Filipino Project 2003
-
Upload
lotz-amores-udani -
Category
Documents
-
view
141 -
download
11
Transcript of Filipino Project 2003
Paksa: Ang Kahalagahan ng Minor Sabdyek sa Kursong Bachelor of Science in Information Technology o BSIT.PANGALAN:____________________________________Kurso/Taon/Seksyon:_____________________________
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Lagyan lamang ng (/) check ang bawat patlang.
KATANUNGAN OO HINDI
1. Mahalaga bang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa, pagpapakahulugan, at pagsusuri sa mga kaalaman tungo sa kapaki-pakinabang na pagkatuto? Nakakatulong ba dito ang minor sabdyek sa kursong BSIT?2. Sa anumang paraan, magagamit ba ang minor sabdyek kapag ikaw ay nakatapos sa iyong pag-aaral?
3. Nagkakaroon ba ng kahalagahan ang minor sabdyek kapag ikay nakatapos ng iyong pag-aaral?
4. Naniniwala ka bang magagamit ang minor sabdyek kapag ikaw ay nakatapos sa iyong pag-aaral?
5. Sa pag-aaral ng minor sabdyek, isa ba itong paraan ng pagkatuto na ginagamit sa pag-unawa at sa pagharap sa anumang pagsubok sa buhay?
6. Mayroon bang natutonan ang mga estudyante sa pag-aaral ng minor sabdyek?
7. Sa iyong palagay ay higit ba ang pagkagusto ng mga estudyante sa pag-aaral ng minor sabdyek?
8. Angkop bang bigyang halaga ang pag-aaral ng minor sabdyek?9. Sa pag-aaral ng minor sabdyek nahikayat ba ng mga guro ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti?
10. Sa iyong pananaw nabibigyan ba ng importansya ng mga estudyante ang pag-aaral ng minor sabdyek?
11. Lahat ba ng minor sabdyek sa kursong BSIT ay may kaugnayan sa kurso?
12. Makatwiran ba na bigyang halaga ang minor sabdyek?
“Ang Kahalagahan ng Minor Sabdyek sa Kursong
BSIT( Bachelor of Science in Information Technology) ng
Colegio de Kidapawan”
May P. Mait
Lovely Jean Amores
Irish Jane Malunes
Evan D. Madidis
Mga Mananaliksik
Isang Pamanahong Papel na Iniharap kay Gng. RHEA JANE R. PALMES
bilang kahingian sa kursong Filipino 2 – Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik,
Colegio de Kidapawan, Kidapawan City
Unang Semestre
Oktubre 2011
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay gumagawa ng pag-aaral tungkol sa paksang “ Ang
Kahalagahan ng Minor Sabdyek sa Kursong BSIT (Bachelor of Science in Information
Technology)” upang maibahagi ang kahalagahan ng minor sabdyek sa mga mag-aaral sa
kursong BSIT sa Colegio de Kidapawan. Ito’y hindi magiging posible kung hindi bibigyang
importansya ng mga guro, at sa tulong ng mga kapwa naming mg-aaral na ipahayag ang
kanilang mga hinanaing ukol sa kahalagahan ng minor sabdyek , at higit sa lahat ang aming
mga magulang na nagbigay ng tulong pinansyal para sa aming mga gastusin sa paggawa ng
aming pananaliksik at sa aming guro na si Gng. Rhea Jane R. Palmes, dahil sa kanya
naliwanagan kami ukol sa kahalagahan ng minor sabdyek sa kursong BSIT at sa kanyang
pagbibigay halimbawa sa bawat pagtuturo na nakapagdulot din sa amin ng maraming
kaalaman. Dahil rin sa pagsasaliksik na ito ay naipamahagi namin ang aming nakuhang
kaalaman tungkol sa aming paksa, at higit sa lahat ay natutunan namin ang paggawa ng
pamanahong papel.
Napakalaki ang naidulot ng aming isinagawang pagsasaliksik dahil kahit sa ganitong
paraan ay nakakakuha kami ng karagdagang kaalaman at naipamahagi rin namin sa iba ang
kahalagahan ng minor sabdyek sa kursong BSIT . Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat-
lahat ng mga tumulong sa amin, pati narin sa poong may kapal dahil sa tagumpay na aming
nakamit sa isinagawang pagsasaliksik.
