CODE OF CONDUCT - MAN Group | MAN SE peligro at salungatan, nag-aatas ng mga partikular na ga-bay ng...

76
CODE OF CONDUCT Engineering the Future – since 1758. MAN Group

Transcript of CODE OF CONDUCT - MAN Group | MAN SE peligro at salungatan, nag-aatas ng mga partikular na ga-bay ng...

CODE OF CONDUCT

Engineering the Future –since 1758.

MAN Group

MANGYARING MASUSING BASAHIN ANG KODIGO NG ASAL NA ITO.

SUSUPORTAHAN KA NITO SA IYONG PANG-ARAW-ARAW NA TRABAHO.

Bersyon: 1.0

May bisa mula: 01.01.2011

Paunang salita …………………………………………….......................... 7

1 Introduksiyon ……………………………………………........................... 9

2 Tinutupad ng MAN ang responsibilidad nito bilang korporasyon …………………………………………………………………….... 15

• Mga karapatang pantao 16 • Patas na oportunidad at walang diskriminasyon 18 • Mga donasyon, pag-sponsor at kawang-gawa 20 • Pagla-lobby 22 • Proteksiyon ng kapaligiran 24 • Kaligtasan ng produkto 26 • Kaligtasan sa lugar ng trabaho 28

3 Nagsasagawa ang MAN ng mga ugnayan sa negosyo na walang tinatago …………………………………………….... 31 • Mga kasalungatan sa interes 31 • Mga regalo, hospitality at mga imbitasyon 34 • Pagbabawal sa katiwalian 36 • Mga estado bilang mga kostumer at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad 38 • Mga consultants at mga ahente 40

NIL AL AMAN

4 Pinatatakbo ng MAN ang isang patas at malayang merkado ....…............................................................ 43 • Patas na kumpetisyon 44 • Patas na pagbili 48 • Kontrol sa Pag-export 50 • Pagbabawal sa money laundering 52 • Merkado ng kapital 56 • Pagbabawal sa insider trading 58

5 Pinoprotektajan ng MAN ang data, mga lihim ng negosyo at mga ari-arian ng kompanya .........................… 60 • Proteksyon ng data 62 • Proteksiyon ng kaalaman, mga patent, mga lihim

sa pangangalakal at negosyo 64 • Seguridad ng IT 66 • Pamamahala ng mga ari-arian ng kompanya 68 • Komunikasyon at advertising 70

Kontak ……………………………………………………………………………….. 72

NIL AL AMAN

Mga Minamahal na Empleyado,Ang MAN ay isang pandaigdigang enterprise na nakalubog sa tra-disyon at may operasyon sa maraming bahagi ng negosyo. Dahil ganito itong uri ng kompanya, nangangahulugan ito na mayroon tayong responsibilidad sa ating mga kostumer, mga empleyado, mga namumuhunan at sa publiko. Kasama sa responsibilidad ng korporasyong ito ang pagsunod sa mga batas na pinatutupad sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon pati na ang pagrespeto ng mga etikal na pinahahalagahan at mapapanatiling pagkilos. La-hat tayo ay kailangang kamtan ang responsibilidad na ito - kabi-lang dito ang Lupon ng Tagapamahala at mga tagapamahala pati na ang bawat isang empleyado. Nilalayon ang Kodigo ng Asal na ito upang tulungan tayong lahat na matugunan ang responsibili-dad na ito. Malinaw nitong tinutugunan ang ating mga pinaka-kahalagan sa korporasyon: Nilalayon nating maging maaasahan, makabago, dinamiko at bukas. Nagsasaad ang Kodigo ng Asal ng mga tutuparing gabay para sa mga lugar kung saan tayo dapat magbigay ng partikular na atensiyon sa responsableng pagkilos. Isinasalarawan nito kung paano pamahalaan ang mga kriikal na sitwasyon sa ating pang-arawaraw na negosyo gamit ang mga halimbawa. Ang Kodigo ng Asal na ito ay ang pinakapuso ng kul-tura ng ating korporasyon. Sa dahilang ito, hihingin namin sa iyo na kabisaduhin ang Kodigo ng Asal na ito at sundin ito sa pang-araw-araw mong trabaho.

Joachim Drees Chief Executive Officer

MAN SE

PAUNANG SALITA

9

Ang tagumpay ng MAN ay umaasa sa lahat ng empleyado nito — sa ibang salita, ang Lupon ng Tagapamahala, mga tagapa-mahala, at bawat indibiduwal na miyembro ng kawani — ni-rerespeto ang mga pinahahalagahan ng MAN sa pagiging maaasahan, makabago, bukas at dinamiko sa lahat ng lugar at sa lahat ng oras sa kanilang mga pangaraw-araw na pagkilos pati na ang sistematikong pagsasagawa ng mga ito.Ang Kodigo ng Asal na ito ay tumutulong sa mga empleyado ng MAN na isakatuparan ang mga pinahahalahagahang ito sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga potensiyal na lugar ng peligro at salungatan, nag-aatas ng mga partikular na ga-bay ng asal para sa mga lugar na ito at pagpapaliwanag sa ka-nila gamit ang mga halimbawa ng mga partikular na kaso.Ang mga gabay na nilalaman sa Kodigo ng Asal na ito ay pi-nagsasama sa ilalim ng apat na pangunahing patakaran:

• Tutuparin ng MAN ang reponsibilidad nito bilang korporasyon (mga pahina 15 hanggang 29).

• Nagsasagawa ang MAN ng mga ugnayan sa negosyo na walang tinatago (mga pahina 31 hanggang 42).

• Gumagana ang MAN sa patas at malayang merkado (mga pahina 43 hanggang 59).

• Pinoprotektahan ng MAN ang data, mga lihim ng negosyo at mgaari-arian ng kompanya (mga pahina 61 hanggang 71).

1 | INTRODUKSIYON

10

Hindi masasagutan ng Kodigo ng Asal lahat ng mga tanong na maaaring magkaroon kami sa aming pang-araw-araw na trabaho, kaya mayroon itong mga dagdag na mga patakaran ng pangkat at mga kasunduan sa mga kontrata ng pag-emp-leyo. Hindi na rin kailangan sabihin na ang bawat empleya-do ng MAN ay dapat tumupad sa mga legal na regulasyon.Ang kabiguang obserbahan ang Kodigo ng Asal ay maaaring magdulot sa makabuluhang pinsala, hindi lang sa ating Kompanya, ngunit pati sa ating mga empleyado at ating mga kasosyo sa negosyo. Iyon ang dahilan kung bakit kailan-gang sundin ng lahat ng mga empleyado ng MAN ang Kodi-go ng Asal. Hindi pahihintulutan ang mga paglabag saKodigo ng Asal. Ang sinumang lumabag sa Kodigo ng Asal ay dapat umasa sa mga kahihinatnan, na - depende sa kaseryo-sohan ng paglabag - ay maaaring magmula sa pagkilos sa ilalim ng batas ng manggagawa o mga paghiling ng mga pin-sala sa ilalim ng sibil na batas o sa mga multa sa ilalim ng batas kriminal.Kung hindi ka sigurado kung ang asal mo ay ayon sa mga gabay ng Kodigo ng Asal sa mga indibiduwal na kaso, dapat mong tanungin ang sarili mo ng mga sumusunod na tanong:

I N T RODU K SI YON

11

• Ang asal ko ba ay kalinya ng mga pinahahalagahan sa korporasyon ng MAN at mga sarili kong etikal na pinahahalagahan?

• Malaya ba ang asal ko sa anumang kasalungatan ng interes?

• Ang asal ko ba ay legal at naaayon ba ito sa mga patakaran ng pangkat ng MAN?• Maaari ko bang akuin ang responsibilidad para sa asal

ko nang may mabuting konsiyensiya?• Ano ang magiging itsura ng asal ko kung maulat ito sa

isang dyaryo — papasa ba ito sa “pagsusuri ng dyaryo”?

