Modyul 16 kolonyalismo at imperyalismo sa kanluran at timog asya

Post on 23-Jan-2018

4.653 views 20 download

Transcript of Modyul 16 kolonyalismo at imperyalismo sa kanluran at timog asya

Modyul 16

Nagbukas ng maraming oportunidad angnakamit na tagumpay ng mga paglalayagna pinamumunuan nina Christopher Colombus, Vasco de Gama, Ferdinand Magellan, at Sir Francis Drake.

Nakita ng mga Europeo ang pagkakataongmapaunlad ang kanilang bamsa kung sakaling makontrol nila ang mga lupaingnarating ng nabanggit na mga manlalayag.

Ang mga bansang Europeo ay

nagpaligasahan sa pagkontrol sa malaking

bahagi ng daigdig sa tulong na rin ng mga

bagong tuklas na rutang pandagat noong

ika-15 at ika-16 na siglo.

Nagawang madaig ng Great Britain ang

karamihan sa mga bansang Europeo.

Upang maprotektahan ang interes ng mga

British sa Asya, kanilang sinuportahan ang

mga lokal na pinuno sa Kanlurang Asya

laban sa iba pang bansang Europeo.

Layunin nito na pigilan ang ibang bansa sa

kanilang pananakop.

Isang bagong pwersa ang namayani sa

Kanlurang Asya sa pagsapit ng ikatlong

siglo – ang Islam.

Ang dating teritoryo ng Byzantine tulad ng

Syria, North Africa, at Sicily ay nasakop ng

mga Muslim.

Narating nila ang Al-Anadalus (Hispania)

bago nahinto sa timog France ng mga

Frank.

Sinaklaw ng Imperyong Arab ang malaking

bahagi ng Kanlurang Asya at rehiyon ng

Mediterranean.

Noong Gitnang Panahon ng Europe, ang

mga caliph ang nagbigkis sa kabuuan ng

Kanlurang Asya bilang isang natatanging

rehiyon.

Nananatili ang pagkakakilanlang ito

hanggang sa kasalukuyang panahon.

Mula sa panahon ng mga RASHIDUN o

apat na caliph matapos si Muhammad,

namuno ang mga caliphate ng Umayyad at

Abbasid.

Ang Dinastiyang Ottoman ang siyang

namuno sa caliphate at Imperyong

Ottoman mula 1299 hanggang 1922.

1299 – ipinangalan ito kay Osman I, ang

tagapagtatag at unang pinuno nito. Ang

kanilang estado ay nagsimula sa hilagang-

kanlurang Anatolia. Sa pagsakop ni

Mehmed II sa Constantinople ang estado

ay naging isang ganap na imperyo.

1500 – pinalawak ng mga pinunong

pumalit kay Osman I ang imperyo sa iba’t-

ibang direksiyon: sa hilaga patungong

Crimea, pasilangan sa Baghdad at Basra,

patimog sa mga baybayin ng Arabian Sea

at Persian Gulf, at pakanluran sa Egypt at

North Africa, hanggang patungong Europe.

1600 – kabilang sa imperyo ang malakingbahagi ng Kanlurang Asya, North Africa, ang mga bansang Balkan – Greece, Yugoslavia, Alabania, Romania, at Bulgaria – at malaking bahagi ng Hungary. Sinasaklaw nito ang Persian Gulf hanggang sa Danube River. Pinakatanyagsa mga naging pinuno sa mga panahongito si Suleiman I na namuno mula 1520 hanggang 1566.

Ang Imperyong Ottoman ang isa sa mga

naging makapangyarihan sa buong

daigidg dahil sa lawak ng teritoryong

nasakop nito.

Namayani ang mga sasakyang pandagat

ng mga Ottoman Turk sa Mediterranean

Sea, Red Sea, at Persian Gulf

Sinuportahan ng pamahalaan ng Great Britain ang mga Muslim sa Asya bilangpagtutol sa panghihimasok at pagsalakayng mga bansang Europeo sa rehiyon.

Naging pangunahing katunggali ng Great Britain ang Imperyong Russian.

Naging layunin ng iba’t-ibang henerasyonng mga opisyal na British ang magapi angmga Russian sa kanilang mga balakin saAsya.

Upang maprotektahan ang India mula sa

banta ng pagsalakay ng Russia,

kinailangang bantayan ng mga British ang

Afghanistan na isang mahalaga at

estratehikong lagusan papasok ng India.

Napanatili ang distansiya sa pagitan ng

Russia at ng India, kasama na ang ruta

patungong Egypt.

Sa Kanlurang Asya, napakaestratehiko ng

posisyon ng Constantinople kung kaya’t

ang lugar na ito ang naging pangunahing

interes ng mga Europeo.

Kontrolado ng lungsod ang pakanluran at

pasilangang ruta sa pagitan ng Europe at

Asya gayundin ang pahilaga at patimog na

ruta sa pagitan ng Mesiterranean at Black

Sea.

