Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

9
Isang Pananaliksik Tungkol sa Exotic Foods ng Pilipinas Layunin Ang aming pamanahong papel ay may apat na layunin. Una, maipaalam ang nakagawian ng mga Pilipino ukol sa pagkain. Kaugnay dito, isa sa mga ipinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang iba’t ibang potahe at pagkaing kanilang inihahanda. Pangalawa, makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao tungkol sa exotic foods dahil kaunti lamang ang mga mapagkukunan ng kumpletong impormasyon ukol dito. Pangatlo, makahanap ng mga iba’t ibang benepisyo ng pagkain ng exotic foods. Pang-apat, maitama o makumpirma ang mga maling akala ukol sa pagkain nito nang sa ganoon ay hindi tayo patuloy na naniniwala sa maling impormasyon. I. Kaugnay na Literatura Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na naglalaman ng mayamang kultura sa pagkain. Sinasabing kapag sinubukan mong tumikim ng mga nakaaakit na delicacies dito ay magugulat ka na lamang kung bakit nais mo ulit ito matikman. Kung sabagay, sa impluwensiya ng mga dayuhan sa loob ng apat na siglo, masasabing ang Filipino Cuisine ay may bahid na ng kultura ng Kanluran at Silangan. Marahil, ito na ang naging simula at dahilan ng kaniyang mayamang kulturang pampagkain (http://www.marimari.com/content/philippines/food/main. html , 2004; Wikipedia, 2009). Ano ang Exotic Foods? Ang mga exotic foods ay mga pagkaing hindi madalas hinahain sa hapag-kainan. Ang mga pagkaing ito ay nagmumula sa mga hayop na hindi tipikal na ginagamit na sangkap sa pagluluto. Maaari ring karaniwang mga hayop silang kinakain ngunit dumadaan sa kakaibang paghahanda (http://www.marimari.com/content/philippines/food/ main.html , 2004; Cochranne, 2009; http://www.mylot.com/w/discussions/1660307. aspx , 2009). Dahil sa hindi sila pangkaraniwan, madalas bansagan ang mga ito bilang nakadidiri o kundi naman, nakapang-uumay ng sikmura (Cochranne, 2009; http://www. mahalo.com/Disgusting_Food , 2009). Sa kabila

Transcript of Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

Page 1: Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

Isang Pananaliksik Tungkol sa Exotic Foods ng PilipinasLayuninAng aming pamanahong papel ay may apat na layunin. Una, maipaalam ang nakagawian ng mga Pilipino ukol sa pagkain. Kaugnay dito, isa sa mga ipinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang iba’t ibang potahe at pagkaing kanilang inihahanda. Pangalawa, makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao tungkol sa exotic foods dahil kaunti lamang ang mga mapagkukunan ng kumpletong impormasyon ukol dito. Pangatlo, makahanap ng mga iba’t ibang benepisyo ng pagkain ng exotic foods. Pang-apat, maitama o makumpirma ang mga maling akala ukol sa pagkain nito nang sa ganoon ay hindi tayo patuloy na naniniwala sa maling impormasyon.

I. Kaugnay na LiteraturaAng Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na naglalaman ng mayamang kultura sa

pagkain. Sinasabing kapag sinubukan mong tumikim ng mga nakaaakit na delicacies dito ay magugulat ka na lamang kung bakit nais mo ulit ito matikman. Kung sabagay, sa impluwensiya ng mga dayuhan sa loob ng apat na siglo, masasabing ang Filipino Cuisine ay may bahid na ng kultura ng Kanluran at Silangan. Marahil, ito na ang naging simula at dahilan ng kaniyang mayamang kulturang pampagkain (http://www.marimari.com/content/philippines/food/main. html, 2004; Wikipedia, 2009).