12

Kung oo ang maisasagot mo sa lahat ng mga tanong na ito, malaman ay nakalinya ang asal mo sa mga gabay na susu-nod. Kung hindi ka pa rin sigurado tungkol sa sagot sa alin-mang isa sa mga tanong na ito, dapat kang makipag-ugna-yan sa:

• superyor mo at/o• sa yunit na responsable at/o• sa opisyal ng pagpapasunod na responsable at/o• sa Compliance Helpdesk (sa pamamagitan ng pag-e-

mail sa [email protected] o pagtawag sa +49 (0) 89 36098-555).

I N T RODU K SI YON

13

Makukuha mo ang mga kontak na ito sa lahat ng oras at masi-siyahan na payuhan ka.Kung may natukoy kang posibleng paglabag ng Kodigo ng Asal, subukang tapusin ito. Kung imposible ito, abisuhan ang isa sa mga kontak na nabanggit sa pahina 12.Sa kaso ng mga partikular na malalang paglabad sa pagsunod, lalo na sa mga kaugnay ang white collar na krimen (hal, mga pagkilos ng katiwalian), batas ng antitrust at pagkapribado ng data, magagamit mo rin ang whistleblower portal.

Ang responsibilidad bilang korporasyon ng MAN ay nangang-ahulugan na ang pag-obserba at pagtupad sa batas ay usaping dapat gawin.

14

15

Mayroon tayong tungkuling obserbahan ang batas kung saan tayo gumagana sa lahat ng mga pasyang pangnegosy-ong ating gagawin. Ang bawat empleyado ng MAN ay dapat may kaalaman sa kanyang responsibilidad sa lipunan, parti-kular ang kakulangan ng mga kagamitan at tiyakin na ang mga produkto natin at proseso sa pagmamanipaktura ay na-kalinya sa mga kundisyon para sa mapapanatiling pagpa-paunlad.

Ang responsibilidad bilang korporasyon ng MAN ay nagpa-paigting sa mga gabay na susunod.

2 | PINUPUNAN NG MAN ANG RESPONSILIBIDADNITO BIL ANG KORPOR ASYON

16

Mga karapatang-pantao

Tungkol ditoAng Declaration of Human Rights na pinatutupad ng UnitedNations at ng European Convention for the Protection of Hu-man Rights and Fundamental Freedoms ay nagsasaad ng kung ano ang inaatas at inaasahan mula sa pandaigdigang komunidad pagdating sa pag-obserba at pagrerespeto ng mga karapatang pantao.

Mga prinsipyong gumagabay sa MANNaniniwala ang MAN sa etikal na asal. Nirerespeto, pinopro-tektahan at hinihikayat ng Kompanya lahat ng mga regula-syon na pinatutupad upang protektahan ang mga karapa-tang pantao bilang pundamental at pangkalahatang inaatas sa buong mundo. Hindi lang ito para sa pakikipagtulungan sa MAN Group mgunit para din sa pagsasagawa ng at patun-go sa mga panlabas na kasosyo sa negosyo.

Ang iyong kontribusyon• Bilang empleyado ng MAN, magagawa mo din ang baha-

gi mo upang respetuhin ang mga karapatang pantao. Isaalang-alang ang mga karapatang-pantao bilang pun-damental na gabay kapag nagkikipag-ugnayan sa mga ibang tao at maging mapagmatyag sa pang-aabuso sa mga karapatang pantao na nagaganap sa paligid mo.

PI N U PU NA N NG M A N A NG R ESPONSI L I BI DA D N I TO BI L A NG KOR POR A SYON

17

• Kung nag-aalala ka tungkol sa mga pang-aabuso sa mga karapatang pantao sa mga propesyonal mong kapaligiran, subukang pigilan ito at/o ipahinto ito. Kung imposible ito, abisuhan ang superyor mo o sinuman sa mga kontak na nabanggit sa pahina 12.

HalimbawaResponsable ka sa pagbili ng mga partikular na bagay sa MAN na binili mula sa ibang bansa. Nakatanggap ka ng im-pormasyon na gumagamit ang kompanya ng mga tao sa produksiyon o ang mga empleyado ay pinatatrabaho sa mga kalagayang hindi pantao (hal. nalalantad sa mga peligrong naglalagay sa kalusugan sa peligro).

Huwag balewalain ang impormasyong ito. Sa halip, liwa-nagin ito. Dapat suriin ng MAN ang mga ugnayang pang-negosyo sa kompanyang ito nang mas masusi at putulin sila, kung kailangan.

18

Patas na oportunidad at walang diskriminasyon

Tungkol ditoAng mga patas na oportunidad at walang diskriminasyon ay mga pangunahing pinagtayuan ng patas, walang kinikilin-gan at bukas na pagtrato. Hinihikayat ng MAN ang pagkakai-ba at pagpaparaya upang makamit ang pinakamataas na antas ng produktibidad, pagiging malikhain at pagiging epi-syente.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN• Naghahandog ang MAN sa mga kalalakihan at kababai-

han ng mga patas na oportunidad.• Ang MAN ay hindi nagdidiskrimina o nagpaparaya sa dis-

kriminasyon sa batayan ng pambansa o etinikong pinag-mulamn, lahi, kasarian, relihiyon, mga pananaw, edad, kapansanan, sekswal na oryentasyon o anumang ibang mga katangiang protektado ng batas.

PI N U PU NA N NG M A N A NG R ESPONSI L I BI DA D N I TO BI L A NG KOR POR A SYON

19

Ang iyong kontribusyon• Obserbahan ang mga prinsipyo ng patas na oportunidad

at walang diskriminasyon at hikayatin ang mga tao sa pa-ligid mong gawin din ito.

• Kung nakikita mo na ang mga prinsipyo ng patas na opor-tunidad at walang diskriminasyon ay nilalabag, ipaalam sa mga kaugnay na tao ang mali nilang asal. Kung wala ka sa posisyon na impluwensiyahan nang direkta ang mga kaganapan, abisuhan ang alinman sa mga kontak na na-banggit sa pahina 12 o ang departamento ng mga yamang tao ng insidente.

HalimbawaNalaman mo mula sa kasamahang kaibigan mo na ang isang aplikante sa departamento niya ay tinanggihan dahil napag-kamalan siyang homosekswal, bagaman siya ay ang pi-nakamahusay na kandidato para sa in-advertise na trabaho.

Tulungang linawin kung ang aplikante ay talagang hindi naempleyo sa batayan ng kanyang sekswal na kagustuhan sa pamamagitan ng pag-ulat ng kaso sa responsableng departamento ng yamang tao.

20

Mga donasyon, pag-sponsor at kawang-gawa

Tungkol ditoSinusuportahan ng MAN ang mga piling non-profit na insti-tusyon at sa pamamagitan ng mga perang donasyon at mga donasyong bagay pati na ang mga pamamaraan sa pag-sponsor. Upang maiwasan ang mga kasalungatan ng interes at matiyak ang pamantayang asal sa loob ng MAN Group, ang pagbibigay ng mga donasyon at mga pang-sponsorna pamamaraan ay pahihintulutan lang ayon sa mga nilatag na patakaran sa Patakaran ng Pangkat sa pamamahala ng mga donasyon at mga pamamaraan sa pag-sponsor.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN• Hindi nagbibigay ang MAN ng anumang donasyon o pa-

mamaraan sa pag-sponsor para sa politikal o rehiyong mga layunin.

• Hindi nagbibigay ang MAN ng anumang mga donasyon na nilalayon upang magbigay ng partikular na pagganap, pasya o konsiderasyon kapalit ng mga nasabing pasya.

• Ang mga donasyon ay mga pamamaraan sa pag-sponsor ay ibinibigay lang sa isang walang tinatagong proseso ng pag-apruba sa MAN.

PI N U PU NA N NG M A N A NG R ESPONSI L I BI DA D N I TO BI L A NG KOR POR A SYON

Ang iyong kontribusyon Magbigay lang ng mga donasyon o pamamaraan sa pag-sponsor na kalinya ng mga patakarang isinaad sa Patakaran ng Pangkat sa pamamahala ng mga donasyon at mga pama-maraan sa pag-sponsor.

