersidad ay pumutok ang pork
barrel scam, kung kaya’t lalong lumakas ang loob kong makiisa sa laban ng mamamayan
kahit pa tinututulan ito ng aking pamilya. Sa isang banda, tinulungan din ako ng patuloy
na pag-unawa sa pakikibakang masa sa usapin ng pamilya bilang isang politikal na yunit;
hindi lamang ekonomik.
Naging buo lamang ang aking desisyong manatili sa programa sa huling dalawang
buwan ng unang taon – kasabay ito ng aking pagpapasyang sumali sa isang pangmasang
organisasyon. Nagsalimbayan ang pagmumulat sa akin sa isyung panlipunan ng MO
upang tumindig akong pagpatuloy ang pag-aaral ng lipunan. Kinuha ako ng ASAP-
Katipunan, sa patnubay ng NNARA-Youth, na tumakbo sa konseho ng mga estudyante sa
Kolehiyo ng Agham at Sining. Dito ko unang nasubukan ang mga natutunan ko sa
Araling Pangkaunlaran, at lalong napagtibay ito sa proseso. Nakita ko ang
pangangailangan sa sakripisyo sa pagsusulong ng mga makabuluhang interes.
Sa paglilingkod ko sa konseho, gumampan ako sa iba’t ibang gawain na
nakasentro sa kapakanan ng mga estudyante. Imbis na maging kahati ito ng oras ko sa
80
pag-aaral sa program, naging komplimentaryo pa ang isa’t isa. Hinubog din ako sa
konseho na maging isang lider, pareho sa Konseho at sa block ko. Sa gayon, mas naging
praktikal ang mga leksyon tungkol sa kabataan at kaunlaran.
Nagpatuloy ang pag-aaral ko ng mga teorya sa programa at sa pambansa-
demokratikong paaralan. Ang pangalawa ang nagbigay ng malaking oportunidad upang
masapraktika ko ang mga ito, saka matasa sa aking sariling kapasidad ang mga ito at
kanilang kawastuhan. Kahit na anong ideolohiya man ang naaaral ko sa kaunlaran,
nariyan ang masang pinaglilingkuran upang mapaghalawan ng wastong linya at ideya.
Tunay na ang laboratoryo ng mga siyentistang panlipunan ay ang mismong lipunan.
Gayunpaman, ang mga kamalian sa praxis ay malaki ang nadudulot na reaksyon; hindi
tulad ng ceteris paribus na kalikasang nagagawa sa loob ng isang laboratoryo. Malaki, sa
gayon, ang pananagutan ng mga nag-aaral ng lipunan sa mga ginagamit nitong teorya.
Maaaring mapalakas nito ang pakikibakang-masa, o ‘di kaya’y mapahina ito.
Hinanda rin ako ng karanasan ko sa eskwelahan sa practicum sa ikatlong taon sa
programa. Ito ang lunsaran ng mga pinag-aralan ng bawat estudyante na may tunguhing
konkretong makapag-ambag sa buhay ng mga marhinalisadong mamamayan. Totoo na
kahit nasasanay na ako sa pakikipamuhay, iba pa rin ang anim na linggong tuloy-tuloy na
pananatili sa mga komunidad. Isang pagtatalop ng sarili kung tutuusin ang buong proseso
ng practicum – nagpapalit-anyo ang mga estudyante upang mapagbuti ang paglilingkod
sa sambayanan. Hindi ito masarap sa pakiramdam sa una dahil mahirap iwanan ang
nakasanayang kultura sa syudad, ngunit, ito ay nagpapahinog sa indibidwal at
kolektibong pagtingin sa lipunan. Kakaiba ang pakiramdam na namumukadkad ang mga
nabasang teorya sa programa sa mismong harap mo. Para bang bago ang mga ito kahit na
ilang taon mo nang bukambibig. Nagkaroon din ng itsura ng humanidad ang mga teorya.
Ibigsabihin, nasa konteksto na ang pag-aaral namin sa lipunan na may damdamin at
kasing-bigat na mga kapalit.
Ang kahandaang matuto sa masa ay repleksyon ng isang tunay na siyentistang
panlipunan – hindi mapagmalaki sa kanyang mga natutunan dahil naniniwala siyang
nagmumula lamang sa tao ang solusyon sa kanyang suliranin. Ang paglubog sa
komunidad ay pagpapatibay sa pakikibaka ng mamamayan sa pamamagitan ng
81
pakikisangkot sa kanilang laban. Pinapatibay naman nito ang mga teoryang tinatalakay sa
Unibersidad. Hindi maaaring mawala ni-isa sa dalawa dahil magdudulot ito ng
pagnanakaw ng kaalaman at kasiraan sa hanay ng mga nakikibaka para sa buhay.
Higit pa sa modernisasyon, ang mga natutunan ko sa Araling Pangkaunlaran ay
ang pagsagot sa tanong na “Para kanino?” Napakaraming salik ang titimbangin sa tuwing
itatanong ito sa sarili. Ang mga armas ng pag-analisang ibinigay ng programa ang
gumagabay rito. Ang multidisiplinal na dulog ng programa ang nagbubuo ng larawan ng
komunidad at ang tinatahak nitong kaunlaran. Kahit saanman mapuntang larangan ng
gawain, ang mga estudyante ng Araling Pangkaunlaran ay inaasahang kritikal na suriin
ang bawat bagay, himayin ang mga nasasangkot, at piliin ang panig ng marhinalisado.
Napakalaki ng hinihingi ng Araling Pangkaunlaran dahil ang primaryang
benepisyaryo nito ay ang mamamayan. Ang paghahasa nito sa mga estudyante ay
ninanais na dalhin ang perspektiba ng naghihirap kahit saanman sila mapunta. Sa
kasalukuyan, maraming ideya ang nagsusulputan sa akademya; ilan pa rito ay nag-aayong
progresibo ngunit walang malasakit sa makasaysayang paniningil ng mamamayang-api sa
nang-aapi. Susi ang pagkabihasa ng bawat mag-aaral ng Araling Pangkaunlaran upang
ilantad ang huwad na mga ideya, kondenahin ang mga ito, at maghapag ng tunay na
kaisipang mapagpalaya. Sa gayon lamang magiging karapat-dapat ang isang estudyante
ng Araling Pangkaunlaran na tawagin ang sariling tunay na naglilingkod sa sambayanan.
82
XI. SANGGUNIAN
Mga libro/dyornal:
Agoncillo, T. (1973). History of the Filipino People. Quezon City: R. P. Garcia
Publishing Co.
All Workers’ Unity. (2014). Praymer ng Kampanyang National Minimum Wage.
Braza, D. (2016). The Social Amelioration Program in the Sugar Industry in the
Philippines: An Overview of the History, Implementation, Potential Improvements
and Replication. Nakuha 21 Oktubre 2016 sa http://abk3leap.ph/resources
Bonanno, A. &Busch, L. (2015). Handbook of the International Political Economy of
Agriculture and Food. United Kingdom: Edward Elgar Publishing. Nakuha 22
Mayo 2017 sa http://www.e-elgar.com
Constantino, R. (1975). Vol. 1 The Philippines: A Past Revisited. Manila: Fourteenth
Printing.
Diaz, C. (2009). The Other Philippine History Textbook. Manila: ANVIL.
Forsynth, T. (2001). Critical realism and political ecology. Staner, A. & Lopez, G. (eds.).
After Postmodernism: Critical Realism?. London: Athlone Press. Nakuha 15
Mayo 2017 sa
http://personal.lse.ac.uk/FORSYTHT/Critical%20realism%20and%20political%2
0ecology.pdf
Freire, P. (2005). Pedagogy of the Oppressed. New York: The Continuum International
Publishing Group, Inc. (Nilimbag ang orihinal 1970)
Guerrero, A. (1970). Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Nakuha Setyembre 2016 sa
www.padepa.org
Habito, C. & Briones, R. (2005). Philippine Agriculture over the Years: Performance,
Policies and Pitfalls. Nakuha 26 Oktubre 2016 sa
http://siteresources.worldbank.org/INTPHILIPPINES/Resources/Habito-word.pdf
IBON. (2014). Green Works: the viability of organic farming in the Philippines. Quezon
City: IBON Books.
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. (2015). Praymer hinggil sa Genuine Agrarian
Reform Bill.
Madeley, J. (2002). Food for All: The Need for a New Agriculture. Manila: IBON Books.
MASIPAG. (2009). Food Security and Farmer Empowerment. Laguna: MASIPAG.
Nakuha 22 Mayo 2017 sa www.masipag.org
83
Peet, R. & Watts, M. (1996). Liberation Ecology. Nakuha 15 Mayo 2017 sa
http://faculty.washington.edu/stevehar/sust-peet.pdf
Robbins, P. (2004). Political Ecology: A critical introduction (2nd
ed.) New Jersey:
Blackwell Publishing. Nakuha 15 Mayo 2017 sa https://we.riseup.net
Simbulan, R. (2008). Manwal sa Panlipunang Pananaliksik (2nd
ed.). Quezon City:
IBON Foundation, Inc.
Todaro, M., & Smith, S. (2015). Economic Development (12th
Ed.). Nakuha Enero 2017
sa isang e-mail.
World Wildlife Fund. (1998). Socioeconomic Root Causes of Biodiversity Loss: Applied
Case Study Summaries: Philippines. Nakuha 21 Oktubre 2016 sa
http://wwf.panda.org/wwf_news/?3883/Socioeconomic-Root-Causes-of-
Biodiversity-Loss-Applied-Case-Study-Summaries-Philippines
Wright, J. (1956). Feuerbach – Philosopher of Materialism. International Socialist
Review, 17 (4), pp.123-126, 136-137. Nakuha 19 Mayo 2017 sa
https://www.marxists.org/history/etol/writers/wright/1956/xx/feuerbach.htm
e-Journals:
Baum, F., MacDougall, C., & Smith, D. (2006). Participatory action research. Journal of
Epidemiology and Community Health, 60(10), 854–857. Nakuha 17 Oktubre 2016
sa http://doi.org/10.1136/jech.2004.028662
Bergold, J. & Thomas, S. (2012). Participatory Research Methods: A Methodological
Approach in Motion. Forum: Qualitative Social Research, 13(1). Nakuha 17
Oktubre 2016 sa http://nbn-resolving.de/urn:nbn:de:0114-fqs1201302.
Corpuz, O. (1992). Land and Agriculture in the Philippines: An Economic History
Perspective. Philippine Review of Economics and Business, 29(2). Nakuha 27
Oktubre 2016 sa
http://www.econ.upd.edu.ph/pre/index.php/pre/article/viewFile/153/699
Jupp, V. (2011). Purposive Sampling. The SAGE Dictionary of Social Research Methods,
245. Nakuha 19 Oktubre 2016 sa SAGE Research Methods.
Krimmerman, L. (2001). Participatory Action Research Should Social Inquiry Be
Conducted Democratically? Philosophy of the Social Sciences, 31(1), 60-82.
Nakuha 19 Oktubre 2016 sa Sage Publications, Inc.
Mabry, L. (2012). Case Study in Social Research. The SAGE Handbook of Social
Research Methods, 214-227. Nakuha 23 Setyembre 2016 sa SAGE Research
Methods.
MacDonald, C. (2012). Understanding Participatory Action Research: A Qualitative
Research Methodology Option. Canadian Journal of Action Research, 13(2), 34-
84
50. Nakuha 18 Oktubre 2016 sa
http://journals.nipissingu.ca/index.php/cjar/article/view/37/33
MASIPAG. (w.p.) Organic Farming in the Philippines. Nakuha 7 Pebrero 2016 sa
www.masipag.org
Maynard, M. (2004). Feminist Research. The SAGE Handbook of Social Science
Research Methods, 378-381. Nakuha 8 Nobyembre 2016 sa SAGE Research
Methods.
Morse, J. (2004). Purposive Sampling. The SAGE Handbook of Social Science Research
Methods, 884-885. Nakuha 8 Nobyembre 2016 sa SAGE Research Methods.
Schneider, B., et al. (2004). Communication Between People With Schizophrenia and
Their Medical Professionals: A Participatory Research Project. Qualitative Health
Research, 14(4), 562-577. Nakuha 18 Oktubre 2016 sa
http://www.ucalgary.ca/baschnei/files/baschnei/6_QHR.pdf
Stebbins, R. (2011a). Qualitative Research Methods. Exploratory Research in the Social
Sciences. 2-17. Nakuha 22 Setyembre 2016 sa SAGE Research Methods.
Stebbins, R. (2011b). Qualitative Research Methods. Exploratory Research in the Social
Sciences. 42-50. Nakuha 22 Setyembre 2016 sa SAGE Research Methods.
Taruc, P. (1981). On Peasant Organizations. Philippine Sociological Review, 29(1/4),
133-137. Nakuha 26 Oktubre 2016 sa http://www.jstor.org/stable/23898427
Dokumento ng gobyerno:
DOLE National Wages and Productivity Commission. (2016). Summary of Current
Regional Daily Minimum Wage Rates. Nakuha 21 Oktubre 2016 sa
http://nwpc.dole.gov.ph/pages/statistics/stat_current_regional.html
DOLE National Wages and Productivity Commission. (2015). A resolution approving the
adjusted table of pakyaw rates. Nakuha 27 Marso 2017 sa http://nwpc.dole.gov.ph
DOLE National Wages and Productivity Commission. (w. p.). Frequently Asked
Questions. Nakuha 21 Oktubre 2016 sa http://nwpc.dole.gov.ph/faqs.html
Mining & Geosciences Bureau. (2016). Mining Industry Statistics. Nakuha 25 Oktubre
2016 sa http://mgb.gov.ph/
Philippine Statistics Authority. (2014). Philippine Agriculture in Figures, 2014. Nakuha
25 Oktubre 2016 sa http://countrystat.psa.gov.ph/?cont=3
Sugar Regulatory Administration. (2012). Annual Report. Nakuha 21 Oktubre 2016 sa
http://www.sra.gov.ph/wp-content/uploads/2014/01/2012-annual-report.pdf
Wage Rationalization Act: Second regular session of the Congress of the Philippines.
