Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at...

8
Sesyon 4 Sesyon 4

Transcript of Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at...

Page 1: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

Sesyon 4Sesyon 4

Page 2: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

46

Pangkalahatang-IdeyaPangkalahatang-Ideya

Panimula

Kikilalanin ng mga mag-aaral ang kanilang sariling pangangailangan at kagustuhan at ihahambing ang mga ito sa pangangailangan at kagustuhan ng kanilang pamilya. Matutuhan din nila na kung minsan ay kailangan nilang maghintay upang makuha ang kanilang gusto.

Mga Layunin:

Ang mga mag-aaral ay:

• auunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kailangan at mga gusto

• matutuhan na kung minsan kailangan munang maghintay upang makuha ang gusto.

Oras

40-45 minuto.

Skills

Pakikinig

Pagmamasid

Pagpaplano

Pagsusuri

Pagtatanghal

Mga KonseptoGumastosKailanganGustoMaghambing

Page 3: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

47

Balangkas ng Sesyon

Panimula at ang musikang video ng Cha-Ching

Ipakita ang musikang video ng Cha-Ching: “Spend Your Money Wisely, My Friend (Matalinong Gastusin Ang Pera Mo, Kaibigan Ko)”.

Pagtalakay ng mga Konsepto

Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman

Mga Gawain at Paglalahad

Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling plano ng badyet. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpuno ng mga kailangan at mga gusto sa sanayang-papel.

Humiling ng 3-4 na mag-aaral na magbahagi ng kanilang ideya sa harapan ng klase.

Ipamahagi ang Hamong Magtipid sa Pamilya.

Buod

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagkilala ng pangangailangan sa kagustuhan habang namimili, ganoon din ang maghintay at mag-isip muna bago gumastos.

Hikayatin ang mga mag-aaral na dalhin sa bahay ang Hamong Magtipid sa Pamilya.

Page 4: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

48

Paghahanda

Pagbalik-aralan ang mga gawain at listahan ng mga kagamitan.

Sanayin ang sarili sa konsepto ng gumastos upang matugunan nang mabuti ang mga posibleng tanong na manggagaling sa mga mag-aaral. Tingnan ang kahulugan nito sa pahina 49 upang matulungan ka sa paghahanda.

Para sa mga mag-aaral na mas natututo sa paraang biswal, isulat ang lahat ng mga susing termino/konsepto sa pisara.

Ayusin upang maipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling plano ng badyet at ang hamong magtipid sa pamilya sa panahon ng gawain. Ito ang mga pabaon na iuwi ng mga mag-aaral upang ibahagi sa kanilang pamilya.

Mga Kagamitan

• Musikang video ng Cha-Ching (1 sa bawat klase)

• Sanayang-papel sa Pansariling Plano ng Badyet (S4-1), (1 sa bawat mag-aaral)

• Hamong Magtipid sa Pamilya (S4-2) – sa Librito ng mag-aaral (1 sa bawat mag-aaral)

• Mga Tala sa Gawaing-Bahay – Sesyon 4 (S4-3)- sa Librito ng mga mag-aaral (1 sa bawat mag-aaral)

• Pasilidad upang maipakita ang musikang video ng Cha-Ching (wala sa kit)

• Mga lapis (wala sa kit)

Page 5: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

49

Hakbang-hakbang na Hakbang-hakbang na PaglalahadPaglalahad

1. Panimula at Ang Musikang Video ng Cha-Ching

Batiin ang mga mag-aaral at balikang madali kung ano ang tinalakay nang nakaraang aralin.

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na manonood tayo ng video tungkol sa matalinong paggastos. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod. Humiling muna ng ilang mga sagot mula sa iba-ibang mag-aaral bago ibigay ang wastong sagot.

• Ano ang huling bagay na pinagkagastusan mo ng pera?

• Bakit mo binili ito?

• Nang binili mo ito, naghambing ka ba ng mga presyo?(Sabihin sa mga mag-aaral na ang Naghambing ay ang pagsisiyasat ng pagkakatulad at pagkakaiba)

• Kailangan mo ba ito o gusto mo lang? Ano ba ang pagkakaiba ng kailangan sa gusto? (Sagot: Ang kailangan ay tumutukoy sa bagay na dapat mayroon ka sa pang-araw-araw na buhay (tubig kung ikaw ay nauuhaw, damit atbp.); Ang gusto ay tumutukoy sa bagay na nais mong magkaroon subalit hindi naman masyadong kailangan (laruan,dkorasyon, isnak atbp.)

• Nang ginusto mo ito, may pera ka na ba o kailangan mo munang maghintay bago ito mabili?

