7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 1/31
Pamantasan ng Lungsod ng MaynilaIntramuros, Manila
Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan saLaboratoryo ng Haynayan sa Akademikong
Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Isang pananaliksik
Bilang Patupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa AsignaturangPagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Ipinasa ni:
Abuan, Mary Jude Marby Faith F.Cuevas, Marie Angelica G.
De Luna, Zsarina Beatriz L.Estopace, Mariz Lynzel E.Paderanga, Katrina Alta J.
Vergara, Jolina T.
BS Biology 1-1
Ipinasa kay:
Bb. Sherlyn Salgado
Dalubguro
Pebrero 2013
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 2/31
DAHON NG PAGPAPASIYA
Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, ang
pananaliksik na ito na pinamagatang Epekto ng Kakulangan ng
Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto
ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BS Biology
I-1 na binubuo nina:
Mary Jude Marby Faith Abuan Jolina Vergara
Marie Angelica Cuevas Katrina Alta Paderanga
Zsarina Beatriz De Luna Mariz Lynzel Estopace
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Agham ,
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, bilang isa sa mga pangangailangan sa
asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Shirley B. Salgado
Propesor ng FIL 102
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 3/31
ABSTRAK NG PAG-AARAL
Ang Agham ay may layuning tumuklas, magpaliwanag, at mag-
obserba ng mga bagay, buhay man o hindi, sa mundong ating ginagalawan.
Malaki ang ginagampanan ng mga laboratory lalung-lalo na sa mga taong
dalubhasa sa larangan ng Agham. Ito ang tumatayo nilang tahanan upang
makapagsagawa ng mga bagong tuklas na siyang makapagpapabuti at
makapagpapaunlad ng ating mga buhay. Isa sa sanga ng Agham ang
Haynayan. Ang bahaging ito ng Agham ay nag-aral at nag-oobserba ng mga
buhay na bagay na mayroon sa ating mundo. Mahalaga para sa mga taong
nag-aaral at dalubhasa rito na makita at ma-obserbahan ng aktwal ang mga
buhay na nilalang. Bilang mag-aaral sa larangang ito, malaki ang gampanin
ng laboratoryo kasama ang iba’t-ibang aparato. Nagiging epektibo ang
pagkatuto kung ang mga konseptong may kaugnayan ditto ay nailalapat.
Mahalaga ang bawat eksperimentong isinasagawa rito dahil bukod sa
epektibong pagkatuto ay napapataas nito ang interes ng mga mag-aaral,
kahusayan, at pati na rin ang kabuluhan ng kanilang pinag-aaralan.
Ang pinakamahalagang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin at suriin
ang mga mabuti at masamang epekto ng kakulangan at kalumaan ng mga
kagamitang panlaboratoryo sa kahusayan ng mga mag-aaral ng BS
Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang mga sumusunod ay
ispesipikong layunin ng pananaliksik:
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 4/31
1. isa-isahin ang mga aparato na matatagpuan at magagamit sa
laboratoryo ng haynayan ng PLM.
2. Alamin ang mga dahilan kung bakit nararanasan ng Pamantasan ang
kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo ng haynayan.
3. Isa-isahin ang mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral upang
masolusyonan ang kakulangan sa mga kagamitang panlaboratoryo.
Makakakalap ng mga datos sa mga silid-aklatan at internet ng mga
dyornal, artikulo, at iba pang materyales na maaring pagkunan ng mga
impormasyong makakatulong sa pag-aaral na ito. Magsasagawa din ng
sarbey sa paraang deskriptib na naglalaman ng sampung katanungan.
Sasagutan ito ng mga mag-aaral ng BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod
ng Maynila.
Ipapakita ng magiging resulta sa pag-aaral na ito na magiging malaki
ang gampanin ng paggamit at paggugol sa mga kagamitang panlaboratoryo
sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral. Naglalaman ito ng (pages)
pahinang papel kasama ang mga dahong dagdag.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 5/31
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay buong pusong nagpapasalamat sa mga
sumusunod na indibidwal at grupo na nagkaroon ng malaking kontribusyon
at naging dahilan upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito:
- Sa Panginoong maykapal na siyang gumabay at nagbigay ng sapat na
lakas at tapang sa bawat isa sa amin upang hindi sumuko sa pagharap
sa bawat pagsubok na dala ng pananaliksik.
