Group 4 Report

71
Hermeneutika ng pakikipagtunggali.Ang pagpapakahulugan sa diskurso ng pakikibakang panlipunan

description

Philippine history report

Transcript of Group 4 Report

Page 1: Group 4 Report

Hermeneutika ng pakikipagtunggali.Ang pagpapakahulugan sa

diskurso ng pakikibakang panlipunan

Page 2: Group 4 Report

Group IVBs Crim 2-BLeader: Bacual,Justine C.

Member:1. Vargas,Jingky Mae 2.Salazar,John Christian3.Gurion,John Melvin 4.De Guzman,Kim Ashlee

Page 3: Group 4 Report

l Ang hermeneutika ay isang agham ng pagpapalalim ng pag-unawa ng isang bagay o kalagayan mula sa isang katayuan ng kalabuan tungo sa katayuan ng pagpapaliwanag.

HERMENEUTIKA NG PAKIKIPAGTUNGGALI"Pagpapakahulugan sa diskurso ng Pakikibakang panlipunan"Ayon kay Francis A. Gealogo

Page 4: Group 4 Report

•Ang paglilinaw na ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ngpahango ng kahulugan ng salita o kataga bilang salamin ng dinamikong proseso ng ugnayan ng kaisipan,materyal na kalagayan at pagsasambit ng mga salita at pagsasambit ng mga salita

Page 5: Group 4 Report

Ang pag-aaral na ito ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga pangunahing talatinigan at diksyunaryong naithala sa iba't-ibang panahon..

Page 6: Group 4 Report

"Taong-labas" = Isang desisyong kinuha ng may-akda dahilan sa kapuna-punang popularidad ng kataga sa media at pananaw ng karaniwang tao.Isang nakabibiglang karanasan sa pagsasagawa ng pananliksik na ito ay pagkatuklas na ang "taong-labas" ay hindi nababanggit sa anumang diksyunaryong kinonsulta,at hindi rin nababanggit samga pangunahing pag-aaral pangkasaysayan at pang-akademiko,hanggang kamakailan.Dahil dito sinimulan ng may-akda ang proseseso sa pamamagitan ng terminong "tulisan" at ang pag-aaral ay naipagpatuloy

Page 7: Group 4 Report

Sa pag-aaral na isinagawa,naiuna ng may akda na talakayin ang mga katagang katutubo,pati na ang lahat ng pagtalakay sa maaaring maging implikasyo--n ng mga ito'y saka lamang sisimulan ang pagtatalakay sa mga Konseptong orihinal na nagmula sa mga banyaga.Magkakaroon ng paglalagom at pagbubuod ukol sa mga posibilidad at implikasyon matapos ang paglahat ng karanasang pampananaliksik

.

Page 8: Group 4 Report

Mga katagang Katutubo Lubhang makulay ang mga katagang ginamit

upang tukuyin ang mga nakikipagtunggali sa lipunan.Ang nakakarami sa mga salitang ito ay pagbibigay katangian sa mga gawain at pamamaraan ng pakikipagtunggaling ng mga pilipino laban sa umiiral na kaayusang panlipunan.Ang ilan naman ay mga katawagang kawangis ng pagbibigay.Katangian sa mga maiilap at mababangis na hayop at pagpapakita ng pananaw ng pagkilos at pamumuhay ng mga nakikibaka.

Page 9: Group 4 Report

BabaylanAng termino ay kalimitang tumutukoy sa

mga pinunong pangrelihiyon bago itatag ang kolonyal na pamumuno ng mga kastila.

Ang napakarami sa mga babaylan ay nagnagmula sa mga kababaihan at kalimitang nangangalaga sa mga usaping pangkaluluwa,pangkalusugan at pampamilya.

Page 10: Group 4 Report

Ang pagkabuo ng kaayusang pinangungunahan nga mga babaylan ay nakaabot sa pinakamataas na antas ng pag-unlad sa negros sa mga huling hati ng ikalabinsiyam na dantaon hanggang sa unang hati ng ikadalawampung dantaon.

Page 11: Group 4 Report

Ang pinakabantog sa lahat ay ang pagkilos na pinamumunuan ni Dionisio mabuelas na higit na kilala bilang papa Isio.Isang malaking pagkakaiba sa mga naunang babaylan at mga babaylan sa negros sa panahong nabanggit ay ang uri ng pamunuan.