(1989). Nakuha 21 Oktubre 2016 sa http://www.nwpc.dole.gov.ph/
85
Iba pang sinangguni:
Convention on Biological Diversity. (w. p.). Status and trends of biodiversity, including
benefits from biodiversity and ecosystem services. Nakuha 26 Oktubre 2016 sa
https://www.cbd.int/countries/profile/default.shtml?country=ph
D’Amato, P. (2011). Why was Marx a Materialist?. Kinuha 7 Setyembre 2016 sa
https://socialistworker.org/2011/10/28/why-was-marx-a-materialist
Department for International Development. (2009). Political Economy Analysis How To
Note. Kinuha 8 Setyembre 2016 sa https://www.odi.org/sites/odi.org.uk/files/odi-
assets/events-documents/3797.pdf
Engels, F. (1892). Socialism: Utopian and Scientific. E. Aveling (Trans.). Moscow:
Progress Publishers. (Nilimbag ang orihinal 1880). Kinuha 7 Setyembre 2016 sa
https://www.marxists.org/archive/marx/works/download/Engels_Socialism_Utopi
an_and_Scientific.pdf
GRACE Communications Foundation. (w. p.). Industrial Crop Production. Nakuha 21
Oktubre 2016 sa http://www.sustainabletable.org/804/industrial-crop-production
Guda, K. (2011). Occupy Mendiola: Pagkampo ng magsasaka sa Mendiola vs monopolyo
sa lupa, Cha-cha. Nakuha 26 Oktubre 2016 sa
http://pinoyweekly.org/new/2011/10/occupy-mendiola-pagkampo-ng-magsasaka-
sa-mendiola-vs-monopolyo-sa-lupa-cha-cha/
Haspel, T. (2014). Monocrops: They’re a problem, but farmers aren’t the ones who can
solve it. Nakuha 21 Oktubre 2016 sa
https://www.washingtonpost.com/lifestyle/food/monocrops-theyre-a-problem-but-
farmers-arent-the-ones-who-can-solve-it/2014/05/09/8bfc186e-d6f8-11e3-8a78-
8fe50322a72c_story.html
IBON. (2016a). Round Table Discussion on Sustainable Agriculture. Nakuha 22 Mayo
2017 sa http://ibon.org/2016/12/round-table-discussion-on-sustainable-
agriculture/
IBON. (2016b). Raising minimum wage can revitalize domestic economy–IBON. Nakuha
27 Oktubre 2016 sa http://ibon.org/2016/07/raising-minimum-wage-can-
revitalize-domestic-economy-ibon/
Khatana, V. & Kumar, P. (2000). Monocropping: Boon or Bane. Nakuha 21 Oktubre
2016 sa http://www.agriculturesnetwork.org/magazines/india/4-monocultures-
towards-sustainability/monocropping-boon-or-bane/at_download/article_pdf
Marx, K. (1847). Wage Labor and Capital. Neue Rheinische Zeitung. 264-267. Kinuha 8
Setyembre 2016 sa http://www.marxists.org/archive/marx/works/1840/wage-
lab/index.htm
86
Marxist Theory of Political Economy. (2006). League for the Fifth International. Kinuha
8 Setyembre 2016 sa http://www.fifthinternational.org/content/marxist-theory-
political-economy
McGuire, A. (2015). Ecological Theories, Meta-Analysis, and the Benefits of
Monocultures. Kinuha 8 Setyembre 2016 sa http://csanr.wsu.edu/theories-meta-
analysis-monocultures/
McTaggart, R. (1989). 16 Tenets of Participatory Action Research. Nakuha 17 Oktubre
2016 sa http://www.caledonia.org.uk/par.htm
Monoculture. (w.p.). University of Reading: Environmental Challenges in Farm
Management. Kinuha 6 Setyembre 2016 sa
http://www.ecifm.rdg.ac.uk/monoculture.htm
National Democratic Front of the Philippines. (2016). Kamtin ang Makatarungan at
Pangmatagalang Kapayapaan!. Nakuha 26 Oktubre 2016 sa
http://www.ndfp.org/kamtin-ang-makatarungan-pangmatagalang-kapayapaan/
New World Encyclopedia. (2015). History of agriculture. Nakuha 27 Oktubre 2016 sa
http://www.newworldencyclopedia.org/entry/History_of_agriculture
Nicavera, E. (2017, Marso 9). More Negrense families considered poor – PSA. Sunstar
[online]. Nakuha 11 Mayo 2017 sa http://www.sunstar.com.ph/bacolod/local-
news/2017/03/09/more-negrense-families-considered-poor-psa-530001
Ostergard, H. (w.p.). Variety Mixtures in Theory and Practice. Kinuha 8 Setyembre 2016
sa http://www.hutton.ac.uk/sites/default/files/files/rhynchosporium/Variety-
Mixtures-in-Theory-and-Practice-booklet.pdf
Petras, J. & Eastman-Abaya, R. (2006). Philippines: The Killing Fields of Asia. Nakuha
26 Oktubre 2016 sa http://petras.lahaine.org/?p=1660
Poulton, C. & Douarin, E. (w.p.). The State, Policy-Making and Political Economy.
Kinuha 8 Setyembre 2016 sa http://www.soas.ac.uk/cedep-
demos/000_P527_PEPP_K3736-Demo/unit1/page_13.htm
REAP-Canada. (w. p.). Ecological Sugarcane Farming: From Sugarcane Monoculture
To Agro-Ecological Village. Nakuha 26 Oktubre 2016 sa http://www.reap-
canada.com/international_dev_4_3_3.htm
RESIST, Pesticide Action Network Philippines. (2006, April). Participatory Action
Research on POPS Pesticides in a Philippine Rural Community. Kabahagi ang
pananaliksik ng International POPs Elimination Project. Nakuha 7 Mayo 2017 sa
http://ipen.org/sites/default/files/documents/9phi_participatory_action_research_i
n_philippines-en.pdf
Reyes, R. (2016, Pebrero 22). Marcos’ Green Revolution. The Manila Times [online].
Nakuha 5 Mayo 2017 sa http://www.manilatimes.net/marcos-green-
revolution/246377/
87
Shoppes, L. (2002). Making Sense of Oral History. Nakuha 19 Oktubre 2016 sa
http://historymatters.gmu.edu/mse/oral/
Stalin, J. (1938). Dialectical and Historical Materialism. Kinuha 7 Setyembre 2016 sa
https://www.marxists.org/reference/archive/stalin/works/1938/09.htm
Torres-Tupas. (2016, Abril 18). DOLE, NWPC ordered to answer petition vs wage
rationalization. Philippine Daily Inquirer [online]. Nakuha 27 Oktubre 2016 sa
http://newsinfo.inquirer.net/780076/dole-nwpc-ordered-to-answer-petition-vs-
wage-rationalization
Tuazon, B. (2015). Ang Tunay na Paglaya ay nasa Kamay ng Uring Magsasaka. Nakuha
27 Oktubre 2016 sa http://www.cenpeg.org/fellows_speak/tuazon/ANG-TUNAY-
NA-PAGLAYA-AY-NASA-KAMAY-NG-URING-MAGSASAKA.html
University of Leicester. (2015). What is oral history? Nakuha 19 Oktubre 2016 sa
https://www.le.ac.uk/emoha/training/no1.pdf.
Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura. (2016). Mga Kahingian ng mga
Manggagawang-bukid sa Tubuhan at Manggagawa sa Industriya ng Asukal at
Biofuel. Nakuha August 2016 sa pagpapadala ng e-mail sa personal na account.
World Bank. (2016). GDP (current US$). Nakuha 26 Oktubre 2016.
Zozobrado-Sorino, D. (2007, October). Estimation of Standard Errors for Price Changes
of Commodities in the Philippine Consumer Price Index (January 2005 –
December 2005). Napresenta ang papel sa 10th
National Convention on Statistics.
‘Di-nalathalang dokumento:
Arada, M., Besana, S. & Dayrit, R. (2016). Pananaliksik ukol sa Sahod at Benepisyo ng
mga Manggagawa ng Asukal sa Negros Occidental. Isinumite ang papel-
pananaliksik bilang rekisito sa practicum program ng BA Development Studies ng
University of the Philippines Manila.
XII. APENDIKS
I
Apendiks A1
A resolution approving the adjusted table of pakyaw rates
II
III
IV
Apendiks B1
Listahan ng mga naging kapanayam
Hacienda Regalado Hacienda Perez
Arturo Arangco Mylene Dela Rosa
Welfredo Melchor Violete Canete
Edgardo Valenzuela Arnaldo Negre
Norman Maghinay Sr. Restituto J.
Ryan Valenzuela Ligaya Britanico
Ramir Arangco Renato Britanico
Henry Susana James Arco
Elena Susana Gualberto Negre
Aladin Valenzuela Jeffrey Aligan
Rosalina Gawan
Susan Abing
Rosalie Abing
Anadelyn Britanico
Edna Britanico
Danilo Tabura
B. Britanico
Jenevere Aligan
Tia Britanico
Rodel Gawan
V
Apendiks B2
Consent Form
VI
Apendiks B3
KWESTIYUNARYO
Indibidwal na Panayam
PANGALAN EDAD
ASYENDA (SUKAT/BILANG) TONELADA NG TUBO KADA
EKTARYA
CHILD LABORERS PASAHOD
1. Paano po [kayo] napunta [ang inyong pamilya] sa Brgy. Washington? Maaari po bang
pakikwento?
a. Ano po ang kabuhayan niyo noon? [Kung pagsasaka, kanino po ang lupa?]
b. Kung hindi sa inyo ‘yong lupa, papaano po napunta sa may-ari ngayon iyong lupa?
c. Tingin niyo po ba dapat mapasainyo ang lupa? Bakit?
d. Masasabi niyo po bang mas maganda ang kalagayan niyo noong nakalipas na 20
taon? 10 taon? Kaysa ngayon?
e. Gusto niyo po bang hindi na pagtutubo ang pagkunan ng pangkabuhayan? Bakit?
2. Paano po ang sistema ng pasahod sa inyo? Maayos po ba ang sistemang ito para sa inyo?
Bakit?
a. Bakit po [pakyawan] ang umiiral at hindi arawan na tulad ng sinasabi ng batas?
b. May pagkakaiba po ba sa pasahod sa kalalakihan at kababaihan? Saang mga trabaho?
Sa tingin niyo po ba tama ito?
c. Sumasapat po ba ang sahod sa pang-araw-araw?
d. Magkano po ang tingin niyong sasapat?
3. Ano po ang kalimitang kinakain niyo sa almusal? Tanghalian? Hapunan?
Nakakapagmeryenda po ba kayo? Saan niyo po ito nakukuha?
4. Tuwing kailan lang po kayo nakakabili ng mga gamit para sa sarili (sapatos, damit, atbp.)?
a. Kaya niyo po bang bilhin ang mga bagay na gusto niyong bilhin? Bakit?
5. May mga anak po ba kayo? Kumusta po ang kanilang pag-aaral?
a. Paano niyo po natutustusan ang kanilang tuition, atbp.?
b. Sa tingin niyo po ba, maitatawid niyo ang kanilang pag-aaral hanggang hayskul?
Kolehiyo? Kung hindi, bakit?
c. Nagtatrabaho na rin po ba sila sa tubuhan? Kung oo, bakit? Ilang taon po sila
nagsimula?
d. Bakit po sa murang edad ay nagtatrabaho na ang kabataan sa mga tubuhan?
VII
e. Ano po ang pangarap niyo para sa mga anak niyo?
6. Nakakakain po ba ng sapat ang pamilya niyo?
a. Kung hindi, bakit? Tuwing anong panahon ang pinakamalala?
b. Ano ang mga hakbang na ginagawa niyo para maibsan ang gutom? May mga
saydlayn po ba kayo?
c. Paano po ang [saydlayn]? Magkano po ang kinikita rito? Nagiging sapat po ba ito
para sa pamilya niyo?
7. Nakakapagtanim po ba kayo bukod sa mga tubo?
a. Kung oo, ano ang kalimitang tinatanim? Gaano kalaki ang lupa? Ilan ang
nakikinabang rito?
b. Kung hindi, bakit po hindi kayo makapagtanim ng ibang pananim? Nanaiisin niyo po
bang makapagtanim para sa sariling konsumo?
c. Sa tingin niyo po ba ay problema ang kakulangan niyo ng lupa para sa pagtatanim ng
ibang pananim bukod sa tubo?
8. Ano-ano po ang naaalala niyong batas ng pamamahagi ng lupa? Naisakatuparan po ba ang
mga ito sa asyendang pinagtatrabahuan niyo? Bakit po sa tingin niyo ito nangyari?
a. Bakit niyo po gustong mapasainyo ang lupa?
b. Umaasa pa rin po ba kayo sa repormang agraryo ng gobyerno para mapasainyo ang
lupa? Bakit?
c. Bukod po rito, may ginagawa po ba kayong mga hakbang upang mapasainyo ang
lupa?
9. May organisasyon po ba ang mga manggagawang-bukid dito?
a. Kasali po ba kayo? Bakit?
i. Kung oo, ano po ang kwento ng inyong pagsali?
1. Ano-ano po ang ginagawa niyo bilang parte ng organisasyon?
ii. Kung hindi, bakit?
b. Tingin niyo po ba epektibo ang organisasyon sa inyong komunidad? Bakit?
10. May mga nangyari na po bang pagkilos para isulong ang inyong panawagan?
a. Ano po ang nangyari? Pakikwento po kung maaari.
b. Naging matagumpay po ba ang pagkilos? Bakit?
c. Ano po sa tingin niyo ang maaaring gawin para mapaunlad pa ang mga susunod na
pagkilos niyo?
11. May bungkalan po ba sa inyo? Gaano ito kalaki, at ano-ano ang tinatanim?
VIII
12. Hina-harass po ba ako ng inyong asyendero/aryendador? Ano po ang mga porma nito? Bakit
po ito ginagawa sa inyo?
13. Anong mga erya/isyu pa ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga organisasyon, institusyon
(unibersidad, gobyerno, atbp.), at indibidwal upang makatulong sa sitwasyon ng mga
manggagawang-bukid? Ano po ang maitutulong ng akademya sa inyo?
IX
Apendiks B4
Hacienda Regalado, Murcia, Negros Occidental
Nakapokus na Grupong Diskusyon
Transkripsyon ng Panayam
Hacienda Regalado, Murcia, Negros Occidental
Mga manggagawang-bukid
Voice File: Hacienda_Regalado_1.mp3
Tagapanayam: Ayun po. Ako nga po pala ulit si Steven. Ayun. Tapos ano po ulit yung
mga pangalan niyo? Kahit first name lang.
Boses 1: Bing.
Tagapanayam: Ano po?
Boses 1: Bingbing.
Tagapanayam: Bingbing. Tapos po?
Boses 2: Full name ba?
Boses 1: Kahit palayaw lang?
Tagapanayam: Okay po kahit ano lang po.
Boses 2: Palayaw? Sige.
Tagapanayam: Opo. Sino pa po yung kasama?
Boses 1: Si Kanet. Si Kaloy.
Tagapanayam: Kanet. Kaloy.
Hindi maintindihan sa voice file ang sumusunod na mga salita. Ito ay pag-iisa-isa ng
mga pangalan ng nagpapartisipa sa diskusyon.
Tagapanayam: Ayun po. Tapos po, lahat po kayo pare-pareho ng hasyenda?
Lahat: Oo.
Tagapanayam: Hacienda Regalado po?
Boses 2: Regalado.
Tagapanayam: Ano po yung sukat ng Regalado?
X
Boses 2: 45.
Tagapanayam: 45?
Boses 2: 21 tsaka 24.
Tagapanayam: 21 at 24 hectares. Tapos ilan po yung nagtatrabaho sa bawat hati?
Binibilang nila sa memorya ang bawat isang nagtatrabaho.
Tagapanayam: 18 po sa 21 at 24?
Boses 1 at 2: Oo.
Boses 2: Lahat.
Tagapanayam: Lahat na po ‘yon. 18, kasama na po ang admin?
Boses 2: Opo.
Tagapanayam: Tapos po mga anong edad po yung mga ‘to? Mga-
Boses 2: Matatanda na.
Tagapanayam: Mga ano po?
Boses 2: ‘Di ba ano… 50, 30. 50. May 54, 56.
Boses 3: Ako lang ang bata. Bente-otso.
Boses 2: ‘Yan lang.
Tagapanayam: Pero ‘yun po yung pinaka bata? 28 po? Wala pong mga bata talaga mga-
Boses 2: Wala.
Tagapanayam: Wala. Child labor po wala.
Boses 2: Wala child labor.
Tagapanayam: Pero po tumutulong ‘yung mga bata?
