sistemang korte
-
Upload
grace-arboladura -
Category
Documents
-
view
372 -
download
17
description
Transcript of sistemang korte
IVIVIVIVIVANG SISTEMANG KANG SISTEMANG KANG SISTEMANG KANG SISTEMANG KANG SISTEMANG KORTEORTEORTEORTEORTE
SA PILIPINASSA PILIPINASSA PILIPINASSA PILIPINASSA PILIPINAS
NILALAMAN:A. Ano ang ibig sabihin ng sistemang korte?B. Anu-ano ang mga kaso na maaari nating isampa sa korte?K. Ano ang ibig sabihin ng jurisdiction ng korte sa kaso?D. Ano ang jurisdiction ng mga korte sa iba’t ibang tipo ng
kaso?E. Ano ang proseso sa barangay court?G. Paano tumatakbo ang kasong sibil?H. Paano tumatakbo ang kasong kriminal?I. Anu-ano ang mga mahahalagang tungkulin ng paralegal sa
bawat yugto ng kaso?
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
7474747474
A. Ano ang ibig sabihinng sistemang korte?
Ang sistemang korte ay ang hakbang-hakbang na proseso na isinasaad ng
batas kung saan ang kaso o ligal na usapin ay dinadala sa korte upang
dinggin at desisyunan nito. Sa teorya, ito ay upang matiyak ang
makatarungan, maayos,
mabilis at rasyunal na
pagsasaayos ng ligal na
usapin.
B. Anu-anoang mga kasona maaarinating isampasa korte?
Nabanggit natin sa
pagtalakay ng mga
remedyong ligal ang tatlong
pangunahing tipo ng kaso –
ang kasong administratibo,
ang kasong sibil at ang
kasong kriminal.
1. Ang KasongAdministratibo
Kapag hindi ginawa o
tinupad ng isang empleyado
o opisyal ng gobyerno ang
KASONG ADMINISTRATIBO
- isasampa sa mga
administrative bodies na
may kapangyarihang dinggin
ang usapin
KASONG SIBIL - isasampa
kahit saang korte na
gustuhin ng nagdedemanda
basta’t may jurisdiction sa
tipo ng kaso ang korteng
pinagsampahan
KASONG KRIMINAL -
isasampa sa korte na may
(1) jurisdiction sa uri
ng kaso at (2) may
jurisdiction sa
lugar sa
pinangyarihan
ng krimen
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
7575757575
kanyang tungkulin, may karapatan tayo na magsampa ng kasong
administratibo laban sa kanya sa mga administrative bodies na binigyan
ng kapangyarihan na magsagawa ng imbestigasyon at magpataw ng
kaukulang kapurasahan sa mga tauhan ng isang sangay ng gobyerno. Sa
kalakhan, maaaring magsampa ng kasong administratibo ang isang
nagdedemanda sa lugar kung saan niya nais magsampa ng kaso o di kaya
ay sa lugar kung saan siya nakatira. Nabanggit na rin natin na ang mga
kasong agraryo, paggawa at pabahay ay kabilang din sa mga kasong
administratibo na pwedeng isampa sa mga administrative bodies na may
kapangyarihang dinggin ang mga ganitong usapin.
Sa pangkalahatan, hindi
saklaw ng mga korte ang
mga kasong
administratibo maliban
na lamang kung ang
inirereklamo ay isang
empleyado o opisyal ng
sangay panghukuman ng
gobyerno.
2. Ang KasongSibil
Sa kasong sibil, ang
usapin ay ang
n a g t u t u n g g a l i a n g
pribadong interes ng
dalawang partido sa kaso
– Eduardo Cuhaonko vs.
Julian Makabayan – at
ang kaparusahan ay sa
porma ng pagbabayad ng
danyos. Halimbawa ng
KASONG KRIMINALKASONG SIBIL
EDUARDO
CUHAONKO
(plaintiff)
vs.
JULIAN MAKABAYAN
(respondent/
defendant)
PEOPLE OF THE
PHILIPPINES
(complainant)
vs.
JULIAN MAKABAYAN
(accused)
ABUGADO NG
PLAINTIFF:
private lawyer
ABUGADO NG
COMPLAINANT:
public prosecutor
na maaaring tulungan
ng private prosecutor
ABUGADO NG
RESPONDENT:
private lawyer
ABUGADO NG
ACCUSED: private
lawyer o public attorney
na itinalaga ng korte
PAGKAKAIBA NG KASONG SIBIL
AT KASONG KRIMINAL
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
7676767676
mga kasong sibil ay ay pagpapawalang bisa ng
kasal, pangolekta ng utang o ang child custody.
Ang mga kasong sibil ay sinasampa sa korte
kung saan nais ng naghahabla bastat ang
nasabing korte ay may jurisdiction sa tipo
ng kasong sinampa. Sa mga kasong sibil,
kailangang magbayad ng filing fee ang
naghahabla para dinggin ng korte ang kaso.
3. Ang Kasong Kriminal
Bagamat may private complainant, maliban na lang sa mga “victimless
crimes” tulad ng violation of the Dangerous Drugs Act, illegal possession
of firearms at violation of the Anti-Gambling Law, ang nakataya sa kasong
kriminal ay ang pampublikong interes kung kayat ang naghahabla ay ang
estado laban sa indibidwal o mga indibidwal na akusado – People of the
Philippines vs. Julian Makabayan. Halimbawa ng mga kasong kriminal
ay murder, homicide, arson, robbery, theft at rape o ang mga pulitikal
na krimen tulad ng rebelyon.
Ang pagsasampa ng kasong kriminal sa kaukulang korte ay nakabatay sa
dalawang bagay – una, ang jurisdiction ng korte sa tipo ng krimen; at
pangalawa, ang jurisdiction ng korte sa lugar kung saan naganap ang krimen
(venue is jurisdictional).
