Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 1
Ang Walang-Hanggang
Bilang nang Iba’t-ibang
Pangalan ng Diyos
SANSKRIT
ROMAN TRANSLITERATION
nāmnām akāri bahudhā nija-sarva-śaktis
tatrārpitā niyamitaḥ smaraṇe na kālaḥ
etādṛśī tava kṛpā bhagavan mamāpi
durdaivam īdṛśam ihājani nānurāgaḥ
Pagsasaling-wika
“O aking Panginoon, ang Banal na
Pangalan Mo ay nagdudulot ng kabutihan
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 2
sa lahat. At ang mga Banal na Pangalang
Ito’y walang-katapusan, walang-
hangganan ang bilang, tulad ng mga
pangalang Kṛṣṇa at Govinda at iba pa., na
mismong inihayag Mo.
Lahat ng transedental na kapangyarihan
Mo’y inilagay Mo sa mga panagalang ito.
At higit sa lahat, maaari din namin itong
bigkasin ng kahit anumang oras at sandali
at saanmang lugar dahil hindi ito
ipinagbabawal.
Dahil sa Iyong habag at pagpapala, Ikaw’y
pumanaog sa pamamagitan ng banal na
tunog, kaya lamang, sa kasawiang-palad,
ni hindi ako nakaramdam nang anumang
pagkagusto o pag-ibig sa Banal na
Pangalan Mo.”
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 3
MGA PAGLILINAW
Ang sabi dito, ‚O aking Panginoon, Ikaw
mismo ang naglahad nang pagbigkas at
pag-awit ng mga Banal na Pangalan Mo, at
ang mga pangalang ito ay nilagyan Mo
nang lahat ng Iyong lakas at
kapangyarihan.‛ Ang Banal na Pangalan ni
Kṛṣṇa at maging ang taglay nitong
kapangyarihan ay kapwa eternal, walang-
hangganan. Lahat ng lakas at
kapangyarihan ay nasa loob ng Banal na
Pangalan ni Kṛṣṇa. At anumang oras o
lugar ay maaari itong bigkasin, usalin o
kaya awitin. Ito’y hindi lamang sa umaga
inaawit, o kaya pagkaligo, o kaya kapag
pupunta ka sa isang banal na lugar—wala
pong ganitong kundisyon. Ibig sabihin,
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 4
anumang oras at saanmang lugar ay maaari
mong bigkasin, usalin, awitin ang Banal na
Pangalan ni Kṛṣṇa.
Sa talatang ito, ang sabi ni Śrī Chaitanya
Mahāprabhu, ‚O Kṛṣṇa, sa lahat, ang
pagkakataong ito ang siyang pinakamataas
at pinakamaringal. Dahil sa labis at di-
matatawarang kabaitan Mo, walang-
alinlangang ipinagkaloob Mo sa amin ang
pagkakataon na kami’y makapaglingkod sa
Banal na Pangalan Mo [nāma-bhajan]. Kaya
lamang, sobra-sobra talaga ang aking
kamalasan. Biruin mo, ni hindi ko
naramdaman ang kagustuhang umusal
man lang nito. Dahil marahil wala talaga
ata akong paniniwala, ni walang
nararamdamang anumang pagmamahal, o
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 5
ni hangaring umusal nito. Ano po ba ang
dapat kong gawin?‛
Ang talatang ito ay pangalawa sa walong
aral ni Śrīman Mahāprabhu. Aniya, ‚O
Panginoon, ibinigay Mo na sa akin ang
lahat maiangat lang ako sa materyal na
mundong ito. Walang-alinlangang sadya
talagang napakabuti Mo, dahil nais Mo
akong iligtas, at ang sabi Mo, pagbigyan
lang Kita kahit sandali at tanggapin ko ang
pagpapalang ipinagkakaloob Mo, kaya
lamang, nagbingi-bingihan ako, hindi ko
pinakinggan ang panawagan Mo, ni hindi
ko pinansin ang kabaitan Mo. O Panginoon,
bakit po ako ganito, ano bang kamalasan
meron ako.‛
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 6
Sa unang talata pa lamang nang Kanyang
Śikṣhāṣṭakam ay matinding pag-asa na
kaagad ang binigay sa atin ni Śrī Chaitanya
Mahāprabhu. Ayon sa Kanya, kapag
maayos at tama ang ginamit nating
pamamaraan sa pagbigkas, pag-usal o kaya
sa pag-awit nang Banal na Pangalan ni
Kṛṣṇa, tayo ay unti-unting tataas, at habang
tumataas tayo, pitong bagay ang malalahad
sa atin. Una, lilinisin nito, nang Banal na
Pangalan, ang ating isipan at kunsyensya;
pangalawa, palalayain tayo ng Banal na
Pangalan mula sa anumang klaseng
kamunduhan. Ikatlo, magigising sa loob ng
puso natin ang positibong kabutihan upang
dalhin tayo sa Vrndāvan. Hanggang sa
makarating tayo sa konseptong vadhū, sa
ilalim ng pamamahala at gabay ni yogamāya
ng svarūpa-śhakti, nang internal na
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 7
kapangyarihan ng Panginoon. At dahil tayo
ay isang uri ng kapangyarihan ng
Panginoon, ibig sabihin, kailangang
pagsilbihan natin si Kṛṣṇa nang walang
anumang kaakibat na kundisyon o
kahilingan. Ang salitang vadhū ay
tumutukoy sa rasa, na ang ibig sabihin ay
ganap at lubusang ikinukunekta sa
Panginoon sa antas ng madhura-rasa.
