1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... ·...
Transcript of 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... ·...
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan ng Ekonomiks
9
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Violeta S. Rosacena
Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)
Tagapamahala
Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales
Asst. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao
: Ester A. Futalan
: Cartesa M. Perico
CID Chief : Mary Ann P. Flores
EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas
EPSVR – AP : Rosemary N. Oliverio
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
i
Araling Panlipunan 9 Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan ng Ekonomiks
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Kahulugan ng Ekonomiks.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayan habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gagamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahang mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Kahulugan ng Ekonomiks.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Mga Tala para sa Guro
Ang pahayag na ito ay naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iii
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iv
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
v
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1
Alamin
Panimula
Pangunahing tunguhin sa pag-aaral ng Araling Panlipunan ang makahubog ng
mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, produktibo, makakalikasan,
makatarungan at makataong mamamayan ng bansa at daigdig. Ang modyul na ito ay
nakatuon sa pag-aaral ng Ekonomiks. Nilalayon nito na malinang ang kakayahan ng mag-
aaral sa paggawa ng matalinong desisyon na makatutulong sa paglutas sa suliranin ng
kakapusan, upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan. Inaasahan ang
mga kaalaman at mga gawain ng modyul na ito ay makatutulong upang higit na maunawaan
ang mga pangunahing kaisipan at kaalaman lalo na sa sitwasyong kinahaharap ng bansa at
ng buong mundo sa kasalukuyan. Sinisikap na mapaunawa sa mga mag -aaral ang
kahalagahan ng paglinang sa kakayahang gumawa ng mahalagang desisyon na magagamit
lalo na kapag nahaharap sa matinding krisis. Ang mga gawain ng modyul na ito ay dinisenyo
sa simple ngunit sa makabuluhang pamamaraan. Binubuo ang yunit na ito sa mga
sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-
ekonomiya at Pagkonsumo.
Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakabubuo ng sariling konsepto ng ekonomiks batay sa natutunang kahulugan.
2. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral at kasapi ng pamilya.
3. Nagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa kahalagahan ng pagbuo ng mahahalagang
desisyon sa buhay.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot
at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, hango sa salitang oikos na
nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.
A. Astronomiya B. Kasaysayan C. Ekonomiks D. Siyensya
2.Kung ikaw ay isang taong rasyunal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
A. Ang mga dinadaluhang okasyon
B. Ang mga hilig at kagustuhan
C. Ang opportunity cost sa pagdedisisyon ng isang bagay
D. Paniniwala, mithiin at tradisyon
3. Ito ay isang Agham Panlipunan na nag-aaral sa kung paano matutugunan ang mga
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng limitadong
pinagkukunang-yaman.
A. Kasaysayan B. Ekonomiks C. Heograpiya D. Sikolohiya
4. Ito ay kaakibat ng buhay ng tao na naglalarawan sa kaniyang kakayahan at
pinagkukunang-yaman.
A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kagustuhan D. Kayamanan
5. Ito ang ginagamit ng tao upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan.
A. Kakayahan
B. Kayamanan
C. Pinagkukunang-yaman
D. Talino
6. Isinulat niya ang aklat na An Inquiry to the Wealth of Nations.
A. Adam Smith B. Alfred Marshall C. Aristotle D. Socrates
7. Ito ang unang katawagan sa ekonomiks ______________.
A. political economy B. political policy C. social economy D. social policy
8. Alin sa mga sumusunod na katanungan ang pinakaangkop na naglalarawan sa
kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ano ang kakainin ng Pamilya Reyes sa hapunan?
B. Bakit palaging walang pera si Aling Tinay?
C. Paano mababayaran ang utang ni Mang Pedro?
D. Paano matutugunan ang mataas na pangangailangan sa bigas?
Subukin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
3
Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon ng mga sitwasyon na sa tingin mo ay nagpapakita ng isang matalinong desisyon at ekis (x) naman kung hindi.
1. Sumasangguni sa mga kaibigan sa pagpili ng kukuning kurso sa kolehiyo. 2. Mas pinili ni Riza na sumakay ng pedicab para hindi mahuli sa klase kahit ang bahay nila ay 10 metro lamang ang layo mula sa paaralan. 3. Sa pagpili ng ulam sa canteen binili ni Ramon ang kaniyang paboritong chicken joy kahit may baon siyang isda at ampalaya na luto ng kaniyang nanay. 4. Sinisikap ng kapatid ni Lorenz na matahi ang mga lumang notebook na pwede pang masulatan kaysa bumili ng bago. 5. Kahit kapos na sa oras sa pag-aaral para sa malalapit na pasulit, mas pinili muna ni Aljohn ang makipaglaro ng ML sa kaklase.
7. 6. Bago bumili ng sangkap para sa mga lulutuin sa kaniyang karendirya, ay sinusuri muna ni Aling Tessa ang mga presyo at kalidad ng mga ito.