• Ano nga ba ang kahulugan na gastusin mo nang matalino ang iyong pera? (Sagot: Huminto at mag-isip muna bago gumastos, unawain muna ang kailangan at gusto bago mamili, maghambing at i-tsek ang alternatibo bago magpasya, magpokus sa layunin nang hindi magambala ng ibang bagay, atbp.)

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang panonooring video ay sasagot sa tanong na “May pera ako, ano ang gagawin ko rito?” (Antalang kasiyahan). Hikayatin ang mga mag-aaral na manood nang mabuti at tingnan kung masasabi nila na matalino nga nilang nagagastos ang pera o hindi.

Show the following music video:

Panimula at Ang Musikang Video ng Cha-Ching5 minuto

Kailangan/ Pangangailangan ay tumutukoy sa bagay na dapat na mayroon ka sa iyong pang-araw-araw na buhay (hal. tubig kapag ikaw ay nauuhaw, damit atbp)

Gusto/Kagustuhan ay tumutukoy sa bagay na nais mong magkaroon subalit hindi naman kinakailangan (hal. laruan, dekorasyon, isnak atbp.)

Gumastos ay tumutukoy sa pagagamit ng perang pambili/pambayad sa mga bagay o sebisyo.

Maghambing ay tumutukoy sa pagsisiyasat ng pagkakatulad o pagkakaiba

• “Spend your Money Wisely, My Friend (Matalinong Gastusin Ang Pera Mo, Kaibigan Ko)”

Page 6: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

50

2. Pagtalakay ng mga KonseptoItanong ang sumusunod tungkol sa video. Humiling ng ilang mga sagot muna sa mga mag-aaral bago ibigay ang wastong sagot..

• Ano ang nangyari sa banda ng Cha-Ching na nagtulak sa kanila upang maging matalino sa paggastos? (Sagot: Nasira ang kanilang ispiker at kailangan nilang maging matalino sa paggastos upang makakuha ng bagong ispiker para sa banda)

• Ano ang ginawa ng mga tauhan upang gastusin nang matalino ang kanilang pera? (Sagot: Namili sila sa pagitan ng kailangan at gusto nila, naglibot-libot muna sa pamimili at naghambing ng mga opsyon)

• Ano ang kanilang mga pagpipilian? Ano ang kanilang pinili? Bakit? (Sagot: Keyboards (tipahan) sa shop (pamilihan) o online bidding (sa linyang tawaran). Pinili nila ang online bidding sapagkat ito ang mas murang opsyon)

• Ano ang nangyari sa huli, ito ba ay mabuti o masama? Bakit? (Sagot: Ito ay mabuti. Sa huli ang banda ay nakaipon nang sapat na pera at nakabili ng bagong ispiker sa pinakamainan na halaga, kung saan mas mababa pa sa kanilang pinag-ipunan)

• Ano ang kahulugan na gastusin nang matalino ang iyong pera? (Sagot: Huminto at mag-isip muna bago gumastos, unawain muna ang kailangan at gusto bago mamili, maghambing at i-tsek ang alternatibo bago magpasya, magpokus sa layunin nang hindi magambala ng ibang bagay, atbp.)

Susing Mga Tanong sa Konsepto

Itanong ang sumusunod. Humiling muna ng ilang mga sagot mula sa iba-ibang mag-aaral bago ibigay ang wastong sagot.

• Ano ang iyong mga kailangan at mga gusto? Magbigay ng mga halimbawa.

• Paano ninyong parehong nalulugod ang kailangan at gusto kung limitado ang yamang mapagkukunan? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang yaman (resources) ay tumutukoy sa bagay na may halaga na mapagkukunan/nangangalaga sa ating kailangan. Kung ito ay limitado samakatwid hindi lahat ng ating kailangan ay malulugod.

• Ano ang mga kailangan at mga gusto ng inyong Pamilya? (Sagot: tubig, elektrisidad, renta, atbp.)

Pagtalakay ng mga Konsepto10 minuto

Yaman (Resources) ay tumutukoy sa bagay na may halaga na mapagkukunan/nangangalaga sa ating kailangan. Kung ito ay Limitado samakatwid hindi lahat ng ating kailangan ay malulugod.

Page 7: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

1.

2.

3.

4.

5.

