- 1. KONTRA REPORMASYON Mr. Rodel E. Sinamban AP III Teacher
Jocson College, Inc. Angeles City
2. Rebyu 3. Repormasyon
- Ito ay tumutukoy sa krisis panrelihiyon na kung saan ibinaling
ng mga dating Katoliko ang kanilang paniniwala sa ibang relihiyon o
sekta. Sa ibang relihiyon o sekto na ito, pangunahing ipinatupad
ang pagsunod sa mga utos sa kasulatan o Bibliya. Binigyang diin din
ang pagpapanatili ng malinis at kapuri-puring pagkatao ng kanilang
mga miyembro lalo na ang kanilang mga pinuno.
4. REPORMASYON
- AngRepormasyonay naganap noong ika-16 na siglo at itinuturing
na mahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Iminulat nito ang mga tao
sa tila hindi maiwaksi-waksing ugnayan ng simbahan at ng
estado.
5. Ang mga sumusunod ang sinasabing mga dahilan ng pag-usbong ng
repormasyon: 1. Paghina ng kapangyarihan ng mga Santo Papadahil na
rin sa pagtutunggalian ng mga ito sakapangyarihan at pagpapahayag
ng mga kautusan. 2. pagkamulat ng mga tao bunsod ng panahon
ngRenaissance. 3.Pagtuligsa ng ilang grupong kabilang sa estado
sakapangyarihan ng Santo Papa at ngsimbahan. REPORMASYON 6. Unang
Pinuno ng Repormasyon
- Dahil na rin sa maraming isyung lumulutang laban sa simbahan,
tinuligsa ito ng maraming tao sa lipunan. Pangunahin sa mga ito ang
mga sumusunod:
7. Si John Wycliffe ay isang guro sa Unibersidad ng Oxford.
Tinuligsa niya ang kapangyarihan ng Santo Papa at ng mga Obispo.
Ayon sa kanya, kinakailangang mamuhay nang simple ang mga pari.
Iminungkahi niyang gamitin ng lahat ng tao ang Bibliya bilang gabay
sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Isinalin rin niya ang
Bibliya sa wikang Ingles. Ang mga tagasunod niya ay tinatawag
naLollards. 8. Isang pari sa Bohemia na naging rektor ng
Unibersidad ng Praque. Sinusuportahan ni Hus ang mga aral at mga
tuntunin ni John Wycliffe. Tinuligsa niya ang karangyaan ng mga
pinuno ng simbahan at ang pagbebenta ng indulhensiya.John Hus 9.
Ang pagtututol niyang ito sa sistema habang namumuhay bilang isang
pari sa simbahan ang nagaing naging dahilan upang ipatawag siya sa
Konseho ng Contance. Dahil sa hindi niya pagpayag na bawiin ang
kanyang mga sinabing di maganda ukol sa simbahan, itinuring siyang
erehe at hinatulang mamatay sa pamamagitan ng pagsunog. 10.
- Isang mongheng Dominikano na tumuligsa sa labis na karangyaan
ng mga maharlikang mamamayan. Dahil sa kanya,napaalis ang Pamilya
Medica sa Italya. Ang mga ari-arian ng mayayamang mamamayan ay
sinunog. Hindi nagtagal, humina ang impluwensiya ni Savanarola
dahil na rin sa ginawa niyang pagtuligsa kay Alexander VI,ang Santo
Papa. Siya ay mahatulang mabitay noong 1498 .
Girolamo Savanarola 11. Saint Peter's Basilica Pope Leo X 1514
12. Johann Tetzel Indulhensiya 13. Isang mongheng Augustinian na
isinilang sa Alemanya. Siya ay nakapagtapos sa Unibersidad ng
Erfurt at naging propesor sa Unibersidad ng Wittenberg. Ang
unang-una niyang tinuligsa sa simbahan ay ang itinuro nitong
konsepto sa mga tao ukol sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa.
Tinuligsa niya ang mga maling panuntunan ng simbahan gaya ng
idulhensiya ay sinasabing kabawasan ng kaparusahan sa
purgatoryo.Martin Luther 14. Pilate Stairs 15. (1517)Ipinalabas
niya ang kanyang Ninety-Five Theses na tumutukoy sa 95 puntos laban
sa mga gawain at paniniwalang Katoliko. Tinuligsa rin dito ang
pang-aabuso ng simbahan sa mga salaping nalilikom nito. Dahil dito,
binansagang erehe si Luther. Naging matigas si Luther dahil sa
kanyang paniniwalang ang Bibliya ang tunay na batayan ng
pananampalataya at hindi ang mga utos ng Santo Papa. Dahil na rin
sa Kanyang magaling na pagtatalumpati, maraming taong yumakap sa
paniniwalang Lutheranismo. 16. Address to the Christian Nobility
17. The Babylonian Captivity of the Church 18. 19. Charles V Diet
of Worms. April 17, 1521 20. Second Diet of Spires (1529) 21.