Page 12: Group 4 Report

Sa panahon ng pagkilos ni papa Isio,ang lahat ng mga naninirahan sa bundok ng negros bilang tanda ng paglaban ay itinuring ng mga babaylan.Sa katunayan,ang nakararami sa mga pinuno ay kalalakihan na.

Page 13: Group 4 Report

Name:Dionisio Magbuelas aka Papa Isio

Born: Negros Occidental

Died: 1911, Manila

Page 14: Group 4 Report

MangloloobAng kataya ay nangangahulugan ng

tagakuha ng iba.Ito ay mula sa looban,na nangangahulugan ng pagnakawan o dambungan.Bilang isang katutubong dalumat,ang loob ay makikitang isa sa pinakamakabuluhang kataya na may sasalamin pag-sasaayos ng lipunan at katauhang pilipino.Sa konteksto ng

Page 15: Group 4 Report

-pakikipatunggali,makikitang ang loob ay isang pahiwatig ng pagpapahalaga ng katutbo sa ari-arian.Ito ay maaaring materyal(tulad ng mga bagay na pag-aari ng isang tao)o di-materyal(tulad ng puri,karangalan at pangalan).Ang ganitong paliwanag ang makapagtuturo na ang kataga ay pahiwatig ng pakikipagtunggali sa pamamagitan ng pagsira sa laganap na kaayusan at pagpapahalaga sa loob.

Page 16: Group 4 Report

MangangayaoAyon kina Noceda at Sanlucar,ang kasing

kahulugan nito ay ang salteador sa wikang kastila.Subalit nangangahulugan din ito ng pagtiwalag o pagtalikod sa labanan bilang pagliligtas sa sarili.

Page 17: Group 4 Report

Sa kasalukuyang panahon,ang kataga ay ginagamit sa pagturing sa mga manok na umaayaw sa laban sa pagkakataon ng sabong.

Sa timog silangang asya. Ang pagtiwalag, pag-talikod, paglikas at paglisan ay hindi nangangahulugan ng pagpapasailalim sa kapangyarihan ng kalaban kundi ang kabaligtaran nito. Sa pamamagitan ng pagtiwalag, ang kalaban ang siyang nawawa-

Page 18: Group 4 Report

-lan ng kapangyarihan. MalilingoAng paglilingo ay isang katangian ng

pagsalakay at pagpatay sa kaaway sa pamaraang dalian at hindi alam ng kalaban.Kung kaya,tinitingan ang mga ito bilang pagtalikod na pagsalakay ng mga nakikibaka karaniwang isinalin bilang assassin sa wikang ingles ang kataga.

Page 19: Group 4 Report

MandarambongSa pamamagitan ng pandarambong,kinuha

ng mga ito ang mga ari-arian sa pamaraang mabilisan at madalian.Narito rin ang elemento ng surpresa at kawalang malay ng maaaring maging katunggali sa pakikihamok.Katunggali ang kaganapan ng pandarambong hanggang sa aktwal na pagkakataon ng pagsalakay.

Page 20: Group 4 Report

ManlulupigAng katagang manlulupig ay ginagamit sa

mga nakikipagtunggaling may malimit na pagkakataon ng pagwawagi at may kakayahan magupo ang kaaway.

Page 21: Group 4 Report

Mandurukot Kaugnay ng isinasagawang pagkilos ng mga

nakikipaggali ay ang pamamaraan ng pagturing ng mga ito sa mga katunggali o kaaway. Maaaring maging layunin ng nakikipagtunggali ang pagkuha sa kaaway o sa ari-arian nito.Ang mga mandurukot ay karaniwang makikita sa labas ng lugar na tinitirahan ng kaaway. Maaring manghingi ng ransom sa taong dinidukot mula sa mga kaanak nito o maaaring dito na isikatuparan ang pagpatay.

Page 22: Group 4 Report

Mananamsam o tagasamsam Karaniwang pinahahalagahan sa

pagsasakatuparan ng pakikipagtunggali ang pamamaraan ng pagkuha ng ari-arian ng mga kaaway. Ang gawaing ito ay naisasakatupan sa iba’t-ibang pamamaraan.Maaaring ang pagkuha dito ay sa pamamagitan ng sapilitan at madaliang pagkuha sa ari-arian ng iba. Maari rin naman na ang pamamaraan ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagkuha sa mga ari-arian ng iba ng hindi namamalayan o wala ang katunggali.

