2018.6 Vol.72Ota City Navigation
Maraming mga lugar at pasilidad sa lungsod ng Ota na maaring
maglaro ng sports. May mga pasilidad tulad ng pool, gymnasium,
training room, lugar para sa archery, beach volleyball, atbp.
Karagdagan dito, maaring mag-ehersisyo sa maaliwalas na likas
na kapaligiran tulad ng Tamagawa at Omori Furusato no Hamabe
Park. Mamuhay tayo ng malusog at masagana sa pamamagitan ng
sports!
Ota City General Gymnasium (1-11-1 Higashi Kamata Ota-ku)
Mayroong mga 4000 na upuan pang-madla sa main arena para sa
top level na kumpetisyon ng bawat sport tulad ng basketball at iba
pang palaro. May mga sports class na regular na ginaganap tulad ng
yoga, dance at mga ehersisyo na maaring makilahok ang magulang
kasama ng anak.
Showajima 2cho-me Park ( 2-3-1 Showajima, Ota-ku)
Taong 2018, nagbukas ng multipurpose field para sa mga palaro
tulad ng soccer, futsal, atbp. Maari rin magsanay ng paglaro ng
tennis gamit ang backboard o pader.
Beach Volleyball Field (1-1 Furusatonohamabe-Koen, Ota-ku)
Bilang karagdagan sa beach volleyball, maari rin maglaro ng beach
tennis at beach soccer. Mayroong pa-arkilahang beach volleyball
balls at beach tennis rackets, kaya makapaglaro kahit walang dalang
gamit.
Mayroon rin 500 na upuan para sa mga manonood ng sports sa
main court.
Pagbubukas ng libre ng gymnasium sa mga elementary schools.
Ang gymnasium ng elementary schools ay magbubukas ng walang
bayad sa pangkalahatang publiko upang mapalaganap ang paglalaro
o sports. Ang mga kaganapan at petsa ng pagbubukas ay maiiba
ayon sa paaralan. Mangyaring tingnan ang homepage ng lungsod
upang malaman ang mga kaganapan.
Elem. school Uri ng Laro Oras
Omori Daiichi Table tennis, Mini tennis,Beach Volleyball
12:30p.m~3:30p.m
Rokugou Table tennis, Badminton, Soft tennis
Izumo,Takahata, Nanpo Table tennis, Badminton
Tamagawa Onazuka Table tennis, Badminton
Iriarai Daini, Higashi-Chofu Daisan, Shosen, Koike, Kojiya, Nishi-Rokugo, Yaguchi, Michizuka, Kamata
Table tennis
Omori Daiyon, Sanno, Magome
Table tennis, Badminton, Mini tennis
1:00p.m~4:00p.m
Ikegami, Kita-Kojiya Table tennis, Badminton
Yaguchi-Nishi Table tennis, Mini tennis
Nakatomi, Chofu-Otsuka, Kugahara, Magome Daini
Table tennis
●Nararapat:
Naninirahan o nag-aaral sa lungsod ng Ota (mas matanda sa mag-
aaral sa elementarya)
●Paraan ng pag-apply:
Magpunta ng direkta sa gymnasium sa araw ng pagbubukas.
Magdala ng sapatos na panloob (sports shoes) at mga gamit.
※Wikang Hapon lamang ang gagamitin.
Sanggunian
Community Educational Activities Promotion
Section, Educational Affairs Division
☎03-5744-1445 FAX03-5744-1535
Sanggunian
Sports Promotion Section, Sports Promotion
Division
☎03-5744-1441 FAX 03-5744-1539
Pagpalaganap ng Sports sa
“Sports Health City Ota”
Impormasyon para sa mga dayuhan
Tagalog
Maaaring ma download ang listahan ng mga boluntaryong Japanese class sa Ota City sa URL sa ibaba.
https://www.city.ota.tokyo.jp/kokusaitoshi/kouryu/nihongo_kyositu_multilingual.fi les/tagalog.pdf2
Ang ① abiso sa pagbayad ng National Heath Insurance para sa taong
2018 ② statement of payment para sa June~October ③ statement of
payment para sa isang taon ay ipapadala sa kalagitnaan ng June. Ang
halaga ng premium o babayaran ay nagbago. Para sa karagdagang
impormasyon, tingnan ang nakalakip na [National Health Insurance ng
Ota].