Talaan ng Nilalaman
Kabanata 1
Panimula ..........................................................................................1
Rasyunal o Kadahilanan ................................................................2
Layunin ............................................................................................2
Kahalagahan ng Pag-aaral ............................................................3
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ..............................................4
Depinisyon ng mga Terminolohiya ...............................................5
Kabanata 2
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ............................................6
Kabanata 3
Paglalahad ng mga Natuklasan at Pagbibigay Kahulugan......7-10
Kabanata 4
Buod o Konklusyon at Rekomendasyon................................11-12
Kabanata 5
Bibliyograpiya...................................................................................13
Kabanata I
Panimula
Ang minor sabdyek ay isang pag-aaral na maaaring walang kinalaman sa ibat-ibang
kurso, subalit hindi natin alam kung gaano ito kahalaga at paano ito makakatulong sa pag-
aaral.
Maraming mga estudyante ang nagsasabing bakit isinasali pa ang minor sabdyek sa
kanilang pag-aaral kung hindi naman ito naaayon sa kanilang kurso, lalo na sa kursong BSIT
na maraming mag-aaral din ang nagsasabing hindi nila gustong pag-aralan pa ang mga minor
sabdyek dahil sa nagiging sagabal lang daw ito na pag-aralang mabuti ang major sabdyek at
nakakadagdag lang sa gawain kung ang pag-uusapan ay ang pag-aaral. Ang sabi din ng ibang
mag-aaral kung bakit may minor sabdyek pa? Nakakadagdag lang daw ito sa mga bayarin sa
paaralan at sayang lang ang itinutuon nilang pansin sa minor sabdyek kaya halos sa mga
mag-aaral ay lumiliban sa klase kapag oras na sa pag-aaral ng minor sabdyek.
Pero ano nga ba talaga ang kahalagahan ng minor sabdyek at bakit ito pilit itinuturo
sa mga mag-aaral? Gaano nga ba ito ka importante at paano ito magagamit kapag ikaw ay
nakapagtapos ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng paksang ito malalaman ng bawat mag-aaral
ang kahalagahan ng minor sabdyek sa kursong BSIT.
Rasyunal o Kadahilanan
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ng mga mananaliksik upang malaman ang
epekto ng mga minor sabdyek sa mga mag-aaral sa kursong BSIT.
1. Ano nga ba ang minor sabdyek?
2. Gaano kahalaga ang minor sabdyek?
3. Ano ba talaga ang epekto nito sa mag-aaral sa kursong BSIT?
4. Nakakatulong kaya ang mga minor sabdyek sa mag-aaral sa kursong BSIT?
5. Magagmit kaya ang mga minor sabdyek kapag tayo ay nakatapos sa pag-aaral?
Layunin:
1. Malaman ang kahalagahan ng minor sabdyek sa kursong BSIT.
2. Malaman kung paano ito magagamit kapag ikaw ay nakatapos sa iyong pag-aaral.
3. Maiwasto ang maling pag-unawa ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga minor
subject.
2
Kahalagahan ng Pag-aaral
Napakahalagang malaman ng bawat mag-aaral sa kursong BSIT at sa mga mag-aaral
sa ibat-ibang kurso ang kahalagahan ng pagtuturo ng minor sabdyek ng mga guro, sapagkat
dito nakasalalay ang isang matatag na kasalukuyan at hinaharap. Mahalaga ding matutunan
ng mga estudyante ang pag-aralang mabuti ang minor sabdyek upang mas higit pang
mapaunlad ang kinabukasan.
Sa pag-aaral na ito, sinisikap na mas lalo pang maiintindihan ng bawat mag-aaral ang
kahalagahan ng minor sabdyek at tugunan ang kakulangan sa mga sarili upang matulungan
ito para sa mabilis na paglinang ng kaisipan.
