[PPT]retorika - BS in Computer Science - Home...

Post on 12-Mar-2018

250 views 5 download

Transcript of [PPT]retorika - BS in Computer Science - Home...

MGA BATAYANG KAALAMAN SA

PAGSULAT

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao,tumitigil na rin sya sa pag-iisip.”

Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat ng karununungan at kaalaman,mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon.

MGA BATAYANG KAALAMAN

SA PAGSULAT KAHULUGAN AT KALIKASANAng pagsulat ay pagsasalin sa

papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan.

KAHULUGAN AT KALIKASAN Ito ay kapwa isang pisikal na

aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin.Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.

Ayon kina Xing at Jin,ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga elemento.

KAHULUGAN AT KALIKASAN

Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika,inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. Matuturing na isang mataas na uri ng kominukasyon sapagkat esensyal dito ang napakaraming elemento atc rekwayrment ng gramatika at bokuabularyo.

KAHULUGAN AT KALIKASAN

Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.

Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito.

Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo.

Subalit mayroon tayong magagawa....napag- aaralanang wasto at epektib na pagsulat.

KAHULUGAN AT KASANAYAN

Ayon kay Keller,ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at bekslusib ito sa tao. Isa itong pangngailangan sapagkat ito,kasama ang kasanayang pakikinig,pagbasa at pagsasalita ay may malaking impluwensiya upang maging ganap ang ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining,maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng sinuman sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama.

KAHULUGAN AT KASANAYAN

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat:

“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

SOSYO-KOGNITIB NA

PANANAW SA PAGSULAT SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.

KOGNITIB – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman.

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

Ang sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal. Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:

1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon

ng babasa sa aking isusulat?

PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA

PROSESO Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

Anuman ang layunin sa pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Dalawang dimensyon sa pagsulat:

1. Oral Dimensyon2. Biswal na Dimensyon

DALAWANG DIMENSYON SA PAGSULAT

1.ORAL NA DIMENSYON

Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.

Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.

2. BISWAL NA DIMENSYONAng dimensyong ito ay mahigpit na

nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.

Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRASTPaghahambing at Pagkokontrast sa Dalawang Dimensyon na halaw kay Badayos

MGA SALIK PAGSASALITA PAGSULAT

Sikolohikal - may kontekstong sosyal at harapang interaksyon- may kagyat na pidbak sa anyong berbal o di-berbal

- gumagamit ng paralinguistic features (tigil,diin,lakas at intonasyon)- gumagamit din ng mga extra linguistic features o mga non-berbal dues - nasa anyong linear,hindi na mababawi ang nasabi bagama't maaaring baguhin

- may kontekstong sosyal bagama't ang interaksyon ay hindi harapan- kailangang gumawa ng maraming pag-aakma upang maisaalang-alang ang di-nakikitang audience o mambabasa - minsan,awtor mismo ang gumaganap na tagabasa ng tekstong isinulat- walang kagyat na pidbak

Paghahambing at Pagkokontrast sa dalawang dimensyon na halaw kay Badayos

MGA SALIK PAGSASALITA PAGSULAT

Linggwistik - maaaring maging inpormal

- maaaring ulitin,baguhin at linawin ang binitawang salita ayon sa reaksyon ng kausap- maaari ang pag-uulit-ulit ng mga pahayag

- kailangang mahusay ang paglalahad ng kaispan upang maging malinaw ang teksto sa mga mambabasa- mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na istrakturang dapat sundin

Paghahambing at Pagkokontrast sa dalawang dimensyon na halaw kay Badayos

MGA SALIK PAGSASALITA PAGSULAT

Kognitib - madaling makamit ang kasanayan- natutuhan sa isang prosesong natural at tila walang hirap- ang pagsasalita ng inner speech sa aktwal na usapan ay madaling proseso

- natututuhan sa paaralan at kailangan ng pormalna pagtuturo at pagkatuto- mas mahirap ang pagbubuo ng ideya sa pagsulat na teksto kaysa sa pasalitang pagsasabi nito lalo na sa pangalawang wika

MGA PANANAW SA PAGSULATAyon kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa saa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.

MGA PANANAW SA PAGSULAT

Ayon pa kay Murray,ang pagsulat at isang prosesong rekarsib o paulit-ulit.

“Writing is rewriting”.

Matapos diumanong magsulat,magsisimula na namang panibago ang bagong pagsulat.

MGA PANANAW SA PAGSULAT

Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat - “A good writer is wasteful”.

Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts

away,discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.

PANANAW SA PAGSULAT

Sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision.I revise,revise,revise,until every word is what I want.