K. Ano ang ibig sabihin ng jurisdictionng korte sa isang kaso?
Ang jurisdiction ng korte sa kaso ay tumutukoy sa kapangyarihan ng korte
na duminig at magdesisyon hinggil sa isang kaso (the power to hear and
decide a case). Kung walang jurisdiction ang korte sa isang kaso, may
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
7777777777
tatlong posibilidad na maaaring mangyari:
• Una, madi-dismiss ang kaso.
• Pangalawa, ilipat ang kaso sa nararapat na korte.
• Pangatlo, ipawalang-bisa (declared null and void) ang desisyon ng
korte.
D. Ano ang pangkalahatang jurisdictionng mga korte sa iba’t ibang uri ngkaso?
SANGAY NG KORTE KASONG SIBIL KASONG KRIMINAL
BARANGAY COURT
Lupon ng Tagapamayapa
ang krimen ay may kaparusahan
na hindi lalagpas sa 1 taon na
pagkakakulong at/o ang bayad
pinsala na hindi lalagpas sa
Php5,000.00
tunggalian ng dalawang partido,
halimbawa sa lupa, na pwedeng
mapagkasunduan labas sa regular na
korte gaano man kalaki ang hinihinging
danyos
METROPOLITAN TRIAL
COURT
(MeTC)
MUNICIPAL TRIAL
COURT
(MTC)
MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL
COURT
(MCTC)
• mga kasong sibil na ang danyos na
hinihingi o ang halaga ng
pinatatalunang ari-arian ay hindi
lalagpas sa Php400,000.00 sa Metro
Manila o Php200,000.00 sa labas ng
Metro Manila
• kung ang pinagtutunggalian ay real
property (halimbawa, lupa) na may
halagang hindi lalagpas sa
Php50,000.00 sa Metro Manila o
Php20,000.00 sa labas ng Metro
Manila
• lahat ng kaso ng ejectment (forcible
entry at unlawful detainer) o
pagpapatalsik sa tinitirhan
• paglabag sa mga ordinansa ng
lungsod o munisipalidad na sakop
ng kanyang territorial jurisdiction
• lahat ng krimen na may
kaparusahang pagkabilanggo na
hindi lalagpas sa 6 na taon
anuman ang halaga ng bayad-
pinsala
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
7878787878
SANGAY NG KORTE KASONG SIBIL KASONG KRIMINAL
REGIONAL TRIAL COURTS
(RTC)
ORIGINAL JURISDICTION:
lahat ng kasong sibil na hindi
saklaw ng MeTC, MTC o MCTC
APPELLATE JURISDICTION:
apila sa desisyon ng MeTC,
MTC o MMTC na sakop ng
kanyang territorial jurisdiction
COURT OF APPEALS
(CA)
SUPREME COURT
(SC)
ORIGINAL JURISDICTION:
lahat ng kasong kriminal na
labas sa jurisdiction ng
anumang korte kung saan ang
krimen ay may kapurasahang
pagka-bilanggo na lagpas sa 6
na taon
APPELLATE JURISDICTION:
apila sa conviction ng MeTC,
MTC o MCTC na sakop ng
kanyang territorial jurisdiction
SANDIGANBAYAN
EXCLUSIVE JURISDICTION:
lahat ng krimen na ginawa ng
mga opisyal o empleyado ng
gobyerno na may kaugnayan sa
kanilang katungkulan at ang
akusado ay may posisyon na
salary grade level “27” o mas
mataas pa
APPELLATE JURISDICTION:
apila sa desisyon ng RTC
APPELLATE JURISDICTION:
apila sa conviction ng RTC
maliban kung ang parusa ay bitay
na awtomatikong iaangat sa
Korte Suprema
APPELLATE JURISDICTION:
apila sa desisyon ng CA
APPELLATE JURISDICTION:
apila sa affirmation of conviction
ng CA maliban kung bitay ang
hatol ng RTC na awtomatikong
rerebyuhin nito
EXCLUSIVE JURISDICTION:
forfeiture of unlawfully
acquired property under
R.A. 1379
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
7979797979
E. Ano ang proseso sa barangay courto Lupon ng Tagapamayapa?
PPPPPAAAAAGSAMPGSAMPGSAMPGSAMPGSAMPA NG REKLAMO SA BA NG REKLAMO SA BA NG REKLAMO SA BA NG REKLAMO SA BA NG REKLAMO SA BARANGAARANGAARANGAARANGAARANGAY KAPITY KAPITY KAPITY KAPITY KAPITANANANANANorororororal or in writingal or in writingal or in writingal or in writingal or in writing
IPIPIPIPIPAPAPAPAPAPAAAAATTTTTAAAAAWWWWWAAAAAG NG KAPITG NG KAPITG NG KAPITG NG KAPITG NG KAPITANANANANAN ANG INIREREKLAMO SAANG INIREREKLAMO SAANG INIREREKLAMO SAANG INIREREKLAMO SAANG INIREREKLAMO SASUSUNOD NSUSUNOD NSUSUNOD NSUSUNOD NSUSUNOD NAAAAA ARAARAARAARAARAW NG MAW NG MAW NG MAW NG MAW NG MAYYYYY TRABTRABTRABTRABTRABAHOAHOAHOAHOAHO
SUBSUBSUBSUBSUBUKANG PUKANG PUKANG PUKANG PUKANG PAAAAAGKASUNDUINGKASUNDUINGKASUNDUINGKASUNDUINGKASUNDUIN ANGANGANGANGANGMAMAMAMAMAGKAGKAGKAGKAGKATUNGGALING INTERES NGTUNGGALING INTERES NGTUNGGALING INTERES NGTUNGGALING INTERES NGTUNGGALING INTERES NG
MAMAMAMAMAGKABILANG PGKABILANG PGKABILANG PGKABILANG PGKABILANG PANIGANIGANIGANIGANIG
!