HalimbawaAng isang kakilala mo ay respetadong lokal na politiko. Dahil papalapit na ang lokal na eleksiyon, hinihinga ka niya, isang matagumpay na empleyado ng MAN, ng perang donasyon mula sa MAN para sa kampanya ng eleksyon.

Maaari lang ibigay ang mga donasyon matapos daanan ang proseso ng pag-apruba na nilaan sa Patakaran ng Pangkat sa pamamahala ng mga donasyon at mga pa-mamaraan sa pag-sponsor. Hindi maaprubahan ang do-nasyon sa partikular na kasong ito dahil hindi gumagawa

ang MAN ng mga donasyong dulot ng politika.

22

Pagla-lobby

Tungkol ditoNagsisikap ang pulitika at mga mambabatas na impluwensi-yahan ang mga proseso ng negosyo. Ang pakikipag-ugnay ng MAN sa komersiyong pangangalakal ay nangangahulugan na naaapektuhan din nito ang lipunan. Maaari nitong parti-kular na dalhin ang mga interes nito sa mga proseso ng pag-gawa ng pagpasya, katulad ng mga plano sa lehislasyon, sa pamamagitan ng mga pangkat ng interes.

PI N U PU NA N NG M A N A NG R ESPONSI L I BI DA D N I TO BI L A NG KOR POR A SYON

23

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN• Sentral, bukas at walang tinatagong nagla-lobby ang

MAN. • Tumutupad ang MAN sa batas sa lahat ng mga bansa

kung saan nagla-lobby ang Kompanya.• Ang Ang hindi tapat na pag-iimpluwensiya sa mga guma-

gawa ng patakaran at pamahalaan ay iiwasan nang wa-lang palya.

Ang iyong kontribusyonHuwag mag-lobby bilang empleyado ng MAN nang hindi ito pinagkakasunduan at huwag tangkaing impluwensiyahan ang mga politikong pasya sa ngalan ng MAN.

HalimbawaAng isa mong kakilala ay miyembro ng parliyamento. Alam mo na ang isang panukalang batas na mahalaga sa MAN ay kasalukuyang tinatalakay sa parliyamento at iniisip ang ideya ng pakikipag-ugnay sa kakilala mo upang ipaliwanag ang interes ng MAN kaugnay ng panukalang batas na ito.

Huwag lapitan ang kakilala mo tungkol sa isyu. Ang pag- lobby sa MAN ay kinokoordina lang nang sentral at isinasagawa nang bukas at walang tinatago. Ang tamang punto ng ugnayan para sa nasabing pagkilos sa pag-lobby ay ang departamento ng Mga Komunikasyon ng Korporasyon ng MAN SE.

24

Proteksiyon ng kapaligiran

Tungkol ditoAng proteksyon ng kapaligiran at ng klima ay dalawa sa pi-nakamalaking mga paghamon ng ating panahon. Taon nang patuloy na nagtatrabaho ang MAN sa pagbabawas ng mga emisyon at pagkonsumo ng gasolina pati na rin ang pagpa-pabuti ng mga pamamaraan ng produksyon upang bawasan ang pagkonsumo ng enerhiya at mga raw na materyales hangga‘t maaari.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN• Inaako ng MAN ang responsibilidad pagdating sa mga

isinasaalangalang sa proteksiyon ng kapaligiran. Dapat alalahanin ng bawat empleyado ang proteksiyon ng kapa-ligiran sa trabaho niya.

• Nagbibigay din ang MAN ng impormasyon tungkol sa pa-ninindigan nito sa kapaligiran nang online. Ang impor-masyon sa proteksiyon ng kapaligiran at pagpapanatili ay mahahanap sa Ulat sa Istratehiya ng MAN sa website ng Kompanya sa www.man.eu.

PI N U PU NA N NG M A N A NG R ESPONSI L I BI DA D N I TO BI L A NG KOR POR A SYON

25

Ang iyong kontribusyon• Magtipid sa mga kagamitan at enerhiya.• Tiyakin na pamahalaan ang mga by-product at basura

mula sa produksiyon sa paraang eco-friendly. Siguruhin na ang mga raw na materyales, mga produkto at bsura ay ligtas na pinamamahalaan, dinadala at tinatapon.

HalimbawaNapansin mo na ang isang lata ng pintura o solvent ay may kaunting likidong tumutulo sa lupa.

Huwag asahan ang iba na mag-ulat nito. Abisuhan ang empleyaong responsable sa problema.

26

Kaligtasan ng produkto

Tungkol ditoHindi mabibilang ang mga taong nakikiugnay sa aming mga produkto sa araw-araw na batayan. Responsable ang MAN at mga empleyado ng MAN Group sa pag-aalis ng anumang mga peligro o panganob sa kalusugan at kaligtasan na maaa-ring magkaroon kapag pinamamahalaan sila sa posibleng sakop.

PI N U PU NA N NG M A N A NG R ESPONSI L I BI DA D N I TO BI L A NG KOR POR A SYON

27

Mga prinsipyong gumagabay sa MANSumusunod ang MAN sa lahat ng legal at teknikal na pan-gangailangan at pamantayan sa kaligtasan ng produkto.

Ang iyong kontribusyon Huwag gumawa ng anumang mga kompromiso pagdating sa kaligtasan ng produkto. Tiyakin ang maaaring isagawa ang mga angkop na pamamaraan sakaling may mga isina-saalang-alang ang kaligtasan - pati ang pag-alala ng produk-to kung kailangan.

HalimbawaNag-ulat ang isang kostumer ng mga teknikal na problema ng isang produkto sa iyo. Tiyak kang ang dahilan sa likod nito ay may mali sa bahagi ng kostumer nung pinagagana ang produkto ngunit hindi maalis ang pagmamanupaktura o mga depekto sa konstruksiyon.

Liwanagin ang usapin. Kailangang matiyak na malulutas ng MAN ang problema kung saan ito responsable. Kahit na mga mali ng kostumer habang pinagagana ay maaaring mag-atas sa MAN na tumugon (sa pamamagitan ng pag-babago ng mga tagubilin sa pagpapagana o pagsasanay ng user). Konsultahin ang superyor mo o ang responsab-leng kaugnayan para sa kakusugan ng produkto sa mga nasabing kaso.

28

Kalugtasan sa lugar ng trabaho

Tungkol ditoAng kaligtasan sa lugar ng trabaho ay nagsisilbi upang pigi-lan ang mga aksidenteng industriyal, mga pagkakasakit du-lot ng trabaho o mga peligro sa trabaho na kaugnay ng tra-baho. Kabilang dito ang mga pamamaraan sa kaligtasan at kalusugan sa okupasyon pati na ang proteksiyon ng kalusu-gan.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN May karapatan ang mga empleyado ng MAN sa ligtas at ma-lusog na kapaligiran sa pagtatrabaho. Tumutupad ang MAN sa lahat ng legal at teknikal na pangangailangan at mga pa-mantayan sa kaligtasan sa lugar ng trabaho.

Ang iyong kontribusyonHuwag magkompromiso pagdating sa kaligtasan sa lugar ng trabaho. Tandaan na ang kaligtasan sa lugar ng trabaho ay hindi lang sa iyo nakakaapekto ngunit pati sa mga kasama-han mo.

PI N U PU NA N NG M A N A NG R ESPONSI L I BI DA D N I TO BI L A NG KOR POR A SYON

29

Halimbawa Napansin mo na ang mga alarma sa sunog sa lugar ng tra-baho mo ay hindi nasuri sa araw ng pagkapaso. Pinalalagay mo na regular silang nasusuri ng mga taong responsable.

Huwag asahan ang mapanganib na katotohanang ito na inuulat ng ibang tao. Ang sunod na hindi natukoy ay na-patay nang nasa oras dahil sa depektibong alarma ng su-nog ay maaaring magkaroon ng mga malalang kahihi-natnan sa emergency. Abisuhan ang responsableng tao upang ang peligro sa kaligtasan na ito ay maalis.

