Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili
-
Upload
rivera-arnel -
Category
Education
-
view
2.992 -
download
22
description
Transcript of Aralin 9 pagkonsumo at ang mamimili
Aralin 9
Pagkonsumo at ang MamimiliInihanda ni: Arnel O. Rivera
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
• Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.
Ano ang mangyayari kung hindi matutugunan ng tao ang kanyang kagustuhan at pangangailangan?
Ano ang Pagkonsumo?
• Pagbili, paggamit at pakinabang sa mga kalakal at serbisyo.
• Ang isang produkto at serbisyo ay ginagamit dahil ito ay may pakinabang.
• May pakinabang ang isang kalakal o serbisyo kung ito ay nakatutugod sa ating mga pangangailangan at kagustuhan.
• Kapag natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan, siya ay nakakaranas ng kasiyahan (satisfaction).
Uri ng Pagkonsumo
Tuwiran – kung agad na nararamdaman ang epekto ng paggamit ng kalakal o serbisyo.
Produktibo – kung ang isang kalakal o serbisyo ay nakakalikha ng panibagong produkto na nagbibigay ng higit na kasiyahan.
Maaksaya – kung ang produkto o serbisyo ay hindi nagdudulot ng kasiyahan o kapakinabangan.
Mapaminsala – kung ang produkto o serbisyo ay nakasasama sa mamimili o sa lipunan.
Pagkonsumo batay sa Marginal Utility
• Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay tinatawag na utility. Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng marginal utility.
• Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility, ang pakinabang o kasiyahang nakukuha mula sa isang kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo.
Sino ang mamimili?
• Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
• Tinatawag din sila bilang konsyumer.
Mga Katangian ng MATALINONG mamimili
Mapanuri
Naghahanap ng mga Alternatibo
Hindi Nagpapadaya
Makatwiran
Sumusunod sa Badyet
Hindi nagpapadala sa Anunsiyo
Mapanuri
• Masusing namimili sa mga pagpipilian.
• Tinitignan ng mabuti ang mga sangkap, presyo at kalidad.
Naghahanap ng mga Alternatibo
• Marunong humanap ng kapalit na produkto na makatutugon din sa pangangailangan.
Hindi Nagpapadaya
• Alerto at laging handang itama ang mga pagkakamali ng nagtitinda.
Makatwiran
• Pagsasaalang-alang ang presyo at kalidad ng isang bagay. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili ng produkto.
• Hindi nagbibigay ng presyo nang wala sa katwiran.
Sumusunod sa badyet• Hindi nagpapadala sa popolaridad ng
produkto.• Tinitimbang kung kinakailangan niya ito
o hindi.
Hindi nagpapadala sa anunsiyo
• Ang kalidad dapat ang tinitignan hindi ang kagandahan ng pagaanunsyo.
• Hindi nagpapanic-buying.
MGA KARAPATAN NG MAMIMILI • Karapatan sa pagpili - The
customer is always right• Karapatan sa tamang
impormasyon - dapat hindi nakakalinlang
• Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan - kinakailangan na may sapat na suplay ito
• Karapatan na magtamo ng kaligtasan - kailangang ligtas ang mga mamimili
Mga Batas na Nagbibigay Proteksyon sa Mamimili
Consumer Act of the Philippines - mga karapatan at kaligtasan ng mamimili.
Revised Penal Code - pagbabawal sa pangagaya ng tatak, at itsura ng isang produkto.
Civil Code of the Philippines - pananagutan ng prdodyuser na panatilihin ang kaligtasan ng
mamimili.
Batas sa Price Tag - dapat maglagay ng price tag sa mga bilihin.
• Bakit mahalaga na maging isang matalinong
mamimili?
• Alin sa mga karapatan ng mga mamimili ang higit na
dapat na bigyang pansin ng pamahalaan?
PAGPAPAHALAGA
References:• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)
Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at
Isyu, VPHI• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI • De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, VPHI