HINDI MAHINDI MAHINDI MAHINDI MAHINDI MAGKASUNDOGKASUNDOGKASUNDOGKASUNDOGKASUNDO ANG MGA PANG MGA PANG MGA PANG MGA PANG MGA PARARARARARTIDOTIDOTIDOTIDOTIDO
bubuuin ng Lupon Chairman ang Pangkatng Tagapagkasundo sa loob ng 15 araw
matapos ang unang pagtatagpo ngmagkabilang panig
3kKUNG HINDI DKUNG HINDI DKUNG HINDI DKUNG HINDI DKUNG HINDI DADADADADADALALALALALOOOOO ANGANGANGANGANGINIREREKLAMO:INIREREKLAMO:INIREREKLAMO:INIREREKLAMO:INIREREKLAMO: hindi na siyamaaaring mag-file ng counterclaim
KUNG HINDI DKUNG HINDI DKUNG HINDI DKUNG HINDI DKUNG HINDI DADADADADADALALALALALOOOOO ANGANGANGANGANGNNNNNAAAAAGREREKLAMO:GREREKLAMO:GREREKLAMO:GREREKLAMO:GREREKLAMO: hindi na siyamaaaring humingi pa ng tulong sabarangay court
4kPPPPPAAAAAGKAKASUNDO NGGKAKASUNDO NGGKAKASUNDO NGGKAKASUNDO NGGKAKASUNDO NGDDDDDALAALAALAALAALAWWWWWANG PANG PANG PANG PANG PARARARARARTIDOTIDOTIDOTIDOTIDO
PPPPPAAAAAGGAGGAGGAGGAGGAWWWWWAD NGAD NGAD NGAD NGAD NGARBITRAARBITRAARBITRAARBITRAARBITRATIONTIONTIONTIONTION AAAAAWWWWWARDARDARDARDARD
IPIPIPIPIPADADADADADADADADADADALA NG KALIHIM NG LALA NG KALIHIM NG LALA NG KALIHIM NG LALA NG KALIHIM NG LALA NG KALIHIM NG LUPONUPONUPONUPONUPON ANG KASUNDUANG KASUNDUANG KASUNDUANG KASUNDUANG KASUNDUAN O AN O AN O AN O AN O ARBITRAARBITRAARBITRAARBITRAARBITRATIONTIONTIONTIONTION AAAAAWWWWWARDARDARDARDARD SA K SA K SA K SA K SA KORORORORORTETETETETEsa loob ng 5 araw ng paggawad ng award o pakalipas ng 10 araw matapos ang kasunduan
IPIPIPIPIPAPAPAPAPAPAAAAATTTTTAAAAAWWWWWAAAAAG NG PG NG PG NG PG NG PG NG PANGKAANGKAANGKAANGKAANGKATTTTT ANG MGA PANG MGA PANG MGA PANG MGA PANG MGA PARARARARARTIDOTIDOTIDOTIDOTIDOSA LSA LSA LSA LSA LOOB NG 3 OOB NG 3 OOB NG 3 OOB NG 3 OOB NG 3 ARAARAARAARAARAW PW PW PW PW PAAAAAGKAGKAGKAGKAGKATTTTTAPOS MABAPOS MABAPOS MABAPOS MABAPOS MABUOUOUOUOUO
!
5k
KKKKKOMPROMPROMPROMPROMPRONTONTONTONTONTASYASYASYASYASYON NG DON NG DON NG DON NG DON NG DALAALAALAALAALAWWWWWANG PANG PANG PANG PANG PANIGANIGANIGANIGANIG
IPIPIPIPIPAAAAATUTUPTUTUPTUTUPTUTUPTUTUPAD NG LAD NG LAD NG LAD NG LAD NG LUPONUPONUPONUPONUPON ANG KASUNDUANG KASUNDUANG KASUNDUANG KASUNDUANG KASUNDUANANANANANOOOOO ARBITRAARBITRAARBITRAARBITRAARBITRATIONTIONTIONTIONTION AAAAAWWWWWARDARDARDARDARD
sa loob ng 6 na buwan matapos ang araw ng pagkakasundo PPPPPAAAAAGKAKASUNDOGKAKASUNDOGKAKASUNDOGKAKASUNDOGKAKASUNDOsa loob ng 15 araw
DI NDI NDI NDI NDI NAAAAAGKASUNDOGKASUNDOGKASUNDOGKASUNDOGKASUNDO
PPPPPAAAAAGLIPGLIPGLIPGLIPGLIPAS NG AS NG AS NG AS NG AS NG ANIM NANIM NANIM NANIM NANIM NA BA BA BA BA BUWUWUWUWUWANANANANANang kasunduan ay maaari nang ipatupad ng korte
PPPPPAAAAAGPGPGPGPGPAPAPAPAPAPAAAAATUPTUPTUPTUPTUPADADADADAD 7k-2PPPPPAAAAAGSAMPGSAMPGSAMPGSAMPGSAMPA NG KASO SA KA NG KASO SA KA NG KASO SA KA NG KASO SA KA NG KASO SA KORORORORORTE OTE OTE OTE OTE O
SASASASASA ADMINISTRAADMINISTRAADMINISTRAADMINISTRAADMINISTRATIVE BODTIVE BODTIVE BODTIVE BODTIVE BODYYYYY
1
2
7a at 7b
6a at 6b
5a at 5b
4a 4b
3a 3b
6k-1 6k-2ang lupon ay maglalabas ng
certificate for filing of action incourt
7k-1
NG KASUNDUNG KASUNDUNG KASUNDUNG KASUNDUNG KASUNDUAN SA LAN SA LAN SA LAN SA LAN SA LOOBOOBOOBOOBOOBNG 10 NG 10 NG 10 NG 10 NG 10 ARAARAARAARAARAWWWWW
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
8080808080
Ang lahat ng kasong dapat ay pag-usapan muna sa barangay court ay
kinakailangang may Certificate of Non-settlement o Certificate to File
Action bago ito iakyat sa MeTC/MTC/MCTC, kung hindi ay idi-dismiss lang
ng huli ang kaso. Pero bukod sa dapat tiyakin na ang tipo ng kaso ay
saklaw ng barangay court, kailangan din ang isa sa
mga sumusunod na rekisito para magkaroon ng
jurisdiction ang barangay court sa kaso:
• ang tunggalian ay sa pagitan ng
d a l a w a n g
residente ng
barangay.