- Kay Bb. Shirley B. Salgado, ang propesor sa asignatura , na nagbigay
ng kaalaman, mungkahi, at proseso upang magampanan at mapabuti
ang kalalabasan ng pananaliksik.
- Sa mga estudyante ng Haynayan na naglaan ng oras upang sagutin
ang sarbey na inihanda ng grupo. Walang istatistikal na datos ang
mailalagay at hindi maisasakatuparan ang pananaliksik na ito kung
hindi dahil sa mga kasagutan nila.
- Sa mga may-akda, editor at iba pang mga mananaliksik ng aklat at
artikulong pinagkuhanan sa pagbuo at paggawa ng Kabanata II.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 6/31
- Sa mga guro ng Kolehiyo ng Agham, lalo na kanila Ma’am Fe Corazon
A. Jacinto at Ma’am Michelle A. Ventura sa malugod na pagtanggap at
pagpapahintulot sa aming grupo na tumingin sa imbentaryo ng mga
aparato sa laboratoryo ng Haynayan upang matiyak ang mga
impormasyong nakalaan para sa pananaliksik.
- Sa mga kaklase at kaibigang nagbigay ligaya at kasiyahan habang an
gaming grupo ay nasa proseso ng paggawa ng pananaliksik.
- Sa aming pamilya, na nagpayabong ng aming isipan, nagbigay ng
walang humpay na suporta at pag-aaruga, emosyonal na tulong at
paghihikayat na aming matatapos ito.
Maraming Salamat!
-Mga Mananaliksik
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 7/31
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata Pamagat Pahina
Pahina ng Pamagat iDahon ng Pagpapasiya ii
Abstrak ng Pag-aaral iiiPasasalamat v
Talaan ng Nilalaman vii
I Panimula
A. Kaligirang Pangkasaysayan 1B. Paglalahad ng Suliranin 2
C. Kahalagahan ng Pag-aaral 3D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3
II Konseptwal na Balangkas
A. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 5B. Sintesis 7
C. Konseptwal na Balangkas 9D. Kahulugan ng mga Terminolohiya 10
III Metodolohiya
A. Disenyo ng Pananaliksik 12B. Instrumentasyon 12
C. Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral 13
D. Istatistikal na Pagsusuri 14
Sanggunian 20Dahong Dagdag 21
Pansariling Tala 25
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 8/31
Kabanata I: Panimula
A. Kaligirang Pangkasaysayan
Ang Agham, na mabibigyang kahulugan bilang sistematikong proseso
ng pagtamo ng kaalaman at organisadong bahagi ng kaalaman, ay isang
malawak at komplikadong disiplina na karunungan at ito ay sumasaklaw
pa sa mga iba pang disiplina ng kaalaman. Isa na rito ay ang Biology o
Haynayan na siyang nag-aaral sa mga nabubuhay na organismo- makro
at mikro- sa mundo katulad na lamang ng mga hayop, halaman, tao, at
iba pa.
Ang Haynayan ay isang buhay at dinamikong bahagi ng Agham na
nangangailangan ng patuloy na pananaliksik at pag-iimbestiga sapagkat
araw- araw ay may panibagong mga natutuklasan na nakapagpapamulat
sa mga tao sa napakalawak at napakalalim na mundo ng Haynayan.
Sapagkat ito ay nagsusuri sa mga nabubuhay na organismo,
nangangailangan ito ng makabagong kagamitang buhat ng teknolohiya
upang pag-ibayuhin pa ang pag-aaral dito. Kung kaya’ t may mga
laboratoryo. Ang laboratoryo ay isang pasilidad na nagbibigay ng
kontroladong kundisyon kung saan ang isang siyentipikong eksperimento
ay maaring isagawa. Matatagpuan sa loob ng laboratoryo ang mga
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 9/31
aparato na siyang tutulong sa pagtuklas, pag-alam, at pag-aaral ng mga
komplikado at maliliit na detalye na sakop ng Haynayan.