30

31

Ang pagiging bukas at walang tinatago ay susi sa paglikha ng pagiging kapani-paniwala at tiwala sa kasanayan sa negosyo. Ito ay kung bakit ang MAN ay nagtatakda ng mahusay na tin-dahan sa sistematikong pagpapatupad ng mga legal na ba-langkas, mga patakaran sa mga pangkat at ang mga pangu-nahing pinahahaagahan ng Kompanya pati na ang malinaw na pagkomunika sa kanila.

Nagreresulta ito sa mga gabay na sumusunod:

3 | NAGSASAGAWA ANG MAN NG MGA UGNAYANSA NEGOSYO NA WAL ANG TINATA GO

Mga kasalungatan ng interes

Tungkol ditoAng kasalungatan ng interes ay umiiral kung ang mga priba-dong interes ng empleyado ng MAN ay salungat sa interes ng MAN o may posibilidad na mangyari ito. Kung tinuloy ng mga empleyado ng MAN ang mga personal na interes at hin-di sila isiniwalat o inilagay ang kanilang mga personal na interes nang mahigit sa Kompanya, maaari itong makapin-sala sa MAN at makwestiyon ang integridad ng Kompanya at ng pagiging propesyonal.

32

NAGSA SAGAWA A NG M A N NG WA L A NG T I NATAG ONGMGA UGNAYA N SA N EG OSYO

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN Lahat ng mga empleyado ng MAN ay dapat tumupad sa mga interes ng Kompanya. Umaasa ang MAN sa lahat ng mga em-pleyado nito sa pagpasya batay lang sa objective na paman-tayan at hindi pagpapahintulot sa kanilang magabayan ng mga personal na interes o ugnayan.

Ang iyong kontribusyon • Tandaan na maaaring mo ring makita ang sarili mo sa is-

ang kasalungatan ng interes. Ipaalam sa iyong superyor kung mayroon kang koneksyon sa mga indibidwal o mga kompanya kung kanino ang MAN ay nagsasagawa ng ne-gosyo na maaaring humantong sa mga kasalungatan ng interes - hal. relasyon sa pamilya, mga samahan, pakiki-pagsosyo sa negosyo o pamumuhunan.

• Iwasan ang magmukhang may kasalungatan ng interes at ibunyag ang anumang maliwanag o aktwal na mga sa-lungatan ng interes sa iyong superyor.

33

HalimbawaAng isa sa kinokontratang partido ng MAN ay madalas huli magbayad. Ang empleyado na responsable para sa pagbaba-yad ay isang kaibigan mo at samakatuwid ay mas gusto nito kung wala kang ginawa.

Sa ilang kaso maaari ring nasa interes ng MAN na balewa-lain ang mga nahuling pagbabayad. Subalit, dapat mong i-rule out ang bawat kaso kung saan ang pasyang ito ay inimpluwensiyahan ang mga personal na interes at mga dahilan. Huwag magpasya sa higit na kurso ng pagkilos nang ikaw mismo sa dahilang ito. Abisuhan ang superyor mo at makipagkasundo sa higit pang kurso ng pagkilos sa kanya.

34

Mga regalo, hospitality at mga imbitasyon

Tungkol ditoAng mga benepisyo sa anyo ng mga regalo, hospitality at mga imbitasyon ay laganap sa mga relasyon ng negosyo. Ang mga benepisyong ito ay itinuturing na legal na pinahi-hintulutan para pangalagaan ang mga kostumer at hindi is-ang dahilan para sa pag-aalala hangga‘t ang mga ito ay ma-katwiran. Subalit, kung lumagpas ang mga nasabing benepisyo sa kung ano ang makatwiran at maling ginamit upang impluwensiyahan ang mga kasosyo sa negosyo, maaari itong bumuo sa katiwalian.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN Ang MAN ay nagbigay ng malinaw na mga panuntunan kung kailan ang mga benepisyo sa anyo ng mga regalo, hos-pitality at mga imbitasyon ay naaangkop sa Patakaran ng Pangkat sa pamamahala ng mga regalo, hospitality at mga imbitasyon sa mga kaganapan, pati na rin ang mga hakbang na gagawin kapag tumatanggap at nagbibigay ng mga be-nepisyo.

Ang iyong kontribusyon • Kabisaduhin ang Patakaran ng Pangkat sa pamamahala

ng mga regalo, hospitality at mga imbitasyon sa mga ka-ganapan, at mahigpit na sumunod dito.

NAGSA SAGAWA A NG M A N NG WA L A NG T I NATAG ONGMGA UGNAYA N SA N EG OSYO

35

• Suriin ang asal mo kaugnay nito upang makita kung may mga kasalungatan ng interes o kung mayroon mang maaaring maganap.

HalimbawaAng empleyado ng supplier ng MAN ay nagbigay sa iyo ng mahalagang regalo sa iyong kaarawan na hindi ka pinahi-hintulutang tumanggap sa ilalim ng makabuluhang mga patakaran. Tiyak ka na hindi ito makakaapekto sa mga ugna-yan ng MAN sa negosyo sa supplier dahil hindi ikaw isa sa mga pangunahing gumagawa ng pasya.

Hindi ka pinahihintulutang balewalain ang mga pataka-ran ng pangkat na angkop sa ilalim ng anumang kalaga-yan. Kung nag-aalala kanagsasagawa ang man ng wa-lang tinata gong mga ugnayan sa negosyo na ang pagtanggi sa regalo ay maaaring mabigyan ng ibang ka-hulugan, makipag-ugnayan sa superyor mo at makipag-kasundo sa solusyon sa kanya.

36

Pagbabawal sa katiwalian

Tungkol ditoAng katiwalian ay malalang problema sa komersiyal na pan-gangalakal. Gumagawa ito ng mga pasya batay sa mga ma-ling batayan at hinahadlangan ang progreso at pagiging ma-kabago pati na ang pagpipilipit sa kumpetisyon at paninira sa Kompanya. Kriminal na paglabag ang katiwalian. Maaring magkaroon ng mga multa para sa MAN at mga parusa sa ila-lim ng krminal na batas para sa mga kaugnay na empleyado ng MAN.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN Ang kalidad ng mga produkto ng MAN ay ang susi sa tagum-pay ng Kompanya. Hindi pinababayaan ng MAN ang katiwa-lian. Dapat magbigay lang ang lahat ng mga empleyado ng MAN ng mga benepisyo sa mga kasosyo sa negosyo, mga kostumer o iba pang mga panlabas na third party sa ilalim ng legal na pinapayagan na mga kondisyon at nakahain ang mga patakaran sa makabuluhang mga patakaran ng pang-kat.

Ang iyong kontribusyon • Huwag kailanman direkta o hindi direktang tumanggap

ng suhol sa anumang paraan. Huwag kailanman magbi-gay ng suhol.

NAGSA SAGAWA A NG M A N NG WA L A NG T I NATAG ONGMGA UGNAYA N SA N EG OSYO

37

• Mag-ingat sa anumang mga pagkilos o katiwalian sa pali-gid mo.

• Kung makatanggap ka ng anumang mga tip na kaugnay sa katiwalian, abisuhan agad ang responsableng opisyal sa pagsunod o isa sa ibang mga kontak sa pahina 12.

HalimbawaResponsable ka sa pagtitinda sa isang kompanya ng MAN at nais lagpasan ang target na kita sa taong ito. Naghahanda kang mag-bid sa isang pangunahing kontrata na may inim-bitihang mga pag-bid ang isang potensiyal na kostumer. Ang gumagawa ng pasya na responsable sa kostumer ay nag-alok na impluwensiyahan ang pagbibigay ng kontrata sa pabor ng MAN.

Itanong ang alok. May anumang mga senyales ba ng katiwalian (hal. ginawa ng tagagawa ng pasya na maimpluwensiyahan ang inalok na umaasa mga maling aspeto tulad ng pagbabayad ng pera nang direkta sa ka-nya), dapat mong tanggihan ang alok., Abisuhan agad ang superyor mo o opisyal sa pagtupad na responsable.

