Detalyadongbanghayaralinsaaralingpanlipunaniv 140730003620 Phpapp02 (2)

11
MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV CARL PATRICK SAHAGUN TADEO I. Layunin Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. natutukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan; b. napapahalagahan ang konsepto ng teorya ng pangangailangan; c. naisusulat ang mga bagay na pangangailangan at kagustuhan ng tao. II. Paksang Aralin A. Paksang Aralin: Pangangailangan at Kagustuhan B. Sanggunian: Ekonomiks: Pag-aaral sa Pinagkukunang-yaman at Paggamit- yaman ng Lipunan Chua. A. at Gonzales, Z. Pahina 33-35 C. Mga Kagamitan: tisa, pisara, larawan, tsart III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral 1. Pagbati Magandang umaga. 2. Paglista ng Lumiban Sino ang mga lumiban sa klase sa araw na ito? Magandang umaga rin po. Wala po. B. Panlinang na Gawain Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral 1. Pagganyak Bago natin pormal na simulan ang ating klase ay maglalaro muna tayo. Hahatiin ko ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat miyembro ng bawat grupo ay dapat makapagsulat ng mga bagay na nakaatas sa kanila sa loob ng isang minuto. Ang unang grupo ay magsusulat ng mga bagay na alam niyong kailangan niyo at sa ikalawa naman ay ang mga bagay na alam niyong kagustuhan niyo. Tatayo isa-isa ang bawat mag-aaral at Opo.

description

AP

Transcript of Detalyadongbanghayaralinsaaralingpanlipunaniv 140730003620 Phpapp02 (2)

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IVCARL PATRICK SAHAGUN TADEOI. LayuninMatapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:a. natutukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan;b. napapahalagahan ang konsepto ng teorya ng pangangailangan;c. naisusulat ang mga bagay na pangangailangan at kagustuhan ng tao.II. Paksang AralinA. Paksang Aralin: Pangangailangan at KagustuhanB. Sanggunian: Ekonomiks: Pag-aaral sa Pinagkukunang-yaman at Paggamit-yaman ng Lipunan Chua. A. at Gonzales, Z. Pahina 33-35C. Mga Kagamitan: tisa, pisara, larawan, tsartIII. PamamaraanA. Panimulang GawainGawain ng GuroGawain ng Mag-aaral

1. Pagbati Magandang umaga.

2. Paglista ng Lumiban Sino ang mga lumiban sa klase sa araw na ito?

Magandang umaga rin po.

Wala po.

B. Panlinang na GawainGawain ng GuroGawain ng Mag-aaral

1. Pagganyak Bago natin pormal na simulan ang ating klase ay maglalaro muna tayo. Hahatiin ko ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat miyembro ng bawat grupo ay dapat makapagsulat ng mga bagay na nakaatas sa kanila sa loob ng isang minuto. Ang unang grupo ay magsusulat ng mga bagay na alam niyong kailangan niyo at sa ikalawa naman ay ang mga bagay na alam niyong kagustuhan niyo. Tatayo isa-isa ang bawat mag-aaral at magsusulat sa pisara. Ang pinakamaraming maisusulat sa loob ng isang minuto ang siyang grupong tatanghaling panalo. Nakuha niyo ba ang direksyon?

Magaling. Simulan na natin.

2. Paglalahad Ang aralin na ating tatalakayin sa araw na ito ay ukol sa mga pangangailangan at kagustuhan ng isang tao. Tutukuyin rin natin ang kahalagahan ng teorya ng pangangailangan. Handa na ba kayo upang ating alamin ang mga ito?

Magaling!

Opo.

Opo.

C. Paglinang sa GawainGawain ng GuroGawain ng Mag-aaral

Upang maintindihan natin at malaman ang teorya ng pangangailangan ay hahatiin ko kayo sa limang grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng isang parirala o pangungusap na pag-uusapan ng grupo. Magbibigay ng mga halimbawa ng mga pangangailangang hinihingi at inyong ipaliliwanag kung bakit ba natin kailangan ang mga ito. Matapos ninyong mag-brainstorm ay iuulat ng inyong napiling lider ang inyong mga sagot. Naintindhihan niyo ba?