Ano ang Exotic Foods?Ang mga exotic foods ay mga pagkaing hindi madalas hinahain sa hapag-kainan. Ang

mga pagkaing ito ay nagmumula sa mga hayop na hindi tipikal na ginagamit na sangkap sa pagluluto. Maaari ring karaniwang mga hayop silang kinakain ngunit dumadaan sa kakaibang paghahanda (http://www.marimari.com/content/philippines/food/ main.html, 2004; Cochranne, 2009; http://www.mylot.com/w/discussions/1660307. aspx, 2009). Dahil sa hindi sila pangkaraniwan, madalas bansagan ang mga ito bilang nakadidiri o kundi naman, nakapang-uumay ng sikmura (Cochranne, 2009; http://www. mahalo.com/Disgusting_Food, 2009). Sa kabila nito, ito ay isa sa nagpapayaman ng kultura ng Pilipinas sa pagkain (Bermosa, 2008; Guatlo, 2007; Sutherland, 2009).

Dahilan ng Pagkain ng Exotic FoodsBakit kumakain ang mga Pilipino ng exotic foods? Una sa lahat, dahil sa matataas na

bilihin ngayon, lumalabas ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino dahil ang iba sa mga ito ay nagiging panawid gutom ng mga kapos, gutom at hirap sa buhay (Su, 2008). Makikita naman na ang Pilipinas ay lubog sa kahirapan at panlima pa sa pinakagutom na bansa sa Asya noong nakaraang taon (Amojelar, 2008). Kung hindi isasaalang-alang ang mga kainang nagbebenta ng mga mamahaling exotic foods, marahil, ito na ang nagtulak sa pagbubukas ng pinto sa mga pagkaing ito. Pangalawa, ito ay pinaniniwalaang mas mura at mas praktikal na pagkain sa pang-araw-araw (Bermosa, 2008). Natatagpuan kasi ang mga ito sa pali-paligid lalung-lalo na sa mga lugar na rural (Cochranne, 2007; Calsifer, 2007). Pangatlo, ang

Page 2: Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

mga Pilipino ay nagkakaroon ng interes at curiosity sa ganitong mga pagkain. Impluwensya mula sa mga kaibigang nakatikim na at sa mga haka-haka ang karaniwang nagbubunsod sa kanila upang matikman ang mga ito. Pang-apat at panghuli, ang pagkain ng mga ito ay kakabit na ng kulturang Pilipino. Sa mga okasyon o salu-salo, partikular sa inuman, minsan exotic foods ang hinahain bilang pulutan (Sutherland, 2009; Maricar, 2008).

Mga Kilalang Lugar sa Pilipinas at Mga Exotic Foods na Matatagpuan DitoAng exotic foods ay masasabing parte na ng kultura at buhay ng mga Pilipino. Ito ay

kabilang na sa mga bagay na nagpapayaman sa kaniyang kultura. Natutulungan nito ang pag-angat ng turismo sa bansa na siyang mapag-uusapan naman ng mas malago sa pagdaloy ng papel na ito.

Ang Maynila ay isang malaking siyudad ngunit sa likod ng kaniyang matatarok na mga lansangan at tanyag na mga gusali ay nagl alaman din siya ng mga pagkaing nakapansisindak ng sikmura. Ang kalye ng Ongpin sa Binondo, Maynila ay pinamumugaran ng malaking industriya ng mga Tsino ngunit kung ikaw ay magmamasid-masid lamang sa iyong madadaanan ay may mga kainang naghahanda rin ng mga exotic foods. Pagong, ahas at ari ng baka ang pangunahin nilang mga tinda. “MASARAP!” ito ang karaniwang sagot ng mga taong napadadayo roon (Philippine Cuisine, 2008). Dalawang oras na biyahe mula sa Maynila papuntang hilaga, ang Probinsya ng Pampanga ay iyong mararating. Ayon sa isang manunulat ng Sunstar na nasubukan nang tumikim ng exotic foods dito, siya ay nagkaroon ng pagkakataon upang mamulat sa kultura ng lugar. Ayon sa kaniya, ang mga Kapampangan, kapag nakakikita sila ng mga insekto tulad ng kamarong lumilipad-lipad ay kanilang hinuhuli at linuluto (http://www.sunstar.com.ph/static/pam/ 2008/08/27/feat/exotica. anyone..html, 2009).

