1
University of the Philippines Manila
Padre Faura St. Ermita, Manila, Philippines
Buwis sa Bisyo
Ang Epekto ng Pagsasaayos ng Istruktura ng Pagbubuwis sa Epektibong
Regulasyon ng mga Produktong Tabako sa Pilipinas
Princess Caressa V. Perez
2008-57834
BA Political Science
Seminar Paper batay sa Ulat ng Pananaliksik
2
Talaan ng mga Nilalaman
I. Panimula………………………………………………….…………………….………..3
II. Smoking prevalence …………………………………….…………………….……….4
III. Regulasyon ng Tabako ……………………………………………………….……....5
a. Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) ….……………………...……...5
b. Mga Hadlang sa epektibong regulasyon….………………………..….…......6
IV. Sistema ng pagbubuwis sa mga produktong tabako………………………………7
a. Multi-tier system ………………….…………………………………..… ……..8
b. Sin Tax Law ………………………………………..………………..……..…...8
V. Problema sa kasalukuyang sistema ng pagbubuwis………………………………9
VI. Pag-amyenda sa kasalukuyang istruktura…………………………………….…..11
VII. Kaugnayan ng pagtaas ng buwis sa pagbawas ng demand………………….…14
VIII. Pagtaas ng buwis bilang isang hakbang sa epektibong regulasyon…………...15
IX. Konklusyon at Rekomendasyon……………………………………………...…….16
X. Bibliyograpiya…………………………………………………………………...……19
3
Panimula
Ang pagdami ng mga nagkakasakit at namamatay dulot ng paninigarilyo ay
patuloy na tumataas habang ang kahirapan ay lalong lumalala sa bansa. Ito ay ang
nangungunang sanhi ng kamatayan na maaring maagapan. Bukod dito, ito rin ang
naging sanhi ng malaking kawalan ekonomiya dulot ng mga maagang kamatayan,
productivity losses at mataas na healthcare costs na nakakapagpabagal sa pang-
ekonomiyang pagsulong. Kaya naman nagkaroon ng dedikasyon ang pamahalaan
upang masugpo ang epidemya ng tabako. Nagkaroon ng batas na naglalayon na
magregula sa mga produktong tabako.
Kasama sa responsibilidad ng pamahalaan ang pagbibigay serbisyo sa
kalusugan ng mamamayan ngunit nagkakaroon ng mga hadlang upang epektibong
maregularisa ang mga produktong tabako. Dahil sa patuloy na pagtaas ng smoking
prevalence sa kabila ng pagkakaroon ng batas, mapapansin ang isyu ng kakulangan sa
batas at sa mismong regulasyon. Maraming naging mga hakbang upang masolusyonan
ang problemang ito at isa na dito ang pagpataw ng buwis. Ngunit kahit naisabatas na
ang pagpapataw ng buwis, nagkaroon pa rin ng mga problema sa regulasyon. Ang
komplikadong sistema ng pagbubuwis ang nakitang problema kung bakit hindi ganoon
kalaki ang kabawasan sa konsumpsyon sa kabila ng pagpapataw ng buwis at pagtaas
ng presyo. Sa kasalukuyan, nagkakaroon na ng mga debate patungkol sa pagsasaayos
ng istruktura ng pagbubuwis at makakatulong ng malaki ang pagsasabatas ng reporma
sa sistema ng pagbubuwis.
Metodolohiya
Ang mga datos na nakuha ay ginamitan ng mananaliksik ng iba’t ibang paraan
ng pagkuha ng datos katulad ng mga key informant interviews at pagsangguni sa mga
kaugnay na pag-aaral. Ang mga imbitasyon sa mga kinapanayam ay ipinadala sa
pamamagitan ng email at fax. Binanggit sa mga imbitasyon ang paggamit ng mga audio
recorder upang itala ang mga panayam. Ang mga datos na nakuha sa interbyu ay
ginamitan ng mga coding schemes upang makatulong sa pagkakategorya ng mga
4
datos. Gumamit ang mananaliksik ng mga kategorya upang maisaayos ang mga datos.
Pinagsamasama ang mga nakalap na datos batay sa mga kategoryang ito.
Sumangguni din ang mananaliksik sa tamang etika. Kasama sa mga naging
layunin ng pag-aaral ang pagsunod sa wastong etika. Kalakip sa mga imbitasyong
ipinadala bago ang mga pakikipanayam ay ang pagbibigay sa mga kinapanayam ng
kalayaang pumili kung ilalantad ang identidad at kanilang pagiging pribado. Inilakip din
doon ang magiging daloy ng panayam sa kagustuhan na rin ng mga kinapanayam.
Binigyan ding kasiguraduhan ang pagiging kompidensyal ng mga panayam at paggamit
nito sa pang-akademikong layunin. Sa kabila nito, sila ay hindi nagpahayag ng
kagustuhang itago ang kanilang identitad.
Ang pag-aaral ay naglayon na maipaliwanag ang sanhi ng patuloy na pagtaas ng
tantos ng smoking prevalence sa bansa bilang isang manipestasyon na may
kakulangan sa RA 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003 at sa regulasyon ng tabako
sa kabuuan. Tumutok ito sa pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis bilang isang
solusyon upang epektibong maregularisa ang mga produktong tabako. Ito ay limitado
lamang sa pag-aaral ng mga paraan ng pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis kung
paano magiging epektibo ang regulasyon ng tabako ng sa gayon ay epektibong
maregula ang mga produktong tabako.
Smoking prevalence
Nabanggit sa pag-aaral ng World Health Organization (2002) na 20,000 sa mga
kamatayan sa Pilipinas ay may kinalaman sa paninigarilyo. Ayon sa 2009 Philippines
Global Adult Tobacco Survey, 28.3 porsyento o 17.3 milyong Pilipino na nasa edad 15
taong gulang pataas ay kasalukuyang naninigarilyo. Ang 47.7 porsyento (14.6 milyon)
dito ay binubuo ng kalalakihan at siyam na porsyento (2.8 milyon) ay binubuo ng
kababaihan (Department of Health, 2010). Patuloy din ang pagtaas ng insidente ng
paninigarilyo ng kabataan. Noong 2011, naitala na 38.2 porsyento o 2.25 milyong
kabataan ang naninigarilyo. Kung susumahin, dalawa sa limang kabataan na nasa
taong 13 hanggang 15 ay naninigarilyo na. Ito ay mas mataas sa naitala noong 2007 na
5
27.3 porsyento at 19.6 noong 2003 (National Youth Commission, 2012). Dahil dito,
kakailanganin ng 43 bilyong piso para sa serbisyong kalusugan at para sa mga social at
productivity costs. Ito ay binanggit sa pag-aaral nina Doroteo et al (2010) sa naging
resulta ng Tobacco and Poverty Study noong 2006 na ang productivity losses ay
umaabot sa 148 hanggang 314 bilyong piso.
Regulasyon ng tabako
Ang pagkontrol sa mga produktong tabako ay tumutukoy sa komprehensibong
paraan upang ang mga tao ay maprotektahan laban sa masamang epekto ng
pagkonsumo ng mga produktong tabako. Ang pagkakaroon ng epidemya ng tabako ang
nag-udyok sa pagkakaroon ng pandaigdigang kasunduan na naglalayon na maregula
ang produktong ito at maisulong ang mga programa na magsusulong ng kalusugan
(WHO, 2002). Nilikha ang WHO Framework Convention on Tobacco Control (WHO
FCTC) noong Mayo 2003 upang mabawasan ang kamatayan at pagkakasakit na
kaugnay ng paninigarilyo. Nagtakda ito ng mga probisyon na nagsisilbing pamantayan
partikular na sa presyo at pagbubuwis, pagbebenta, pagpapalatastas, pagreregularisa
ng mga nilalaman ng mga produktong tabako, pagbabalot, pagbibigay ng impormasyon
patungkol sa masamang dulot sa kalusugan at mga hakbang sa pagbawas ng demand
(WHO, 2005). Sa kasalukuyan, 174 na bansa na ang nagratipika ng WHO FCTC. Sila
ay obligado na ipatupad ang mga panukala na kaugnay sa mga probisyon nito. Kasama
ang Pilipinas sa nagratipika nito noong 2005 (WHO, 2012).
Tobacco Regulation Act of 2003
Ang patuloy na pagtaas ng mga nagkakasakit, namamatay at ang mga
masamang dulot ng paninigarilyo sa kalusuguhan ang nagtulak sa pamahalaan na
magpanukala ng batas na regulahin ang mga ito. Noon pa man nagkaroon na ng
pagreregularisa sa paggamit ng tabako at noong 2003, nagkaroon na sa Pilipinas ng
batas na magreregularisa sa mga produktong tabako (WHO, 2002). Naisabatas ang
Tobacco Regulation Act of 2003 o Republic Act 9211 upang maregularisa ang pagbalot,
paggamit, pamamahagi at pagpapatalastas ng mga produktong tabako. Nilalayon
6
nitong protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan at isulong ang pagpapahalaga
sa pangkalusugang kamalayan sa pamamagitan ng pagpapaalam sa publiko ng
masamang dulot ng paninigarilyo. Mayroon itong mga probisyon na nagsasaad ng mga
kaukulang parusa sa anumang paglabag sa batas na ito.
Nakasaad din sa RA 9211 ang mga Inter-Agency Committee-Tobacco (IAC-T) na
mayroong eksklusibong kapangyarihan na ipatupad ang mga probisyon sa batas. Ito ay
pinamumunuan ng Kalihim ng Department of Trade Industry (DTI) at ng Kalihim ng
Department of Health (DOH). Ang mga miyembro nito ay binubuo ng mga Kalihim ng
Department of Agriculture (DA), Department of Justice (DOJ), Department of Finance
(DoF), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of
Science and Technology (DOST). Bukod sa mga kalihim, nabibilang din ang
administrador ng National Tobacco Administration (NTA), kinatawan mula sa industriya
ng tabako at kinatawan mula sa mga Non-Government Organizations (NGOs) na
nagsusulong ng pampublikong kalusugan. Sila ay nakakaimpluwensya sa mga polisiya
na ipapatupad hinggil sa pagkontrol ng tabako. Ang anumang hakbang ay kailangang
ikonsulta sa mga miyembro ng komite (RA 9211).
Nireregula ng gobyerno ang mga produktong tabako sa pamamagitan ng
pagpapanukala ng mga batas patungkol dito. Isa na nga ito ang pagpapatupad ng
smoke-free policy ng MMDA. Ito ay nagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong
lugar upang maprotektahan ang kalusugan ng mga taong hindi naninigarilyo. Mayroon
din na mga advertising bans na nagbabawal sa anumang porma ng pagpapatalastas
maliban sa point-of-sale na establisyimento (RA 9211).
Mga Hadlang sa epektibong pagreregula
Ang mga naging hadlang sa masusing regulasyon sa pagkontrol ng tabako ay
ang pagkakaroon ng mahina at hindi epektibong panukalang batas, kawalan ng
kakayanan na ipatupad ang batas at kawalan ng sapat na pagkukunan upang
maipagpatuloy ang pagkontrol ng tabako (Healthjustice, 2012; FCAP, 2012). Ang hindi
nito pagkakapareho sa FCTC ang dahilan kung bakit mayroong mga misinterpretasyon
7
sa pagpapatupad ng batas. Mas nauna kasi ang pagsasabatas ng RA 9211 noong 2003
sa pagratipika ng bansa sa FCTC noong 2005 kaya naman nagkakaroon ng pagkalito
sa parte ng mga tagapatupad (HealthJustice, 2012).
Ang pagkalito at mga misinterpretasyon ay ginagamit ng mga kumpanya ng
tabako upang baluktutin ang batas. Dagdag pa dito, ang mapanlinlang na kampanya
mula sa industriya ng tabako tungkol sa magiging epekto nito sa ekonomiya (FCAP,
2012; SITT, 2012). Ang pagkakasali ng industriya ng tabako sa IAC-T na magreregula
sa mga produktong ito ang isa ring dahilan kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad
sa epektibong regulasyon (HealthJustice, 2012; SITT, 2012). Naging balakid ang
industriya ng tabako dahil ang anumang hakbang na ginagawa ng gobyerno ay kanilang
hinahadlangan (FCAP, 2012). Ang industriya din ng tabako ay gumagamit ng mga
trade agreements na nagtatakda ng mga patakaran kaugnay sa proteksyon sa
kalakalan. Inuubliga nito na ayusin ang mga lokal na batas upang bumagay sa
pinagkasunduang kalakalan. Nakadisenyo ang mga ito na protektahan ang
pangdaigdigang kalakalan. Kapag ang mga produktong tabako ay isinali, makakasama
naman ito sa pampublikong kalusugan. Ang mga ito ay nakahadlang na ipagtibay ang
epektibong regulasyon at pagkontrol sa epidemya ng tabako (Weissman, 2003).
Bukod sa mga ito, nagkaroon din ng problema sa pagbubuwis dahil sa pagiging
komplikado nito. Ang pagtaas ng buwis ang nakikitang solusyon sa pagkontrol ng
smoking prevalence at pagkakaroon ng epektibong regulasyon (Campaign for Tobacco-
Free Kids, 2009). Ngunit ang komplikadong istruktura ng pagbubuwis ang naging
dahilan kung bakit hindi naging ganoon kalaki ang epekto sa demand sa kabila ng mga
pagtaas sa buwis.
Sistema ng pagbubuwis ng mga produktong tabako
Ang gobyerno ay nagpapataw ng tatlong uri ng buwis sa mga produktong tabako.
Ang excise tax, custom duties at value added tax ay ipinapataw ng gobyerno sa mga
produktong tabako. Maraming porma ang excise tax. Mayroong bansa na nagpapataw
ng specific tax kung saan ang buwis ay ipinapataw sa bawat produkto kumpara sa ad
8
valorem na ipinapataw base sa porsyento ng presyo. Ito ay ang single tier na sistema
dahil ang lahat ng produktong tabako ay saklaw ng single tax rate. Ito ay kasalungat ng
multi-tier na sistema kung saan mayroong iba ibang kategorya base sa retail price (PMI,
2012).
Multi-tier system
Ang Pilipinas ay sumusunod sa four-tier tax system sa pangongolekta ng buwis
sa mga produktong tabako. Mayroong low-priced, medium-priced, high-priced at
premium priced. Ang pagkakaroon ng iba ibang kategorya ay nangangahulugang
magkakaibang kalkulasyon ng pagbubuwis bawat kategorya (SITT, 2012).
Sa kasalukyan, ang excise tax na ipinapataw base sa retail price ay 14
hanggang 42 porsyento lamang na mas mababa pa sa nirekumenda ng World Bank na
65 hanggang 80 porsyento ng retail price (SITT, 2010). Bukod dito, ang mga buwis na
ipinapataw ay mas mababa pa kumpara sa ibang mga bansang kapareho ng pang-
ekonomiyang kaunlaran.
Sin tax law
Hindi kasama sa RA 9211 ang pagbubuwis dahil ito ay saklaw ng Sin Tax Law of
2004 o RA 9334 na nagtaas ng excise tax sa retail prices. Ang sin tax ay ang buwis na
ipinapataw sa mga produkto o aktibidad na kinukonsiderang nakakasama tulad ng alak,
pagsusugal at tabako. Layunin nitong bawasan ang pagkonsumo ng mga nasabing
produkto sa pamamagitan ng pagbubuwis upang ito ay maging mahal at mabawasan
ang akses ng mga konsyumer (Domingo, 2012; Barbadora, 2012). Ngunit ang batas na
ito ay hanggang 2011 lamang ang sakop at nangangailangan ng panibagong
lehislasyon upang magkaroon ng pagtaas sa buwis (SITT, 2010).
Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng mga debate patungkol sa pagiging epektibo ng
mga pagpapatupad ng sin taxes at kung ang pagbubuwis nga ba ay dapat gamitin ng
gobyerno upang mabawasan ang paninigarilyo. Nakikita itong paraan upang maitaas
ang kita ng gobyerno at makapagbigay na rin ng insentibo sa mga indibidwal upang
tumigil sa pagkonsumo (Haile, 2010).
9
Problema sa kasalukuyang sistema ng pagbubuwis
Ang kasalukuyang sistema ng pagbubuwis ay komplikado. Nagpakomplika dito
ang iba ibang kategorya ng mga produktong tabako. Dahil sa multi-tier na istruktura,
nagkakaroon ng kalituhan sa pagbibigay ng depinisyon ng mga tiers (DoF, 2012.).
Bukod dito, ang kasalukuyang Tax Reform Code o RA 8424 ay nagbibigay ng
proteksyon sa mga lokal na tatak na lumabas sa merkado bago ang taong 1996 sa
pamamagitan ng pagkaklasipika dito sa lower-priced categories batay sa 1996 net retail
price ng mga ito. Kaya naman nagkakaroon ng mababang buwis ang mga ito sa pagitan
ng PHP2.00 hanggang PHP12.00 lamang sa kabila ng pagtaas ng retail prices ng mga
ito sa mga nakaraang taon. Samantalang ang mga lumabas sa merkado pagkatapos ng
taong 1996 ay binigyan ng pinakamataas na tax rate (PhP 27). Dahil dito, ang NRP ng
sigarilyo na pinagbabasehan ng buwis na ipinapataw ay hindi nagbabago ayon sa batas
na ito samantalang ang gross retail prices ay dinedetermina ng merkado (DoF, 2012).
Sa paglipas ng mga taon, ang gross retail prices ay tumataas samantalang ang NRPs
ay hindi nagbabago na nagiging dahilan ng pagbaba ng tax burden (SITT, 2010).
Pinapatunayan lang nito na ang kumikita lang ng malaki ay ang industriya ng tabako
samantalang ang kita ng gobyerno ay maliit kumpara sa malaking gastos sa kalusugan
(FCAP, 2012; SITT, 2012).
Talahanayan 1. Porsyento sa Kabuuang Kita ng Gobyerno ng Pagbubuwis sa
Tabako
Taon Kita sa Pagbubuwis sa Tabako (in PhP Bilyon)
Kabuuang kita ng Gobyerno
Porsyento sa Kabuuang Kita ng Gobyerno (approx. in %)
2000 17.4 460 3.8
2001 19.3 489.8 3.9
10
Makikita sa talahanayan 1 na sa loob ng ilang taon nag-iiba ang naging
kontribusyon ng pagbubuwis sa tabako. Mapapansin na umabot ito sa 4 porsyento
noong 2002, ngunit bumaba ito noong mga sumunod na mga taon. Makikita din dito
ang pagbaba sa kontribusyon ng buwis na nakukuha sa industriya ng tabako mula sa
3.8 porsyento noong 2000 hanggang sa 2.9 porsyento noong 2009 (SITT, 2010).
Bukod sa pagbaba ng tax burden, isa ding problema ang pagkakaroon ng
substitution o yung pagpapalit ng mga konsyumer ng tatak ng sigarilyo na kinokonsumo
kapag nagkakaroon ng pagtaas ng presyo. Isa itong epekto ng pagkakaroon ng
komplikadong multi-tier na sistema. Ang iba ibang kategorya ng mga sigarilyo ang
nakikitang problema kung bakit hindi naging malaki ang kabawasan sa kabila ng
pagtaas ng buwis at presyo. Nagkakaroon ng pagpapalit sa mas mababang kategorya
kung kaya hindi ganoon kalaki ang kabawasan sa demand (SITT, 2012).
