Baliwag Polytechnic College
“Bawal na Gamot sa Buhay ng Kabataan”
TAONG 2012
-------
Tisis na iniharap sa
Baliwag Polytechnic College
Bilang bahagi ng Kahingian sa Pagbubuo ng
Asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
( FIL02 )
Nina
Guillermo E. Referente III
Jhover C. Herrera
Erelaine G. Santos
Rochie C. De Guzman
Mariju R. Manalili
Jhoy H. Almaida
Page 1
Baliwag Polytechnic College
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang bahagi ng kahingian sa pagtatamo ng Degree sa Bachelor of Science in Computer
Engineering at Bachelor of Science in Information Technology – ang tisis na ito na may
paksang “Bawal na Gamot sa Buhay ng Kabataan” ay naihanda at isinumite ni/nina
Guillermo E. Referente III, Jhover C. Herrera, Erelaine G. Santos, Rochie C. De Guzman,
Mariju R. Manalili, Jhoy H. Almaida ay iminumungkahing maiharap sa Oral na Pagsusulit.
Mr. Teofilo Dela Cruz
(Guro sa Filipino)
LUPON NG TAGAPAGSULIT
Pinagtibay ng mga Lupon sa Oral na Pagsusulit na may markang .
Page 2
Baliwag Polytechnic College
PASASALAMAT
Isang taos pusong pasasalamat ang ipinararating ko sa Maykapal, at para sa lahat ng mga
magagandang bagay na inihandog Niya sa aming pagsasaliksik. Binigyan Niya ito ng nauukol
na talino at galing upang matapos ang pag-aaral na ito, kung wala Siya, hindi sana magiging
posible ang katuparan ng pag-aaral na ito.
Para sa aking mga kamag-aral, aking mga kaibigan, at aking mga kapamilya maraming
salamat sa tulong niyo bilang mga respondents sa ilang katanungang ibinigay naming, dahil sa
inyo nagkaroon pa ng mas malalim na kabuluhan ang pag-aaral na ito.
Kay G. Teofilo Dela Cruz na nagbigay sa amin ng pag-aaral na ito at nagsilbing patnubay
naming para magkaroon ng maayos na pagsasa-ayos ng mga impormasyon at sa pagbibigay sa
amin ng sapat na dami ng oras upang matapos ang aming pananaliksik at ng pagkakataong
maipakita ang aming kakahayan sa larangan ng pagsasaliksik. at upang maihanda kami sa
paggawa ng parehong proyekto sa hinaharap.
Muli Maraming Salamat Po
Mga Mananaliksik
Page 3
Baliwag Polytechnic College
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pampahinang Pamagat i
Dahon ng Pagpapatibay ii
Pasasalamat iii
Talaan ng Nilalaman iv
Kabanata I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1
A. Introduksyon 1
B. Paglalahad ng Suliranin 2
C. Kahalagahan ng Pag-aaral 3
D. Katuturan ng mga talakay 4
E. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral 5
Kabanata II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ii
Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik ii
Kabanata IV. Presentasyon at interpretasyon ng mga Datos ii
Kabanata V. Batayang Teoretikal / Balangkas Konseptwal 6
Page 4
Baliwag Polytechnic College
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Page 5
Baliwag Polytechnic College
A. Introduksyon
Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay
ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan
hindi lamang dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang
kayamanan at pag-aari nating nasasayang lalo na ang mga kabataang nalulong sa
ipinagbabawal na droga.. Sa pag-aaral na ito, ipopokus namin ang aming layunin na
ipalaganap ang mga impormasyon tungkol sa mga kabataan na kasalukuyang gumagamit ng
droga. Naglalayong din itong maipahayag at maipakita ang kalagayan ng mga kabataang
lulong sa bawal na gamot. Nakapaloob rito ang iba’t ibang konsepto tulad na lamang ng
pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol sa bawal na gamot tulad na lamang ng mga
dahilan kaya sila naligaw ng landas at mga ahensiyang tumutulong sa mga kabataan at mga
paksa ukol sa tamang pakikitungo sa mga kabataang naligaw ng landas.
Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas, ang pagtuturo at pag-iintegreyt sa
kurikulum tungkol sa pag-aaral sa mga ilegal na droga ay narapat na ma-implement sa mga
paaralan (The dangerous Drugs Act of 1972) at naipasa noong Marso 30, 1972, “na
nagbibigay halaga sa lahat ng mga masasamang epekto ng mga mapanganib na droga kasama
na rito ang usaping legal, panlipunan at pang-ekonomiyang implikasyon na dapat maitaas ang
antas sa paraan ng patuturo sa mga kasalukuyang kurikulum para sa lahat ng pampubliko at
pribadong paaralan mapa- unibersidad, teknikal, bokasyonal, o agro-indastriyal.” Ito ay dahil
sa isang napakahalagang rason na ang mga inaalay na panahon, lakas at pera ay para sa
layunin nag awing reyalidad ang mga babasahing ito, at makatulong sa bawat kabataang
Pilipino.
Malaking porsyento ng mga Pilipino ang nai-report na milyon sa mga taong kanilang
kilala “pamilya, kaibigan o kakilala” ay gumagamit ng droga na alam nilang maaring
magdulot ng masamang epekto.
Kadalasan, ang mga dahilan ng mga kabataang Pilipino tungkol sa paggamit ng droga
ay depresyon sa problemang pampamilya, mga panghihikayat ng mga kaibigan, impluwensya
ng mga kamag-aral at pag-eeksperimento sa paggamit ng droga.
Page 6
Baliwag Polytechnic College
Sa mga dahilang ito na lalong nagtutulak sa mga kabataang magrebelde at gumamit ng
mga mapanganib na droga, hindi malayong lumaki ang bilang at lumaganap ang paggamit
nito.
Nakita sa isang pag-aaral na ang mga household and industrial materials ay maari
ding gamitin bilang droga na tiyak ay magdudulot ng masamag epekto sa kabataan.
Nakakalungkot isipin, na sa mga pag-aaral na ginawa, ang napakalaking porsyento ng
mga kabataang nakatira lamang sa kalye ay nakagamit na ng mga nakakasamang kemikal
tulad ng rugby at solvent na may napakasamang epekto na tumatagal ng panahon.
Ang pag-aaral na ito ay para sa mga guro, mag-aaral, at iba pang mambabasa na
naghahangad na mas lalo pang maunawaan ang kabataang lulong sa bawal na gamot.
Page 7
Baliwag Polytechnic College
B. Paglalahad ng Suliranin
Ano ang bawal na gamot? Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga,
inaabusong mga gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap,
hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at
katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng
tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan,
kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong drogang may kapeina, tabako,
mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o cannabis, heroina, at mga
isteroyd.
Ang droga ay isang kemikal na substance na bumabago sa kondisyon ngisip o katawan
ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto ng modernong medisina. Maaari
nilang pabilisin o pahinain ang katawan, magtanggal ng sakit, iwasan ang pagkabuntis,
labanan ang mga impeksiyon, nagpapababa ngtensiyon, nagpapaikli ng pagtulog at
nagpapababa ng appetite.
Bawal na Gamot: Isang masamang elemento sa buhay ng kabataan. Isa na yata sa
pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting pagkahumaling ng mga kabataan
sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap namakaiwas sa mga sariling problema may ilang mga
kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa
(curiosity), udyok ng mga kasamahan (peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity),
pagtakas (escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at
pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan.
Ang pag-gamit ng bawal na gamot ay talamak na ngayon sa ating bansa at sa marami
pang bansa sa mundo. Hindi ito masyadong malaking issue noon kumpara ngayon. Maraming
kawani ng gobyerno at mga pribadong organisasyon ang lumalaban dito. Marami ring mga
tao na nakakaalam ng kung anu ano tungkol sa bawal na gamot pero totoo bang alam nila ito?
Ang bawal na gamot para sa atin ay mga gamot na iniinom o ginagamit sa ibang dahilan
maliban sa medikal o kadalasang pag-gamit nito. Ito ay maaring aksidente o sinsadyang pag-
gamit ng bawal na gamot. Maari rin itong mabili ng illegal o may reseta ng doktor.
Page 8
Baliwag Polytechnic College
Ang pag-abuso sa mga gamot ay maari ring mangyari sa mga ospital o clinic dahil na
rin sa kapabayaan. Maraming tao na nagsasabi na ang pag-abuso at pag-gamit sa droga ay
masasabing pansarili lamang at kaya itong pigilan ng isang tao kahit kailan man niya gustuhin
pero pinabubulaanan ito ng isang pag-aaral na nagsasabi na ito ay isa ring sakit sa utak dahil
ang droga ay maaring magdulot ng pag-babago sa struktura ng utak.
