Apat Na Makrong Kasanayan - Report

download Apat Na Makrong Kasanayan - Report

of 55

Transcript of Apat Na Makrong Kasanayan - Report

  • MGA MAKRONG KASANAYANPAKIKINIGPAGSASALITAPANONOODPAGBASAPAGSULAT

  • Panimula Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.

  • Kahulugan ng PAKIKINIG

    Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

  • Kahalagahan ng PakikinigAng pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

  • Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. 45% ay nagagamit sa pakikinig 30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa pagsulat

  • Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

    Alamin ang layunin sa pakikinigMagtuon ng matamang pansin sa pinakikingganAlamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikingganMaging isang aktibong kalahok Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalitaIwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnigTandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

  • MGA URI NG PAKIKINIG

  • MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG

    Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdaminMadaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanyaMaiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraanMawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalitaMadaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinigMatutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

  • MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG

    ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayanang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinighindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

  • MGA HADLANG SA PAKIKINIG

    Pagbuo ng maling kaisipanPagkiling sa sariling opinionPagkakaiba-iba ng pakahuluganPisikal na dahilanPagkakaiba ng kulturaSuliraning pansarili

  • B. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

  • Mga Bahagi ng Bibig

  • Kahulugan ng PagsasalitaIto ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap

  • Kahalagahan ng Pagsasalita

    Mahalaga ang pagsasalita dahil:naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga taonakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinignaibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

  • Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalitaKaalamanKasanayanTiwala sa Sarili

  • Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

    tinigbigkastindigkumpaskilos

  • Limang Kasanayan sa Pagsasalita

    Pakikipag-usappakikipanayampagkatang talakayanpagtatalumpatipakikipagdebate

  • Pakikipag-usap Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isat isa2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob

  • Pakikipanayam (Interbyu)

    Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng pakikipanayam:Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayaminPagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayaminMaging maayos sa pananamit at dumating sa takdang orasMaging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihanIwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamangMagpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu

  • Pangkatang TalakayanMga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan; 1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan 2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik 3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan 4. Magkaroon ng bukas na isipan 5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama

  • Pakikipagdebate o pagtatalo Tungkol sa pagtuligsa:a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalabanc. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaband. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalabanTungkol sa pagtatanonga. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalitab. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong

  • Uri ng talumpatiImpromptu Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:Maglaan ng oras sa paghahandaMagkaroon ng tiwala sa sariliMagsalita nang medyo mabagal Magpokus sa paksa habang nagsasalita

  • Extemporaneous

    Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas. Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore:Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahanPagtatakda ng oras sa pagtatalumpati

  • Pinaghandaang talumpatiAng tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.

    Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

  • Kahinaan sa pagtatalumpati1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao.2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan.4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati

  • Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap ng madla:Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o munuto ng pagsasalita.Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay.Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.

  • Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan.Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa malalaking madla.Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.

  • Makrong Kasanayan sa Pagbasa

  • Kahulugan at Kahalagahan ng PagbasaAng pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.

  • Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahinAyon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at krunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa buhay.

  • Bumabasa ang tao dahil sa ibat ibang kadahilanan:may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karununganmay nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahonmay nagbabasa upang maaliw o malibang , mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman

  • Apat na hakbang ng pagbasa:Ayon kay William S. Gray, Ama ng Pagbasa,

    Ang pagbasa sa akdaAng pag-unawa sa binasaAng reaksyon sa binasaAng pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman

  • Layunin sa Maunlad na Pagbasa

    Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasaMaihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasaMakilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon hinggil sa ibat ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities.Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat

  • Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan, paaralan at aklatan.Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa.Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

  • MGA URI NG PAGBASAAng pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at layunin A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan Mabilisang pagbasa (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa.

  • Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word)pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman

  • Pahapyaw na Pagbasa - (scanning) tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga ritoy makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen , numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp.Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.

  • Pamumunang Pagbasa (Critical reading) Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

  • Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.

    Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.

  • Masinsinang Pagbasa hindi ito undertime pressure na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.

    Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.

  • Ayon sa layunin

    Pagbasang nakapagtuturo nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an gating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak.Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

  • Mahalagang Kasanayan sa PagbasaPagkilala sa mga salita (word perception)Kakayahang umunawa sa ibat ibang kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkasPag-unawa (comprehension)Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.pagpapahalagang literari (literary appreciation)may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills) May kakayahan sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan

  • Limang dimensyon sa pagbasa 1. Pag-unawang literal 2 Pagbibigay ng Interpretasyon 3. Mapanuri o kritikal na pagbasa 4. Paglalapat o Aplikasyon 5. Pagpapahalaga

  • D. Makrong Kasanayan sa Pagsulat

  • Kahulugan ng Pagsulat

    Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang ibat ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

  • Kahalagahan ng PagsulatMahalaga ang pagsulat dahil:kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.

  • Proseso ng Pagsulat Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo nat kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.

  • Pamamaraan ng PagsulatPag-asinta (Triggering)

    Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayoy sumulat. Kung tayoy may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.

  • Pagtipon (Gathering) Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.

  • Paghugis (Shaping)Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.

  • Pagrebisa (Revising)Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

  • Mga Bahagi ng Pagsulat

    PanimulaKatawanKonklusyonRekomendasyon

  • Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat ang sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.

  • PANONOODKasanayan sa pagsusuri ng isang akda gamit ang paningin ng tao