George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

9
Page 1 of 9 George Washington’s THE RULES OF CIVILITY AND DECENT BEHAVIOR IN COMPANY AND CONVERSATION FILIPINO VERSION 1. Ang lahat ng aksyon na ginagawa sa loob ng kumpanya, ay nararapat na gawin ng may respeto sa lahat ng naroon. 2. Kapag nasa kumpanya, huwag ilagay ang kamay sa kahit na anumang parte ng katawan na kadalasang hindi lantad. 3. Huwag magpakita sa iyong kaibigan na ikakatakot nya. 4. Kapag may kasama, huwag kumanta o mag-hum o gumawa ng ingay sa iyong kamay paa. 5. Kung ikaw ay uubo, aatsing, hihikab, huwag gawin ito ng malakas, subalit ilagay ang panyo o kamay sa iyong mukha at lumingon patago. 6. Huwag matulog kapag nagsasalita ang ibang tao, huwag umupo kapag ang lahat ay nakatayo, Huwag maglakad kapag ang iba’y nakahinto, huwag magsalita kung nararapat ay tumahimik na lamang. 7. Huwag maghuhubad ng iyong damit sa harap ng iba o lumabas ng walang t-shirt. 8. Sa laro o kahit saan man, ito ay good manners na magbigay ng puwang sa huling dumating at huwag magsalita ng malakas sa pangkaraniwan 9. Patungkol sa heater: huwag dudura sa apoy, o huwag yuyuko sa apoy at huwag ilalagay ang kamay sa apoy o huwag ilalagay ang paa lalo na pag may pagkain na niluluto. 10. Kapag ikaw ay umupo, panatiliin ang dalawang paa ng hindi inilalagay ang paa sa itaas ng isa. 11. Huwag tumingin sa iba kapag may kausap at huwag kakagatin ang kuko. 12. Huwag iiling ang ulo, huwag I-shake ang paa o hita o ipaikot ang mata o itaas ang kilay, itabingi ang labi kapag ikaw ay nagsasalita. 13. Huwag papatayin ang kuto o lisa, sa harap ng iba. Kapag nakita mo sa iyong kasama, alisin ito ng patahimik at kung sa iyo nangyari ay magpasalamat.

Transcript of George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 1: George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 1 of 7

George Washington’sTHE RULES OF CIVILITY AND DECENT BEHAVIOR IN COMPANY AND

CONVERSATION

FILIPINO VERSION

1. Ang lahat ng aksyon na ginagawa sa loob ng kumpanya, ay nararapat na gawin ng may respeto sa lahat ng naroon.

2. Kapag nasa kumpanya, huwag ilagay ang kamay sa kahit na anumang parte ng katawan na kadalasang hindi lantad.

3. Huwag magpakita sa iyong kaibigan na ikakatakot nya.4. Kapag may kasama, huwag kumanta o mag-hum o

gumawa ng ingay sa iyong kamay paa.5. Kung ikaw ay uubo, aatsing, hihikab, huwag gawin ito

ng malakas, subalit ilagay ang panyo o kamay sa iyong mukha at lumingon patago.

6. Huwag matulog kapag nagsasalita ang ibang tao, huwag umupo kapag ang lahat ay nakatayo, Huwag maglakad kapag ang iba’y nakahinto, huwag magsalita  kung nararapat ay tumahimik na lamang.

7. Huwag maghuhubad ng iyong damit sa harap ng iba o lumabas ng walang t-shirt.

8. Sa laro o kahit saan man, ito ay good manners na magbigay ng puwang sa huling dumating at huwag magsalita ng malakas sa pangkaraniwan

9. Patungkol sa heater: huwag dudura sa apoy, o huwag yuyuko sa apoy at huwag ilalagay ang kamay sa apoy o huwag ilalagay ang paa lalo na pag may pagkain na niluluto.

10. Kapag ikaw ay umupo, panatiliin ang dalawang paa ng hindi inilalagay ang paa sa itaas ng isa.11. Huwag tumingin sa iba kapag may kausap at huwag kakagatin ang kuko.12. Huwag iiling ang ulo, huwag I-shake ang paa o hita o ipaikot ang mata o itaas ang kilay, itabingi ang labi kapag ikaw ay nagsasalita.13. Huwag papatayin ang kuto o lisa, sa harap ng iba. Kapag nakita mo sa iyong kasama, alisin ito ng patahimik at kung sa iyo nangyari ay magpasalamat.14. Huwag tatalikod sa iba lalo na habang ikaw ay kinakausap, huwag gagawa ng ingay as lamesa kung may nagbabasa o sumusulat o huwag sasandal kahit kanino.15. Panatiliing malinis at maikli ang kuko as kamay at panatilling ng malinis ng hindi nagpapakita ng matinding pag-aasikaso sa mga ito.16. Huwag ilalabas ang dila, hahawakan ang balbas ng iba, huwag i-pout ang labi at huwag panatilling bukas ang labi ng malaki.