38

Mga estado bilang mga kostumer at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Tungkol ditoAng mga pamahalaan, mga awtoridad at iba pang mga pam-publikong institusyon ay ang susing kostumer para sa MAN. Ang pamamahala sa kanila ay madalas na kasama ang mga espesyal na ayon sa batas na mga panuntunan. Ang mga in-dibidwal na paglabag ay maaaring may seryosong kahihinat-nan at maaaring humadlang sa pagbibigay ng pampubli-kong kontrata nang habang buhay.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN • Laging tumutupad ang MAN sa partikular na mahigpit na

mga legal na probisyon na ipatutupad kapag nakikipag-ugnayan sa mga pamahalaan, awtoridad at mga pampu-bikong institusyon.

NAGSA SAGAWA A NG M A N NG WA L A NG T I NATAG ONGMGA UGNAYA N SA N EG OSYO

39

• Ang mga tinatawag na “mga pampadulas na bayad” ay maaaring hilingin sa ilalim ng mga partikular na kalaga-yan (katulad ng mga bayad upang pabilisin ang mga usaping administrasyon na karaniwang nagkakaroon). Subalit, maaari itong ituring na hindi maaakong implu-wensiya. Sa dahilang ito, hindi gumagawa ang MAN ng mga pampadulas na bayad.

Ang iyong kontribusyonAlamin na ipatutupad ang mga partikular na mahigpit na kalagayan kapag nakikipag-ugnayan sa mga nagbibigay ng pampublikong kontrata.

HalimbawaAlam mo na may awtoridad na nagbabalak na kumuha ng mga bid para sa pangunahing kontrata. Isinasaalang-alang mong tawagan ang empleyado ng awtoridad na responsable para sa paghingi na kilala mo mula sa dati nang proyekto at ipadedesenyo sa kanya ang paghingi sa paraan na bagay ito sa MAN upang matiyak na makuha ng MAN ang kontrata.

Huwag ito gawin nang walang palya. Ilegal ang ganitong uri ng pagiimpluwensiya.

40

Mga consultant at mga ahente

Tungkol ditoKapag sinisimulan at/o nagsasagawa ng mga pakikipag-ug-nayan sa negosyo na batay sa pagbebenta, nagkokomisyon ang MAN Group ng mga panlabas na consultant sa ilang mga lugar ng negosyo na kumikilos sa kapasidad na suporta sa pagbebenta sa interes ng o sa utos ng MAN sa iba‘t ibang paraan.Subalit, walang garantiya na ang mga consultant na ito ay susunod sa parehong mataas na etikal na prinsipyo ng asal na ginagawa mismo ng MAN dahil hindi sila bahagi ng Pang-kat. Upang alisin ang peligro ng pagbabayad na ginawa ng MAN na magamit bilang mga pondo sa katiwalian hangga‘t posible, kailangang mag-ingat sa paggamit ng mga consul-tant. Ang mga legal na paglabag ng mga ganitong uri ng mga consultant ay maaaring makasira sa reputasyon ng MAN at magdulot na managot ang Kompanya sa mga third party pati na mga napakataas na mga multa.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN Gumagamit lang ang MAN ng mga consultant na kalinya ng pangkalahatang patakaran ng batas at mga panuntunan ng Patakaran ng Pangkat sa pakikipag-ugnayan sa mga kasosyo

NAGSA SAGAWA A NG M A N NG WA L A NG T I NATAG ONGMGA UGNAYA N SA N EG OSYO

41

sa negosyo na may tagapamagitan at/o pagganang pan-gangatawan. Tinitiyak nito na ang bayad ay babayaran lang para sa konsultasyon at mga serbisyo ng ahensiya na tala-gang ginawa at ang mga bayad ay alinsunod sa isinagawang pagganap.

Ang iyong kontribusyon • Maingat na suriin ang integridad ng mga potensiyal na

consultant at ahente bago magbigay ng mga tagubilin at magsagawa ng mga pagbabayad at tumuloy ayon sa Pata-karan ng Pangkat sa pakikipagugnayan sa mga kasosyo sa negosyo kasama ang tagapamagitan at/o paggana sa pangangatawan.

• Tiyakin na ang mga kontratang responsable ka ay mati-bay sa legal at pang-negosyong pagbubusisi, kahit na alinsunod sa mga maihahambing na kontrata sa mga ibang ahente.

42

HalimbawaBahagi ang MAN sa pampublikong paghingi ng mga bid. Ni-lapitan ka ng ahente at sinabihan ka na matitiyak niya na maibibigay ang kontrata sa MAN kapalit ng karagdagang ba-yad sa ahensiya.

Maaaring managot ka sa prosekusyon kung aprubahan mo ang karagdagang bayad sa ahensiya at ginamit ng ahente ang bayad na ito bilang suhol upang matiyak na maibigay sa MAN ang kontrata. Upang maalis ang peli-grong ito, dapat mong suriin ang integridad ng ahente gamit ang mga panuntunang nilatag sa Patakaran ng Pangkat sa mga pakikipag-ugnayan sa kasosyo sa nego-syo gamit ang tagapamagitan at/o paggana ng pangang-atawan.

NAGSA SAGAWA A NG M A N NG WA L A NG T I NATAG ONGMGA UGNAYA N SA N EG OSYO

43

Gumagana ang MAN bilang patas at responsableng kakum-petensiya. Sa kasong iyon, lahat ng mga empleyado ng MAN ay kailangang tumupad sa mga gabay na kasunod:

4 | GUMAGANA ANG MAN SA ISANG PATAS ATMAL AYAN G MERK ADO

44

Patas na kumpetisyon

Tungkol ditoAng patas at malayang kumpetisyon ay protektado ng kum-petisyon at antitrust na batas na pinatutupad. Ang pagsu-nod sa batas na ito ay tumitiyak na ang kumpetisyon ay hin-di binaluktot - na nasa interes ng lahat ng mga mamimili at para sa benepisyo nila.Ang mga kasunduan at mga pinagsamang kasanayan sa pa-gitan ng mga nagkukumpetensiya ay nilalayong makamit o ipatupad ang paghadlang o pagpigil sa kumpetisyon ay pi-nagbabawalan. Ang pag-abuso ng dominanteng posisyon sa merkado ay hindi rin maaaring aminin. Ang nasabing pang-aabuso, halimbawa, ay sa paraan ng pagtrato sa mga kostu-mer nang naiiba sa walang objective na dahilan (diskrimina-syon), pagtangging magtustos, pagpapatupad ng hindi makatiwrang mga presyo sa pagbili/pagbenta at mga kundi-syon o pakikipag-ayos sa walang objective na dahilan para sa karagdagang hinihinging pagganap. Ang laban sa kumpeti-syong asal ay di lang may potensiyal na sirain nang maka-buluhan ang reputasyon ng MAN, ngunit para din magkaro-on ng mga malalang multa at bayarin.

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

45

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN • Ang negosyo ng MAN ay isinasagawa tanging sa batayan

ng merito at mga prinsipyo ng ekonomiya ng merkado pati na ang malaya ay bukas na kumpetisyon. Gusto naming sukatin ang sarili namin laban sa aming mga kakumpetensiya, laging tumutupad sa mga patakaran at regulasyon pati na sa obserbasyon ng mga etikal na prin-sipyo.

• Hindi pumapasok ang mga empleyado ng MAN sa anu-mang mga laban sa kumpetisyon na mga kasunduan sa mga kakumpetensiya, supplier o mga kostumer. Kung ang MAN ay nasa dominanteng posisyon sa merkado, hindi nito inaabuso ang posisyong ito.

Ang iyong kontribusyon • Tiyakin na kapag nakikipag-ugnayan sa mga kakumpiten-

siya na walang impormasyon ang isisiwalat o matatang-gap na magpapahintulot sa paggawa ng mga konklusyon tungkol sa kasalukuyan o hinaharap na asal sa negosyo ng impormante.