Boses 2: Paminsan-minsan kasi ayaw naman nila dito ‘yung bata magtutulong sa nanay
magtrabaho. Ayaw nila.
Tagapanayam: Ayaw po ng mga nanay?
Boses 2: Ayaw ng mga ano… ayaw ng administrasyon.
Tagapanayam: Ng admin?
Boses 1: Oo.
Tagapanayam: Ng mas mababa pa sa desi-otso. Parang ganun. Ah okay.
XI
Boses 2: Wala sila nag-aano ho-honor ng ano, child labor.
Tagapanayam: Pero po ‘pag may tumutulong na bata ano yung ginagawa?
Boses 1: Nagdadamo, nagtutubo.
Boses 2: Nagtatanim ng pangtubo.
Tagapanayam: Pero po ‘yung tapas hindi na?
Boses 1 at 2: Hindi na.
Tagapanayam: Tapos mga ilang tonelada ng tubo po kaya yung nakukuha kada ektarya?
Kada mill?
Boses 1: Sa otsenta ‘ya.
Boses 2: 70. 70 pinakamababa ‘yan eh.
Tagapanayam: Kada ektarya po ito? Kada taon?
Boses 1: Pinakamababa.
Tagapanayam: Pinaka… ano po yung medyo mataas pa?
Boses 2: Minsan 90. Kasi ‘pag bago ‘yung tanim, ‘yung planted, ano ‘yon, nagna-90.
Tagapanayam: Nagna-90 ‘pag tonelada po. Magkano po ‘yung pasahod sa inyo do’n?
Boses 2: Karga-tapas is 130… 196, kasama ‘yung karo.
Boses 1: Kasama na ‘yung pagkarga ng tubo galing sa gitna, ‘yung nasa gilid.
Boses 2: ‘Yung nakargahan ng tubo.
Tagapanayam: 196?
Boses 1: 196.
Boses 2: Opo.
Tagapanayam: Kada tao po ito?
Boses 1: ‘Di, tolen.
Boses 2: Tolen.
Tagapanayam: Kada tolenada. Tapos po yung iba pa po? Yung pagdadamo po magkano?
Boses 2: 1,432.
Boses 1: Per hectare?
Boses 2: Yung damo na yan.
XII
Tagapanayam: 1,4?
Boses 1: Oo. 1,432.
Tagapanayam: Kada ektarya po ito?
Boses 1: Oo.
Boses 2: Per hectare.
Tagapanayam: Tapos po ‘yung…
Boses 3: Arado, pila? Sais trenta y dos? [Magkano ang araro? 632?]
Boses 2: Per hectare din.
Tagapanayam: Magkano po? Sais trenta y dos.
Boses 2: Two way na na yan.
Tagapanayam: Per ano po yung 632 hectare?
Boses 1: Per hectare.
Boses 2: Two way na.
Tagapanayam: Two way. Eh yung ano pa po bang meron… yung pamat— patdan po?
Boses 2: 332… 333 yata.
Boses 1: 333.
Tagapanayam : 333 po kada?
Boses 2: Laksa.
Tagapanayam : Ano pa pong meron. Yung tapas po?
Boses 2: Ganyan. Yung karga tapas yung 196.
Boses 1: Puno na lang.
Boses 2: Yung fertilizer.
Tagapanayam : Yung fertilizer?
Boses 2: Per bag 79 yata. 79 per bag.
Tagapanayam: Tapos yung tanim po?
Boses 2: Yung tanim. Tanim is 432.
Boses 1: Per laksa na ‘yan.
XIII
Boses 2: Per laksa.
Boses 2: Yung hulip
Tagapanayam: Hulip.
Boses 2: One thousand… pila? [Magkano?] One thousand… 1.1? 1.1.
Tagapanayam: Kada ilan po ito?
Boses 2: Laksa.
Ilan: Hindi. Hectare lang.
Boses 2: Ang ano?
Boses 3: Ang sipsip eh.
Boses 2: Sipsip. Sabi ko nga. Laksa.
Tagapanayam: Ano pong tawag? Sipsip?
Boses 2: Compress man yata.
Ilan: Kung ‘di compress, sipsip.
Boses 2: Kung hindi compress, sipsip.
Boses 4: Sipsip gid man ‘ya? [Sipsip ba ‘yon?]
Ilan: *Hindi maintindihan*
Tagapanayam: Pareho lang po ‘yon sa hulip?
Boses 3: Iba yung hulip. Sipsip yun.
Boses 1: ‘Yung mga mahaba na tirang tubo…
Ilan: Pinuputol.
Boses 1: Pinuputol.
Tagapanayam: Ayun yung sipsip?
Ilan: Oo.
Tagapanayam: Pero yung hulip po magkano?
Boses 2: 1,100.
Tagapanayam: 1,100 din?
Boses 2: Per laksa.
XIV
Tagpanayam: ‘Yung sipsip po, 1,100 din kada ektarya?
Boses 1: Mm-mm.
Tagapanayam: Ahh.
Boses 2: 1,100 ano?
Boses 4: 1,170.
Boses 2: ‘Yung hulip?
Tagapanayam: ‘Yung… bale po, ano, kada kailan po kayo nabibigyan ng pera?
Kinsenas?
Boses 1: Kinsenas.
Boses 2: Oo, fifteen.
Tagapanayam: Mga magkano po yung kinsenas ninyo?
Boses 2: Kapag maraming trabaho, minsan 1,200, 1,500.
Boses 1: Pero ‘pag kaunti ang trabaho, kaunti din ang sahod.
Boses 2: ‘Pag kaunti rin ang trabaho, kaunti din ang sahod.
Tagapanayam: Mga magkano po ang pinakamababa na kinsenas?
Boses 2: Sa ngayon, wala kami trabaho siguro pag may tra- sa susunod na semana yung
trabaho namin siguro abutin 450?
Boses 5: Hindi, mataas man na. [Hindi, mas mataas naman diyan.]
Boses 2: Hindi, subong kay wa’ay kami ubra. [Hindi, ngayon na wala kaming trabaho.]
Boses 3: Baba.
Tagapanayam: Baba.
Boses 2: Wa’ay trabaho eh. Kay siguro makatanum kami tig-isa ka laksa. [Wala trabaho
eh. Siguro kung makakapagtanim kami, tig-isang laksa lang.]
Tagapanayam: Mm.
Boses 2: Yung sipsip daw 1,235.
Tagapanayam: Sipsip, 1,235.
Boses 1: Ara o. [Ayan o.]
Mayroong inabot na dokumento ang mga manggagawang-bukid sa tagapanayam.
XV
Tagapanayam: Ano po ‘tong dokumento na ‘to?
Boses 1: Galing sa DOLE.
Boses 2: Ito, o.
Boses 3: Are o ang asyenda a! Are na imo…
Boses 2: ‘Di siya mag-intindi kay Ilonggo a. ‘Di siya mag-intindi. [Hindi niya
maiintindihan kasi Ilonggo. Hindi niya maiintindihan.]
Tagapanayam: Ah. So ibig sabihin po, okay lang sa DOLE yung pakyaw?
Boses 2: Pakyaw system, oo! Puwede naman. Hindi naman sila nagde-daily dito eh.
Pakyawan naman eh.
Tagapanayam: Bakit po hindi daily?
Boses 2: Kasi ayaw nila yung daily kasi mataas yung…
Boses 1: Sahod.
Tagapanayam: ‘Yung sahod. Kapag po daily, magkano po dapat yung sa inyo? Kung
sakali, kung magde-daily?
Boses 2: Tig-33 per hour.
Tagapanayam: 33 per hour po.
Boses 1: ‘Di naman ‘yan sinusunod dito. Halos ine-estimate lang. 200 araw.
Tagapanayam: Kada araw? Pero po ilang oras po kayo nagtatrabaho sa isang araw?
Boses 2: Minsan ang 200 ‘yan. 3 (oras) ‘yan.
Ilan: 3 oras.
Tagapanayam: 3 oras.
Boses 3: 3 oras sa umaga, 3 oras din sa hapon.
Boses 2: Ang 100. Bale 6 hours.
Tagapanayam: Paano po kayo napunta dito sa Regalado?
Boses 2: Dito kami nakatira. Dito kami pinanganak.
Tagapanayam: Simula po dati?
Boses 2: Simula pa. Simula.
Tagapanayam: Tapos po yung mga nanay-tatay niyo po, magtutubo na po talaga sila?
XVI
Boses 2: Wala. Wala dito nagtutubo.
Tagapanayam: Wala pa po?
Boses 2: Wala.
Tagapanayam: Ano pa po meron dito dati?
Boses 1: …‘yung tatay nila dati.
Boses 2: Ay, yung dati… yung hanapbuhay ng tatay namin? Dito. Tubo.
Boses 3: Dito nagtatrabaho.
Tagapanayam: Tubuhan din po talaga lahat?
Ilan: Oo.
Tagapanayam: Tapos po kayo po, tubuhan na rin?
Boses 1: Ang tatay nila tagapamahala rin dati. Tapos nag-retire, napalitan ng allotment
(?).
Tagapanayam: Pero kanino po yung lupa na sinasaka niyo simula pa dati?
Boses 2: Kay Regalado.
Tagapanayam: Regalado na po talaga?
Boses 1: Kay Satur (?) Regalado at…
Boses 2: Victor Regalado.
Tagapanayam: Kailan pa po nila pagmamay-ari ‘yung lupa? Anong…
Ilan: 65 years?
Boses 2: Matagal na.
Boses 5: *Hindi maintindihan*
Boses 2: Ano tuig gani? 19 ano na si papang di,60… Pila, Pang? Pang? 75? [Anong
taon ulit? 19- kailan pa si tatang dito, 60… Ilan, tang? Tang? 75?]
Boses 6: 70 na. ‘Yan si papang bale e 28. [70 na. ‘Yan si tatang bale 28.]
Boses 2: 28 ang kay papang.
Boses 6: 1962.
Ilan: *Hindi maintindihan*
Boses 2: Pila ka na gani subong? [Ilang taon ka na ngayon?]
XVII
Boses 5: 64.
Boses 1: Wa’ay pa gani si papang,iya na ni Regalado ang duta. [Wala pa si tatang , kay
Regalodo na ang lupa.]
Tagapanayam: Mga 1950’s?
Boses 2: 30 plus…
Tagapanayam: Mga 1950’s, ganon?
Boses 2: Mga 9 years… Mga 1960’s ah.
Ilan: *Hindi maintindihan*
Boses 2: Basta mula 1960’s nandito na kami. Nandito na ang ama namin e.
Tagapanayam: Pero paano po napunta kay Regalado ‘yung lupa?
Boses 2: Binili dun sa may-ari na si Sales.
Ilan: *Pinag-uusapan pa rin kung kailan sila napunta sa lupa.*
Tagapanayam: Binili po kay Sales. ‘Yung 45 hectares?
Boses 2: Opo. ‘Yung doon sa kabila ang nasa kay Guanzon. Sin-o pa ‘ya gani tag-iya,
pang? Sang simula? [Tang, sino pa ulit ang nagmay-ari d’yan? Sa simula?] Kay
Guanzon…
Boses 5: Araneta.
Boses 2: Araneta. Sa kabila naman Sales.
Boses 7: Sa Cebu ‘yon.
Boses 2: Buson Sales ‘no? Buson Sales. ‘Yan. Binili naman ni Regalado kay Sales.
Tagapanayam: ‘Yung ilang ektarya po?
Boses 2: 21. Pinangalanan kay Socorro Regalado. Yung doon sa kabila sa kay Guanzon,
pinangalan kay Victor Regalado.
Tagapanayam: Ah okay. Tapos noong 1960s po nila binili pareho? Tapos, ‘yun na ‘yun?
Boses 2: 1960 niya binakal? [1960 niya binili?]
Boses 5: 1968.
Boses 2: 1968 daw, binili niya.
Boses 5: 68-69.
XVIII
Tagapanayam: Pero po ‘yung pamilya niyo po, anong taon pa po sila dito?
Boses 2: Ano gani, pang? Sang ikaw nagsugod sa dirigid asyenda ni? [Ano ulit, tang?
Nung nagsimula ka sa asyendang ‘to?]
Boses 5: Didto? [Dito?]
Boses 2: Oo, diri. [Oo, dito.]
Boses 5: *Hindi maintindihan.*
Boses 2: Pila gani ‘yung kanina? Sang ano katuig? [Ano ulit sinabi mo kanina? Anong
taon?]
Boses 5: 1956.
Tagapanayam: 1956 pa. Kayo na po yung pinakamatanda dito? Tapos ‘yung iba pong
mga pamilya, paano po kayo napunta dito?
Boses 2: Eh, dito kami pinanganak e.
Tagapanayam: Pero po ‘yung mga angkan niyo po?
Boses 4: Magkakapamilya lahat dito.
Boses 2: Dito, dito, dito. Dito nasimula. Dito pinanganak sa ano.
Tagapanayam: Mga anong taon pa po yung nagsimula sila na dito talaga tumira?
Boses 2: 1956.
Boses 1: 1957, dito na pinanganak, nagtrabaho na.
Tagapanayam: Ibigsabihin, naunahan niyo pa sina Regalado?
Boses 2: Oo. Sales pa lang. Sales pa, dito na. Binili ni Regalado.
Tagapanayam: Tingin niyo pa ba dapat mapasainyo yung lupa na matagal niyo na po pala
tinitirahan at tinataniman?
Boses 2: Sakali kung ma-process namin.
Tagapanayam: So gusto niyo po mapasainyo yung lupa?
Boses 2: ‘Yung pagprocess ng DAR. Pagkatapos pag binigay na ‘yung papeles, sa amin
na yun.
Tagapanayam: Masasabi niyo ba na mas maganda yung kalagayan niyo nung nakalipas
na 20 years? Kaysa ngayon, o pareho lang, o lumala siya ngayon?
XIX
Boses 2: Lumala siya ngayon kasi hinigpitan kami ng trabaho, dati hindi pa. Kasi
nagbago yung administrasyon. Dati hindi pa mahigpit masyado. Ngayon mahigpit na.
Mas lalo pa nung nagpetisyon kami ng lupa. ‘Yan, mahigpit.
Tagapanayam: Kailan po ba yung petisyon?
Boses 2: 12.
Tagapanayam: 2012 po ‘yung petisyon. Gusto niyo pa rin po ba na pagtutubo ang
pagkukunan ng kabuhayan niyo?
Boses 2: Opo.
Boses 1: Iba-iba. Gusto ng iba makatanim ng palay, may mais, saging, kamoteng kahoy,
kamoteng balagon, ganon. Para pag off-milling, may kukunan talaga para pangbili ng
bigas.
Boses 2: Hindi naman sa lahat na gusto tubo. Kasi sa iba naman ay iba naman ang ano sa
dati. Kasi dati, tubo yung magandang pananim. ‘Yung mga kakainin mga tulad ng
kamoteng kahoy, mas mababa yung presyo kesa sa tubo. Pero sa ngayon, mas maganda
yung kararoto kesa sa tubo. Kasi hati sa ngayon kasi sabi ng ano ngayon, i-transfer sa
tulad ng palay. Hindi ‘yung sa tubo, kasi ‘yung 1 year cropping ‘yun. Iba yung kararoto 3
months lang, 3 months and a half, mas madali yun.
Boses 1: ‘Yung palay, 3 months-3 months o kaya 4 months.
Tagapanayam: Mas madali pong makakuha? Kung kayo po yung papapiliin, mas gusto
niyo na mas iba’t ibang klase ng pananim?
