Arrest search

23
ILANG MAHALAGANG PUNTO SA PAGHULI AT PAGHALUGHOG AYON SA BATAS Presented by : Atty. Armand H. Mejia

description

 

Transcript of Arrest search

Page 1: Arrest search

ILANG MAHALAGANG PUNTO SA PAGHULI AT PAGHALUGHOG AYON

SA BATAS

Presented by : Atty. Armand H. Mejia

Page 2: Arrest search

A. ARESTO

Page 3: Arrest search

1. Ano ang aresto?

Ang arrest o paghuli ay pagkuha ng isang tao sa pangangalaga o sa ilalim ng kapangyarihan ng batas para siya ay managot sa paggawa ng isang krimen.

Page 4: Arrest search

2. Papaano inaaresto ang isang tao?

A. Ang pag-aresto ay ginagawa sa pamamagitan ng aktwal na pagpigil ng isang taong aarestuhin o sa pamamagitan ng kanyang pagsuko sa pangangalaga o kapangyarihan ng taong umaresto sa kanya.

B. Walang karahasan o di

kinakailangang dahas ang dapat gamitin sa pagsagawa ng pag-aresto.

Page 5: Arrest search

C. Katungkulan ng isang opisyal na nag-aaresto ng isang tao na dalhin siya sa pinakamalapit ng istasyon ng pulis o kulungan ng walang pagka-antala.

Page 6: Arrest search

D. Ang taong nag-aaresto ay dapat sabihin sa taong kanyang inaaresto na siya ay kanyang hinuhuli at ang dahilan kung bakit siya inaaresto. Kung dala niya ang warrant of arrest, ipakita sa hinuhuli. Kung di naman, pwede pa rin hulihin at ipakita ang warrant pagkatapos, kung ito ay gusto ng taong dinadakip.

Page 7: Arrest search

E. Mahalagang tandaan: Habang hinuhuli ang tao kailangan sabihin sa kanya ang kanyang Miranda Rights (right to remain silent at right to an attorney).

Page 8: Arrest search

3. Ano ang dalawang uri ng pag-aresto?

Ito ay arrest with warrant at ang tinatawag na warrantless arrest.

Page 9: Arrest search

4. Gaano katagal ang bisa ng isang warrant of arrest?

Ang isang warrant of arrest ay di nawawalan ng bisa at ito ay maaaring magamit saan mang sulok ng Pilipinas. Nguni’t kailangang magkaroon ng report sa huwes na gumawa ng warrant sa loob ng sampung araw at tuwing ika-sampung araw hanggang ang tao ay maaresto.

Page 10: Arrest search

5. Sino ang may kapangyarihang gumawa ng warrant of arrest?

Tanging ang huwes o judge lamang.

Page 11: Arrest search

6. Ano naman ang warrantless arrest?

Ito ay paghuli ng isang tao ng walang warrant of arrest. Ito ay maaaring gawin sa ilang pagkakataon lamang tulad ng:

kung sa mismong presensya ng taong huhuli ginawa, gumagawa o gagawin ang isang krimen;

kung kagagawa pa lamang ng isang krimen at may personal na alam ang isang tao na mga bagay o kaganapan na nagtuturo sa taong aarestuhin bilang siyang gumawa ng krimen;

kung ang isang tao ay takas sa bilangguan.

Page 12: Arrest search

7. Sinong maaaring gumawa ng warrantless arrest?

Kahit na sino, kahit ordinaryong mamamayan. Kaya ito tinawag na citizen’s arrest.

Page 13: Arrest search

8. Ano ang maaaring gawin ng isang alagad ng batas o taong nag-aaresto ng isang salarin?

Karapatang humingi ng tulong, habulin ang salarin, pumasok sa isang gusali o bakuran, karapatang lumabas sa isang gusali o bakuran.

Page 14: Arrest search

9. Anong oras pwede gawin ang aresto?

Kung may arrest warrant, any day or anytime of the night or day. Kung warrantless arrest, sa mismong oras ng paggawa ng krimen.

Page 15: Arrest search

B. SEARCH O PAGHALUGHOG

Page 16: Arrest search

1. Anong kailangan upang mag search?

Kailangan po ng search warrant. Judge lamang ang maaaring maglabas nito, matapos ng pagsiyasat sa aplikante ng search warrant at ng kanyang mga testigo

Page 17: Arrest search

2. Ano ang nakalagay dito?

Ito ay isang kasulatan galing sa huwes na naguutos sa isang alagad ng batas na halughugin ang isang lugar upang hanapin ang mga bagay na nakasaad sa search warrant.

Page 18: Arrest search

3. Anong oras maaaring ipatupad ang search warrant?

Dapat sa araw, ngunit pwede sa gabi kung nakasaad dito.

Page 19: Arrest search

4. Paano ginagawa ang isang search?

A. kailangang nandoon ang nakatira sa bahay o miyembro ng kanyang pamilya o kung wala, may

dalawang testigo na may sapat na gulang at kaalaman na naninirahan

sa lugar kung saan nandun ang bahay na hahalughugin.

B. gumawa ng resibo para sa mga bagay na kinuha

Page 20: Arrest search

5. Anong gagawin sa mga bagay na nakuha sa search?

Ito ay ipadadala sa judge na siyang nagbigay ng search warrant.

Page 21: Arrest search

6. Gaano katagal ang buhay ng isang search warrant?

Ayon sa batas, kailangang magamit ang search warrant sa loob ng sampung (10) araw mula ng ito ay ipalabas ng huwes. Kung hindi, ito ay mapapawalang-bisa.

Page 22: Arrest search

7. Maari bang mag-search kahit walang warrant?

A. Puwede po. Ito ang tinatawag na warrantless search. Ginagawa ito sa mga sumusunod na kalagayan:

Kapag ang isang tao ay inaresto, siya ay maaring kapkapan o halughugin ng mga nag-aaresto.

Plain view doctrine.

Page 23: Arrest search

8. Ano ang maaaring gawin ng isang alagad ng batas upang maisagawa ang search?

Ang mga sumusunod: karapatang pumasok sa isang pintuan o bintana upang isagawa ang search, karapatang humingi ng tulong sa pagsagawa ng search.