• Iwasan ang mga pag-uusap sa mga kakumpetensiya tung-kol sa mga isyu na mahalaga sa kumpetisyon. Ang mga halimbawa ng mga nasabing isyu ay mga presyo, pagpe-presyo, pagpaplano ng negosyo, mga nakaimbak na im-bentaryo o mga oras ng paghahatid.

46

Halimbawa Kausap mo ang empleyado ng kakumpetensiya sa isang trade fair. Makalipas ang sandali, napansin mo ay sinusubu-kan niyang magbigay ka ng impormasyon tungkol sa pag-plano ng MAN sa negosyo para sa susunod na fiscal na taon. Kapalit, nag-aalok siyang magsiwalat ng parehong impor-masyon tungkol sa kompanya niya.

Gawing napakalinaw agad sa empleyado ng kakumpeten-siya na hindi ka makikipag-usap sa kanya tungkol sa mga nasabing isyu. Ang ganitong uto ng pag-uusap - bilang karagdagan sa awtorisadong pagsisiwalat ng mga sikreto ng negosyo - ay paglabag sa mga batas sa kumpetisyon at antitrust na pinatutupad at maaaring magkaroon ng mga napakasamang kahihinatnan para sa iyo nang per-sonal at sa MAN pati na sa kakumpetensiya. Abisuhan ang opisyal sa pagsunod na responsable o isa sa mga kontak na nabanggit sa pahina 12 ng insidenteng ito.

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

47

48

Patas na pagbili

Tungkol ditoSumusunod ang MAN sa kontrata sa maraming mga sup-plier ay tagapagbigay ng serbisyo sa mga operasyon nito ng negosyo. Ginagawa nilang posible para magtustos ang MAN sa mga sarili nitong kostumer ng mga produkto at serbisyo. Ang tagumpay sa negosyo ng MAN ay umaasa, bukod sa mga ibang bagay, sa pagtatrabaho kasama ang pinakamay kaka-yahang mga supplier at tagapagbigay ng serbisyo.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN• Maingat na pumipili ang MAN ng mga supplier at mga

tagapagbigay ng serbisyo batas sa objective na pamanta-yan.

• Kapag bumibili ng mga produkto at serbisyo, ang mga responsableng departamento sa pagbili ay dapat konsul-tahin bilang nakalatag sa makabuluhang mga patakaran sa pagbili.

Ang iyong kontribusyon • Huwag paboran ang pagkiling sa supplier o tagapagbigay

ng serbisyo nang walang objective na dahilan. Iwasan ang anumang kasalungatan ng interes (tingnan din ang Mga kasalungatan ng interes, pahina 31).

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

49

• Huwag bumili ng anumang mga produkto o serbisyo nang hindi muna tinitingnan ang merkado at alternatibong mga supplier. Sundin ang mga patakaran ng pangkat na makabuluhan sa Pangkat at maaga pa lang sa proseso ng pagbili, iugnay ang responsableng departamento ng pag-bili.

Halimbawa Nalaman mo na nais ng MAN magkomisyon ng supplier na naghahatid ng mababang kalidad sa mga presyong masya-dong mataas bilang bahagi ng pangunahing order habang ang quote mula sa ibang supplier na naghahandog ng mas mataas na kalidad at mas mahusay na halaga ng pera ay hin-di isinasalang-alang.

Abisuhan ang isa sa mga kontak na nakalista sa pahina 12 o ang responsableng departamento ng pagbili upang ma-tiyak na ang quote na may pinakaka-epektibong presyo para sa MAN ay may pagkakataon.

50

Kontrol ng export

Tungkol ditoPinipigilan ng kontrol ng export ang banyagang panganga-lakal at pagbabayad ng isang bansa o isang ekonomikong lugar para sa mga kadahilanan ng seguridad. Sinasakol ng kontrol ng export ang mga crossborder na palitan ng mga goods at mga serbisyo sa mga kompanya ng pangkat pati na mga third party. Ang mga kontrol ng export ay nilalayinghadlangan ang pagkalat ng mga weapons of mass destruc-tion at hindi kontroladong pagkalat ng mga armas.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN Tumutupad ang MAN sa lahat ng mga probisyon sa pag-im-port at pagexport ng mga goods, serbisyo at impormasyon.

Ang iyong kontribusyon Sa kaso ng mga pasya na mag-import o mag-export ng mga produkto, may kamalayang suriin kung ang pasyang ito ay maaaring sumailalim sa kontrol ng export. Kumuha ng payo sakaling may anumang pagaagam-agam, hal,. mula sa mga kontak na nakalista sa pahina 12 o sa makabuluhang legal na departamento.

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

51

HalimbawaNakatanggap ka ng hiling mula sa isang potensiyal na kostu-mer na nais mag-order sa MAN para mag-supply ng mga produkto sa isang bansa na nasa giyera.

Linawin ang usapin sa pamamagitan ng pagtanong sa le-gal na departamento tungkol sa mga restriksiyon sa pag-export na nilalapat sa bansang susuplayan (hal. isang em-bargo ng UN) at hindi nagtatapos sa anumang mga kontrata na ipatutupad sa MAN para magexport sa ban-sang ito maliban kung ang isyu ay ganap na nalinaw.

52

Pagbabawal sa money laundering

Tungkol ditoMay mga batas laban sa money laundering na nakatalaga sa maraming bansa. Nagaganap ang money laundering kapag ang mga pondo o ibang mga ari-arian na nagmumula nang direkta o hindi direkta mula sa mga kriminal na paglabag ay nilagay sa sirkulasyon sa legal na ekonomiya, pinamumukha silang legal. Ang pananagutan sa money laundering ay hindi nag-aatas sa taong kaugnay na malaman na ang pera ay nilo-launder sa pamamagitan ng legal na transaksiyong kaugnay o kaugnay na paglipat. Ang hindi sadyang pagkakaugnay sa money laundering ay maaaring maging dahilan para sa mga malalang multa sa lahat ng naugnay.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN • Maingat na sinusuri ng MAN ang mga pagkakakilanlan ng

mga kostumer, mga tagapagbigay ng serbisyo, mga con-sultant at mga ibang third party na pinasukan ng mga legal na ugnayan. Dineklarang layunin ng MAN na magsa-gawa lang ng mga ugnayan sa negosyo sa mga seryosong kasosyo sa negosyo na gumagana kalinya ng mga legal na probisyon at paggamit ng mga pondo mula sa mga lehiti-mong pinagmulan.

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

53

• Ang mga papasok na bayad ay dapat italaga sa mga kaug-nay na serbisyo at walang antalang ipo-post. Lahat ng mga pera ay dadaloy nang walang tinatago at bukas.

Ang iyong kontribusyon • Huwag gumawa ng anumang pagkilos na maaaring luma-

bag sa mga probisyon ng money laundering sa tahanan o sa ibang bansa. Maging alerto at imbestigahan ang ma-panghinalang mga asal ng mga kostumer, consultant at mga kasosyo sa negosyo.

• Huwag tumanggap ng anumang mga perang bayarin. La-ging hingin na ang bayad ay isagawa sa pagpapadala sa bangko sa halip, na karaniwan sa mga pangkalahatang ugnayan sa negosyo.

• Sumunod sa lahat ng mga angkop na probisyon sa pagta-tala at accounting ng mga transaksiyon at kontrata sa loob ng lugar ng pananagutan mo.

54

HalimbawaMasyadong malaking halaga ang binayaran ng isang kostu-mer ng MAN. Hinihingi niya na ang sobrang halaga ay ibalik sa pamamagitan ng paglipat nito sa isang account na nasa USA o Switzerland o pagbayad nang pera sa halip na paglipat sa bangko sa pangkalahatang account niya ng negosyo.