Boses 1: Oo.
Tagapanayam: Nasabi niyo po kanina na pakyawan yung sistema ng pasahod. Sa tingin
niyo po ba na maayos ‘yung sistemang iyon? O hindi siya maganda?
Boses 1: Hindi talaga.
Boses 2: Kasi hindi mo naman… minsan mapatrabaho kami ng pakyawan, isang ektarya.
Pagkatapos wala naman. Ilan kami nagtatrabaho – minsan sampu o siyam. O magkano
naman ang sahod namin? Iba kasi yung daily tsaka yung pakyawan.
Boses 1: Maganda nga linggo linggo yung sahod e para may pambili sa pangaraw-araw.
‘Pag kinsenas-
Boses 2: Kinsenas, wala.
Boses 1: O 2 weeks, minsan wala pang isang linggo, wala ka nang pagkain.
Boses 2:Hindi mo natrabaho, nakain mo na, nautangan mo na. Hindi ka pa nakatrabaho
ng ano, nakaano ka pa.
XX
Tagapanayam: May nasabi sa amin dati nung pumunta kami sa Escalante na iba po ‘yung
pasahod sa babae at lalake. Parang sa kanila, may bawas kapag babae ‘yung
nagtatrabaho. Dito po ba?
Boses 5: Lain na ya sang Escalante kag dito. Lain na ya. [Magkaiba naman ang sa
Escalante at ang sa dito. Iba ‘yan.]
Boses 2: Dito lahat pareho.
Tagapanayam: Pareho naman po dito?
Boses 2: Oo, ‘yung daily.
Boses 5: ‘Yung daily dito… *Hindi maintindihan.*
Boses 2: Dito iba ‘yung babae kasi tinitingnan naman nila naman daw sa kilos ng ano at
sa makaya ng mga lalake. Pero parehas naman eh. Meron naming lalaki na ano e.
Boses 5: Meron gid na ya. [Meron talagang ganyan.]
Tagapanayam: Na kaunti lang?
Boses 2: Na tamad!
Boses 5: *Hindi maintindihan.* Pinag-uusapan nila ang mga nagmamay-ari ng mga
asyenda sa Escalante.
Boses 2: Hindi ba kadalasan doon, Maranon eh? ‘Yung may-ari ng tubuhan doon?
Nagsahod lang sila nang kokonti – minsan tag-50 lang ang kalahating araw.
Boses 5: Kay gina kontrol ya gani, gin ano na gani ang pagkwan bala, pagpaubra didto
*Hindi maintindihan* wala ya sa Labor. Ang Labor anay ya, ang Labor tani ya regular
yan mo. Pero di sila ya, ani ya, kung maghatag ang Labor karon sang dos-singkwento o
tres-singkwenta, taghatagan lang ya sila dos-singkwenta. Okay lang ‘yan sa Cebuano,
wala ya sila-
Boses 2: Wala namang imik ‘yung Cebuano.
Tagapanayam: Tingin niyo po ba sumasapat yung inapasahod sa inyo, sa pang-araw-
araw?
Boses 2: Hindi.
Ilan: Hindi.
Boses 2: Hindi kasi minsan makasahod ka lang ng 100 o 50.
Boses 1: Kulang pa. Lalo na kapag may mga bata na nag-aaral.
XXI
Boses 2: Hindi ‘yan.
Tagapanayam: Magkano po yung tingin niyong sasapat kung sakali?
Boses 2: 400!
Tagapanayam: Kada?
Ilan: Araw.
Boses 2: Mas maganda ‘yung 400 kasi may anak ka nang 7, dalawa kayo mag-asawa, o.
May estudyante ka pa.
Boses 5: ‘Yung estudyante mo. May tatlo pang kakaon. [‘Yung estudyante mo. May tatlo
pang kakain.]
Ilan: *Hindi maintindihan.*
Boses 8: … 100 bala subong. Magbilin ka lang 200 araw mo. Magaon ka man kumaon.
Pamahaw, panyaga, panyapon. Kada bata mo bente. Ilan pa bata mo kabilog, tig-bente-
bente, tig-ilan na? Sentobente? Mag-asawa man na bente-bente man! Kwarenta!
Sentosingkwenta! Pila na lang matira? 30 pesos? Wala na ulam!
Tagapanayam: Paano niyo nakuuha yung pinanguulam niyo sa almusal, tanghalian?
Boses 2: Kupit! Minsan nakasaing ka ng dalawang takal, saing ka nalang ng isang takal.
Adjust ka para makabili ka ng ulam, para makakain ka.
Boses 5: Para makakain ka.
Tagapanayam: Pero po wala na kayong pinangkukunan ng pambili ng pagkain bukod
doon po sa pasahod sa inyo dito, o may pananim po kayo?
Boses 2: ‘Yung saging, ‘yun lang. Konting balatong at sitaw.
Boses 1: Suma-sideline sa iba para makabili ng ulam.
Tagapanayam: Tapos suma-sideline din po?
Ilan: Opo. *Hindi maintindihan,*
Boses 2: Mag-ano ka, magtrabaho ka sa labas. Sa mga small.
Tagapanayam: ‘Yung iba po nagtatrabaho na sa small planters? Mas mataas po ba yung
bayad sa small planters?
Boses 1: Mataas kaysa asyenda.
Boses 2: Mataas.
XXII
Tagapanayam: Magkano po sa small planters?
Boses 2: Sa small planters, ‘yung per hectare nila sa damo minsan
Boses 1: … sa damo, kung makapal ang damo, malaki-laki ang bayad sa pakyawan.
Boses 2: Minsan sa kalahating hectare, magbayad sila ng isang libo. Minsan 1.2.
Depende ‘yung sa ano ng ano ng damo. ‘Yung tanim ng tubo, 700. Dito 400.’Yung ano
ng pamatdan, ‘yung ano ng tubo ano ba yun…
Boses 4: 600, 700 per laksa.
Boses 2: Dito 300.
Tagapanayam: Pero po yung small planters po ba parating may trabaho sa kanila?
Boses 1: Paminsan-minsan.
Boses 2: Kasi kakaunti naman yung ano yung ilan ‘yung hati nila na nakuha nila na lupa
sa asyenda.
Boses 1: Pagkatapos diyan, lipat naman sa iba ‘pag may trabaho. Palipat-lipat lang, pa-
sideline-sideline.
Tagapanayam: Mga ilang ektarya lang po ba meron yung mga small planter?
Boses 2: Merong isa. Depende sa beneficiaries. Merong isa, merong 17. Mga ganyan.
Ilan: *Hindi maintindihan.*
Boses 1: Dito sa asyenda merong tolenada sa karga-tapas, karga-tapas dito 196, pero sa
small planters may 220, 250, may 280. Ganun.
Boses 2: Mas malaki yung sahod doon.
Boses 1: Kasi ang iniisip ng planters o small planters…
Boses 2: Ang benefit.
Boses 1: Hindi sila sumusunod sa DOLE na taripa kasi wala makuha ang tao na 13th
month o bonus. Kaya linalakihan nila talaga.
Tagapanayam: Tuwing kalian po kayo nakakabili ng mga gamit para sa sarili niyo? Kung
ganoon po kaliit ang sahod.
Boses 1: 13 months lang at saka bonus lang. Konti eh.
Tagapanayam: Tuwing ganon lang po ‘yung mga... Kapag lumaki po ‘yung… ‘Yung mga
sapatos ganyan-ganyan?
XXIII
Boses 1: Kapag nagbenta ka ng hayop. ‘Yan malaki ‘yan. Pambili ng damit ng anak. Pero
‘pag wala kang alaga na mga hayop, hindi ka makabili. Kung kaunti anak mo, isa lang,
‘yan, makabili ka. Isa lang eh.
Ilan: *Hindi maintindihan.*
Tagapanayam: Paano po pala yung mga anak niyo? Saan niyo po nakukuha yung
pambayad ng tuition kung ganon?
Boses 2: Adjust. Kung wala na, wala pera na pambayad, tuwing closing o opening ng
klase. Do’n na nagbabayad ng ano, para maka-enroll naman sa susunod.
Tagapanayam: Tingin niyo po ba matatawid niyo pag-aaral nila hanggang high school, o
kaya kolehiyo?
Boses 2: Ah hindi, hindi.
Tagapanayam: Hindi na po. Madalas hanggang saan lang po ‘yung-
Boses 1: Pinakamataas na paaral hanggang hayskul na lang talaga. Graduate ng hayskul o
mababa pa. Grade 6.
Boses 2: Kung aanuhin mo e, kung tutuusin mo na paaralin mo siya.
Ilan: *Hindi maintindihan.*
Tagapanayam: Tapos po pagkatapos po ‘pag tumigil na sa pag-aaral, ano po yung
gagawin, tubuhan din?
Ilan: Tubuhan.
Boses 2: ‘Pag babae, pasok sa tao, magkatulong.
Tagapanayam: Mga ilang taon po nagsisimula ‘yung kabataan magtubo?
Boses 2: Ay, sa ngayon nga eh, 9 years old pa lang kung gusto mo dalhin na anak mo,
makatulong na yan mag-ano ng damo.
Tagapanayam: Pero ilang taon na sila nagpu-full time talaga na…
Boses 1: ‘Pag walang klase nagtatrabaho na. Tumutulong sila. Tuwing bakasyones, kung
walang klase.
Tagapanayam: Bakit po sa mababang edad pa lang nagsimula na sila?
Ilan: Kasi pigado o. [Dahil sa hirap.]
Boses 2: Kasi sa kahirapan e. ‘Yun sabi nga e, kung may nagugutom daw, hindi titigil
yung sigaw.
XXIV
Tagapanayam: Pero po ano po ‘yung mga pangarap niyo sa mga anak niyo?
Boses 2: Ay gusto naman namin sila makatapos. Makahanap sila ng trabaho na mas
maganda ‘yung trabaho na hindi mabigat. Hindi mainit.
Boses 1: Makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan din ng mga anak nila, hindi
ganito, hindi ganito maabot nila.
Tagapanayam: Kung sakali, ayaw niyo po kung sakali na magtubo pa sila?
Boses 2: Oo, kasi mainit dito yung tubo e! Sa tubuhan mainit.
Boses 5: Bulan ka init ang imo penitensya. Agtan ka ulan… basa ka. [Buwan-buwan na
init ang penitensya. Aabutan ka ng ulan, mababasa ka, tapos aabutan ka ulit ng init.]
Boses 2: Hindi naman kami gusto na ang maranasan namin ay maranasan din nila.
Tagapanayam: Pero nakakakain po ba ng sapat yung mga pamilya niyo?
Boses 2: Minsan hindi e. Minsan makasapat na kung malaki yung kita.
Boses 5: Makakaon ka du’a ka beses lang. [Makakakain ka dalawang beses lang.]
Boses 2: Adjust.
Boses 5: May ara na lugaw pa gani. [May naglulugaw pa nga.]
Tagapanayam: Tuwing kalian po yung pinakamalala na panahon?
Boses 2: Tuwing off season.
Boses 1: June, August…
Boses 2: June to August.
Boses 1: Tiempo Muerto.
Tagapanayam: Ano po ginagawa niyo para hind magutom pamilya niyo kapag mga
ganong panahon?
Boses 1: Nagsa-sideline din sa iba. Kunwari, makikahoy sa iba, mag-uuling sa amin,
yung iba nagtatanim ng palay, may harvest ng palay, ganon para makakain.
Boses 2: Kung saan may trabaho. Maghanap. Kung saan makakita, doon ka.
Boses 6: *Hindi maintindihan.*
Tagapanayam: Sumasapat po kinikita niyo sa sideline o nakukuha niyo sa sideline?
XXV
Boses 2: Hindi naman. Hindi.
Boses 1: Depende din kung makatyamba malaki ang kita. Pero kung maliit…
Boses 3: *Hindi maintindihan.*
Boses 2: Patay ‘yung katawan mo.
Tagapanayam: Nakakapagtanim po ba kayo ng ibang pananim bukod sa tubo?
Boses 2: Sa tubo? Kamoteng kahoy, mais.
Boses 1: Pero kokonti lang ‘yon. Kasi bawal naman kami magtanim sa planted sa
tubuhan eh. Kaya sa bangin na lang.
Ilan: *Hindi maintindihan.*
Tagapanayam: Gaano po kalaki ‘yung lupa na napagtataniman niyo nung kamoteng
kahoy, saging, mais?
Boses 2: Ay kakaunti.
Boses 1: Kakaunti lang. Square meters lang.
Boses 3: Susginoo! Gamay lang!
Boses 2: Kokonti konti lang, kung saan saan yung gilid.
Boses 1: ‘Yung palayan, sa sideline na ‘yon.
Boses 2: Kung saan yung gilid na puwedeng pagpasukan ng kamoteng kahoy, d’yan.
Tagapanayam: Pero po kung kayo, gugustuhin niyo po na mas malaki yung lupa na
mapagtataniman niyo ng mga pansariling konsumo?
Boses 1: Oo!
Boses 2: Gustong gusto.
Tagapanayam: Ano po yung mga batas yung sa lupa na naabutan niyo… kunwari po
yung CARPER.
Boses 2: CARPER.
Tagapanayam: ‘Yun lang po yung naabutan niyo? Naimpliment ba siya dito, o ngayon
lang din?
Boses 1: Ngayon lang.
XXVI
Tagapanayam: Ngayon lang din?
Boses 2: Since 1988 pa yung CARPER na ‘yun?
Boses 1: Ngayon lang kami na nagpetisyon. 2012 lang. Pero yung CARPER, matagal na
‘yan.
Boses 2: Matagal na ‘yan. 1988 pa ‘yang CARPER.
Tagapanayam: So ibigsabihin po kahit noong dati pa, walang nangyari dito sa lupa? Bakit
po ganon?
Boses 2: Kasi dati ‘yung may-ari, parang against sa mga ganto, sa tulad namin. Pero sa
ngayon, wala na. Hindi kami inaano. Kahit ‘pag off-season hindi na kami binbigyan ng
ano, kahit konsumo lang. Konsumo o pera o ano, wala na. Depende kasi sa may-ari.
Boses 1: Mabuti ang amo nila dati eh. Tapos, dati binibigyan sila ng pamasko pero sa
ngayon, wala na talaga.
Tagapanayam: ‘Yung kay Regalado po? Wala na talaga?
Boses 2: Opo. Mukhang pera.
Tagapanayam: Pero po bakit po tumagal, ‘di ba po 2012 pa yung petisyon, bakit po
tumagal siya ng ganto katagal?
Boses 2: Kasi sabi daw erroneous. Depende naman sa administrasyon, kagaya dati…
Tagapanayam: Kay Noynoy nung 2012.
Boses 2: Noynoy Aquino. Kahit ibigay na may batas na ‘yung DAR, hindi pa. Paikot-ikot
pa ‘yung tao. Kung walang alam yung tao, hindi makaproseso kasi magsabi ganito ganito.
Boses 1: Dine-delay nila ang kwan.
Boses 2: ‘Pag matakot din ang tao, aayaw na. Mabuti sa ngayon, parang may
development na nagawa sila. Kasi nandyan na kasamahan natin sa ano.
Tagapanayam: Ah si Ka Paeng. Ah so ibigsabihin po na umaasa kayo na sana matupad
yun?
Boses 2: Oo.
Tagapanayam: Ano nga po ba yung status niyo?
Boses 2: Nasa masterlist na kami.
