Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
Transcript of Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
1/24
Module 57
6666
FilipinoPagbigay Hinuha
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
2/24
Hello! Isa na namang aralin ang inihanda para sa iyo. Sanaypagbutihan mo nang lubos kang matututo.
Sa lahat ng mga bagay o pangyayari ang bawat isa ay may
pakiramdam o paniniwala ukol dito. Sa araling ito, matutuhan moang pagbibigay hinuha sa mga pangyayaring binabanggit sa
tekstong binasa.
Basahin ang kwento. Magbigay ng hinuha sa mga pangyayari
sa kwento. Sagutin lamang ang mga tanong pagkatapos basahinang kwento.
Ang Kwento ni Lolo
Kung ang bawat isang may kakayahan ay gagawa ng
kanyang takdang gawain, ano sa palagay ninyo ang magiging
daigdig natin?
Subukin Natin
Sa Mag-aaral
Mga Dapat Matutuhan
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
3/24
Nalulungkot si Lolo Juan sa nakikita niya sa kanyang apat na
apo. Waring hindi magkasundo ang mga ito. Lagi nang ganoon
ang takbo ng usapan nila.
E, pambihira naman pala kayo! Pabulyaw na sabi ni Bryan.
Ako na lamang ba nang ako ang gagawa rito? Pare-pareho naman
tayong nakikinabang dito, hindi ba?
Aba, ako ginawa ko na ang tungkulin ko, tugon ni Christian.
Tinapos mo ba naman? tanong ni Edward.
E, hindi nga! Ikaw ba naman Paulo, ginawa mo ba ang
gagawin mo? sabi ni Christian na ang nakita naman ang hindi
tapos na gawain ni Paulo.
Naririnig ni Lolo Juan ang pagturu-turuan ng mga apo.
Katulong ni Lolo Juan sa poultry farmng pamilya ang apat niyangapong lalaki. Hindi niya ito pinagsabihan o sinaway. Subalit
lungkot na lungkot siya. Kapag ganito nang ganito, malamang na
hindi magtatagal at babagsak ang kanilang poultry farm.
Kailangang umisip siya ng paraan upang magbago ang mga ugali
ng mga apo.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
4/24
Lumabas si Lolo ng bakuran at doon tumuloy sa may tumana.Malungkot na nagmasid sa paligid si Lolo.
Dapit-hapon na nang siyay matagpuan ng kanyang mga aposa tumana. Naroon pa rin sa mukha niya ang matinding lungkot.
Lolo, may sakit ba kayo,? tanong agad ni Christian. O, baka
may masakit sa inyo?Siyanga po, Lolo. Bakit mukhang may dinaramdam kayo?
tanong ni Bryan sabay salat sa pisngi ng kanilang Lolo Juan.Wala akong sakit, sabi ni Lolo Juan. Nalulungkot lamang
ako kasi may naalala akong kwento.Kwento ba ika nyo, Lolo? Siyanga po pala, Lolo, matagal na
ninyo kaming hindi nakukuwentuhan,ah, ani Edward.Umupong paikot kay Lolo Juan ang apat na apo. At napilitang
magkwento ni Lolo Juan.Isang hardinero na nag-aalaga ng mga pananim na
namumulaklak ay malungkot na nagmamasid sa kanyang mgapananim.
Bakit nagkaganito ito? ang naibulong niya sa sarili. Hindiniya nalalaman na nag-uusap pala ang mga kagamitan niya na silalamang ang nagkakarinigan at nagkakaunawaan.
Alam mo, Araro, dapat sana nilalim-laliman mo angpagtipak mo sa lupa, sabi ni Pala.
E, ginawa ko lang naman ang talagang magagawa ko,biyakin ang tingkal ng lupa, paliwanag ni Araro.
Tinulungan sana tayo ni Asarol, patuloy na paninisi ni Pala.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
5/24
E, ikaw ba naman, Pala, ginawa mo ba nang tumpak anggawain mo? tanong ni Asarol.
Hindi na nga kung hindi, pangangatwiran ni Pala. E,mayroon din naman iba riyan na hindi tumulong sa atin, a, sagot
ni Pala na nakatingin sa kinatatayuan ni Kalaykay na katabi niMunting Pala.
Si Pandulos ay nakikigaya pa rin yata kay Pala, sabi niAraro.
Ang matandang hardinero ay hindi nakatagal sa nakitaniyang pagkalanta ng pananim na napabayaan. Dali-daling kinuhaang munting araro at sinimulang bungkalin ang lupa. Mataposararuhin, nilagyan niya ng munting kanal na daluyan ng tubig.Ginamit naman ng hardinero ang pala. Isinunod ang asarol.Dinulos niya nang dinulos ang lupa sa tulong ng munting palang
pandulos.Tila bawat gamit na panghukay at pandulos na gamitin ng
hardinero ay nakiiisa sa kanya.Malalim ang mga kagat ng panghukay at pandulos sa lupa.