Ayon naman kay DZTP, ang Suyo, Ilocos Sur ay ipinagmamalaki ang tukak o palaka nila na hindi pangkaraniwan. Ang mga ito raw ay maituturing na pinakamalilinis na palaka sa buong bansa. Mapapatotohanan ito dahil ang lugar ay isang upland municipality kaya malilinis ang mga bagay na matatagpuan dito (http://dztp.wordpress.com/2008/09/30/suyo-exotic-foods/, 2008). Mayroong isang kainan sa Kalayaan, Laguna na nagtataglay ng kakaibang mga pagkain. Gaya nga sa kaniyang pangalang Exotik Garden Restaurant, makikita na naglalaman siya ng mga pagkaing kakaiba. Naging tanyag na ito kaya patuloy itong binibisita ng mga taong nakasubok nang tumikim ng kanilang mga handa (Backpacking Philippines, 2007).

Tamilok naman ang pinagmamalaking yaman ng Palawan. Ito ay nakukuha sa puno ng bakawan. Ito ay madalas hinahain ng hilaw at isinasawsaw sa sukang may kalamansi at sili. Nakadidiri kung tignan ngunit malinamnam ang lasa ayon sa mga nakatikim na. Malaki ang tulong nito sa Palawan sapagkat nagbubunga ito ng malakas na industriya at turismo (Ortiz, 2008; Enoch, 2008). Bago pa man tayo makarating sa dulo ng Pilipinas, ang Mindanao ay hindi magpapahuli. Mayaman sila sa silk worm o iyong uod na nakukuha sa lupa na pinagtubuan ng niyog. Marami ang mga dayuhang patuloy na naghahanap ng mga kainan sa Mindanao kung saan ito makikita sapagkat totoo nga raw na masarap ito at malinamnam

Page 3: Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

(http://istambay.wordpress. com/2007/04/17/can-we-find-this-exotic-food-in-mindanao/, 2007).

Kahit saan mang dako ka ng Pilipinas magpunta, mayroon talagang kani-kaniyang ipagmamalaki ang bawat lugar. Sa kayamanan ng bansa sa exotic foods, tulad ng mga naitala kanina, ito ang isa sa tulong sa pag-angat ng kalidad ng kultura na mayroon ang Pilipinas. At ito ay panghabang-buhay nang nakatatak (http://www.tourism.gov.ph/ discover/food.asp, 2009).

Epekto ng Patuloy na Pagkain ng Exotic FoodsAyon sa mga kumakain ng exotic foods, nakatutulong ang mga ito sa pagpapalakas ng

resistensya sa katawan ngunit wala pang masugid na pag-aaral ang nagsasabing totoo ang mga nasabi. Kung minsan, nagiging sanhi pa ito ng masamang epekto sa katawan (Wikipedia, 2009). Gaya ng nasabi kanina, ang exotic foods ay mga hindi pangkaraniwang hayop na linuluto para makain. Kalakip nito, nangangahulugang hindi siya karne ng baboy, baka, kalabaw, kambing, manok, mga isdang tipikal na handa sa kainan at iba pang madalas lutuing karne. Ibig sabihin nito, hindi sila mga hayop na napag-aralan na at maaaring kainin nang regular. Kumbaga, wala pang sapat na katibayan at pag-aaral na nagsasabing ligtas na itong kainin. Kapag nagkataon, maaaring magdulot ito ng mga sakit sa katawan ng tao. Kung hindi naman, kapag hindi maayos ang pagkakahanda nito ay nagreresulta sa pamumugad ng mikrobyo sa ating katawan (Tan, 2008; Wikipedia, 2009). Subalit may ilang pag-aaral pa rin tulad nang kay Dr. Candida Adalla ng UP Los Baños na nagsasabing may ilan sa mga itinuturing na exotic foods ang naglalaman ng mayamang nutrisyong importante sa ating katawan. Binigyan diin niya ang mga kinakaing insekto. Sinabi niya na ang mga ito ay ligtas at nagbibigay pa ng 74% ng protina at 28% ng enerhiyang kailangan ng ating katawan sa isang araw. Sinabi pa niya na kung mapalalago pa ang industriya ng Insects as Livelihood Products makatutulong ito sa paglago ng Agri-business. Kumbaga ay may nutrisyon na, may tulong pa sa ekonomiya (SEARCA, http://www.malaya. com.ph/jun24/livi2.htm, 2009).

