Deped-Pribadong Sektor, nagtulungan Solar-Powered Schools ... filePapa ng bawat isa sa Pahina 3...

4
Deped-Pribadong Sektor, nagtulungan Solar-Powered Schools, kasado REGION 2 R SPC 2015 MAKABAYAN.MAKATAO.MAKAMASA ika-9 ng Enero, 2015 People’s Gymnasium, Tuguegarao City Pope Francis: Papa ng bawat isa sa Pahina 3 Nagtulungan ang Department of Education (DepEd) at mga pribadong sektor na rive Solar Energy Philippines (TSEP) at Global Peace Foun- dation (GPF) kaug- nay sa proyektong So- lar-Powered Schools, Disyembre 21, 2014. Naghandog ang TSEP at GPF ng hu- migit kumulang 200 So- lar Generators sa iba’t ibang paaralan sa si- yudad ng Antipolo at probinsya ng Cagayan. Layunin ng proyektong ito ang tu- lungan at bigyan ang mga eskuwelahan ng sapat na kuryente upang mas maging maganda at mak- abago ang paraan ng pag- aaral ng mga estudyante. Nakatutulong din ito na maging komport- able ang mga mag-aaral at magkaroon ng maayos ng pasilidad ang mga es- kuwelahang mabibig- yan ng Solar Generators. Nag-abot na- man ng pasasalamat ang Kagawaran ng Edu- kasyon sa ibinigay na tulong ng TSEP at GPF. Avielle G. Darauay Nagsagawa ng isang proyekto ang UN- ESCO sa tulong ng me- dia ukol sa nagbaba- gang isyu ng patuloy na paglaganap ng Ebola Virus na sinundan ng isang General Assem- bly, Setyembre 19, 2014. Layunin ng proyekong ito ang palakasin ang gobyerno ng Sierra Leone at Li- beria, kung saan unang kumalat ang ebola vi- rus, upang maiwasan ang paglaganap nito. Nagpakalat ang UNESCO ang mga fly- ers, posters, banners, t-shirts, brochures at iba pang materyales na nakatutulong sa mga mamamayan ng mga na- sabing lugar upang ma- palawak ang kaalaman tungkol sa ebola virus. “We must strengthen preven- tion to stop the spread of disease – this starts with clear, accessible and reliable informa- tion, provided to people in all districts and coun- tries”, ani Irina Bokova, isang Director-General. “Stopping Ebola requires effective action by individual women and men, at the community level, and this project will help us reach and support them”, dagdag pa niya. UNESCO, umaksyon Avielle G. Darauay Kasalukuyang isi nasagawa ang taun-taong Regional Schools Press Conference (RSPC) na may temang “Empower- ing Resilient Commu- nities rough Campus Journalism” asa Tuguega- rao City, Enero 8-10, 2015. ituloy sa Pahina 3 Avielle G. Darauay Tulong ng Journalism Region 2, wagi sa baseball sa Pahina 4 MAKABAGONG PAARALAN. Magtatayo ng Solar-pow- ered schools ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na ka- nilang pinagkasunduan para sa maayos at komportableng pag-aaral ng mga mag-aaral

Transcript of Deped-Pribadong Sektor, nagtulungan Solar-Powered Schools ... filePapa ng bawat isa sa Pahina 3...

Deped-Pribadong Sektor, nagtulungan

Solar-Powered Schools, kasado

REGION 2RSPC 2015MAKABAYAN.MAKATAO.MAKAMASA

ika-9 ng Enero, 2015 People’s Gymnasium, Tuguegarao City

Pope Francis: Papa ng bawat isa

sa Pahina 3

Na g tu l u ng a n ang Department of Education (DepEd) at mga pribadong sektor na Thrive Solar Energy Philippines (TSEP) at Global Peace Foun-dation (GPF) kaug-nay sa proyektong So-lar-Powered Schools, Disyembre 21, 2014.