Hindi nalalaman ng hardinero, ang kanyang mga kagamitang itoay nag-usap-usap na talagang magtutulungan at makikiisa sahardinero sa pagpapaganda muli ng mga pananim. Hindi nganagtagal at nanariwa ang mga pananim. Higit na masaya namanang hardinero. Subalit ang lalong pinakamasaya ay angmagkakaibigang sina Araro, Pala, Asarol, Kalaykay at Pandulos.
Nadala rin ang damdamin ng apat na batang nakikinig sakwento ni Lolo Juan. Nagpalakpakan sila. Natuwa rin si Lolo.
Sa paglakad nila pag-uwi sa kanila ay abala ang mga isipannina Bryan, Christian, Edward, at Paulo. Marami silang binabalakgawin para sa poultry farmni Lolo Juan.
Sanggunian: Landas sa Pagbasa 6
1.Ano sa palagay mo ang gagawin ng mga apo ni Lolo Juan sa
poultry farmkinabukasan? Ipaliwanag.
2.Nag-usap nga kaya ang araro at asarol sa kwento ni Lolo Juan?Ano sa palagay mo?
3.Mahal ba ni Lolo ang mga apo niya? Bakit mo nasabi ito?
4.Mahal ba ng mga bata si Lolo Juan? Patunayan ang iyong sagot.
5.Bakit kailangang lumikha si Lolo Juan ng kwento para sa mga
apo?
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
6/24
Tapos ka na?
Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.
Ilan ang nakuha mo?
Kung 4 o 5 ang nakuha mo, natutuhan mo na ang araling
ito. Magpatuloy ka na sa susunod na modyul. Kung hindi naman,
huwag mag-alala. Matutuhan mo pa ang araling ito. Magpatuloy
ka.
Nakarinig ka na ba ng mga kwento tungkol sa mga
engkantada? Narito ang isang kwento tungkol sa mga
engkantada. Basahin mo. Ngunit bago mo basahin alamin mo
muna ang kahulugan ng ilang mahihirap na salitang mababasa
mo sa kwento.
1. bahay-kalakal - tindahan o gusaling pangnegosyo
2. laman-lupa - mahiwagang nuno na nakatira sa ilalim ng
lupa
3. dapit-hapon - bago maghapon o oras na palubog na ang
araw
4. kapit-bisig - tulung-tulong
5. takip-silim - dakong ikaanim ng gabi
Handa ka na ngayong basahin ang kwento.
Pag-aralan Natin
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
7/24
MGA ENGKANTADA NGA KAYA?
Bagong lipat pa lang sa bagong bahay nila sa nayon ang
mag-anak nina Mang Ramon at Aling Oseng. Ang bahay at lupang
nilipatan ng mag-anak ay pamana ng mga magulang ni Mang
Ramon. Maligaya ang tatlong anak ni Mang Ramon sa bago nilang
tirahan. Maluwang ang bakuran nila. May malapit pang batis at
doon sila laging naglalaro, naliligo at nag -aaral lumangoy. Hindi
tulad ng nasa lungsod pa sila.
Dating kawani si Mang Ramon sa isang bahay-kalakal sa
lungsod. Nagtitinda-tinda naman si Aling Oseng ng mga kendit
kakanin sa harap ng kanilang munting bahay na malapit sa
paaralang pinapasukan ng tatlong anak. Greyd 6 na si Nestor,
greyd 5 si Eric, at greyd 3 si Ana.
Masipag sina Mang Ramon at Aling Oseng. Itinuro nila sa
mga anak ang ugaling kasipagan at pagkamatipid. Gayon pa man,
parang hirap na hirap ang buhay nilang isang kahig, isang tuka.Hindi iyon ang pangarap ni Mang Ramon para sa mga anak.
Minabuti ng mga-anak na umuwi sa lalawigan at tamnan
ang namanang lupain.
Pagdating sa lalawigan ay ipinaayos ni Mang Ramon ang
dating bahay ng kanyang dating nasirang mga magulang. Nilinis
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
8/24
din niya ang masukal at magubat na bakuran upang tamnan ng
iba-ibang pananim. Tinulungan si Mang Ramon ng mga kamag-
anak at kanayon. Alam ninyo naman sa mga nayon, kapit-bisig sa
paggawa at kapag may ipinunlang kabutihan, ang aanihin ay
kabutihan. Ang lupain nila ngayon ay natatamnan ng kalamansi,kape, saging, pinya at iba pang pananim.
Karatig ng lupain ay ang malinaw na batis. Nagmumula ang
daloy ng tubig sa batis sa hindi kalayuang gulod.
