Mga Uri ng Pananaliksik
-
Upload
rey-clifford-marollano -
Category
Education
-
view
807 -
download
18
description
Transcript of Mga Uri ng Pananaliksik
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay magpaliwanag
Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng teorya o paliwanag tungkol sa isang penomenon (pangyayari)
At ito ay deskriptibo o naglalarawan
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano kokontrolin ang suliraning yaon
Sa madaling salita ito ay may layunin na solusyunan ang suliranin ng tao at mga suliraning umiiral sa kanyang kapaligiran
Mahihinuha na ang artificial
insemination at in vitro fertilization (IVF) ay bunga ng pagtugong pananaliksik sapagkat nilalayon nitong mabigyan ng supling ang sinumang mag-asawang nais magkaanak
Tumutukoy sa pag-aaral ng proseso at kinalabasan ng isang solusyon
Kung ito ay nasa anyong formative
research, ito ay may layuning pag-ibayuhin ang proseso kaugnay ng ilang kundisyon gaya ng oras, gawain at mga taong sangkot
Kung ito naman ay summative susukatin nito ang bisa ng isang programa, polisiya o produkto
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon o ng isang komunidad
Ang kaibahan nito sa pagtugong pananaliksik ay mas payak ang suliranin nito at ang pangonglekta ng mga datos ay impormal.
Karinawan ang mananaliksik ay kabahagi o kasapi ng pinag-aaralan
Ang ganitong uri ng pananaliksik ay mainam para sa mga mag-aaral sa sekunderya gayundin sa mga kolehiyo
Mahalagang aktuwal na makuha ang mga katunayan at aktibong gumawa ng mga bagay-bagay na makakatulong sa pagtuklas sa nais patunayan
Dito ay kailangang may haypotesis ang nananaliksik at masinsinang magtrabaho at gumawa ng eksperimento upang patunayan o pabulaanan ito
Ang gagamiting pamamaraan ay pabuod o indaktibo
Mas payak dito at ito ang karaniwang ginagamit sa kolehiyo
Hindi kailangang mag-eksperimento sapagkat ang mga gagamiting materyales ay yaong nasaliksik na rin ng iba
Sa madaling sabi, handa na ang mga kakailanganin, kokolektahin na lang ang mga ito, masusing pag-aaralan at kritikal na pahalagahan