2002 20 496.2 4
2003 19.9 537.7 3
2004 23 597.6 3.9
2005 23.7 705.3 3.2
2006 26.8 858.6 3
2007 23.1 923.1 2.5
2008 27.5 907.4 3
2009 24.2 810.9 2.9
11
Figure 1. Bilang ng Nabentang produkto (milyon)
Makikita sa figure 1 na sa mga nakaraang taon, nabawasan at nag-iiba ang
demand sa medium-priced at high-priced na kategorya ngunit ang mga nasa low-priced
ay patuloy na tumataas. Ito ay isang manipestasyon ng substitution o paglipat sa mas
murang tatak ng sigarilyo kapag wala na silang kakayanang bumili. Mapapansin dito
ang pagtaas ng pagkonsumo sa mga nasa low-priced na kategorya na ang ibig sabihin
ay hindi naging malaki ang naging kabawasan sa pagkonsumo kahit itaas pa ang
presyo ng sigarilyo (SITT, 2010). Sa makatuwid, ang kahinaan ng kasalukuyang
sistema ay ang hindi nito paglapat sa kasalukuyang inflation rate, price classification
freeze at ang multi-tier na sistema.
Pag-amyenda sa kasalukuyang sistema ng pagbubuwis
Ang pagtataas ng buwis ang tinitingnan na epektibong hakbang upang
mabawasan ang demand ng tabako. Isinasaad sa Artikulo 6 ng FCTC ang
pagpapanukala ng mga price at tax measures upang mabawasan ang demand sa
tabako at pagsusulong ng kalusugan. Kinikilala ng mga bansang kasali sa FCTC na ito
ay isang epektibong paraan upang mabawasan ang demand sa ilang sektor ng lipunan
partikular na ang mga kabataan (WHO, 2005).
Ang WHO ay inirekumenda na ang lahat ng bansa na kasama sa FCTC ay
magtaas ng buwis at ilapat ito sa kasalukuyang inflation rate (Campaign for Tobacco-
0
500
1000
1500
2000
25001
997
19
98
19
99
20
00
20
01
20
02
20
03
20
04
20
05
20
06
20
07
High-Priced
Medium-priced
Low-priced
Linear (Low-priced)
12
Free Kids, 2009). Ngunit sa Pilipinas, ang buwis ng mga produktong tabako ay batay pa
sa 1996 net retail prices (NRPs) kasalungat sa inirerekumenda ng WHO.
Kasama sa pag-amyenda sa batas, ang pagsasaayos ng istruktura ng
pagbubuwis. Dahil sa nagiging dulot nito sa kalusugan at ekonomiya, kinakailangan na
ang gobyerno ay magsagawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga
mamamayan lalo na ang pinakabulnerableng sektor ng lipunan tulad ng mga kabataan
at mahihirap. Ang titingnan na epektibong hakbang ay ang pagtataas ng buwis.
Talahanayan 2. Porsyento ng Tax rate sa Retail Price noong 2010
Ang pagbubuwis sa Pilipinas ay mababa kumpara sa ibang bansa sa Timog
Silangang Asya. Makikita sa talahanayan 2 na sa Pilipinas ay 30 porsyento lamang ang
tax rate kumpara sa Thailand na may 70 porsyento at Myanmar na 50 porsyento. Ang
pagkakaroon ng Pilipinas ng 30 porsyento lamang ay taliwas sa nirekumenda ng World
Bank na 65 porsyento ng retail price (SEATCA, 2010). Upang mabawasan ang demand
sa tabako, dapat itaas ang excise tax na magreresulta sa pagtataas ng mga presyo.
Ang mas mataas na buwis at presyo ay maghihimok sa mga kumokonsumo na tumigil,
Bansa Tax rates as percentage retail price 2010
Brunei 37.5%
Myanmar 50%
Philippines 30%
Thailand 70%
Vietnam 45%
13
mabawasan ang konsumpsyon at mapigilan ang mga tao sa pagsisimulang
kumonsumo (Sunley, 2009).
Ang pagtaas ng buwis ay magreresulta sa kabawasan sa demand. Dito
pumapasok ang isyu ng magiging kawalan daw sa ekonomiya. Binanggit sa pag-aaral
nina Jha et al (2000) na ang mahigpit na pagreregula sa mga produktong tabako ay
makakaapekto sa ekonomiya partikular na sa kabuhayan ng mga magsasaka at
manggagawang umaasa sa tabako. Ang pagpataw daw ng mataas na buwis sa tabako
ay maaring magresulta sa kawalan ng trabaho. Kaya naman mahalaga na sa pagbubuo
ng mga polisiya, kailangan na magkaroon ng pag-aaral ng ekonomiya. Mahalaga na
pag-aralan ang epekto sa ekonomiya sa pangkalahatan upang magkaroon ng
komprehensibong pagreregularisa ng tabako (International Development Research
Center, 2006).
Ngunit kasalungat ng argumentong ito na iginigiit ng industriya ng tabako, hindi
naman mababawasan ang kita ng gobyerno kapag itinaas ang buwis na ipapataw dahil
sa magiging epekto nito sa demand. Ang pagtaas ng buwis ng sampung porsyento ay
makakabawas sa pagkonsumo ng apat na porsyento sa high-income countries at
walong porsyento sa low at middle-income countries. Hindi rin ito magreresulta sa
kawalan ng trabaho ng mga magsasaka at manggagawa dahil ang industriyang ito ay
hindi naman ganoon kalaki. Kapag ito ay nawala o humina, maari naman magkaroon ng
transisyon patungo sa ibang paraan ng kabuhayan tulad ng pagtatanim ng ibang
produkto (SEATCA, 2008). Bukod dito, ang ginagastos dati sa pagkonsumo ng tabako
ay malilipat sa ibang produkto at serbisyo na magreresulta sa pagkakaroon at
pagsuporta sa ibang kabuhayan.
Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng mga debate patungkol sa pagrereporma at
pag-amyenda sa Sin tax law. Ang House bill 5727 na pinangungunahan ni Rep. Joseph
Emilio Abaya ay naglalayon na mailapat ang retail prices sa inflation rate. Bukod dito,
nilalayon din nito na magkaroon ng pinag-isang tax rate kasalungat ng kasalukuyang
multi-tier rate (Domingo, 2012; Barbadora, 2012). Ang DoF ay nagkaroon din ng
hakbang upang maisaayos ang excise tax batay sa nirekumenda ng World Bank
14
(Domingo, 2012). Ito ay makakatulong sa pagbawas ng konsumo lalo na sa mga
bulnerableng sektor ng lipunan tulad ng kabataan kaya ito ay sinusuportahan ng
National Youth Commission (Bordadora, 2012). Kapag ito ay naisabatas, makakatulong
ito na mabawasan ang konsumo ng mga produktong tabako at makakadagdag sa kita
ng gobyerno na maaring gamitin sa serbisyong pangkalusugan (Pangalangan, 2012).
Sa kabilang banda naman ang mga argumento ng mga mula sa industriya ng
tabako. Ayon sa kanila, ito daw ay maghihimok sa pagpupuslit ng mga produkto at
pagkakaroon ng ilegal na merkado (Domingo, 2012). Ang dahilang ito ay iginiit din ng
mga Kongresista mula sa Northern Luzon Alliance (NLA) o Solid North na
pinangungunahan ni La Union Rep. Victor Ortega. Sila ay mula sa mga probinsya kung
saan ang pagtatanim ng tabako ay pinagmumulan ng kabuhayan ng mga magsasaka at
manggagawa. Pabor sila sa pagtaas ng excise tax ngunit ang sobrang pagtaas daw ay
makakaapekto sa lokal na industriya sa kanilang rehiyon at sa higit dalawang milyong
magsasaka at manggagawa (Bordadora, 2012; Rosario & Manongdo, 2012).
Kaugnayan ng pagtaas ng buwis sa pagbaba ng demand
Ang pagpataw ng buwis ay isang paraan upang itama ang pagkonsumo ng
tabako ng mga tao. Ito ay idinadawit sa Pigouvian-style na isang paraan upang
matugunan ang mga externalities na dulot ng isang produkto. Ginagamit ito upang
maitama ang market failure dulot ng mga negatibong epekto ng isang produkto (Kamin,
2002). Ang masamang dulot ng paninigarilyo sa kalusugan ay nagreresulta sa
pagkakasakit at maagang kamatayan na sa kaluanan ay nakakaapekto din sa
ekonomiya dahil sa productivity losses.
Ginamit ito ng mga bansang Thailand at South Africa bilang tugon sa mataas na
smoking prevalence na kanilang nararanasan. Sila ay mga bansang papaunlad pa
lamang at nabibilang sa middle-income countries na klasipikasyon katulad ng Pilipinas
(World Bank, 2012). Ang smoking prevalence sa Thailand ay 39.3 porsyento sa mga
lalaki at 2.2 porsyento sa mga babae. Samantalang ang South Africa ay may tantos na
43.8 porsyento sa mga lalaki at 11.7 porsyento sa mga babae (Shafey, Doswick, &
Guindon, 2003). Napatunayan sa kanilang mga karanasan na ang pagtaas sa
15
pagbubuwis ay makakababa sa demand ng mga produktong tabako at
makakapagbigay na dagdag na kita sa gobyerno (Ross, 2002).
Ngunit, ang tugon ng mga konsyumer sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo ay
maaring magkaiba. Ang price sensitivity sa demand sa paninigarilyo ay maaring mag-
iba batay sa kita, edukasyon at pangsosyoekonomikong kalagayan. Ang mga taong
may mataas na antas ng pinag-aralan, mataas na kita at mataas na antas sa
pangsosyoekonomiyang aspeto ay mas mababa ang tugon sa tuwing nagkakaroon ng
pagbabago sa presyo (Ross & Chaloupka, 2003).
Sa kabila ng pagkakaiba ng price sensitivity, ang pagtaas ng excise tax kapag
naipatupad ay makakabawas sa smoking prevalence ng limang porsyento. Ang pagtaas
ng buwis ng sampung porsyento ay magdudulot ng pagbaba ng konsumo nang tatlo
hanggang limang porsyento sa high-income countries at walong porsyento sa middle-
income countries (Haile, 2010; Ross, 2002; SEATCA, 2008). Ngunit, ang magulong
istruktura ng pagbubuwis sa mga produktong tabako at ang pagkakaroon ng apat na
kategorya na nagdedetermina ng presyo ang nagiging hadlang sa layunin na
mabawasan ang demand ng sigarilyo.
Pagtaas ng buwis bilang isang hakbang sa epektibong regulasyon
Kailangang ikonsidera na ang demand sa paninigarilyo ay inelastic kung kaya
ang pagbubuwis sa mga produktong ito ay epektibong pagmumulan ng kita at
makakabawas sa konsumpsyon sa kabilang banda. Halimbawa na lang ay ang 10
porsyentong pataas ng presyo ng sigarilyo ay makakabawas lang ng tatlo hanggang
anim na porsyento sa konsumpsyon (Haile, 2010).
Ang pamahalaan ay maaring gumamit ng mga insentibo upang mabawasan ang
ang demand sa tabako katulad ng pagpataw ng buwis (Ross & Chaloupka, 2002). Sa
pamamagitan nito, mababawasan ang demand sa tabako at makakadagdag ito sa kita
ng gobyerno. Ang pagsusulong sa pagtaas ng buwis ay makakadagdag sa kita ng
gobyerno sa kabila ng pagkakaroon ng kabawasan sa demand. Bukod dito,
matutugunan din ang kalusugan ng mga mamamayan sapagkat ito ay makakaapekto
16
sa pagkonsumo ng mga mahihirap at kabataan na pinakasensitibo sa presyo ng mga
produkto. Makakatulong ito sa pagtigil sa pagkonsumo at paglipat ng kanilang gastos sa
mas mahahalagang bagay (Campaign for Tobacco Free Kids, 2009).
Sa kasalukuyan, ang Legislative Executive Development Advisory Council
(LEDAC) ay nagsusulong ng batas na magtatanggal ng mga klasipikasyon sa mga
produktong tabako, paglapat ng buwis sa kasalukuyang inflation rate at pagsimplika ng
muli-tiered system sa pamamagitan ng pagpataw ng single rate. Ang pagkakaroon ng
isang matatag na polisiya ay makakatulong upang mapabuti ang tax effort (Latuja &
Sta. Ana, 2011).
Ang pagsasaayos din ng istruktura ng pagbubuwis ang pinakanakikitang
solusyon ng mga pag-aaral. Ang pagkakaroon ng simpleng pagkakategorya sa mga
produkto ay makakatulong sa isang maayos na istruktura ng pagbubuwis. Dagdag pa
rito ang pagbatay sa kasalukuyang inflation rate dahil ang kasalukuyang sistema ay
batay pa rin sa 1996 NRP. Ang pagbabatay sa dating NRP ay nangangahulugang
pagtaas ng presyo ng sigarilyo ngunit ang buwis ay mananatiling ganoon pa rin.
Mababawasan ang demand ng paninigarilyo sa parte ng mga
pinakabulnerableng sektor ng lipunan, ang mga mahihirap at kabataan, sa
pamamagitan ng pagtaas ng buwis. Dahil sa kanilang limitadong pagkukunan, sila ang
pinakasensitibo sa anumang pagtaas ng presyo. Ang pagbibigay ng insentibo sa
pamamagitan ng paglilimita sa pagpapatalastas at pagtataas ng buwis ay napatunayan
sa mga pag-aaral na nakatulong sa pagbawas ng demand ng mga tao.
Konklusyon at Rekomendasyon
Ang epidemya ng tabako ang naging dahilan kung bakit naisabatas ang RA
9211. Nilayon ng batas na ito na maprotektahan at maisulong ang kalusugan laban sa
masamang dulot ng paggamit nito. Ito ang batas na nagreregularisa sa pagbabalot,
paggamit, pagbebenta, pamamahagi at pagpapatalastas ng mga produktong tabako.
Ngunit ang mga butas sa batas na ito ang naging sanhi kung bakit hindi pa rin
nasosolusyonan ang problema at hindi nagiging epektibo ang regulasyon.
17
Maraming naging hadlang sa epektibong pagpapatupad nito tulad ng mga maling
interpretasyon at hindi nito pagkakatulad sa pandaigdigang kasunduan na niratipika ng
ating bansa. Bukod sa mga maling interpretasyon, naging hadlang din ang sinasabing
magiging dulot nito sa ating ekonomiya na ginagamit ng mga kumpanya ng tabako na
argumento. Iginigiit nila na maapektuhan dito ang mga lokal na magsasaka na umaasa
sa pagtatanim ng tabako. Ngunit sa katotohan ay hindi naman ganoon kalaki ang kita
nito kumpara sa nagiging gastos sa kalusugan at posible din ang pagkakaroon ng
transisyon patungo sa ibang kabuhayan. Gumagamit din sila ng mga agresibong
hakbang upang isulong ang kanilang produkto at baluktutin ang batas.
Hindi naging epektibo ang pagpapatupad ng RA 9211 at pagreregula sa mga
produktong tabako dahil sa mga kakulangan nito. Hindi ito naging prayoridad ng
gobyerno kaya naman hindi ito nabigyan ng sapat na pagkukunan upang ito ay
masustena. Upang masusing mapatupad ang regulasyon, kinakailangang gawin itong
prayoridad ng gobyerno.
Ang pinakanakikitang solusyon para sa epektibong regulasyon ay ang
pagsasasaayos ng istruktura ng pagbubuwis kung saan ang buwis ay dapat ibatay sa
kasalukuyang inflation rate at hindi sa mga nakaraang taon. Kailangang magkaroon ng
mga lehislasyon na magsusulong sa pagsasaayos ng istruktura ng pagbubuwis. Ito ay
makakatulong upang mabawasan ang demand lalo na sa mga kinokonsiderang
pinakabulnerableng sektor ng lipunan tulad ng mga mahihirap at kabataan. Sila ang
pinakasensitibo sa anumang pagbabago sa presyo dahil sa kanilang limitadong
pinagkukunan. Dagdag pa dito, ang pagtaas ng buwis ay isang paraan ng gobyerno
upang matugunan ang mga externalities na dulot ng isang produkto.
Makakatulong ang pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang simpleng sistema kung saan maiiwasan na ang tax leakage o
ang pandaraya ng mga kumpanya ng tabako upang malagay sila sa mas mababang
kategorya. Ang problema ng pagkakaroon ng magkakaibang kategorya ang naging
problema sa regulasyon dito sa Pilipinas. Nagkakaroon ng pandaraya sa parte ng mga
kumpanya ng tabako upang mapunta sila sa kategoryang may mas mababang buwis.
18
Bukod sa nabanggit, ito rin ang nagiging dahilan kung bakit hindi ganoon kalaki ang
epekto sa demand sa kadahilanang nagkakaroon ng substitution o pagpapalit lang ng
isang produktong may mas mababang presyo.
Mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan ang pagtaas ng buwis sa mga
produktong tabako. Una, ito ay makakadagdag sa kita ng gobyerno na maaring
magamit sa pagsusulong ng kalusugan. Pangalawa, maitatama nito ang mga
externalities na dulot ng mga produktong tabako. Panghuli, ito ay makakatulong upang
mapigilan at mabawasan ang paninigarilyo.
Kasama ng pagsasaayos ng istruktura ng pagbubuwis ay ang pagtaas ng buwis
sa mga produktong tabako bilang pinakaepektibong paraan upang mabawasan ang
kumokonsumo ito. Ang mas mataas na buwis ay magbibigay ng mas malaking kita sa
gobyerno at makakatulong din sa pagbawas sa pagkonsumo. Kung nilalayon ng
gobyerno na maprotektahan ang kalusugan, kailangang magkaroon sila ng mga
hakbang at aksyon upang ito ay matugunan.
Kailangan magkaroon ng mga pag-aaral patungkol sa mga polisiya na tutugon sa
epektibong regulasyon partikular na sa pagsasaayos ng istruktura ng pagbubuwis. Hindi
dapat maging hadlang ang balatkayo ng pang-ekonomiyang benepisyo upang hindi
maging prayoridad ang kalusugan ng mga mamamayan. Bukod dito, dapat maging
prayoridad ang kapakanan ng mga mamamayan. Ang pagbibigay ng sapat na
pinagkukunan ay magiging hakbang upang epektibong maimplementa ang batas. Ang
pagkakaroon ng isang lipunan na binibigyang prayoridad ang kalusugan ang isang
mabisang solusyon upang mabigyan ng kaukulang proteksyon ang mga kapakanan ng
mamamayan.
19
BIBLIYOGRAPIYA
Bloomberg Global Initiative. (2007). Bloomberg Global Initiative to Reduce Tobacco
Use. New Delhi: World Health Organization. accessed on September 5, 2011 <
http://www.searo.who.int/LinkFiles/Tobacco_Free_Initiative_Rep_Tobacco-
15.pdf>
Bordadora, N. (2012). Aquino supports sin tax reform bill. Manila Bulletin. Retrieved
March 22, 2012 from http://newsinfo.inquirer.net/162805/aquino-supports-sin-tax-
reform-bill.
Campaign for Tobacco Free Kids (2009 ). Raise Taxes on Tobacco. Retrieved January
5, 2012 from
<http://www.jattkenya.org/documents/downloads/6%20MPOWER%20Tax%20-
%20en.pdf>
Campaign for Tobacco Free Kids. (2011) "Philippines Details - Tobacco Control Laws."
Home - Tobacco Control Laws. Campaign for Tobacco Free Kids Retrieved. 1
Sept. 2011. <http://www.tobaccocontrollaws.org/country/philippines>
Chaloupka F. & Ross H (2002). Economics of Tobacco Control. University of Illinois at
Chicago. Retrieved August 20, 2011 from www.tobaccoevidence.net
Department of Health. 2007. Philippines Global Youth Tobacco Survey (GYTS).