Ipinapaalam sa atin na ang mga minor sabdyek na itinuturo ng mga guro sa mga mag-
aaral ay maaaring tulay sa pag-unlad ng kinabukasan, sapagkat maaaring dito tayo
makakakuha ng ibat-ibang paraan para sa mga gagawin natin sa pang-araw-araw na
sitwasyon ng buhay upang makamit ang tagumpay.
3
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw at limitado lamang sa paksang “Ang
kahalagahan ng minor Sabdyek sa Kursong BSIT (Bachelor of Science in Information
Technology)”. Ipinapakita dito kung paano makakatulong ang minor sabdyek sa mga mag-
aaral sa kursong BSIT. Sumasaklaw rin ito upang ipakita kung gaano kahalaga ang pag-aaral
ng mga minor sabdyek lalo na sa mga mag-aaral na walang ganang pag-aralan ang mga
minor sabdyek sa kagustuhang magpokus nalang sa pag-aaral na may kaugnayan sa
kompyuter.
Ang pag-aaral na ito ay nililimitahan sa mag-aaral sa kursong BSIT (Bachelor of
Science in Information Technology), sa Colegio de Kidapawan, Kidapawan City.
4
Depinisyon ng mga Terminolohiya
BSIT-
Minor Sabdyek -
Kompyuter -
5
Kabanata II
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
6
Kabanata III
Paglalahad ng mga Natuklasan at Pagbibigay Kahulugan
1. Mahalaga bang mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa, pagpapakahulugan, at pagsusuri sa mga kaalaman tungo sa kapaki-pakinabang na pagkatuto? Nakakatulong ba dito ang minor sabdyek sa kursong BSIT?
Ipinapakita sa grap na ito na ang lahat ng mga estudyante ay nagsasabing mahalaga na mapaunlad ang kanilang mga kasanayan sa pag-unawa tungkol sa mga kaalaman na tinatalakay sa anumang asignatura, minor o major sabdyek man ito.
2. Sa anumang paraan, magagamit ba ang minor sabdyek kapag ikaw ay nakatapos sa iyong pag-aaral?
Ipinapakita sa grap na ito na mas maraming mga estudyante ang nagsasabing mahalaga pa rin ang mga kaalaman na kanilang makukuha sa mga minor sabdyek at magagamit din nila ito sa pagdebelop ng kanilang mga kasanayan kapag nakatapos na sila ng kanilang pag-aaral.
3. Nagkakaroon ba ng kahalagahan ang minor sabdyek kapag ika’y nakatapos ng iyong pag-aaral?
Ipinapakita sa grap na ito na halos lahat ng mga estudyante ay nagsasabing mahalaga at napakalaki ng maitutulong ng minor sabdyek lalo na kapag silay nakatapos sa pag-aaral.
4. Naniniwala ka bang magagamit ang minor sabdyek kapag ikaw ay nakatapos sa iyong pag-aaral?
Ipinapakita sa grap na ito na mas maraming mga estudyante ang nagsasabing magagamit nila ang minor sabdyek kapag sila ay nakatapos sa pag-aaral.
5. Sa pag-aaral ng minor sabdyek, isa ba itong paraan ng pagkatuto na ginagamit sa pag-unawa at sa pagharap sa anumang pagsubok sa buhay?
Ipinapakita sa grap na ito na mas maraming mga estudyante ang nagsasabing ang pag-aaral ng minor sabdyek ay isang paraan ng pagkatuto na magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
6. Mayroon bang natutonan ang mga estudyante sa pag-aaral ng minor sabdyek?
Ipinapakita sa grap na ito na mas maraming mga estudyante ang nagsasabing mayroon silang nakukuhang kaalaman sa pag-aaral ng minor sabdyek.
7. Sa iyong palagay ay higit ba ang pagkagusto ng mga estudyante sa pag-aaral ng minor sabdyek?
Ipinapakita sa grap na ito na limangput limang porsyento sa mga estudyante ang nagsasabing higit ang kanilang pagkagusto sa pag-aaral ng minor sabdyek at apat na put limang porsyento naman ang nagsasabing walang gusto sa pag-aaral ng minor sabdyek .
