Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

16
Mga Kasanayan sa Pag- unawa Ulat ni: Jesse Wilvic Jacildo

Transcript of Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Page 1: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Mga Kasanayan sa Pag-unawaUlat ni:Jesse Wilvic Jacildo

Page 2: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

PAGBASA

Ang pagbasa ay gintong susi sa daigdig ng kaliwanagan at lugod. Isang katotohanang matutuklasan natin ang hiwaga ng daigdig, masasaliksik natin ang mga natipong karunungan at matutuhan ang mga bagay na dati’y wala tayong kaalaman upang makatulong sa paglawak at paglalim ng ating pang-unawa.

Page 3: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Ang Mabisang Pagbasa

• Ayon kay William Gray (Ama ng Pagbasa) ang pagbasa ay isang prosesong binubuo ng apat na hakbang:

1) Pagdama sa kahulugan ng salita2) Pag-unawa sa kahulugan nito3) Reaksyon sa kahulugan nito batay

sa dating kaalaman4) Pag-uugnay sa ideya sa karanasan

Page 4: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Ang Mabisang Pagbasa

Ayon kay Kenneth Goodman: Ang kaayusan ng salita ay nakakatulong

ng malaki sa pag-unawa sa mga nakalimbag na pahayag.

Ang mga proseso ng pagbabasa ay pag-ikot ng paghahalimbawa, paghihinuha, pagsubok at pagkilatis sa katotohanan.

Page 5: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Ang Mabisang Pagbasa

Inilarawan ni Smith ang dalawang uri ng impormasyong kinakailangan sa pagbabasa, ang mga ito ay ang:▪ Biswal na Impormasyon na makukuha mula

sa mga limbag na pahina; at▪ Hindi Biswal na Impormasyong

sumasaklaw sa ating pagkaunawa na kaugnay ng wika, ang pagiging pamilyar sa paksa, ang pangkahalatang kakayahan sa pagbasa at ang kaalaman sa kahulugan ng salita.

Page 6: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Mga Kasanayan sa Pag-unawa

Ibinabagay ang bilis ng pagbasa sa uri ng materyal talasalitaang ginagamit, maging ang haba ng talata, at higit sa lahat ay ang layunin ng pagbasa.

Ang pagbabasa ay dapat na maging mabilis kasabay rin ng pagkaunawa sa binabasa na dapat gamitin sa wastong pagkakataon.

Ang pag-aaral ng Matematika o Agham ay mangangailangan ng mabagal na pagbasa at mangangailangan pa ng muling pagbasa (rereading).

Ang pag-aaral ng Heograpiya ay may kabagalan kung basahin ngunit mabilis naman ang pagbasa ng mga ito kung ihahambing sa pag-aaral ng Matematika.

Page 7: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Mga Kasanayan sa Pag-unawa

Mabilis ang pagbasa kung ang layunin ay maglibang kaysa pagbabasa ng isang kwento na ang layunin ay ilarawan ang mga tauhan.

Kung nagbabasa ng magasin ay maaaring bumasa nang pahapyaw lamang at palundag-lundag ang pagbasa hanggang matagpuan ang kwentong nais basahin.

Mabilis din ang pagbasa ng pahayagan o mga kawili-wiling kwento ng pakikipagsapalaran.

Karaniwang mabilis ang pagbasa sa mga liham ng kaibigan dahil sa kasabikang mabasa ang mga balita nito at pagkatapos ay saka muling babasahin.

Maingat na binabasa at pinag-aaralan ang liham-pangangalakal o liham ng pag-ibig para sa mga detalye, pahiwatig o mungkahi.

Page 8: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Dalawang uri ng Pagbasa:

Skimming at Scanning Skimming

Pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magawa ng isang tao.

Binabasa niya nang pahapywa ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya.

Scanning Nangangailangang hanapin ang isang partikular na

impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin.hal.

table of contents telephone no.classified ads index

Page 9: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Paghihinuha

Meaning

Mga Dapat Tandaan sa Pagbibigay ng Hinuha: May malawak na talasalitaan Kakayahang magpakahulugan sa mga

patalinghagang pagpapahayag Katalasan ng isip sa mga pahiwatig ng may-

akda

Page 10: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Paglalahat

Ito ay paglalagom ng mga kaalaman at impormasyong natutuhan o nakuha sa teksto o akdang binasa.

Kailangang maayos at sunud-sunod ang mga pagpapahayag ng pangyayari.

Page 11: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Pagwawakas

Ang bumabasa ang binibigyang pagkakataon ng may-akda na magbigay ng wakas sa kanyang kwento o nobelang nalikha.

Page 12: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Pagkilatis sa Katotohanan at Opinyon

Ito ay ang pagkilala ng bumabasa kung ang mga nakasaad at mga pagyayari sa akdang kanyang binasa ay may Verisimilitude.

Verisimilitude Pagiging sang-ayon sa katotohanan ng buhay.

Page 13: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Pagtukoy sa Layunin ng Teksto

Ang pagtuklas ng mambabasa sa layunin ng sumulat sa kanyang nilikhang teksto o seleksyon.

Maaaring ang layunin ay manlibang, manghikayat , magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, magpahay ng kuru-kuro, at iba pa.

Page 14: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Pagsusuri sa mga Pamamaraang Ginamit ng May-akda sa Paghahatid ng Mensahe Ito ay ang pagsusuri sa pamamaraang

ginamit ng awtor sa paghahatid ng mensahe upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng teksto o akdang binasa, at kung ito ba ay umaantig sa damdamin ng mambabasa at nagbibigay sa kanya ng kaisipang ilagay an sarili sa katayuan ng pangunahing tauhan.

Maaaring gumamit ang may-akda ng: paghahalimbawa, pagbabahagi, pag-uulit, paghahambing at pagsalungat, pagpapakilala ng pinagmulan, sanhi at bunga, at iba pa.

Page 15: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Pagbibigay ng Ebalwasyon sa mga Ebidensya at Pangangatwiran

Ito ay ang pagbibigay ng ebalwasyon na ginagamitang ng pagbubuo at pagsasaklaw kapag pangangatwiran ang pagpapahayag.

Page 16: Filipino - Mga Kasanayan Sa Pag-Unawa

Reading quote