Page 2: George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 2 of 7

17. Huwag maging laging palapuri.18. Huwag babasahin ang sulat, libro o papel as kumpanya subalit kapag kailangan ay nararapat humingi ng paumanhin. Huwag lumapit as libro o sulat ng iba at huwag  magbigay ng opinion sa kanilang sulat.19. Panatilling kaaya-aya ang iyong tindig at pawang seryoso.20. Ang iyong gesture ng katawan ay nararapat bagay sa iyong pagsasalita.

21. Huwag pintasan ang kapwa ukol sa kanyang anyo.22. Huwag magpakita ng masaya kapag ang iba ay naghihirap, napahiya kahit sya ay iyong kaaway.23. Kapag nakita mo na ang  krimen ay naparusahan, maging tahimik lamang sa saloobin at laging magpakita ng awa sa pinarurusahan.24. Huwag tatawa ng malakas kapag nasa pampublikong lugar.25. Ang masyadong paghanga at lahat ng bagay ay nararapat iwasan.26. Sa pag-alis ng iyong sumbrero sa mga taong matataas tulad ng hukom, nasa simbahan, magbigay galang, yumuko ayon sa kanilang kultura.27. Kung may dumating upang kausapin ka, ay nararapat na tumayo at hindi pag-antayin ng matagal.28. Kapag may dumating upang kausapin ka ay nararapat kang tumayo at kapag pinaupo mo sila, ipwesto mo sila ayon sa kanilang posisyon.29. Kapag nakasalubong ang isang taong mataas ang kalagayan sa estado huminto at kung sya nasa pinto ay paunahin mo syang dumaan.30. Habang naglalakad kadalasan sa mga bansa, ang taong mataas na posisyon ay nasa bandang kanan. Ilagay ang iyong sarili sa kaliwa sa taong iyong binibigyang galang. Subalit kung tatlo ang naglalakad ang pinakamataas ay nasa gitna.31. Kung ang isa ay mas mataas, ito man ay sa edad, yaman o posisyon at nagbigay ng lugar o kanyang matutulugan sa isang mas nakabababa ay hindi nya dapat ito tanggapin.32. Sa iyong kapantay o hindi masyado malayo ang agwat ibigay ang iyong maututulugan at kung sino ang unang matutulugan ay nararapat na tanggagihan sa una, subalit sa pangalawa ay dapat tanggapin na walang pagbanggit ng kanyang hindi pagiging karapatdapat.33. Sa mga mataas na katungkulan sila ay nararapat bigyan ng galang kahit na sila ay mas bata.

Page 3: George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 3 of 7

34.  Ito ay mabuting asal ng mga taong matataas na sila ang unang magsasalita bago tayo lalo na kung hindi natin alam paano sisimulan.35. Hayaan ang pakikipagtalastasan ukol sa negosyo na maging maikli at kumprehensibo.36. Ang mga taong mas nakababa ay hindi nararapat na masyado magbigay pugay sa nakakataas subalit magbigay galang at respeto at ang mga taong nakakataas ay nararapat na itrato sila ng may pagka-kaaya at paggalang ng walang kayabangan.37. Kapag ikaw ay nakikipag-usap sa mataas na tao huwag sumandal o tumingin sa kanilang mukha ng diretso o lapitan sila ng masyadong malapit.

38. Kapag bumibisita sa may sakit huwag maging parang doctor na magbibigay payo panglunas kung walang sapat na kaalaman.39. Sa pagsusulat o pagsasalita, dapat ibigay sa kanila ang kanilang titulo ayon sa kanilang natapos.40. Huwag makipagtalo sa nakakataas at laging magpakumbaba at magsakop, at maging maingat sa paghugsa lagging gawin tio ng may pag-galang.41. Huwag magturo sa iyong kapantay na sya mismo ay eksperto sa larangang ito, ito ay pawang kayabangan.42. Hayaang ang seremonya ayon sa dignidad ng kanyang lugar at posisyon.43. Huwag magpakita ng kasiyahan sa may sakit o nasasaktan sapagkat ito ay makadadagdag sa kanilang kabigatan.44. Kapag ang isang tao ay ginawa ang lahat huwag syang sisihin.45. Kapag magbibigay ng payo o displina sa kaninuman, isaalang-alang kung ito ay gagawing lantad o lihim o di kaya sa ibang panahon at gawin ang pagdisiplina ng buong hinahon at kabutihan.46. Tanggapin ang lahat ng payo ng may pasasalamat at pagkatapos ay huwag  manisi.47. Huwag mamintas o daanin sa patawa o joke ang pamimintas at kapag nagsabi ka ng isang maganda at nakakatawa iwasang, huwag mo ng ipalawanag ang nakakatawa.48. Kung hindi sumang-ayon sa iba, panatilihing wag mamintas dahil ang halimbawa ay mas mabuti kaysa sa pagsasalita.49. Gumamit ng walang kapintasang pananalita ito man ay sumpa o pamimintas.

