Corrosion (Tagalog)

2

Click here to load reader

description

 

Transcript of Corrosion (Tagalog)

Page 1: Corrosion (Tagalog)

No.10

Ang transmission pipelines ay sumasaklaw sa mahigit 115,000 kilometro ng Canada, tumatawid sa iba’t ibang uri ng mga kalupaan (bukirin, ilog, sapa, bundok at kalunsuran). Ang trabaho ng pipeline operator ay mai-deliver nang ligtas ang mga produktong langis at gas na inaasahan ng mga Canadian, at nangangahulugan na kailangan protektahang mabuti ang pipelines mula sa mga potensyal na panganib tulad ng korosyon.

Ang korosyon ay natural na nangyayaring penomena kapag ang metal ay nakalantad sa hangin at kapaligiran na kinalalagyan nito, tulad ng tubig o lupa. Ito ay isang unti-unting proseso - isa sa mga karaniwang halimbawa ng korosyon ng metal ay ang kalawang. Kapag hindi naagapan, ang korosyon ay nakakaapekto sa tibay at itsura ng metal.

Subali’t ang korosyon ay napipigilan, at ang mga pipeline operator ay nakatuon sa pangangalaga ng pipelines mula sa korosyon gamit ang iba’t ibang paraan, kabilang ang tinatawag na cathodic protection.

Isang layer ng proteksyonAng pipelines ay yari sa mataas na kalidad na

bakal, at isa sa pinakamabisang paraan para mapigilan ang korosyon ng pipelines ay iwasan ang direktang kontak nito sa tubig o lupa na nagiging sanhi ng korosyon. Kaya ang mga pipeline operator ay nilalagyan ng “protective coating” ang pipes habang ito ay minamanupaktura o sa panahon ng konstruksyon.

Ang pinakakaraniwang uri ng coating ay ang epoxy coating, na tulad ng pintura na nagproprotekta sa ibabaw ng tubo. Pinipigilan ng epoxy ang metal pipe na direktang malantad sa kapaligiran.

Dahil sa ang pipelines ay tumatawid sa iba’t ibang uri ng kalupaan (terrain), ang mga operator ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng coating para

GAWA-GAWA VS. KATOTOHANAN

Korosyon ng pipeline

Kaligtasan | Kapaligiran | Teknolohiya | Pagkaunawa sa Industriya | Integridad Muna Tungkol sa Pipelines

Korosyon

Lahat ng pipeline ay nagko-corrode.KATOTOHANAN: Sa tamang pagmimintina at pagsubaybay, ang isang pipeline ay maaaring ligtas na mag-operate para sa maraming dekada.

Ang diluted bitumen ay dahilan ng kalawang sa pipeline.KATOTOHANAN: Wala sa katangian ng diluted bitumen na maging sanhi ng mas maraming korosyon - ito ay halos kapareho ng pangkarani-wang krudong langis.

Ang mga di na magagamit na pipelines ay iniiwan na lang para kalawangin.KATOTOHANAN: Ang mga di na magagamit na transmission pipelines ay sumasailalim sa mga ispesipikong regulasyon upang tiyakin na manatiling ligtas ang mga ito.

Alam niyo ba na?

Ginagamit din ang cathodic protection upang mapigilan ang korosyon sa rebulto ng Christ the Redeemer sa Rio de Janeiro, Brazil at sa Eiffel Tower sa Paris, France!

Paano pinipigilan ng mga pipeline operator ang korosyon?

Gawa- gawa

Ang Tungkol sa Pipelines ay isang serye, na nakatuon sa pagpapalag-anap ng katotohanan tungkol sa transmission pipelines sa Canada at ang papel nito sa buhay ng mga Canadian. Ang impormasyong ito ay ibinibigay ng Canadian Energy Pipeline Association (CEPA).

SMART PIGS Ang in-line na aparatong pang-inspeksyon na ito ay tinutulungan ang mga operator na tukuyin ang mga problemang mahirap na makita sa labas ng pipeline.

1 Pipeline 2 Smart Pig

Gawa- gawa

Gawa- gawa

Page 2: Corrosion (Tagalog)

Tungkol sa Pipelines

Korosyon

Ang tungkol sa diluted bitumen

• Itina-transport na sa Canada ang diluted bitumen mula ng nakaraang 30 taon

• Ito ay isang malagkit na produkto ng langis na may halong pampalabnaw (diluent) upang mabawasan ang lagkit sa gayon ay maaari itong mas madaling dumaloy sa pipeline

• Ang pampalabnaw ay produkto ng natural gas na tulad ng naphtha

• Wala sa katangian ng diluted bitumen ang pagiging sanhi ng korosyon tulad ng ibang produkto ng krudong langis.