Pinapayagan ng mag-asawa ang tatlong bata na maglaro,
maligo at lumangoy sa batis, subalit hindi nila pinapayagang
umakyat sa gulod.
Huwag kayong pupunta roon, sabi ni Mang Ramon na ang
itinuturo ay ang naggugubat na gulod. Maraming punong
kawayan at iba pang puno roon. Makapal ang damong talahib atkugon. Walang mga taga-nayon na nais pumunta sa gulod upang
mangahoy o pumutol ng kawayan o ng damong talahib o kugon.
Natatakot sila sa mga engkantada, duwende at laman-lupa na
naniniwala silang marami sa gulod na iyon.
Isang araw, kailangang pumunta sa kabayanan nina Mang
Ramon at Aling Oseng. Iiwan nila sa kanilang bahay ang kanilang
tatlong anak. Panay ang bilin ng mag-asawa sa magkakapatid.
Habang wala kami, huwag na muna kayong lalabas ng
bahay. Diyan na lamang kayo sa loob maglaro, ang bilin ng ina.
Kung may darating na tao, huwag kayong magpapatuloy o
magbubukas ng pinto, ang bilin naman ni Mang Ramon. Hindi
pa ninyo lubos na kilala ang mga tao rito.
Sakaling may magbibigay sa inyo ng pagkain o ano pa
man, huwag ninyong tatanggapin, ang habol pang bilin ni Aling
Oseng.
Opo, ang sagot ng tatlo.
Tatay, Nanay, bastat umuwi po kayo agad, ang sabinaman ni Ana.
Oo, sige, aalis na kami, ani ni Aling Oseng at lumakad na
tungo sa bayan ang mag-asawa.
Sinunod naman ng magkapatid ang bilin sa kanila ng ama
at ina. Hindi sila lumabas ng bahay. Hindi rin sila naligo sa batis.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
9/24
Nang dapit-hapon na at palubog na ang araw at wala pa
ang ama at ina ay nag-alala na sila.
Unti-unti nang lumaganap ang dilim sa paligid.
May narinig ang tatlong bata. Tugtog ng banda ng musiko.
Sumasaliw ang banda ng musiko sa pag-awit na tinig ngmaraming tao. Sinilip ng tatlo ang pinagmulan ng narinig nilang
tugtog at pag-awit.
Aba! Ano ba yon? Prusisyon? At saan galing ang
prusisyon? Tanong din ni Nestor na labis na nagtataka.
At saka lahat ng umiilaw ay nakaputi! ang sabi ni Ana.
Ibinukas ng magkakapatid nang malaki ang bintana at
pinanood ang magandang prusiyon. Maraming tao ang may
dalang kandila. Ang iba naman ay may dalang parol. Ngunit
walang karo ng Poon o ng sinumang santo sa prusisyon. Ang
prusisyon ay tumigil sa harap ng kanilang bahay. Isang babaeng
nakasaya at kimonang puti ang lumapit sa tapat ng bintana.
Halikayo, mga bata. Sumama kayo sa prusisyon, anyaya
ng babae kina Nestor.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
10/24
Bilin po ng aming amat ina na huwag kaming lalabas ng
bahay.
Napangiti ang matandang babae. Bakit daw ? tanong pa
niya.
Ewan ko po! Basta yon po ang bilin sa amin at dapatnaming sundin, sagot ni Nestor.
Anumang hikayat ng babae ay hindi niya napilit na sumama
ang tatlo sa prusisyon. Iniabot ng isa pang babae ang isang supot
na may lamang bungang-kahoy.
Narito! May dala kami para sa inyo. Mga prutas, heto,
abutin ninyo, sabi ng babae na iniabot na pilit ang supot ng
prutas.
Ikinalulungkot po namin. Hindi namin maaaring tanggapin
iyan, sabi ni Eric.Bakit? Bilin din ba iyon ng inyong mga magulang?
Nakangiting tanong ng babae.
Ganoon nga po, sagot ni Eric.
Hindi napilit ng babae sina Nestor na tanggapin ang supot
ng bungang-kahoy. Iniwan na lamang sa tabi ng hagdanan ang
supot. Bumalik ang babae sa prusisyon. Nagpatuloy ng lakad ang
prusisyon pabalik sa pinanggalingan - sa kabila ng batis, sa may
tuktok ng gulod.
Gabi na nang dumating sina Mang Ramon at Aling Oseng.
Naratnan nilang nagdarasal ang tatlong anak sa munting altar nila
sa bahay. Nakita ng mag-asawa ang supot ng bungang-kahoy sa
may hagdanan.
Kaninong supot ito? tanong ni Mang Ramon.
Ikinuwento nang tatlong bata ang tungkol sa prusisyon at
ang pamimilit ng babae na sumama sila sa prusisyon at tanggapin
ang supot ng bungang-kahoy.