Page 4: George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 4 of 7

50. Huwag magpadalo-dalos sa pagpapalaganap ng balita nang hindi ka sigurado.51. Magsuot ng damit na hindi nakakaoffend. Iwasang magsuot ng marumi, may mantsa o may punit. Panattilihing malinis.52. Panatiliin ang iyong suot na simple at mapagkumbaba kaysa magpahanga ng iba ayon sa bagong uso. Ito ay pagiging civilisado at sumunod sa order, na may respeto sa lugar at oras.53. Huwag tumakbo sa kalsada o lumakad ng sobrang mabagal.54. Huwag maging pawing parang “Peacock” laging sinisiyat kung maayos ang sapatos, damit o anyo.55. Huwag kumain sa pampublikong lugar.56. Makihalubilo sa mga taong may kalidad kung nais mong pangalagaan ang iyong reputasyon. Sapagkat mas mabuti nang mag-isa kaysa mapasama sa hindi maganda.

57. Kapag aakyat o baba sa bahay, kapag nakasalubong ang isang taong mas mataas sa iyo ay maunang iaabot ang iyong kamay bilang pagbati. Sa paglakad huwag tumigil habang sya ay hindi tumitigil. Siguraduhing huwag ikaw ang unang tumalikod, at kapag aalis panatilihing nakaharap ang iyong mukha upang kung mayroon syang nais sabihin ay madali ka niyang makakausap.58. Sa pakikipag-usap ay panatiliing walang malisya o inggit dahil ito ay hindi kaaya-aya.59. Huwag magpahayag ng anumang hindi angkop o gumawa ng kilos laban sa moral na panininidgan ng iyong nasasakupan.60. Huwag pilitin ang kaibigan na sabihin ang sikreto.61. Huwag sabihin ang mga walang kabuluhang  bagay sa mga nakapag-aral. At huwag magsabi ng mahihirap, malalim, kuplikado o mahirap paniwalaan sa mga palalo.62. Huwag magbanggit ng mga nakakalungkot na usapin tulad ng kamatayan o sakit at kung ang iba ay nagbanggit, ibahin ang usapan. Sabihin lamang ang iyong pangarap sa iyong malapit na kaibigan.63. Ang tao ay hindi dapat i-ayon ang kanyang halaga dahil sa tagumpay o kaka-ibang katalinuhan gayun din ang kanyang yaman o kabaitan.64. Huwag magpakita ng kasiyahan sa kapighatian ng iba.65. Huwag magsabi ng makakasakit na pananalita kahit na ito ay pabiro o sa kahit anumang panahon.

Page 5: George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 5 of 7

66. Huwag maging agresibo, maging palakaibigan at mabait. Laging maging handang makinig at huwag maging malalim ang iniiisip habang nakikipag-usap.67. Huwag humadlang sa iba o maging masayadong pala-utos.68. Huwag magpayo kung hindi alam. Huwag magbigay ng payo kung hindi tinatanong  at kung may payo gawin itong maikli.69. Kapag may dalawang hindi magkasundo. Huwag magpumilit sa iyong sariling opinion.70. Huwag sisihin ang kahinaan ng iba lalo na sa nakakataas.71. Huwag tingnan ang bahid ng kapintasan ng iba at huwag itanong kung kamusta na sila. Pag nagsabi ng sikreto sa iyong  kaibigan huwag sabihin sa iba.72. Huwag magsalita sa kaparaanang hindi alam ng  kausap, subalit gamitin ang iyong sariling wika. Itratong seryoso ang mga bagay na makalangit.73. Mag-isip bago magsalita, huwag magpadalos-dalos subalit gawing  maayos at kaaya-aya.74. Habang ang isa ay nagsasalita, maging alerto sa pakikinig, kung sya ay nahihirapan magpahayag  huwag istorbohin o pigilin o tapusing bigla. Hayaan syang patapusin.

75. Sa gitna ng pag-uusap, kung may bagong dating ay naayon na ulitin ang pinag-uusapan.76. Habang ikaw ay nagsasalita huwag ituro ang daliri at huwag lumapit masyado lalo na sa kanyang mukha.77. Huwag magbalita kung hindi pa alam ang buong katotohanan.78. Huwag ihambing ang sinuman sa ginawang katapangan  o mabuting gawa sa harap ng loob ng organisasyon.79. Huwag magbalita kung hindi paalam ang buong katotohanan. Sa paglalahad ng iyong narinig ay huwag sabihin ang pinanggalingan.80. Huwag maging mahaba sa pakikipag-usap siguraduhing maligaya ang kausap na maligayang kausap ka.81.  Huwag maging interesado sa larangan ng iba o huwag pag-usapan ang mga napag-usapan sa pribado.82. Huwag sabihin ang hindi kayang gawin. Subalit maging maingat sa pananatili ng pangako.83. Kapag ikaw ay magbabahagi ng problema gawin ito ng walang masyado masiklab na emosyon at gumamit ng kahinahunan.