Naghandog ang TSEP at GPF ng hu-migit kumulang 200 So-lar Generators sa iba’t ibang paaralan sa si-yudad ng Antipolo at probinsya ng Cagayan. Layunin ng proyektong ito ang tu-lungan at bigyan ang mga eskuwelahan ng sapat na kuryente upang mas maging maganda at mak-abago ang paraan ng pag-aaral ng mga estudyante. Nakatutulong din

ito na maging komport-able ang mga mag-aaral at magkaroon ng maayos ng pasilidad ang mga es-kuwelahang mabibig-yan ng Solar Generators. Nag-abot na-man ng pasasalamat ang Kagawaran ng Edu-kasyon sa ibinigay na tulong ng TSEP at GPF.

Avielle G. Darauay

Nagsagawa ng isang proyekto ang UN-ESCO sa tulong ng me-dia ukol sa nagbaba-gang isyu ng patuloy na paglaganap ng Ebola Virus na sinundan ng isang General Assem-bly, Setyembre 19, 2014. Layunin ng proyekong ito ang palakasin ang gobyerno ng Sierra Leone at Li-beria, kung saan unang kumalat ang ebola vi-rus, upang maiwasan ang paglaganap nito. Nagpakalat ang UNESCO ang mga fly-ers, posters, banners, t-shirts, brochures at iba pang materyales na

nakatutulong sa mga mamamayan ng mga na-sabing lugar upang ma-palawak ang kaalaman tungkol sa ebola virus. “We must strengthen preven-tion to stop the spread of disease – this starts with clear, accessible and reliable informa-tion, provided to people in all districts and coun-tries”, ani Irina Bokova, isang Director-General. “Stopping Ebola requires effective action by individual women and men, at the community level, and this project will help us reach and support them”, dagdag pa niya.

UNESCO, umaksyon Avielle G. Darauay

Kasalukuyang isi nasagawa ang taun-taong Regional Schools Press Conference (RSPC) na may temang “Empower-ing Resilient Commu-nities Through Campus Journalism” asa Tuguega-rao City, Enero 8-10, 2015.

ituloy sa Pahina 3

Avielle G. DarauayTulong ng Journalism

Region 2, wagi sa baseball

sa Pahina 4

MAKABAGONG PAARALAN. Magtatayo ng Solar-pow-ered schools ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na ka-nilang pinagkasunduan para sa maayos at komportablengpag-aaral ng mga mag-aaral

OPINYONREGION 2 RSPC 2015 Ika-9 ng Enero,2015

People’s Gymnasium, Lungsod ng Tuguegarao2E D IT O R Y A L

PAKINGGAN MO

ROPERD M. MALANA

Taon – taon nagkakaroon ng mga saku-na at trahedya sa ating bansa. Ang mga ito’y hindi natin maiiwasan, masasabing banta ito ng kalikasan. Sa ating bansa, nagkakaroon tayo ng pagsasanay, paghahanda at kampanya upang maiwasan ang mga trahdeya na nagaga-nap at mabawasan ang mga kasong naitatala sa ating bansa. Ngunit sapat ba ang kilos na ito? Isa sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas ang kakulangan sa impormasyon na naipaparating sa ating mga Pilipino kung may paparating na sakuna. Matatandaan nito lamang nakaraan na buwan maraming tao ang binawian ng buhay at nakatikim nang hagupit ni bagyong Glenda. Sinasabi na ang dahilan ng pagkakaroon ng maraming bi-lang ng namatay ay dahil sa kakulangan ng impormasyon at pagahahanda. Kung kaya’t ang panukalang inilulunsad ni Sen. Legarda ay isang mabisang paraan upang maisaayos o mabawasan ang mga pinsalang naidudu-lot at bilang ng mga nasasawi ng mga saku-na at trahedya na nangyayari sa ating bansa. Ayon sa panukalang ito, sa tulong ng so-cial media mabilis na maikakalat ang mga impor-masyon upang maging handa ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng trahedya o sakuna. Makatu-tulong rin ang programang ito sa pagkakaroon ng kamalayan at kalaaman sa tamang pagha-handa, gawain kung magkakaroon ng sakuna. Tunay ngang hindi pa matibay ang at-ing bansa sa oras ng trahedya at sakuna ngu-nit sa tulong ng programng inilulunsad ni Sen. Legarda maaari natin itong maisaayos nang sa gayon magiging aleto at handa ang mga Pili-pino sa mga darating na sakuna at trahedya.

