Noli me tangere kabanata 27-28-29

Post on 17-Jan-2015

934 views 7 download

description

report and information

Transcript of Noli me tangere kabanata 27-28-29

KABANATA 27: SA PAGTAKIPSILIM

KABANATA 28: SULATANKABANATA 29: KINAUMAGAHAN

MGA LAYUNIN:

• Mabasa at maunawaang lubos ang mga kabanata• Maihalintulad ang mga nangyari sa kasalukuyan• Masagutan ang binigay na pagsusulit

BALIK-ARAL:

• Kailan ang bisperas ng Pista ng San Diego?• Sino ang namamahala sa pagpapagawa ng bahay-paaralan?• Ano ang tinanggihan ni Ibarra mula sa mga mayayaman at mga

kura?• Saang mga bayan magmumula ang mga inaasahang darating na

mayayaman?• Sino ang arkitekto ng bahay-paaralan?

MAHALAGANG TANONG:

• Para sa Kabanata 27: MADALI KA BANG MANDIRI? (Kung ikaw si Maria Clara, tutulungan mo din ba siya? Bakit?)

• Para sa Kabanata 28: SINO ANG GAGAWIN LAHAT PARA SA PAG-IBIG? (Kung nasa kalagayan ka ni Ibarra at Maria Clara, hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Bakit?)

• Para sa Kabanata 29: PARA SAAN/KANINO KA GUMIGISING? (Kung ikaw si Tasyo, gagawin mo ba ang ginawa niya? Bakit?)

PANO KUNG INLOVE KA NA SA BESTFRIEND MO?

KABANATA 27: SA PAGTAKIPSILIM

Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling bato tulad ng agnos na may brilyante, Esmeralda, at kahoy mula sa Bangka ni San Pedro.

Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra.

Lumakad na ang magkatipan kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan, sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Nakita naman ni Maria Clara na kausap ni Sisa kanina yung ketongin.

Napag-isip isip ni Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman.

KABANATA 28: SULATAN

Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon.

Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli.

Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan. Si Andeng ang nagsilbing tagahatid ng sulat ni Maria Clara.

KABANATA 29: KINAUMAGAHAN

Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa.

Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainam na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit wala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari.

Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habang siya ay may sakit.

Sinimulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

HALAGANG PANGKATAUHAN:

• Hindi lahat ng dapat ay pwede. At hindi lahat ng pwede ay dapat.

MGA KANSER:• KAHINAAN NG KABABAIHAN

• KATIWALIAN SA PAMAHALAAN

Ipinanggastos nila ang pera para sa kapistahan ng San Diego sa halip na gamitin ito sa ibang bagay na mas importante at para sa mga problema ng bayan.

SOLUSYON:• Huwag

masyadong padala sa damdamin.

• Buksan ang mga mata para makita ang totoo sa hindi.

EBALWASYON

1. Sino ang naging tagahatid ng sulat nila Maria Clara?

2. Bakit nasabi iyon ni Pilosopo Tasyo?

3. Ano ang ibinigay ni Kapitan Tiyago kay Maria Clara?

4. Sino ang nakita ni Maria Clara na kausap ang ketongin?

5. Bakit naiiba ang prusisyon na naganap sa Kab. 29 kaysa sa ibang prusisyon?

TAKDANG-ARALIN:

• Basahin ang susunod na Kabanata