Page 23: Group 4 Report

Mandirigma Ang mandirigma ay tumutukoy sa

nakikipagtunggali bilang bahagi ng isang higit na malawak na samahan o kilusan. Ang digmaan ay kalimitang isinasakatuparan hindi ng mga indibwal kundi ng mga grupo o mga lipunang kasangkot sa pakikihamok.

Page 24: Group 4 Report

Manghihimagsik Isa sa pangunahing katagang nagsasalamin sa

katauhan ng nakikipagtunggali ay ang manghihimagsik ito ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng anumang pamamaraan ng pag-aaklas.Ang paghihimagsik ay isa sa pinakamayamang katawagang nagbibigay ng napakaraming kahulugan sa pakikipagtunggali, kung kaya;t ang katangian ng maghihimagsik ay siya ring isa sa pinakamaraming kahulugang maaaring maibigay.

Page 25: Group 4 Report

-Isa pang kahulugan nito ay nagpapakitta ng malawakang pagkakasangkot ng nakararaming populasyon sa pagsasakatuparan ng kilusan.Ang maghihimagsik ay kalimitang bahagi ng isang malawakang kilusan at kasangkot sa pagtatangka ng nakararami sa paglulunsad ng pagkilos.

Page 26: Group 4 Report

Mangangagad Ang katauhan ng nakikipagtungli ay

kalimitang tinitingnan bilang tagakuha ng pag-aari ng iba sa pamamaraang mabilisan habang ang bagay na layuning kunin ay tangan o hawak ng iba.

Page 27: Group 4 Report

Mandaranggit Ang bsalitang mandaranggit ay isa sa

pinakamakulay ng terminong maaaring gamitin sa pagtalakay ng nakikipagtunggali. Ipinapahiwatig nito ang pamamaraang pakikipagtunggali ng mga tao lalo na sa pakikitungo nito sa iba.ang mandarangit ay kalimitang sumasalakay nang ibayo ang kabilisan at tila mula sa paglipad ang pasalakay,kagaya ng mga malalaking ibon

Page 28: Group 4 Report

Mananagpang Ang mananagpang ay kalimitang

inihahambing sa mababangis na hayop na karaniwan ay nangangagat nung mabilis.Ang pagsagpang ay higit na mabilis na pamamaraan ng pagsalakay na ginagamit ang mga ngipin, na higit na mabilis sa tuka, kagat o tuklaw.

Page 29: Group 4 Report

Manghaharang Isa sa pinakamalimit na gamitin bilang

salitang tumutukoy sa mga nakikipagtunggali ay ang manghaharang.Kalimitang nangangahulugan ng pagsagka sa pagkilos o daraanan ng katunggali, ang manghaharang ay kalimitang kumikilos sa mga latian, kaparangan, pinak, ilang na daana, at ilan pang mga lugar na kalimitang malayo sa kabayanan.

Page 30: Group 4 Report

= ang mga manghaharang ay kalimitan ding itinuturing na mga mandarambong, mandurukot mananagpang kalimitang kumikilos sila sa pamamagitan ng isang maliit na pulutong na nagsasagawa ng pagsalakay bilang grupo.

Page 31: Group 4 Report

Manliligalig= Ang pananalakay na isinasagawa ay

tinitingnan bilang tagapagdulot ng kalituhan.

Page 32: Group 4 Report

Magnanakaw= Isang problematikong dalumat ng

pakikipagtunggali ay ang pagturing sa mga nakikipagtunggali bilang isang kilusang panlipunan o ibig sabihin isang istratehiya ng pagtutungali ng isang samahan

Page 33: Group 4 Report

Pulahan= Ang salitang Pulahan ay nabuo bunga ng

kasuotang kalimitang ginagamit ng mga nakikihamok sa kabisayaan upang bigyan ng tanda ang kanilang pakikihamok mahalaga ang simbolismo sa pakikipagtunggali at ang kulay,pula ay isa pinakasimbolikong pamamaraan sa pagpapahayag ng katapangan,kahandaang namatay at kakanyahang makipaglaban.

Page 34: Group 4 Report

Suitic= Isa sa kapuna-punang pamamaraan ng

pagtatanggal sa lehitimong katangian ng mga taong nakikipagtunggali ay ang pagsira sa katangian positibo.

Page 35: Group 4 Report

Masamang Loob= Isang taong may masamang katangian,

pag--uugali o pag-iisip. Magandang Loob= Tagapagdala ng ng magandang asal at

pag-uugali.

