Title
• Text
MMaassiinniinngg nnaa PPaaggkkuukkwweenntt
oo
Title
Isang paraan ng pagkukwento ng pangyayri o kawil ng mga
magkakaugnay na pangyayaring maaring totoo o dili kaya’y mga pangyayaring bunga ng imahinasyon o
guniguni.
Pagsasalaysay / Pagsasalaysay / PagkukwentoPagkukwento
Title
Isa sa mga paraan ng pagpapahayag na napakalimit
gamitin.
Pagsasalaysay / Pagsasalaysay / PagkukwentoPagkukwento
Tungkulin
Tungkulin nito ang magbigay aliw o kasiyahan sa mga tagapakining.
Magiliw magkwento
Malinaw magsalaysay
Nakakaaliw o Nakaka-
agaw pansin
sa paraang ito ang mgakaisipan ay isinasalaysaynang tuluy – tuloy.
Paraang Tuluyan
May kaakit-akit
na pamagat
May mahalagang
paksa
May kaaya-ayang simula
May angkop at piling
mga salita
Maayos na
sunuran Kaigtingan
Magandang Wakas
Mga Salik ng Isang Kwento
KapanahunanKaganyakanKabanghayanTunggalianKasukdulanKakanyahanKahimigan
Tinutukoy dito ang mga tauhan ng kwento.
Kapanauhan
Ito ang salik na tinatawag ding saglit na kasiglahan sapagkat ito ang nagpapasidhi sa damdamin at pagnanasa ng mga taga-pakinig.
Kaganyakan
Ang pagkakasunod- sunod ng mga naaayong pangyayari na mabilis ang kaganapan.
Kabanghayan
Gusot o buhol na tinatawag. Ang salik na naglalarawan kung ano ang sagabal na haharapin ng pangunahing tauhan.
Tunggalian
Ito ang pinakamasidhing bahagi dahil dito nakasalalay ang kaalaman ng mga nakikinig sa sasapitin ng mga tauhan sa bandang hulihan.
Kasukdulan
Istilo ng nagkukwento.
Kakanyahan
Ang damdaming ginagamit upang mapukaw ang kintal sa isipan ng mga tagapakinig.
Kahimigan
Mga Dapat Isaalang-alang
1. Pumili ng materyal na maaaring gamitin.
2. Kahit sino pwedeng maglahad ng kwento.
3. Malakas na paglalahad ng kwento.
4. Ekspresyon ng mukha.
5. Ang kwento ay dapat naayon sa mga taga-pakinig.
“ANG ARAL NG DAMO”
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. "G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel. "Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."
• Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?" "Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali- halina!"
• Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?" "Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!" Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, "G. Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?"
• "Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!" Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?"
• "Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra. Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?"
• "Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!"
Isinumite nina :Puno, AiranSantos, Mercy Amor T.
Isinumite kay:Dr. Vilma Tacbad
Daghang Salamat sa pakikinig!
Sanggunian:
• http://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/
• http://www.mb.com.ph/node/332245/the-art-
• http://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-aral-ng-damo/
Top Related