• ang tunggalian
ay sa pagitan ng
dalawang residente
ng magkaibang barangay ng iisang lungsod o
munisipalidad.
• ang tunggalian ay sa pagitan ng dalawang indibidwal
na parehong nagtatrabaho sa barangay.
• ang tunggalian ay sa pagitan ng dalawang residente ng magkatabing
barangay ng magkaibang lungsod o munisipalidad.
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
8181818181
PRE-TRIALkailangang pumunta ang plaintiff kung hindi ay
ibabasura ng korte ang kaso; susubukan ng huwes namagkaroon ng settlement ang plaintiff at defendant
TRIAL(pagprisinta ng mga testigo at ebidensya
ng magkabilang panig)
DESISYON o JUDGMENT(maaaring umapila ang alinmang panig sa desisyon ng korte)
EXECUTION OF JUDGMENT
ANG PLAINTIFF AY MAGSASAMPA NG
REKLAMO o “COMPLAINT” SA KORTEmagbayad ng tamang filing fee; kailangan dito ang legal
assistance ng abugado para sa paghahanda ng “complaint”
ANG KORTE AY MAGPAPADALA NG
SUMMONS O NOTICE SA RESPONDENT oDEFENDANT
ANG RESPONDENT o DEFENDANTAY MAGPA-FILE NG KANYANG ANSWER
sa loob ng 15 araw pagkatapos matanggap ang summons
G. Paano tumatakbo, sa kalakhan,ang kasong sibil sa korte?
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
8282828282
H. Paano tumatakbo, sa kalakhan, angkasong kriminal sa korte?
!!!!!
NAGANAP ANG
ISANG KRIMEN
"""""
Gagawin ng inquest prosecutor ang isang inquestproceedings laban sa nahuli. (Tingnan ang Annexes)
FILING OF COMPLAINTFILING OF COMPLAINTFILING OF COMPLAINTFILING OF COMPLAINTFILING OF COMPLAINT
Kung may batayan, magpa-file ng information sa korteang inquest prosecutor laban sa nahuli. O maaari dinnaman na pansamantalang palalayain ang nahuli forfurther investigation.
APPEALAPPEALAPPEALAPPEALAPPEAL
1
9
"""""ang biktima (private complainant) ay magsasampa ng
“complaint” sa pulis, prosecutor o sa municipal judge
Maaaring humingi ng re-investigation ng akusado sakanyang kaso. At depende sa kasong isinampa, maaarisiyang magpyansa o mag-file ng petition for bail parapansamantalang makalaya.
INQUEST PROCEEDINGS
FILING OF INFORMATION
MOTION FOR RE-INVESTIGATION / BAIL
kung guilty maaaring umapila ang akusado sa mas mataas na
korte para mapawalang bisa ang desisyon
Ang pinaghihinalaang gumawa ng krimen ayligal na nahuli sa isang warrantless arrest.
WARRANTLESS ARREST
TRIALTRIALTRIALTRIALTRIAL7 patutunayan ng estado ang guilt ng akusado at
idedepensa naman ng akusado ang kanyang sarili
FILING OF INFORMAFILING OF INFORMAFILING OF INFORMAFILING OF INFORMAFILING OF INFORMATIONTIONTIONTIONTION3kung may sapat na batayan ang bintang, magpapa-file
siya ng information laban sa akusado sa korte
PRELIMINPRELIMINPRELIMINPRELIMINPRELIMINARARARARARY INVESTIGAY INVESTIGAY INVESTIGAY INVESTIGAY INVESTIGATIONTIONTIONTIONTION2 gagawa ng panimulang imbestigasyon ang prosecutor
kung may probable cause ba ang reklamo
ARREST/BAILARREST/BAILARREST/BAILARREST/BAILARREST/BAIL4maglalabas ng warrant of arrest ang huwes
laban sa akusado; maaaring mag-bail ang akusado
ARRAIGNMENT/PLEAARRAIGNMENT/PLEAARRAIGNMENT/PLEAARRAIGNMENT/PLEAARRAIGNMENT/PLEA5babasahin sa harapan ng akusado ang kaso laban
sa kanya at tatanungin kung ano ang kanyang plea
PRE-TRIAL CONFERENCEPRE-TRIAL CONFERENCEPRE-TRIAL CONFERENCEPRE-TRIAL CONFERENCEPRE-TRIAL CONFERENCE6ipapakita ng mga partido ang kanilang mga ebidensya,
testigo at dokumento hinggil sa kaso
JUDGMENTJUDGMENTJUDGMENTJUDGMENTJUDGMENT8paglalabas ng desisyon ng korte sa kaso kung “guilty” o
“not guilty” ang akusado
EXECUTION OF JUDGMENTEXECUTION OF JUDGMENTEXECUTION OF JUDGMENTEXECUTION OF JUDGMENTEXECUTION OF JUDGMENTpagpapatupad ng sentensya kung walang apila o di
kaya ay na-affirm ng higher court ang conviction
10
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
8383838383
1. Ang Pagsampa ng Reklamo (Filing of Complaint)
Kapag may sariling abugado ang biktima, gagawa siya ng reklamo
(complaint) laban sa gumawa ng krimen sa porma ng isang sinumpaang
salaysay (affidavit) sa tulong ng kanyang abugado. Sa complaint-affidavit
isasalaysay niya ang mga pangyayari at sirkunstansya ng naganap na krimen.
Kung meron siyang mga testigo mas mainam na gawan na rin ng sinumpaang
salaysay ang mga ito para isama na sa kanyang sariling complaint-affidavit.