Retrieved March 22, 2012 from
http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/2007Philippines_GYTS_Factsheet_0.pdf
Department of Health (2010). 2009 Philippines Global Adult Tobacco Survey: Country
Report
Departmentof of Finance (n.d.) Q and A on the Proposed Sin Tax Reform Measure.
Retrieved March 20, 2012 from http://www.dof.gov.ph/wp-
content/uploads/2012/03/Sin-Taxes-Q-and-A.pdf
Domingo, R. 2012. Proposed 'sin tax' law to help Philippines, DoF says. Philippine Daily
Inquirer. Retrieved March 22, 2012 from
http://business.inquirer.net/46007/proposed-%E2%80%98sin-tax%E2%80%99-
law-to-help-philippines-dof-says.
20
Doroteo, U., Latuja, J., Prugsamatz, R., Reyes, I., & Reyes, J.. (2010). Philippine
Tobacco tax report card. Bangkok: Southeast Asia Tobacco Control Alliance.
Haile, A. (2010). Sin Taxes: When the state beomes a sinner. Temple Review Vol. 82.
Latuja, J & Sta Ana F (2011). An Appeal to Representative Mandanas. Action for
Economic Reform. Retrieved January 5, 2012 from <http://aer.ph/?p=4455>.
Kamin, D. (2002). Justifying the Tobacco Tax. Swartmore. Retrieved January 5, 2012
from <http://www.swarthmore.edu/x10949.xml>
National Youth Commission. (2012). NYC to Philip Morris: Education Alone Will Not
Curb Youth Smoking. National Youth Commission. Retrieved March 22, 2012 from
http://nyc.gov.ph/whats-new-at-national-youth-commission/nyc-updates/81-
youth/631-nyc-to-philip-morris-education-alone-will-not-curb-youth-smoking.
Pangalangan, R. (2012). Socialized 'sin tax' on tobacco. Philippine Daily Inquirer.
Retrieved March 22, 2012 from http://opinion.inquirer.net/24559/socialized-
%E2%80%98sin-tax%E2%80%99-on-tobacco.
Republic Act 9211 or Tobacco Regulation Act of 2003 . An Act Regulating the
Packaging, Use, Sale distribution and advertising of Tobacco Products and for
other purposes. Retrieved December 1, 2011 from
http://www.chanrobles.com/republicactno9211.html.
Scollo, MM and Winstanley, MH [eds]. (2008) Tobacco in Australia: Facts and Issues.
Third Edition. Melbourne: Cancer Council Victoria; 2008. Retrieved August 20,
2011 from:http://www.tobaccoinaustralia.org.au
Shafey, O., Doswick, S., & Guindon, G. (2003). Tobacco Control Country Profiles.
Atlanta: American Cancer Society, Inc., World Health Organization, and
International Union Against Cancer. Retrieved March 25, 2012 from
http://www.who.int/tobacco/global_data/country_profiles/Introduction.pdf
Southeast Asia Initiative on Tobacco Taxation (2010). ASEAN Tobacco Tax Report
Card. Bangkok, Thailand.
University of the Philippines College of Law Development Foundation, Inc. (2010). RA
9211 Handbook. Quezon City: University of the Philippines College of Law
Development Foundation, Inc.
21
Weissman, R. (2003). International Trade Agreements and Tobacco Control: Threats to
Public Health and the case of excluding Tobacco from Trade Agreement.
Retrieved February 20, 2012 from
http://www.takingontobacco.org/trade/tobacco.trade.v02.backgrd.pdf>.
World Bank (2012). Country and Lending Groups. Retrieved March 20, 2012 from
http://data.worldbank.org/about/country-classifications/country-and-lending-
groups
World Health Organization (2002). European Strategy for Tobacco Control. Retrieved
September 4, 2011, from
http://www.euro.who.int/__data/assets/pdf_file/0016/68101/E77976.pdf
World Health Organization. (2002). Smoking Statistics. Retrieved September 3, 2011,
from World Health Organization:
http://www.wpro.who.int/media_centre/fact_sheets/fs_20020528.htm
World Health Organization. (2004). Building Blocks for Tobacco Control: A Handbook.
Geneva: WHO.
World Health Organization (2005). WHO Framework Convention on Tobacco Control.
Retrieved March 25, 2012 from
http://www.who.int/tobacco/framework/WHO_FCTC_english.pdf.
World Health Organization. (2011). You hear about tobacco control and the WHO
FCTC, but what are they?. Retrieved October 20, 2011 from
http://www.who.int/features/qa/09/en/index.html
World Health Organization (2012). Parties to the WHO Framework Convention on
Tobacco Control. Retrieved March 20, 2012 from
http://www.who.int/fctc/signatories_parties/en/
22
University of the Philippines Manila
Padre Faura St., Ermita, Manila
Bisyo at Serbisyo
Ang Kalidad ng Implementasyon ng Tobacco Regulation Act of 2003 o Republic
Act of 2003 at ang Pagsasaayos ng Istruktura ng Pagbubuwis Bilang Solusyon sa
Epektibong Regulasyon ng mga Produktong Tabako
Princess Caressa V. Perez
2008-57834
BA Political Science
Ulat ng Pananaliksik
23
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pasasalamat……………..……………………………..……………………..…….………….3
Mga Akronim………………………………..………………………………….………………..4
Mga Talahanayan at Talangguhit …………………………………………….………………5
KABANATA I
Panimula ……………………...………………………………………………………………....6
Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura .....………………………………………….…....9
Analitikong Balangkas……… ……………………………………………………………......17
KABANATA II
Etika …………………………………………………………………………………………….20
Metodolohiya ……………………………………………………………….......................21
Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral………………………….……………………………....24
Pagsusuri ng datos ……………………………………………………...……..................24
KABANATA III
Resulta …………………………………………………………….....................................24
Diskusyon…………..………………………………………………………..……..................36
Konklusyon at Rekomendasyon ……………………………………….…..………………..40
Bibliograpiya …………………………………………………………….…...........................44
Mga Apendiks.………………………………………………………….…….........................48
24
PASASALAMAT
Hindi ko malilimutan ang mga sandaling inilagi ko sa Unibersidad ng Pilipinas. Mula sa
mga masasayang sandali hanggang sa mga sandaling ako ay nakaramdam ng kaba,
takot at mga pangamba sa pagpuno ng aking mga rekisito. Ang mga ito ang nagsilbing
aral sa akin sa pagharap ng buhay. Ako ay namulat sa iba’t ibang pangyayari at sa
realidad na noon ay hindi ko pa naranasan. Sa Unibersidad ng Pilipinas ko natutunan
na hindi lang sapat ang pagkakaroon ng kaalaman, ngunit dapat itong tambalan ng
aksyon at dedikasyon.
Gusto kong magpasalamat sa aming butihing thesis adviser na si Professor
Fatima Castillo para sa kanyang suporta at paggabay sa akin. Ang kanyang paggabay
ang nagbigay katuparan sa pagtapos ko sa aking pananaliksik.
Kasama din sa aking tagumpay ang aking mga kaibigan at kaklase mula sa
Unibersidad ng Pilipinas para sa kanilang suporta at kanilang mga opinyon at payo na
naibahagi sa akin. Ang MAROONS at ang GAB Girls na una kong naging kaibigan mula
sa aking unang taon sa unibersidad hanggang sa ating pagtatapos, magkakasama
nating hinarap ang mga pagsubok at tagumpay. Salamat sa inyo!
Ang aking pamilya ay aking pinasasalamatan sa kanilang walang sawang
pagsuport sa aking pag-aaral. Lalo na sa aking kakambal na si Charisma, maraming
salamat sa pagsama sa akin sa aking mga pakikipanayam at sa pagbibigay ng iyong
mga opinyon sa aking pananaliksik.
At panghuli, gusto kong pasalamatan ang Poong Maykapal para sa paggabay at
pagbibigay sa akin ng kaliwanagan.
Ang lahat ng ito ay aking inaalay sa lahat ng sumuporta at naniwala sa akin. Sa
walang sawang pagsuporta at paniniwala ninyo sa akin. Hindi ito mabibigyang
katuparan kung hindi dahil sa inyong pagsuporta. Ang aking tagumpay ay iniaalay ko sa
inyong lahat. Maraming Salamat sa inyo!
~Princess Caressa V. Perez
25
MGA AKRONIM
BIR- Bureau of Internal Revenue
DA - Department of Agriculture
DENR - Department of Environment and Natural Resources
DOH - Department of Health
DoF - Department of Finance
DOJ - Department of Justice
DTI - Department of Trade and Industry
DOST - Department of Science and Technology
WHO FCTC - World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control
FCAP - FCTC Alliance Philippines
IAC-T - Interagency Committee on Tobacco
LEDAC - Legislative Executive Development Advisory Council
LGUs - Local Government Units
MMDA - Metro Manila Development Authority
NLA - Northern Luzon Alliance
NYC - National Youth Commission
NRPs - Net retail prices
NTA - National Tobacco Administration
PTI - Philippine Tobacco Industry
SEATCA - Southeast Asia Tobacco Control Alliance
SITT - Southeast Asia Initiative on Tobacco Tax
WB - World Bank
WHO - World Health Organization
26
MGA TALAHANAYAN
Talahanayan 1 Buod ng Pagkalap ng mga Datos
Talahanayan 2 Smoking prevalence sa ASEAN
Talahanayan 3 Porysento sa Kabuuang Kita ng Gobyerno sa Pagbubuwis ng Tabako
Talahanayan 4 Porsyento ng Tax Rate as sa retail price noong 2010
Figure 1 Bilang ng Nabentang produkto (milyon)
MGA APENDIKS
Apendiks 1 Free and Prior Informed Consent – Mr. Ralph Degollacion ng
HealthJustice Philippines
Apendiks 2 Free and Prior Informed Consent – Dr. Maricar Limpin ng FCAP
Apendiks 3 Free and Prior Informed Consent – Dr. Ulysses Dorotheo ng SITT
Apendiks 4 Key Informant Interview Guide- HealthJustice Philippines
Apendiks 5 Key Informant Guide - FCAP
Apendiks 6 Key Informant Guide - SITT
27
Panimula
Kasabay ng paglala ng kahirapan sa Pilipinas ang patuloy na pagdami ng mga
nagkakasakit at namamatay sanhi ng iba’t ibang sakit tulad ng mga sakit na dulot ng
paninigarilyo. Isang malaking pasanin ang masamang dulot nito sa ating kalusugan.
Ang paninigarilyo ay sinasabing nangungunang sanhi ng kamatayan na maari sanang
maagapan. Bukod sa mga kumukonsumo ng mga produktong ito, lantad din sa
masamang epekto nito ang mga makalalanghap ng second-hand smoke dahil ito ay
nakasasama din sa kanilang kalusugan. Kaya naman responsibilidad ng gobyerno na
magbigay ng serbisyong pangkalusugan at maipaalam sa mga tao ang masamang
dulot ng paninigarilyo sa kalusugan.
Bagamat responsibilidad ng gobyerno ang pagbibigay serbisyo sa kalusugan ng
mga mamamayan, nagkakaroon ng mga hadlang sa epektibong implementasyon ng
batas na nagreregularisa nito. Maraming mga isyu ang kaugnay sa mga hadlang sa
pagpapatupad nito. Ang isyu kung saan nga ba nagkulang kung sa batas ba o mismong
implementasyon nito ay mapapansin. Ang mga katanungan na kung sapat ba ang batas
para maregularisa ang mga produktong o ang pagkukulang ay sa parte ng mga dapat
nagpapatupad kaya hindi nagkakaroon ng epektibong implementasyon ay laging
papasok kung pag-uusapan ang paksang ito.
Sa kabila ng mga hakbang na ipaigting ang regulasyon ng tabako, ang mga
hadlang na ito ay pumipigil sa epektibong regulasyon. Nangunguna na dito ang
industriya ng tabako na mayroong malakas na political lobby. Kakaunti lamang na pag-
aaral ang nagpapaliwanag ng ibang hadlang sa implementasyon patungkol sa interes
ng mga mambabatas sa pagkita mula sa pagbubuwis. Ito ang nagiging dahilan kung
bakit hanggang sa ngayon ay wala pa ring mahigpit na polisiya at batas patungkol sa
regularisasyon at mismong istruktura ng pagbubuwis dahil ang pagsasaayos nito ay
kinakailangang maisabatas. Dahil nga sa kakulangan ng political will at matinding
impluwensya ng industriya ng tabako, ang ano mang hakbangin laban sa industriya ay
nahahadlangan.
28
Ang isa pang hadlang ay ang magulong istruktura ng pagbubuwis na ginagamit
ng mga kumpanya ng tabako upang malinlang ang gobyerno at kumita ng malaki. Ang
pagbubuwis sa mga produktong tabako ay sa pamamagitan ng Sin tax Law na
magtataas sa excise tax sa retail prices. Layunin nitong bawasan ang pagkonsumo ng
mga nasabing produkto sa pamamagitan ng pagbubuwis upang ito ay maging mahal at
mabawasan ang akses ng mga konsyumer. Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng mga
debate patungkol sa pagrereporma ng Sin tax law mula sa mga sumusuporta sa pag-
amyenda at laban sa mas striktong pagbubuwis.
Nilayon ng pag-aaral na ito na tingnan ang proseso ng regulasyon ng tabako at
ianalisa kung ano ba ang mga nakahahadlang sa epektibong pagreregularisa ng mga
ito. Bukod dito, nilayon ng pag-aaral na matutukan ang pagsasaayos ng iistruktura ng
pagbubuwis bilang solusyon sa pagpapatupad ng epektibo ng regulasyon ng mga
produktong tabako. Mabibigyang pansin dito ang iba’t ibang perspektibo ng
pagpapatibay ng implementasyon nito katulad ng mismong regulasyon ng produktong
tabako at ang kasalukuyang kalagayan ng pagpapatupad nito.
Pangkalahatang Katanungan:
Ang pagtaas ba ng buwis ay makakatulong sa kasalukuyang problema ng mataas na
smoking prevalence?
Alinsunod dito, nilayon ng pag-aaral na iugnay ang kalidad ng implementasyon
ng Tobacco Regulation Act of 2003 o RA 911 sa epektibong regulasyon at alamin kung
ang pagsasaayos ba ng sistema ng pagbubuwis ay makakatulong sa kasalukuyang
problema ng mataas na smoking prevalence.
Ang pag-aaral ay tumutok sa proseso ng regulasyon at kung paano
binabantayan ang mga produktong tabako ayon sa batas at kung paano ang
pagsasaaayos sistema ng pagbubuwis ay makakatulong sa pagsugpo sa problema.
Kinailangan din na alamin ang epekto ng industriya ng tabako sa ekonomiya ng bansa
29
nang sa gayon ay magkaroon ng kaalaman kung nakaapekto ba ito sa epektibong
implementasyon ng batas.
Bukod dito, inalam din ang epekto ng pagbubuwis.Tiningnan ang anggulo na
kung ito ba ay isa sa naging hadlang sa masusing regulasyon dahil sa pagiging sa
komplikado ng istruktura nito, o magiging solusyon ba ito upang epektibong
maregularisa at tuluyan ng bumaba ang tantos ng mga nagkakasakit at namamatay
dahil sa paninigarilyo.
Upang sagutin ito, kinailangan na pag-aralan ang batas at ikumpara ito sa aktwal
na nangyayari sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga pag-aaral, statistiko, case
studies at mga reports ng iba’t ibang ahensya na kaugnay dito tulad ng FCTC Alliance
Philippines (FCAP), Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA), Southeast
Asia Initiative on Tobacco Tax (SITT), Department of Finance (DoF), Department of
Health (DOH), HealthJustice, at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Mga Partikular na Katanungan:
1. Paano nireregularisa at binabantayan ang mga produktong tabako ayon sa Tobacco
Regulation Act of 2003?
2. Paano isinasagawa ng gobyerno ang pagreregularisa ng mga produktong tabako?
3 Ano ang epekto ng implementasyon sa industriya ng tabako at sa ekonomiya ng
bansa?
4. Paano ang kasalukuyang pagbubuwis sa tabako?
5. Ano ang dapat gawin ng gobyerno upang masusing maipatupad ang batas na ito?
6. Ano ang problema sa kasalukuyang sistema ng pagbubuwis?
7. Paano makakatulong ang pagsasaayos ng pagbubuwis sa epektibong regulasyon?
30
PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Smoking prevalence
Tinatayang ikatlo sa kabuuang populasyon ng kalalakihan sa mundo ay
naninigarilyo. Bukod dito, isa sa limang kabataan na nasa edad 13 hanggang 15 taon
ay naninigarilyo. Umaabot sa 80,000 hanggang 100,000 kabataan sa mundo ay
naninigarilyo. Dahil dito, sinasabing isa sa sampung tao ay mamamatay mula sa mga
sakit na dulot ng paninigarilyo (WHO, 2002)
.Ayon sa World Health Organization (2002), 20,000 sa mga kamatayan sa
Pilipinas ay may kinalaman sa paninigarilyo. Tinatayang 200,000 na mga Pilipino ay
magkakaroon ng mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo. Ayon naman sa 2009
Philippines Global Adult Tobacco Survey, 28.3 porsyento o 17.3 milyong Pilipino na
nasa edad 15 taong gulang pataas ay kasalukuyang naninigarilyo. Ang 47.7 porsyento
(14.6 milyon) dito ay binubuo ng kalalakihan at siyam na porsyento (2.8 milyon) ay
binubuo ng kababaihan (Department of Health, 2010). Patuloy din ang pagtaas ng
insidente ng paninigarilyo ng kabataan. Noong 2011, naitala na 38.2 porsyento o 2.25
milyong kabataan ang naninigarilyo. Kung susumahin, dalawa sa limang kabataan na
nasa taong 13 hanggang 15 ay naninigarilyo na. Ito ay mas mataas sa naitala noong
2007 na 27.3 porsyento at 19.6 noong 2003 (NYC, 2012). Dahil dito, kakailanganin ng
43 bilyong piso para sa kalusugan at para sa kabawasan sa pagiging produktibo ng
mga Pilipino dulot ng mga sakit. Sa pag-aaral nina Doroteo et al (2010), binabanggit
ang naging resulta ng Tobacco and Poverty Study noong 2006 na ang economic cost
kasama na ang sa healthcare at productivity losses ay tinatayang aabot sa 148
hanggang 314 bilyong piso.
Regulasyon ng tabako
Dahil sa malawakang epidemya ng pagkakasakit at pagkamatay dahil sa
paninigarilyo, nagkaroon ng dedikasyon upang ang mga produktong tabako ay
maregula at matugunan ang nagiging problema sa kalusugan. Ayon sa World Health
Organization (2011), ang pagkontrol sa mga produktong tabako ay tumutukoy sa mga
31
komprehensibong paraan upang maprotektahan ang mga tao laban sa masamang
epektong ng pagkonsumo ng mga produktong tabako at paglanghap sa mga second-
hand smoke. Bukod pa dito, nilikha ang WHO Framework Convention on Tobacco
Control (WHO FCTC) noong 2003 bilang isang instrumento na naglalayon na
mabawasan ang mga kamatayan na may kinalaman sa paninigarilyo. Ito ay nagtatakda
ng mga probisyon at pamantayan sa pagkontrol ng tabako partikular na sa presyo at
pagbubuwis, pagbebenta, pagpapatalastas at second-hand smoke. Mayroon ng 174 na
kasama sa WHO FCTC kung saan simula Mayo 2011, obligado ang mga kasama dito
na magpatupad ng mga panukala na kaugnay sa mga probisyon nito (WHO, 2012).