Tagapanayam: Ibibigay na lang yung masterlist?
XXVII
Boses 2: Sabi daw ipalabas yung masterlist. Baka itong January na.
Tagapanayam: Ano po gusto niyong gawin sa lupa kapag ibigay na sa inyo?
Boses 1: Iba’t iba.
Boses 2: Taniman namin ng kung ano… taniman naming ng palay, kasi meron dyang
irigasyon pwede naman kami makakuha, ‘pag walang irigasyon, tubo din, kasi hindi
naman puwede anuhan ng palay yung planted kung walang tubig. Pero ‘pag may tubig at
sapat na tulad ng sa May pwede makatanim ng palay kahit walang irigasyon. Pero pag
may irigasyon, marami naman magawa namin e. Lagyan ng palay, taniman ng sitao, o
lahat, marami.
Boses 1: Mais, saging.
Boses 5: Wa’ay na gutom. [Wala nang gutom.]
Ilan: *hindi maintindihan*
Boses 5: Dati wala pang tubo rito, puro palayan. Walang tubo.
Boses 2: Nung sa CARP pa, wala ditong tubo.
Boses 5: 1956 ako dito nag-aano, wala na yang tubo.
Boses 2: CARP pa ‘yan eh.
Tagapanayam: Ano po meron dito dati kung wala pong tubo dito?
Boses 2: Palay.
Boses 1: Palay, niyugan.
Boses 3: Wala pang gutom dati.
Boses 2: Mas maganda pa yung dati daw sabi ng mga matatanda. Mas maganda pa yung
palay pa dati kasi kung saan yung may harvest, yon. Doon ka lang, sigi harvest. Araw-
araw bigas, makakain ka. Makaipon sila ng bigas e.
Ilan: *hindi maintindihan*
Tagapanayam: Bukod po sa petisyon, ano pa po ginagawa niyo para mapasainyo yung
lupa?
Boses 2: Wala. Kasi matakot yung tao kasi inaantay na lang naming matapos yung
proseso, kasi pag pasukin namin, iaano naman kami ng goons. Matakot yung tao.
Tagapanayam: May experience na po ba dito na may mga goons?
XXVIII
Boses 1: Oo!
Boses 2: 2014?
Ilan: 14.
Tagapanayam: Bakit po may napapunta ditong goons?
Boses 2: Kasi nagkuha ng private goons yung may-ari dito.
Tagapanayam: So tinakot yung mga petisyoner.
Boses 1: Petisyuner.
Tagapanayam: Ilan po ba yung mga petisyoner?
Boses 2: Dose dati. Ngayon nagdagdag ng isa, trese.
Tagapanayam: Pero wala naman pong nagyari doon, wala namang…
Boses 1: Meron. Binaril ang anak niya o. Sa kwan.
Boses 2: Pagdaan, ‘yon, binaril.
Tagapanayam: Tapos po ano pong nagyari doon?
Boses 2: Wala.
Boses 1: Tapos itong si papang, sinuntok ni Attorney Muya.
Tagapanayam: Ay, attorney po ni ano, yung nanuntok?
Boses 1: Attorney ng amo namin. Kaya nagdala ng goons dito e.
Tagapanayam: May organization naman po kayo dito, di ba? Anong organization po
iyon? NFS?
Ilan: NFSW.
Tagapanayam: So kasali po kayo lahat?
Boses 2: Yung lahat ng petitioner.
Tagapanayam: Lahat ng petitioner po? Bakit po kayo sumali?
Boses 2: Eh para makatulong.
Boses 1: Kasi tingin namin sila ang makatulong talaga sa amin sa pagproseso ng lupa.
Boses 2: Pagka may problema kami, nandyan ang organization.
XXIX
Tagapanayam: Simula kailan pa po yung NFS dito?
Boses 2: 12.
Boses 1: 2012.
Tagapanayam: Ah yung pagka petisyon niyo po? Tapos ano na po yung ginawa niyo
bilang parte ng NFS? Ano na po yung mga activity, yung mga ginawa niyo?
Boses 2: Walang ano… Minsan ‘yung mga miyembro nagpadungul, wala nangyari.
Minsan tawag kaming meeting, ayaw. Hindi nag-a-attend. Minsan doon, yung may mga
mob o ano, minsan kakaunti nandoon. Minsan ang iba, wala.
Tagapanayam: Sa tingin niyo po ba epektibo yung NFS dito? May nagagawa?
Boses 2: Epektibo kasi pag sinampahan kami ng kaso dati, sila (sila tumutulong), walang
bayad. Yung binibigay na lang namin pamasahe papunta doon sa attorney ng NFSW kasi
yung attorney ng NFSW, malayo, nasa Kabangkalan, doon mo pa puntahan. Wala dito sa
Bacolod, si Attorney Ramos.
Tagapanayam: May nangyari na po bang pagkilos o kaya mobilisasyon para dun sa isyu
niyo dito?
Boses 2: Tapos na. Pero dati nag-antay kami ng… sampa sa amin ng disqualification.
Nag-antay kami kasi sabi ni PARO may isampa naman ang abogado ng Regalado na
disqualification. Yun inantay namin.
Tagapanayam: Nag-rally po kayo dati?
Boses 2: Opo.
Tagapanayam: Kailan?
Boses 2: Sa bahay nila. 2014.
Tagapanayam: Ayun po ba yung dumating yung mga goons?
Boses 1: Oo, gusto namin paalisin dito ‘yung mga goons eh kaya *hindi maintindihan*
Boses 2: Nag-dialogue sa bayan, nag-dialogue sa barangay. Nag-dialogue sa province.
Tagapanayam: Tapos naging matagumpay naman po iyon? Napaalis naman…
Boses 1: Oo.
Boses 2: Opo. Napaalis.
Boses 1: Pero matagal-tagal pa.
XXX
Tagapanayam: So ibigsabihin… may bungkalan kayo rito?
Boses 2: Opo. Nagbungkal kami ng lupa. Yun pinadalhan ng goons.
Tagapanayam: Ah yun po yung nagbungkalan.
Boses 1: Pero hindi naman namin sinira yung tubo nila. Nagtanim lang naman kami sa
gitna, ng ilang piraso.
Boses 2: Nagtanim kami ng kamoteng kahoy, mais.
Boses 1: Sinira daw namin ang tubo.
Tagapanayam: Pero wala kayong sinira?
Boses 2: Wala kaming sinira. Nag-ano lang kami… sa gitna.
Tagapanayam: Tapos hanggang ngayon po nagtatanim pa rin po kayo doon o hindi na?
Boses 2: Wala na. Inanuhan na kami. Nag-dialogue kami, nag-dialogue sila sa amin na
itigil na daw. Isauli na. Pero nag-dialogue kami na bigyan kami ng 5 hectare. Hindi
naman natupad yon. Hanggang sulat lang yon. Pero hindi napirmahan ng may-ari kasi
yung attorney niya ayaw. Hinayaan na lang namin. Kasi natakot na mga kasamahan ko e.
Tagapanayam: Bilang pahuli na lang po, sa tingin niyo ano pong isyu ang dapat
mapagtuunan ng pansin, kunwari kami sa mga unibersidad, na tingin niyo po ay
makakatulong sa sitwasyon ng mga manggagawang bukid? Ano pong isyu yung dapat
naming tingnan?
Boses 2: ‘Yung kabagalan ng DAR.
Boses 1: Hindi, gusto nila…
Boses 2: ‘Yun nga. Ang bagal na ngayon ng ano, kung hindi mo iyon puntahan doon,
hindi naman kumikilos e. Sana pabilisan.
Tagapanayam: Tingin niyo po, paano makakatulong yung tulad naming estudyante sa
inyo?
Boses 2: Manawagan kayo sa ahensya na bilis-bilisan nila yung pag-process yung ano
amin, para madali kami makakuha ng lupa kasi naantay kami na makatanim kami ng
pagkain namin at kung anong tanim yung maitanim namin. Mas maganda kung amin na
yung lupa kasi pagusto kami ng aanuhin naming. Compare sa may ari na ginigipit kami.
Tagapanayam: Sige, ‘yun na lang po. Maraming salamat po! May tanong po ba kayo?
XXXI
Apendiks B5
G. Igmedio Tabianan, Provincial Agriculturist
Transkripsyon ng Panayam
Office of the Provincial Agriculturist, Bacolod, Negros Occidental
G. Igmedio Tabianan, Provincial Agriculturist
Sinagawa ang panayam sa Bacolod kung saan nag-oopisina si G. Tabianan ngunit
hindi ito sa mismong opisina kundi sa isang parang sa likod ng Kapitolyo. Ayon sa isang
empleyado, hindi pumapasok si Tabianan sa kanyang opisina mismo dahil sa kanyang
paniniwala na ang tunay na opisina ng Provincial Agriculturist ay kung nasaan ang mga
magsasaka at mangingisda. Madalas niya umano puntahan ang mga komunidad.
Voice File: OPA_1.mp3
Tagapanayam: Ano po ‘yung, ano, general po na kalagayan ng mga manggagawang-
bukid sa usapin ng pagkain?
OPA: Iano natin ah… i-segregate natin – pagkain versus sugar industry – kasi ‘yung
tanong mo, dalawang klaseng tao sa manggagawang-bukid. Meron doon sa sugar, meron
doon sa pagkain. ‘Yung sugar, automatic ‘di mo magamit na pang-araw-araw na
pangkain. So dalawa ang answer ko d’yan. Itong nagtatanim talaga ng pagkain, kahit
papaano meron talagang aanihin na pwedeng kainin. On the other hand, itong sugar
workers unless na mag-diversify sila, there will have (sic) na wala talaga silang makain
kasi wala silang itinanim na other than sugar. In a holistic na pagtingin d’yan, dahil
mababa ang availability ng pagkain sa sugar workers, affected ‘yung producer – ‘yung
farmers mismo – na nagpoprodyus ng pagkain kasi parang sini-share ‘yan doon sa hindi
nagtatanim. So, ‘yung overall assessment: sabihin natin, noon it was only 40% based on
local production against consumption. Ngayon, nag-i-improve na ‘yan kasi we have
introduced programs and projects na talagang naka-focus doon sa food security. ‘Yon
ang status sa pagkain ngayon. In fact, ang assessment based as (sic), it’s already 86%.
Hindi lang base… ano ba ‘tong Philippine Statistic… PSO (sic). PSO office says 86%.
That is plus-minus. But on our reports doon sa field – ‘yung sina-submit ng tao namin –
we are reaching 97-100%.
Ngayon, dalawa din ‘yung answer ko d’yan. Ano ba ‘yung tanong mo? Is it political
boundaries? Is it based on political boundaries in the whole province of Negros
Occidental? Kasi kapag sinabing based on political boundaries, ‘yung Bacolod is not
politically under the province of Negros Occidental kasi highly urbanized city sila. So,
hindi sila nagpo-produce ng pagkain enough para sa kanilang population. In short, ‘yung
ibang pino-produce ng Negros Occidental, kinakain ng Bacolod City, a highly urbanized
city. And it is around 25%. So kung sabihin nating is there enough food in the province of
XXXII
Negros Occidental? Yes, in fact it’s more than that. Pero ‘pag sinabing including highly
urbanized city, kasi ‘yung highly urbanized city, hindi bumuboto ng governor, hindi
bumuboto ng provincial officials, supposedly ‘wag natin silang i-consider sa statistics
kasi ‘di nga sila part ng Negros Occidental. But in reality, maraming tao na dito nag-i-
stay sa Bacolod at siguro ngayon nasa 600-800 thousand. So, it constitutes 20% of the
total consumption of the province of Negros Occidental, including Bacolod. Ganon ‘yon.
And it is recorded also at the Department of Agriculture na, including Bacolod ah, na it’s
around 97%.
Tagapanayam: Ano po ‘yong mga parang hindrances o balakid sa food security sa rural
areas?
OPA: Una sa lahat, maraming issues na nagiging balakid. Mayroong political issues,
mayroong technical issues, mayroong administrative issues, at saka mayroong behavioral
issues. Siguro meron din ideological issues at saka, ang ikaanim ay religious o sectoral
issue. Mga 7 ata ang sinabi ko sa ‘yo?
Tagapanayam: Seven.
OPA: Kapag sinabi nating political issue, ‘pag mayroong division o classification of
leaders na based on their party, whatever the governor says, kung lahat ng mayor is
under his political party, susunod ‘yon; but if there are mayors na hindi niya kapartido,
mayroong hindrance sa pag-adopt at pag-implement kasi sasabihin niya “Kay governor
na programa ‘yan eh, siya ang sikat d’yan eh” ‘di ba? So I’d like to inform you na dito sa
Negros Occidental, parang mataas yata ang nasa oposisyon na partido in terms of
executive leaders like the mayors. On the other hand, at the same time, dito sa provincial
officials, sa board members mas mataas din ang oposisyon, mas maliit o mababa ‘yung
nasa administrasyon. Ngayon, kapag sinabi ng governor na magtanim tayo ng organic,
may iba d’yan na ‘di susunod kasi kaiba nila ng partido, ‘di ba? Posible “yes, yes” pero
‘di naman gagawin. That is where political issues come in as a hindrance to food
security. On the other hand, ‘pag majority, syempre susunod sila. ‘Pag majority ang
kapartido niya, ‘pag sinabi ng governor “lahat kayong mayors”… There are 31, parang
19 municipalities and 13 cities, 32 yata including Bacolod. ‘Pag ang mayors ay kapartido
ni Gov., kapag sinabi ni Gov. na “we have to allocate funds more on agriculture, on food
security” ‘yung mga kapartido niya, mag-a-allocate talaga, pero ‘yung mga ‘di niya
kapartido, ‘di mag-a-allocate, ‘di ba? O kung mag-a-allocate man, mas mababa. So doon
magkakaproblema. Ano na ‘yon, ‘di ba pito ‘yon?
Tagapanayam: Opo. Pero po ‘yung political issues po ‘yung pinakamalaking problema
para sa inyo?
OPA: Sa akin, it’s still ‘yung pinakamalaking problema kasi may problema tayo sa
capacity to lead, capacity to implement. Maraming umuupo sa gobyerno, maraming ine-
XXXIII
elect natin na hindi nga naka-graduate ng college but they are the one commanding us to
perform; na ‘di nila alam ‘yung kino-command nila. ‘Di ba? So ang mangyayari doon,
magkakaroon ng…
Tagapanayam: Kiskisan?