Ang mga mananaliksik, mula sa Kolehiyo ng Agham na may kursong
BS Biology ay nagsagawa ng pananaliksik patungkol sa epekto ng
kakulangan ng kagamitang panlaboratoryo sa laboratoryo ng Haynayan.
Ang pananaliksik ay bunga ng kanilang pansariling karanasan ukol sa
problemang naidulot ng kakulangan na aparato na magagamit sa klase.
Gayundin, ninanais ng mga mananaliksik na alamin ang opinyon ng
kapwa mag-aaral ukol sa suliranin.
B. Paglalahad ng Suliranin
Ang mga sumusunod na suliranin ang nais masolusyonan ng buong
pananaliksik:
1. Anu-ano ang mga siyentipikong aparato ang lubos na kinakailangan
sa laboratoryo ng Haynayan?
2. Bakit nararanasan ng Pamantasan ang kakulangan ng kagamitan sa
mga aparato lalung-lalo na sa Haynayan?
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 10/31
3. Anu-ano ang mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral upang
masolusyonan ang kakulangan ng mga kagamitan?
4. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng kakulangan ng
kagamitan ng Pamantasan sa mga mag-aaral?
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral ay maipabatid sa mga kinauukulan ang
kakulangan sa kagamitang panlaboratoryo ng Pamantasan. Sa pag-aaral
naito, kanilang magagawan ng paraan kung paano pa magkakaroon ng
sapat na mga kagamitan ang laboratoryo ng haynayan. Ang pagtugon ng
mga kinauukulan sa pag-aaral na ito ay magiging hakbang upang
mabawasan ang mga suliranin ng mga mag-aaral ng BS Biology.
Makikinabang rin sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng BS
Biology. Ang pagkakaroon ng kakulangan sa kagamitang panlaboratoryo
ay makapag-bibigay daan sa pagiging mapamaraan ng mga mag-aaral.
D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng
laboratoryo at ang epekto ng kakulangan ng mga aparato sa akademikong
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 11/31
pagganap ng mga mag-aaral sa ilalim ng kursong BS Biology ng
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Ang mga mananaliksik ay
magtutuon lamang sa 100 mag-aaral ng nasabing pamantasan at kurso.
Sila rin ay kukuha ng imbentaryo sa tanggapan ng Kolehiyo ng Agham
para alamin ang mga kagamitang mayroon ang unibersidad subalit hindi
pinayagan ang mga ito na kumuha ng sariling kopya. Ang mga
respondente ay bibigyan ng isang pagsusuri (survey) na nag lalaman ng
sampung katanungan na nagpapatungkol sa magiging kasagutan ng mga
suliraning nakapaloob sa nasabing pag-aaral.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 12/31
Kabanata II: Konseptwal na Balangkas
A. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura
Bilang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM),
isang prebilehiyo para sa atin ang mapabilang sa pangkat ng mga iskolar ng
bayan. Bukod sa libre ang edukasyon, maganda rin ang akademikong
pagganap nito at sa katunayan nga ay isa ang PLM sa mga mahuhusay na
unibersidad sa iba’t ibang larangan dito sa ating bansa. Maraming mga kurso
rin ang mayroon sa PLM at isa na sa listahan ang kursong BS Biology na
nasa ilalim ng Kolehiyo ng Agham.
Malaking bahagdan ng buhay ng isang mag-aaral sa ilalim ng kursong
BS Biology ang umiikot sa mundo ng agham. Kaakibat ng Agham ang
pagtuklas, pananaliksik, at pagpapaliwanag ng mga pangyayaring dulot ng
kalikasan. Dahil dito napakahalaga ng mga eksperimento o mga praktikal na
pagsasanay upang maging epektibo ang pagkatuto ng mga kaalaman at
konseptong kaugnay sa larangang ito. Importante sa kursong ito ang
aplikasyon o paglalapat ng mga konseptong natutunan upang magkaroon
nang bagong tuklas na makatutulong at maaaring makapagpabuti ng
pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Meszaros (2005), “Biology is a laboratory
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 13/31
science! Teaching Biology requires that students receive laboratory
instruction and engage in appropriate hands-on activities” (p.22). Malaki ang
dulot ng paglalapat ng mga konsepto sa Biology sa epektibong pagkatuto ng
mga mag-aaral lalo na kung ito ay maisasagawa.