Page 9
Baliwag Polytechnic College
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng pag-gamit at pag-abuso ng bawal na gamot ng mga
kabataan ay para mas lalo pang maintindihan at maunawaan ng mga kabataan na nasa
ganuong edad ang mga tamang impormasyon tungkol sa bawal na gamot at maiwasan ang
mga maling akala ukol dito.
Makakakatulong din ito sa mga pagsasaliksik dahil mas malalaman nila kung ano ang
tunay na pananaw ng mga kabataan tungkol sa bawal na gamot. At kapag nagkaroon sila ng
tamang kaalaman ukol sa paginterpreta at pananaw ng mga kabataan sa bawal na gamot,
maari din silang magbigay ng tamang impormasyon tungkol dito.
Datapwa’t ang pinaka importanteng rason sa pag-aaral na ito ay ang malalaking tulong
na maibibigay nito sa mga mambabasa sa paraan ng pagbibigay impormasyon at kaliwanagan
sa mga mapanganib at iligal na droga. Ang karunungang hatid nito ay nakikinitang malayo
ang mararating na tulong sa pagpuksa sa problemang pangdroga, kung saan, tayong lahat ay
nakararamdam, na nakakaapekto sa kaisipan, moralidad, ispiritwalidad at pisikan na aspeto
ng mga tao, lalung-lalo na ang kabataan, “ang pag-asa ng bayan.”
Katulad nga ng mga binanggit na kaisipan ni Gerard Leinwand: “Walang katanungan
na ang paggamit sa droga ay nag-uumpisa sa sigarilyo, marijuana, heroin hanggang sa mga
pinaka malalala na amphetamine at iba pa na nakakasasama sa mental, moral, pisikal at
sosyal na aspeto at ang kagamitan ng mga Legal na droga na naabuso ay pag-aralang i-kontrol
at limitahan.”
Ang pag-aaral na ito ay maari ding makatulong sa mga pribadong organisayon at sa
gobyerno dahil maari nila itong gamitin upang maging impormasyon sa kaalaman ukol sa
bawal na gamot sa naturang lugar at maari silang magbigay ng mga pangontra o panlaban na
mga panukala at kung may mga pahamak na nag-aabuso, papaaanong pag sasasaayos at
rehabilitasyon na mga panukala.
Page 10
Baliwag Polytechnic College
D. Katuturan ng mga Talakay
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa sa aming
pag-aaral, minarapat naming bigyan ng definisyon ang mga sumusunod na terminolohiya
batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito:
Droga - ay isang kemikal na nagbibigay ng epekto sa katawan at kaisipan ng isang tao. Sa
pag-aaral na ito, ang paggamit sa salitang droga ay tumutukoy lamang sa mga may potensyal
na maabuso dahil sa mga kapasidad nito na magbigay ng kakaibang pakiramdam sa
nakakagamit. Ang mga drogang ito ay maari ding makasama sa pisikalidad nila.
Drug dependence - ay isang istado na maaring pangsikolohikal, pisikal o pareho. Na
nagreresulta mula sa chronic, periodic o continuous na paggamit. Maraming uri ng mga drug
dependent ang nag-eexist; at lahat sila ay may problemang naiuuganay kung bakit sila
nakakagamit.
Batas Republika Bilang 9165, ay isang Batas Republika ng Pilipinas. Kilala sa tawag na Batas
na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act
of 2002), nilalayonng batas na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.
Batas Republika Bilang 6425, na ipinagtibay noong 30 Marso 1972, ay tumutugon sa
problema ng bansa sa ilegal na droga, kabilang na ang paggamit, pagbenta at adiksyon dito.
Kilala rin ang batas na ito sa taguring Dangerous Drugs Act of 1972.
Ang pagiging high ay pagiging lango sa ipinagbabawal na gamot, sa mga kabataan ginagamit
din nila ang mga salitang euphoria, sabog at poksa.
Marijuana - ay isang Indian hemp na may siyentipikong pangalan na Cannabis sativa. Isa ito
sa mga drogang inaabuso ng mga kabataan.
Stimulants - ay uri ng mga droga na nagdudulot sa gumagamit nito upang maging alerto, at
hindi makaramdam ng gutom.
Sedatives - naman ay uri ng drogang pampatulog.
Appetite - ganang kumain
Page 11
Baliwag Polytechnic College
Narcotic - ay uri ng drogang nakakapagpatulog at nakakabawas ng nararamdamang sakit.
Amphetamine - ay uri ng droga na ipinakilala noong 1920’s para sa medikal na gamit nito. Ito
ay isang stimulant na nakapagaalis ng fatigue at antok.