Panukalang batas, isang kaibigan

“Edukasyon ang solusyon,” ani ni Jesli A. Lapus dating kalihim ng DepEd. Ngunit solusy-on nga bang maitutur-ing kung nagkakaroon pa rin ng kakulangan sa pagtuturo o mga maha-halagang bagay ang hindi natutunan ng mga estud-yante. Sapat bang itinu-turo lamang ay maging mabuting empleyado? Isang kaso nang maling paghawak ng pera ang naging usap-usapan sa buong PIlipinas. Ang pagkapanalo ng isang taga-Las Pinas sa lotto ay siyang naging bukang-bibig ng ilang Pilipino. Ang taong ito na nanalo sa lotto ay iwinaldas ang 40 million pesos sa loob

lamang ng apat na buwan. Nakakalungkot isipin dahil sa kakulangan ng kaalaman ang nag-ing dahilan ng mabilis na pagka-ubos ng pera, im-bis na ito’y palaguin nau-wi lamang ito sa wala. Sa tulong ng isinusulong ng panukalang batas, na isali ang Financial Literacy sa ituturo ng mga guro sa sistemang edukasyon ng bansa magkakaron tayo ng sapat na kaalaman sa tamang paghahawak ng pera at pagkakaroon masaganang negosyo. Sa kabuuan ang programang ito ay maka-tutulong hindi lamang sa ating mga sarili mag-ing sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sapat na kaalaman: Isang sandata

LathalainREGION 2 RSPC 2015Ika-9 ng Enero,2015

People’s Gymnasium, Lungsod ng Tuguegarao 3

Pope Francis : ni hannah P. Sibbaluca

Papa ng bawat isa

Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 3,000 kalahok kasama ang kani-kanilang mga tagapayo na nagmula sa iba’t-bang paaralan

ng buong rehiyon 2. Sa tulong ng kompetisyong ito, na-papalawak ng mga kala-haok ang kanilang nal-alaman sa journalism.

Sa paraang ito, mabibig-yan ng karapatan at ka-layaang makapagsalita at makapaglahad ng mga naisin ang mga mamama-yan na magbibigay ng kaunlaran sa ating bansa.

Sa kanyang mala-lalim na gitla sa noo at mangilan-ngilang ku-lubot sa kanyang mukha dulot ng katandaan, masasalamin pa rin ang pambihirang kakisigang tinataglay ng kanyang pisikal na kaanyuan. Mayroong pusong ma-mon, handang tumu-long sa nangangailangan. Isang tunay na mod-elo ng Santo Papang lu-bos na iginagalang at kinawiwilihan ng lahat. Hindi na ako magtataka kung bakit lagi siyang laman ng bal-ita. Halos sakupin na nga niya ang buong pahina ng pahayagang aking bina-basa tungkol sa kanyang nalalapit na pagbisita sa ating bansa, mga rutang tatahakin niya, mga pa-

ghahanda ng pamaha-laan upang masiguro ang kanyang seguridad at mga aktibidades na ga-gawin niya sa mga araw ng pamamalagi niya sa ating bayang sinilangan. Aminado akong naiirita na ang mga mata ko min-san at naririndi na ang aking tenga sa tuwing naririnig kong binabang-git ang pangalan niya ngunit mas nangingiba-baw pa rin ang paggalak ng aking puso dahil sa mundong ginagalawan natin ngayon ay mayroon pang taong katulad niya.

Hindi ko nama-layan na naghahanap na pala ako ng mga baba-sahin tungkol sa kanya. Parang may sariling utak ang aking mga kamay at

paa. Nakuha niya ang aking interes. Gusto ko siyang makilala ng ma-buti. Ayon sa nabasa ko, si Jorge Mario Bergoglio, ang bagong Santo Papa ay nagmula sa Argentina.Isang simpleng tao. Mas gusto niyang sumakay sa mga pampublikong sasakyan. Mas gusto rin niyang umupa na lamang ng isang apartment kaysa tumira sa malaking ba-hay. Mula pagkabata ay kinakitaan na siya ng matibay na pananalig sa Diyos. Lantaran niyang ipinapahayag ang kan-yang saloobin sa mga pu-litiko. Isang taong tunay na may malasakit lalong-

lalo na sa mga mahihirap.