7. Ginugugol ni Lisa ang kaniya vacant time sa paaralan sa pagpunta sa library para makapagbasa ng mga aklat na may kinalaman sa kaniyang bagong aralin.
8. Pinipilit ni George ang kaniyang mga magulang na siya ay mag-enrol sa
Nautical, dahil karamihan sa kaniyang kaklase ay nakagpag-enrol na sa kursong ito.
9. Sinisikap ni Jerry na makahabol sa kaniyang first period na subject kahit huli na siyang gumising.
10. Inipon ni Kayla ang perang ibinigay ng kaniyang tita noong kaarawan niya.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4
Tuklasin
ALIN ANG PIPILIIN KO?
Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin
mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na
kolum ang dahilan ng iyong pasya.
Option A Option B Desisyon Dahilan 1.Pagpapatuloy ng
pag-aaral sa kolehiyo
Pagtatrabaho
pagkatapos ng high
school
2.Paglalakad papunta
sa paaralan
Pagsakay ng jeep o
tricycle papunta sa
paaralan
3.Paglalaro ng ML sa
internet cafe
Pagpasok sa klase
4.Pananaliksik sa silid-
aklatan
Pamamasyal sa parke
5.Pakikipagkwentuhan
sa kapitbahay
Paggawa ng
assignment
Pamprosesong Tanong:
1.Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2.Ano ang naging batayan mo sa paggawa ng desisyon? Naging makatuwiran ka ba
sa iyong pasya?
Suriin
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon
naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga
gawaing inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na
layunin ng bahaging ito ay matutunan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya
tungkol sa ekonomiks. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang
magagabayan ka nito upang masagot kung ano ang kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga impormasyong nasa
ibaba.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
5
Bawat tao ay gumagawa ng kaniyang sariling desisyon araw-araw. Mayroon siyang
nakakamit na pakinabang sa pagsasagawa nito. Ito ay ang kanyang pagtugon sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan. Ang pagdedesisyon ay may mga kabutihang naidudulot sa
kaniyang sarili, ngunit minsan ay nagreresulta ng kapinsalaan. Kung sa gayon mahirap bumuo
ng mga desisyon na kapaki-pakinabang para sa lahat. Kaya, nangangailangan ito ng isang
masusing pag-aaral sa iba’t ibang aspekto ng pagdedesisyon. Ito ang tuon ng Ekonomiks.
Bago dumating ang ika-18 siglo, walang pormal na pag-aaral ang ekonomiks.
Naipakilala ni Adam Smith ang kauna-unahang komprehensibong pag-aaral sa ekonomiks
noong 1776 nang isulong niya ang sistema ng pamilihan batay sa doktrina ng kapitalismo
bilang sagot sa suliranin. Ito ay inilatag sa kanyang aklat na An Inquiry to the Wealth of
Nations.Tinawag na political economy ang dating katawagan ng ekonomiks, dahil ayon sa
isang ekonomista na si Gerardo Sicat, maraming katanungan sa ekonomiya ang may
implikasyong pampulitika at pampublikong patakaran. Napakilala ang ekonomiks bilang
ganap na disiplina noong 1870 sa pangunguna ni Alfred Marshall.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na hango
sa salitang oikos na nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala (Viloria,2000).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw,1997). Ang
sambahayan tulad ng lokal at pambansang ekonomiya ay gumagawa rin ng mga desisyon.
Nagpaplano ito kung paano mahahati -hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano
hahatiin ang mga limitadong yaman sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang
pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang
desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at
serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino at gaano karami ang gagawin. Lumalabas
ang mga batayang katanungang nabanggit ang dahilan sa suliranin sa kakapusan. May
kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo sa
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao
at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang-likas at kapital.
Ang yamang-likas ay maaaring mauubos at hindi na napapalitan sa paglipas ng panahon.
Samantala ang yamang-kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa
paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon
kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6
Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay ang pang-araw araw na
suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat
indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.
Ngayon na nabasa mo na ang konsepto sa ekonomiks, tingnan natin ang iyong
kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.
Gawain: MIND MAPPING
Panuto: Iayos ang ginulong na pigura ng mind map. Isulat sa text box ng mind map ang mga
konseptong nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang
arrows at lines.
Mga Konsepto
Walang katapusang
pangangailangan at
kagustuhan ng tao
EKONOMIKS Kakapusan sa
pinagkukunang-yaman
Pagyamanin
Ano ang
gagawin?
Paano
gagawin?
Para
kanino?
Gaano karami?
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
7
Mind Map ng Batayang Katotohan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
Isaisip
Panuto: Isulat sa patlang ang nawawalang salita na bubuo sa pangungusap.