Kung wala naman siyang sariling abugado, maaari siyang magbigay ng
pahayag sa pulis sa porma rin ng sinumpaang salaysay.
Isasampa ng biktima at ng kanyang abugado o ng pulis ang complaint-
affidavit sa opisina ng piskal o prosecutor, o sa municipal judge na may
jurisdiction sa krimen. Sasagutan ng biktima ang isang standard form sa
opisina ng prosecutor upang maisampa ang reklamo at magkakaroon ng
re-swearing o pagpapatotoo sa complaint-affidavit sa harap ng sinumang
piskal o prosecutor.
2. Ang Preliminary Investigation
Kung ang krimeng inirereklamo ay nangangailangan ng isang preliminary
investigation bago maisampa ang kaukulang kaso sa korte, ang prosecutor
o municipal judge ay maglalabas ng Memorandum for Preliminary
Investigation, isang dokumentong nagsusuma sa mga partikular na reklamo.
a. Ano ang preliminary investigation?
Hindi lahat ng kasong kriminal ay nangangailangan ng preliminary
investigation. Ang mga kasong kriminal lamang na may kaparusahan
ng pagkabilanggo ng di bababa sa 4 na taon, 2 buwan at 1 araw ang
dapat isasailalim sa preliminary investigation. Ang preliminary
investigation ay ang pagsisiyasat na ginagawa ng prosecutor (o
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
8484848484
municipal judge sa mga piling lugar) ukol sa reklamong isinampa
upang matiyak na:
• may sapat na batayan para magkaroon ng may-basehang
paniniwala na may naganap na krimen; at
• malamang na ang inaakusahan ang may kagagawan nito kaya
dapat siyang sumailalim sa paglilitis.
Sa madaling sabi, layunin ng preliminary investigation na matiyak
na may sapat na kadahilanan (probable cause) ang reklamo para
magsampa sa korte ng information
o charge sheet laban sa
inaakusahan. Tandaan, hindi
maaaring mag-isyu ng warrant of
arrest nang hindi pa natatapos ang
preliminary investigation, maging
ng prosecutor o huwes na
nagsagawa ng preliminary
investigation.
b. Ano ang probable cause?
Ang probable cause ay ang pag-
iral ng mga pangyayari at
sirkunstansya na magtutulak sa
isang rasonableng tao sa
paniniwalang ang inaakusahan ay
nagkasala sa krimeng isinasakdal
laban sa kanya.
Ang preliminary investigation
ay isinasagawa upang
matiyak na may sapat na
kadahilanan (probable cause)
ang reklamo para magsampa
ng kaso sa korte laban sa
inaakusahan.
Pero ang mga kasong
kriminal lamang na may
parusang pagkabi-
langgo ng di bababa
sa 4 na taon, 2
buwan at 1 araw
ang dapat
isailalim sa
preliminary
investigation.
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
8585858585
10a FOR FILING OF INFORMATION
isasampa ang kaso sa korte
flow chart on preliminary investigation
Sa loob ng 10 araw kailangang magdesisyon ang
piskal o prosecutor kung ibabasura o ipagpatuloy ang kaso base
sa complaint at mga ebidensiyang binigay ng biktima
COUNTER-AFFIDAVIT
NG RESPONDENTkalakip ang mga supporting documents ANG RESPONDENT AY
HINDI MA-SUBPOENA O
KUNG NA-SUBPOENA
MAN AY HINDI
NAGBIGAY NG
KANYANG COUNTER-
AFFIDAVIT
REPLY-AFFFIDAVIT
NG COMPLAINANT
REJOINDER-AFFIDAVIT
NG RESPONDENT
2
4a-1
6a-1
7a-1(
4a-2
5a-2
FOR DISMISSAL
maaaring umapila ang
complainant sa Justice Secretary
!
MAGLALABAS NG
RESOLUTION SA
REKLAMO ANG PISKAL/
PROSECUTOR BASE
SA MGA EBIDENSYANG
IBINIGAY NG
COMPLAINANT
k. Paano ginagawa, sa kalakhan, ang preliminary investigation?
NAI-FILE ANG COMPLAINT NG BIKTIMAang krimeng inirereklamo ay may parusang pagkabilanggo ng di
bababa sa 4 na taon, 2 buwan at 1 araw
1
CLARIFICATORY HEARINGang mga partido at kanilang mga testigo
ay dapat dumalo para sagutin ang mga
tanong ng nag-iimbestiga para siya ay
malinawan sa mga isyu at usapin sa kaso;
ang nag-iimbestiga lang ang puwedeng
magtanong at walang cross-examination sa
mga partido at kanilang mga testigo
5a-1
9 SUBMISSION NG RESOLUTION SA
PROVINCIAL OR CITY PROSECUTOR FOR APPROVAL
ISSUANCE OF A SUBPOENA TO THE RESPONDENTkung sa tingin ng prosecutor o huwes na may batayan
para ituloy ang imbestigasyon; ilalakip sa subpoena
ang kopya ng complaint at mga supporting affidavits at documents
3a DISMISSALkung walang sapat na
batayan ang reklamo
3b
RESOLUTION
dismissal or filing of information8a-1
10a-2
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
8686868686
3. Ang Filing ofInformation
Ang information ay ang charge
sheet na inisyu ng piskal o
prosecutor kung saan nakasulat at
nakasaad ang kaso laban sa
nasasakdal at ang sirkunstansya.
(Tingnan ang Annexes para sa
halimbawa.)
Ang information o charge sheet na
ito ay isasampa sa opisina ng Clerk
of Court ng kaukulang korte na may
jurisdiction sa kaso. Kapag ito ay
nai-file, ira-raffle ang kaso para
malaman kung anong sangay
(branch) ng korte ang hahawak ng
kaso.