Mga hadlang sa epektibong regulasyon
Ang mga hadlang sa implementasyon ng mga batas sa pagkontrol ng tabako ay
ang pagkakaroon ng mga mahina at hindi epektibong panukalang batas, kawalan ng
kakayanan na ipatupad ang batas at kawalan ng mga mapagkukunan upang
maipagpatuloy ang pagkontrol ng tabako. Isa pa dito, ay ang mga mapanlilang na
kampanya ng mga industriya ng tabako tungkol sa magiging kawalan ng trabaho at
apekto sa ekonomiya kung sakaling mawala at bumabagsak ang kanilang industriya.
Ang mga salik na ito ay nabanggit sa Bloomberg Global Initiative to Reduce Tobacco
Use (2007) kung saan pinag-aralan ang mga bansang Bangladesh, India, Indonesia at
Thailand na ayon sa kanila ay pinakaapektado sa epidemya ng tabako dahil kabilang
sila sa Timog Silangang Asya na isa sa pinakamalaking gumagawa at kumokonsumo
ng mga produktong tabako sa mundo. Kaya naman mayroon silang maigiting na
dedikasyon sa kampanya sa pagkontrol ng tabako sa pamamagitan ng mga panukalang
batas at pagpapatibay sa pag-iimplementa ng mga polisiya hinggil dito.
Mga hakbang ng mga kumpanya ng tabako
Nagsasagawa at gumagastos ang mga kumpanya ng tabako ng mga pag-aaral
upang maisulong ang kanilang produkto habang tinitiyak na hindi sila lumalabag sa mga
patakaran ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga kakulangan ng batas.
32
Ang industriya ng tabako ay gumagastos ng bilyong dolyar upang maibenta ang
kanilang produkto. Gumagamit sila ng iba't ibang paraan tulad ng advertising, promotion
at sponsorship upang direktang maimpluwensyahan ang paggamit ng tabako.
Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng mapanlinlang na mga paraan upang mapahina
ang mga kampanya laban sa kanilang produkto. Isa sa pinakamahalagang taktika na
naisagawa ay ang pagtutok sa isang partikular na grupo. Pumipili sila ng partikular na
populasyon kung saan nila ididirekta ang kanilang pagpapatalastas (advertisement)
tulad ng mga kababaihan, kabataan at mga minoryang grupo (Campaign for Tobacco-
Free Kids, 2008). Ngunit limitado ang advertising dahil ilegal ang pagbebenta ng
produktong tabako sa mga bata dahil sila ay wala pa sa hustong edad kung saan sila ay
makakapagdesisyon para sa kanilang mga sarili kaya ang pagpapatalastas na
dinidirekta sa mga kabataan ay ipinagbabawal (Chapman, 1996).
Sa pamamagitan ng advertising, gumagawa ang mga nasa industriya ng tabako
ng isang kondisyon kung saan ang paggamit ng kanilang produkto ay tinatanggap ng
lipunan at ang mga babala laban sa epekto nito sa kalusugan ay hindi napapansin. Ang
direktang pagpapatalastas ay mahigpit na ipinagbabawal ngunit maari ang
pagpapatalastas kung ito ay sa point-of-sale o sa mismong lugar na ng pagbibilihan.
Maari din sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng produkto at pagbibigay ng mga
diskwento ang pagpapalatastas ng mga produktong tabako (Campaign for Tobacco-
Free Kids, 2011).
Bukod sa advertising, iniimpluwensyahan din ng industriyang ito ang mga
polisiya at hinahadlangan ang epektibong regulasyon. Ginagamit nila ang mga trade
agreements (Campaign for Tobacco-Free Kids, 2010). Ang mga kasunduang ito ang
ang nagtatakda ng mga patakaran na kaugnay sa pagpoprotekta sa kalakalan na nag-
uubliga na ayusin ang lokal na batas at regulasyon upang bumagay ito sa
pinagkasunduan sa kalakalan. Iginigiit na ang pagsuway dito ay may katumbas na mga
na parusa kaya naman ang mga ito ay nagsisilbing hadlang sa mga polisiya patungkol
sa epektibong pagkontrol ng tabako. Ang mga ito ay nakadisenyo na isulong ang
pangdaigdigang kalakalan na kapag isinama ang mga produktong tabako ay
33
makakasama naman sa pampublikong kalusugan. Ang mga nakaraang kasunduan ay
pumipigil sa mga bansa na ipagtibay ang mga pangkalusugang regulasyon tulad na
lang sa pagkontrol sa epidemya ng tabako (Weissman, 2003).
Epekto sa ekonomiya
Mahalaga ang nagiging kontribusyon ng industriya ng tabako sa ekonomiya kaya
naman nag-aatubili ang mga gobyerno sa pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa
pagkontrol sa mga produktong ito (Do & Park, 2009). Ang problema sa epektibong
pagpapatupad dito ay ang maaring maging epekto sa ekonomiya kung sa sakaling
tuluyan ng mawala ang industriya ng tabako.Dahil sa masamang epekto ng produktong
tabako sa kalusugan ng mga naninigarilyo, naiipit ang gobyerno sa pagbibigay ng
serbisyo nito sa mga tao partikular na sa kalusugan at sa interes nito sa kita sa
pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa mga sigarilyo. Ang pagkakaroon ng
kamalayan sa mga masamang epekto ng paggamit ng kanilang produkto ang dahilan
kung bakit ang mga gobyerno ay nagpanukala ng mga batas sa paghihigpit sa mga
tabako na sa paglaon ay nagpababa sa konsumo at pati na rin sa kita ng ganitong
industriya (Amos, 1992).
Tinatalakay nina Jha et al sa artikulong The Supply-side Effects of Tobacco-
control Policies (2000), ang mga pagsusuri patungkol sa mga polisiya sa
pagreregularisa sa tabako. Ang pagreregularisa sa mga produktong tabako ay
makakaapekto sa ekonomiya partikular na sa trabaho. Isa pang bagay na tinalakay dito
ay ang mga alalahaning resulta sa macroeconomy ng mga polisiya hinggil sa
pagkontrol sa tabako. Katulad na lang ng pagpataw ng mataas na buwis sa tabako na
maaring magresulta sa kawalan ng mga trabaho, kabawasan sa kabuuang kita sa
pagpataw ng buwis at ang magiging pagbabago sa balanse sa kalakalan. Mahalagang
pag-aralan ang industriya ng tabako at ang sektor pang-agrikultura upang magkaroon
ng isang polisiya hinggil sa pagkontrol sa mga produktong tabako. Iginigiit ng mga
industriya ng tabako na ang ekonomiya ay umaasa sa mga produktong ito para sa mga
trabaho at kita sa pamamagitan ng pagpataw ng buwis sa mga ito. Maraming pag-aaral
34
din ang naisagawa na nagpapatunay na ang mga polisiyang gaya nito ay
makakaapekto sa ekonomiya.
Ayon sa International Development Research Center (2006) sa kanilang pag-
aaral patungkol sa pagbubuo ng polisiya hinggil sa pagkontrol ng tabako, mahalaga ang
pag-aaral ng ekonomiya upang magkaroon ng epektibong polisiya ukol sa tabako at
ang mga dulot nito.Makatutulong ito maanalisa ang mga mekanismo upang mabawasan
ang demand at supply ng tabako at ang pagiging epektibo ng mga polisiya. Maraming
estado ang nag-aatubiling bawasan ang paggawa at paggamit ng tabako dahil sa kita
mula sa pagbubuwis dito. Dahil dito, mahalaga ang mga pag-aaral na nagpapaliwanag
sa mga epekto ng tabako sa ekonomiya sa pangkalahatan upang magkaroon ng
komprehensibong polisiya sa pagreregularisa ng tabako. Matutulungan din nito ang
mga bansang papaunlad pa lamang na mabawasan ang lala ng masamang epekto ng
paggamit ng tabako.
Hindi maaring itanggi ang magandang dulot ng industriya ng tabako sa ating
ekonomiya. Ayon sa pag-aaral ng Food and Agriculture Organization of the United
Nations [FAO] noong 2003, mayroong mga pag-aaral na nakapagpapatunay na ang
industriyang ito ay nagbibigay ng mga trabaho at ang pagbabawas sa konsumpsyon ng
tabako ay magreresulta sa kawalan ng mga trabaho. Ngunit mayroon din namang mga
pag-aaral na nagsasabi na maliit lang ang magiging epekto ng pagkawala ng
industriyang ito. Sinasabi rin dito na ang pagtatalakay sa industriya ng tabako at ang
pagbibigay nito ng trabaho ay ginamitan ng iba’t ibang paraan upang matantiya ang
mga ganitong salik. Ang mga trabaho na kaugnay dito ay maaring direkta o indirekta.
Ang direktang pinanggalingan ng trabaho ay ang mga pangunahing sektor ng
industriyang ito katulad ng pagtatanim ng tabako at paggawa ng sigarilyo. Ang indirekta
namang pinanggagalingan ng trabaho ay ang sa sektor ng tagapagtustos ng mga
pesidyo at mga papel.
Sinasabi din sa pag-aaral na ito na ang mga bansa tulad ng Zimbabwe, Brazil at
China ay nakikinabang sa industriyang ito. Sa Zimbabwe, nabibigyan ng trabaho ang
mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim ng tabako. Pinapakita lang dito na isa
35
ito sa mga pinakikinabangang industriya sa komersyal na pang-agrikultura. Bagamat
mas mahalaga ang pagtatanim ng mais at bulak, ang tabako ay nagbibigay ng
oportunidad na magkaroon ang mga magsasaka ng mas mataas na kita. Nagsisilbi din
itong pang-ekonomiyang pundasyon sa pagyabong ng mga oportunidad sa produksyon
dahil nagbibigay ito ng trabaho sa mga magsasaka, sa mga mananaliksk, at sa mga
manggagawa sa mga paggawaan ng sigarilyo (FAO, 2003).
Samantalang sa China naman, ang tabako ay isa sa pangunahing pananim.
Nagbibigay din ito ng mga trabaho sa mga magsasaka. Ang gobyerno ay nakikinabang
sa mga buwis na ipinapatong sa mga produktong tabako. Kaya ang pagbawas sa
produksyon ng tabako ay mangangahulugan lamang ng pagbaba ng kabuuang kita ng
gobyerno. Sinasabi din dito maliban sa kontribusyon sa pamamagitan ng buwis na
ipinapatong dito, malaki din ang papel nito sa pag-unlad ng lokal na komunidad.
Halimbawa nito ay ang pagtaas ng bahagdan ng kabuuang kita ng mga
pamprobinsyang industriya noong 1998. Ngunit ang dapat tugunan ng pansin ay kung
paano magpapatupad ng mga batas hinggil sa pagregularisa dito dahil mismo ang
gobyerno ang nagmamay-ari ng malaking bahagdan ng industriya ng paggawa ng
sigarilyo (FAO, 2003).
Ayon naman sa pag-aaral nina Scollo at Winstanley (2008), ang industriya ng
tabako ay nakakapagbigay ng trabaho at kita sa gobyerno ngunit ang perspektibong ito
ay hindi binibigyan ng pansin ang ibang dulot ng tabako sa ekonomiya katulad na
lamang ng pagwawalang-bahala sa labor productivity costs, sa pangangalaga sa
kalusugan, paggamot sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo at sa pagbibigay ng
gobyerno ng mga serbisyo para sa kalusugan. Maliban dito masyadong binibigyan ng
pansin ang kahalagahan ng industriya ng tabako sa pamamagitan ng pagpapalagay na
ang mga pinagkukunan na kaugnay sa industriyang ito ay mawawala kung
mababawasan ang produksyon at bentahan ng mga produktong tabako.
Binanggit sa A Study on the Economics of Tobacco in Nepal nina Karki et al
(2003), ang pagkontrol sa tabako ay hindi magreresulta sa kawalan ng trabaho at dahil
sa pagpataw ng mataas na buwis sa produktong tabako, may posibilidad na magkaroon
ng iligal na pagpupuslit ng mga produktong ito. Laganap ang iligal na pagpupuslit ng
36
mga produktong ito dahil sa talamak na korupsyon sa Nepal. Ayon dito, kailangang
kumilos ang gobyerno upang mabawasan ang insidad na ito.
Bukod dito, umaasa ang gobyerno sa kita nito sa pagpataw ng buwis sa mga
produktong tabako kaya naman maaring masabi na isa itong salik sa pagkakaroon ng
pag-aalinlangan sa parte ng gobyerno ng Bangladesh sa mahigpit na pag-iimplementa
ng mga polisiya. Sa kabilang banda, kahit mayroon sa Thailand na mga adbokasiya,
panukalang batas at pagmomobilisa sa publiko tungkol sa mga isyu sa kalusugan, hindi
pa rin matugunan ang epektibong pagpapatupad ng batas dahil ang mga ginagawa nila
ay limitado lamang ang sakop at dahil na rin may kakulangan sa kapasidad sa
pagpapatupad ng batas (WHO, 2008).
Ayon kina Do at Park (2009), may mga isyu din sa Korea sa pagpapatupad ng
mga batas sa pagkontrol ng tabako at kung saan mayroong labanan ng interes sa
pagitan ng kita sa pagbubuwis sa tabako at pagsusulong ng mga programa sa
kalusugan. Dahil malaki ang kita sa pagbubuwis ang gobyerno, may mga kampanya
ang mga lokal na pamahalaan na pabor sa pagbili at pagbebenta ng mga tabako na
magsisilibi na rin na paraan ng pagsusulong ng lokal na ekonomiyang umaasa sa
paggawa at pagbebenta ng mga produktong tabako. Pinapakita lang sa kaso ng Korea
na ang industriya ng tabako ay nagbibigay ng mga insentibo sa pamahalaan sa
pamamagitan ng kita sa pagbubuwis kaya naman masasabi na mas mababa ang
adbokasiya sa pagkontrol ng tabako kapag mas dumedepende ang isang gobyerno sa
kita sa pagbubuwis. Bukod sa pagbubuwis, may mga gobyerno din na kumikita sa
industriya ng tabako dahil sa pagiging bahagi nito o pagmamay-ari sa mga kumpanya
ng tabako. Nangyayari ito kapag ang gobyerno ay nagmamay-ari at may kontrol sa
isang monopolyo tulad ng sa Eastern Company ng Egypt at monopolyo ng tabako sa
Thailand o kaya naman ay mga gobyernong may parte sa kita (shares) ng mga
kumpanya (Callard, 2010).
Pagsasaayos ng regulasyon
Upang magkaroon ng epektibong pagpapatupad ng mga batas patungkol sa
pagreregularisa kailangan pag-aralan ang epekto nito sa pangkalahatan. Kasalungat ng
37
argumentong ito na iginigiit ng industriya ng tabako, hindi naman mababawasan ang
kita ng gobyerno kapag itinaas ang buwis na ipapataw dahil sa magiging epekto nito sa
demand. Ang pagtaas ng buwis ng sampung porsyento ay makakabawas sa
pagkonsumo ng apat na porsyento sa high-income countries at walong porsyento sa
low at middle-income countries.Alinsunod dito, iginiit nina Scollo at Winstanley (2008)
na ang pagbabawas sa paninigarilyo ay hindi mangangahulugang malaking epekto sa
ekonomiya. Ang mga gastos na dati iginugugol sa paninigarilyo ay maaring malipat sa
ibang alternatibong produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang mga mamumuhunan
ay lilipat sa ibang industriya. Sa kabuuan, mayroon pa ring aktibidad sa ating
ekonomiya mula sa ibang industriya.
Ang mga nabanggit na mga salik ay masasabing ang nakaapekto sa
pagkakaroon ng mahigpit at epektibong polisiya sa pagkontrol sa mga produktong
tabako. Upang epektibong maipatupad ang batas, dapat magkaroon ng mga
mekanismo ang gobyerno pati na rin ang mga iba't ibang organisasyon sa mundo sa
pagkontrol ng tabako. Kung ang mga namumuno ay mayroong matinding dedikasyon at
political will, posibleng magkakaroon ng epektibong implementasyon ng batas (Callard,
2010).
Kailangan din na mabawasan ang sobrang pagdepende at pag-asa sa kita sa
pagbubuwis sa industriya ng tabako. Dapat magkaroon ng alternatibong
panggagalingan ng kita maliban sa produktong tabako upang sa gayon ay maging
apisyente ang pagpapatupad ng batas na ito. Bukod sa mga nabanggit, hindi lang dapat
tumutok sa mga polisiya sa pagkontrol sa tabako ngunit pati na rin sa mga socio-
economic na aspeto tulad ng trabaho, kalusugan at serbisyong panlipunan (Do & Park,
2009).
Solusyon sa epektibong regulasyon
Nagiging mahirap ang epektibong implementasyon ng mga batas sa
pagregularisa sa mga produktong tabako dahil sa mga nabanggit na mga hadlang.
Masasabi na makakatulong sa epektibong pagreregularisa ay ang pagsasaayos ng
38
istruktura ng pagbubuwis ng mga produktong tabako. Ayon kina Hana Ross at Frank J.
Chaloupka sa Economics of Tobacco Control (2002), ang mga estado ay maaring
gumamit ng mga insentibo upang mabawasan ang demand sa tabako katulad ng
pagpataw ng buwis at limitasyon sa mga patalastas. Dapat din na magkaroon ng mas
maayos na pagpapakalat ng impormasyon at bawasan ang social acceptability ng
paninigarilyo upang bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo. Ang epektibong
pagpapatupad ng batas ayon sa kanila ay ang solusyon upang mabawasan ang
demand sa tabako.
Ang nakikitang solusyon sa pagkontrol sa smoking prevalence ay ang pagtataas
ng buwis. Ayon sa Artikulo 6 ng FCTC, ang mga bansa ay dapat ikonsidera ang mga
polisiya sa pagbubuwis para sa pagsusulong ng kalusugan. Isinasaad dito ang
pagpapanukala ng mga price at tax measures upang mabawasan ang demand sa
tabako at pagsusulong ng kalusugan. Ang lahat ng kasali sa FCTC ay kinikilala na ito
ang pinakaepektibong solusyon sa masusing regulasyon (WHO, 2005). Nirerekumenda
ng WHO na ang lahat ng gobyerno ay magtaas ng buwis at ang mga produktong ito ay
dapat ilapat sa kasalukuyang inflation rate (Campaign for Tobacco-Free Kids, 2009).
ANALITIKONG BALANGKAS
Ang paninigarilyo ay hindi lang nakakaapekto sa kalusugan ng gumagamit ngunit
pati na rin ang nakalalanghap ng second-hand smoke. Ang paggamit ng tabako ay
nagreresulta sa market failure dahil sa mga social costs na kalakip ng paninigarilyo.
Kaya naman kinakailangan ng interbensyon ng gobyerno sa merkado ng tabako dahil
sa mga social costs na kalakip ng paggamit o externalities (Ross & Chaloupka, 2002).
Sa kasalukuyan mataas ang smoking prevalence sa Pilipinas at ang tinitingnang
dahilan dito ay ang mga hakbang ng mga kumpanya ng tabako na maisulong ang
kanilang produkto, Ang agresibong karakter ng pagsusulong ng mga industriya ng
tabako sa kanilang produkto at ang kondisyon ng lipunan na nagpapahintulot sa mga
produktong tabako na maging accessible at sa abot-kayang halaga ay may mahalagang
papel sa pag-eenganyo sa mga kabataang magsimulang manigarilyo (WHO, 2004).