Hindi po kami sumama sa kanila at hindi po namintinanggap ang supot ng prutas, pero iniwan din po pala nila, sabi
ni Ana.
Tama ang ginawa ninyo, mga anak, sabi ni Mang Ramon
at natutuwang niyakap amg mga anak. Ibinalik nila ang supot sa
ibaba ng hagdan.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
11/24
Naku, Ramon totoo pala ang bali-balita tungkol sa mga
engkantada riyan sa gulod? Ang sabi ni Aling Oseng na tila
natatakot. Baka mabuting umalis na tayo sa lugar na ito.Lumipat
tayo ng lugar na tirahan, ani Aling Oseng.
Bakit po? Ano po ba ang bali-balita? Ang tanong ni Nestor.Sabi nang ilang kanayon natin na marami nga raw mga
duwende,nuno sa punso ,at enkantada sa magubat na bahagi ng
gulod, sabi ni Mang Ramon.
Naku po, Tatay!
Nakakatakot nga po rito,
sabi ni Ana. Tama po si
nanay. Lumipat po tayo sa
malayo sa gulod at sa mga
engkantada.Hindi tayo dapat
matakot. Hihingi tayo ng
awa at tulong sa Panginoong
Diyos. Hindi niya tayo
pababayaan, ang sabi ni
Mang Ramon.
Pagkakain nila ng
hapunan at bago matulog ay
sama-samang nagdasal ang
mag-anak. At sa araw-araw
na buhay nila ay panay ang
pagtawag nila sa Diyos Ama
sa langit. Hindi sila ginambala ninuman. Nabuhay silang tahimik
at maligaya.
Sagutin:
1. Anu-anong magagandang katangian mayroon ang tatlong
magkakapatid?
2. Nakatulong ba sa pagkaligtas sa kapahamakan ang pagiging
masunurin nila?
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
12/24
3. Paano ipinakikilala ng mag-anak ang pananalig at pagtitiwala
sa Panginoong Diyos?
4. Kung tinanggap kaya ng mga bata ang regalo ng babae, ano
ang maaaring nangyari sa kanila?
5. Paano hinarap ng mag-anak ang kanilang problema?6. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Mang Ramon, papayag ka
bang doon pa rin tumira sa nayon matapos mong makita ang
mga engkantada?
7. Ano ang ibig sabihin ng Buhay na isang kahig, isang tuka?
Ipaliwanag.
Narito ang pangyayari batay sa kwento. Subukan mong
bigyan ng hinuha ang mga ito.
1. Tinanggap ng mga bata ang regalo ng babae.
2. Hindi sumunod ang mga bata sa bilin ng mga magulang.
Ganito ba ang sagot mo?
1. Nadala sila ng mga engkantada patungo sa kanilang lugar.
2. Napahamak sila.
Kung katulad ang sagot mo, magaling ka! Tama ang mgasagot mo.Kung hindi naman maaari mong isangguni ang iyongsagot sa iyong guro dahil kahit naiiba ang iyong sagot maaaringtama pa rin ang mga ito.
Ano ang ibig sabihin ng hinuha?
Ang hinuha ay haka, suspetsa o hula.
Pagbibigay hinuha sa mga pangyayariGamitin ang dating kaalaman o mga pahayag sa pagbibigay-
hinuha sa nga pangyayari sa binasa. Magagawa mo ito kungmagiging mapanuri ka sa pagbabasa. Itanong sa sarili kung bakitganoon ang pahayag o pangyayari at kung ano ang inaakalangdahilan.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
13/24
Gawain 1
Ibigay ang iyong hinuha sa mga sumusunod na pangyayari:
1.Nanatili sa Maynila sina Mang Ramon. Pinipilit nilangpagkasyahin ang kaunting kinikita ni Mang Ramon. Ayawkasi ng mga anak nya na mamuhay sa bukid.
2.Natakot ang mag-anak ni Mang Ramon sa maaaring gawinng mga engkantada. Inilipat ang bahay nila sa malayu-layosa gulod. Ang nalimutan nila ay ang pagdarasal at pagtawagsa Panginoong Diyos.
3.Kinaumagahan, lingid sa kaalaman ng amat ina aypinuntahan nina Nestor at Eric ang mahiwagang gulod.
4.Nabalitaan ni Mang Ramon na kapag kaiibiganin niya angmga duwende, maaari siyang bigyan ng mga ginto atkayamanan. Kaya tuwing dapit-hapon ay pumupunta siya sagulod at lagi siyang nagdadala roon ng pagkain.
5.May nakitang umbok ng lupa sa malapit na pitak palayanang mga tao. Hindi nila tinitibag ang lupa kasi bahay dawiyon ng nuno ng punso. Ngunit ang sabi ng isang batangnag-aaral sa hayskul, Bahay po ng anay iyan. Pagkatapostinibag ng mag-aaral ang umbok ng lupa.