4. Ang Pag-aresto atPagpyansa (Arrest andBail)
Sa loob ng 10 araw matapos
maisampa ang kaso, personal na
sisiyasatin ng huwes na hahawak sa
kaso ang resolution ng piskal at ang ebidensya. Maaaring agaran niyang i-
dismiss ang kaso kung sa tingin niya ay hindi naman naipakita ng ebidensya
na may probable cause ito. Pero kung sa kanyang ebalwasyon ay may
probable cause ang kaso, maglalabas siya ng warrant of arrest o di kaya
ay commitment order kung ang akusado ay nasa pangangalaga na ng pulisya.
Paano malalaman sa isang iglap
kung ang kasong kriminal ay
nasa preliminary investigation
pa lang o naisampa na sa korte?
Kung sa dokumento,
1.) SA YUGTO NG PRELIMINARY
INVESTIGATION, ito ang titulo:
Gloria Amerika
Complainant
VS.
Julian Makabayan
Respondent
I.S. No. 122868
For Rebellion
2.) KAPAG NAISAMPA NA SA
KORTE, ito ang titulo:
People of the Philippines
Plaintiff
VS.
Julian Makabayan
Accused/Defendant
Criminal Case No. 122668
For Rebellion
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
8787878787
Kapag naaresto ang akusado o kahit hindi pa bastat mayroon nang warrant
of arrest laban sa kanya, maaari siyang magpyansa (bail) o di kaya ay
mag-file ng petition for bail depende sa kasong isinampa laban sa kanya.
(Nota: Ang usapin ng Arrest, Detention and Bail ay mas palalawigin pa sa
susunod na aralin)
5. Ang Arraignment and Plea
Ang arraignment ay ang yugto kung saan:
• bibigyan ng korte ang akusado ng
kopya ng Information laban sa
kanya;
• babasahin sa harapan ng akusado
ang kaso laban sa kanya sa
lenggwaheng alam at
naiintindihan niya; at
• tatanungin ang akusado kung ano
ang kanyang tugon (plea) sa
akusasyon – kung “guilty or not
guilty.”
Paano kung ang tugon (plea) ng akusado
ay guilty? Ang susunod na hakbang ng
huwes ay nakadepende sa tipo ng kasong
isinampa laban sa akusado.
• KUNG ANG KASO LABAN SA
AKUSADO AY CAPITAL OFFENSE
(ang kaparusahan ay maaaring
death, life imprisonment o
reclusion perpetua):
Hindi awtomatiko ang paggawad ng hatol. Bago magpalabas ng
hatol, ang korte ay dapat:
Ang akusado ay kailangang
nasa korte para sa
arraignment ng kanyang
kaso.
Hindi pwede ang
arraignment in absentia.
Kaya kung hindi pa nahuhuli
ang akusado ay hindi
maaaring umusad ang kaso
laban sa kanya. Walang
paglilitis na
magaganap at
lalong hindi
pwedeng
mahatulan ang
akusado kung
hindi siya
na-arraign.
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
8888888888
o Gagawa ng mas
malalim na pagsisiyasat
kung talaga nga bang
boluntaryo ang tugon ng
akusado at kung lubos ba
niyang naintindihan ang
kahihinatnan ng kanyang
tugon.
o Hihiling sa prosecution
na kailangang patunayan
ang pagkakasala ng
akusado at ang eksaktong
pananagutan nito sa
krimen.
• KUNG ANG KASO
LABAN SA AKUSADO AY
NON-CAPITAL OFFENSE
(Parusa liban sa death, life
imprisonment o reclusion perpetua). Tingnan ang Annexes para sa
Talaan ng mga krimen at mga kaparusahan nito.
Wala ng paglilitis (trial) na magaganap. Maaaring magpalabas
kaagad ng kapurasahan ang hukom o maaari din niyang tanggapin
ang iba pang ebidensya para maitakda ang nararapat na
kapurahasan.
Kung ang tugon naman ng akusado ay “not guilty”, itatakda ng
hukom ang unang araw ng paglilitis ng kaso na dapat ay magsimula
sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang pre-trial order.
Sa arraignment ay maaari ding magkaroon ng plea bargaining. Ang
plea bargaining ay ang pag-amin ng akusado sa isang mas mababang
krimen na dapat kahanay sa orihinal na kaso kapalit ng mas
NOT GUILTY
Kung ang plea ng akusado ay:
GUILTY TO A
LESSER OFFENSE
plea bargain
GUILTY OF A NON-CAPITAL
OFFENSE
maaari tanggapin ng hukom ang
ebidensiya para maitakda ang
nararapat na kapurahasan
PRE-TRIAL
JUDGMENT
conviction
or
acquittalGUILTY OF A CAPITAL OFFENSE
malalim na pagsisiyasat
kung boluntaryo ang plea
at kung lubos na naiintindihan ang
kahihinatnan; hihiling sa
prosecution na patunayan ang
pagkakasala at ang eksaktong
pananagutan krimen.
!!!!!
"""""
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
8989898989
mababang parusa. (Halimbawa ay slight physical injuries imbes
na serious physical injuries.) Pero dapat ang plea bargain ay may
pagsang-ayon ng prosecutor at ng private complainant. Kung may
balidong plea bargain, wala na ring paglilitis sa kaso. Sa ganitong
sitwasyon ay itatakda kaagad ng hukom ang nararapat na parusa sa
akusado.
6. Ang Pre-Trial Conference
Ang pre-trial conference ay ang
pagpupulong ng mga partido sa kaso
at ang kanilang mga abugado sa harap
ng huwes para ilabas at pag-usapan
ang mga bagay na may kinalaman sa
paglititis ng kaso upang mapabilis ito.
Dito ilalabas ng bawat panig ang hanay
ng kanilang mga testigo, mga
ebidensya at iba pang mga dokumento
para patunayan ang kanilang panig.
Pag-uusapan din dito ang iba pang mga
ligal na usapin para hindi mabalam ang paglilitis. Sa pre-trial conference
ay maaari ding magkaroon na ng plea bargaining para hindi na idaan pa sa
paglilitis ang kaso.