39
Napatunayan sa mga pag-aaral na mas mataas ang insidente ng paninigarilyo sa mga
lugar na may mataas na antas ng pagpapatalastas at social acceptance ng
paninigarilyo (Vardavas, 2010). Dahil sa patuloy na mga taktika ng mga kumpanya ng
tabako, nanawagan ang WHO sa mga gobyerno na makiisa sa paglaban at pagkontrol
sa mga produktong tabako. Ayon sa kanila, gumagamit ang mga kumpanyang ito ng
mga taktika upang malabanan ang batas patungkol sa pagkontrol sa kanilang mga
produkto (Macaraig, 2011).
Ang mga ito ay dapat tapatan ng gobyerno ng mga programang nagbibigay
impormasyon sa mga konsyumer patungkol sa mga produktong kanilang kinokonsumo.
Ang isang dahilan kung bakit kailangan ng interbensyon ng gobyerno ay dahil sa
kakulangan ng impormasyon. Hindi mamamaksima ng isang konsyumer ang utility
function kung siya ay walang sapat na kaalaman sa isang produkto (Rose & Chaloupka,
2002). Ang hakbang na ito ay sinusuportahan ng mga eksperto sa kalusugan na isang
ebidensya na ang pagtaas ng buwis ay magreresulta sa pagbawas ng kumukonsumo.
Matagal ng ipinapanawagan ng WHO ang pagbabawal sa pagpapatalastas at
pagsusulong ng mga produktong tabako pati na rin ang pagbabawal sa paggamit ng
mga ito sa mga pampublikong lugar. Isa ang Pilipinas sa mayroong mga hakbang
patungkol sa paglalagay ng buwis na ipinapataw sa mga produktong tabako na
makakatulong sa pagkontrol ng tabako (Macaraig, 2011). Ngunit hindi ito nasunod ng
Pilipinas sapagkat nakabatay pa rin ang pagbubuwis base sa 1996 NRPs (SITT, 2010).
Ang pagpataw ng buwis ay masasabing isang paraan pagtatama sa
pagkonsumo ng mga tao. Ito ay kadalasang idinadawit sa Pigouvian-style na isang
paraan upang matugunan ang mga externalities. Ang paraang ito ay ginagamit upang
itama ang market failure dulot ng mga negatibong epekto ng isang produkto (Kamin,
2002). Ang pagsulong ng pagtataas ng buwis ay makakatulong sa pagtaas ng kita ng
gobyerno sa kabila ng kabawasan sa demand. Ang pagtaas ng buwis ng 10 porsyento
ay makakabawas sa demand nito. Ang maapektuhan nito ay ang mahihirap at ang
kabataan dahil sila ang pinakasensitibo sa presyo ng mga produkto. Ito ay
40
makakatulong sa kanila na tumigil sa paninigarilyo at ilipat ang kanilang gastos sa mas
mahahalagang bagay (Campaign for Tabacco Free Kids, 2009).
Bukod sa mga ito ang pagtaas ng buwis ay makakatulong sa pagtaas ng kita ng
gobyerno. Kinakailangan ang matatag na polisiya upang mapabuti ang tax effort (Latuja
& Sta. Ana, 2011). Ang pagsusulong ng ganitong mga polisiya ay mahalaga ng sa
gayon ay tuluyan ng makontrol ang smoking prevalence. Ang pagbabago sa buwis ay
makakaapekto sa demand ng mga produkto at serbisyo. Katulad ng sa sigarilyo, ang
pagtaas ng presyo ng mga ito ay magdudulot ng pagbaba ng kanilang demand.
Mababawasan ng gobyerno ang bentahan at paggamit ng tabako kung maglalagay ng
dagdag-singil sa pamamagitan ng pagtaas ng buwis sa mga nagbebenta ng produktong
ito. Kadalasan, napapasa sa mga kumokonsumo ang pasanin ng buwis. Itinataas ng
mga nagbebenta ang presyo upang mapanatili ang kanilang kita.
Nag-iiba ang tugon ng mga konsyumer sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo. Ang
price sensitivity sa demand ng paninigarilyo ay maaring mag-iba batay sa kita,
edukasyon at pangsosyoekonomiyang kalagayan. Ang mga taong may mataas na
pinag-aralan, mataas na kita at mataas na kalagayan ng pangsosyoekonomiya ay mas
mababa ang tugon sa pagtaas ng presyo kumpara sa may mababang kita na
nababawasan ang pagkonsumo sa tuwing may pagbabago sa presyo. Ang pagbawas
sa kumukonsumo ay natutugunan ng pagtaas ng buwis sa pamamagitan ng pagpigil sa
unang gagagamit, pagbawas sa konsumo at pagtaas ng posibilidad ng pagtigil ng mga
kasalukuyang gumagamit (Ross & Chaloupka, 2003). Sa kabila ng pagkakaiba ng price
sensitivity, ang pagbabago sa excise tax ay makakabawas sa smoking prevalence ng
limang porsyento. Masasabing ang pagtaas ng buwis ng sampung porsyento ay
makakababa sa konsumo nang tatlo hanggang limang porsyento (Haile 2010).
Ang layunin ng pagbawas sa demand ng pagtataas ng buwis ay nahahadlangan
ng komplikadong istruktura ng pagbubuwis. Ang pagkakaroon ng multi-tier na sistema
kung saan may iba’t ibang kategorya ang bawat ng tatak ng produkto ang naging
dahilan kung bakit hindi ganoon kalaki ang kabawasan sa demand sa tuwing nagtataas
ng presyo. Nagkakaroon ng substitution o pagpapalit ng kinokonsumo patungo sa may
41
mas mababang presyo (SITT, 2012). Bukod dito, mayroon pang ibang kahinaan ang
kasalukuyang istruktura ng pagbubuwis tulad ng hindi nito paglapat sa kasalukuyang
inflation rate at price classification freeze kung saan ang mga tatak ng sigarilyo na
lumabas sa merkado bago ang taong 1996 ay mananatili sa kanilang kategorya (SITT,
2010). Sa kabila nito, may epekto pa rin ang pagtaas ng buwis sa pagbaba ng demand
dahil ang pagtaas ng buwis ng sampung porsyento ay magdudulot ng pagbaba ng
konsumo nang tatlo hanggang limang porsyento sa high-income countries at walong
porsyento sa middle-income countries (Haile, 2010; Ross, 2002; SEATCA, 2008).
ETIKA
Kasama sa layunin ng mananaliksik ang pagsunod sa wasto at tamang etika
kung saan bago ang pakikipanayam ay binigyan muna ang mga taong nabibilang sa
pag-aaral ng komprehensibong impormasyon patungkol sa pag-aaral. Sila ay binigyan
ng kalayaan na pumili kung ilalantad ang kanilang pagkakakilanlan at kung pipiliin
nilang hindi ito mailantad upang maproteksyonan ang kanilang pagiging pribado.
Binigyan ng kasiguruhan ang mga kinapanayam na ang panayam ay magiging
kompidensyal at gagamitin lang sa pang-akademikong layunin. Wala sa kanila ang
nagpahayag ng kagustuhang itago ang kanilang pagkakakilanlan. Ipinaliwanag din sa
kanila ng mananaliksik ang naging daloy ng pakikipanayam at ang ilan sa kanila ay
binigyan ng kopya ng mga katanungan bago ang mismong pakikipanayam upang sila
ay makapaghanda ng kanilang mga isasagot.
Sa ginawang pag-aaral, walang panganib na kinaharap ang mga kinapanayam.
Ang mananaliksik ay nagpadala ng Free and Prior Informed Consent (FPIC) sa mga
kinapanayam sa pamamagitan ng e-mail. Dito nakapaloob ang detalye patungkol sa
pag-aaral tulad ng layunin at ang mga kaukulang detalye ayon sa etika. Ang mga ito ay
nabigyan ng kasagutan sa loob ng dalawa hanggang tatlong lingo. Bukod sa pagbibigay
ng impormasyon patungkol sa pag-aaral, kinalangan din ng mananaliksik humingi ng
pagsangguni mula sa dating nakapanayam na magpapatunay ng kanyang pag-aaral
upang pahintulutan ang pakikipanayam.
42
METODOLOHIYA
Ang pag-aaral ay naging isang ebalwasyon ng implementasyon ng RA 9211 o
Tobacco Regulation Act of 2003 at ang regulasyon ng tabako sa kabuuan. Tumutok ito
sa pagiging epektibo ng implementasyon dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng tantos ng
mga nagkakasakit at namamatay dulot ng paninigarilyo sa kabila ng implementasyon
nito. Bukod sa implementasyon, tiningnan din ng pag-aaral ang sistema pagbubuwis sa
mga produktong tabako na nakikitang solusyon upang mabawasan ang nasabing
tantos.
Ang mananaliksik ay nagsagawa ng mga Key Informant Interviews (KII) sa
pakikipanayam. Ang mga imbitasyon sa pakikipanayam ay ipinadala sa pamamagita ng
e-mail at fax. Dito nakasaad ang mga impormasyon patungkol sa pag-aaral at ang mga
layunin nito. Ang pakikipanayam ay ginamitan ng audio recorder na pinahintulutan ng
mga kapanayam. Bago ang mga naging pakikipanayam, may mga kapanayam na
binigyan ng kopya ng mga katanungan sa kanila na ring hiling upang sila ay
makapaghanda. Ang mga kapanayam ay pinaliwanagan patungkol sa pag-aaral at para
na rin mabigyang kasagutan ang kanilang mga katanungan.
Pangunahing Datos
Nagsagawa ang mananaliksik ng panayam mula sa isang eksperto mula sa
Southeast Asia Initiative on Tobacco Tax (SITT) na isang proyekto ng SEATCA. Dito
nakakuha ang mananaliksik ng mga datos patungkol sa regulasyon ng tabako, mga
hadlang sa pagreregularisa ng tabako tulad ng mga kumpanya ng tabako. Isa pang
nabanggit ay ang problema na kinakaharap sa istruktura ng pagbubuwis na sinasabi na
kapag natugunan ay makakatulong ng malaki sa epektibong regularisasyon. Bukod sa
istruktura ng pagbubuwis, sinabi din ng kinapanayam na ang mismong batas ay
mayroong kakulangan katulad na lang ng pagkasali ng industriya ng tabako bilang
stakeholder na mayroong boses sa pagpapanukala ng mga polisiya ukol sa
pagreregularisa. Nabanggit din ang epekto sa ekonomiya na ginagamit na dahilan ng
mga kompanya ng tabako at ng ilang mambabatas. Naging malaki ding epekto ayon sa
43
kaniya ang interes ng ilang mambabatas kung bakit hindi pa rin nagkakaroon ng
epektibong panukalang batas.
Bukod sa SITT, kinapanayam din ng mananaliksik ang isang opisyal ng FCAP.
Sa kanilang panayam, nabanggit dito ang ilan sa mga punto ng naunang kapanayam
tulad ng mga hadlang sa regulasyon, interes ng mga mambabatas, kakulangan sa
mismong batas at ang solusyon ng pagsasaayos ng istruktura ng pagbubuwis partikular
na ang pagtaas sa buwis na ipinapataw sa mga ito.
Ang isa pang kinapanayam sa pamamagitan ng KII ay isang miyembro ng
HealthJustice Philippines. Katulad ng mga naunang kinapanayam, nasabi din niya na
ang pinakaepektibong hakbang ay ang pagtataas ng buwis.
Bukod sa mga KII, gumamit din ang mananaliksik ng mga statistiko, datos at
pag-aaral ng iba’t ibang ahensya na kilala sa pag-aaral na ito. Nakatulong sa pag-aaral
na ito ang mga nakalap na impormasyon. Ang mga ito ay nagbigay ng mga
impormasyon hinggil sa istruktura ng pagbubuwis sa Pilipinas. Nakatulong ito ng malaki
sa pag-integra ng mga impormasyon mula sa mga pakikipanayam na nagpatibay ng
mga nakuhang impormasyon. Sinuri ng mananaliksik ang mga datos na nakuha mula
sa KII at mga datos mula sa mga kaugnay na pag-aaral, statistiko at mga reports.
Sekondaryang datos
Nakatulong din sa pag-aaral ang mga impormasyon mula sa mga kaugnay na
pag-aaral. Ang mga ito ay naglalaman ng mga datos na nagpapaliwanag ng
implementasyon, tantos ng smoking prevalence at nagkakasakit, case studies at mga
kaukulang impormasyon patungkol sa pagbubuwis ng tabako na kinakitaan na magiging
solusyon sa pagkontrol sa pagtaas ng mga tantos. Bukod sa mga ito, mayroong ding
mga impormasyon mula sa ibang bansa na ginamit ng mananaliksik upang
ipagkumpara sa Pilipinas. Ang mga ito ay nakatulong upang matukoy ng
manananaliksik kung nasaan ang kakulangan ng batas at ang iba’t ibang hakbang na
ginagawa ng ibang mga bansa na maaring maihalintulad sa Pilipinas o kaya naman ay
wala dito sa Pilipinas.
44
Talahanayan 1. Buod ng Pagkalap ng mga Datos
SAKOP AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral ay naglayon na maipaliwanag ang sanhi ng patuloy na pagtaas ng
mga tantos ng smoking prevalence sa bansa na isang manipestayon ng hindi pagiging
Data Set Data Source Method
Pagreregula sa tabako
FCAP Health Justice SITT Campaign for Tobacco Free Kids WHO
KII, Literature Review
Kakulangan ng RA 9211
FCAP Health Justice SITT
KII, Literature Review
Kita ng industriya ng tabako
SITT BIR
KII, Literature Review
Hadlang sa pagpapatupad ng batas
FCAP SITT Campaign for Tobacco Free Kids
KII, Literature Review
Batas na alinsunod sa pagreregula
Action for Economic Reform Literature Review
Smoking prevalence
WHO SITT
Literature Review
Sistema ng pagbubuwis
SITT BIR Action for Economic Reform DoF
Literature review
Kakulangan sa batas
Health Justice SITT FCAP
KII
Probisyon ng RA 9211
RA 9211 Literature Review
Probisyon ng FCTC
FCTC Literature Review
Dapat gawin para maayos ang batas
Health Justice SITT WHO
KII, Literature Review
45
epektibo ng implementasyon ng RA 9211. Tinutukan nito ang pagsasaayos ng
istruktura ng buwis bilang isang solusyon upang magkaroon ng epektibong regulasyon.
Ang pag-aaral ay limitado lamang sa pag-aaral ng mga paraan kung paano
magiging epektibo ang implementasyon ng batas ng sa gayon ay mabawasan ang mga
tantos ng smoking prevalence. Ito ay tumutok sa pagbubuwis bilang nakikitang
solusyon upang makontrol ang tantos na ito.
PAGSUSURI NG DATOS
Ang mga panayam na inirekord gamit ang audio recorder ay nilagyan ng nga
coding schemes. Ang mga ito ay inayos ayon sa iba’t ibang kategorya at paksa. Ang
mahahalagang datos na nabanggit ay inilapat sa isang talahanayan na naglalaman ng
mga paksa, mahahalagang nabanggit at mga interpretasyon ng mananaliksik. Gumamit
ng coding schemes ang mananaliksik upang mas maisaayos ang mga datos na nakuha
upang matukoy ang mahalagang impormasyon na kinakailangan.Nagbigay ang
mananaliksik ng mga kategorya batay sa mga nakuha sa mga kinapanayam at batay sa
mga ito, inayos ang mga mahahalagang datos na nabanggit.
Ang mga panayam ay pinagkumpara upang malaman kung may pagkakapareho
ba ng pananaw ang mga kinapanayam at ng sa gayon ay mabigyang diin ang mga
paksa. Nakatulong ang pagkukumpara ng mga naging kinalabasan ng mga panayam at
mga kaugnay na pag-aaral dahil ito ang nagpatibay ng mga impormasyong nakuha.
Ang pagkukumpara sa mga ito ay mahalaga at nakatulong ng malaki sa mananaliksik
upang mapagtibay ang mga datos na nakuha.
RESULTA
Smoking Prevalence
Patuloy ang pagtaas ng smoking prevalence sa Pilipinas dahil sa
napakaagresibong karakter ng mga kumpanya ng tabako sa pagpapalawak ng kanilang
industriya. Ang tantos ng paglaganap ng paninigarilyo ay mas mataas sa mga lalaki
kumpara sa mga babae. Kung ikukumpara sa ibang mga bansa sa Timog Silangang
46
Asya, ang Pilipinas kasama ng Cambodia, Malaysia at Vietnam ay may halos 50
porsyento ng paglaganap ng paninigarilyo samantalang ang mga bansang Lao PDR at
Indonesia na mayroong napakataas na smoking prevalence rate na umaabot sa 60
porsyento. Ayon sa 2009 Global Adult Tobacco Survey, ang Pilipinas ay mayroong 47.7
porsyento smoking prevalence para sa mga lalaki o 14.6 milyon at 9 porsyento sa mga
babae o 2.8 milyon.
Talahanayan 2. Smoking prevalence sa ASEAN
Sa kabila ng mataas na smoking prevalence sa Pilipinas, ang Pilipinas ay
mayroong hakbang upang makontrol ay patuloy na pagtaas nito. Ang Pilipinas ay isa sa
signatory ng FCTC na isang kasunduan sa ilalim ng WHO. Ito ay nabuo bilang tugon sa
lumalawak na epidemya ng tabako at isa lang ebidensya ng pagpapahalaga sa
Bansa Babae (in %) Lalaki (in %)
Malaysia 1.6 46.4
Pilipinas 9 47.7
Vietnam 2 49.2
Singapore 3.7 23.7
Brunei 2.94 31.8
Cambodia 48 3.6
Indonesia 5.5 65.5
Lao PDR 16 67.7
Myanmar 15 33
Thailand 1.7 35.5
47
kalusugan bilang isang prayoridad ng mga gobyerno. Ang FCTC ay niratipika ng
Pilipinas noong 2005 na isang ebidensya na may tugin ang gobyerno sa malawak na
problema ng pagkakasakit dulot ng paninigarilyo (WHO, 2012).
Regulasyon ng Tabako
Ang Pilipinas ay may matibay na pagbabantay sa kalusugan (health surveillance
structure). Nagkaroon na ng pagreregularisa sa paggamit ng tabako. Nagkaroon na ng
mga pag-aaral at mga sarbey ukol sa paggamit ng produktong tabako at noong 2003,
nagkaroon na sa Pilipinas ng batas na magreregularisa sa mga produktong tabako
(WHO, 2002). Bukod sa pagiging bahagi ng kombensyon, makikita din ang pagtuon ng
gobyerno sa epidemyang ito sa pagkakaroon ng batas na nagreregula dito.
Tobacco Regulation Act of 2003 o RA 9211
Ang Tobacco Regulation Act of 2003 o Republic Act 9211 ay ang batas na
nagreregularisa sa pagbabalot, paggamit, pagbebenta at pagpapatalastas ng mga
produktong tobako (Campaign for Tobacco-Free Kids, 2011). Ito ay nagsusulong ng
pagprotekta ng mga mamamayan laban sa masamang dulot ng mga ganitong produkto
at ipaalam ang masamang dulot nito sa kalusugan (RA 9211 Handbook). Isa na sa
probisyon nito ay ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar tulad ng
mga paaralan, hagdan, lugar na kung saan may posibilidad ng pagkakaroon ng sunog,
mga pampublikong pasilidad at lugar kung saan inihahanda ang pagkain.