Bayaran ang premium ng National Health Insurance hanggang sa
nakatakdang huling araw o deadline.
Magkakaroon ng karagdagang bayad ang National Health Insurance
sa taong 2018 kapag lumampas sa taning ng pagbabayad. Kapag
lumampas sa taning ang pagbayad, may karagdang bayad mula sa
susunod na araw ng nakatakdang petsa ng taning.
Mangyaring tumawag sa International City Ota Association Multilingual Consultation Desk (☎03-6424-8822) kung hindi marunong ng wikang Hapon.
●I-submit ang Genkyou Todoke
Kailangan i-submit ang Genkyou Todoke upang patuloy na
makatanggap ng child allowance at natatanging benepisyo
mula buwan ng June. Ipapadala ang form sa mga nararapat sa
pamamagitan ng koreyo sa unang bahagi ng June, mangyaring
i-submit ito ayon sa tuntunin sa pamamagitan ng koreyo hanggang
June 29, 2018. Hindi ito tatanggapin sa ibang tanggapan.
●Petsa ng pagpadala para sa Hunyo
Ang allowance para sa Feb~May ay ipapadala sa June 7.
※ Maaring maantala ng 2-3 araw ang pagtanggap ayon sa pinansiyal
na institusyon.
※ Ang child allowance ay ipinagkakaloob ng 3 beses sa isang taon,
ayon sa alituntunin, February, June at October, magkasamang
ipinapadala ito hanggang nakaraan na buwan.
●Pagsubmit ng Ulat ng Kasalukuyang Katayuan
Ang katayuan sa pagpapalaki ng anak hanggang June 1, 2018 ay
kailangang ipaalam o iulat upang patuloy na makatanggap ng child-
rearing allowance (tulong na pananalapi sa pagpapalaki at para sa
may kapansanan). Ipapadala ang dokumento ng Genkyou Todoke
sa mga naangkop sa pamamagitan ng koreyo. Mangyaring isubmit
hanggang June 29, 2018.
●Bagong aplikasyon
Maaring mag-apply ang mga mamamayan na hindi hihigit sa
pamantayang halaga ang kita sa taon 2017. Dalhin sa pag-apply
ang opisyal na sertipiko (para sa ibang wika, kailangang isalin sa
wikang Hapon ng ibang tao) na tumutugma sa dahilan ng pagtanggap
ng child-rearing allowance. Mangyaring sumangguni para sa
karagdagang impormasyon.
Notisya mula sa City Offi ce
大田区生活展Pagpapadala ng Abiso ng National Health Insurance para sa Taong 2018
大田区生活展Pagsubmit at Bagong Aplikasyon ng Ulat ng Kasalukuyang Katayuan sa Pagpapalaki ng Anak (Jidou Ikusei no Genkyou Todoke)
大田区生活展Pagsubmit ng Ulat ng Kasalukuyang Katayuan (Genkyou Todoke) para sa Child Allowance at Pagbibigay-alam ng Regular na Pagpadala sa Bangko sa buwan ng June
Sanggunian
National Health Insurance Qualifi cation Section,
National Health Insurance and National Pension
Division ☎03-5744-1210 FAX03-5744-1516
SanggunianChild-rearing Support Division
☎03-5744-1274 FAX03-5744-1525
SanggunianChild-rearing Section, Childcare Support Division
☎03-5744-1275 FAX03- 5744-1525
Sanggunian
National Health Insurance Premium Collection Section,
National Health Insurance and National Pension
Division ☎03-5744-1697 FAX03-5744-1516
◆Child Allowance (Para sa mga hindi humihigit sa pamantayang
halaga ang kita)
EdadHalaga ng Benepisyo
(buwanan)
Hindi hihigit sa 3 yrs. old (pantay ang halaga) ¥15,000
Mahigit sa 3 yrs old, bago makatapos ng
elementarya (una at ika-2 anak)¥10,000
Mahigit sa 3 yrs. old, bago makatapos ng
elementarya (mula ika-3 anak)¥15,000
Mag-aaral sa Junior High School (ika-15 yrs. old
na kaarawan ay hanggang March 31) (pantay
ang halaga)
¥10,000
※ Binibilang bilang panganay ang anak na hindi hihigit sa 18 taong
gulang ang edad (ika-18 yrs. old na kaarawan ay hanggang March 31).