ISANG KARAGATAN NG KALUGUD-LUGOD AT SOBRA-SOBRANG KASIYAHAN
At kapag ang antas na ito’y atin na ngang
narating, ano pa ang maaaring mangyari sa
atin? Ang sabi, tayo ay magiging isang
maliit na bahagi sa isang karagatan ng
kaligayahan, at ang kaligayahang ito
kailanma’y hindi napaglipasan ng
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 8
panahon, napanis, o kaya’y nakapirmis
lang at parang tuod na nakatindig lamang,
kundi, ito’y buhay na buhay, masiglang-
masigla at palaging puno ng buhay at
palaging bago at presko; at higit sa lahat,
lilinisin tayo nito. At bagama’t hahayaan
parin nila tayong magkaroon nang sariling
katauhan, ganunpaman, mararamdaman
natin na ang bawat himaymay at bahagi ng
ating katauhan ay nagiging malinis at
nagiging busilak sa pagbigkas natin sa
Pangalan.
Sa unang talata, ibinigay ni Mahāprabhu
ang Kanyang tesis, pagdating sa ikalawang
talata, doon naman Niya ibinigay ang
pagsalungat sa Kanyang paniniwala, ang
Kanyang kontra-tisis. Ang naging
katanungan Niya’y ganito, kung ang pag-
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 9
asa talaga nati’y totoong nasa Banal na
Pangalan, bakit hanggang ngayo’y
naghihirap parin tayo? Saan tayo
nagkamali? Bakit hanggang sa ngayo’y
hindi parin natin natitikman ang sinasabing
kabaitan at kabutihan ng Banal na
Pangalan? Hindi ba’t ang sabi pa’y hindi
natin maaarok o mabibilang ang kabaitan
ni Kṛṣṇa? Hindi ba’t ang sabi hindi daw
natin mabibilang ang mga biyayang
ipinagkaloob Niya sa atin nang walang
anumang kapalit? Hindi ba dapat ito ang
hinahanap-hanap natin, ang lasa nito, ang
linamnam nang lasa ng Banal na Pangalan?
Kaya lamang ang problema—wala ako nito.
Ako ba’y hanggang dito na lamang, talaga
bang wala na akong kapag-a pag-asa?
Papaano natin mararating ang antas na ito?
Oo nga’t sa araw-araw ito ay pormal nating
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 10
inuusal, ganunpaman, bakit hanggang
ngayo’y hindi parin ito tumitimo sa loob ng
puso ko? Ano ba talaga ang dapat kong
gawin? Papaano ko makukuha ang
pagkakataong ito upang tumaas naman
ako? Ang mga kasagutan nito’y ating
matutunghayan sa ikatlong talata.
Bagama’t sa ating palagay hindi tayo
karapat-dapat sa ipinagkakaloob na biyaya,
ganunpaman, ito’y hindi parin sapat na
dahilan upang mawalan tayo ng pag-asa.
Dahil sa sandaling dumating na tayo sa
ganitong klaseng konsepto ng kaisipan, ibig
sabihin tayo ay pumapasok na sa konsepto
ng pagpapakumbaba, dahil pakiramdam
nati’y maliit at hamak na nilalang lamang.