Ayon sa isang pag-aaral, mas maraming natututunan ang isang mag-
aaral na gumagamit ng parehong “lecture” at “laboratory approach” sa pag-
aaral ng siyensya (www.sciencefirst.com). Ang paggamit ng laboratoryo ay
nagbibigay daan para sa mga mag-aaral na lubusang magamit ang mga
natutunan nila mula sa mga aklat. Nagiging daan ito para matamo ng mga
mag-aaral ang lohikal at rasyunal na kakayahan sa paggawa at pag-aanalisa
ng mga siyentipikong argument.
Ayon naman kay Dahar at Faize (2001), importanteng magkaroon ng
interaksyon ang isang mag-aaral sa loob ng laboratoryo upang mas maging
pamilyar siya sa tunay na proseso ng nagaganap sa isang sitwasyon. Mas
nagiging makabuluhan ang mga napapag-aralan at nababasa ng mga mag-
aaral kung nagagawa niyang manipulahin ang mga kagamitang
panglaboratoryo upang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa tunay na
konsepto ng proseso ng siyensya.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 14/31
Sa isang pag-aaral na ginawa ni Bello (2012) sa Nigeria, kanyang
napagtanto na kaya bumabagsak ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa
sekondarya sa asignaturang Pisika ay dahil sa hindi sapat ang mga
kagamitang panlaboratoryo na dapat ay ipinagkakaloob ng mga paaralan.
Kanya ding nalaman na ang pagkakaroon at paggamit ng mga kagamitang
panlaboratoryo ay nakakapagpataas ng akademikong pagganap ng mga
mag-aaral sa nasabing asignatura. Ang lubusang pag-gugol sa mga
kagamitang panlaboratoryo ay nakakapagpaunlad ng kalidad ng pagkatuto
ng isang mag-aaral.
Ayon sa tanggapan ng Kolehiyo ng Agham, ang mga sumusunod na
kagamitang panglaboratoryo ang mayroon ang PLM: Microscope, Thermal
Cycler Dice,Centrifuge ,Refrigerator, Microtome, Labnet Vortex Mixer, Digital
Incubator, Dual Transilluminator, Submarine electrophoresis system,
autoclave.
B. Sintesis
Ang laboratoryo at ang mga kagamitang nakapaloob dito ay mahalaga
sa pagpapataas ng antas ng karunungan lalo na sa larangan ng siyensa.
Mahalaga na masaksihan ng bawat mag-aaral ng nasabing kurso ang
aktuwal na representasyon ng mga konseptong napapaloob sa haynayan.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 15/31
Lumalabas na malaki ang naitutulong ng laboratoryo sa mabilis at
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.
Mahalagang usapin din ang mga tagapagturo sa Asignaturang ito sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng mga prosedyur ay dapat
may kalinawan at nararapat din na malawak ang nalalaman nila sa
asignaturang kanilang hinahawakan upang sa gayon ay maganda ang
pagpapalitan ng kaalaman, interaksyon saklase at ang pagpapataas ng
interes ng mga mag-aaral habang isinasagawa ang bawat eksperimento.
Dagdag pa dito ay hindi rin magdurusa ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa
loob ng laboratoryo kung malinaw at maayos ang pagbibigay ng kaukulang
tagubilin bago pa man simulan ang bawat eksperimento. Mas lalong
mapaiigting ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa ganitong uri ng interaksyon
at paglalapat sa klase.
Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga praktikal na eksperimento sa
laboratory sa pagpapaunlad ng akademikong pagkatuto. Hindi sapat ang
kaalamang itinuturo sa loob ng mga silid aralan, kaya mahalaga ang
pagkakaroon ng interakyon sa laboratory at sa mga kagamitang mayroon
ito.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 16/31
C. Konseptwal na Balangkas
Mga aparato na makikita at magagamit sa
laboratoryo ng Haynayan ng Pamantasan ng
Lungsod ng Maynila
Mga dahilan kung bakit nararanasan ngPamantasan ang kakulangan ng kagamitan sa
laboratory ng Haynayan
Mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral
upang masolusyonan ang kakulangan sa
kagamitang panlaboratoryo
Mga epekto ng pagkakaroon ng kakulangan sa
mga kagamitang panlaboratoryo
Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan
sa Laboratoryo ng Haynayan saAkademikong Pagkatuto ng Mag-aaralsa BS Biology ng Pamantasan ngLungsod ng Maynila
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 17/31
Sdddddddddd
D. Kahulugan ng mga Terminolohiya
Microscope– isang aparato na ginagamit upang makita pa ng malapitan ang
maliliit at mikroskopikong mga bagay.
Centrifuge – kasangkapan na binubuo ng isang kompartimentong
nangangala sa pinakamahalagang aksis upang paghiwalayin ang mga
nilalaman na materyales ng iba't-ibang mga espesipikong bigat, o upang
paghiwalay in ang mga koloidal na tipik nasan sala dahil sa isang likido.
Refrigerator – Isang kagamitan o kompartimento na artipisyal na
pinananatiling malamig ang materyales at ginagamit upang mag-imbak ng
pagkain at inumin.
Microtome – Isang instrument para sa paggupit ng lubhang manipis na
bahagi ng material para sa pagsusuri sa ilalim ng mikroskopyo.
Labnet Vortex Mixer – isang simpleng aparato na ginagamit karaniwan sa
mga Laboratoryo upang maihalo sa maliit na sisidlan ng likido. Ito ay
binubuo ng isang motor na de- kuryente na pumupwersa sa katawan ng
aparato na nakatuon patayo at nakadikit sa isang hugis-tasang piraso ng
goma na bahagyang umaakyat palayo sa gitna.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 18/31
Digital Incubator - ang digital incubator ay isang aparato na may isang silid
na ginagamit upang magbigay ng sapat at maayos na kondisyon lalo na sa
paglilinang ng mga mikroorganismo o sa pangangalaga at proteksyon ng
mga napaagang pinanganak o sakiting sanggol.
Autoclave - ay isang aparato na ginagamit upang pakuluan ang kagamitan
sa pamamagitan ng pagsasailalim ng mga ito sa mataas na presyon ng
tigmak na init na umaabot sa 121 ° C, humigit-kumulang 15-20 minuto
depende sa laki ng karga at ang mga nilalaman nito.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 19/31
Kabanata III: Metodolohiya
A. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey
Research Design, na gumagamit ng talatanungan upang makalikom ng datos
na siyang magiging daan upang masagot ang mga suliranin. Naniniwala ang
mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sa paksa sapagkat
organisado at nakatala ang mga impormasyong makukuha mula sa mga
respondente.
B. Instrumentasyon
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na naglalayong
makakuha ng datos upang malaman ang epekto ng kakulangan ng mga
kagamitan sa laboratoryo ng Haynayan sa akademikong pagkatuto ng mga
mga-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 20/31
Bukod sa sarbey, ang imbentaryo ng mga kagamitan sa laboratoryo ng
Haynayan ang naging primerong basehan ng mga datos ng mga
mananaliksik. Nagkaroon rin ng maikling panayam sa ilan sa mga dalubguro
ng Kolehiyo ng Agham ukol sa mga kagamitan sa laboratoryo. Humango rin
ang mga mananaliksik ng iba pang impormasyon mula sa mga libro,
dyornal, at internet.
C. Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng sarbey o talatanungan sa mga
mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at mula sa
mga impormasyong nakalap, kukunin ang bahagdan ng magkakaparehong
sagot ng mga respondente sa bawat tanong. Masusing pinag-aralan at
ginawan ng pagbubuod at konklusyon ang mga sagot. Sa paraang ito,
nakuha ang pananaw ng mga respondente ukol sa paksa ng pananaliksik.