◆Espesyal na Benepisyo (para sa mga higit sa pamantayang
halaga ang kita)
Walang klasipikasyon ng edad (pantay ang halaga) ¥5,000 (Buwanan)
Libreng serbisyo ng interpretasyon gamit ang Tablet sa Ota City Office atbp.
● Mga Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese, Vietnamese, Tagalog, Thai, French, Nepalese Russian at Hindu
Makipag-ugnay sa: Internationalization & Multiculturalism Promotion Division ☎ 03-5744-1227
3
(1) Bakuna ng DT (Diphtheria, Tetanus) ng Grade 6, ika-2 bakuna
ng Japanese Encephalitis sa Grade 4.
Ipapadala sa mga nararapat na makatanggap ang medical pre-
examination slip ng pagbabakuna ng DT (diphtheria, tetanus mixed
type) sa mga grade 6 at ika-2 Japanese Encephalitis na bakuna sa
buwan ng June sa pamamagitan ng koreyo.
(2) Mga espesyal na hakbang para sa Japanese Encephalitis
Ang mga ipinanganak ng April 2, 2007~Oct. 1, 2009 na hindi
natapos ang 3 beses sa unang yugto ng pagbabakuna ng Japanese
Encephalitis ay maaring mabakunahan ng kailangang bakuna sa
pangalawang yugto kung ang edad ay nasa pagitan ng 9~13 yrs.old.
Medikal na pagsusuri para sa maagang pagtuklas at pag-iwas sa
mga sakit sa pamumuhay tulad ng metabolic syndrome. Ipapadala
ang gabay sa mga nararapat makatanggap sa sumusunod mula sa
katapusan ng May, 2018.
●Nararapat:
Mga naangkop sa alinman sa mga sumusunod:
① Miyembro ng National Health Insurance na mula 40~74 yrs. old.
② Miyembro ng Latter-stage Elderly Healthcare System.
③ Kasalukuyang tumatanggap ng suporta sa pamumuhay(seikatsu
hogo) na mahigit 40 yrs. old.
④ Mga 40 yrs. old o higit pa na Hapones na naulila noong panahon
ng digmaan sa Tsina at kasalukuyang tumatanggap ng pinansyal
na suporta.
※ Para sa mga 75 yrs. old sa darating na kaarawan mula June~
September 2018, ipapadala ang abiso sa katapusan ng September
at para sa nagpa-miyembro sa National Health Insurance (kokumin
kenkou hoken) ng April~Dec, 2018, ipapadala ang abiso sa
susunod na buwan ng pagpatala sa pagiging miyembro.
●Gastos sa Pagsusuri
Walang Bayad
●Nilalaman ng Pagsusuri
Panayam tungkol sa pangangatawan, pagsukat ng katawan,
pagsusuri ng katawan, pagsusuri ng dugo at ihi
●Lugar
Mga itinakdang lugar para sa medikal na pagsusuri at medikal na
institusyon sa lungsod ng Ota.