Kailangan ng hiling na ito ng paliwanag. Huwag agad tanggapin ang mungkahi. Sa halip, tanungin ang kostu-mer kung bakit hindi maaaring bayaran ang halaga sa parehong paraan kung paano ito binayad. Kung nagdu-duda ka pa rin kung ang hiling ng kostumer ay lehitimo matapos niyang sumagot, kumuha ng payo mula sa mga kontak na nabanggit sa pahina 12 o sa responsableng legal na departamento.

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

55

56

Kapital na merkado

Tungkol ditoMaaari lang magtalaga ang MAN at panatiliin ang kumpiy-ansa ng publiko pati na ang tiwala ng mga shareholder at kumokontratang partido sa pamamagitan ng maayos na ac-counting at tamang pag-ulat. Ang anumang mga iregulari-dad ay maaaring may mga seryosong kahihinatnan para sa MAN, at partikular sa mga responsableng empleyado.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN Mahigpit na tumutupad ang MAN sa mga pangkalahatang pa-nuntunan ng batas sa maayos na accounting at pinansiyal na pag-ulat. Napakahalaga dito ng walang pagtatago at pagiging bukas.

Ang iyong kontribusyonTiyakin na lahat ng pinansiyal na impormasyon ay tamang nakaulat ay nasa mahusay na oras sa lugar ng pananagutan mo. Kung mayroon kang anumang mga tanong kung paano itatala nang tama ang data, makipag-ugnayan sa superyor mo o sa responsableng departamento ng pananalapi.

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

57

HalimbawaAgaran mong kailangan ng bagong kagamitan Subalit, ang budget ng departamento mo para sa kasalukuyang fiscal na taon ay naubos na. Isinasaalang-alang mo pa ring bilhin ang kagamitan at i-post ang mga gastos sa susunod na fiscal na taon kapag napunan na ang iyong budget.

Lagi dapat tamang mai-post ang mga entry. Ang pagpo-post ng mga entry nang mali ay maaaring may mga ma-lalang kahihinatnan para sa kompanya o mga indibidu-wal na empleyado.

58

Pagbabawal sa insider trading

Tungkol ditoPinagbabawalan ng mga legal na regulasyon ang paggamit o pagpapadala ng panloob na impormasyon sa pagbili o pag-bebenta ng shares, mga pinansiyal na instrumento o ibang mga security. Kabilang sa mga halimbawa ng ganitong uri ng panloob na impormasyon ay mga forecast ng kita, mga peligro ng kawalan o impormasyon ng negosyo ng MAN na hindi pampublikong kaalaman at maaaring makaimplu-wensiya sa presyo ng shares ng MAN kung malaman ito ng publiko.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN Isinasagawa ng MAN na patas na mag-trade ng mga security nang walang eksepsyon at hindi binabalewala ang anumang insider trading. Lahat ng mga empleyado ng MAN ay pinahi-hintulutan lang gamitin ang kaalaman ng mga kumpedensi-yal na panloob na plano para sa layunin ng negosyo at hindi ipadala ang kaalamang ito sa mga third party.

GUM AGA NA A NG M A N SA ISA NG PATA S ATM A L AYA N G M ER K A D O

59

Ang iyong kontribusyon • Huwag kailanman magpadala ng panloob na impormasy-

on sa mga nasa labas na partido, kabilang ang mga miy-embro ng pamilya (hal. ang iyong asawa), nang walang paunang pag-apruba.

• Kung may access ka sa panloob na impormasyon, huwag bumili o magbenta ng mga shares ng MAN ang hindi muna kumukuha ng pag-apruba mula sa iyong legal na departamento.

HalimbawaNatutunan mo mula sa trabaho mo sa MAN na ang pagbili ng bagong negosyo ay iaanunsiyo sa susunod na press confe-rence ng Kompanya. Alam mo na ang isang matalik na kaibi-gan ay sa kasalukuyang nag-iisip kung ibebenta ang mga sha-res niya sa MAN. Dahil maaaring tumaas ang shares ng MAN kapag ang agbili ng bagong lugar ng negosyo ay inanunsiyo, isasaalang-alang mong sabihin sa kaibigan mo na maghintaysiya sa pagbenta ng shares niya hanggang sa press conference.

Huwag magbigay ng tip sa kaibigan mo anuman ang sir-kumstansiya. Dahil ang impormasyon na alam mo ay hin-di pampubliko ngunit panloob na kaalaman, hindi ka pi-nahihintulutang ibabahagi ang kaalamang ito sa ibang tao sa anumang sirkumstansiya. Ang pagpapadala ng kaalamang ito nang direkta o hindi direkta ay maglalagay sa iyong maaaring managot sa prosekusyon.

60

61

Nasa sariling interes ng MAN at bawat indibiduwal na emp-leyado na protektahan ang empleyado at data ng kostumer pati na ang partikular sa kompanya na kaalaman at mga ari-arian.

Ang mga susunod na gabay ay ilalapat sa kontekstong ito.

5 | PINOPROTEKTA HAN NG MAN ANG DATA, MGA SIKRETO SA NEGOSYO AT MGA ARI-

ARIAN NG KOMPANYA

62

Proteksiyon ng data

Tungkol ditoMay mga espesyal na panuntunan ng batas para protekta-han ang pagkapribado kapag pinamamahalaan ang perso-nal na data. Ang pagkolekta, pag-imbak, pagproseso at ibang paggamit ng personal na data ay kailangan ng pahintulot ng taong kaugnay o legal na batayan.

PI NOPRO T EK TA H A N NG M A N A NG DATA , MGA SI K R ETO NGN EG OSYO AT MGA A R I-A R I A N NG KOM PA N YA

63

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN • Pinoprotektahan ng MAN ang personal na data ng mga

empleyado, kostumer, supplier at mga ibang taong kaug-nay.

• Kumokolekta, nagtitipon, nagpoproseso, gumagamit at nag-iimbak lang ang MAN ng personal na data kung saan ito inaatas ng batas o inaatas para sa nireregulang ope-rasyon ng negosyo ng MAN.

Ang iyong kontribusyon • Tiyakin na ang personal na data ay kinokolekta lamang,

ini-imbak, pinoproseso o ginagamit sa anumang iba pang mga paraan sa isang legal na batayan o may pahintulot ng taong kaugnay.

• Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng proteksyon ng ng data ng MAN Group o isa sa mga kontak na nakalista sa pahina 12 sakaling may anumang pag-aalinlangan.

HalimbawaNagsaayos ka ng seminar para sa MAN na may mga panlabas na kalahok at nakatanggap ng personal na data mula sa mga kalahok para dito. Pinapapasa sa iyo ng kasamahan ang mga address.

Huwag magpasa ng data na ito nang hindi kinukunsulta ang isa sa mga kontak na nabanggit sa itaas. Sa prinsipyo, magagamit lang ang data para sa layunin kung saan ito kinomunika.

64

Proteksyon ng kaalaman, mga patent, mga lihim ng pangangalakal at negosyo

Tungkol ditoGumagawa ang MAN ng mahalagang kaalaman mula noong 1758. Ang MAN ay may hawak sa mahigit sa 4000 pandaigdi-gang protektadong patent at may malakawk na mga lihim sa pangangalakal at negosyo bilang karagdagan sa teknikal na kaalaman. Ang kaalamang ito ay ang batayan ng ating tagum-pay sa negosyo. Ang hindi pinahihintulutang pagpapadala ng nasabing kaalaman ay maaaring magdulot ng napakataas na kawalan sa MAN at sa mga multa sa ilalim ng bata ng mangga-gawa, sibil at kriminal para sa naugnay na empleyado.

Mga prinsipyong gumagabay sa MAN• Alam ng MAN kung gaano ang halaga nito sa kaalaman at

masyadong nag-iingat na protektahan ito. • Kinikilala at nirerespeto ng MAN ang intelektuwal na pag-

aari ng mga kakumpetensiya at mga kasosyo sa negosyo.• Hindi pinahihintulutan ang mga empleyado ng MAN na

maglipat ng kumpedensiyal na impormasyon katulad ng teknikal na data, pinansiyal na data, data ng negosyo, im-pormasyon ng kostumer o ibang impormasyong kaugnay ng negosyo ng MAN sa mga third party.