OPA: Gitgitan, ‘di ba? Sasabihin ngayon ng mayor, “Ako mayor dito.” Eh ngayon, kung
ikaw ‘yung Provincial Agriculturist o Municipal Agriculturist, sabihin ng Municipal
Agriculturist na, “Hindi mo kasi alam ‘yung pagtanim ng ano kaya don’t command on us
na ganto gawin namin na hindi pwede kasi that is technical, that is skilled knowledge na
‘yan eh. Doon kami gumradweyt eh, ‘yan ang course namin. And then kayo ang mag-
dictate?” ‘Di ba? Not necessarily na mag-dictate on to follow simple instruction. ‘Yung
pagpili ng areas sometimes politically motivated kahit hindi siya feasible, kahit hindi siya
pwede doon itanim, napo-force ‘yung technical na mag-deliver doon kasi that’s the
promise of the political leaders. Kagaya ng sa ‘yo, maya-maya edi ga-graduate ka, how
would you feel na sabihin nila na ‘yung mayor niyo hindi naka-graduate ng college, alam
mo kung ano ‘yung mga technical aspects ng production, sasabihin nila na ito ‘yung
gawin mo na nag-interfere na sa technology ng production. Syempre magiging balakid
ang magiging decision niyo. Hindi kasi magkatugma eh, ‘di ba? So politically, ganon. But
if you ask the politicians, they will tell us, they will tell you na ‘yung balakid sa
implementation ay ‘yung mga career (?), ‘yung mga technical people kasi hindi nagko-
cooperate, kasi nagsasawsaw sa politika. But basically, I want to tell you na pag-graduate
mo, you will realize na the most dangerous, the most powerful, the most oppressing
scenario dito sa atin is political people. ‘Yung politically motivated na mga tao lalo na
kapag nandoon sila talaga, nagko-command sila. Pwede nilang sabihin na, “Itong batang
ito ah, i-tag mo ‘yan, ‘di ‘yan pwede makapasok sa gobyerno.” Anywhere you are. Kasi
mas powerful ‘yung politika sa atin. Tignan mo. Ikaw siguro nakikita mo ‘yan sa Manila.
Tignan mo si Noynoy Aquino. Tignan mo si de Lima. Nung nasa power sila, even na ‘di
naaresto, ‘di ba nagpe-pledge ‘yan? Sabihin nila, “I will obey and abide all laws,
regulations, legal instruction, etc.” O ngayon, ang tanong? Dahil they are in power, and
they are politically motivated, they are chosen by those people na talagang powerful,
kahit na-violate na ‘yung rights mo, they will still push through. Tignan mo si Gloria
Macapagal Arroyo. Kahit na mali ‘yung pag-appreciate doon sa issuance ng warrant of
arrest, kahit dineklara na ng Supreme Court na hindi ‘yan tama, mali ‘yan, what
happened? It still pushed through. Bakit? That is the order of the president kasi ‘yan
‘yung political ano. Mas grabe. Kahit sino ka, ‘pag ‘yung political leader na ang nagsabi,
wala kang magagawa. Kaya mali ‘yang sinasabi nila na rule of law. It’s not yet being
followed by everybody, including our president. Including our president now! ‘Di ba?
Itong si Pres. Duterte. Anong ginagawa niya? Kahit na walang due process, ‘di ba
pinapatay? It is already violating ‘yung sinumpaan niya. Anong sinabi niya? “I will
abide, etc.” O saan? ‘Di siya nag-abide doon? So bakit ‘di siya ma-suppress, bakit ‘di
XXXIV
siya masita? Kasi he is the president eh, politika eh. ‘Yung power niya is banking on…
ilan ‘yung bumoto sa kanya? 16-17 million people? ‘Yun ang kanyang power. Political
power ‘yon kasi he was elected.
Tagapanayam: Pero po tingin niyo po ba doon sa usapin ng manggagawang-bukid ulit,
problema ‘yung ilang daantaon nang puro tubo lang ang tinatanim nila? ‘Yung
monoculture po ng sugarcane talaga?
OPA: Alam mo, sa akin, that should not be a…
Tagapanayam: Issue?
OPA: A deterrent or issue doon sa life ng tao kasi kapag talagang iyon ang alam mo,
doon ka. ‘Di ba? Where you have the capacity and the skill, where you have the passion,
you develop it. Doon ka. Ang problema, kapag nagkakaroon na ng greediness – ‘yung
gusto ng mas marami. Kasi ‘yung nasa isip nila, “We will be making money.” Ito
‘yung… Before I answer sa pinaka-detail, mayroon mga principle na pwede nating kunin
d’yan. Ano ‘yan? When you are aiming for money and you don’t have that objective or
purpose to share it, but, rather, you want to get more not only from your production but
from others, anong nangyayari? You will lose your friend. If that happens with your
friends, it can happen more on those people that is not your friend.
Halimbawa: Magkaibigan tayo. Binigyan kita ngayon ng cellphone. Sabi ng nagbigay sa
‘yo ng cellphone, “Pare, ibigay mo ito kay Mr. Tabianan. Mahal ito, pare. This is 50
thousand. I have no more time para maibigay sa kanya. Ikaw na lang magbigay.” Dahil
you know the amount is 50 thousand, sabi sa isip mo, “Mahal… Pare, ‘wag kang
mamroblema, mayroon kong ibibigay sa ‘yo.” Binigyan ka ngayon. Nakita mo ‘yung
dalawang cellphone, mas mahal ito, ito mas mura. Ano gagawin mo? Kukunin mo ‘yung
mahal, tsaka ‘yung mura ang ibibigay mo. Later on, nakita ng friend mo na, “O, Pare,
may ipinadala akong regalo sa ‘yo.”
“Ano ‘yon?”
“Cellphone. Mahal ‘yan, pare, ah. Kasi I’m giving premium to our friendship.”
“Ano bang model ‘yon?”
“Ganto.”
“Eh ito, pare? Hindi naman ‘to ganyang model, ‘di ba?”
Tayo, magkaibigan, I will lose you kasi wala na akong tiwala sa ‘yo. And you will lose
me kasi sasabihin ko, “Ay, hindi pala ito… kapag doon pala pinasa ‘yung goods, ‘di pala
‘to trustworthy.” O, I will lose you, and you will lose me. Dahil ang iniisip natin ay doon
sa mas malaki na cost ng item. Ganon din sa workers natin. Dati, itong sugar industry…
XXXV
Kaya nga ako, nung minsan, I am not a, ‘yung sabihin nating okay lang sa akin ‘yung
mga comment ng National Federation of Sugar Workers, mga ganon. Sometimes, we have
to realize na kahit papaano, itong sugar – this has led this province into what we are now.
‘Di ba? This has started the lives of many people, bringing more people to what it is now.
So the commodity is not a problem. It has given life to us! It has allowed us to eat. Kasi
nakapagtrabaho tayo roon. What is not good is how they are paid, and how other people
perceive those commodity. Kaya sinasabi ko sa ‘yo, ‘di masama sa akin ang sugar per se.
Kasi dati, itong sugar industry, nandoon ito sa mga small producer. Kahit mga sentral
dati, I think there were hundreds, more or less hundreds of sugar processors before, or
even 300 – ‘yung mga small type. Parang distributed ‘yung opportunity, ‘di ba? May-ari
ka, may employee ka. Pero ngayon, lumiit ‘yung number of centrals. Lumiit ‘yung may-
ari, marami ‘yung employed. Doon nagkakaproblema sa disparity ng income. Tapos itong
mga policy ng sugar, kagaya ng Social Amelioration Fund, hindi ko naman nakitang
ibinagay ‘yon sa ano ah. If there are, remember that is Social Amelioration Fund. Ilang
percent ‘yan? That is 2%. It is supposed to be returned to the sugar workers. ‘Yung
tanong ko d’yan, bakit ‘yung building ng DOLE, ang laki-laki n’yan, nakakain ba d’yan
ang sugar workers? Did they contribute sa decision na ‘yon ang gusto namin? ‘Di ba? If
the law allows na doon talaga ‘yan sa sugar workers, ibalik mo! ‘Wag mong gawing
bato. Pagkain na naging bato pa! Kwarta na naging bato pa. Sasabihin nila, “Hindi ‘yan
‘yung binibigay namin dito. It is more on massive opportunities because we will be
training not only now but forever until na mamatay ang mga taong ‘yan, nandito pa rin
ito.” Hindi naman ‘yon ang focus natin eh. What is the focus? The sugar workers and the
sugar. ‘Di ba iyon ang problema?
Ito ilagay mo sa inyong dissertation. Maraming tao na naka-focus doon sa object.
Question: ‘Yung tao, mga 60 years lang ang average mamamatay na, gawin nating 100
years ang edad tsaka mamatay. Whom would you prefer to develop sa dalawa? Between
an object na semento, bato o steel tsaka ‘yung tao? Itong tao ‘yung priority! Kasi they
have limited time here on earth! Hindi ‘yung mga ganon na sementadong training center
ng DOLE. Walang life ‘yan. It’s not breathing. Kaya itong mga sugar workers, ito ‘yung
tagaan natin ng focus tsaka ‘yung industry. Kasi merong life ‘yon. If we fail to deliver the
deliver the goods within sa life nila, paano natin maihabol sa kanya para mabigyan siya
ng tulong? Kapag namatay na siya? ‘Di ba they will be forgotten? Iyon ‘yung question
ko. Bakit itong Sugar Amelioration Fund, ‘yung focus eh ‘di yata doon sa tao. Kung sa
akin, doon tayo sa tao. ‘Di ba?
Tagapanayam: Pero po nasabi niyo po na dati maraming small planters, ganyan, ‘di ba po
parang ngayon maraming hasyenda pa rin ‘yung nandito?
OPA: Maraming hasyenda pero maraming small planters.
XXXVI
Tagapanayam: Tingin niyo po paano naaapektuhan ng sistemang hasyenda pati po ‘yung
pakyaw na sistema ‘yung kabuhayan po ng mga manggagawang-bukid?
OPA: Practically, kapag talagang sumusunod sila sa law, sa basic laws na, halimbawa,
‘yung tamang porsyente, tamang share sa Social Amelioration Fund, wala naman sanang
problema. Ang problema is marami pa rin ‘yung underpaid. Marami pa rin ang ‘di
nagbabayad ng tamang labor wages sa tao eh. ‘Yun ang problema. Tapos wala yatang…
Sabi ko nga, if the Social Amelioration Fund is intended to address ‘yung disparity at
saka ma-balance ‘yung benefits doon sa tao. I cannot see na ganon ang nangyayari.
Tagapanayam: Bakit po kaya nananatili ‘yung mga manggagawang-bukid sa tubo kahit
mas kapaki-pakinabang naman ‘yung mag-shift sila sa palay o kaya sa gulay?
OPA: You know, ‘yung mga ganon, maraming factor doon. ‘Yun nga ang sinasabi ko
palagi. Your decision is your life. Your judgment, which was the basis of your decision, is
your life. ‘Yung question na ‘yon… ‘Pag ‘yung tao binigyan mo ng traktora na hindi niya
desiyon ‘yan, wala siyang alam doon, anong nangyayari? ‘Yung traktora na ‘yon, sira.
‘Di sila marunong maggamit. Ibigsabihin, the level of their decision, the level of their
judgment, the level of their preparedness, ganon lang eh. So ‘pag sinabi natin you shift to
other opportunity, then hindi pala sila ready, ano mangyayari? Wala rin. ‘Yan sinasabi ko
rin sa mga politiko. ‘Pag pumili tayo ng highschool graduate o ‘di nakatapos ng college,
pagkatapos wala silang alam. Wala silang experience. In fact, bago pa lang highschool o
dropout sa eskwelahan, nagma-manage na sila. Wala silang experience eh. Pero sila ang
ina-allow natin mag-manage because of the political system na pwede silang tumakbo.
So, those are… let us not blame kung anong nangyayari kasi that became part of their
decision, that became part of their judgment, it became their life. Wala tayong magawa
roon. Kung ako, it’s a matter of choice. We’ll give you the choices or the opportunities
but make sure hindi ka vacuum. Wala kang vacuum sa pagkatao mo. Kasi kapag nag-grab
ka nga ng sobra sa ‘yo, it will destroy you; it will not give you a better life. So, sabi mo,
pwede naman tayong punta roon sa rice farming. In some instances, maraming nagsasabi
na ‘yung agrarian reform is talagang ano sa life ng mga planters at saka industry – ‘yung
agrarian reform ang case ng failure ng development. Kasi ‘yung malalaki, pinaghati-hati
mo, tapos binigay mo sa mga workers. Nung binigay mo sa mga worker, they became
unproductive. Nang binigay na sa kanila, na hindi na sila productive, hindi na nabayaran
‘yung taxes. ‘Di ba? Ngayon, ‘yung sabi mo, pwede naman mag-shift to rice farming.
Maraming nag-shift to rice farming from sugar, failure. Kasi ‘yung preparedness nga
nila, they are more adept doon sa sugar production. Wala silang preparation towards sa
other crops. ‘Yun ang nagiging problema. On our part, we are always ready to help but
what can we do… Ito experience ko: Gumagawa kami ng farmer (?) school in many
corners of this province. At first, ‘yung aming attendance, nasa 100. Tapos maya-maya
bumaba na siya sa 75. Tapos maya-maya bumaba na siya sa 60, bumaba na sa 50. Maya-
maya ang makakatapos, 35 na lang o 25. This is training them na mag-shift sila to other
XXXVII
crop production. Pero bakit ganon ‘yung nangyayari? Marami doon, ‘di nila, wala silang
passion doon. Eventually they will stop.
Pangalawa, ‘yung behavior ng sugar workers at saka tao. Bakit behavior? Ako,
halimbawa. Ikaw ‘yung planter, ako ‘yung worker. ‘Yung cropping pattern ng sugar 9
months to 1 year. You plant it on the first day, you make sure na talagang na-weeding-an
mo siya, at saka you care for it for 6 months. Then you close. If I am the worker, I will
wait for that ‘yung close season. Sabihin ng worker, “When will my sacrifice in labor o
weeding, etc.” doon sa farm after 6 months? Hinihintay ko ‘yung 6 months. After 6
months, libre na ako, punta na ako sa Bulanan, etc. Kasi libre na, wala na akong trabaho
eh. But I will be dependent. Punta ako ngayon sa planter, “Bossing, ‘yung isang sako ng
bigay na utangin ko sa ‘yo para sa off season, kunin ko. Bossing, kailangan ko ng
panggastos sa school, kunin ko sa ‘yo.” Ikaw, bigay ka rin ng bigay kasi alam mong wala
nang trabaho after 6 months. I am dependent on you. Ang alam ko kasing trabaho, doon
lang sa sugar. So that is behavioral. Kung ‘di na ako, tignan mo… In a normal set-up of
a person, why will I sacrifice more than 6 months? When the crop itself allows me to rest
after 6 months, ‘di ba? And then I will be dependent on my landlord. Tapos ngayon,
‘yung sabi mo, pwede naman silang magtanim ng palay. What do you mean? Gusto mong
i-extend ‘yung agony ko? Tama na! 6 months na ‘yung exposure ko sa field. Parang
liberation na ‘yon eh. ‘Yung 6 months close season. As long as the landlord supports
them. Ngayon, granting na kinuha natin sila, ‘di na siya under sa landlord. Magtatanim
na siya ng palay. Halimbawa: ang tinanim niya na palay, hindi nga siya marunong eh,
naubos ang palay sa peste, etc. Ang weeding niya parang sugar. Ay, ‘di pwede ‘yon. Sa
palay, kapag nag-weeding ka, very clean. Sa palay, from planting to harvest, ‘yun ang
sinasabi niya, the best fertilizer sa rice farming is the foot of the farmer. Meaning, it is
even better if ‘yung paa mo nakikita palagi sa field, and you will get a better harvest.
Kasi lahat ng mga untoward, o mga peste na umaatake, makikita mo. Nakaka-prepare ka.
Tapos ipapari mo ngayon o kaya nakakakontrol. Itong sa sugar, hindi ganon. After 6
months, pagusto ka. Itong mga planter nga eh, after 6 months, pumupuntang America,
pumupuntang Europe. Balik sila kapag harvest time na. Kung ikaw farmer ngayon na you
used to be in that kind of set-up, anong mangyayari sa ‘yo? Hindi ba you will be looking
for it? Na ganto ‘yung aming set-up, mali eh. Tapos ‘yung rice farming is more tedious
than sugar. Kasi everyday ay walang stop ‘yan eh. Whereas itong sugar, sabi ko nga,
after 6 months, you’re free! Ngayon, binigyan mo siya ng lupa, hindi niya alam kung
anong gagawin, wala kang production assistance, anong mangyayari? So doon ‘yung
isang reason natin na, ‘yung isang factor is behavioral. ‘Yung exposure.