Pagkatapos ng pre-trial, maglalabas ang korte ng pre-trial order kung
saan nakasaad ang lahat ng mga usapin na napag-usapan ng mga partido
na siyang gagabay sa paglilitis ng kaso.
7. Ang Paglilitis (Trial)
Ang trial ay ang yugto kung saan bubusisiin ng korte ang lahat ng mga
ebidensyang ihaharap ng mga partido para matiyak kung ang akusado ay
nagkasala o hindi.
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
9090909090
ANG PANG PANG PANG PANG PANGKALAHAANGKALAHAANGKALAHAANGKALAHAANGKALAHATTTTTANGANGANGANGANG YUGTYUGTYUGTYUGTYUGTO NG PO NG PO NG PO NG PO NG PAAAAAGLILITISGLILITISGLILITISGLILITISGLILITISNG ISANG KASONG KRIMINNG ISANG KASONG KRIMINNG ISANG KASONG KRIMINNG ISANG KASONG KRIMINNG ISANG KASONG KRIMINALALALALAL
CRCRCRCRCROSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTION
DIRECT EXAMINDIRECT EXAMINDIRECT EXAMINDIRECT EXAMINDIRECT EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTION
RE-CRRE-CRRE-CRRE-CRRE-CROSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTION
ANG MGA PANG MGA PANG MGA PANG MGA PANG MGA PARARARARARTIDOTIDOTIDOTIDOTIDO AAAAAY INY INY INY INY INABISUHANABISUHANABISUHANABISUHANABISUHANSASASASASA ARAARAARAARAARAW NG PW NG PW NG PW NG PW NG PAAAAAGLILITISGLILITISGLILITISGLILITISGLILITIShindi bababa sa 2 araw
bago ang paglilitis
ISA SA MGA PISA SA MGA PISA SA MGA PISA SA MGA PISA SA MGA PARARARARARTIDOTIDOTIDOTIDOTIDO AAAAAY NY NY NY NY NAAAAAGSAMPGSAMPGSAMPGSAMPGSAMPA NG MOA NG MOA NG MOA NG MOA NG MOTIONTIONTIONTIONTIONmotion for postponement of trial o iba pang motion
MOMOMOMOMOTION DENIEDTION DENIEDTION DENIEDTION DENIEDTION DENIEDmagsisimula ang paglilitis
MOMOMOMOMOTION GRANTEDTION GRANTEDTION GRANTEDTION GRANTEDTION GRANTEDpostponed muna ang paglilitis at
pagdedesisyunan muna ang motion
PRPRPRPRPROSECUTIONOSECUTIONOSECUTIONOSECUTIONOSECUTION:::::ipiprisinta ang ebidensya parapatunayan ang pagkakasala ngakusado
1
2
DIRECT EXAMINDIRECT EXAMINDIRECT EXAMINDIRECT EXAMINDIRECT EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTIONtatanungin ng abugado ang kanilang testigo tungkol sa kanyangmga nalalaman sa kaso
CRCRCRCRCROSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTIONang abugado ng kabilang panig ang magtatanong sa testigong kabila ukol sa kanyang nalalaman
RE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTIONtatanungin ng abugado ang kanilang testigo para linawin angmga bagay na tinanong ng kabila
RE-CRRE-CRRE-CRRE-CRRE-CROSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINOSS EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTIONtatanungin ng abugado ng kabila ang testigo para linawin angmga sinabi sa re-direct examination
3
REBREBREBREBREBUTTUTTUTTUTTUTTAL EVIDENCEAL EVIDENCEAL EVIDENCEAL EVIDENCEAL EVIDENCENG PRNG PRNG PRNG PRNG PROSECUTIONOSECUTIONOSECUTIONOSECUTIONOSECUTION
4
DEFENSEDEFENSEDEFENSEDEFENSEDEFENSE:::::ipiprisinta ang ebidensyapara patunayan na walangpagkakasala ang akusado
A B
MEMORANDMEMORANDMEMORANDMEMORANDMEMORANDAAAAA6 RE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINRE-DIRECT EXAMINAAAAATIONTIONTIONTIONTIONJUDGMENTJUDGMENTJUDGMENTJUDGMENTJUDGMENT7
5 SUR-REBSUR-REBSUR-REBSUR-REBSUR-REBUTTUTTUTTUTTUTTALALALALALEVIDENCE NG DEFENSEEVIDENCE NG DEFENSEEVIDENCE NG DEFENSEEVIDENCE NG DEFENSEEVIDENCE NG DEFENSE
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
9191919191
Kung sino ang nagrereklamo ay siyang may pananagutan na maglabas ng
ebidensya upang patunayan ang habla. Samakatuwid, nasa estado ang
pananagutan na patunayan kung ang akusado ay may sala. (The burden
of proof lies in the state through the prosecutor.)
Sa teorya, may mga panukala sa batas na dapat ay gawing mabilis ng mga
korte ang proseso ng paglilitis ng kasong kriminal o ang tinatawag na
“speedy trial”. Kung ang kaso ay nasa MeTC/MTC/MCTC o RTC ay dapat
maglabas ng desisyon sa loob ng tatlong (3) buwan lamang matapos ang
aktwal na paglilitis; kung nasa CA ay isang (1) taon lang dapat para
madesisyunan ang isang appeal; at kung nasa Korte Suprema ay dapat
dalawang (2) taon lang ang itatagal ng kaso.
Bagamat sa praktika ay hindi naman ito nasusunod, maaari pa rin nating
gamitin ang prinsipyong ito. Kaugnay dito, kung matapos halimbawa ang
tatlong pagdinig sa loob ng anim na buwan na wala pang sumisipot na
testigo para sa kalaban, maaari nating igiit ang karaparatan ng akusado
na makapagsampa ng motion for provisional dismissal.