Nakasaad din dito ang mga Inter-agency Committee-Tobacco (IAC-Tobacco) na
mayroong ekslusibong kapangyarihan na ipatupad ang mga probisyon ng batas. Ito ay
pinamumunuan ng Kalihim ng Department of Trade Industry (DTI) at ng Kalihim ng
Department of Health (DOH). Ang mga miyembro nito ay binubuo ng mga Kalihim ng
Department of Agriculture (DA), Department of Justice (DOJ), Department of Finance
(DoF), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of
Science and Technology (DOST). Bukod sa mga kalihim, nabibilang din ang
48
administrador ng National Tobacco Administration (NTA), kinatawan mula sa industriya
ng tabako at kinatawan mula sa mga Non-Government Organizations (NGOs) na
nagsusulong ng pampublikong kalusugan. Sila ay nakakaimpluwensya sa mga polisiya
na ipapatupad hinggil sa pagkontrol ng tabako. Ang anumang hakbang o polisiya ay
kailangang ikonsulta sa kanila.
Mga hadlang sa regulasyon
Ang mga hadlang sa implementasyon ng mga batas sa pagkontrol ng tabako ay
ang pagkakaroon ng mga mahina at hindi epektibong panukalang batas, interbensyon
ng industriya ng tabako na isang miyembro ng komite na naatasang magpanukala ng
mga probisyon sa regulasyon, kawalan ng kakayanan na ipatupad ang batas at
kawalan ng mga mapagkukunan upang maipagpatuloy ang pagkontrol ng tabako.
Dagdag pa dito ang mga mapanlilang na kampanya ng mga industriya ng tabako
tungkol sa magiging kawalan ng trabaho at epekto sa ekonomiya kung sakaling mawala
at bumabagsak ang kanilang industriya.
Hindi naging epektibo ang batas dahil sa hindi nito pagkakatulad sa
pandaigdigang kasunduan na nilagdaan nito. Nagkaroon ng mga misinterpretasyon
dahil sa pagkakaiba nito sa FCTC. Nagkaroon ng mga misinterpretasyon at hindi
pagkakatulad sa kadahilanang mas nauna ang pagsasabatas ng RA 9211 sa paglagda
sa pandaigdigang kasunduan (HealthJustice Philippines, 2012).
Naging malaking hadlang din ang mga kumpanya ng tabako sa epektibong
regulasyon sa pamamagitan ng paghamon ng mga ito sa gobyerno sa tuwing
gumagawa ng polisiya o hakbang na sila ay kontrolin (Campaign for Tobacco Free Kids,
2009). Ang halimbawa na dito ay ang pagsasampa ng mga kumpanya ng temporary
restraining order laban sa MMDA noong sinimulan ang smoke-free policy na polisiya
(FCAP, 2012).
Bukod dito, kulang din ang mga pinagkukunan dahil hindi ito naging prayoridad
ng gobyerno katulad ng ibang mga industriya (HealthJustice Philippines, 2012). Dagdag
49
pa dito ang kawalan ng political will sa parte ng mga tatagapatupad. Ang pagiging
epektibo ng batas ay nakasalalay sa pagpapatupad nito. Kapag mayroon kakulangan
sa pinagkukunan at sa tagapatupad, hindi magiging epektibo ang batas gaano man
kadakila ang layunin nito. Ayon sa FCAP, marami pa ring mga Local Government Units
(LGUs) ang hindi nagpapatupad ng batas. Ang kanilang dedikasyon ay nahahadlangan
ng kakulangan sa pinagkukunan at sa mga tao. Hindi nasusustena ang kanilang mga
hakbang dahil sa mga kakulangang ito. Dagdag pa dito ang kaunting bilang ng LGUs na
may political will na ipatupad ang batas.
Dahil nga sa kaunting bilang ng nagtataguyod dito, naging mahirap ang
pagkokontrol sa mga produktong tabako. Dagdag pa sa kakulangan ay ang pagkalito
ng mga ito sa mismong batas. Ayon sa mga nakapanayam, hindi masusing
naipapatupad ang batas dahil sa pagkakaroon ng kalituhan. Ang dahilan nito ay ang
pagsasabatas ng RA 9211 ay nauna sa pagratipika ng gobyerno sa FCTC. Patungkol
sa probisyon ng FCTC sa pagpapatalastas, kinakailangan na magkaroon ng mga
babala sa pamamagitan ng larawan ngunit babala sa pamamagitan lang ng teksto ang
nakasaad sa RA 9211. Nagkakaroon din ng kalituhan dahil sa mga posibilidad ng
misinterprasyon. Bukod pa dito, ang industriya ng tabako ay laging gumagawa ng
paraan upang maisulong ang kanilang interes. Kaya naman kinakailangang umaksyon
ang gobyerno upang matugunan ang mgaproblemang ito.
Ang mga ito ay nabanggit sa pag-aaral ng Bloomberg Global Initiative (2007),
ang mga naging hadlang sa implementasyon ng batas ayon sa mga nasagawang pag-
aaral sa mga bansang Bangladesh, India, Indonesia at Thailand ay ang hindi
epektibong panukalang batas, kawalang ng kakayanan na ipatupad ang batas at ang
patuloy na panlilinlang ng mga industroya ng tabako sa pamamagitan ng lobbying.
Sa kabila ng pagkakaroon ng batas at pagtugon ng gobyerno sa FCTC, patuloy
pa rin ang pagtaas ng smoking prevalence, pagkakasakit at pagkamatay ng mga tao.
Sa mga ganitong usapin papasok dito ang mga isyu ng kalidad ng pagpapatupad ng
batas ng mga tagapatupad. Ayon sa HealthJustice Philippines, isang NGO na
nagsusulong ng kalusugan, mayroong kapasidad ang mga tagapatupad ngunit
50
mayroong kakulangan sa mga pinagkukunan sa kadahilanang hindi ito naging
prayoridad ng gobyerno sa mga nakalipas na mga taon. Ang sobrang dami ng bilang ng
problema sa kalusugan at pagbibigay serbisyo ang isang dahilan kung bakit ito hindi
naging prayoridad. Ngunit ngayong taon, inaasahan ng DOH na magiging prayoridad ito
ng gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Aquino bilang tugon sa mga
panawagan ng mga grupong nagsusulong ng kalusugan.
Ayon sa mga nakapanayam, kinakailangang amyendahin ang batas upang
masusing maipatupad ito. Bilang isang partido sa FCTC, kinakailangan ilapat ang batas
sa mga probisyon nito upang sa gayon maiwasan ang mga misinterpretasyon at
kakulangan sa batas. Bukod pa dito, ang mismong nireregula ay kailangang tanggalin
sa IAC-T na may ekslusibong kapangyarihan sa paggawa at pag-iimplementa ng
probisyon. Ang hindi pagkakaroon ng bagong mga polisiya na sana ay makakatulong sa
epektibong regulasyon ay dahil sa pagiging kabilang ng Philippine Tobacco Industry sa
IAC-T. Kaya naman ang anumang hakbang ng ibang miyembro tulad ng DOH ay
kanilang hinahadlangan sa pamamagitan ng pagbabaluktot ng batas. Ito ay salungat sa
Artikulo 5 ng FCTC na nagsasaad ng mga probisyon sa pagprotekta sa pampublikong
kalusugan mula sa mga interes pangkomersyal ng industriya ng tabako. Kailangan
magkaroon ng masusing implementasyon ng FCTC upang magkaroon ng epektibong
regulasyon.
Sistema ng pagbubuwis
Ang pagpapataw dito ng buwis ay sa pamamagitan ng RA 9334 o Sin Tax Law
noong 2004 kung saan ang halaga ng excise tax ng bawat pakete ng sigarilyo ay
depende sa net retail price ng isang produkto. Ang excise tax batay sa gross retail price
na 14 hanggang 42 porsyento base sa presyo ng mga sigarilyo noong 2010; mas
mababa pa sa nirekumenda ng World Bank. Upang mas mapadali ang pagpapataw ng
buwis kailangan ng mas simpleng sistema ng pagbubuwis kung saan mayroong single
rate sa lahat ng produktong tabako. Kailangan din na magkaroon ng mas mataas na
51
excise tax upang mabawasan ang pagkonsumo pati na rin ang mga health costs
(Campaign for Tobacco-Free Kids, 2010).
Ang Pilipinas ay sumusunod sa multi-tier na sistema ng pagbubuwis na may mas
mababang singil kumpara sa ibang bansa na may parehong pang-ekonomiyang pag-
unlad. Mayroong low-priced, medium-priced, high-priced at premium priced kung saan
ang mga kategoryang ito ang nagdedetermina ng buwis na ipapataw sa particular na
tatak ng sigarilyo (SITT, 2012).
Ang excise tax, sa kasalukuyan, ay 14 hanggang 42 porsyento lamang base sa
presyo ng sigarilyo noong 2010 at ito ay mas mababa sa nirekumenda ng World Bank
na 65 hanggang 80 porsyento ng retail price. Bukod pa dito ang kasalukuyang Tax
Reform Code ay nagbibigay ng proteksyon sa mga panlokal na tatak sa pamamagitan
ng pagklasipika dito sa lower-priced na kategorya batay sa 1996 NRPs. Dahil dito,
nagkaroon ng minimal na buwis sa kabila ng pagtaas ng retail prices ng mga ito sa mga
nagdaang taon. Kapag ang mga ito ay naiklasipika batay sa kasalukuyang net retail
price, ang mga ito ay maililipat sa kategoryang may mas mataas na presyo at
magkakaroon ng mas mataas na buwis. Ang pagbatay sa 1996 NRPs ay magdudulot
sa pagtaas ng retail prices at sa patuloy na pagbaba ng buwis kumpara sa presyo nito
(SITT, 2010).
Sa kabila ng malaking kita nito sa na halos 30 bilyong piso mula sa pagbubuwis,
masasabing malaki ito ngunit hindi nito natutugunan ang mga social costs na resulta ng
paninigarilyo. Ayon sa FCAP (2012), ang nagiging gastos pangkalusugan ay umaabot
sa 300 bilyong piso. Kung ikukumpara ito sa kinikita mula sa tabako, makikita ang
malaking pagkakaiba ng dalawang ito. Ito ay taliwas sa maling pagkahulugan sa
malaking kita ng gobyerno mula sa pagbubuwis sa mga produktong ito dahil ang
kabuuang gastos pa lang sa mga sakit na kaugnay dito ay hindi pantay sa kita ng
gobyerno mula sa pagbubuwis sa mga ito.
52
Talahanayan 3. Porsyento sa Kabuuang Kita ng Gobyerno ng Pagbubuwis sa
Tabako
Makikita sa talahanayan 3 na sa loob ng ilang taon nag-iiba ang naging
kontribusyon ng pagbubuwis sa tabako. Mapapansin na umabot ito sa 4 porsyento
noong 2002, ngunit bumaba ito noong 2003, 2006 at 2007. Ayon sa Campaign for
Tobacco-Free Kids (2010), ang pagbubuwis ng tabako sa Pilipinas ay mas mababa pa
sa nirekumenda ng World Bank na mula sa 65 hanggang 80 porsyento sa retail price na
Taon Kita sa Pagbubuwis sa
Tabako (in PhP Bilyon)
Kabuuang
kita ng
Gobyerno
Porsyento sa Kabuuang
Kita ng Gobyerno
(approx. in %)
2000 17.4 460 3.8
2001 19.3 489.8 3.9
2002 20 496.2 4
2003 19.9 537.7 3
2004 23 597.6 3.9
2005 23.7 705.3 3.2
2006 26.8 858.6 3
2007 23.1 923.1 2.5
2008 27.5 907.4 3
2009 24.2 810.9 2.9
53
karaniwang pinagbabatayan ng mga bansang mayroong epektibong polisiya sa
pagkontrol ng mga produktong tabako. Sa loob ng sampung taon, nagkaroon ng
pagbaba ng buwis sa mga produktong ito.
Talahanayan 4. Porsyento ng tax rate sa retail price noong 2010
Pagsasaayos ng istruktura ng buwis
Kasama sa pag-amyenda sa batas, ang pagsasaayos ng istruktura ng
pagbubuwis. Ito ay isang paraan upang mabawasan ang mga tao sa paninigarilyo lalo
na sa mga mahihirap at kabataan dahil sila ang pinakasensitibo sa pagtaas ng presyo.
Ang pagbubuwis sa Pilipinas ay mababa kumpara sa ibang bansa. Mapapansin
sa talahanayan 4 na ang Pilipinas ay mayroong 30 porsyento ng retail price noong 2010
samantalang sa bansang 37.5 porsyento sa Brunei , 50 porsyento sa Myanmar, 70
porsyento saThailand at 45 porsyento sa Vietnam. Ang itinakdang buwis ay
mapapansing mas mababa pa sa nirekumenda ng World Bank. Maliban dito ang buwis
ng mga produktong ito ay batay pa sa 1996 net retail prices (NRPs). Hindi kasama sa
RA 9211 ang pagbubuwis dahil ito ay nasa probisyon ng Sin Tax Law ngunit ang batas
na ito ay hanggang 2011 lamang ang sakop at nangangailangan ng panibagong
lehislasyon upang magkaroon ng pagtaas sa buwis. Kaya naman kinakailangan na
Bansa Tax rates as percentage retail price 2010
Brunei 37.5%
Myanmar 50%
Philippines 30%
Thailand 70%
Vietnam 45%
54
baguhin ang istruktura ng pagbubuwis dahil sa mga problema na mayroon ito (SITT,
2010).
Sa kasalukuyan, mayroong mga debate patungkol sa pagrereporma ng Sin tax
Law. Una na ang House bill 5727 na pinangungunahan ni Rep, Joseph Emilio Abaya na
naglalayon na mailapat ang retail prices sa inflation at magkaroon ng pinag-isang tax
rate na kasalungat ng kasalukuyang multi-tier rate (Domingo, 2012 ; Barbadora, 2012).
Nagkaroon din ng hakbang mula sa Department of Finance (DoF) upang maisaayos
ang excise tax batay sa nirekumenda ng World Bank (Domingo, 2012). Sinusuportahan
ito ng National Youth Commission (NYC) dahil ito ay makakatulong sa pagbawas sa
pagkonsumo ng mga kabataan (Bordadora, 2012). Kapag naisabatas na ito,
mababawasan ang pagkonsumo sa tabako at makakadagdag sa kita ng gobyerno na
maaring gamitin sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan (Pangalangan, 2012).
Ngunit mayroong mga argumento laban dito lalo na mula sa industriya ng tabako na
maghihimok daw ito sa pagpupuslit ng mga produkto at ilegal na merkado (Domingo,
2012). Iginigiit din ng ibang mga Kongresista mula sa Northern Luzon Alliance (NLA) o
Solid North na ayon sila sa pagtataas ng excise tax ngunit ang sobrang pagtaas ay
makakaapekto sa industriya ng tabako at kabuhayan ng higit dalawang milyong
magsasaka at manggagawa (Bordadora, 2012; Rosario & Manongdo, 2012).
Problema sa kasalukuyang istruktura ng pagbubuwis
Ang nakikitang problema sa istruktura ng pagbubuwis, ayon sa mga
nakapanayam, ay ang pagiging komplikado nito. Mayroong multi-tiered structure kung
saan may mga kategorya ng pagbubuwis sa mga produkto. Mayroong low-priced,
medium-priced, high-priced at premium priced. Ang pagkakaroon ng iba ibang
kategorya ay nangangahulugang magkakaibang kalkulasyon ng pagbubuwis bawat
kategorya. Ang pagkakaroon din ng komplikadong istruktura nito ay nagdudulot ng
substitution sa parte ng mga gumagamit. Kapag ang presyo nito ay tumaas, maari ng
bumaba ang demand dahil sa hindi na ito kayang tustusan at ang gastos ay malilipat sa
ibang mas mahalagan bagay. Ito ay nangyayari sa parte ng mga mahihirap at mga bata
dahil sila ang pinakasensitibo sa pagtaas ng presyo. Ayon sa mga nakapanayam, ang
55
pagtaas ng presyo ay maari ding magdulot ng substition kung saan lilipat lamang ang
mga tao sa may mas mababang presyo. May mga ebidensya din na maaring hindi
magbago ang demand sa parte ng mga may-kaya dahil kaya pa rin nila itong tustusan
sa kabila ng pagtaas ng presyo.
Figure 1. Bilang ng Nabentang produkto (milyon)
Source: (SITT, 2010)
Mapapansin sa ilustrasyon sa taas na sa mga nakalipas na taon, nabawasan at
nagkakaroon ng pagkakaiba ang demand sa medium-priced at high-priced na kategoya
samantalang ang nasa low-priced na kategorya at patuloy na tumataas. Masasabi ito na
isang manipestasyon na ang anumang pagtaas sa presyo ay makakabawas sa demand
sa high-priced at medium-priced na produkto ngunit ang mga nabawas na ito ay
maaring lumipat lamang sa mas mababang kategorya o presyo. Ang pagtaas ng buwis
ay magreresulta sa pagtaas ng presyo ngunit hindi ganoon kalaki ang bawas sa
demand sa kadahilanang ang ibang konsyumer ay lumilipat lamang sa mas mababang
kategorya.
Bukod sa komplikadong istruktura nito, hindi din ito nakabatay sa kasalukuyang
inflation rate dahil ito ay batay pa sa 1996 Net Retail Price. Ito ay nangangahulugang na
mananatili ang isang partikular na brand sa kanyang kategorya at ang buwis ay hindi
magbabago. Kahit tumaas ang ang retail price ng isang partikular na tatak ng sigarilyo,
hindi ito magbabago ng kategorya at ang buwis nito ay ganoon pa rin. Maari din na ang
dahilan ng pananatili ng isang partikular na tatak ng sigarilyo sa isang kategorya ay ang
0
500
1000
1500
2000
2500
19
97
19
98
19
99
20
00
20
01
20
02
20
03
20
04
20
05
20
06
20
07
High-Priced
Medium-priced
Low-priced
Linear (Low-priced)
56
pagmamanipula at pandadaya ng mga kumpanya ng tabako. Ang mga dating produkto
ay mayroong mababang buwis kumpara sa mga bagong produkto dahil ang mga ito ay
nakabatay sa 1996 NRPs. Nagagawa nila ito dahil sa pagiging komplikado ng istruktura
nito.
Ayon sa mga nakapanayam, makakatulong ang pagsasaayos ng istruktura ng
pagbubuwis sa epektibong regulasyon. Upang magkaroon ng isang polisiya ng
pagsasaayos ng buwis, kinakailangan na makapagpanukala ng batas sa parte ng mga
Kongresista at dumaan sa lehislayon ng Senado. Sa kasalukuyan, mayroong
Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) na nagsusulong ng batas
na magtatanggal ng klasipikasyon ng mga presyo ng tabako, paglalapat ng buwis sa
kasalukuyang inflation rate, pagsisimplipika ng multi-tiered na sistema at gagawin itong
single tax rate na kasalukuyan ay isinusulong na ng ibang mga bansa sa Timog
Silangang Asya. Ang pagsasaayos ng pagbubuwis ay ang pangunahing hakbang
upang maresolba ang problema ng low tax effort at pagbaba ng tax burden. Ngunit ang
single tax rate ay kinokontra ng industriya ng tabako. Ang sobrang regulasyon daw ay
makaapekto sa mga magsasasaka at manggagawa na umaasa sa pagtatanim ng
tabako (Latuja & Sta. Ana, 2011).