Tapos ka na?
Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.
Kung ang sagot mo ay naiiba, maaari mong isangguni angiyong sagot sa iyong guro baka wasto rin ang iyong mgakasagutan.
Ilan ang nakuha mo?
Gawin Natin
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
14/24
Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka.Kung 3 o pababa ang nakuha mo, magpatuloy ka pa rin!Paghusayan mo lang nang maunawaan mo ang araling ito.
Gawain 1-A
Basahin ang liham.
La Paz, Iloilo CityHunyo 13,1996
Mahal kong Ruth,
Pasukan na naman. Nasa ikaanim na baitang ka na rin ano?Dito na ako sa La Paz Elementary School nag-aaral. Siguro ay
nagtataka ka. Nakatira ako ngayon sa mga Tiya Pining. Alam mona ba kung bakit?
Noong Abril nangyari ito. Bakasyon kasi kaya araw-araw,naglalaro kami nina Gretel, iyong kaklase kong naipakilala ko nasa iyo. Isinama rin niya ako sa lugar ng kanyang Lola. Malapit naiyon sa bundok. Pinayagan ako ni Tiya Pining na sumama sakanila.
Sa tabi ng bahay ng Lola niya, may nakita kaming punongbalete. Halos araw-araw ay pinapasyalan namin ni Gretel angpunong iyon. May patay na balon pa sa tabi ng puno. Ayaw
kaming papaglaruin doon ng Lola ni Gretel ngunit pumupunta rinkami.
Noong Biyernes Santo, lalong ayaw kaming palabasin ngbahay ng Lola ni Gretel. Masama raw sabi pa ng Lola niya. Halamatulog na kayo pagkakain ng tanghalian, ang bilin pa niya bagoumalis para pumunta sa simbahan at makinig ng Pitong HulingSalita ni Kristo.
Nang magtatanghali na, marami kaming nakitang tao nanag-uusyoso sa tabi ng punong balete. Nakiusyoso rin kami.Hustung-hustong ika-12 ng tanghali nang may narinig kamingsigaw ng mga bata - Inay Inay - Inay. Nagtakbuhan kaminglahat sa takot.
Nang dumating ang lola ni Gretel, ikinuwento namin angnangyari. Sabi niya iyon daw ang dahilan kung bakit ayaw niyakaming papuntahin sa tabi ng punong-balete. May nakatira rawdoong tamawo noong una at bumabalik tuwing Biyernes Santo.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
15/24
Ang mga boses raw na narinig namin ay boses ng mga anak natamawo kay Aling Miling na dating nakatira rito sa tabi ng puno.Ito ang sinabi sa amin ng Lola ni Gretel.
Nakita ba ninyo ang balon doon? Iyon ang datingpinagkukunan ng tubig ng mga tao. Sa tabi rin nito sila
naglalaba. Minsan, sa paglalaba ni Aling Miling sa tabi ng balon,nakakita siya ng mamahaling singsing. Nang sumunod na arawnasa loob ng batya niya ang singsing. Nang ibabalik niya ito satabi ng balon, may nakita siyang lalaki na walang balintataw.Nakangiti ito sa kanya. Itinanong niya kung ito ang may-ari ngsingsing. Sinabi ng lalaki na kanya ng ang singsing at ibinibigayniya kay Aling Miling. Natakot si Aling Miling at sinabi niya namay asawa na siya. Dali-dali niyang iniwan ang singsing sa tabi ngbalon.
Gabi na kung umuwi ang asawa ni Aling Miling mula sa
pagtatrabaho sa lungsod. Nang gabing iyon, nadatnan niyangnamimilipit sa sakit ng tiyan si Aling Miling. Malayo sila sakapitbahay at walang masakyan, kaya di na niya nadala ang asawasa kabayanan. Hindi na inabot ng umaga si Aling Miling. Sa samang loob mula noon, hindi na umuwi sa pook na iyon ang asawa niAling Miling. Namalagi na siya sa lungsod.
Makalipas ang maraming taon, muling dumalaw sa pook na
iyon ang asawa ni Aling Miling. Sa kinatitirikan ng dating bahay
nila, may maliit na tindahan. Laking gulat niya nang makita ang
nagtitinda. Kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawa. Nakitarin niyang may tatlong anak ito ngunit nang masdan niya ang
mga bata, napansin niyang walang balintataw ang kanilang mga
mata. Agad siyang lumayo ngunit tinawag siya ng babae.
Si Aling Miling ang babae. Buhay! Ngayoy maybahay na siya
ng tamawo. May tatlo na silang anak. Dahil sa gusto ng babae na
magkabalikan silang mag-asawa, sinabi niya rito na sa Biyernes
Santo, sa ganap na ika-12 ng tanghali, sigaan daw ng lalaki ang
punong-balete at lulundag daw si Aling Miling. Sinabi pa niya sa
kanyang asawa na doon daw sa loob ng punong-balete sila
nakatira ng tamawo.