Page 36: Group 4 Report

Masamang tao= Kaugnay ng masamang tao.Kung ito ay

nakikihamok at maraming napapahamak, ang nakararami sa mga tao ay tumuturing sa mga nakikibaka bilang masama tao.

Page 37: Group 4 Report

Tao sa damo= Ang paggamit ng tao sa damo bilang

kataga,ay nagpapahiwatig na ang pagkilos ay maaaring tingnan na may kabangisan at kakulangan sa pagkaamo.Dahil dito, ang mga nakikibaka upang muling maging bahagi na kaayusan panlipunan, ay tinitingnang kailangang paamuin at alisan ng kabangisan.

Page 38: Group 4 Report

Tubo sa damo= Hindi lahat ng nakikibaka ay kailangang

ituring na mababangis ang ilan ay kailangan paamuin upang maging kapaki-pakinabang

Tadtad=Ito ay isang uri ng pagpaslang sa mga

kaaway sa pamamagitan ng pagtadtad ng katawan

Page 39: Group 4 Report

Tulisan=ito ay tumutukoy sa mga taong namundok

sanhi sa partikular ng paglikas mula sa kaayusan itinatag ng pueblo sa pamamagitan ng patakaran reduccion.

Page 40: Group 4 Report

Tirong= Ang salitang tirong ay kumakatawan sa

taong palagiang nakikipag-away, hindi sumusunod sa kalakaran ng lipunan at nabubuhay bilang mga siga sa pamayanan.

Page 41: Group 4 Report

Bandido= Ito ay isa sa mga pangunahing salitang

kastila na ginagamit upang tukuyin ang lahat ng mga nakikipagtunggali sa labas ng kaayusang makikita sa pueblo(Ito ay katumbas ng "bayan" sa wikang Español).

Page 42: Group 4 Report

Bandolero= ito ay pagkilos ng mga tulisan at

nagpapakita ng kawalang katangian nito sa larangan ng lehitimong kilos-protesta.Ginamit din ang bandelero sa panahon ng bagong dating ang mga amerikano.

Page 43: Group 4 Report

Cimarron= ito ay banyaga termino na

nangangahulugan ng pagkaamo at pagiging mabangis na tulad ng mga hayop.

Civil-civil= ito ay nagpapahiwatig ng pag-alipusta.

Page 44: Group 4 Report

Colorum= anumang gawain o bagay na walang sapat

na dokumentasyon upang ituring na ligal ng estado mula sa pinaiksingdasal na saecula saecolorum.

Page 45: Group 4 Report

Contra-costa= Ang costra-costa ay simbolikong

pagsasalarawan ng layo ng kalagayan ng katunggali.

Cuadrilla= ito ay nangangahulugan ng pulutong o

katipunan ng mga taong may layunin

Page 46: Group 4 Report

Dios-dios= ito ay ginagamit upang bigyang pansin ang

pahayag ng ilang nakikipagtunggali bilang kilusan reliyo-pulitikal na may bahid ng ispiritwalidad.

Page 47: Group 4 Report

Delingquente= ang terminong delingquente sa pag-uri sa

mga nakikipagtunggali upang ipakita ang pamamaraan ng kanilang pagkilos.

Facineroso= ito ay binigyan kahulugan ang gawain ng

mga taong hindi sumusunod sa kautusan.

Page 48: Group 4 Report

Fanatico= ito ay terminong na tumutukoy upang

tukuyin ang mga naniniwala sa pinuno at ideya ng samahan bat’kos naging negatibo ang kahulugan nito nung dumating ang amerikano na nagpapahiwatig na bulag at walang pag-iisip sa pagsunod sa mga bagay na dapat paniwalaan.

Page 49: Group 4 Report

Filibustero= ito ay tumutukoy sa mga taong nasa

kolonya ng espanya na naglalayong magkaroon ng batayang kalayaan tulad ng pamamahayag.

Page 50: Group 4 Report

Foragido= ito ay itinutring na higit na pusakal at higit

na mailap kaysa sa ordinaryong bandido,bandolero o tulisan.

Gente de malvivir=Mga taong namumuhay nang masama

buhay o mga tao namumuhay sa labas ng saklaw ng batas.