●Huling araw ng Pagsusuri
March 31, 2019
Ako at tatlong Cool Ota Ambassadors ay lumahok sa pagsasanay at
paghahanda para sa kalamidad sa Hachiman-jinja sa Yukigaya. Bagamat
iba-iba ang aming nasyonalidad, Amerika, Tsina, Vietnam at Britanya,
isang bagay ang magkatulad kaming lahat, walang pagsasanay at
paghahanda para sa kalamidad sa aming bansa. Ayon sa ambassadors
mula sa Vietnam at Amerika, ang tanging bagay na makakatulad ng
pagsasanay para sa kalamidad ay ang fire drills. Sa pagsasanay na
ito, natutuhan namin ang mga panganib na hindi pangkaraniwan sa
Japan at naranasan ang paraan ng pagpatay ng apoy, pagtahak ng
daan palabas sa tent na puno
ng usok at pakunwaring lindol.
Tinanong ko silang lahat kung
ano ang kani lang masasabi
tungkol dito, iisa ang kanilang
sagot . Napagtanto ng lahat
ang kaugnayan at kasiyahan
ng pak ik i lahok kasama ang
mga miyembro ng komunidad.
Nabanggit din na bilang isang
dayuhan dito sa Japan, hindi
lamang hadlang sa wika kundi
maraming mga aspeto sa pamumuhay na hindi pa nakakasanayan tulad
ng paghahanda para sa kalamidad o sakuna kaya ang pakikilahok at
matutuhan ang mga bagay mula sa mga kapitbahay ay makabuluhan sa
panahon ng emerhensiya.
Makipag-ugnay sa
Internationalization & Multiculturalism Promotion Division
☎ 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323
大田区生活展Pagbibigay-alam tungkol sa Bakuna
大田区生活展Magpasuri ng Kalusugan ~ Pagsisimula ng mga Partikular na Medikal na Pagsusuri sa Lungsod ng Ota
Matilda’s Corner: Miyembro ng International Exchange
Sanggunian
Adult Health Care Section, Health Care
Management Division
☎03-5744-1265 FAX 03-5744-1523
Sanggunian
Infectious Disease Countermeasures, Infectious
Disease Countermeasures Division
☎03-5744-1263 FAX03-5744-1524
4Ota City Navigation 2018/6/15 (Inilalathala tuwing ika-15 ng buwan (maliban sa buwan ng Enero at Agosto)
Issued by Internationalization & Multiculturalism Promotion Division, Ota City Office
144-8621 5-13-14, Kamata, Ota ☎ 03-5744-1227 FAX 03-5744-1323
Multilingual Consultation Desk News - Nagkaroon ng konsultasyon -
Buntis po ako. Nagtatrabaho po ako, anong mga benepisyo ang maari kong matanggap?
Q. Isang babaeng Intsik na empleyado ng isang kumpanya sa lungsod ay kumonsulta “buntis po ako, nais kong malaman kung anong mga
benepisyo ang maari kong matanggap”.
A. Una sa lahat, kapag nabuntis,magpasuri sa doktor sa lalong madaling panahon upang matiyak ang pagbubuntis, kailangang ipabatid
ang mga impormasyon tungkol sa pagbubuntis sa tanggapan ng
munisipyo tulad ng ①petsa ng panganganak ②ilang linggo na ang
pagbubuntis ③pangalan ng medikal na institusyon kung saan nagpasuri,
kumuha ng mother and child health handbook (boshitecho), [mother and
child health bag] at regular na pagpapasuri.