Ang mga sumusunod ay ang mga parirala /pangungusap na ibibigay sa bawat grupo:Unang Grupo Pangangailangang pampisikal o pisiyolohikalIkalawang Grupo Pangangailangang pangkaligtasan at seguridadIkatlong Grupo Pangangailangang maibig, makasapi at makisalamuhaIkaapat na Grupo Pangangailangang mapahalagahan ng ibang taoIkalimang Grupo Pangangailangang maisakatuparan ang sarili nating mga kakayahan at pagkatao.

(Magbibigay ng kartolina ang guro kung saan magsusulat ang mga mag-aaral. Ang bawat grupo ay gagamit ng graphic organizer upang ipresenta ang kanilang gawa.)*Kalakip ng Banghay Araling ay ang uri ng graphic organizer na kanilang gagamitin.

Magaling!

Opo.

(Mag-uusap usap ang mga mag-aaral sa loob ng labinlimang minuto ukol sa kanilang sagot. Isusulat nila ang kanilang mga sagot sa kartolina na ibibigay ng guro at iuulat ang kanilang napagkasunduan sa loob ng dalawang minuto sa bawat grupo.)

D. PaglalahadGawain ng GuroGawain ng Mag-aaral

Ngayon bago natin talakayin ang kabuuan ng lahat ng mga pangangailangan, alamin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang Pangangailangan. Ano ba ang Pangangailangan?

Tama. Sa kabilang banda naman, ano nga ba ang kagustuhan?

Magaling. Titingnan natin kung talagang alam niyo na ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan. Halimbawa, may kompyuter ang graphic artist. Pangangailangan ba ito o Kagustuhan?

Tumpak. Kung halimbawa namang may kompyuter ang magsasaka. Pangangailangan ba ito o Kagustuhan?

Magaling. Gayunpaman, hindi maitatatwa na maraming pangangailangan ang bawat isang indibidwal. Sino ba ang pamosong sikologo na nagpanukala ng teorya ng pangangailangan?

Tama. Balikan natin ang mga parirala o mga pangangailangang ibinigay ko sa inyo. Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa Herarkiya ng mga Pangangailangan ni Maslow. Ayon sa kanya, ang mga pangangailangan ng tao ay may takdang antas ayon sa kahalagahan ng mga ito.

Halimbawa, kung papipiliin ang tao kung alin sa pagkain o pananamit ang higit niyang kailangan, malamang na mas pipiliin niya ang una dahil nakadepende sa pagkain ang buhay.Ayon sa kanya, may limang bahagi ang mga pangangailangan ng tao. Anu-ano ang mga ito? Sariling Kakayahan at Pagkatao

Mapahalagahan ng ibang Tao Maibig, Makasapi at Makisalamuha

Pangkaligtasan at Seguridad

Pisikal o Pisyolohikal

Magaling. Talakayin muna natin ang nasa pinakababa ng herarkiya. Ang Pangangailangang pampisikal o pisiyolohikal.Anu-ano ba ang mga bagay na nakapaloob dito?

Tama. At bakit ba natin kailangan ang mga bagay na ito?

Magaling. Dumako naman tayo sa ikalawa. Anu-ano ba ang mga bagay na ating kailangan sa aspetong pangakaligtasan at seguridad?

Tumpak. Sa tingin ninyo sa ikatlong baiting na pangangailangang maibig, makasapi at makisalamuha anu-ano ba ang mga bagay na dapat taglayin dito ng isang tao?

Magaling.Ang ikaapat na batang naman ay ang pangangailangang mapahalagahan ng ibang tao. Nahahati ito sa dalawa ang mababang na uri at ang mataas uri. Ano ba ang pinagkaiba ng mababang na uri at mataas uri?

Mahusay! At dumako naman na tayo sa pinakamataas na antas ng mga pangangailangan, ang panggngailangan na maisakatuparan ang sariling mga kakayahan at pagkatao. Sa tingin niyo ba mahirap marating ang huling baitang ng herarkiya ng pangangailangan ni Maslow? At sa tingin niyo bakit?

Tama ka diyan. Ayon kay Maslow, ang isang taong ganap ay hindi nakatuon masyado sa mga materyal na bagay kundi sa mga bagay na totoong makapagpapasaya sa kanya. Para sa inyo, totoo ba ito?

Ang pangangailangan po ay isang damdamin na umuudyok sa tao na magkaroon ng bagay o karanasang nararapat niyang makuha o maranasan upang siya ay mabuhay at makaganap ng isang tungkulin.

Ang kagustuhan po ay damdamin na umuudyok sa tao na magkaroon ng karagdagang mga bagay o karanasan na magpapaganda o magpapasya sa kanya na hindi naman nakaaapekto sa kanyang kahusayan at pagiging produktibo.