8. Ang Judgment o Desisyon
Ang judgment ay ang hatol ng korte kung ang akusado ay may sala (guilty)
o wala (not guilty) sa kasong isinampa laban
sa kanya. Kung ang hatol laban sa
akusado ay guilty (conviction),
nakasaad na rin sa desisyon ang
kaparuhasan sa krimeng nagawa at
ang pananagutang sibil, kung
mayroon man.
Kung ang hatol ng korte ay guilty,
ito ay tinatawag na conviction; at
kung not guilty naman, ito ay
tinatawag na acquittal.
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
9292929292
9. Ang Appeal
Kapag ang hatol ng korte sa akusado ay guilty (conviction) maaaring siyang
umapila (appeal) sa mas mataas na korte para rebyuhin ang hatol ng
mababang hukuman. Pero kapag ang desisyon ng korte ay not guilty ang
akusado (acquittal), hindi maaaring umapila ang prosecution dahil ito ay
labag sa prinsipyo ng double jeopardy, o hindi maaaring panagutin ang
akusado ng dalawang beses sa parehong kaso. Kaya kung acquitted na
ang akusado ay hindi na kailanman pwedeng isampa ulit ang kaso kahit
may mga bago pa mang testigong lalabas.
Ang apila ay dapat maisampa sa loob ng 15 araw matapos igawad ang
hatol ng mababang korte kung hindi ay magiging final ang hatol laban sa
akusado. Pero kapag ang parusang iginawad ng hukuman ay bitay (death
penalty), o reclusion perpetua o life imprisonment, awtomatiko itong
iaakyat sa Korte Suprema para repasuhin.
Sa mga nahatulan naman ng pagkabilanggo ng di tataas sa 6 na taon, sa
halip na umapila ay maaari silang mag-apply ng probation kung saan ang
isang convict ay maaaring hindi na ikukulong, sa halip ay bibigyan na lang
ng mga gawaing sibiko sa kundisyon na buwan-buwan ay makipagkita siya
sa isang probation officer para iulat ang takbo ng kanyang buhay.
10. Ang Pagpapatupad ng Hatol (Execution ofJudgment)
Kapag nagiging final and executory na ang hatol laban sa akusado —
halimbawa ay hindi siya nakapag-apila o naman kaya ay kinatigan na ng
mas mataas na korte sa yugto ng appeal ang hatol ng nakabababang
hukuman — ay ipapatupad na ang hatol na maaaring pagkakulong at/o
pagmumulta.
Kung ang hatol ay pagkakakulong, ang korteng naglabas ng hatol ay mag-
Ang Sistemang Korte sa Pilipinas
9393939393
iisyu ng “mittimus” o commitment order laban sa akusado at siya ay
dadalhin na sa kulungan para i-serve ang kanyang sentensya.
I. Anu-ano ang mga mahahalagangtungkulin ng paralegal sa bawat yugtong kaso?
1. Sa Filing of Complaint-Affidavit o Reply-Affidavit
• kapanayamin ang kliyente, mga testigo at iba pang susing tao at
mag-follow-up lagi sa kanila
• kumuha ng mga certified true copy ng mga dokumentong kailangan
sa kaso at pag-aayos ng mga ito; kung ang kaso ay nasa region
dapat makipag-ugnayan kaagad doon para makakuha ng mga testigo
at dokumento
• gumawa ng draft ng sinumpaang salaysay (affidavit) at iba pang
leg work na kailangan sa kaso
• mag-isip at manguna sa mga mabisang metalegal na pagkilos
2. Sa Preliminary Investigation
• follow-up sa kliyente at mga testigo sa kaso
• kumuha ng certified true copy ng resolution mula sa prosecutor
• mag-isip at manguna sa mga metalegal na pagkilos
3. Sa Filing ng Information at Arrest
• alamin kung may rekomendasyon na pwedeng magpyansa ang
kliyente
• kumuha ng certifited true copy ng charge sheet at warrant of arrest
• payuhan ang nahuli sa kanyang mga karapatan
• maghanap ng paraan para ligal na mapalaya ang kliyente tulad ng
pagpyansa
H A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P AH A N D B O O K S A P A G S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A NG S A S A N AAAAA Y N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A LY N G P A R A L E G A L
9494949494
• konsultasyon sa kliyente at assessment; ipaliwanag sa kliyente kung
ano ang nangyari at pwedeng mangyari
• mag-isip at manguna sa mga metalegal na mga pagkilos
• ilantad ang mga katiwalian at anumang iligalidad sa pag-aaresto
4. Sa Arraignment
• kung walang tatayong abugado ng kliyente, pwedeng tumayo at
makiusap na i-postpone ang arraignment o bista para maghanap
ng sariling-piling abugado
• mag-isip at manguna sa mga metalegal na pagkilos
• konsultasyon sa kliyente
5. Sa Pre-Trial hanggang Judgment
• mag-isip at manguna sa mga metalegal na mga pagkilos
• konsultasyon sa kliyente
ANG PARALEGAL AY ISANGANG PARALEGAL AY ISANGANG PARALEGAL AY ISANGANG PARALEGAL AY ISANGANG PARALEGAL AY ISANGORGANISADOR. Kaya sa lahatORGANISADOR. Kaya sa lahatORGANISADOR. Kaya sa lahatORGANISADOR. Kaya sa lahatORGANISADOR. Kaya sa lahat
ng yugto ng kaso dapat laging yugto ng kaso dapat laging yugto ng kaso dapat laging yugto ng kaso dapat laging yugto ng kaso dapat laginiyang inoorganisa at pinapakilosniyang inoorganisa at pinapakilosniyang inoorganisa at pinapakilosniyang inoorganisa at pinapakilosniyang inoorganisa at pinapakilos
ang pamilya ng kliyente.ang pamilya ng kliyente.ang pamilya ng kliyente.ang pamilya ng kliyente.ang pamilya ng kliyente.