Kaligirang Kasaysayan at Kalagayan ng Panitikan sa
Pananakop ng mga Amerikano
Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa panitikan ng Pilipinas.
Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay).
Kaligirang Kasaysayan
Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop.
Kapansin-pansing ang pagkahilig ng mga mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng buhay-kosmopolitan.
Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati na rin sa wikang Ingles.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano.
Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas.
Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian
Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
Tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga paksang romantisista
Katangian ng Panitikang Pilipino sa
Panahong Ito
Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o pagpapailalim sa mga Amerikano
Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o nangongopya ng mga estilong Kanluranin
Hangaring makamit ang kalayaan
Marubdob na pagmamahal sa bayan
Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
Protesta sa pananakop ng mga Amerikano na nagsasalita ng Ingles
Mas matulain at mas akma sa panitikan ang Kastila kaysa Ingles, ayon sa kanila
Bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano
Espanyol pa rin ang wika ng mga intelektwal noon
Bakit sa Espanyol parin nagsisulat ang
iba?
Francisco Balagtas
Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo.
Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.
Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na fiscal o tagausig, isang akusado,at abogado.
Ang pinakaunang Balagtasan ay ginanap noong 1924, at ang pinakasikat na debate ay ang kina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes, ngunit ang debate ay scripted lamang.
Pero nang nakita nilang di - gaanong matagumpay ang naging unang Balagtasan, kaagad-agad silang gumawa ng pangalawang Balagtasan, at hindi na scripted.
Nanalo si De Jesus at pinangalang Hari ng Balagtasan. Ngayon, ang titulong Hari ng Balagtasan ay isang malaking milestone para sa lahat ng mga makata sa Pilipinas.
Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
Ang sarsuela ay impluwensiya ng mga Kastila, ngunit nagbago sa panahon ng mga amerikano.
Kung ihahalintulad natin ang sarsuela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito.
Kadalasan ang sarsuela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuela ay pahaplis at pahapyaw lamang.
Magmula pa noong sinaunang dekada ng ika-20 na siglo hanggang sa kasalukuyan, ang sarswela ay itinatanghal na ng mga komersyal na grupo sa mga teatro sa malalaking siyudad tulad ng Maynila, Iloilo at Cebu o sa mga entablado sa mga rural na lugar tuwing may kapistahan.