Ngunit ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ang malinis at maayos na pagluluto at paghahain ng mga ito ang pinakaimportante at pinakaligtas na gawin. Ito ay upang makaiwas sa mga mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit sa katawan ng tao (Tan, 2008; Science Daily, 2001; Agle, 2001).

Hindi rin maitatangging malaki ang nagiging papel ng exotic foods sa turismo. Dahil sa malawak ang sakop ng Pilipinas sa likas na yaman, ang exotic foods ay isa sa pinakababalik-balikan ng mga turista. Nagsisilbi daw itong kagat sa kanilang pagbisita sa bansa. Nakapandidiri man, isa itong masayang hamon sa bawat turistang napapadayo sa bansa. Ayon kay Doreen Fernandez ng WOW Philippines, ang 7000 na isla ng Pilipinas kasama ang mayamang likas nito sa pagkain tulad ng exotic foods, ang ating turismo ay patuloy na umaangat bawat taon. Ang mga bagay-bagay na nasa atin ay hinahanap-hanap ng mga dayuhang nanggagaling pa sa iba’t ibang panig ng mundo (http://www.tourism.gov.ph/ discover/food.asp, 2009).

Page 4: Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

Maliban sa maidudulot nito sa katawan ng tao at turismo ng bansa, may matinding epekto din ito ukol sa kalikasan. Paunti na ng paunti ang mga hayop na naninirahan sa kagubatan ng Pilipinas. Ang mga usa, paniki at baboy ramo ang ilan sa mga nagkakaubusang hayop sa Pilipinas na hinahain pa rin bilang exotic foods (http://www.animalinfo.org/country/philippi.htm, 2006). Ayon sa RA 9147 Section 23, ang kahit na anong gawain, panghuhuli at pangangalap ng mga ganitong hayop, ay dapat malimita. Sa Section 27 naman, ang pagpapatay ng mga ito ay ipinagbabawal maliban na lamang kung ito ay relihiyosong ritwal ng isang tribo. Ang siyang sumuway ay mananagot sa batas (Ingles and Yan, 2007). Sa kabila ng lahat ng mga batas at babala ng gobyerno, may mga taong nagpupumilit paring makahuli ng mga hayop na tinatawag na endangered o paubos na. Masama mang isipin ngunit marami sa mga ginagawang exotic foods ang kasali sa kategoryang ito. May mga kainan na pinagbabawalan nang manghuli at pinaaalis na sa kanilang mga menu ang mga ganitong potahe ngunit sa katigasan ng ulo, hindi sila tumitigil sa pangangalap ng mga ito (http://www.gmanews.tv/story/ 35642/Go-after-restos-serving-endangered-species-govt-urged, 2007; Eilperin, 2008)

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaralSa aming pag-aaral, ang aming grupo ay gumamit ng iba’t ibang paraan upang

makalakap ng impormasyon tungkol sa mga exotic foods tulad ng panayam at emersyon sa pagluluto ng ilang potahe. Nakapanayam namin ang nagbebenta, nagluluto at kustomer na tumatangkilik sa mga kakaibang pagkain na ito. Una na rito si Bb. Aleli Lozano, isang serbidora ng kainang Café Uno. Siya ay nagbahagi ng kaniyang obserbasyon at karanasan sa kanilang pagbebenta ng exotic foods. Sina G. Romeo Concepcion at Gng. Suraida Santos naman ang mga nagluluto ng exotic foods na aming nakapanayam. Naganap noong ika-28 ng Disyembre 2008 sa Sinait, Ilocos Sur ang panayam kay G. Concepcion at noong ika-28 ng Pebrero 2009 sa Commonwealth Quezon City ang panayam at emersyon sa pagluluto kasama si Gng. Santos. Upang magkaroon naman ng mas malawak pang kaalaman ukol sa mga karanasan sa pagkain ng exotic foods, isinagawa rin ang isang panayam kasama si G. Neil F. Inofinada sa kanyang tahanan sa Ilocos Sur noong ika-28 ng disyembre 2008.