Sinunod ng asawang lalaki ang lahat ng bilin ni Aling Miling.
Sumapit nga ang alas-12 ng tanghali ng Biyernes Santo. Laging
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
16/24
tuwa niya nang biglang may lumundag mula sa itaas ng punong-
balete.
Nagsama muli ang mag-asawa at nanirahan na sa lungsod.
Ngunit ang nakapagtataka, sa tuwing sasapit ang ika-12 ng
tanghali ng Biernes Santo, may naririnig na boses ng mga bata natumatawag sa kanilang ina. Nagmumula sa punong balete ang
mga tinig.
Nakakatakot, ano? Ang nakakapagtaka ay pinahatid kami
agad ng Lola ni Gretel nang hapon iyon. Umarkila siya ng dyip at
pinauwi na kami agad sa bayan. Ibinilin pang huwag na kaming
babalik doon. Siya na raw ang dadalaw sa amin. At alam mo,
Ruth, nang ikwento ko kay Lola ang karanasan namin ni Gretel,
sinamaan siya ng katawan, namutla at pinagpapawisan. Mabuti na
lamang at naroon si Ate Joyce. Wala siyang duty sa ospital.Kinagalitan ako ni Mommy. Huwag ko na raw kukwentuhan si Lola
tungkol doon. Saka pinapupunta na ako kina Tiya Pining dito sa
La Paz at dito na raw ako mag-aaral.
Siyanga pala, mula nang mamatay si Lolo, lagi nang
malungkot si Lola. Balak ni Mommy na isama siya sa pagdalaw sa
inyo diyan sa Tagaytay.Kung hindi lang may pasok, sasama rin
ako. Di bale, sa Pasko ay diyan daw kami magbabakasyon. Bawal
na raw sa akin ang sumama sa Sta. Barbara. Apo raw ako ni Lola
at lahat daw tayo ay huwag pupunta roon.
Siyanga pala, Ruth, hindi ba Miling ang pangalan ni Lola? Sa
kanya nga kinuha ang pangalan ko, hindi ba? Ako raw ang
kamukha ni Lola. Kaugnay kaya si Lola sa kwento ng tamawo?
Gusto kong itanong iyon kay Lola o kay Mommy pero natatakot
akong makagalitan. Itanong mo nga kay Tiya Remy.Magkapatid
naman sila ni Mommy. Siguradong alam niya ang tungkol sa
kwento. Itanong mo, ha? Si Tiya Pining ay ayaw ring magsalita.
Hanggang dito na lamang at isulat mo agad sa akin angsagot.
Ang iyong pinsan,
Ann
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
17/24
Basahin ang mga pangyayari.Ibigay ang iyong hinuha.Isulat
ang iyong sagot sa iyong sagutang papel:
1.Noong Biyernes Santo, ayaw kaming palabasin ng bahay ng
Lola ni Gretel.
2.Nang magtatanghali na, marami kaming nakitang tao na
nag-uusyoso sa tabi ng punong balete.
3.Nang ibabalik ni Aling Miling ang singsing sa tabi ng balon,
may nakita siyang lalaki na walang balintataw ang mga
mata.
4.Hindi inabot ng umaga si Aling Miling.
5.Nakita rin niyang may mga anak ito ngunit nang masdan
niya ang mga bata, napansin niyang walang balintataw ang
kanilang mga mata.
Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.
Kung naiiba ang iyong mga sagot, maaari mong isangguni ang
iyong sagopt sa iyong guro baka wasto rin ang iyong mga
kasagutan.
Ilan ang nakuha mo?
Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magpatuloy ka.Kung hindi naman sagutin mo ang Mga Dagdag na Gawain.
Basahin muli ang liham. Ibigay ang iyong hinuha sa mga
sumusunod na pangyayari. Isulat ang iyong sagot sa iyongsagutang papel.
1.Tuwing sasapit ang ika-12 ng tanghali tuwing Biyernes
Santo, may naririnig silang boses ng mga bata na tumatawag
sa kanilang ina.
Mga Dagdag na Gawain
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
18/24
Ang hinuha ay haka, suspetsa o hula.
Gamitin ang dating kaalaman sa pagbibigay-hinuha sa mga
pangyayari sa binasa. Magagawa mo ito kung magiging
mapanuri ka sa pagbabasa .Itanong sa sarili kung bakit
ganoon ang pahayag o pangyayari at kung ano ang
inaakalang dahilan.
2.Nagmumula sa punong balete ang mga tinig.
3.Ang nakapagtataka ay pinahatid kami agad ng Lola ni Gretel
yong hapong iyon.