Page 51: Group 4 Report

Gente perdida= ito nangangahulugan nawalang mga

pamayanan o pamahalaang kolonyal. Indocumentado= Isa sa mga pamamaraan upang

maisakatuparan ang pananakop ng mga dayuhan ang pagkakaroon ng tala

Page 52: Group 4 Report

=Ang kakayahan ng estado na itala,iuri at bigyan ng pangalan ang mga nasasakatuparan nito ay tanda ng kakayahang nitong magsakatuparan ng pangingibabaw sa lipunan.

=kung may nakikipagtunggali sa sisitema ng pangingibabaw isa sa pangunahing maging direksyon ng pakikihamok ay ang pagsira sa ganitong sistema ng pagpapatala.

Page 53: Group 4 Report

= ang dami ng hindi nagpasaklaw sa ganitong sistema ay salamin ng dami ng mga taong nakikipagtunggali sa labas ng kolonyal.

Infiel=Itinuring na kakaiba ang tradisyon ng infiel

sa dalawa pang grupo ng pilipino na muslim at kristiyano.

Page 54: Group 4 Report

=Ang infiel ay iyong mga taong hindi bahagi ng pamayanang kristiyano at moro na tinuturing ng mga kastila bilang nasasakupan.

Laborante=gumagawa ng isang bagay=Nagmula sa lalawigang kolonyal ng espanya

at gumagawa upang matamong ang kalayaan mula sa pananakop ng kastila upang kung marinig sila ay maaring bigyan ng kalayaan.

Page 55: Group 4 Report

Malebolo= Ang malebolo ang paggawa ng masama sa

tingin ng ibang tao. Malhechor= Ito ay itnuturing mga tulisan sa panahon

ng pananakop ng mga espanyol na nangangahulugan ng gumagawa ng kasalanan.

Page 56: Group 4 Report

Papa=Isa sa mga naging katawagan upang

tukuyin ang ilan sa mga pinuno ng pakikipagtunggali ay ang mga ginagamit ng herarkiya ng simbahan.

Pirata=Ang pananalakay sa pamamagitan ng dagat

upang kunan ng bihag o mahahalagang bagay ang mga pamayanang sinalakay.

Page 57: Group 4 Report

Remontado=Ito ay maaaring nangangahulugan ng

pagtago,paglayas o pag-iwan sa isang pamamaraan ng pamumuhay.Maari rin nangangahulugan ng pagtaboy o pagbugaw sa isang tao o grupo ng tao mula sa isang lipunan tungo sa isa pa.Ang ganitong kahulugan ay maaaring magpahiwatig bilang pag-iwas bilang pangunahing pamamaraan ng pakikipagtunggali ng remantado.

Page 58: Group 4 Report

=Kaiba ang remontado sa infiel.ang remontado ay lumilikas patungong kabundukan matapos makaranas ng pananakop samantalang ang infiel ay tahasang hindi nasakop ng mga dayuhan.

Page 59: Group 4 Report

Salteador= Ang salrtedor ay halos kasingkahulugan ng

maglilingop sa katawagang katutubo.Makikita rin dito ang pamamaraan ng paghaharang,paglusob,panloloob,pang-aagaw bilang pamamaraan ng pagkilos.Isa ito sa mga salitang maraming kahulugan makikita sa mga talatinigan na maihahambing sa mga katawagang pilipino.

Page 60: Group 4 Report

Salvaje = masasalamin sa salitang ang pagtingin ng

mga nangingibabaw sa lipunan ukol sa mga nakikipagtunggali kagaya ng mga cimarron at tao sa damo ang salvaje ay nagpapahulugan din ng kailapan,kabangisan at kawalan ng pagkaamo

Page 61: Group 4 Report

=Sa kasalukuyang panahon ang salvaje ay nangangahulugan ng mga taong nasa kapangyarihan o matataas na kalagayan sa pakikipag-ugnayang pantao.

Saqueador =Ipinapalagay na ang nakipagtunggali ay

kumikilos sa pamamagitan ng pasamsam ng bala ng matatagpuan sa dinaraanan.Kaugnay ng sequeador ang panloloob,pananamsam,at pagkuha ng mga bagay na hindi pag-aari ng sarili.