MGA LAYUNIN SA

PAGSULATAng pagsulat ay personal na gawain sapagkat ginagamit para sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.

Ang layuning ito ay tinatawag na transaksyunal.

Isang halimbawa ng ekspresib na pagsulat ang paggawa ng tula ng mga makata.Samantala,ang pag-gawa ng mga liham-pangangalakal ay isang halimbawa ng transaksyunal na pagsulat.

TATLONG LAYUNIN NG PAGSULAT(Bernales,et.al)1.impormatib2.mapanghikayat3.malikhain

TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT1.IMPORMATIB NA PAGSULAT

Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.

Halimbawa:Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga

istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report

TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

Kilala sa tawag na persuasive writing.Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor.

Halimbawa:editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng proposal at konseptong papel

TATLONG LAYUNIN

SA PAGSULAT3. MALIKHAING PAGSULATIto ay ginagawa ng mga manunulat

ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.

Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

MALIKHAING PAGSULAT

Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.

Wika nga ni Arogante(2000), ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT

Sa mga kasanayan sa komunikasyon,itinuturing ng lalong marami na pinakamahirap ang pagsulat.

Simple ang dahila: sa pagsulat dapat na gamitin ang mga nalalaman sa pakikinig,sa pakikipag-usap at sa pagbabasa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NA IMINUNGKAHI PARA MAKATULONG SA PAGSULAT

1. Pumili ng paksang susulatin.Dapat na makabuluhan o mahalaga ang

paksa, lalo na para sa mga mambabasa.2. Pagkuha ng magagamit na mga

materyales.Maaaring ang mga impormasyon ay

kailangang saliksikin sa mga aklat,babasahin,magasin o peryodiko.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT3.Plano ng Pagsulat.

Maaaring buuin muna sa papel o sa isip ang paksang susulatin.Story line ang tawag dito.

4. Aktwal na Pagsulat.May ilang paraan ng pagsulat na

ginagamit ang mga manunulat.May nagsusulat na nagsisimula sa pag-iisip ng gagamiting pamagat ng akdang susulatin.

MGA HAKBANG SA PAGSUSULAT

5.Pagrerebisa sa Akda.Gaya nang naipahiwatig sa Aktwal

na Pagsulat,ang rebisyong gagawin ay ukol sa pagtatama sa mga kamalian,pagbabawas sa mga isipang naisama na hindi dapat isama at pagdaragdag sa nakaligtaang ideya habang isinusulat ang teksto.

MGA URI NG PAGSULAT

•Mauuri sa iba’t ibang pangangailangan ng tao sa lipunan.•`~batayan kung bakit nasulat ang tao•Magbigay ng impormsyon•Tumalakay sa isang paksa•Mang-aliw ng mambabasa.

AKADEMIKPagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag aaral.Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat.Hal:

Kritikal na sanaysay, term paper,lab report, ekspiremento.

TEKNIKALNagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon sa isang komplikadong suliranin.Nakatuon sa isang espesipik ng audience.

JOURNALISTIKUri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist.Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.

REPERENSYALSulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang mga sors o reference.Para sa mas malawak na pag intindi sa isang paksa.Hal.:

Literatura mula sa awturidad, thesis sa bahaging Mga kaugnay na pag aaral at literatura.

PropesyonalUri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon.Hal:

Pulis report, Investigative report, Medical report.

MALIKHAINMasiningPokus ang imahinasyon ng manunulat.Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.Piksyunal o di-piksunalHal: tula, nobela, maikling kwento, malikhain sanaysay.

Mga Bahagi Ng Teksto

Panimula : Paksa at TisisAng Panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto. Sapagkat, nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto.

Ito rin ang bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Iniintrodyus ang topic na iikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o kaligiran ng paksa.Ang Panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may-akda sa paksang iyon, bukod pa sa nagsisilbi itong pang akit at panawag-pansin

Katawan: Istraktura, Nilalaman at Order

Ang katawan ay hindi lamang ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng teksto. Ito rin ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto.

Samantala, ang istraktura at order ang pinakakalansay ng isang teksto. Kung wala ito, hindi makatatayo sa kanyang sarili ang isang teksto. Kailangan, kung gayon, na mapili ang wasto at angkop na istraktura ng teksto depende sa paksa at mga detalyeng kaugnay nito.Kailangan ding maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order.

Wakas: Paglalagom at Konglusyon

Ang wakas ang panghuling bahagi ng isang teksto. Tulad ng panimula, kailagan din itong maging makatawag-pansin sapagkat, ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa.

Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan. Samantala, inilalahad naman sa kongklusyon ang inferences, prosisyon o deductions na mahahango sa pagtalakay ng teksto.

May Tanong?.....?