Kaugnayan ng pagtaas ng buwis sa pagbawas sa demand
Ang pagtaas ng buwis ng sampung porsyento ay magdudulot ng pagbaba ng
konsumo nang tatlo hanggang limang porsyento sa high-income countries at walong
porsyento sa middle-income countries (Haile, 2010; Ross, 2002; SEATCA, 2008). Ito ay
ginamit ng mga bansang Thailand at South Africa bilang tugon sa mataas na smoking
prevalence. Katulad ng Pilipinas, sila ay mga bansang papaunlad pa lamang at
nabibilang sa middle-income countries na klasipikasyon (World Bank, 2012). Ang
smoking prevalence sa Thailand ay 39.3 porsyento sa mga lalaki at 2.2 porsyento sa
mga babae. Samantalang ang smoking prevalence ng South Africa ay may tantos na
43.8 porsyento sa mga lalaki at 11.7 porsyento sa mga babae (Shafey, Doswick, &
Guindon, 2003). Nakita na sa kanilang mga karanasan na ang pagtaas sa pagbubuwis
57
ay makakababa sa demand ng mga produktong tabako at makakapagbigay na dagdag
na kita sa gobyerno.
Ngunit maaring mag-iba ang tugon ng mga konsyumer sa pagtaas ng buwis at
presyo ng mga produktong tabako. Ang price sensitivity sa produktong tabako ay
maaring mag-iba batay sa kita, pang-ekonomikong kalagayan at edukasyon.
Kadalasan, ang may mas mababang antas sa mga nasabing aspeto ang karaniwang
tumutugon sa anumang pagbabago sa mga presyo (Ross, 2002).
DISKUSYON
Pagtaas ng smoking prevalence sa kabila ng regulasyon
Ayon sa mga nakalap na mga datos, patuloy pa rin ang pagtaas ng smoking
prevalence sa kabila ng pagtugon ng gobyerno sa pangdaigdigang regulasyon ayon sa
FCTC kung saan ang Pilipinas ay kabilang. Mapapansin ang pagtugon ng Pilipinas sa
epidemya ng tabako sa pagsasabatas ng RA 9211 na nagreregula sa mga produktong
ito. Ngunit ang batas na ito ay maraming kakulangan na hindi ayon sa kasunduan na
niratipika nito. Ayon nga sa pandaigdigang kasunduan, ang anumang kasunduan na
niratipika ng isang bansa ay kailangang maging bahagi na ng panlokal na batas. Dahil
sa nauna ang pagkakaroon ng batas kaysa sa pagratipika sa FCTC, maraming maling
interpretasyon at hindi pagkakatulad ng dalawa. Maraming nalabag sa FCTC katulad na
lamang ng sa pagpapatalastas at sa mga babala sa pamamagitan ng mga larawan na
dapat ay nakalagay sa bawat pakete ng sigarilyo.
Bukod sa mga maling interpretasyon, hindi ito naging prayoridad ng mga
gobyerno sa kabila ng malaking dulot nito sa pampublikong kalusugan. Ang hindi nito
pagiging prayoridad ang nakadagdag sa problema. Hindi ito nabigyan ng sapat na
pinagkukunan. Maraming kakulangan sa mga taong mag-iimplementa, mga pondo at
mga pasilidad na kinakailangan. Ang anumang batas ay hindi magiging epektibo kung
hindi ito binibigyan ng pansin sa pamamagitan ng pagpaprayoridad at pagbibigay ng
kaukulang pansin upang maabot ang layunin ng batas na ito. Kahit mayroong mga nag-
58
iimplementa na mayroong dedikasyon upang ito ay ipatupad, nagkakaroon ng problema
dahil sa mga kahinaan ng batas na ito. Bukod pa dito, hindi rin naisasaayos ng mga
mambabatas ang batas na ito upang matugunan ang mga kahinaan nito.
Tugon ng gobyerno sa mataas na smoking prevalence
Nireregula ng gobyerno ang mga produktong tabako sa pamamagitan ng
pagpapanukala ng mga batas patungkol dito. Isa na nga ito ang pagpapatupad ng
smoke-free policy ng MMDA. Ito ay nagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong
lugar upang maprotektahan ang kalusugan ng mga taong hindi naninigarilyo.
Ito ay alinsunod sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit dulot ng
paninigarilyo. Napatunayan kasi na isa sa mga nangungunang mga sakit ay ang mga
chronic obstructive pulmonary disease na dulot ng paninigarilyo. Kaya naman maigting
ang dedikasyon ng mga nagtataguyod ng kalusugan sa mga kampanya at pagkontrol
sa tabako. Mayroon ding mga politiko ang nagsusulong ng mga panukalang batas
upang maisaayos ang regulasyon. Patunay na nga dito ang LEDAC bill na nagsusulong
sa pagsasaayos ng pagbubuwis sa mga sigarilyo. Ito ay ang nakikitang solusyon upang
maisaayos ang regulasyon.
Ngunit ang bawat hakbang ay laging hinhadlangan ng mga kumpanya ng tabako.
Nagsasampa sila ng mga kaso sa mga ahensya ng gobyerno upang mahadlangan ang
mga ginagawang polisiya laban sa kanila. Katulad na lamang ng pagsasampa nila ng
kaso laban sa MMDA na nagsulong ng panukalang batas patungkol sa smoke-free
areas. Ang mga hakbang ng industriya ng tabako base sa mga nasuring pag-aaral. Isa
ang mga ito sa mga dahilan kung bakit walang epektibong regulasyon.
Pag-amyenda sa batas
Kailangan ng gobyernong iprayoridad ang pagreregula at pagsusulong ng
kalusugan upang tuluyan ng mabawasan ang tantos ng mga nagkakasakit dulot ng
paggamit nito. Ang solusyon sa pagsasaayos ng batas ay ang pag-aamyenda dito
59
upang maging ayon ito sa pandaigdigang kasunduan. Kailangang ayusin ang mga
probisyon upang sa gayon ay hindi makahanap ng butas ang industriya ng tabako
upang ito ay malusutan. Kapag ito ay naisaayos magiging madali para sa parte ng taga-
implementa na ipatupad ang batas. Bukod dito, kailangan din na samahan ito ng
dedikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pagkukunan. Ang mga ito ay
magagawa lamang kung magkakaroon ng interbensyon sa parte ng gobyerno. Sa
pamamagitan ng mga interbensyon matutugunan ang mga masamang dulot nito o mga
externalities.
Hindi rin magiging epektibo ang regulasyon kung mayroong maling
interpretasyon sa batas. Kailangang maisaayos ang mga maling interpretasyon at hindi
pagkakatulad nito sa FCTC na nagbibigay ng kalituhan. Ang interbensyon ng gobyerno
kalakip ang dedikasyon nitong maisulong ang kapakanan ng mga mamamayan at hindi
ang mga piling naghaharing-uri ay isang mabisang solusyon sa pautloy na paglala ng
epidemya.
Mga hadlang sa pag-amyenda ng batas
Maraming dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naisasaayos
ang batas at ang mga kaukulang probisyon patungkol sa pagreregula ng mga
produktong tabako. Una na dito ang kakulangan sa batas na patuloy na ginagamit ng
mga kumpanya ng tabako upang baluktutin ang batas at umiwas sa mga regulasyon
laban sa kanila. Iginigiit ng industriya ng tabako na ang anumang mahigpit na
regulasyon ay makakaapekto ng malaki sa ating ekonomiya partikular na sa mga lokal
na magsasaka. Ngunit sa katotohanan hindi naman ganoon kalaki ang epekto nito
kumpara sa nagiging gastos ng gobyerno sa mga sakit na dulot nito. Ang napalaking
kita sa pagbubuwis ay hindi nasusustentuhan ang malaking gastos sa kalusugan Ang
nagbebenepisyo lang dito ay ang mga kumpanya ng tabako at hindi ang mga lokal na
magsasaka. Waring nasasamantala ang mga lokal na magsasaka at ginagamit sila
bilang balatkayo laban sa isang mahigpit na regulasyon. Kaya naman kailangan na
tugunan ang mga kakulangan at hadlang sa pagpapatupad ng batas.
60
Dahil sa mga kakulangan at hadlang sa pagpapatupad ng batas, hindi nagiging
epektibo ang batas na ito. Maraming problema sa pagpapatupad ng batas dahil sa mga
maling interpretasyon nito. Kahit nagkakaroon ng dedikasyon aling ilang politiko at mga
LGUs, patuloy naman itong hinahadlangan ng mga kumpanya ng tabako. Kaya naman
ang kanilang mga hakbang ay hindi nasusundan ng kaukulang pagsasaayos ng batas.
Sadya naming ang batas ay hindi magiging epektibo gaano man kaganda ang layunin
nito kung hindi naman natatapatan ng dedikasyon at striktong implementasyon.
Ngayong taon, ipinangako ni Pangulong Aquino ang pagpaprayoridad sa pagsusulong
ng kalusugan. Ang mga nagtataguyod ng kalusugan ay umaasa na sa mga susunod na
mga taon ay magiging prayoridad na ito.
Pagsasaayos ng istruktura ng pagbubuwis
Ang pagsasaayos ng istruktura ng pagbubuwis ang pinakanakikitang solusyon
ng pag-aaral. Kailangang magkaroon ng simpleng pagkakategorya sa mga produkto na
makakatulong sa isang maayos na istruktura ng pagbubuwis. Maiiwasan ang
substitution kapag nagkaroon ng simpleng struktura kung saan maaalis na ang apat na
kategorya. Dagdag pa rito ang pagsasaayos nito at pagbatay sa kasalukuyang inflation
rate dahil ito ay batay pa rin sa 1996 NRPs. Ang pagbabatay sa dating NRP ay
nangangahulugang pagtaas ng presyo ng sigarilyo ngunit ang buwis ay mananatiling
ganoon pa rin na nagreresulta sa pagbaba ng tax burden sa parte ng mga kumpanya
ng tabako. Sa tulong din ng pagtaas ng buwis, mababawasan ang demand ng
paninigarilyo sa parte ng mga pinakabulnerableng sektor ng lipunan, ang mga
mahihirap at kabataan. Dahil sa kanilang limitadong pagkukunan, sila ang
pinakasensitibo sa anumang pagtaas ng presyo. Ang pagbibigay ng insentibo sa
pamamagitan ng paglilimita sa pagpapatalastas at pagtataas ng buwis ay napatunayan
sa mga pag-aaral na nakatulong sa pagbawas ng demand ng mga tao.
Pagtaas ng buwis bilang isang epektibong solusyon
Upang matugunan ang masamang dulot ng paninigarilyo sa kalusugan na
nagiging sanhi ng productivity losses at premature deaths, kinakailangan ang pagtataas
61
ng buwis upang mabawasan ang demand sa tabako. Bagamat nag-iiba ang tugon ng
mga tao sa anumang pagtaas ng buwis, makakabawas pa rin ang anumang pagtaas ng
presyo sa demand. Kapag itinaas ang ipinapataw na buwis ng sampung porsyento,
makakabawas ito sa demand ng walong porsyento at makakadagdag sa kita ng
gobyerno ng pitong porsyento. Bukod dito, hindi rin ito magreresulta sa malaking
kawalan ng trabaho dahil ang dating ginagastos sa paninigarilyo ay maaring malipat sa
ibang produkto at serbisyo na magreresulta sa pagkakaroon at pagsuporta sa ibang
kabuhayan.
Makakatulong din ang pagpapasimula ng gobyerno ng mga programang
maglalayon sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa masamang dulot nito sa
kalusugan. Kailangang magkaroon ng kamalayan ng mga tao patungkol dito. Ang
pagkakaroon ng kamalayan ay makakamit sa pamamagitan ng consumer information.
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang paglaganap ng epidemya ng tabako ang naging dahilan ng pagsasabatas ng
RA 9211. Kaya naman ang bansa ay nagbigay pansin sa mga economic costs na dulot
nito. Ang batas na ito ang nagreregularisa sa pagbabalot, paggamit, pagbebenta at
pagpapatalastas ng mga produktong tobako. Maraming probisyon na kalakip dito ang
nagsasaad sa paraan ng pagreregula sa mga produktong tabako.
Ang nagiging hadlang dito ay ang pagkakaroon ng maling interpretasyon at hindi
nito pagkakatulad sa pandaigdigang kasunduan na niratipika ng bansa. Kaya naman
nagkakaroon ng problema sa parte ng mga tagapatupad.
Ang malaking dulot sa ekonomiya ng mga produktong tabako ang ginagamit na
dahilan ng mga kumpanya ng tabako hindi magkaroon ng epektibong implementasyon
ng batas. Iginigiit nila ang maapektuhan dito ay ang mga local na magsasaka na
umaasa sa pagtatanim ng tabako. Ngunit sa katotohanan ay hindi naman ganoon kalaki
ang kita nito kumpara sa economic costs na dulot nito sa ekonomiya. Ang malaking kita
62
sa pamamagitan ng pagbubuwis ay hindi pantay sa napakalaking gastos sa kalusugan
dulot ng paninigarilyo.
Sa kabilang banda, gumagamit ang industriya ng tabako ng agresibong hakbang
upang isulong ang kanilang mga produkto. Nagkakaroon ng pagbabaluktot ng batas
kung saan ginagamit nila ang mga kakulangan sa batas upang ito ay baluktutin.
Hinahadlangan nila ang anumang hakbang ng mga nagtataguyod ng kalusugan at ng
ibang politiko sa pagkakaroon ng epektibong implementasyon.
Ang pagpapatupad ng RA 9211 ay hindi naging epektibo dahil sa mga
kakulangan nito. Ang mga pagkakaiba nito sa pandaigdigang kasunduan ang naging
dahilan kung bakit laging nakakahanap ang industriya ng tabako upang makalusot sa
batas. Bukod pa dito, ang hindi pagprayoridad sa pagreregula sa mga produktong
tabako ng gobyerno ay nakapagpalala sa patuloy na pagtaas ng pagkakasakit at
pagkamatay dulot ng paninigarilyo. Dahil hindi ito naging prayoridad, hindi nabigyan ng
sapat na pagkukunan tulad ng mga taong mag-iimplementa, pondo at mga
pangkalusugang pasilidad.
Upang masusing maipatupad ito, kinakailangang gawing prayoridad ang
pagreregula nito at ang kalusugan. Kailangang mabigyan ng sapat na pinagkukunan
ang mga taga-implementa nito upang ng sa gayon ay maipatupad ang batas ayon sa
nakasaad ito. Bukod pa dito, kailangan magkaroon ng political will sa parte ng mga
mambabatas upang magkaroon ng mga panukalang batas na magsusulong at
susuporta sa regulasyon ng tabako at pagpapahalaga sa kalusugan.
Bukod sa pagbibigay prayoridad sa regulasyon at kasulugan, kailangan din na
maalis ang mismong niniregula, ang industriya ng tabako, bilang parte ng IAC-Tobacco
na may eklusibong kapangyarihan sa pagpapanukala at pagpapatupad ng mga
probisyon patungkol sa regulasyon. Dahil sa pagiging kasali nila doon, ang anumang
hakbang laban sa kanilang interes ay kanilang hinahadlangan na nagreresulta sa hindi
pagkakaroon ng epektibong panukala upang masolusyonan ang epidemya ng tabako.
63
Ang pinakamabisang paraan upang magkaroon ng epektibong regulasyon ay
ang pag-aamyenda ng batas ayon sa pandaigdigang kasunduan. Ang pinakamabisang
paraan upang maipatupad ang batas ay ang pagsasaayos ng kalidad nito.
Magkakaroon lamang ng isang epektibong regulasyon kung maisasaayos ang kalidad
ng pagpapatupad ng batas. Kailangan din na isaayos ang mga probisyon nito nang sa
gayon ay matanggal ang mga maling interpretasyon at butas sa batas na kadalasang
ginagamit ng mga kunmpanya ng tabako upang baluktutin ito. Kailangan din na
tanggalin ang industriya ng tabako bilang miyembro ng komite na responsable sa
pagpapanukala ng mga polisiya.
Ang pinakanakikitang solusyon upang masusing maipatupad ito ay ang
pagsasaayos ng istruktura ng pagbubuwis kung saan ang buwis ay batay sa
kasalukuyang inflation rate at hindi sa mga nakaraang tantos. Kaya naman
kinakailangan ng lehislasyon na magsusulong sa pagsasaayos ng istruktura ng
pagbubuwis. Ang pagtaas ng buwis ay makakatulong upang mabawasan ang demand
lalo na sa parte ng mga pinakabulnerableng sektor ng lipunan. Sila ay pinakasensitibo
sa pagtaas ng presyo dahil sa kanilang limitadong pinagkukunan. Ang pagtaas ng
buwis ay isang paraan ng gobyerno upang masolusyonan ang mga externalities na
dulot ng isang produkto. Ang mga argumento na naggigiit na ito ay makakaapekto ng
malaki sa ekonomiya ay mali dahil marami namang industriya ang makakapuno sa
pagkabawas sa kita ng industriyang tabako.
Makakatulong ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng simpleng sistema ng
pagbubuwis dahil ang pagkakaroon ng maraming kategorya sa pagbubuwis ay
nagdudulot ng mga problema tulad ng tax leakage o kaya naman ay ang pandaraya ng
mga kumpanya ng tabako na malagay sila sa mas mababang kategorya. Dahil ang
dulot ng mga produktong ito, marapat lamang na isa lamang ang kategorya ng
pagbubuwis sa mga ito. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang kategorya ay nagdudulot ng
substitution o pagpapalit lang ng isang produktong may mas mababang presyo. Ang
anumang pagtaas ng presyo ay hindi nagiging ganoon epektibo dahil dito. Kailangan
din na ibatay ito sa kasalukuyang inflation rate na naging dahilan kung bakit
64
masasabing mas abot-kaya ito sa kasalukuyan kumpara noong mga nakalipas na mga
taon.
Pagkatapos ng masusing pananaliksik patungkol sa regulasyon ng tabako sa
bansa, inirerekumenda ng pag-aaral na ito na magkaroon ng iba ang pag-aaral
patungkol sa pagkakaroon ng polisiya na tutugon sa pagsasaayos ng batas. Kailangan
ng matibay na ebidensya na ang kabawasan sa kita sa pagbubuwis ay hindi
makakaapekto ng malaki sa ekonomiya. Kailangan din na pag-aralan ang mga
hakbangin na makakatulong sa pagsusulong ng kapakanan ng mamamayan. Hindi
dapat maging hadlang ang balatkayo ng pang-ekonomiyang benepisyo upang hindi
maging prayoridad ang kalusugan ng mga mamamayan. Bukod dito, dapat maging
prayoridad ang kapakanan ng mga mamamayan. Ang pagbibigay ng sapat na
pinagkukunan ay magiging hakbang upang epektibong maimplementa ang batas. Ang
pagkakaroon ng isang lipunan na binibigyang prayoridad ang kalusugan ang isang
mabisang solusyon upang mabigyan ng kaukulang proteksyon ang mga kapakanan ng
mamamayan.
65
BIBLIYOGRAPIYA:
Alechnowicz, K., & Chapman, S. (2004). The Philippine tobacco industry: “the strongest tobacco lobby in Asia". British Medical Journal, 13. Retrieved September 14, 2011, from http://tobaccocontrol.bmj.com/content/
Amos, A. (1992). Cigarette advertising and marketing strategies. Tobacco Control. Retrieved August 31, 2011 from http://tobaccocontrol.bmj.com/content/1/1/3.citation
Bloomberg Global Initiative. (2007). Bloomberg Global Initiative to Reduce Tobacco Use. New Delhi: World Health Organization. accessed on September 5, 2011 < http://www.searo.who.int/LinkFiles/Tobacco_Free_Initiative_Rep_Tobacco-15.pdf>
Bordadora, N. (2012). Aquino supports sin tax reform bill. Manila Bulletin. Retrieved
March 22, 2012 from http://newsinfo.inquirer.net/162805/aquino-supports-sin-tax-
reform-bill.