Nabahala ang simbahan at itiniwalag si Luther mula sa kanilang
hanay. Si Frederick the Wise, ang prinsipe ng Saxony, ang tumulong
kay Luther. Itinago niya ito sa kastilyo ng Wartburg. Sa panahon ng
pag-iisa at pagmumuni-muni, isinalin ni Luther ang Bibliya sa
wikang Aleman. Ito ang naging paraan upang lalong makahikayatng mga
miyembro si Luther. 22. Martin Luther's room in Wartburg 23. King
Francis of France Diet of Augsburg in 1555 24. 25.
- Kahit na ipinagbawal ni Charles V ang pagbabasa sa mga sulat ni
Luther, dumami pa rin ang tumuligsa sa simbahan. Ang pagtuligsang
ito ay nagsilbing protesta laban sa simbahan, kung kayat binansagan
ang mga ang mga Lutherano bilang mga Protestante, at ang kilusan ay
tinawag na Protestantismo. Hindi nagtagal, lumaganap ang
Protestantismo sa Poland, Bohemia, Hungary, Norway, Sweden,
Denmark, Finland at maraming bahagi ng Europa.
26. 27. 28. Ang Protestantismo
- Ang Alemanya ang unang bansang naging sentro ng Protestantismo.
Nang lumaon, lumaganap ang kilusang Protestantismo sa ibat ibang
bansa. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga naging tagapagtaguyod
nito:
29. Huldreich Zwingli Si Huldreich Zwingli ang itinuturing na
tagapagtatag ng Protestantismo sa Switzerland. Naging panuntunan ni
Zwingli ang kalayaan. Para sa kanya, ang Bibliya ang saligan ng
pananampalataya ng mga Kristiyano. Hindi siya sumasang-ayon sa
debosyon sa mga santo at sa pagbibigay ng malaking kapangyarihan sa
Papa. Si Zwingli ay namatay nong 1531 sa isang digmaan sa pagitan
ng mga Protestante at Katoliko. 30. John Calvin Si john Calvin ay
isang abogadong Pranses. Siya ay nakapag-aral sa mahuhusay na
paaralan. Sa Paris, naimpluwensyahansiya ng mga pilosopiya ni
Erasmus. Sinulat niya angInstitutes of the Christian Religionna
naging batayan ng mga tuntunin ng Protestantismo. Hindi siya
naniniwala sa mga imahen ng mga santo at krusipiho. Itinuturing
siyang pinuno ng repormasyon sa Geneva. Nakarating din at lumaganap
ang Calvinismo sa Alemanya, lalo na nang sakupin ni Frederick II
ang nasabing bansa. 31.
- Lumaganap rin ito sa Pransiya ngunit gumawa ng paraan ang hari
upang hulihin ang mga nagpalaganap ng Calvinismo. Pinatawan sila ng
kamatayan ngunitmarami pa rin ang hindi nagpasindak at patuloy na
naniwala sa turo ni Calvin.
32. At Ngayon! 33. ANG KONTRA REPORMASYON 34. ANG KONTRA
REPORMASYON
- Dahil sa malawakang pagtuligsa ng mga tao sa simbahan,
isinakatuparan ng mga mananampalataya ng Katolisismo ang Kontra
Repormasyon simula noong 1534 bilang tugon sa Kilusang
Protestantismo. Nagpasimula ang Kontra Repormasyon ng mga pagbabago
sa Simbahang katoliko upang masagot ang mga batikos ng mga
Protestante at malunasan ang mga kahinaan nito.
35. ANG KONSEHO (KONSILYO) NG TRENT Ang Konsilyo ng trent ay
itinuturing na malaking hakbang sa Repormasyong Katoliko na
ipinatawag ni Papa Pablo III noong 1545. tumagal ang konsilyo
hanggang 1564. Nakabuo ito ng mga dikreto para sa mga Katoliko at
sa simbahan, tulad ng: 1. Ang kasulatan at tradisyon ay kapwa
tanggap ng pang-gagalingan ng doktrinang Katoliko.2. Itinuturing na
mahalagang bahagi ng simbahan ng Banal na Misa, mga sakramento,
paggalang sa mga santo at iba pang doktrina. 3.Ang pagtakda sa
mataas na antas ng kaasalan. 36. INGKWISISYON
- Isa rin sa mga instrumento ng Kontra repormasyon ay
angIngkwisisyon o Inquisition,na itinuturing na isa sa mga
madidilim na bahagi ng ksaysayan. Noong 1542, itinatag ni Papa
Pablo III ang Kongregasyon ng Ingkisisyon. Trabaho nitong
magsiyasat o mag-espiyasa mga taong hindi Katoliko ang
pananampalataya, tulad ng mga Protestante. Bumuo din ito ngIndex of
Forbidden Books,na listahan ng mga aklat na laban sa doktrina ng
simbahan at ipinagbabawal na basahin ng mga Katoliko. Maraming
Protestante ang sinunog at pinarusahan dahil na rin sa ayaw nilang
itakwil ang kanilag relihiyon. Sa kabilang banda, gumanti rin ang
ilang Protestante sa mga Katolikong ayaw yumakap sa kanilang
relihiyon tulad ni Michael Servetus na noong 1553 ay sinunog
pagkatapos tumangging itakwil ang kanyang relihiyon ayon sa
kagustuhan nina Henry VIII at Elizabeth.