Pangangailangan po.

Kagustuhan po.

Si Abraham Maslow po.

Mga pangangailangang pampisikal o pisiyolohikal; pangangailangang pangkaligtasan at seguridad; pangangailangang maibig, makasapi at makisalamuha; pangangailangang mapahalagahan ng ibang tao; at pangangailangan na maisakatuparan ang sariling mga kakayahan at pagkatao.

Tubig, pagkain, hangin, dami, bahay po.

Kailangan po natin ang mga bagay na ito para po mabuhay.

Kapayapaan at kaayusan sa paligiran, pag-aaruga n gating mga magulang, pagkakaroon ng ligtas na tahanan, at pagiging ligtas po sa pinagtatrabahuhan.

Pakiramdam po ng pag-ibig sa kasintahan, kaibigan, asawa mga anak at kung anu-ano pa pong pakikipagkapwang personal na magpapadama sa kanya ng pag-ibig at pagkikipagkapwa-tao.

Tumutukoy po ang mababang uri sa pagnanais ng tao na irespeto ng kapwa samantalang ang mataas na uri po ay tumutukoy sa pagnanais ng tao na igalang ang kanyang sarili.

Opo. Dahil po kakaunti lamang po ang nagkakaroon ng masidhing pagnanasa dito sa dahilang marami sa atin ang nais na matustusan palagi ang mga mababang antas ng pangangailangan po.

Opo, kasi po ang kasayahan na hinahanap ay hindi galing sa pisikal na kalagayan kundi sa kalagayang nagpapahayag na may bahagi sa pagkatao na walang hanggan.

IV. PagpapahalagaGawain ng GuroGawain ng Mag-aaral

Ngayon, sa dalawang magkaibang bagay na ating tinalakay Pangangailangan at Kagustuhan, ano ang mas mahalaga para sa inyo?

Magaling.

Ang nakikita ko pong mas mahalaga ay ang pangangailangan, dahil po hindi tayo mabubuhay ng wala ang mga ito samantalang ang kagustuhan po ay nagbibigay lamang ng pansamantalang kasiyahan.

V. PaglalahatGawain ng GuroGawain ng Mag-aaral

Ano ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan?

Tama. Ano naman ang limang baitang sa herarkiya ng mga pangangailangan ni Maslow? Isa-isahin mula sa pinakababang baitang patungo sa pinakamataas.

Mahusay!

Ang mga pangangailangan po ay ang mga bagay na siyang bumubuhay sa atin ito ay mga bagay na kinakailangan upang maging produktibo, samantala ang kagustuhan po ay mga bagay lamang na ibig natin, nagbibigay ito ng panandaliang kasiyahan.

Mga pangangailangang pampisikal o pisiyolohikal; pangangailangang pangkaligtasan at seguridad; pangangailangang maibig, makasapi at makisalamuha; pangangailangang mapahalagahan ng ibang tao; at pangangailangan na maisakatuparan ang sariling mga kakayahan at pagkatao.

VI. PagtatayaA. Tukuyin ang mga salita. Ilagay ang titik K kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na Kagustuhan at P kung ito naman ay tumutukoy sa Pangangailangan. (Isang puntos sa bawat bilang)__6. PSP__7. Edukasyon__8. Bahay__9. Aklat__10. Kotse

__1. Damit__ 2. Touchscreen Cellphone__ 3. Professional Camera__ 4. Tubig__ 5. Flatscreen TV

B. Essay. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. (5 puntos sa bawat bilang.)1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan.2. Iguhit ang Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow at ipaliwanag ang bawat baitang.VII. KasunduanGumawa ng isang poster na nagpapakita ng relasyon ng mga bagay na Pangangailangan at Kagustuhan.

KALAKIP 1.1Unang Pangkat Cluster Map

Anu-ano ang mga pangangailangang pisikal o pisyolohikal ng tao?

Ikalawang Pangkat Wheel MapSa papaanong paraan tayo nagtatamo ng ating pangangailangang panseguridad at pangkaligtasan?

Ikatlong Pangkat Circle GraphPangangailangang Maibig, Makisapi at Makisalamuha

Ikaapat na Pangkat - Tree DiagramPangangailangang mapahalagahan ng ibang tao

Ikalimang Pangkat Cluster Map

Pangangailangang maisakatuparan ang sarili nating kakayahan at pagkatao