Pagdating sa larangan ng debosyon o
pamimintuho sa Panginoon,
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 11
mararamdaman nating tayo’y mga kutung-
lupa, maliit at masmababa lamang,
walang-halaga sa harapan ng walang-
hangganang Panginoon. Dahil ganito ang
malalagay sa ating isipan, ‚Kaya ko bang
suklian ang nagawang kabaitan sa akin ng
Panginoon; ang totoo’y hindi talaga ako
karapat-dapat sa mga pagpapala ng
Panginoon dahil kahit na katiting na
katangian ay wala ako.‛ At kapag ganito na
ang takbo ng ating kaisipan, unti-unti
naman tayong pumapaloob sa konseptong,
‚Wala akong kakayahan. Dahil ako’y isang
hamak at maliit na tao lamang, at ni-wala
kahit anumang katangian.‛
At hindi lamang ganito ang
mararamdaman ng isang deboto, kundi,
dahil sa nagawa niyang kalokohan at
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 12
katarantaduhan at sa dami nang nagawa
niyang kasalanan iisipan niyang siya’y
hindi talaga karapat-dapat sa larangan ng
paglilingkod sa Panginoon. Tulad ng
naging pahayag ni çrīla Kù£òadåsa Kaviråja Goswåmī: ‚Ako’y higit na masmababa pa
sa isang uod na nasa tae, at higit na
masmakasalanan pa kina Jagåi at Mådhåi. Jagaī mådhåi haite muñi se påpi£éha purī£era
kīéa haite muñi se laghi£éha. Subalit huwag
kayong mabahala halimbawang ang
ganitong damdamin na ang umiiral sa
inyong kalooban, na kayo’y punung-puno
ng kamalasan, dahil ang ganitong klaseng
damdamin, na sangkap upang tayo’y
makapaglingkod sa Banal na Pangalan ni
Kṛṣṇa ay natural lamang na nararamdaman
ng isang deboto.
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 13
Subalit ganunpaman, kailangang maging
maingat parin tayo, bantayan natin ang
ating mga sarili, dahil baka gumagawa na
tayo ng sarili nating pamamaraan ng
debosyon; dahil ito ang isang kaaway natin.
Hindi masama kung ganito talaga ang nasa
isip natin, ‚Wala talaga akong
maramdaman para sa Panginoon,‛ ay ayos
lamang. Subalit kapag ganito na, ‚ganito
ang gusto ko, ‘yan ang gagawin ko, at ito
ang gusto kong maging debosyon sa
Panginoon,‛ ay mali, at delikadong
kaisipan.
Ang Mundo ng mga Hambog at
Mayayabang
Kaya, kung nais natin talagang
magkaroon ng kuneksyon sa walang-
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 14
hangganan, dapat ang lahat ng ito’y alisin
na natin; dapat ganap at kumpleto tayong
nagpapakasakit at nagsasakripisyo. Ang
lahat ng nakakamit natin mula sa mundong
ito’y pawang negatibo, kung ganoon, tama
lamang na alisin natin ng tuluyan ang sarili
natin dito sa negatibong mundong ito. At
dapat ganito na ang nasa isipan natin,
‚Ako’y walang-halaga, walang kahit
anumang katangian at kakayahan; ni hindi
ako karapat-dapat sa gawain ng
paglilingkod sa Panginoon. Dahil ako’y
isang hamak na tao lamang.‛ Sa madaling-
salita, ilayo natin nang lubusan ang mga
sarili natin mula sa mundong ito ng mga
hambog at mayayabang at hayaan nating
mabihag ang mga sarili natin ni Yogamåyå,
nang internal na kapangyarihan ng
Panginoon. Ang alipin ay walang poder, ni
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 15
walang anumang karapatan, dahil ang
lahat ng ito’y pag-aari na nang kanyang
amo. Lahat ay kanyang pag-aari. Dapat ang
mga bagay na ito’y tanggap ninyo at inyo
nang naunawaan, dahil ito talaga ang ating
katangian. Dahil hangga’t sa paniniwala
mo may karapatan at kakayahan ka,
mananatiling naghihirap kaKung kaya’t
ang sabi mismo ni çrī Chaitanya
Mahåprabhu, ‚Sa totoo lang, ni hindi Ko
maramdaman ang sinasabing pag-ibig kay
Kù£òa (na prema-gandho ‘sti daråpi me harau).‛
Ito ang tamang pamantayan. Dito natin
susukatin ang sinasabing
pagpapakumbaba. At dapat ang
damdaming ito’y talagang totoo; at hindi
pakitang-tao lamang. Kaya dapat maging
maingat tayo. Huwag natin gagayahin
kailanman ang mga matataas na deboto.
Sri Sikshastakam
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos 16
Dapat totoo talaga natin itong
nararamdaman, na tayo’y isang hamak na
tao lamang, walang-anumang pag-aari at
karapatan dahil ang lahat ng ito’y Kanya
lamang—dahil tanging ito lamang ang
paraan upang mabigkas natin ang Banal na
Pangalan ni Kù£òa.
Top Related