4.Kinagalitan ako ni Mommy. Huwag ko na raw kukwentuhan
si Lola tungkol doon.5.Pinapunta na ako kina Tiya Pining sa La Paz at doon na raw
ako mag-aaral.
Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Muli,
maaari mong isangguni sa iyong guro ang iyong mga sagot.
Ilan ang nakuha mo?
Magpatuloy ka na.
Matapos mong sagutin ang mga pagsasanay, maaari mo
nang sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ano ang hinuha?
________________________________________________________________
Paano ka makapagbibigay ng hinuha?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tandaan Natin
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
19/24
Basahin ang balita. Ibigay ang iyong mga hinuha sa mga
pangyayari. Sagutin lamang ang mga tanong.
30,000 TEXTILE WORKERS MAWAWALAN NG TRABAHO
Ibinunyag kahapon ng dating Kalihim ng Paggawa at Pag-
eempleyo Leonardo Quisumbing na aabot sa 30,000
manggagawa sa mga pabrika ng tela ang namimingit mawalan
na trabaho dahil sa pagbaba ng produksyon at pagsasara ng
ilang textile mills.Dahil dito, sinabi ng dating Kalihim sa isang pulong-
balitaan sa Malacaang na maglulunsad ng training program
ang Kagawaran ng Paggawa at Paghahanapbuhay upang ihanda
sa ibat ibang uri ng trabaho ang matatangggal na mga
manggagawa.
Ipinaliwanag ng dating Kalihim na ang mga pabrika ng
tela sa bansa ay hindi na makakahabol sa mga katunggali nila
sa ibang bansa tulad ng Malaysia na gumagamit ng mga
modernong kagamitan (AFTA) at dito kasali ang Pilipinas.
Nagbabala pa ang dating Kalihim na posibleng
maapektuhan ang ibang industriya sa bansa dahil sa
pagpapatupad ng AFTA. Ayon sa kanya, isa sa mga pabrika ng
tela na nagsimula nang magbawas ng produksyon ay ang U/tex
na nagpaabot na ng abiso sa kagawaran na magsasara na ang
pabrika. Sinabi ng dating Kalihim na ang Pilipinas ay napag-
iwanan na ng Malaysia at Timog Korea gayong ilang taon
lamang ang nakalilipas ay pumapanghuli sa Pilipinas.Ibinunyag din ng dating Kalihim na gagawa ng
pagsisiyasat ang Kagawaran ng Paggawa at Pag-eempleyo sa
pagawaan sa bansa upang alamin kung alin-alin ang hindi
sumusunod sa itinakda nitong patakaran.
Sariling Pagsusulit
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
20/24
1.Nanganganib ang mga trabaho ng mga manggagawang
Pilipino.
2.Kung mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa
3.Kung hindi makakahabol sa galing ng paggawa ang Pilipinas
sa Malaysia.4.Kung magkakaroon ng malayang pakikipagkalakalan sa
Southeast Asia.
5.Patuloy na magpapahuli ang Pilipinas sa mga karatig-bansa
sa ekonomiya.
Tapos ka na?
Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.
Kung naiiba ang iyong sagot, maaari mo pa ring isangguni ang
iyong sagot sa iyong guro.
Ilan ang nakuha mo?
Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka na
sa susunod na modyul. Kung 3 o pababa ang nakuha mo, sagutin
mo muna ang Pagyamanin Natin nang lubos mong maunawaan
ang araling ito.
Ibigay ang iyong hinuha sa mga sumusunod na pangyayari:
1.Kaarawan ni Lola Sion. Nagsimba siya nang maaga at
naghanda ng kaunti. Ngunit tanghali na wala pa ring
nagsisidating sa kanyang mga apo. Nagpasya na lamang
siyang magpahinga. Tulog na siya nang dumating ang mga
apo at inihanda ang pagsasaluhang pagkain at mga regalo
2.Katatanggap lang ng sahod ni Roy kaya masaya siyang
umuwi nang gabing iyon. Habang naglalakad siya patungo
sa himpilan ng mga sasakyan may lalaking bumangga sa
kanya.
Pagyamanin Natin
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
21/24
3.Dumating ang araw ng pag-alis ni Papa papuntang Saudi.
Excitedkaming lahat. Malayo pa ang oras ng kanyang pag-
alis ay naroon na kaming lahat sa airport. Ngunit lumipas na
ang ilang oras hindi pa rin dumating ang taong makakasamaniya. Nagpasya na kaming magtanong. Parang bombang
sumabog ang balitang aming nalaman.
4.Naglalaro sina Maki at Joie sa plaza nang may nakita silang
pitaka sa isang upuan. Kinuha nila ito at hinanap ang taga-
bantay sa plaza upang ibigay ang pitaka.
Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.Maaari mo pa ring isangguni ang iyong sagot sa iyong guro
sakaling naiiba ang iyong mga sagot sa mga Gabay sa
Pagwawasto.
Ilan ang nakuha mo?
Ngayon, natapos mo na ang modyul na ito. Magpatuloy ka
na sa susunod. Binabati kita!
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
22/24
Subukin Natin
1.Ang mga apo ni Lolo Juan ay magtutulungan na sa mga
gawain sa poultry farmkinabukasan dahil naliwanagan na
sila sa kahalagahan ng pagtutulungan.
2.Hindi talaga nag-uusap ang asarol at araro. Gawa-gawa
lang ng Lolo ang kwento.
3.Mahal ni Lolo ang mga apo niya dahil hindi niya
pinabayaan ang mga ito na magkanya-kanya.
4.Mahal ng mga bata si Lolo Juan dahil nakinig sila dito.
Naunawaan nila ang kanilang Lolo sa pamamagitan nang
kwento nito.
5.Kailangang lumikha ni Lolo ng kwento para maunawaan
ng kanyang mga apo ang kahalagahan ng pagtutulungan
sa anumang gawain.
Gawain 1
1.Maghihirap sila sa buhay sa Maynila dahil kakaunti lang
ang kita ni Mang Ramon.
2.Nakalimutan nila ang pagdarasal at pagtawag sa Diyos
kaya nananatili pa rin silang takot sa engkantada kahit
lumipat na sila.
3.Maaaring mapahamak sila dahil pumunta sila sa gulod
kahit sila ay pinagbawalan ng kanilang mga magulang.
4.Kinaibigan ni Mang Ramon ang mga duwende at
binigyan siya ng mga ito ng ginto at kayamanan.
5.Walang nangyari sa mga mag-aaral dahil talagang
bahay lang ng abay anay ang umbok ng lupa.
Gabay sa Pagwawasto
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
23/24
Gawain 1-A
1. Ayaw silang palabasin ng Lola ni Gretel dahil masama o
marami raw ang kababalaghang nangyayaring Biyernes Santo.
2. Maraming taong nag-uusyoso sa tabi ng punong baletedahil gusto nilang malaman kung totoo nga bang may mga
batang umiiyak sa tuwing sasapit ang ika-12 ng tanghali ng
Biyernes Santo.
3. Ang lalaking walang balintataw ang siyang may-ari ng
singsing na ibinalik ni Aling Miling.
4. Sa mga karaniwang tao patay na si Aling Miling sa sakit
ng tiyan subalit dinala pala ito ng tamawo sa kanilang lugar.
5. Ang mga bata ay walang balintataw dahil anak ang mga ito
ng tamawo. Sinasabing ang mga tamawo ay walang balintataw.
MGA DAGDAG NA GAWAIN
1.Ito ang mga anak ni Aling Miling at ng tamawo na
tumatawag sa kanilang ina.
2.Nagmumula sa punong balete ang tinig dahil doon daw ang
tirahan ng tamawo.
3.Ipinahatid agad sila ng Lola ni Gretel upang maiwasan nilang
marinig ang anumang usap-usapan tungkol sa nakaraan.
4.Pinagalitan siya ng kanyang Mommy at binalaang huwag
kwentuhan ang kanilang Lola dahil ang kanyang Lola ay si
Aling Miling.
5.Pinapunta siya sa kanyang Tiya Pining sa La Paz upang
maiwasan ang nakaraan ng kanilang pamilya.
SARILING PAGSUSULIT
1.Nanganganib ang mga trabaho ng mga manggagawang
Pilipino dahil sa pagbaba ng produksyon at pagsasara ng
ilang textile mills.
-
7/24/2019 Filipino 6 DLP 57 - Pagbigay Hinuha.pdf
24/24
2.Kung mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa ang
kanilang mag-anak ay maaapektuhan pati na ang
ekonomiya ng bansa.
3.Kung hindi makakahabol sa galing ng paggawa ang
Pilipinas sa Malaysia, maiiwan ito sa kompetisyon saibang bansa sa larangan ng negosyo.
4.Kung magkakaroon ng malayang-kalakalan sa Southeast
Asia lalong mahihirapan ang Pilipinas na makahabol sa
kompetisyon sa larangan ng kalakal sa mga karatig-
bansa.
5.Kapag patuloy na magpapahuli ang Pilipinas sa mga
karatig-bansa sa ekonomiya, mananatili itong isang
mahirap na bansa.
PAGYAMANIN NATIN
1.Masusorpresa si Lola sa kanyang paggising.
2.Nadukot ang sahod ni Roy.
3.Hindi na makakapunta sa Saudi dahil naloko ito ng
pekeng recruiter.
4.Magpapasalamat sa kanila ang taga-bantay ng plasa at
ang may-ari ng pitaka dahil sa kanilang katapatan.