Page 62: Group 4 Report

Vagamundo, Vago o mundo= sa kabisayaan ang mga mundos ay tinuturing

ding mga salvaje,infiel o remontado.Maaaring kaugnay ang ganitong pag-iral sa mga indocumentado. Dahil sa kawalan ng kakayahan ng estado na tukuyin ang bawat isang mamamayan,malayang umiiral ang mga ito bilang hiwalay sa pamamagitan ng pagpilit sa mga ito na tumigil sa isang lugar at maitala bilang isang mamamayang kinikilala at kumikilala sa kapangyarihan ng estado.

Page 63: Group 4 Report

Ang diskurso ng kapangyarihan at ang pagpapakahulugan sa kasaysayan

Paglalagom:

Page 64: Group 4 Report

Batay sa mga paglilistang isinagawa ukol sa kahulugan ng nga salitang patungkol sa pakikipagtunggali,ilang paglalagom ang maaaring hayag upang malinawan ang mga natamo sa pagsasagawa ng proseso ng pagpapakahulugan

Una,mahalagang tingnan ang pakipagtunggali bilang salamin ng iba’t-ibang dimensyon ng pananaw ng mga tao sa pagsasakatuparan ng kaayusang panlipunan.

Page 65: Group 4 Report

Ikalawa, isang malaking suliraninjg kakaharapin ng mga mag-aaral sa kasaysayan ng mga kilusang masa ang magiging implikasyon ng unang paglalahat.Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga pananaw na lumalabas sa pagturing sa mga kasangkot sa pakikipagtunggali,kailangan ng ibayong pag-iingat at paglilinaw hinggil sa kung ano nga ba ang taal na katangian ng kilusang,kailangan din ng ibayong pag-iingat

Page 66: Group 4 Report

=kung alin sa mga kilusan ang maaaring tingnan bilang pagpapahayag ng kabayanihan para sa nakakarami.Kung gayon, ang pagpapakahulugan ng bayan,pamayanan,sambayan, at ang lahat ng gawain pa pagkalinga at pagtatanggol dito ay kailangan ding isakatuparan, kung ang makabayan at makamasang kilusan ang nais na dalumatin.Ang mga katagang pinag-aaralan ay salamin din ng kalinangan ng lipunan.Dahil sa ang wika ang tagapaghayag ng kultura ng isang lipunan, makikita ang kahalagahan ng mga

Page 67: Group 4 Report

= taong kasangkot sa paggamit ng mga kataga*Halimbawa maganda tingnan na ang paghahambing na isinigawa ng mga katutubo sa mga magandang tingnan na ang paghahambing na isinasagawa ng mga katutubo sa mga nakikipagtunggali ay ayon sa kaayusan ng mga hayop,halaman at ibon ( mananagpang, mandaranggit, tao sa damo, at iba pa.) Kaugnay nito ang pagpapahiwatig na ibinibigay hinggil sa mga batayang konseptong gumagabay sa pagkatao sa isang lipunan.

Page 68: Group 4 Report

-Ilang mga termino tulad ng “taong-labas’’,manloloob, mangangayaw, manliligo at iba pa ay nagpapakita ng mga daluma’t kung paano ang tao ay tinitingnan kaugnay ng ibang tao; kaugnay ng kaharap na katunggali; at kaugnay ng kapaligiran at kaayusang panlipunan

Page 69: Group 4 Report

Ikaapat, mapupuna ang katangian ng ugnayang kolonyal sa pamamaraan ng pakikipagtunggali. Ang indocumentado, remontado, contra costa, gente perdida at delingquente ay mga pahiwatig na may makikitang kahinaan sa panig ng kolonyal na estado na makiharap sa nakikipagtunggali. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng paggamit ng dati nang mga tinatanggap na katawagan-

Page 70: Group 4 Report

- Tulad ng fanatico at ladron, binigyan ng kahulugang mapanlibak at mapalait ang mga ito nang sa gayon ay maalisan ng lehitimong katangian ang mga pagkilos. Sa pamamaraang ito, makikita ang kapangyarihan ng mga Amerikanong maging epektibo sa paggamit ng mga salita upang masarili ang kapangyarihan at mapaabutan ng saklaw ang higit na nakakararaming sektor sa lipunan.

Page 71: Group 4 Report

Makikitang naipahayag din sa mga salita ang ilang partikular na mga katangian ilang ispesikong pag-aaklas na naganap sa kasaysayan. Ilang halimbawa nito, tulad ng tadtad,pulahan,kolorum, papa, at filibustero ay mga pahiwatig ng partikular na katangian ng ilang kilusan sa ilang panahon ng kaysayan ng lipunan.