D. Istatistikal na Pagsusuri
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 21/31
1. Sapat ba ang kagamitang panglaboratoryo ng pamantasan upang
mapunan ang iyong pangangailangan sa kursong Bs Biology?
(Talahanayan 1) Ipinapakita dito na may saktong kagamitang panlaboratoryo angPamantasan.
2. Nakakapagpasa ka ba ng “lab report” sa tamang oras sa kabila ng
kakulangan ng kagamitan sa laboratory?
(Talahanayan 2) Mas marami ang nakapagpapasa ng lab report sa kabila ng kakulangan ng
aparatong panlaboratoryo.
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth year
Hindi
Medyo
Oo
Total
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth year
Hindi
Medyo
Oo
Total
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 22/31
3. Lahat ba ng mga gawain/eksperimento ay naisasagawa ng maayos
gamit ang mga aparatong meron sa laboratory ng pamantasan?
(Talahanayan 3) Mas maraming nagsasabi na nasa katamtamang antas lamang angpagsasagawa ng mga eksperimento
4. Bumababa ba ang marka ng isang mag-aaral dahil sa kakulangan ng
kagamitan sa laboratory?
(Talahanayan 4) Hindi bumababa ang marka ng mga estudyante kahit kulang ang
gamit sa laboratoryo.
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth year
Hindi
Medyo
Oo
Total
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth year
Hindi
Medyo
Oo
Total
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 23/31
5. Sa iyong palagay, masyado na bang luma ang mga kagamitan sa
laboratory?
(Talahanayan 5) Ang mga kagamitan sa laboratory ng Haynayan ay hindi gaanongluma kung kaya’t nagagamit pa.
6. Kinakailangan pa bang pumunta sa iba’t ibang institusyong pang-
agham (DOST, atbp.) upang maisagawa ang ilang eksperimentong
kailangan sa kurso mo?
(Talahanayan 6) Hindi gaanong kinakailangang pumunta sa mga
institusyon upang magsagawa ng mga eksperimento.
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth year
Hindi gaano
Hindi
Oo
Total
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth year
Hindi gaanoHindi
Oo
Total
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 24/31
7. Ano-anong alternatibong paraan ang iyong ginagawa upang mapunan
ang kakulangan ng Pamantasan sa kagamitang panglaboratoryo?
(Talahanayan 7) Ang alternatibong paraan na madalas na isinasagawa ay angpaggamit ng ibang bagay na kasing epektibo ngunit hindi mahal at mahirap hanapin.
8. Alin sa mga ss. na aparato ang kadalasang ginagamit ninyo sa
laboratoryo?
(Talahanayan 8) Pinakamadalas na gamitin ay ang Microscope
9. Iniingatan mo ba ang mga kagamitan sa laboratoryo?
0 20 40 60 80
Q07A
Q07B
Q07C
Q07D
Q07E Fourth year
Third year
Second year
First year
Total
0 20 40 60 80 100
Microscope
Thermal cycle dice
Centrifuge
Refrigerator
Microtome
Labnet vortex mixer
Digital incubator
Dual transilluminator
Submarine electrophoresis system
Autoclave
Fourth year
Third year
Second year
First year
Total
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 25/31
(Talahanayan 9) 97-98% ang nagsasabing kanilang iniingatan ang mga kagamitan
sa laboratory.
10. Nagiging epektibo pa rin ba ang pagkatuto sa kabila ng
kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo?
(Talahanayan 10) Sa kabila ng kakulangan ng kagamitan, epektibo pa rin ang
pagkatuto.
Mula sa mga resulta at representasyon, makikitang may karampatang
mga kagamitan ang laboratoryo ng Haynayan ng Pamantasan na madalas
na ginagamit ng mga mag-aaral (microscope) ngunit may kalumaan ang
mga ito at mayroong mga aparato na hindi pa nagagamit.