8. Angkop bang bigyang halaga ang pag-aaral ng minor sabdyek?
Ipinapakita sa grap na ito na mas maraming mga estudyante ang nagsasabing dapat bigyang halaga abg pag-aaral ng minor sabyek.
9. Sa pag-aaral ng minor sabdyek nahikayat ba ng mga guro ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti?
Ipinapakita sa grap na ito na anim na put limang porsyento sa mga estudyante ang nagsasabing nahihikayat sila ng mga guro na pag-aralang mabuti ang minor sabdyek at apat na put limang porsyento naman ang nagsasabing hindi.
10. Sa iyong pananaw nabibigyan ba ng importansya ng mga estudyante ang pag-aaral ng minor sabdyek?
Ipinapakita sa grap na ito na mas lamang ng dalawampung porsyento sa mga estudyante ang nagsasabing binibigyan nila ng importansya ang pag-aaral ng minor sabdyek.
11. Lahat ba ng minor sabdyek sa kursong BSIT ay may kaugnayan sa kurso?
Ipinapakita sa grap na ito na mas maraming mga estudyante ang nagsasabing lahat ng minor sabdyek sa kursong BSIT ay walang kaugnayan sa kanilang kurso.
12. Makatwiran ba na bigyang halaga ang Minor sabdyek?
Ipinapakita sa grap na ito na mas maraming mga estudyante ang nagsasabing makatwiran na bigyang halaga ang pag-aaral ng minor sabdyek sa aming isinagawang sarbey.
Kabanata IV
Buod o Konklusyon at Rekomendasyon
Konklusyon
Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa paksang “Ang Kahalagahan ng
Minor Sabdyek sa Kursong BSIT (Bachelor of Science in Information Technology)” sa
Colegio de Kidapawan, nalaman ng mga mananaliksik kung gaano kahalaga sa mga
estudyante ang tungkol sa minor sabdyek sa kursong BSIT. Napag-alamang marami pa rin
sa mga estudyante ang nagsasabing mahalagang pag-aralan at ibahagi ang mga minor
sabdyek sa mga mag-aaral at sa iba, dahil ito ay nakapagbibigay karagdagang impormasyon
sa ating isipan. Ito rin ay makakatulong sa pag-unlad ng ating buhay sapagkat maaaring isa
ito sa magiging tulay upang malagpasan ang kahirapan lalong-lalo na sa mga hindi nakatapos
ng kanilang kurso, sapagkat maaaring makakahanap pa rin sila ng trabaho dahil mayroon
silang natutunan sa ibang paraan na dulot ng mga minor sabdyek. Sa mga hindi makahanap
ng trabaho kahit na sila ay nkatapos ng pag-aaral ay maaari silang makapagtrabaho sa ibang
kompanya kahit walang kaugnayan sa kanilang kurso sapagkat maaari nilang gamitin ang
kanilang kaalaman na natutunan sa pag-aaral ng mga minor sabdyek..
Rekomendasyon
Ang pagsusuri ay nakakatulong para sa mga mananaliksik upang mapahayag at
kaisipang naglalahad batay sa paksang “Kahalagahan ng minor sabdyek sa kursong BSIT
(Bachelor of Science in Information Technology) sa CDK (Colegio de Kidapawan ).Kung
ito ay nagpapakita ng kahalagahan sa bawat mag-aaral sa pag-aaral ng minor
sabdyek.Napapaloob dito ang pagpapahalga sa ibat-ibang pangkaraniwang pag-aaral at
makikita rito ang proseso ng pagiging sang-ayon at hindi pagkakaroon ng tamang sistema ng
paniniwala ng binibigyang halaga.
Ang pag-aaral ng minor sabdyek ay nakabatay sa bawat mag-aaral na bigyang
halaga dahil bahagi ito nang pag-aaral sa bawat mag-aaral sa CDK (Colegio de Kidapawan).
Ang inirerekominda ng mananaliksik na bigyang halaga ang bawat minor na kanilang paa-
aaralan ,making ng mabuti at siguraduhing naiintindihan nila ang bawat tinatalakay ng guro.