6.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

Perang natatanggap ko buwan-buwan:

S4-1 Personal Budget Planning Worksheets

Mga Kailangan ko

Mga Kailangan ko

Mga Kailangan ko

Paghiwalayin ang mga lista sa mga kailangan at mga gustoPaghiwalayin ang mga lista sa mga kailangan at mga gusto

Listahan ng lahat ngbagay na nais kong magkaroonListahan ng lahat ngbagay na nais kong magkaroon

Pangalan:Pangalan:Pangalan:

Sanayang-Papel ng Pansariling Plano ng Badyet

HalagaHalagaHalaga

KabuoanKabuoan KabuoanKabuoan

Mga Gusto ko Mga Gusto ko Mga Gusto ko HalagaHalagaHalaga

51

3. Mga Gawain at Paglalahad

Personal Budget Planning Worksheets Mga Gawain at Paglalahad20-25 minuto

S4- 1 Sanayang-papel ng Pansariling Plano ng Badyet

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na gagawa sila ngayon ng pansariling plano ng badyet at ang hamong magtipid sa pamilya. Gabayan ang mga mag-aaral na maglaan ng ilang minuto na mabasa ang sanayang-papel.

Pansariling Plano ng Badyet: Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling plano ng badyet sa bawat mag-aaral. Hingin sa mag-aaral na gamitin ang 10 minuto upang ilista ang mga bagay na gusto nilang magkaroon, pagkatapos ipahiwalay ang mga ito sa mga kailangan at mga gusto at kung magkano ang kanilang gagastusin sa mga kailangan at mga gusto nila sa mga susunod na buwan. Kung ang mag-aaral ay hindi sigurado ng halaga ng mga bagay, maaari nila itong talakayin sa kapuwa mag-aaral o humingi ng tulong mula sa guro.

Kapag natapos na ng mag-aaral ang kanilang plano, maaari nila itong ibahagi sa kapuwa mag-aaral (kaklase) at paghambingin.

Humiling ng 3-4 na mag-aaral na ibahagi ang kanilang listahan sa klase.

Page 8: Pangkalahatang-Ideya · Pagpapaliwanag ng kahulugan ng gumastos, kailangan, gusto, maghambing at limitadong- yaman Mga Gawain at Paglalahad Ipamahagi ang sanayang-papel ng pansariling

Hamong Magtipid sa Pamilya

52

Buod5 minuto

Ipamahagi ang Hamong Magtipid sa Pamilya. Hilingin sa mga mag-aaral na tuklasin ang iba’t ibang uri ng paggastos kasama ang miyembro ng pamilya, at pag-usapan ang mga paraan kung paano magtipid nang sa gayon ay makapag-ipon nang mas marami para sa iba pang pangangailangan at kagustuhan. Hikayatin ang mga mag-aaral na managot sa gawaing Hamong Magtipid sa Pamilya.

4. BuodPagbalik-aralan:

• Ano ang ibig sabihin na gastusin nang matalino ang inyong pera?

• Kapag may “gusto” kang isang bagay, bibilhin mo ba agad ito? Bakit o Bakit hindi?

• Ano ang mga bagay na hindi naman kailangan ng pamilya subalit binibili ninyo?

• Kung may gusto kayong bagay, binibili niyo ba ito o hindi? Ano ba ang dapat ninyong isipin bago itong bilhin?

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na maraming bagay na pagkakagastusan. Ang pagkilala sa “kailangan” at “gusto” ay makatutulong sa atin upang matukoy sa opsyon ng mga bibilhin ang dapat unahin. Minsan kailangan muna nating maghintay upang makuha ang ating gusto.

Hilingin sa mga mag-aaral na dalhin sa bahay ang Hamong Magtipid sa Pamilya at pag-usapan bilang pamilya ang mga gastusin. Hikayatin ang mga mag-aaral na managot sa hamon at tulungan ang kanilang pamilya na magtipid.

Opsyonal: Ipakitang muli ang musikang video kung interesado pa ang mga mag-aaral.

Gawaing-Bahay

Take Home Activities from Session 4 – Spend

Notes and Instructions for Family – Family Spend-less Challenge

In session 4, students learned about the difference between needs and wants, they learned that there are times they have to wait before getting something that they want.

The take home activities for this session is called “ Family Spend-less Challenge”. Please guide and work with your child to fill in the different spending categories in the family on the Family Spend-less Challenge sheet, then discuss how to spend less in different areas in order to save more for other items much more in need.

Please remind your child to be responsible for the challenge and help the family to spend less after the discussion. Have fun in the activity and encourage your child to be responsible and be a part of the family decisions in the Family Spend-less Challenge!

S4-3 Take Home Ac�vi�es Notes – Session 4

S4-3 Mga Tala sa Gawaing-Bahay- Sesyon 4S4-2 Hamong Magtipid sa Pamilya