Tagapanayam: Paano po kaya dapat maa-address ‘yung – ‘di ba po may off-milling na 6
months? Noong nag-i-interview din naman po ako, sabi naman nila, malaking problema
po ‘yon kasi wala silang mapagkukunan ng hanapbuhay kapag ganong 6 months. Parang
XXXVIII
‘yung iba nagkakasambahay, ganyan-ganyan, doon sa 6 months na ‘yon. Paano dapat siya
ma-address para magkaroon ng continuous na…
OPA: That should have been addressed by the Social Amelioration Fund. Yoon ang
purpose doon eh – na during lean months, itong Social Amelioration Fund, ito ‘yung
ibibigay sa kanila. But as I have said, it is not being used to what it is for!
Tagapanayam: Pero sa tingin niyo po, ano po ‘yung role nung people’s organizations sa
pagkamit ng food security?
OPA: ‘Yung sa akin, na hindi pa ini-implement ng mga tao sa gobyerno kasi nga wala
silang alam. Hindi rin ako makapag-implement kasi parang ‘di rin siguro sila bilib sa
akin. ‘Yung nasa isip ko, itong mga people’s organization, para sa akin, maganda ‘yan
eh. Maganda itong people’s organization. Allow them to fail. Allow to succeed. Kasi
‘yan nga ang sabi nila eh: Your failure is thebasis and the foundation of your success.
They will learn on that. It was supposedly ‘yung magbibigay ng industrialization doon sa
(?) lands. Ito ‘yung organization na supposedly ang magiging anchor na magpo-provide
ng labor at saka employment doon sa rural areas. Kasi ‘yung nasa isip ko supposedly ay
we will make them a corporation. The approach now is corporate approach. Although
they are into association, they are into cooperatives, they are into foundation, etc. To me
it is good. Hindi natin dapat i-discourage ‘yon but it should be supported because later
on, they will realize they cannot exist if they will not go into income-generation. And
then when they realize that, they need an income, they need money, they will start
thinking, “We will make an investment. We will make business that we can employ
people around us.” especially sa rural areas. The set-up is still similar! Whether it is
communist, whether it is democratic, whether it is parliament, the set-up is similar. We
have officers, they have chain-of-command. Now, you compare that to a corporate – still
the same! Meaning, we are already ready. The question is when will be that time that we
can pour in capital to them for investment. ‘Di ba ganon ‘yon? So ako okay ako diyan.
Look at China. It’s a communist but you go to China if you feel it is a communist. It’s no
longer a communist! It is an industrialist. They have more money. They have more
employed people. And they can easily… When they plant, when they… Halimbawa,
itong Negros Occidental. The farthest north is San Carlos, and the farthest south is
Hinubaan. When they start planting in the north, and they finish planting, it’s also
finished in the south. That’s how… sabi nila, many people say it’s communism. No.
That’s not communism; that is corporate. Why corporate? Because a corporation needs a
supply. Not only a supply na small-time. It should be in bulk. How can you process it into
a lucrative product and lucrative business when in terms of bulk, wala ka?
OPA 2: Sa corporation, sir, and mode of ownership is in the hand of the peasantry.
OPA: Oo, oo!
XXXIX
OPA 2: It’s different from the hand of the Cojuangcos. It’s a different corporate approach
to food security. Corporation must be in the hand of the peasantry. That’s what…
Tagapanayam: Ayun ‘yung difference. So parang ang mas maganda po ay dapat ‘yung
development ay base doon sa kakayahan ng peasantry talaga?
OPA 2: What my boss told me is there is always a question of ownership of something.
When the peasantry owns the money, it is better. But when the oligarch owns the money,
it is another thing. That’s the problem.
Tagapanayam: So ano po ‘yung masasabi niyo doon sa… Alam niyo po ‘yung mga LCA
na ginagawa noong ibang peasant, ‘yung mga land cultivation areas po. Kasi parang
hindi… ayun nga po, may problem sila sa food security, nagugutom sila ganon, so they
enter into the fields para i-claim ‘yung small parcel of land para mag-plant ‘yung saging,
kamote, palay although that’s against ‘yung interest ng landowner nila pero they say that
they need to do it para ‘di sila magutom.
OPA: There is an opportunity for that before under the leadership of Governor Victor
Lacson. They call it the 60-30-10. 60 percent of the land should be cultivated by the
landowner. 30 percent should be cultivated by the group. And 10% should be the
farmstead ng mga tao tsaka residential ng mga tao. ‘Yung nga ang sabi ko sa ‘yo eh.
‘Yung tao… Imagine, halimbawa 1000 hectares ‘yan. 60%, that is 600 hectares. 30%,
that is 300 hectares. 10%, that is 100 hectares. They already have their land, their
residence, they can have their backyard vegetable production, they can have land
cultivation area. So, anong nangyari? Wala. Hindi ‘yan na-realize. Kasi hindi nga ready
‘yung mga tao na ganon eh. They have been used to that set-up na after 6 months mag-
rest sila. Ayaw na nilang magtanim. Oh, ngayon nag-introduce kami ng BIG – backyard
intensive gardening. Meaning, doon sa mga tao mismo. Wala! After 1 cropping, 2
croppings, hindi na sila magtanim. Sabi mo na magtanim sila ng saging tapos ayaw ng
planter. At this time, ayaw na ng planter siguro pero before, gusto nila ‘yan kasi nga nag-
aano sila sa 60-30-10. Kasi ngayon, parang nagmamahal ang value ng lupa. So kapag
sinabi ng planter na, “Ayoko,” the main reason is greediness na. Ayaw na nila. Dati
siguro okay lang kasi lapad pa tapos wala tayong problema sa quota (sugar quota).
Ngayon, posible na magkaproblema tayo diyan. Tapos ‘yung economies of scale, nakikita
ng planters na every inch of the land contributes to the production. So the economies of
scale, although it is small, kapag dumami na ‘yan, nagre-reduce ‘yan. So kapag nag-
reduce ‘yan, they will be spending more while the production is (?). Second,
nagkakaproblema na sila how to manage people. To be honest with you, mahirap talaga,
ako nakita ko ‘yan, mahirap mag-manage ng Pilipino na hindi na-educate. Mahirap.
Tignan mo ‘yung squatter. Tapos itong gobyerno naman, hindi marunong mag-intindi.
Kita nila na dumadami ‘yung squatter, wala silang program kung paano ‘yon i-address –
‘yung squatter. ‘Yung programa nila, matagal na ‘yang programa na ‘yan eh na you
XL
cannot… hindi ka mapag-evacuate ng ano diyan kapag walang (?). That’s not enough!
Matagal na ‘yan. Still the same kind of project. When the NHA was conceptualize, that
was in 1970s. Ano na ngayon? 2016. Obsolete na ‘yan. Bigyan natin ng ibang support.
Kaya nga ‘yung sinasabi ko sa ‘yo, maraming nalalagay You know, it is different when
you put people na alam ‘yung gagawin as against sa person na in-appoint lang diyan
tapos ‘yung purpose niya is to be a politically appointed person. Tapos magtuturo-turo
lang siya. Pero ‘di niya nakikita ‘yung effect ng gagawin niya kasi ‘di nga niya alam
ginagawa niya. So anong mangyayari kapag ganun? Problema lang, walang innovation.
‘Di ba? There should be… Ikaw siguro you will agree na the role of research and
development should be in tandem with the development and dapat habang tumatagal
nagti-change, ‘di ba? Kita mo ‘yung design ng mga sasakyan. Nagta-transform ‘yan eh.
Hindi nakikita ‘yan ng appointed people. Hindi sila nagta-transform! Kaya ‘yun ang
problema. Maraming gusto… Ito balik tayo sa sugar. Anong transformation sa sugar?
Lumiliit na ‘yong sugar, tapos ‘yung problema nandyan pa rin. Dati nung malaki,
nandyan ‘yung problema. Ngayong maliit, nandyan pa rin ‘yung problema. Anong
development ‘yung makita mo diyan? Eh ‘yung taong nilagayan diyan, oligarch din. ‘Di
ba? Tignan mo ‘yung mga SRA administrator. Ledesma! Corsoguela (?)! Martin!
OPA 2: Paner subong. [Si Paner ngayon]
OPA: Oligarch pa rin ‘yan kasi diyan ‘yan sa VMC! Anong transformation makikita mo
diyan? Wala! I am sure Paner will protect the interest of where she came from! ‘Di ba?
Walang transformation. Ito, ilagay mo ‘to ah. Those people na nasa sugar industry na
nagtatrabaho, maraming tao na pinapa… ‘yung may sakit na ‘di makaisip o maka-
remember… Alzheimer’s. Lahat ng mga tao diyan puros may Alzheimer. Lahat. Bakit?
Every 6 months, may close season. ‘Di ba ito ‘yung tanong mo kanina?
Tagapanayam: Opo.
OPA: How do we address the problem of the 6 months? ‘Yun ang tanong mo eh. Every
year naman ‘yan eh! Bakit nalilimutan nila na mayroon palang dapat i-address? Bakit
‘yung question na ‘yon has come to you? And for me to answer? When we are not part of
the sugar industry? ‘Di ba? Itong mga taong nandyan, may mga Alzheimer.
OPA 2: Sa every year… political calamity!
OPA: It’s more than a calamity! I-off mo muna.
Pinapatay ng kinakapanayam ang recorder dahil sa sensitibong materyal.
Voice File: OPA_2.mp3
XLI
OPA: Dito nagkopya si Duterte. Kasi ‘yung resource seed banking ngayon, nakikita ko
tatlo na ang ina-adopt ni Duterte. Alam mo kung ano? Free irrigation, corporate
approach to food security para meron na silang piloting doon at saka ‘yung insurance. All
farmers and agrarian reform should be insured.
OPA 2: We started 2010.
OPA: ‘Yung resource seed banking is… Halimbawa sa rice, that is designed to increase
the profitability of the farmers. In a hectare of rice, supposedly, ‘yung common profit
nandoon lang sa 10-20 thousand per hectare. But under the resource seed banking, they
could grow as high as 50k, even 60k. At the same time, they return the seeds – na hindi
na sila magbili sila ng seeds na naman, hindi. Dapat mag-develop sila ng sarili nila.
That’s why its called “resource seed banking.” It’s not only the seeds being banked but it
is the resources. Hindi lang ‘yung seeds.
OPA 2: Self-reliant.
OPA 3: Sir, doon sa Victorias, positive ‘yung implementation kasi 10 lang na sacks ng
palay ang binigay sa isang organization so ngayon, in 2 croppings, nagiging 8 ‘yung
savings nila. Tapos may member sila na 2 na nabagyo. Ni-replace ng kanilang reserve na
palay. So nagiging positive sa Victorias na area na ‘yon sa Caridad. So kung gusto mo
makuha ‘yung data pwede rin para sa talagang program ‘yon eh. Sa akin gani, sir,
positive na makuhaan natin interview na sa implementation na nakuha nila kag nag-
develop ‘to siya ya. [Para sa akin, sir, positive na makuhaan natin ng interview sa
implementation na nakuha nila at nag-develop ito.]
OPA: Much better kung ang problema ang… Let us not ah… ‘Di ka magsabi na mag-
interview sang positive, sang success. Kundi ang problema aton interview-hon kay di
positive ‘yon sila. [Hindi dapat natin i-interview ‘yung positive, ‘yung success. Dapat
‘yung may problema ang i-interview natin kasi positive na ‘yung iba.]
OPA 3: Okay.
OPA: NEDA na ‘ya.’Yung style na ‘yan, iya na NEDA. Kung diin to positive, didto sila
interview.’Di sila naga-research. Wa’ay pulos. [Sa NEDA ‘yang style na ‘yan. Kung
saan positive, doon sila mag-i-interview. Hindi nagre-research. Walang kuwenta.] The
purpose of government is resolve problems, provide services. Baka may tanong ka sa
akin na bakit parang nagko-comment ako sa kanila? Baka ikaw may problema din. ‘Di
ba?
Tagapanayam: Hindi po.
OPA: Baka may tanong ka sa akin na why did you not do that? Eh nandito ka naman sa
gobyerno, why did you not do it? ‘Di ba? Kasi magiging reflection ‘yon eh. So baka
XLII
sabihin mo dami siyang comment na unsuccessful ganon eh siya naman nandyan sa
gobyerno, bakit wala siyang ginawa? Anong ginawa niya diyan? Baka naman may
tanong kang ganon?
Tagapanayam: Wala naman po.
OPA: Kasi kung sa akin, ‘di naman ako taga-SRA. ‘Di naman ako taga-DOLE. ‘Di ba?
So wala akong control diyan. Kung sabihin mo sa akin na ‘yung food security kasama ka
ata. I did it. Pero sabi ko sa ‘yo, before, it’s only 40%. Now, it’s already almost 100%.
Kaya ‘yung office namin, under my leadership, we’ve been a Galing Pook Awardee.
Have you heard about Galing Pook?
Tagapanayam: Yes po.
OPA: ‘Yung nag-a-award niya is Asian Institute of Management. We’ve been a Green
Banner… Crown Awardee ng Nutrition. ‘Yung nag-ano niyan is National Nutrition
Council. Doon yata nakabase sa malapit sa UP ‘yung National Nutrition Council. Tapos
we are also Agri-Pinoy Rice Awardee. Agri-Pinoy Rice Achiever Award. Dahil nga we
became one of the top 10 rice producing province despite this is a monocrop economy.
Just imagine: they are almost 80 provinces in the country, and Negros is one of the top 10
largest rice producing provice.
OPA 2: Despite the monocrop economy na sugar industry.
OPA: Ikaw siguro nagtatanong ka, bakit kayo naging largest rice producing province
when your province is known for sugar? ‘Di ba?
OPA 2: Ang aton nga… ang label naton for sufficiency is almost 97. [Ang ating… ang
label natin for sufficiency is almost 97.] If you exclude Bacolod City because they are not
planting rice, not producing rice, we are more than 100%.
OPA: Ilan na ‘yong award? We are also a National Organic Awardee. Ilan na ‘yon?
Tagapanayam: Apat.
OPA: Apat na? We are also awarded by the International Awardee for Organic because
‘yung target ng Negros is, little by little, we want to make Negros the Organic Bowl of
Asia. So lima na. Now, makikita mo ‘yan na those awards are reflecting the performance
and achievement of the office; hindi tao! Hindi sa akin, ‘di ba. Meaning, the office is
performing. When you ask me, what about the people? Early this year, we have won…
‘yung staff ng office namin ng Presidential Lingkod Bayan Award. ‘Yung sa Civil
Service, ‘yung top category. Because of insurance. Kasi nag-implement kami ng
insurance dito. Alam mo kung anong effect ng insurance namin? With 5 million pesos,
nakapagbayad kami ng insurance. 5M capital namin. Nakapagbayad kami ng insurance sa
XLIII
farmers ng 37M with only 5M. So, makikita mo paano nangyari ‘yon? Tapos naging
awardee din kami doon. Dahil awardee nga, binigyan pa kami ng additional 5M free
insurance. So ‘yung 5M namin, parang token na lang ‘yon eh. Sa tao ‘yon. On the
farmers, just recently this month, we have 4 national awards sa farmers: Organic Family
Awardee, Organic Farmer Awardee. National ‘yon. ‘Yung premyo nito, 200k-200k.