• Maraming mga siyentipikong pag-aaral ay may konklus-yon na ang diluted bitumen ay di nagiging sanhi ng korosyon tulad ng ibang produkto ng krudong langis.

Basahin ang ulat ukol sa diluted bitumen sa: bit.ly/WCSBcV

sa magkakaibang kapaligiran. Halimbawa, kapag ang isang pipeline ay tatawid ng isang ilog, maaaring gumamit ang pipeline operator ng cement coating na pipigil sa korosyon, na nagpapabigat din ng timbang ng pipe at nagproprotekta laban sa mekanikal na pinsala sa panahon ng pagkakabit nito.

Paggamit ng kuryentePinipigilan din ng mga pipeline operator ang korosyon gamit ang isang paraang tinatawag na cathodic protection. Ang korosyon ay isang elektro-kemikal na proseso, at sa esensya ang cathodic protection ay kinukonsumo ang electrons sa metal upang pigilan ang potensyal na korosyon.

Isang mabuting bentaheMas malamang na mangyari ang korosyon sa labas ng pipeline kaysa sa loob ng pipeline dahil ang labas ng pipe ay nakalantad sa kapaligiran na pinagmumulan ng korosyon, tulad ng lupa o tubig. Ang pagkasira ng pipeline na sanhi ng korosyon ay lubhang bihirang mangyari dahil ang mga pipeline operator ay sinusubaybayan at minimintina ang kanilang pipelines, gamit ang mga kasangkapan at pamamaraan tulad ng:

Scrapers - Malalaking wire brushes na umiikot sa loob ng pipeline, naglilinis ng pipe at pumipigil ng build-up ng produkto. Bilang karagdagang proteksyon, isang materyal na tinatawag na corrosion inhibitor ay panapanahong ginagamit sa prosesong ito.

In-line na aparatong pang-inspeksyon (smart pigs) – Ipinapasok sa loob ng pipeline, ang tila mga malalaking “plunger” na aparato na mayroong digital sensors. Habang umaandar sa loob ng pipe, hinahanap nito ang mga butas, mga sira at pagkagasgas ng metal sa pipe. Kapag may nakitang mga hindi tama, ang operator ay kumikilos upang ayusin o palitan ang seksyon ng pipe.

Biswal na pagmamatyag – Ang mga pipeline operator ay may mga empleyadong naglalakad sa kahabaan ng ruta ng pipeline, naghahanap ng mga palatandaan ng potensyal na problema, tulad ng mga pagbabago sa kapaligiran o pagtagas ng produkto. Ang aerial inspections ay nagbibigay din sa mga operator ng malawak na pagmamatyag sa pipeline. Kung may anumang mga palatandaan ng panganib mula sa pipeline, ang operator ay agad na iniimbestigahan ang sitwasyon at inaayos ang apektadong pipe.

Inilimbag sa ini-recycle at environmentally-friendly na papel..

ALAMIN ANG IMPORMASYON

CEPA

[email protected] @aboutpipelines facebook.com/aboutpipelines

aboutpipelines.com

Ang isang espesyal na piraso ng metal (anode) ay inilalagay sa tabi ng pipeline (cathode) na nasa lupa o sa katubigan. Kapwa ang pipeline at ang anode ay nakakunekta sa pinagmumulan ng kuryente na tina-tawag na rectifier.

Ang rectifier ang nagcha-charge sa pipeline (cathode) na may inilalabas na electrons mula sa anode.

Ang kuryenteng dini-discharge sa anode ay mas mataas kaysa sa kuryenteng dini-discharge sa pipeline, at kung gayon ang electrons ay pumupunta sa pipeline upang mabalanse ang daloy ng kuryente. Sa esensya ay kinukon-sumo nito ang electrons mula sa pipeline at ito ang pumipigil sa korosyon.

2

1 3

PAANO ITO GUMAGANA

Cathodic protection

Daloy ng Kuryente

IonsPipeline Anode

AnodeBed

(+)

(+)

(-)

(-)

Rectifier(Pinagmumulan ng Kuryente)