Callard, C. (2010). Follow the money: How the billions of dollars that flow from smokers
in poor nations to companies in rich nations greatly exceed funding for global tobacco control and what might be done about it. Tobacco Control , 285-290. Retrieved 5 September, 2011, from Tobacco Control: http://tobaccocontrol.bmj.com/content/19/4/285.full
Campaign for Tobacco Free Kids (2009 ). Raise Taxes on Tobacco. Retrieved January 5, 2012 from <http://www.jattkenya.org/documents/downloads/6%20MPOWER%20Tax%20-%20en.pdf>
Campaign for Tobacco Free Kids. (2011) "Philippines Details - Tobacco Control Laws." Home - Tobacco Control Laws. Campaign for Tobacco Free Kids Retrieved. 1 Sept. 2011. <http://www.tobaccocontrollaws.org/country/philippines>
Chaloupka F. & Ross H (2002). Economics of Tobacco Control. University of Illinois at
Chicago. Retrieved August 20, 2011 from www.tobaccoevidence.net Chapman, S. (1996). The ethics of tobacco advertising and advertising bans. British
Medical Bulletin , 121-32.
Department of Health. (2007) Philippines Global Youth Tobacco Survey (GYTS).
Retrieved March 22, 2012 from
http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/2007Philippines_GYTS_Factsheet_0.pdf
Department of Health (2010). 2009 Philippines Global Adult Tobacco Survey: Country
Report
66
Departmentof of Finance (n.d.) Q and A on the Proposed Sin Tax Reform Measure.
Retrieved March 20, 2012 from http://www.dof.gov.ph/wp-
content/uploads/2012/03/Sin-Taxes-Q-and-A.pdf
Do, Y. K., & Park, K. (2009). Local governments’ dependence on tobacco tax revenue: a deterrent to tobacco control in the Republic of Korea. Bulletin of the World Health Organization , 645-732. Accessed on September 5 < http://www.who.int/bulletin/volumes/87/9/08-056051/en/>
Doroteo, U., Latuja, J., Prugsamatz, R., Reyes, I., & Reyes, J.. (2010). Philippine Tobacco tax report card. Bangkok: Southeast Asia Tobacco Control Alliance.
Food and Agriculture Organization (2003). Issues in the global tobacco economy: selected case studies.. Rome: Raw Materials, Tropical and Horicultural [sic] Products Service, Commodities and Trade Division, Food and Agricultural Organization of the United Nations.
Haile, A. (2010). Sin Taxes: When the state beomes a sinner. Temple Review Vol. 82.
Henriksen, L., Schleicher, N., Feighery, E., & Fortmann, S. (2010). A Longitudinal Study
of Exposure to Retail Cigarette Advertising and Smoking Initiation. Retrieved September 1, 2011, from http://pediatrics.aappublications.org/content/126/2/232.full.html
International Development Research Centre (2006). Economic Studies and Tobacco Control Policy Development. In I. D. Centre. IDRC.
Jha, P., Chaloupka , F., Jacobs, R., Gale, F. & Capehart, T. (2000). The supply-side effects of tobacco control policies. In World Health Organization, Tobacco Control in Developing Countries (pp. 311-338). Oxford University Press retrieved September 3, 2011, from http://siteresources.worldbank.org/INTETC/Resources/375990-1089904539172/309TO342.PDF
Kamin, D. (2002). Justifying the Tobacco Tax. Swartmore. Retrieved January 5, 2012 from <http://www.swarthmore.edu/x10949.xml>
Latuja, J & Sta Ana F (2011). An Appeal to Representative Mandanas. Action for
Economic Reform. Retrieved January 5, 2012 from <http://aer.ph/?p=4455>.
Karki Y., Pant, K. & Pande, B. (2003). A Study on the Economics of Tobacco in Nepal . Economics of Tobacco Control Paper, 13. Retrieved August 10, 2011, from http://www.searo.who.int/LinkFiles/NMH
67
Macaraig, M. (2011). WHO chief accuses ‘big tobacco’ of dirty tricks. ABSCBN News. Retrieved October 12, 2011, from http://www.abs-cbnnews.com/global-filipino/world/10/10/11/who-chief-accuses-big-tobacco-dirty-tricks
National Youth Commission. (2012). NYC to Philip Morris: Education Alone Will Not
Curb Youth Smoking. National Youth Commission. Retrieved March 22, 2012 from
http://nyc.gov.ph/whats-new-at-national-youth-commission/nyc-updates/81-
youth/631-nyc-to-philip-morris-education-alone-will-not-curb-youth-smoking.
Pangalangan, R. (2012). Socialized 'sin tax' on tobacco. Philippine Daily Inquirer.
Retrieved March 22, 2012 from http://opinion.inquirer.net/24559/socialized-
%E2%80%98sin-tax%E2%80%99-on-tobacco.
Saffer, H. (n.d.). The Effect of Advertising on Tobacco and Alcohol Consumption. The
National Bureau of Economic Research. Retrieved August 19, 2011, from http://www.nber.org/reporter/winter04/s
Scollo, MM and Winstanley, MH [eds]. (2008) Tobacco in Australia: Facts and Issues. Third Edition. Melbourne: Cancer Council Victoria; 2008. Retrieved August 20, 2011 from:http://www.tobaccoinaustralia.org.au
Shafey, O., Doswick, S., & Guindon, G. (2003). Tobacco Control Country Profiles.
Atlanta: American Cancer Society, Inc., World Health Organization, and
International Union Against Cancer. Retrieved March 25, 2012 from
http://www.who.int/tobacco/global_data/country_profiles/Introduction.pdf
SITT (2010). ASEAN Tobacco Tax Report Card. Bangkok, Thailand.
Tobaccofreecenter.org. (2008). Tobacco Advertising, Promotion and Sponsorship Essential Facts. Retrieved September 2011, from http://tobaccofreecenter.org/files/pdfs/en/APS_essential_facts_en.pdf
University of the Philippines College of Law Development Foundation, Inc. (2010). RA 9211 Handbook. Quezon City: University of the Philippines College of Law
Development Foundation, Inc.
Vardavas, C. (2010). Key points in preventing tobacco use among adolescents. Retrieved Aug 23, 2011, from Tobacco Induced Diseases: http://www.tobaccoinduceddiseases.com/content/8/1/1
Weissman, R. (2003). International Trade Agreements and Tobacco Control: Threats to Public Health and the case of excluding Tobacco from Trade Agreement. Retrieved February 20, 2012 from http://www.takingontobacco.org/trade/tobacco.trade.v02.backgrd.pdf>.
68
Willemsen, M. C., & Blij, B. d. (2011). Retrieved 08 30, 2011, from globallink.org: http://www.globalink.org/en/advertising.shtml
World Health Organization. (2002). European Strategy for Tobacco Control. Retrieved September 4, 2011, from http://www.euro.who.int/__data/assets/pdf_file/0016/68101/E77976.pdf
World Health Organization. (2002). Smoking Statistics. Retrieved September 3, 2011, from World Health Organization: http://www.wpro.who.int/media_centre/fact_sheets/fs_20020528.htm
World Health Organization. (2004). Building Blocks for Tobacco Control: A Handbook. Geneva: WHO.
World Health Organization. (2011). You hear about tobacco control and the WHO FCTC, but what are they?. Retrieved October 20, 2011 from http://www.who.int/features/qa/09/en/index.html
World Health Organization (2005). WHO Framework Convention on Tobacco Control.
Retrieved March 25, 2012 from
http://www.who.int/tobacco/framework/WHO_FCTC_english.pdf.
World Health Organization. (2011). You hear about tobacco control and the WHO
FCTC, but what are they?. Retrieved October 20, 2011 from
http://www.who.int/features/qa/09/en/index.html
World Health Organization (2012). Parties to the WHO Framework Convention on
Tobacco Control. Retrieved March 20, 2012 from
http://www.who.int/fctc/signatories_parties/en/
69
MGA APENDIKS
Apendiks #1 Free and Prior Informed Consent Respondent: Ralph Degollacion of Health Justice 9 February 2012 Mr. Ralph Degollacion Project Coordinator HealthJustice Philippines 6 F Victoria-1 Bldg., EDSA cor. Quezon Avenue Quezon City Magandang araw po sa inyo! Ako po ay nasa ikaapat na taon mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Ako po ay kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral tungkol sa implementasyon ng batas na nagreregula sa mga produktong tabako o ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211). Isa po itong rekisito para sa mga magtatapos sa aming kolehiyo. Nais ko po sanang humingi sa inyo ng tulong sa paglilikom ng mga datos para sa pag-aaral na ito. Hinggil dito, inimbitahan ko po kayo na mainterbyu. Ang interbyu po ay magtatagal lamang ng isa hanggang isa't kalahating oras. Ang lahat po ng mga datos na aking makakalap ay mananatiling kompidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Ako po ay umaasa na mapagbigyan ninyo ang aking imbitasyon na mainterbyu kayo. Malaki po ang maitutulong nito sa aking pag-aaral. Maraming salamat po! Lubos na gumagalang, Caressa Perez BA Political Science University of the Philippines Manila
70
Apendiks #2 Free and Prior Informed Consent Respondent: Dr. Ulysses Dorotheo 14 January 2012 Ulysses Dorotheo, M.D., F.P.A.O Project Director Southeast Asia Initiative on Tobacco Tax (SITT) Sir: Magandang araw po sa inyo! Ako po ay nasa ikaapat na taon mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Ako po ay kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral tungkol sa implementasyon ng batas na nagreregula sa mga produktong tabako o ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211). Isa po itong rekisito para sa mga magtatapos sa aming kolehiyo. Nais ko po sanang humingi sa inyo ng tulong sa paglilikom ng mga datos para sa pag-aaral na ito. Hinggil dito, inimbitahan ko po kayo na mainterbyu. Ang interbyu po ay magtatagal lamang ng isa hanggang isa't kalahating oras. Ang lahat po ng mga datos na aking makakalap ay mananatiling kompidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Ako po ay umaasa na mapagbigyan ninyo ang aking imbitasyon na mainterbyu kayo. Malaki po ang maitutulong nito sa aking pag-aaral. Maraming salamat po! Lubos na gumagalang, Caressa Perez BA Political Science University of the Philippines Manila
71
Apendiks #3 Free and Prior Informed Consent Respondent: Dr. Maricar Limpin 12 Enero 2012 Dr. Maricar Limpin Executive Director FCTC Alliance Philippines 2nd St. Kamuning Quezon City Madam: Magandang araw po sa inyo! Ako po ay nasa ikaapat na taon mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Ako po ay kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral tungkol sa implementasyon ng batas na nagreregula sa mga produktong tabako o ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211). Isa po itong rekisito para sa mga magtatapos sa aming kolehiyo. Nais ko po sanang humingi sa inyo ng tulong sa paglilikom ng mga datos para sa pag-aaral na ito. Hinggil dito, inimbitahan ko po kayo na mainterbyu. Ang interbyu po ay magtatagal lamang ng isa hanggang isa't kalahating oras. Ang lahat po ng mga datos na aking makakalap ay mananatiling kompidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Ako po ay umaasa na mapagbigyan ninyo ang aking imbitasyon na mainterbyu kayo. Malaki po ang maitutulong nito sa aking pag-aaral. Maraming salamat po! Lubos na gumagalang, Caressa Perez BA Political Science University of the Philippines Manila
72
Apendiks #4 KII Guide –Health Justice Philippines
1. Ano ang tingin ninyo sa kalagayan ng tobacco control?
2. Ano po sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit, namamatay at patuloy na naninigarilyo sa kabila ng pagkakaroon ng RA 9211?
3. Ano po ang nakikita ninyong solusyon upang mabawasan ang patuloy na dumaraming kaso ng mga nagkakasakit?
4. Masasabi ninyo po ba na may kakulangan sa batas dahil sa kabila ng pagkakaroon nito, patuloy pa rin ang mga namamatay at nagkakasakit?
5. Ano po ang masasabi ninyo sa kapasidad ng mga nagpapatupad ng batas?
5.1. Nasa kanila ba ang kakulangan kung bakit hindi maipatupad ng epektibo ang batas?
5.2. Ano po ang nakakahadlang, kung mayroon man, sa mga tagapatupad nito?
5.3. Gaano kaepektibo ang pagpapatupad ng batas na ito?
6. Ano po ang tingin ninyo sa pagkita ng gobyerno sa pagbubuwis ng mga produktong tabako?
7. Masasabi ninyo po ba na nakakaapekto ang pagkita ng gobyerno sa pagbubuwis sa pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaan at epektibong implementasyon ng batas?
8. Sa tingin ninyo, makakatulong po ba ang pagtaas ng buwis?
9. Liban sa pagtaas ng buwis, ano pa ang nakikita ninyong solusyon?
10.Sa tingin ninyo, possible ba ang isang tobacco –free society?
11. Kung sakali nga na mangyari ito, makakaapekto kaya ito ng malaki sa ekonomiya?
11.1 Ano po ang nakikita ninyong alternatibo?
12. Dahil sa epekto nito sa ekonomiya, sa tingin ninyo po ito ba ay may epekto sa epektibong pagpapatupad ng batas?
13.Sa tingin ninyo po ba may epekto din ang presyur ng mga industriya?
14. Ano po ang dapat gawin ng gobyerno upang masusing maipatupad ang batas?
15. Ano po ang biggest challenge ng tobacco contol?
16. Ano po ang inyong suhestiyon o plan of action upang magkaroon ng epektibong tobacco control?
73
Apendiks #5 KII Guide- FCAP
Mga Layunin:
1. Alamin ang kanilang pagtingin sa pag-iimplementa ng gobyerno sa RA 9211 o
Tobacco Regulation Act of 2003.
2. Malaman ang kanilang posisyon hinggil sa pagdami ng mga kaso ng mga
namamatay at nagkakasakit dulot ng paggamit ng mga produktong tabako.
3. Malaman ang kanilang mga hakbangin o partisipasyon upang mabawasan ang
patuloy na paglala at pagtaas ng mga kaso ng mga namamatay at nagkakasakit dahil
sa paninigarilyo.
4. Mabigyang linaw ukol sa pananaw nila patungkol sa kapasidad ng taga-implementa
ng batas.
5. Malaman ang kanilang pananaw upang magkaroon ng epektibong pagpapatupad ng
batas.
Key Informant Interview Guide:
1. Ano po ang tingin ninyo sa kalagayan ng pagreregula sa mga produktong tabako?
2. Paano po nagsimula ang inyong organisasyon sa inyong adbokasiya?
3. Ano po sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng
mga nagkakasakit, namamatay at patuloy na naninigarilyo sa kabila ng pagkakaroon ng
RA 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003?
4. Bilang isang miyembro ng Inter-Agency Committee on Tobacco, ano po ang inyong
mga hakbangin upang masolusyonan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng
nagkakasakit at namamatay dahil sa paninigarilyo?
6. Masasabi ninyo po bang may kakulangan sa batas dahil sa kabila ng pagkakaroon
ng RA 9211 o Tobacco Regulation Act, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga
nagkakasakit, namamatay at patuloy na naninigarilyo?
7. Ano po ang tingin ninyo sa pagkita ng gobyerno sa pagbubuwis ng mga produktong
tabako?
8. Ano po ang masasabi ninyo sa kapasidad ng mga nagpapatupad ng naturang batas?
74
9. Sa tingin ninyo po ba na makakatulong ang pagtataas ng presyo ng mga produktong
tabako upang mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo?
9.1. Makakatulong din po ba ang pagtaas ng ipinapataw na buwis?
10. Sa tingin ninyo, posible po ba ang isang tobacco free society?
10.1 Dahil po sa malaking kita ng gobyerno mula sa pagpapataw ng buwis at sa mga
magsasaka na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng tabako, makakaapekto po kaya
ito ng malaki sa ekonomiya?
10.2 Kung oo, ano po ang mga alternatibo upang mapunan ang magiging epekto
nito sa ekonomiya?
11. Dahil po sa nabanggit na dulot nito sa ekonomiya, posible po kaya na maapektuhan
ang epektibong pagpapatupad ng batas?
11.2 Ano po sa tingin ninyo ang dapat gawin ng gobyerno upang epektibong
magampanan ng mga taga-implementa ang kanilang mga tungkulin?
12. Ano ang dapat gawin ng gobyerno upang masusing maipatupad ang batas na ito?
13. Ano po ang inyong suhestiyon at plan of action upang magkaroon ng epektibong
pagpapatupad ng batas?
75
Apendiks 5- KII Guide- Dr. Dorotheo of SITT
Mga Layunin:
1. Alamin ang kanilang pagtingin sa pag-iimplementa ng gobyerno sa RA 9211 o
Tobacco Regulation Act of 2003.
2. Malaman ang kanilang mga hakbangin o partisipasyon upang mabawasan ang
patuloy na paglala at pagtaas ng mga kaso ng mga namamatay at nagkakasakit dahil
sa paninigarilyo.
3. Mabigyang linaw ukol sa pananaw nila patungkol sa kapasidad ng taga-implementa
ng batas.
4. Malaman kung ano ang kalagayan ng pag-iimplementa ng batas.
5. Malaman ang kanilang pananaw upang magkaroon ng epektibong pagpapatupad ng
batas.
Key Informant Inteview Guide
1. Ano po ang tingin ninyo sa kalagayan ng pagreregula sa mga produktong tabako?
2. Paano po nagsimula ang inyong organisasyon sa inyong adbokasiya?
3. Ano po sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng
mga nagkakasakit, namamatay at patuloy na naninigarilyo sa kabila ng pagkakaroon ng
RA 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003?
4. Ano po ang inyong mga hakbangin upang masolusyonan ang patuloy na pagtaas ng
bilang ng kaso ng nagkakasakit at namamatay dahil sa paninigarilyo?
6. Masasabi ninyo po bang may kakulangan sa batas dahil sa kabila ng pagkakaroon
ng RA 9211 o Tobacco Regulation Act, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga
nagkakasakit, namamatay at patuloy na naninigarilyo?
7. Masasabi ninyo po ba na makakaapekto ang pagkita ng gobyerno sa pagbubuwis
sa pagbibigay serbisyo ng pamahalaan at epektibong pagpapatupad ng RA 9211 o
Tobacco Regulation Act of 2003?
8. Ano po ang masasabi ninyo sa kapasidad ng mga nagpapatupad ng naturang batas?
9. Sa tingin ninyo po ba na makakatulong ang pagtataas ng presyo ng mga produktong
tabako upang mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo?
76
9.1. Makakatulong din po ba ang pagtaas ng ipinapataw na buwis?
10. Sa tingin ninyo, posible po ba ang isang tobacco free society?
10.1 Dahil po sa malaking kita ng gobyerno mula sa pagpapataw ng buwis at sa mga
magsasaka na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng tabako, makakaapekto po kaya
ito ng malaki sa ekonomiya?
10.2 Kung oo, ano po ang mga alternatibo upang mapunan ang magiging epekto
nito sa ekonomiya?
11. Dahil po sa nabanggit na dulot nito sa ekonomiya, posible po kaya na maapektuhan
ang epektibong pagpapatupad ng batas?
11.2 Ano po sa tingin ninyo ang dapat gawin ng gobyerno upang epektibong
magampanan ng mga taga-implementa ang kanilang mga tungkulin?
12. Sa tingin ninyo po malaki din po ba ang epekto ng presyur mula sa industriya ng
tabako?
12.1 Ano po ang kanilang ginagawa upang patuloy na pahintulutan ang pagbebenta
ng kanilang mga produkto?
13. Ano ang dapat gawin ng gobyerno upang masusing maipatupad ang batas na ito?
14. Ano po ang inyong suhestiyon at plan of action upang magkaroon ng epektibong
pagpapatupad ng batas?
Top Related