‘Yung isa is Rural Women Champion Philippines. ‘Yung rural women namin nag-
champion sa selection ng empowered rural women. Basta apat lahat. And yours truly, in
2013, I am one of the outstanding agricultural engineer of the Philippines for agricultural
and rural development. So hindi naman siguro masama ‘yung records na nagawa namin
‘di ba?
OPA 2: He is a national awardee for Outstanding Agricultural Engineer of the Philippines
2014, sir.
OPA: So hindi mo na ako masasabi na marami siyang comment pero wala naman siyang
ginawa, ‘di ba?
OPA 2: We achieved the first step… open ‘yung office sa opinion ng public.
OPA: Nakapunta ka roon?
Tagapanayam: Saan po?
OPA: Sa anniversary ng NDF?
Tagapanayam: Opo, naglakad kami nang mahaba.
OPA: Tignan mo, that should be part of your interview. Lahat ng sinasabi ko sa ‘yo
nagre-reflect doon eh. Ganto. ‘Yung nilakad niyo at saka ‘yung… bakit hanggang ngayon
hindi nasemento? Bakit wala? The reason is hindi siya priority. Question: May
congressman diyan, ‘di ba? Bakit hindi binigyan ng priority? If justice and lasting peace
is needed, dapat binigyan na ‘yan ng infrastructure.
OPA 3: Steve, part ‘yan ng challenge ng course mo kasi ang course mo is
Development…
Tagapanayam: Studies.
OPA 3: Part is agriculture. Kaya kailangan maging part ng challenge mo ‘yan.
OPA 2: By the way, na-expose ito sa media. Ngayon, maraming nag-comment. He is the
only highest official of the province who was invited by Father Fernandez (?). Kasi
sinisekreto noon. Naroon din siya. Kaya nga maraming media na nag-ano. He’s not
afraid. Invited ka naman. Anong masama doon? Si Bello nga naroon sa Davao, ‘di ba?
XLIV
Nagpa-picture pa si Bello sa flag ng NDF! Kami, hindi kami. He was invited by Fr.
Fernandez.
Tagapanayam: Si Duterte naman din dati sa Davao.
OPA 2: Wala nang provincial officer dito na kwan, siya lang ‘yung pinapunta. At least
part of your interview.
OPA 3: Tapos nakita nila ‘yung structure sa itaas na hindi ‘yon na-develop dahil sa less
‘yung focus sa agriculture field ng government natin.
OPA: ‘Yan ang sinabi ko kay Fr. Fernandez. Sabi ko, Father, itong erya niyo, it is not
good na pupunta pa rito ‘yung workers o kaya itong mga tao dito pupunta pa sa Bacolod
para mag-employ. With this kind of scenario, with this kind of roads. So what is the
solution? We put a corporation here owned by the people. The stockholders ‘yung mga
tao roon, ‘yung mga producers doon. Ganon naman eh. Meron naman silang production
na pwedeng ano. Makikita mo ‘yung mga tao roon. Nakita mo ‘yung katabi ni Fr.
Fernandez habang may press con? Noong nakita ko siya rito, palaboy-laboy siya, alam
mo itsura niya? [Noong nakita ko siya rito, pagala-gala siya, alam mo mukha niya?]
Maputla siya! Malnourised! Nakita mo roon? Parang kayo nga, kamukha mo nga yata!
Tumaba mga tao roon!
Tagapanayam: Malusog nga po sila eh.
OPA: So ‘yon. Tinanong ako ni (?). Sabi niya, what is our food security? Sabi ko, it’s
100%. We felt it, ‘yon sabi ni Frank. Kasi mataba nga sila eh!
OPA 2: Maraming pagkain!
OPA: Alam mo bakit? Kahit ako malnourished dati.
OPA 2: Malalaki na tiyan namin.
OPA 3: Dahil sa organic farming.
OPA 2: Kasi ‘yung office walang political colors. Kahit sino. But we give priority to
agrarian reform beneficiaries and organized masses, ‘yung tinutulungan.
Tagapanayam: Okay na po, salamat po!
XLV
Voice file: OPA_3.mp3
Tagapanayam: Last na lang po. Sa tingin niyo po, ano po ‘yung pwedeng gawin ng mga
nasa academe, students, professors, and ‘yung institutions po sa gantong klaseng
problema?
OPA: ‘Yung sa akin, since damingestudyante, daming academic institution, we have to
prioritize… The Philippines is still an agricultural country. Whatever is your institution –
whether it is medicine, etcetera, there should be an area of specialization na ‘wag nating
kalimutan kung ano ang pwede nating ma-contribute to uplift the foundation of
agriculture.
OPA 2: *hindi malinaw*
OPA: Tulad sa inyo sa UP, tignan mo ‘yung ginagawa niyo. Inaano niyo na kayo mismo
mag-segregate. Gusto niyo, ang pwede lang magtrabaho ng agriculture UP Los Banos.
‘Di ba? But look at your thesis. You’re from UP Manila?
Tagapanayam: Sa health po kami.
OPA: Health? Dapat mag-focus din kayo sa agriculture! Ano ba ang magagawa ng UP
Manila doon sa agriculture whether it is for health, whether it is for etcetera. Any
specialization for the matter, magbigay kayo ng concentration din diyan.
OPA 2: Always cherish the countryside! Whether it is engineer, doctor, accountant,
always cherish the countryside.
OPA: Hindi mo makakalimutan eh.
OPA 2: Correct, sir! Ang gusto nila minsan, sir, agriculture lang. Amo nga iban nga
department head sang amo nga gobyerno, wa’ay sila pangubdob sang provincial
agriculturist.
OPA: Ngayon, mayroon magandang idea ngayon ang taga-UP Manila, wala doon sa UP
Los Banos. I-suppress mo dahil hindi ka nagtatrabaho sa UP Los Banos?
OPA 2: Hindi ka agriculture? Bisang pilot, sir, ‘no? Eh ‘yung pilot… *hindi
maintindihan*
OPA: Cloud seeding?
OPA 2: Cloud seeding operation! Kahit pilot!
OPA: Kahit doctor. Kahit medicine.
OPA 2: Itong mga sakit ng farmers.
XLVI
Tagapanayam: Doctors to the barrio.
OPA: Precisely. Ngayon, sa estudyante, tignan mo. Nakapunta ka na sa field?
Tagapanayam: Opo.
OPA: Ano nagawa ng ating sugar workers? ‘Di ba sadol sila? Sadol? ‘Yung hoe.
Tagapanayam: Oo.
OPA: Naggaganon pa rin sila, ‘di ba?
Tagapanayam: ‘Yung iba po.
OPA: Tapos ‘yung tapas? ‘Di ba? Ano ginawa ng mga estudyante? Habang ‘yung
barbero natin na gunting-gunting dati, ngayon ‘yung bzzz. Bakit ‘yung sadol? Nag-exist
‘yung sugar industry for hundred years. Bakit hindi nag-mechanize ‘yung sadol na ‘yan?
Bakit ‘yung tapas nila hindi na-mechanize? Kayong mga estudyante, gawin niyo ‘yan.
OPA 2: Tulad ‘yan sa highly commercialized education pero kung education for all,
dapat masiling nga ‘yang government na 60% of all import (?) should be geared sa
countryside. All forces na nandyan, galing… *hindi maintindihan*
OPA: But we are being pulled down because the foundation of every country is food
security and agriculture.
OPA 2: *hindi maintindihan*
OPA: Ano gusto nila, makaon na lang sila? [Anong gusto nila? Kakain na lang sila?]
OPA 3: *hindi maintindihan*
OPA 2: Everybody eats but only part na ‘yan know how to feed! We’re doing it step-by-
step in Negros. Despite sa mga odds na nagbabara sa atin ng mga politician. *Hindi
maintindihan.* Insecure sila sa kanilang economic na gusto nila sa status quo, sir.
Because they don’t like change.
OPA: Ang status quo nila, that is selfishness because by the time na maging org na sila,
mamatay na sila. And what have been left? What have been improved? After nilang
tumapak, pagkapatay mo, nag-improve na ‘yan.
*Hindi maintindihan*
OPA: That is why the focus should be on the people because shortened time ng mga tao.
Ang sabi ko, what can we feel when we have good buildings and the people inside the
buildings are malnourished, sakitin? What is that- Sagi ga da develop sang UP Los
XLVII
Banos. *Hindi maintindihan*. Ganda ng IRRI! But look at the IRRI. IRRI before, or UP
Los Banos, nag-introduce ng Torton (?). Look at that design – 1963, 1960s. Until now,
what is the design? Still the same! Nakita mo ‘yung Torton doon sa rice farming? Still the
same. So what is that for? Why do we have this UP Los Banos tapos ganon pa rin ‘yun?
Parang walang innovation, walang improvement. But we already improved UP! Nag-
increase na nga ng tuition ‘di ba?
Tagapanayam: Opo.
OPA 2: Amo na gali, sir. Gina-isyuhan ka nila, sir, na wa’ay ka ga-opisina, sir. [Ayan na
nga, sir. Ginagawan ka nila ng isyu, sir, na hindi ka pumupunta sa office.] Your office is
nandoon sa masa. Kung saan siya nakatayo, diyan ang office. Ngayon, dito ang kanyang
office. Kasi kinukwestyon ‘yan eh. Hinahanap palagi. Hindi diyan sa air-conditioned
room. *Hindi maintindihan* ‘yung mentality. Nandoon kami sa kanayunan, sa seashores.
Nandoon ang mga tao eh, dapat nandoon ang opisina. That’s the problem.
OPA: Tignan mo ang niyog, ganon din eh. The problem of niyog and the problem of
sugar is the same.
OPA 2: Coconut, sir. Coconut.
OPA: Alzheimer. Daming may Alzheimer. Tignan mo ‘yung NEDA. Ang na-notice ko sa
NEDA, ganto ah. Just imagine the NEDA – National Economic Development…
Tagapanayam: Authority.
OPA: Authority. Bakit hindi nila i-study-han ‘yung sugar industry? Kung paano i-boost
‘yung economic profile niya? Reverse ‘yung ginagawa ng NEDA. Nag-i-implement
‘yung ibang agency, ini-study-han lang nila. Wrong! Mali. If you ask me what is my
design d’yan, isa is corporate approach to food security.Tapos ‘yung mga stockholders
doon ‘yung mga peasant, ‘yung mga workers. Tapos lahat ng production, mga land,
‘yung mismong farmers na nabigyan na ng CLOA, including the workers basta regular ka
diyan. Bigyan lahat ‘yan ng credit card.
OPA 2: Credit card, sir?
OPA: Oo kasi employed ka eh. Employed ka…
OPA 2: Bakit si Judy may credit card, wala nga siyang lupa? Tapos ‘yung mga farmer
may lupa, bakit wala silang credit card?
OPA: Bakit itong mga casual employment at job order at fly-by-night, bakit may credit
card? Mali itong focus ng gobyerno eh. What is this Philippine Statistics office? Anong
purpose niyan? They are supposed to be the registry of legal people, legal personality.
XLVIII
Bakit itong mga taong ito walang credit card? Ilang years na nag-exist ang credit card.
Bakit sila wala?
OPA 2: Wala silang access to credit na ganyanin mo lang, ibigay mo lang, kukuha ng
fertilizer, kukuha ng seeds. Ganyan dapat! Mas madali. Punta ka ng Landbank. 3 months,
2 months na follow-up. Mamamatay ‘yung farmers natin. Sir, ‘no, casual employee, sir,
wa’ay man duta, may credit card. Ngaa liog may credit card, ngaa farmers na may duta.
May produkto, wa’ay credit card.
OPA: Tignan mo ‘yung mga NGO na sinasabi mo, ‘yung mga association ng workers.
‘Yung mga sugar workers group na may opisina, ‘yung kanilang mga empleyado, may
SSS. But the agrarian reform [beneficiaries] and the sugar workers na naging independent
from the sugar planters, walang SSS. But they own the cooperative, they own the NGO,
they own the organization. Samantala, ‘yung mga dependent pa rin sa planters, meron
silang SSS, hindi naman nire-remit ng mga planters. ‘Di ba? So nasaan ang solusyon to
address the social problems ng mga sinasabi mong mga tao? Pangatlo, siguro ikaw aware
ka na.UP Manila, ‘di ba? UP Manila?
Tagapanayam: Opo.
OPA: Nag-widening kayo doon sa Manila mismo, ‘di ba? Kapag sa widening, ‘yung
building natamaan, sino ang magbabayad? Ang gobyerno ‘di ba? ‘Yung DPWH. ‘Yung
gobyerno. Bakit ‘yung road para sa farmers natin, ‘pag may problema doon sa right of
way, hindi sila nagbabayad?
OPA 2: Hindi sila nagbabayad, sir?
OPA: Wala! Bakit gusto ng gobyerno ipa-donate?
OPA 2: *hindi maintindihan*
OPA: Tignan mo. There is disparity and unfair at saka discrimination. Bakit 'pag lupa at
structure ng farmer tinamaan ng roads?
Tagapanayam: Okay lang po? Compensation?
OPA: Walang compensation. Bakit kapag nagtatayo ng irrigation, bakit gusto ng
gobyerno magbigay muna ng right of way at saka right to use o kaya *hindi
maintindihan*. Walang compensation.
OPA 2: *Hindi maintindihan* pero kapag private owner, magbayad sila.
OPA: *Sensitibong komento* O, eto. Bakit in most of the highland reserve, including
*hindi maintindihan* reserve - dati 'yung nakatira diyan, it's either a sugar worker or
representative or agrarian reform beneficiary. When they were there, no roads. Pero nung
XLIX
nilagyan ng resort, nagkaroon ng road. Bakit ganon? Kasi 'yung tao na nilalagay doon...
So walang, ano, 'yung sinasabi ko sa 'yo. Walang firm decision, the foundation of this
government... You should know ho to State is formed. 'Yung country or state nagiging
State 'yan kapag mayroong land area, mayroong tao, mayroong seat of constitution ba, of
course resources. Saan tayo nagkakamali diyan? When we have the State, 'yung land, 'di
ba? Dito tayo nagkakamali: either the people na nilagay o kaya bina-violate 'yung rules.
Hindi 'yan 'yung sinasabing - we are not the rule of men but laws. Meron pa?
Tagapanayam: Okay na po.
L
Apendiks C1
Karaniwang kinikita ng mga manggagawang-bukid sa Hacienda Regalado
Mula sa pananaliksik nina Arada, Besana, at Dayrit (2016)
Mga Manggagawang-bukid Sahod kada Kinsenas
(bawas ang hulog sa SSS at PhilHealth)
Elena Susana 791
Evangeline Valenzuela 1,600
Nora Susana 1,792
Norman Maghinay 1,300
Edgardi Valenzuela 1,300
Noel Valenzuela Watemar 1,600
Evelyn Melchor 1,600
Susan Toledo 1,600
Arturo Arangco 1,291
LI
Apendiks D1
Talaan ng Nilalaman ng Kompletong Apendiks
Maaaring tignan ang Kompletong Apendiks ng pananaliksik na ito kung nais ng
mambabasa makita ang mga sinangguning dokumento, consent forms, at transkripsyon ng
lahat ng naging panayam.