Ang _______________at _________________ay maraming pagkakatulad
(Mankiw,1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa
rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at
nagpapasya kung paano hahatiin ang mga _____________ sa maraming pangangailangan
at kagustuhan. Ang _______________ ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na
nakapagbibigay ng _____________ sa pamilya.
Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at
serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino at gaano karami ang gagawin. Lumalabas
ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa _________. May
kakapusan dahil may limitasyon ang mga _________ at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng __________ sa
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8
Mula sa mga salitang nahanap sa gawaing nasa itaas, gumawa ng isang maikling
sanaysay na nagpapabatid sa konseptong natutunan sa ekonomiks. Magsulat ng hindi
kukulangin sa sampung pangungusap. Gamiting gabay sa pagsulat ang rubriks sa
pagmamarka.
Rubriks:
A. Nagagamit ng wasto ang mg salitang nahanap. - 4
B. Nauugnay ang sanaysay sa konsepto ng ekonomiks. - 3
C.Nakasusulat nang may pagsaalang -alang sa wastong gramatika. - 3__
Kabuuang Puntos 10
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag/tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinaharap.
B. Ito ay ang pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
C. Ito ay tumutukoy sa siyensya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa
kanyang pagdedesisyon.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
2. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia,na hango sa salitang oikos na nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.
A. Astronomiya B. Ekonomiks C. Kasaysayan D. Siyensya
3. Kung ikaw ay isang taong rasyunal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. Ang mga dinadaluhang okasyon
B. Ang mga hilig at kagustuhan
C. Ang opportunity cost sa pagdedesisyon
D. Ang paniniwala, mithiin at tradisyon
Isagawa
Tayahin
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
4. Nagpaplano ito kung paano mahahati -hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang mga limitadong yaman sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
A. Kilusan B. Pamahalaan C. Pamayanan D. Sambahayan
5. Ito ay kaakibat na ng buhay ng tao na naglalarawan sa limitadong pinagkukunang-yaman.
A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kagustuhan D. Kayamanan 6. Ito ang tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. A. Kakayahan B. Kayamanan C. Pinagkukunang-yaman D. Talino
7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong paggamit ng kaalaman sa ekonomiks?
A. Pagbili ng bagong sapatos B. Pagtitipid ng perang kinita sa isang buwan C. Pamamasyal sa mall o pamilihan D. Pagpunta sa Boracay
8. Alin sa mga sumusunod na katanungan ang pinakaangkop na naglalarawan sa kahulugan ng ekonomiks?
A. Paano matutugunan ang mataas na pangangailangan sa bigas? B. Paano mababayaran ang utang ni Mang Pedro? C. Bakit palaging walang pera si Aling Tinay? D. Ano ang kakainin ng Pamilya Reyes sa hapunan?
9. Maraming katanungan sa ekonomiya ang may implikasyong pampulitika at pampublikong patakaran, kaya bago nabuo ang konsepto ng ekonomiks ito ay tinatawag na_____________.
A political economy B. political policy C. social economy D. social policy
10. Sino sa mga sumusunod na mga ekonomista ang nagpakilala sa ekonomiks bilang isang ganap na disiplina noong 1876?
A. Adam Smith B. Alfred Marhsall C. Gerardo Sicat D. Socrates
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10
Karagdagang Gawain
REFLECTIVE JOURNAL WRITING
Para lalo pang mapalawak ang iyong kaisipan, sumulat ng isang reflective journal
tungkol sa pangyayari na iyong naranasan na nagpapakita ng kahalagahan sa
paggamit ng iyong kalaaman sa kahulugan ng Ekonomiks. Sikaping magsulat ng hindi
hihigit sa sampung pangungusap. Gamitin ang rubriks bilang gabay sa gawaing ito.
Rubriks para sa pagsusulat ng reflective journal
Mga Krayterya 4 3 2 1
Lalim ng repleksiyon
Napakalalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman
Malalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dati at bagong kaalaman
Mababaw at hindi gaanong nakikita ang pag-uugnayan ng dati sa bagong kaalaman
Napakababaa na walang pag-uugnayn ang dati at bagong kaalaman
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
11
Isaisip
1.Ekonomiya 2.Sambahayan 3.Limitadong resources 4.Pagpapasya 5.Kasiyahan 6.Kakapusan 7.Pinagkukunang-yaman 8. Mekanismo
Susi sa Pagwawasto
Balikan
1.√ 2.x 3.x 4.√ 5.X 6.√ 7.√ 8.X 9.√
10.√
Subukin
1.C
2.C
3.B
4.A
5.C
6.B
7.A
8.D
Tayahain Mo
1.D 2.B 3.C 4.B 5.A 6.C 7.B 8.A 9.A 10.B
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
12
Mga Sanggunian
1. Ekonomiks_Araling Panlipunan_Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2015
2.Mankiw, N.Gregory.”Principles pf Microeconomics(1997)”. Harvard University(2013)
3..https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-na
tutuhan-araling-panlipunan
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]