Masinsinang Pagtatalakay sa mga Karanasan sa Exotic FoodsSa aming nalikom na mga karanasan sa exotic foods ng iba’t ibang tao, aming

napagtanto na karamihan sa kanila ay may malawak ng kaalaman tungkol sa mga exotic foods. Itinuturing na rin nila itong parte ng kanilang buhay sapagkat sila ay namulat na sa mga ito mula pagkabata. “Bata pa ako nung una akong makatikim. Dahil lang ito sa curiosity,” sagot ni G. Neil Inofinada na siyang kahalintulad din ng sinabi ni G. Concepcion na natikman din niya ang ganitong klase ng pagkain noong siya ay bata pa.

Nasubukan ng grupo na tumikim ng ilan sa mga kakaibang potahe na ito. Kami naman ay naganiyak dahil sa payo ni G. Inofinada, “Tikman nila para pag tumanda sila o pag tumagal, may maibabahagi naman sila sa mga bata.” Ang pagtikim namin ay nakatulong sa pag-intindi sa mga karanasan at pakiramdam ng mga taong kumakain ng mga exotic foods.

Page 5: Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

Kasama na rito ang pananabik at pandidiri. Sa Ilocos ay nakatikim kami ng ginisang ipon, isang isdang mas maliit pa sa sinarapan. Kami ay nagpunta rin sa Ongpin, Maynila upang matikman naman ang turtle soup. Gaya namin, naranasan din ni G. Inofinada ang pandidiri sa mga ito. “Pinakaayaw ko yung salagubang kasi lasang pakwan pero nakakadiri. Kapag kinagat mo malutong ung balat pero pag dating sa loob parang basang lupa o tae na malambot,” paliwanag niya.

Madalas, ang mga sangkap at paraan ng pagluluto ng exotic foods ay pangkaraniwan dahil ito ay isinusunod lamang sa mga tipikal na luto ng mga potahe ngunit ibang uri lang ng mga “karne” ang ginagamit. Ayon nga kay G. Concepcion, “Madalas binabase ko lang sa alam kong paraan ng pagluluto ng mga nakagawiang potahe. Kanya-kanyang istilo lang naman yan e. Minsan naman ayon sa nababasa, nakikita sa ibang marunong din magluto o sa pag-eeksperimento.” Subalit mayroon din namang mga nagluluto na bahagi na ng kanilang tradisyon ang paghahanda ng exotic foods. “Itong potaheng ito ay masarap talaga. Wala sa lugar namin ang hindi marunong magluto nito dahil nakagawian na,” tugon ni Gng. Suraida Santos.

Kadalasan, ang mga exotic foods ay inihahanda tuwing may okasyon. “Tuwing may okasyon sa Mindanao siguradong may ganitong potahe,” pahayag ni Gng. Santos habang pinanunuod namin siyang magluto ng kulma. Ang iba naman ay inihahanda ang mga ito tuwing inuman kung saan nagsisilbi itong pulutan. “Madalas nagluluto ako kapag nagkataong may nahuhuli ako o iyong mga kakilala ko. Minsan naman, para sa inuman para may pang-pulutan.” pahayag ni Romeo Concepcion. Ayon naman kay Aleli Lozano, isang nagbebenta ng exotic foods, may panahon daw ang mga ito. “Maraming tumatangkilik ng exotic foods sa panahon ng pasko at sa panahon ng tag-init,” dagdag pa niya.

