Faith

Post on 03-Nov-2014

678 views 1 download

description

 

Transcript of Faith

2 Timothy 3:5 “Sila'y magkukunwaring maka-

Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.” 

Mark 5:25-34 25 Kasama rin doon ang isang

babaing labindalawang taon nang dinudugo. 

26 Hirap na hirap na siya sa sakit na iyon, at marami nang doktor ang sumuri sa kanya. Naubos na ang kanyang ari-arian sa pagpapagamot ngunit hindi pa rin siya gumagaling. Sa halip, lalo pang lumala ang kanyang karamdaman.

27 Nabalitaan niya ang tungkol kay Jesus kaya't nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Jesus, at hinipo ang damit nito, 

28 sapagkat iniisip niyang: "mahipo ko lang ang kanyang damit, gagaling na ako."

29 Agad ngang tumigil ang kanyang pagdurugo at naramdaman niyang magaling na siya.

30 Naramdaman naman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya't bumaling siya agad sa mga tao at nagtanong, "Sino ang humipo sa aking damit?"

31 Sumagot ang kanyang mga alagad, "Nakikita po ninyong napakaraming nagsisiksikan sa paligid ninyo, bakit pa ninyo itinatanong kung sino ang humipo sa damit ninyo?"

32 Subalit patuloy na lumingun-lingon si Jesus sa paghahanap sa kung sinong humipo sa damit niya

33 Palibhasa'y alam ng babae ang nangyari, siya'y nanginginig sa takot na lumapit kay Jesus, nagpatirapa, at ipinagtapat ang buong katotohanan. 

34 Subalit sinabi sa kanya ni Jesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na at ipanatag mo ang iyong kalooban. Ikaw ay magaling na."

Mark 10:46-52 46 Dumating sina Jesus sa Jerico.

Nang papaalis na siya sa Jerico kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba, may nadaanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya'y si Bartimeo na anak ni Timeo. 

47 Nang marinig ng bulag na ang nagdaraan ay si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya nang sumigaw, "Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!"

48 Pinagsabihan siya ng mga taong naroroon upang tumahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, "Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!"

49 Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, "Dalhin ninyo siya rito."At tinawag nga nila ang bulag. "Lakasan mo ang iyong loob. Tumayo ka. Ipinapatawag ka ni Jesus," sabi nila.

50 Inihagis niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus.

51 "Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?" tanong sa kanya ni Jesus.

Sumagot ang bulag, "Guro, gusto ko pong makakitang muli."

52 Sinabi ni Jesus, "Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya."

Noon di'y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.

Hebrew 11:4 “Dahil sa pananampalataya sa

Diyos, si Abel ay nag-alay ng mas mabuting handog kaysa sa inihandog ni Cain. Kaya naman, si Abel ay kinilalang matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang handog. Kahit patay na siya, nagsasalita pa siya sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Diyos.”

Hebrew 11:24-26

24 Dahil sa pananampalataya sa Diyos, tumanggi si Moises, nang siya'y mayroon nang sapat na gulang, na tawagin siyang anak ng prinsesang anak ng hari. 

25 Inibig pa niyang makihati sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa magtamasa ng mga panandaliang aliw ng mundong ito na dulot ng kasalanan. 

26 Itinuring niyang higit na mahalaga ang pagtitiis sa hirap dahil sa Mesiyas kaysa ang mga kayamanan ng Egipto; sapagkat nakatuon ang kanyang paningin sa mga gantimpala sa hinaharap.

Ecclesiastes 12:13-14

13 Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. 

14 Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.

God bless