Ina, MommyIma InayNanay, Mama
Nana .Nana .
MOTHER Inang
Kahit ano pa ang tawag mo sa kanya
Sa umaga siya ang gumigising sa iyo
Para hindi ka mahuli sa school
o sa trabaho
Nagluluto ng almusal
Nag-iinit na tubig para sa pagligo mo
Inihahanda ang isusuot mong damit
Pagkatapos maligo at kumain,
ihahatid ka sa labas
At tatanawin
hanggang ikaw ay
makalayo
Sa araw-araw
Na ginawa
ng Diyos
Paulit-ulit ang
ganung gawain
Araw-araw
ka niyang
pinaglilingkuran
Parang hindi napapagod
Parang hindi
nagsasawa
Paglalaba
Paglilinis ng bahay
Pagluluto ng makakain
Taos pusong pag-aalaga
At ang wagas
na pagmamahal
Hindi man siya
nagtratrabaho sa
labas para kumita
Ngunit alam nating mas mabigat
Na responsibilidad
ang pasan niya sa loob ng bahay
Ngunit kahit ito ay ating nakikita
at batid ng ating isip
madalang na tayo
ay magpasalamat sa kanya
Ngunit hindi pa
huli ang lahat
Salamat Ina
sa iyong pag-aruga
Salamat Ina
sa iyong
walang
sawang sawang
pagsubaybay
Salamat sa pag-aalaga sa araw
na ako ay may karamdaman
Salamat dahil ikaw
ang nagturo sa akin ng ABAKADA
At maging pagsulat ng
aking pangalan
Salamat dahil araw-araw
andiyan ka
Nakikinig sa amin
At alam mo kung kailan
kami malungkot
O kung kailan kami may problema
Dahil siguro sa Inyo kami nagmula
Dahil siguro sa loob ng siyam na
buwan tayo ay iisa at magkasama
Kaya ramdam mo
ang nararamdaman ko
Ang dami kong dapat ipagpasalamat
Ang dami ko palang
dapat sabihin sa iyo
At alam kong hindi pa huli ang lahat
Para malaman Mo
Na mahal na mahal kita
Hindi ko man
masuklian ang
kabutihan mo
Hindi ko man magawa
Ang mga bagay
na nagawa mo para sa akin
Maipadama ko man lang sa iyo
Na ikaw ay mahalaga sa akin
At nagpapasalamat ako sa Diyos
Na IKAW ang aking Ina
Mahal na mahal kita
At maraming maraming
salamat sa Iyo
Kawikaan 31:30
Mandaraya ang pang-akit
Ang kagandahan ay kumukupas
Ngunit ang Babaing
May takot sa Diyos
Ay pinupuri ng Balana.
Happy Mother’s Day!
Jesus For All Nations Church
May 8, 2011