Page 6: George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 6 of 7

84. Kung ang iyong nakakataas ay nagsasalita, huwag magsalita o tumawa.85. Kapag nakikipagusap sa matataas tao, huwag magsalita ng hangga’t hindi tinatanong. Tumayo ng tuwid at sumagot ng maikli.86. Sa larangan ng usaping away, huwag naisin na manalo sa usapan at hindi bigyan ng kalayaan ang iba sa pagsabi ng kanilang opinion at magpasakop sa husga ng nakakataas lalo na sila ang nakaposisyon.87. Maging maingat sa bawat sasabihin. Huwag humadlang sa sinasabi ng iba.88. Huwag maging mahaba sa pakikipag-usap, huwag gumawa ng istorya, o magdagdag o magbawas sa mga pinagusapan.89. Huwag magsasalita ng hindi maganda sa isang tao na wala sa usapan.90. Huwag kumamot, suminga hanggat hindi ito matinding pangangailangan.91. Huwag magpakita ng tuwa o pagmamalaki sa iyong inihandang pagkain. Huwag kumain ng may kasakiman. Hiwain ng kutsilyo ang tinapay. Huwag sumandal sa lamesa at huwag magbanggit ng pintas sa nakahain.92. Huwag kumuha ng asin o maghiwa ng tinapay ng may mantika ang kutsilyo.93. Ang pag-estima sa bisita ay nararapat na hainan ng pagkain, huwag tumulong sa pagligpit kapag ayaw ng may-ari ng bahay.94. Kapag iyong isasawsaw sa isang sauce, huwag ng ibalik kapag nailagay na sa bibig.95. Huwag ilagay ang karne sa bibig habang may hawak na kutsilyo sa kamay.

96. Hindi nararapat na masyadong marami ang  kukuhaing pagkain at panatiliing malinis ang iyong kamay, kapag narumihan  ipunas sa table napkin.97. Huwag kainin ang may kagat na ng iba, kumagat lamang ng maliit at huwag masyadong malaki ang pagkagat sa anumang pagkain.98. Huwag uminom o magsalita sa habang ang iyong bibig ay puno, o tumitig sa isang umiinom.99. Huwag uminom ng madami o mabilis. Bago kumain at pagkatapos ay magpunas ng labi. Huwag masyadong gumawa ng ingay, ito ay “uncivil” o “impolite”.100. Maglinis ng ipin sa pamamagitan ng toothpick ng patago o sa loob ng palikuran

Page 7: George Washington's Rules of Civilty and Decent Behavior in Company and Conversation

Page 7 of 7

101. Huwag maglinis ng bibig sa harap ng iba.102. Hindi nararapat na gumamit ng pera ang sinuman ng kumpanya o organisasyon sa pang personal na kain o pag-inom.103. Kapag kasama ang mas mataas, huwag magpahuli sa kain. Isandal lamang ang kamay hindi ang braso sa lamesa.104. Nararapat lamang na ang pinakamataas sa kumpanya ang maunang magsimulang magbukas ng kanyang napkin, ito ay signales na maari nang kumain at sya ang maunang kumain.105. Huwag magagalit sa hapag-kainan kahit anumang panahon, kahit na ikaw ay may dahilan ay huwag ito ipakita lalo na kapag may stranghero. Magpatawa na lamang dahil “Good humor makes one dish of meat a feast.”106. Huwag ilagay ang sarili sa mataas na upuan sa lamesa, hayaan ang may ari ng bahay  ang magsabi kung saan ka uupo.107. Kung ang iba ay nagsasalita sa lamesa ay maging alerto sa kanilang sinasabi at huwag magsalita hanggat may laman ang iyong bibig.108. Kapag nagsasalita patungkol sa Diyos at kanyang katangian, gawin ito ng  seryoso at may pagdangal.109. Hayaan ang iyong libangan ay makatao at hindi makakasalanan.110. Palaging panatiliing ang kunsensya sa lahat ng iyong gawain.

Isinalin sa Wikang Filipino ni Bb. Rimalyn D. Siriban Mga Disenyo ng: Subay ni Adriel Ampong Gulane at Richard GuevarraSa Larawang Character: T-shirt Design ng Bayani Art.Para sa inyong suhestiyon maaring sumulat sa [email protected]