37. 38. 39. 40. 41. 42. 43. 44. 45. 46. SOCIETY OF JESUS
- Mahalagang papel ang ginampanan ngSociety of Jesussa Kontra
Repormasyon. Ito ay itinatag ni Ignatius of Loyola na isang dating
sundalong nagdesisyong magkingkod sa Diyos. Nag-aral siya ng
Teolohiya at Pilosopiya, at tinipon niya ang ilan sa mga marurunong
sa unibersidad na kinabibilangan niya na gaya na lamang ni St.
Francis Xavier. Itinatag nila angSociety of Jesusnoong 1534. Ang
mga Hesita ay matatapang at matatalino, at nanguna sa mga gawain
para sa Kontra Repormasyon. Ang kanilang pagsisiskap sa pagmimisyon
ay nagresulta sa pagkakabawi sa pananampalataya ng marami sa mga
bansabg Bohemia, Hungary, Poland at iba pa para sa Simbahang
Katoliko. Nagtatag rin ang mga ito ng mga paaralan upang maituro
ang aral ng katilisismo at mapatatag amg simbahan.
47. MGA BUNGA NG REPORMASYON AT KONTRA REPORMASYON
1.Nagkawatak-watak ang mga dating nagkakaisangbayan sa Europa na
may relihiyong Katoliko. Angmga bayang ito ngayon ay nahahati sa
pagitan ngmga Katoliko at mga Protestante. 2.Pagkakaroon ng maliit
na sekta ng Kristiyanismogaya ng Presbyterians,Puritians at
Protestante. Ang repormasyon at ang Kontra Repomasyon na
ipinantapat dito ay nagbunga ng mga sumusunod: 48.
- 3.Pagtatalaga ng mga pangunahing tuntunin sa simbahang Katoliko
gaya ng pananatiling matapat sa Diyos, hindi pag-aasawa ng mga pari
ovow of celibacy , pamumuhay ng payak ng mga ito ovow of povertyat
pag-alis ngsimonyo pagbibili ng mga tanggapan ng simbahan at ng
Estado upang maiwasan ang anumang katiwalian.
- 4.Pagkakaroon ng maraming digmaang panrelihiyon. Ito ay sa
pagitan ng mga Katoliko at mga Protestante sa Europa. Halimbawa
nito ay angDigmaang Schmalkaldic na naganap sa pagitan niArchduke
Ferdinand ng Austria at samahang Schmalkaldic o mga Prinsipeng
Lutheran ng Alemanya.
49. IBA PANG MGA DIGMAAN SA PAGITAN NG MGA PROTESTANTE AT
KATOLIKO 50.
- 1.Digmaan ng Huguenots(1562-1598) na tumutukoy sa labanan sa
pagitan ng mga Calvinistang Pranses(Huguenot) at ng mga Haring
Katoliko gaya nina Charles IX, Henry III at Catherine de Medici.
Ang mga Huguenot ay nagtagumpay sa labanang ito at pinahintulutan
ni Henry IV na magpatuloy sa relihiyon.
Charles IX Henry III Catherine de Medici Henry IV 51.
- 2.Digmaan ng Kalayaan ng Olandes(1568) na tumutukoy sa labanan
sa pagitan ng mga Olandes at ng mga Espanyol na noon ay
pinamumunuan ni Philip II. Dahil sa ang Espanya ay isang Katolikong
bansa, pinigilan ni Philip II ang paglaganap ng Protestantismo sa
Netherlands na noon ay teritoryo ng Espanya. Ngunit sa pagpupumilit
ng mga Olandes, nakamit nila ang kanilang kalayaan hindi lamang sa
pananampalataya kundi maging ang kalayaan ng kanilang bansa.
52.
- 3.Tatlumpung taong Digmaan(1618-1648) ang itinuturing na
pinakamahalagang digmaang panrelihiyon sa kasaysayan. Ang labanang
ito na naganap sa pagitan ng mga Katoliko ng Espanya at Pransya, at
ng mga Protestante ng Denmark at Sweden ay winakasan sa Kasunduan
ng Westphalia na nagtalaga ng pagkakapantay ng dalawang
relihiyon.
53. Repormasyon Protestantismo Presbyterianismo Calvinismo
Zwinglinismo Anglican Lutheranismo Kontra-Repormasyon *Society of
Jesus *Inquisition 54. Katoliko Protestante ALIN SA DALAWA ANG
SUSUNDIN MO?BAKIT? 55. ANO KAYA YUN?!!