Emersyon at Dokumentasyon sa isang Exotic FoodAng emersyon kasama si Gng. Santos ang pinakasentro ng aming karanasan at pag-aaral ukol sa paksa. Gaya ng nasabi kanina, noong ika-28 ng Pebrero 2009, kami ay nagsagawa ng isang emersyon sa pagluluto ng usa. Ito ay isang karanasan na ipinamahagi ni Gng. Santos sa amin. Ang pagluluto ng mga exotic foods ay masaya at isang kakaibang karanasan. “Masaya at exciting magluto ng exotic food,” pahayag ng aming grupo. Ang pagluluto at pagtitikim nito ay isang adbentura. Noong aming tinikman ang usa, mahusay ang pagkaluto ngunit sa simula ay nakapadidiri kung iisipin ang ibang sangkap na ginamit. “tikman mo muna saka ka magdecide kung panget,” sabi ng aming grupo.

Adbentahe at Disadbentahe ng Exotic FoodsSa proseso ng aming panayam, nakakalap kami ng impormasyon na ang apdo ng butiki ay nakakapagpagaling ng hika. Subalit nang makapanayam namin si Bb. Miriniza Balatbat ng UST-H Nutrition Department noong ika-16 ng Pebrero 2009, nakumpirma naming wala pang siyentipikong pag-aaral na nagpapatunay dito. “Actually hindi siya highly studied. May

Page 6: Isang pananaliksik tungkol sa exotic foods ng pilipinas

posibilidad na haka-haka lang iyon kasi hindi naman mga scientific person ung nagsabi sa inyo,” paliwanag niya. Ayon rin sa kanya, nakapagbibigay rin ang mga ito ng lakas at nakatutulong sa resistensiya. “Tulad ng ibang pagkain, rich sila sa nutrients. They are rich in carbohydrates, proteins, fats and other vitamins & minerals. So they can also serve as foods,” dagdag pa niya.Sa kabila ng mga adbentahe ay mayroon din namang disadbentahe na makukuha dito. Ayon muli kay Bb. Balatbat, kung hindi tayo mag-iingat ay maari tayong mapahamak. “Hindi naman sila masama. Kaya lang since iba-iba, hindi natin alam kasi hindi masyado naaaral ung ganitong pagkain. Hindi natin alam kung anong toxins ang nasa kanila. Kapag na-ingest natin sila, pwedeng magkaroon ng adverse effects sa health natin. Kailangan lutuin ang mga ito ng mabuti at siguraduhing malinis ang paligid at ang pagkain,” payo niya.

III. Konklusyon at RekomendasyonAng Pilipinas ay may iba’t ibang klase ng exotic foods mula sa hayop (paniki, unggoy,

bayawak, ahas, palaka, atbp.) at mga insekto (salagubang, tipaklong at kamaru).

Ang mga exotic foods ay karaniwang inihahanda sa mga inuman bilang pulutan o sa mga salu-salo bilang ulam. May mga kainan din na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa (Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bulacan, Maynila, atbp.) na naghahanda ng mga exotic foods.

Ang mga niluluto na exotic foods ay nakukuha sa gubat at sa palayan samantalang ang iba naman ay nabibili narin sa mga palengke o pamilihang bayan. May iba’t ibang paraan din kung paano lutuin ang exotic foods. Ang ilan ay itinutulad sa pagluluto ng mga karaniwang karne (baboy, manok, atbp.) tulad ng adobo, prito o ihaw. Pinapakita sa pagluluto ng exotic foods ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa pagkain sapagkat ginagawan nila ng paraan na maibigan at tangkilikin ang isang potahe na kakaiba sa paningin at panlasa.

Inirerekomenda sa mga nagbabalak na manaliksik ukol dito na maging mas partikular sa pagtukoy ng exotic foods at magkaroon ng mas malalim na pag-aaral sa nutritional value ng mga ito bilang gabay sa mga kakain at tatangkilik nito. Mabuti ring magkaroon ng mas malawak na pag-aaral sa mga exotic foods ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at sa iba pang bansa. Magandang makatuklas o makalikha pa ng ibang paraan at iba pang sangkap na maaring magamit sa pagluluto ng mga ito.