Cannabis - ang gamot na makuha mula sa mga dahong tuyo at ang mga bulaklak ng abaka
halaman.
Heroina - sa isang semi-gawa ng tao opioid synthesized mula sa morpina, isang kinopyang ng
opyo amapola.
Estimulante - mga bawal na gamot na panandaliang pagtaas alertness at kamalayan. Sila ay
karaniwang may masmataas na bahagi-epekto sa mas mataas na bisa, at ang mas malakas na
variants ay kaya madalas resetang gamoto mga bawal na gamot.
Hashish - isang paghahanda ng cannabis binubuo ng mga compressed trichomes tinipon mula
sa cannabis planta. Ito ay nagtataglay ng parehong aktibong ingredients kundi sa mas mataas
concentrations kaysa sa ibangbahagi ng halaman tulad ng buds o mga dahon.
Page 12
Baliwag Polytechnic College
E. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nagpopokus sa paghihimay ng sentimyento at kaisipan ng
mga kabataang Pilipino kung bakit nila nagagawang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Saklaw nito ang mga mamamayan nagmula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang
antas panlipunan nag-aaral man o hindi. Naglalayong din itong maipahayag at maipakita ang
kalagayan ng mga taong lulong sa bawal na gamot. Saklaw din dito ang iba’t ibang konsepto
tulad na lamang ng pagdiskubre sa personalidad, mga paksa ukol sa bawal na gamot tulad na
lamang ng mga dahilan kaya sila naligaw ng landas at mga ahensiyang tumutulong sa mga
kabataan at mga paksa ukol sa tamang pakikitungo sa mga taong naligaw ng landas. At sa
mga pag-aaral tungkol sa droga sa piryud ng taong 2012.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga Pilipinong sumubok o gumagamit ng
ipinagbabawal na droga dahil sa kanilang kapusukan. Ginagamit nila ang droga dahil gusto
lang nilang umalis o takasan ang mga problema nila na akala ay mawawala pero hindi,
pinalala lang nila ang mga problemang iniwan at idinaan nalamang sa pag drudrugs.
Naniniwala ang mga mananaliksik sa kasalukuyang panahon pinakamainam
magkaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang suliraning patuloy na lumalaganap sa
ating lipunan at dahil na din sa malawakang pagkauhaw sa impormasyon higgil sa
mapanaganib at ipinagbabawal na gamot at ang masamang epekto nito hindi lamang sa mga
respondente, kundi maging ng publiko sa kabuuan. Mahalagang ito’y pagusapan sapagkat
may mga pagkakataon kung kailan nasasama ang usapan tungkol sa droga maging sa mga
balita sa telebisyon. Bagamat maselan ang mga ganitong bagay, magkakaron sila ng
impormasyon tungkol sa ipinagbabawal na gamot. Ang pag-aaral na ito ay para sa mga guro,
mag-aaral, propesyunal at iba pang mambabasa na naghahangad na mas lalo pang maunawaan
ang taong lulong sa bawal na gamot.
Page 13
Baliwag Polytechnic College
Kabanata II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Page 14
Baliwag Polytechnic College
5 STAGES NG PAG-ABUSO SA GAMOT:
1. Ang pagkakaroon ng madaliang pagkuha o pagpasok sa droga pero hindi ito ginagamit
pa.
2. Pag-gamit ng droga sa okasyon lamang/ pang experimento
3. Pag-gamit ng madaming droga sa regular na araw.
4. Bumibili, nag-nanakaw o nag dra-drugdealing para makapag droga.
5. Ang paggamit ng droga ay pagiging normal at kapag hindi sila nakagamit ay
pakiramdam nila abnormal sila.
DAHILAN AT RISK FACTORS NG GAMOT NG KABATAAN:
1. Pamilya - pagkakaroon ng mababang superhisyon ng magulang o hindi magagandang
komunikasyon, conflict o problema sa pamilya, history ng pangaabuso sa pamilya at
paggamit ng alcohol ng kapamilya.
2. Indibidwal - history ng pisikal o sexual na pag-abuso, problema sa eskwelahan o
emosyonal, hindi matatag o stable na emosyon, nag-hahanap ng saya o experimenting
(thrill seekers), mga mahilig makikipagsapalaran (adventure seekers), ang alam ay
mababa lang ang dulot na kasamaan ng droga.
MGA KARANIWANG DROGA NA INAABUSO NG MGA KABATAAN:
1. Sigarilyo (ano mang uri: sigarilyo, tobacco, sigaro)
2. Cannabinoids (marijuana, hashish)- tinatawag din ito minsan weed, mary jane. Herb –
ito ay ginagamit sa pamamagitan ng isang pipe.
