Aralin 11

17
Aralin 11: Paggamit ng Karunungan: Pagsali sa Clean and Green/Pangnutrisyon Sagutin ng Tama o Mali.

description

free

Transcript of Aralin 11

Aralin 11: Paggamit ng Karunungan: Pagsali sa Clean and Green/Pangnutrisyon

Sagutin ng Tama o Mali.1. Hindi ako dapat sumali sa Clean and Green sapagkat sementado ang aming bakuran.2. Ang subdibisyon naminay walang mga tanim na puno. Maaaring kaming magtanim sa gilid ng mga daan.3. Maaaring pagkakitaan ang programang Clean and Green sapagkat maipagbibili natin ang sobrang pananim na mga gulay.4. Higit na magandang pagmasdan ang kapaligiran kung ang mga kabundukan ay pagtatayuan ng mga naglalakihang mga gusali.5. Ang Clean and Green ay sagot sa suliranin sa malnutrisyon.6. Makatutulong sa pagkakaroon ng pagkakakitaan ang pagsali sa programang Clean and Green at Plant a Tree.7. Hindi kailangan ang mga puno sa lugar na tulad ng Kalakhang Maynila.8. Ang mga kabataang tulad ninyo ay hindi pa nararapat sumali sa mga ganitong gawain sa pamayanan.

Brigada Clean and Green, aktibo sa pagpapanatili ng kalinisan sa barangay

Ibat ibang mga aktibidad ang isinasagawa ng Brigada Clean and Green ng Barangay Kumintang sa lungsod na ito upang mapanatili ang kalinisan sa kanilang barangay.Ang proyekto ng barangay ay alinsunod at pakikiisa sa itinataguyod ng pamahalaang lungsod na Gawad Parangal para sa Huwarang Barangay. Sinimulan ng brigade ang mga gawain noong Marso 1, 2011 sa layuing magkaisa ang mga residente sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan sa barangay.Ayon sa sekretarya ng barangay, hindi lamang sila nakatuon sa paglilinis, sila rin ay nagsasagawa ng pagtatanim ng mga puno ng malunggay dahil sa maraming maaaring pag-gamitan nito na makakatulong sa kalusugan ng mga residente.Dahil dito, hinikayat din nila ang bawat residente ng barangay na magtanim ng malunggay.

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

2.Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

3Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo an gaming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin an gaming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.

4Ama, bantayan mo po ang iyong mga anak sa araw na ito ng kanilang pag-aaral. Ilayo mo po sila sa lahat ng panganib at sakuna upang maipagpatuloy nila ang kanilang mabubuting hangarin na matuto. Iligtas mo po sila sa mga pagsubok na kanilang makakasalamuha ngayong araw na ito. Maraming salamat, Amang banal, sa iyong mga biyaya. Amen.

5Kami po ay maliliit na alipin sa iyong harapan. Patawarin mo po kami sa aming kahinaan. Bigyan mo kami ng kalakasan upang mapaglabanan ang mga pagsubok na darating. Igawad mo sa amin ang kababaang-loob upang tumulong sa aming mga kaklase at sa aming kapwa tao. Gabayan mo kami na maging isang huwaran sa aming lipunang ginagalawan at magsilbing mabuting halimbawa para sa mga mag-aaral na nakababata sa amin. Sa iyo ang kaluwalhatian at aming pagsamba, Panginoon naming Diyos sa pangalan ng iyong Anak na aming Tagapagligtas. Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin Bago Magsimula ang Klase sa Paaralan