Sa kabila ng kakulangan at/o kalumaan ng mga aparato sa
laboratoryo, epektibo pa rin ang akademikong pagganap at pagkatuto ng
mga mag-aaral sapagkat sila ay nahihikayat na humanap ng ibang
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth yearMinsan
Hindi
Oo
Total
0 20 40 60 80 100
Total
First year
Second year
Third year
Fourth year
Hindi
Medyo
Oo
Total
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 26/31
alternatibo at magdiskubre ng mga makabagong inobasyon na siya
naming layunin at hangarin ng Agham.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 27/31
SANGGUNIAN
Dahar, M. A., & Faize F. A. (2011). Effect of the Availability and the use of
Science Laboratories on Academic Achievement of Students in Punjab
(Pakistan). European Journal of Scientific Research, pp.193-202.
Bello, T. O. (2012). Effect of Availability and Utilization of Physics
Laboratory Equipment on Students’ Academic Achievement in Senior
Secondary School Physics. World Journal of Education (Vol. 2, No. 5).
Retrieved February 26, 2013 from http://www.sciencefirst.com/advanced-
science-laboratory-equipment.html
Meszaros, M. W. (2005). Special focus in biology: The importance of
laboratory work. The teaching series.
National Association of Biology Teachers. (2005). Role of Laboratory and
Field Instruction in Biology Education.
http://www.nabt.org/websites/institution/index.php?p=95 retrieved:
February 27, 2013.
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 28/31
DAHONG DAGDAG
A. Talatanungan (sarbey)
Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa
Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng
Lungsod ng Maynila
Pangalan:
Edad:
Taon:
1) Sapat ba ang kagamitang panlaboratoryo ng Pamantasan upang
mapunan ang iyong pangangailangan sa kurso mong BS Biology?
2) Nakapag-papasa ka ba ng “lab report” sa tamang oras sa kabila ng
kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo?
3) Lahat ba ng mga gawain/eksperimento ay naisasagawa ng maayos
gamit ang mga aparatong mayroon sa laboratoryo ng Pamantasan?
oo medyo hindi
oo medyo hindi
oo medyo hindi
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 29/31
4) Bumababa ba ang marka ng isang mag-aaral dahil sa kakulangan ng
kagamitan sa laboratoryo?
oo medyo hindi
5) Sa iyong palagay, masyado na bang luma ang mga kagamitan sa
laboratoryo?
oo hindi Hindi gaano
6) Kinakailangan pa bang pumunta sa iba’t ibang institusyong pang-
agham (DOST, atbp.). upang maisagawa ang ilang eksperimentong
kailangan sa kurso mo?
oo hindi Hindi gaano
7) Ano-anong alternatibong paraan ang iyong ginagawa upang mapunan
ang kakulangan ng Pamantasan sa kagamitang panlaboratoryo? (Maaring
pumili ng higit sa isa)
a. ikaw na ang nagdadala ng gamit na kailangan
b. paggamit ng ibang bagay bilang alternatibo
c. panghihiram ng gamit sa labas ng Pamantasan
d. hindi pagsasagawa ng eksperimento
e. Ibang sagot: _______________________________
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 30/31
8) Alin sa mga sumusunod na aparato ang kadalasang ginagamit ninyo sa
laboratoryo? (maaaring pumili ng higit pa sa isa)
___Microscope
___Thermal Cycler Dice
___Centrifuge
___Refrigerator
___Microtome
___Labnet Vortex Mixer
___Digital Incubator
___Dual Transilluminator
___Submarine electrophoresis system
___autoclave
9) Iniingatan mo ba ang mga kagamitan sa laboratoryo?
oo hindi minsan
10) Nagiging epektibo pa rin ba ang pagkatuto sa kabila ng kakulangan
ng kagamitan sa laboratory?
oo medyo hindi
7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…
http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 31/31
B. Imbentaryo ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan
Item Classification Quantity
Digital Incubator
Technical and
Scientific Equipment
2
Dual Transilluminator1
Submarine Electrophoresis System1
Labnet Vortex Mixer1
Microtome1
Nikon Binocular Microscope
30Refrigerated Centrifuge
2
Refrigerator1
PCR Thermal Cycler Dice1
Centrifuge1
Airegard Laminar Air Flow2
Nikon E-100 MicroscopeMedical Dental
Laboratory Equipment21
Top Related