3. Cold medications/ gamot sa ubo at sipon (benadryl, sudafed)
4. Inhalants(gasolina, ammonia, rugby)- ito ay sinisinghot sa pamamagitan ng plastic,
bote o kahat anong bagay na sarado
5. Depressants(barbiturates/benzodiazepines)- tinatawag din ito minsan “reds,jeleows,
yellow jackets, doamey, or roofies”
6. Stimulants (amphetamines, coccaine, methampetamine)- tinatawag din itong “bennies,
black beanties, spod, uppus, blow, craek, rock, toot, crank, crystall or skippy”
Page 15
Baliwag Polytechnic College
7. Narcotics( morphine, heroine, codeine, oxycontin, vicodin)
8. Hallucinogens (lsd, mushroom)
9. Dissociafire anesthetics (pcp, ketamine./penyclidine)
10. Club drugs- exstacy
11. Others- arabic steroids
MGA SINTOMAS AT SIGNUS NG PAG-GAMIT NG BAWAL NA GAMOT
1. Sigarilyo- palaging amoy sigarilyo, pagkainta, pangingitim ng kulay ng mga kuko,
labi, o ngipin
2. Cannabinoids- pamumula ng mata, tulog ng tulog, sobrang pagkagutom, sobrang
pagkasaya, paranoia
3. Cold medicators- tulog ng tulog, pagkaanotok, mabagal o mabilis na pagtibok ng puso
4. Inhalants- runny nose, amoy ng gasolina o solvent, pagkairitable at confusion
5. Stimulants- mabilis na pagtibok ng puso at blood pressure iritable sobrang pagkasaya
hindi natutulog, seizures
6. Narcotics- hindi masyadong makaramdam ng sakit, sobrang pagkasaya, antukin,
mabagal na paghinga, coma, pagkamatay sa overdose
7. Depressants- antukin, mabagal na pagtibok ng puso at blood pressure, poor
coordination, pagkahilo, coma, pagkamatay a overdose
8. Hallucinogens- problema sa pagtulog, malabong panigin, paranoia
9. Dissociative anesthetics- mataas na blood pressure, at pagtibok ng puso, pagkawala ng
memorya, pagkahili at pagsusuka, iritable aggresibo
10. Club drugs (ecstasy)- nilalagnat pero hindi pinapawisan
Maraming lollipop o candy sa bag sobrang pagkasaya at parang gusto ang lahat ng tao
ANO ANG MGA EPEKTO NG PAG-ABUSO SA DROGA NG MGA KABATAAN:
1. Ano mang droga ay nakakapagpababa ng abilidad ng kabataan na magbigay ng
attensyon sa mga bagay.
2. Mas bata na nagsimula na gumamit ng droga ay may malaking posibilidad na
magkaroon ng problema sa pag-abuso at magkaroon ng relapse kapag sumubok
tumigil.
Page 16
Baliwag Polytechnic College
3. Maari rin silang magkaroon ng unprotected sex, pakikipag talik sa hindi kakilala at
ano mang gawaing sexual.
4. Ang pag-gamit ng droga ay maaring mag mask o itago ang ano mang problemang
emosyonal kagaya ng anxiety, depression, mood swings o hallucinations
5. Ang pag-gamit ng anabolic steroids ay maaring magdulot ng pagkabaog o problema sa
ereksyon ng mga lalaki at paglaki ng clitories sa mga babae. Maari rin itong magdulot
ng pagkakalbo, problema sa paglaki, ng puso at attake sa puso, stroke, sakit sa liver,
cancer, acne at iba pang impeksyon katulad ng aids.
6. Maari rin itong magdulot ng pagkasira ng utak(inhalants), attake sa puso(stimulants),
problema sa paghinga (sedatives) maari rin itong magdulot ng pagkamatay.
Page 17
Baliwag Polytechnic College
Kabanata III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Page 18
Baliwag Polytechnic College
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili namin na gamitin
ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey
questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na
angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap
ng datos mula sa maraming respondente.
MGA RESPONDENTE
Ang mga respondente ng research na ito ay ang mga mamamayan ng Bayan ng
Baliwag.
INSTRUMENTO PAMPANANALIKSIK
Ang instrumento na ginamit namin ay ang paraan ng pananaliksik gamit ang
pagiinterbyu at pagsagot sa mga papel na may kalakip na mga katanungan na nararapat sa
topic na nasabi.