Dapat na manatiling walang nagmamay-ari

sa Constantinople upang malaya silang

makapanatili sa rehiyon at mabantayan

ang Russia.

1791 – nangamba si Punong Ministro

William Pitt ng Great Britain na ang

Imperyong Russian ang siyang

makapagwakas sa kapangyarihan ng mga

bansang Europeo.

Nabuhay muli ang agam-agam na ito sapanahon ni Napoleon Bonaparte ng France kung saan malaki ang ginampanan ng Russia sa huling pagkakatalo ng tanyag na pinunonoong 1814 hanggang 1815.

1830 – ayon kay Lord Palsmerston, nagingkalihim ng ugnayang panlabas at punongministro ng Great Britain, kung magagapi ngRussia ang Imperyong Ottoman ay mauuwiito sa pag-aagawan ng mga maiiwangteritoryo, dahilan upang sumiklab angdigmaan sa pagitan ng mga bansangEuropeo.

Ika-31 ng Agosto 1907, pumasok sa isang

kasunduan ang Great Britain at Russia.

Binitawan ng Russia ang kanyang interes

sa Afghanistan at ipinaubaya sa Great

Britain ang pagkontrol sa mga patakarang

Afghan.

Ang Persia naman ay hinati sa tatlong

sona: sonang neutral, sonang Russian, at

sonang British.

Nasakop naman ng mga Kanluranin ang

Crimea at Constantinople.

Russia• Ika-17 siglo, naganap ang Digmaang Russo-

Turkish (1768-1774) na naging dahilan upang

mabawasan ang teritoryo ng Imperyong Ottoman.

Ang Crimea, na nagtataglay ng malaking

populasyong Muslim, ay napunta sa Imperyong

Russian. Ang paghina ng caliphate ay bunsod ng

paglakas ng kapangyarihan at impluwensiyang

Europeo.

Germany• Sa pag-alis ng mga British, pinalitan sila ng mga

German na noon ay nasa ilalim ni Otto von

Bismarck, ang unang chancellor ng Imperyong

German (1871-1890). Ang pagpasok ng Germany

ay nagpasimula sa bagong panahon ng

pandaigdigang politika. Ang imperyong German,

na nabuo lamang noong 1871, ay pumalit sa

Russia bilang pangunahing banta sa Great Britain

sa loob lamang ng isang dekada.

Great Britain• Sa panahon ng administrasyon ni Punong Ministro

William Ewart Gladstone ng Great Britain (1880-

1885), winakasan ng mga British ang proteksiyon

at impluwensiya sa Constantinople. Dahil ito sa

katiwalian ng mga imperyo sa Kanlurang Asya at

sa pagmamalapit ng Imperyong Ottoman sa mga

minoryang Kristiyano.

Sa loob ng mahabang panahon bago pa

man sumiklab ang Unang Digmaang

pandaigdig noong 1914, naungusan na ng

Europe ang mga lokal na rehimen sa

Kanlurang Asya.

Ang mga khanate sa Gitnang Asya,

kabilang na ang mga Khiva at Bukhara at

ilang bahagi ng Imperyong Persia ay

napasailalim sa Russia.

Ang mga sheikdom ng mga Arab mula saSuez kasama ang baybayin ng Persian Gulf patungong India ay nasa ilalim ngimpluwensiya ng Great Britain.

Bagama’t may pormal na ugnayan pa angCyprus sa Turkey ay okupado at pinangasiwaan ito ng Great Britain.

Ang Afghanistan ay napasailalim sa Great Britain bunsod ng Anglo-Russian Agreement ng 1907.

Ang malaking bahagi ng Persia ay hinati sapagitan ng Great Britain at Russia.

Tanging ang Imperyong Ottoman angnanatiling malaya sa rehiyong ito – patuloyitong nakaranas ng iba’t-ibang banta at panganib.

Panahon din ito ng umusbong ang Young Turkey Party upang pasimulan angnapapanahong pagbabago sa aspektongintelektwal, industriyal, at militar sapapabagsak na noong imperyo.

1909 – napatalsik sa tinatawag na Young

Turk Revolution si Sultan Abdul Hamid II.

Ang pagiging sultan ay tuluyang naging

isang simbolikong posisyon na lamang na

walang tunay na kapangyarihang politikal.

1914 – nawala na sa imperyo ang kontrol

sa North Africa, Hungary, at malaking

bahagi ng timog-silangang Europe.

Mula sa Dinastiyang Ottoman, si

Abdulmecid II ang kahuli-hulihang

nanungkulan bilang caliph.

Ika-24 ng Hulyo 1924 – nilagdaan ang

Kasunduan sa Lausanne na nagwakas sa

pakikidigma ng Turkey sa Unang

Digmaang Pandaigdig.

Itinakda sa kasunduan ang mga

hangganan ng Turkey.