Napabuntong hin-inga ako ng matagal, pilit na inuunawa ang mga nakalap kong im-pormasyon tungkol sa kanya. Masasabi kong tunay siyang kahanga-hanga, si Pope Francis, ang papa ng bawat isa.

Mula sa Pahina 1

“ Isang taong tunay na may malasakit la-long lalo na sa mga mahihi-rap”

Idaraos ang 2015 Palarong Pam-bansa sa Siyudad ng Tagum, Davao del Norte sa darating na Abril. Ito ay ibinalita ng Philippine Sports Commission Chairman Richie Garcia sa Me-dia Press Conference noong Disyembre 16. Ayon kay Garcia, napili ang Tagum City sa biding kung saan ay nakakuha ito ng 16 boto na nagpanalo rito sa mga

kalaban nitong siyudad. Samantala, ang Tagum City ay minsan na ring pinagdausan ng An-nual Batang Pinoy Meet at ayon din kay Gar-cia, siguradong magan-dang lugar ito para sa Palarong Pambansa. Ang Palarong Pambansa ay taunang id-inaraos sa iba’t-ibang lu-gar kung saan ay pinaglal-abanan ng 17 rehiyon ang kampeonato sa Elemen-tarya at Sekundarya.

Region 2, wagi kontra Region 7 sa Baseball HOME RUN. Binato ng Pitcher ng Rehiyon 7

sa pangalawang base na nagbigay daanpara makatakbo sa isang base ang batter ng Re-hiyon 2

Tagum City, pagdadausan ng 2015 Palarong Pambansa

Lian C. Catli

REGION 2RSPC 2015MAKABAYAN.MAKATAO.MAKAMASA

ika-9 ng Enero, 2015 People’s Gymnasium, Tuguegarao City

ISPORTS

TUGUEGARAO CITY- “Ang bumangga ay giba”, ito ang katagang pinatunayan ng Region 2 Base-ball team matapos lampasuhin at tambakan ang Region 7 Baseball Team, 7-3, sa 2014 Palarong Pambansa Baseball sa Sta. Cruz, Laguna, Abril 13.

Una pa lamang, tatlong dire-diretsong strikes na ang nakuha ng Region 7 na nagpala-bas kaagad sa kanilang No. 7 Ace Player sa laro. Pagkarating ni No. 8 player sa Batting Place, tatlong sunod-sunod siyang nakakuha ng ball upang magbigay sa kanya ng run sa 2nd base, run ni No. 11 sa 3rd base at home run ni No. 3 na nagbigay sa kanila ng iskor na 1-0. Nang sunod na player na ang magbabat, isang maling tapon ang nagawa ng pitcher ng Region 7 nang di nasalo ng 2nd base man niya ang bola na nagparun sa kanila sa 2nd at 3rd base at nagbigay sa ka-nila ng isang home run. Pero pagkapasok ng isa pang batter ng Re-

gion 2, isang nakagigim-bal na home run naman ang nakuha nito nang nai-bat niya ang bola dire-diretso sa likod ng bakod, at nagawa rin ng isa nilang player na maka-home run din at nagtapos ang inning na iyon, 3-1. Ngunit nang tu-muntong na ang isa sa pinakamagaling nilang manlalaro, isang mala-kas na bat na naman ang kanilang nagawa kaya’t naka-apat si-lang home run sa pag-tatapos ng laban, 7-3. “Ang hirap nilang magtapon ng bola, na-kakalito kung medyo mataas ba o mababa ang kanilang tapon”, sam-bit ng isang manlalaro ng Region 2, “Ngunit isang malaking kasi-yahan an gaming na-dama ng kami na ay nanalo rito”, dagdag nito.

Lian C. Catli