Page 19
Baliwag Polytechnic College
Kabanata IVPresentasyon at Interpretasyon
ng mga
Datos
Page 20
Baliwag Polytechnic College
Presentasyon at interpretasyon ng mga Datos
Ayon sa aming survey may 84% (42/50) ang naniniwala na ang mga ipinagbabawal na
gamot at ipinagbibili ng tao ay puwede itong abusuhin. May 74 % (37/50) ang nagsasabi na
ang solusyon sa problemang kinakaharap ukol sa ipinagbabawal na gamot ay huhulihin ang
nagbebenta at bumibili, at magbigay ng tamang kaalaman sa mga tao ukol sa bawal na gamot.
Mayroon namang 76% (38/50) ang nagsasabi na hindi maaaring maging bawal na gamot ang
mga gamot na nabibili lamang sa botika. May 74% (37/50) na mga tao na nagsasabi na
umiinom sila ng mga gamot. At 58 % (29/50) naman sa aming ininterbyu ang nagsasabi na
hindi sila umiinom ng mga gamot na walang reseta sa doctor. Mga 56% (28/50) sa mga ito
ang nagsasabi na mayroon silang mga kakilala na taong gumagamit ng bawal na gamot.
Page 21
Baliwag Polytechnic College
Kabanata V
Batayang Teoretikal / Balangkas
Konseptwal
Page 22
Baliwag Polytechnic College
Batayang Teoretikal at Balangkas na Konseptwal
Ang mga kabataang nalulong sa bawal na gamot na mas pipiliin ang pagbabagong
buhay ay walang dudang magkakaroon ng panibagong kinabukasan.Maaaring may mga taong
walang pakialam sa kung ano man ang kahihinatnan nila ngunit natitiyak naman na mayroong
mga taong hangad ang kanilang magandang kinabukasan at pagbabago. Lumalabas na
maraming naniniwalang ang ipinagbabawal na gamot ay nakakasama at maaring abusuhin
kaya dapat ang gobyerno ipagpatuloy na magbigay ng tamang kaalaman ng pwedeng
mangyari sa kanila pag sila ay gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ang ibat-ibang
organisasyon tulad na lamang ng Dangerous Drugs Board o DDB ay naglalayong maisalba
ang mga kabataan mula sa kasawiang idinulot ng bawal na gamot. Ang mga kabataang nasa
ilalim ng kanilang bubong ay nabibigyan ng pagkakataong tumira sa maayos na tahanan na
may kaakibat na wastong pangangalaga, rehabilitasyon at counseling kung saan tinuturuan
sila ng mga alternatibong mga gawain para tuluyan na nilang maiwasanang bawal na
gamot.Napakahirap para sa isang kabataan ang masira ang buhay dahil lamang sasandaling
pagkahumaling sa bawal na gamot, sisirain nito hindi lamang ang buhay niya kundi pati na rin
ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.Totoong napakahirap lutasin ang
ganitong klaseng problema, lalung lalo na kung wala tayong pagkakaisa at pagtutulungan. Sa
dami ng mga kaso ng kabataang nalulong sa bawal na gamot siguradong mahihirapan ang
mga ahensya ng gobyerno na tulungan sila. Ang mga mamamayang may malasakit at
kagandahang loob ay maaaring mga taong magsilbing gabay at tulong sa ilang kabataang
minsan nang naligaw ng landas.Ang mga pulis at mga taong hinirang ng gobyerno ay dapat
ipatupad ang mga batas na dapat sundin upang huwag maging adik o dependent sa mga bawal na
gamot. Ang mga guro ay dapat ding ipagpatuloy na magbigay ng impormasyon tungkol sa epekto ng
bawal ng gamot sa kanilang mga estudyante. Alam naman natin na ang mahuhuli na nagbebenta ng
bawal na gamot ay makukulong ng habang buhay at di pwedeng mag pyensa ng pera kaya ituloy pa rin
ang patakaran na ito at dun naman sa mga kaibigan, kapatid, magulang, guro na alam nila ang mga
taong gumagamit ng bawal na gamot dapat isuplong sa pulis para sila’y mabigyan ng lunas kung
Page 23
Baliwag Polytechnic College
papaano nila ito maiiwasan. Para sa mga kabataan na paris natin dapat sumunod sa mga nakatanda sa
atin at huwag makibarkada sa mga adik bagkos isuplong sila sa pulis o sa magulang o sa guro na alam
nila ang mga taong ito.
Page 24
Top Related