PI NOPRO T EK TA H A N NG M A N A NG DATA , MGA SI K R ETO NGN EG OSYO AT MGA A R I-A R I A N NG KOM PA N YA

65

Ang iyong kontribusyon • Tratuhin ang impormasyong kaugnay ng teknikal na kaa-

laman, mga patent, mga lihim sa pangangalakal o negosyo nang maingat. Dapat ding mag-ingat sa mga bukas na do-kumento at mga hindi nakaencrypt na file (tingnan din ang Seguridad ng IT, pahina 66).

• Respetuhin ang intelektuwal na pag-aari ng mga kakum-petensiya at mga kasosyo sa negosyo.

HalimbawaKaugnay ka sa paggawa ng bagong patent na hindi pa naireh-istro. Ipiprisinta mo ang paggawa sa iba‘t ibang site ng MAN at nais dalhin ang iyong laptop kung saan ang mga maka-buluhang dokumento ay naka-save, para sa layunin ng pre-sentasyon. Nilalayon mong repasujin muli ang mga doku-mentong ito sa eroplano o sa tren papunta sa mga indibiduwal na site.

Dapat mong tiyakin na ang sensitibong impormasyon na pag-aari ng MAN ay hindi mapunta sa mga hindi pinahi-hintulutang kamay dahil maaari nitong ganap na ipawa-lang-bisa ang isang patent. Huwag kunin ang ganitong uri ng impormasyon sa mga lugar kung saan ang mga third party ay makakakuha nito o maitatala ito.

66

Seguridad ng IT

Tungkol ditoAng Information technology (IT) o electronic data processing (EDP) ay naging mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa MAN habang inuugnay ang maraming peligro kasa-bay nito. Pangunahing kasama nito ang pagpinsala sa pag-proseso ng data bilang resulta ng mga mapanirang program (mga virus), kawalan ng data dulot ng mga error sa program o maling paggamit ng data (hal, dahil sa mga hacker).

Mga prinsipyong gumagabay sa MANMabuting inaalagaan ng MAN ang seguridad ng IT at EDP. Lahat ng mga empleyado ng MAN ay kailangang tumupad sa angkop na mga gabay sa IT/EDP.

PI NOPRO T EK TA H A N NG M A N A NG DATA , MGA SI K R ETO NGN EG OSYO AT MGA A R I-A R I A N NG KOM PA N YA

67

Ang iyong kontribusyon • Kabisaduhin ang angkop na mga gabay ng IT/EDP at ang

mga pagiingat sa seguridad na nakalatag sa kanila at ob-serbahan ang mga patakaran na kasama dito, lalo na kung pribadong gumagamit ng mga IT system.

• Alamin na ang e-mail ay hindi isang ligtas na paraan ng komunikasyon, kaya huwag kailanman magpadala ng na-pakakumpedensiyal na impormasyon at dokumento gamit ang e-mail.

Halimbawa Wala ka sa opisina at agarang kailangan ng password-protec-ted na data na naka-save sa iyong computer. Alam mo na ang isang kasamahan na hindi kaugnay sa proyekto at walang access sa password-protected na data mismo ay nasa opisina ngayon.

Pigilan ang halatang temptasyon na tawagan ang kasa-mahan mo at ibigay sa kanya ang password upang ma-kuha niya ang nais na data sa halip na ikaw at ipadala ito sa iyo. Sa halip ay makipag-ugnayan sa makabuluhang departamento ng IT dahil makukuha nila ang data nang walang hindi kailangang peligro sa seguridad.

68

Pamamahala ng ari-arian ng kompanya

Tungkol ditoAng mga ari-arian ng MAN na tangible at intangible ay para sa mga partikular na layunin. Nagsisilbi sila para matulun-gan ang mga empleyado nating makamit ang mga layunin ng negosyo ng MAN at maaari lang gamitin para sa mga lay-unin ng negosyo.

Mga prinsipyong gumagabay sa MANLahat ng mga empleyado ng MAN ay dapat rumespeto sa mga tangible at hindi tangible na mga ari-arian at hindi pi-nahihintulutang gamitin sila para sa mga layuning hindi negosyo.

Ang iyong kontribusyonAlamin na ang mga ari-arian ng kompanya ay maaari lang gamitin para sa mga layunin ng negosyo. Pamahalaan ang mga ari-arian ng kompanya nang paunti-unti at maingat. Tiyakin na ang anumang mga ari-arian ng kompanya na gi-namit mo para sa trabaho mo o nakaugnay mo sa trabaho mo ay hindi sira, maling nagamit o nasayang.

PI NOPRO T EK TA H A N NG M A N A NG DATA , MGA SI K R ETO NGN EG OSYO AT MGA A R I-A R I A N NG KOM PA N YA

69

HalimbawaAng iyong club sa soccer ay nagbabalak ng biyahe sa kata-pusan ng linggo at tinatanong ng tesurero kun maaari ka, isang empleyado ng MAN, „magsaayos“ ng isang demonstra-syong bus mula sa fleet ng MAN.

Bilang patakaran, ang mga demonstrasyong bus ay mau-upahal lang ng mga empleyado ng MAN sa ialim ng mga kalagayan ng merkado. Hindi ka pinahihintulutang mabi-gyan ng demonstrasyong bus nang libre para sa priba-dong paggamit o gawin itong magagamit ng mga third party.

70

Komunikasyon at advertising

Tungkol ditoMahalaga sa MAN na magkomunika nang malinaw at bukas sa mga empleyado, kasosyo sa negosyo, mga shareholder at namumuhunan, sa press at ibang mga interesadong pang-kat. Ang mabuting komunikasyon ay nangangailangan ng mga partikular na panuntunan upang matiyak na ang Pang-kat ay magpakita ng uniporme at hindi nagbabagong imahe.

PI NOPRO T EK TA H A N NG M A N A NG DATA , MGA SI K R ETO NGN EG OSYO AT MGA A R I-A R I A N NG KOM PA N YA

71

Mga prinsipyong gumagabay sa MANAng uniporme at malinaw na komunikasyon ay mahalaga upang mapanatili ang kumpiyansa ng mga kostumer at na-mumuhunan sa interes ng mga empleyado. Ang maka-buluhang departamento ng komunikasyon at pagmemerka-do ay kukunsultahin bago mangako sa anumang pamamaraan sa komunikasyon at pagmemerkado at isaga-wa ito.

Ang iyong kontribusyonLaging isangguni ang anumang mga hiling para sa mga pa-hayag sa ngalan ng MAN sa departamento ng mga komuni-kasyon.

HalimbawaNakatanggap ka ng tawag mula sa isang mamamahayag na humingi sa iyo ng mga pahayag sa partikular na isyu sa pan-galan ng MAN.

Huwag pahintulutan ang sarili mong sumailalim sa pu-wersa at huwag magbigay ng anumang mga pahayag para sa MAN nang hindi kumukusulta muna sa departa-mento ng komunikasyon. Laging direktang isangguni ang mga nasabing hiling sa departamento ng komunikasyon.

72

Kontak

Makakahanap ka ng higit pang impormasyon sa pagsunod sa MAN intranet sa http://man-inside.eu at sa internet sa www.man.eu

Compliance Helpdesk: [email protected] Tel.: +49. 89. 36098-555

Pinakabagong bersyon ng Kodigo ng Asal: Mahahanap mo anumang oras ang pinakabagong Kodigo ng Asal sa intranet ng Kompanya sa http://man-inside.eu at sa internet sa www.man.eu

Para sa pinahusay na pagbabasa, ang mga indibiduwal ay minsang

tinutukoy sa ulat na ito gamit ang panlalaking paraan.

Sa mga nasabing kaganapan, lahat ng mga panghalip ay

nauunawaan na tumutukoy sa kababaihan at kalalakihan.

Karapatang-ari 2010

MAN SE, Ungererstrasse 69, 80805 Munich, Germany

CODE OF CONDUCT