Ayon sa Labor Standards Law, pinahihintulutang mag-leave ng 6 na
linggo (14 na linggo ang sanggol) bago ang kapanganakan at 8 linggo
pagkatapos manganak. Hindi maaring pagtrabahuin ng employer ang
empleyado ng 6 na linggo pagkatapos manganak. Makakatanggap ng
lump sum maternity allowance na ¥420,000 mula sa
Health insurance. Pangkaraniwang hindi makakatanggap ng suweldo sa
panahon ng bakasyon o leave ngunit kailangan ang kumpirmasyon para
sa mga panununtunan sa trabaho. Bago at pagkatapos manganak, ang
maternity allowance ay kakakulkahin mula sa suportang pananalapi ng
Health Insurance Association, insurance sa pagtatrabaho (koyou hoken)
sa panahon ng pag-aalaga ng anak, at ang suportang pananalapi sa
panahon ng pangangalaga ng bata ay kakakulkahin batay sa tinatanggap
na suweldo. Bukod pa rito, kapag hindi nakapagtrabaho dahil mahina
ang katawan sa panahon ng pagbubuntis, maaring makatanggap ng
suportang pananalapi mula sa Health Insurance Association (walang
sistema tulad nito sa National Health Insurance). Para sa iba pang mga
detalye, pinayuhan namin siya na kumonsulta sa Health Insurance
Association na kinabibilangan.
[Sanggunian] International City Ota Association Multilingual Consultation
Desk ☎03-6424-8822
Multilingual consultation desk of Global City Ota Cooperation Association
Mayroong mga serbisyo sa Multilingual consultation desk sa Global City Ota
Cooperation Association tulad ng konsultasyon tungkol sa mga bagay na
may kinalaman sa pang-araw araw na pamumuhay, pagsasalin ng lingwahe
(translation at interpretation).
● Konsultasyon tungkol sa Pamumuhay
Ang mga konsultasyon tungkol sa pang-araw araw na pamumuhay katulad
ng pamilya / anak, pagpapakasal / diborsyo, trabaho at kahirapan sa
komunikasyon ay maaari sa iba’t-ibang lingwahe.
● Pagsasalin ng lingwahe(Interpretation service)
May mga interpreters na nakalaang tumulong sa mga banyaga sa pagsama
sa mga iba’t-ibang seksyong nakatakdang puntahan sa Ota City office at
tutulong sa pagsasalin ng lingwahe sa pamamaraan ng pag-aayos ng mga
papeles/bagay na itinakda ng City office.
● Pagsasalin ng lingwahe(Translation service)
Mayroong translation service na isinasagawa para sa mga dokumento
katulad ng mga sertipiko atbp. na kailangang i-submit sa Ota City office.
● Impormasyon tungkol sa mga Japanese language classes
Mayroong mga impormasyon tungkol sa mga Japanese language schools at
volunteer-organized Japanese classes na isinasagawa sa Ota City.
● Iskedyul ng konsultasyon sa iba’t-ibang lingwahe
Araw at Oras
Mon. – Fri. 9:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
1st at 3rd Sun. 1:00p.m - 5:00p.m
Global City Ota Cooperation AssociationMultilingual consultation desk
Address:
Consumer Center 1st floor,
5-13-26 Kamata, Ota-Ku
☎ 03-6424-8822
FAX 03-5710-6330
http: www.ota-goca.or.jp
Multilingual consultation desk
of Global City Ota Cooperation
Association
Tokyu Line
RJ
to Kawasaki
Kampachi Ave.
東口East Exit
Kamata Sta.
Ota City Office
East Exit
To Kawasaki
Counsumer
Center
Lingwahe
Chinese Mon. – Fri. 10:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
1st Sun. 1:00p.m - 5:00p.m
English Mon. – Fri. 9:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
Tagalog Mon, Tue, Thurs at Fri 10:00a.m - 12:00p.m 1:00p.m - 5:00p.m
1st at 3rd Sun. 1:00p.m - 5:00p.m
Nepalese Wed 1:00p.m - 5:00p.m
Vietnamese Thurs 9:00 - 12:00
Mangyaring tandaan na kinakailangang magpa-reserba para sa mga
sumusunod na lingwahe: Hangle / Korean, Thai, Spanish, Portuguese,
Russian, Urdu, Hindi at Bengali.
Top Related